Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20

I woke up because of a headache. My head is throbbing with pain. Fuck that experimental drink of Dasher!

I looked for my phone and checked the time. It's already two in the afternoon! Fuck!

I rose up and saw a note and a medicine with a glass of water on the side table.

Call me when you woke up. Drink this.

I clean my self in the bathroom and took the medicine that Vynz left as I dialled Vynz's number on my phone at pagkatapos ng isang ring ay may sumagot agad doon.

"How are you feeling?"

Hinilot ko ang aking sentido. "My head aches."

"Did you take your medicine?" Marahang sambit nito.

"Yes."

"I have an emergency meeting that's why I left but I'm on my way. Pauwi na 'ko. Anything that you want me to buy?" He asked.

I shook my head na para bang makikita niya iyon. "Nothing. Can I borrow your laptop? May kaylangan akong isend sa secretary ko."

"Its in my private room." He said then told me the password of his laptop.

Agad akong nagtungo sa private room niya. Madalang akong makapunta sa private room niya, iyon ang nagsisilbi niyang office sa penthouse. Ayoko ng madalas na pumapasok roon dahil nandoon ang mga files niya at baka magtaka pa siya kung bakit ako madalas doon.

I'm aware sa CCTV na naroon sa private room niya. Maliit iyon na bilog kaya naman aakalain ng iba na isang simpleng bagay lang iyon at hindi isang CCTV. Sa ilang araw na pananatili ko rito ay palihim kong iniinspeksyon ang penthouse at bukod tanging sa private room lang ni Vynz mayroong CCTV.

Agad kong nakita ang laptop ni Vynz dahil nakapatong lang iyon sa table niya. I opened it and typed the pass that he told me. Ganoon kalaki ang tiwala niya sa akin. I'm sure may mahahalagang files sa laptop niya pero walang alinlanggang binigay niya sa akin ang password nito.

Vynz's account is logged in. Hindi ko intensyon na tingnan ang mga email doon but I got curious on Hoax's email. Ngayong araw lang sinend ito at hindi pa nababasa ni Vynz dahil nakahighlight pa. Wala sa sariling binuksan ko iyon. Muntik na akong mapamura ng makita na ang subject na nakalagay doon ay Cosmos. My hands are shaking at parang hindi ko na maramdaman ang sakit ng ulo ko dahil sa nabasa.

Underbosses of Cosmos
Astrid Dela Vega
Creed Ferron
Dasher Alterio
Archer Fonacier

Universe
Mirae Adelide Lozano

That was what's written in the email. There was pictures attached on the file. Kasama ko sila Creed sa picture, hawak ko ang mask sa aking kamay at sa kabila naman ay isang pistol at nasa labas kami ng mansyon ni Governor Roxas. Lahat kami ay tanggal ang mask sa litratong iyon. I remember this scene. There's also a picture noong pumunta kami ni Creed sa hotel ng Stonesteel noong nabaril si Astrid. Ang isa ay kalalabas lang ni Creed na nakamask at may hawak na baril habang ang isa ay nakatutok ang baril ko sa isang guard at kita sa picture ang isa pang walang buhay na guard sa gilid ng sasakyan ni Creed.
May nakaattached din na voice record doon. I listened to it at doon ko narinig ang sariling boses at ang kay Creed. It was our conversation ng tinawagan ko siya kahapon, telling that Cosmos got the first spot.

Marami pa ang naroon pero hindi ko na iyon nagawang tingnan dahil sa panginginig ng aking kamay.

Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang mga litratong iyon but I know kung paano nila nakuha yung voice record. Naalala ko na abala silang lahat sa harap ng laptop ng araw na 'yon at hindi ko naisip na maaaring itrack ni Hoax o kung sino man sa kanila ang phone calls lalo na kung nakamonitor ang mga phone calls sa penthouse. I'm sure that one of them was notified because of the call at hindi 'yon si Vynz dahil kung siya ang nakaalam ay baka hindi na ako nakalabas ng buhay kagabi.

Nagmamadaling lumabas ako ng private room ni Vynz habang nagdadial sa phone ko. Calm down, Mirae! Suway ko sa aking sarili dahil walang mangyayari kung hahayaan kong lumabas ang emosyon ko. Hindi na ako nagabalang burahin ang email ni Hoax dahil malalaman din naman iyon ni Vynz.

Sumakay ako ng elevator and pressed the button to the ground floor. When Creed answered ay agad akong nagsalita.

"To our penthouse." I ordered.

"Hindi ka pwedeng pumunta don." Sagot nito. "Nalaman ko na Devaughne ang nakakaalam na iyon ang headquarters natin." Mariin akong pumikit dahil sa sinabi niya.

"Now." I muttered using a firm voice bago pinatay ang tawag.

The elevator opened when my phone suddenly rung and I answered it immediately at lumakad na palabas ng elevator.

"Where are you? Kung nasa penthouse ka ni Vynz, umalis ka na. Hoax knew that you are the Universe." Nagmamadaling bungad sa akin ni Astrid.

"I know, call Archer and tell him to go to our penthouse." Sambit ko at agad na pinutol ang tawag.

I was busy dialling Dasher's number ng may humawak sa akin braso. I looked up at nagtama ang tingin namin ni Vynz. He's frowning while staring at me.

"Where are you going?" Tanong nito. Hindi niya pa alam na ako ng Universe dahil hindi niya pa nababasa ang email pero hindi malabo na tinawagan na siya ni Hoax.

"May bibilin lang." Simpleng sagot ko. I remained calm even though deep inside I can't explain what I'm feeling.

"With that state of yours?" I was wearing a white shirt and maong shorts at hindi pa ako nakakapagsuklay pero maayos naman ang aking buhok.

Paulit ulit akong tumango sa kanya.

"I'll come with you." Sabi nito at iginiya ngunit agad ko siyang tinanggihan. Hindi na ako pwedeng magtagal kasama siya dahil anumang oras ay maaari siyang tawagan ni Hoax.

"Huwag na." Sabi ko at bahagyang ngumiti para makumbinsi siya ngunit walang nagawa iyon.

"I can't let you go outside in that state, alone. How's your head, masakit pa ba?" It's the last time na maririnig kong concern siya sa akin.

Umiling ako sa kanya. "Sige na, Vynz. I'll be back, sandali lang ako." I doubt that. I'll never go back to your penthouse kung nasa katinuan pa ang aking pagiisip. "How about, cook for me? Para kapag bumalik ako, luto na?" Pinasigla ko pa ang aking boses para mapapayag siya.

"Sandali lang magluto, Mirae." Fuck! Umalis ka na Vynz! Hindi ko na kaya.

"G-gutom na 'ko." I stammered and I heard him sighed.

He glanced on his wrist watch and cursed. "My Baby's hungry? Fine. Be safe alright?" Marahang sabi niya bago lumapit sa akin at hinalikan ang aking noo. Agad akong tumalikod at naglakad papalayo pagkatapos ng ginawa niya dahil naramdaman ko ang panggigilid ng aking mga luha.

I dialled Dasher's number. I walked near my car at kaagad na pumasok doon. I opened the engine and stepped on the gas. Bahagyang lumabo ang aking paningin dahil sa luha ng papalayo na ang aking sasakyan sa penthouse ni Vynz. Agad kong pinalis iyon at pinigilan ang sariling maglabas ng emosyon.

"I need to talk to all of you to our penthouse." I muttered when Dash answered my call.

"Why, miss me?" Birong bungad niyo.

"Dash!"

"Creed already called me, I can't Milady. May emergency sa ospital, naka duty ako."

I sighed. "Fine." Matamlay na sagot ko dito. I don't know kung napansin iyon ni Dash pero huwag naman sana.

"Fine?" Tanong nito na parang kinukwestiyon ang sagot ko. "Where are you?" He asked.

"Driving. On the way to the penthouse." I muttered using a firm voice dahil maaaring napansin niya ang tono ko kanina.

"Fine. I'll go to our penthouse." Pinal na sabi nito.

"I thought there's an emergency in the hospital?"

"Fuck that emergency! I know you, Milady. We'll talk later. I'll end this call for you to focus on the road at huwag kung ano ano ang iniisip mo." Sambit nito bago pinatay ang tawag.

I arrived on our headquarters at naroon na si Creed at Archer. Agad tumayo ang dalawa para salubungin ako.

"Anong ganap?" Archer asked.

"They knew that I'm the Universe at kung sino ang mga underboss ng Cosmos." I said using a casual voice.

Creed's jaw tightened. "How are you?"

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "What kind of question is that? I'm fine!"

Dumating si Dash kasabay si Astrid at sa akin dumiretso ito.

"What happened?" Tanong nito.

"Alam na ng Devaughne na siya ang Universe at kung sino ang mga underboss ng Cosmos." Si Archer ang sumagot dito kaya naman napatingin si Dash sa kanya.

"I saw Hoax's email to Vynz. Hindi ko pwedeng itanggi iyon sa kanila, they have a lot of evidence." I answered.

"You alright? Sinaktan ka ba ni Devaughne?"

"No. Good thing ako ang unang nakabasa ng email ni Hoax at wala si Vynz sa penthouse."

"Mirae, I'm sorry." Astrid walked near me with her teary eyes. "I-I told Hoax that you are a member of Cosmos. Kaya lagi ka niyang pinapasundan. P-pati na rin ang mga nakakasama mo kaya nalaman niya kung sino ang mga underboss ng Cosmos. He-"

"What?" I muttered, shutting her up. Walang nagtangkang magsalita sa tatlong lalaki at nanatili lang na nakikinig sa akin.

"I'm sorry, Mirae." She tried to hold me pero agad akong umiwas doon. Tears are rolling down he cheeks.

"Are you stupid? Hindi mo ba alam na hindi lang ako ang mapapahamak sa ginawa mo? Ikaw din! Lahat tayo! Hindi ka nagiisip!" Galit na sabi ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kusang umangat ang palad ko at laking pasalamat ko ng bago pa iyon makarating sa pisngi ni Astrid ay narinig ko na si Archer at Dash.

"Milady."

"Mirae, don't."

Naiyukom ko ang palad na nasa ere bago mariing pumikit.

"Explain." I muttered at umiling lang si Astrid.

"You don't want? Then leave! Fucking leave!" Galit na sigaw ko rito.

Tumakbo si Astrid palabas at sinundan siya ni Archer. Si Creed naman ay walang nagawa kung hindi ang umupo sa sofa, hinilot nito ang sentido bago tumungo.

Si Dasher ay nanatili sa aking harapan habang nakatitig sa akin. He pulled me at niyakap ako ng mahigpit. He's holding my head and whispered. "Cry."

Doon na bumuhos ang aking mga luha. I don't know kung ilang minuto akong umiiyak sa dibdib ni Dash habang siya ay tahimik lang. Tuloy ang paghagod niya sa aking buhok at hinayaan lang akong umiyak. I can feel his dress shirt, basang basa na ito dahil sa aking mga luha. Tumigil lang ako ng marinig na may kausap si Creed sa telepono, marahan akong lumayo kay Dash at noon lang lumuwag ang yakap niya sa akin.

"Papunta na kami." Sambit nito sa kausap bago pinutol ang tawag.

"Someone is following Astrid and Archer." He muttered.

"Fuck!" Dash cursed. I wiped my tears hanggang sa muling luminaw ang aking paningin.

"Asked them if may madadaanan sila na intersection and opened their earpiece. Then their location. Let's go." I ordered and walked towards the elevator. Sumunod ang dalawa sa akin while Creed is talking to Archer on his phone. Dasher pressed the basement button.

"They would pass through the intersection, yung malapit sa main headquarters." Sambit ni Creed pagkababa nito ng tawag.

"Kaya ba nating maunahan sila?" I asked.

Creed glanced on his wrist watch. He nodded. "Its been eleven minutes since they left. Normal speed ang takbo nila kaya maaabutan pa."

The elevator opened on the basement at agad kaming lumabas patungo sa kanya kanyang sasakyan.

"I know a shorter route, kaliwa ng ruta nila Archer ang labas natin." Dash muttered.

"Lead the way." I ordered bago pumasok ng sasakyan at binuhay ang makina. I maneuvered the car when Dasher's car started moving. Nakasunod ang kotse ko kay Dash at nasa likod naman ng akin ang kay Creed.

I opened the glove compartment at kinuha roon ang earpiece ko. After checking kung connected na ang lahat sa earpiece ay narinig ko ang boses ni Creed.

"What's the plan, Universe?"

"Star, Light, are you in one car?"

"Yes." I heard Astrid's voice.

"Keep your normal speed. Gaano kalayo ang sumusunod sa inyo?"

"Tatlong kotse ang sumusunod sa amin. Ten meters approximately, yung nasa likod namin." Light answered.

"It's Hoax." Star informed. Fuck!

"Walang masyadong dumadaan kaya nasa likod agad namin si Hoax at ang mga kasama niya."

"Night and Moon, keep an eye on both sides of the intersection. Don't let other vehicles na dumaan sa left lane kapag nakaraan na ang sasakyan nila Star."

"Light, update your location."

"Two kilometers before the intersection."

"Fuck! Moon, aabot ba tayo?" I asked.

"Yes, Milady!" He replied and I saw his car speeding up. Ganoon na rin ang ginawa ni Creed. Nagover take ito sa kotse ko. Kaylangan ay mauna silang dalawa para mabantayan nila ang intersection. Good thing na iilan lang ang dumadaan kaya maluwag ang lane.

"What are you planning?" Rinig kong tanong ni Astrid.

"Don't worry, I won't kill Hoax. I just want to stop them, after that I don't want Cosmos to be involved with Devaughne....and you fix your marriage with your husband." I muttered with a cold voice.

"I'm sorry."

"Shut up." I don't want her sorry. What I want is her explanation and her proving that she's sorry.

When we're five meters away the intersection ay nagpaiwan na ako. Ang dalawa ay nagpatuloy sa intersection para doon magbantay.

"Location, Light?"

"Twenty meters before the intersection."

"Si Hoax?"

"Three meters away from our car."

"Location."

"Ten meters."

"Eight.

"Five....four."

I wear my seat belt on and stepped on the gas. I straightened my hands on the steering wheel, mariin ang hawak ko sa roon. I'm exceeding in the posted speed limit but I don't care.

I saw Light's car passed the intersection at nakita ko ang sasakyan ni Hoax na paparating. Mabilis ang pangyayari, hindi ko itinigil ang aking sasakyan hanggang sa bumangga ito sa kotse ni Hoax. Hindi ito nakaiwas, tumama ang kotse ko sa bandang unahan ng kanya na gumawa ng malaking pagkasira sa kotse naming dalawa. Gumilid ang kotse niya dahil sa ginawa ko. Hinawakan ko ang aking noo dahil ramdam ko ang pagagos ng dugo mula roon.

"Fuck! We're cornered but don't worry they won't hurt, Star. Mga tauhan ito ng Devaughne." I heard Archer cursed.

"They won't hurt Star but they will kill you. Fight, hanggang kaya mo. Papunta na kami." I muttered.

"Where are you?" Rinig kong tanong ni Night kay Archer.

"Pagkatapos ng susunod na intersection, sa kanan."

I glanced on my right at nakita ang isang Mustang na paparating at mukhang wala itong balak ihinto ang sasakyan kahit pa nakaharang ang aking kotse sa daan. Bago pa bumangga sa akin iyon ay may humarang ng kotse doon at ito ang nabangga ng itim na Mustang. Fuck Dash! Parang walang nangyari dahil muling pinaandar ni Moon ang sasakyan at dumaan iyon sa gilid ko para habulin ang kotse ni Hoax. Hindi ko napansin na nakaalis na pala ang sasakyan ni Hoax dahil sa nangyari.

Agad kong ibinalik sa linya ang aking kotse at humabol na kila Hoax. I glanced on the rear mirror and saw Creed's car na ginigitgit ang kotseng bumangga kay Dash. May isa pang kotse sa likod noon at nilagpasan noon ang nagigitgitang sasakyan nila Creed. Doon ito dumaan sa gilid, sa hindi sementadong daan para hindi makaabala sa kabilang lane.

Nang maabutan ni Dasher ang sasakyan ni Hoax ay ginitgit niya ito. Nagover take ako kila Dash para puntahan na sila Star.

Iilan lang ang sasakyan dumadaan sa kabilang lane, nakukuha namin ang atensyon ng mga dumadaan. Sinong hindi makukuha ang atensyon kung anim na sasakyan ang lalagpas sa speed limit sa iisang lane na para bang nasa isang karera ang mga ito at apat sa anim na iyon ay naggigitgitan. Ang ibang napapadaan na nakakakita sa amin ay bumubusina ng malakas na para bang mapapatigil kami sa ganoon.

I speed up ng makita na paparating na ang isang intersection. Kaylangan kong makarating kila Astrid as soon as possible. Hindi ko namalayan na nasa kanan ko na ang isang kotseng lumahabol kina Light. Sinabayan nito ang aking sasakyan at bumaba ang bintana ng driver seat ng kotse.

I saw Callum gesturing something at may sinasabi ito ngunit hindi ko maintindihan dahil nakasara ang bintana ng aking kotse at wala akong balak buksan iyon. So yung nasa Mustang kanina ay either si Ryder or Vynz.

I glanced on my back at ganoon pa rin ang sitwasyon sa likod. Pagbalik ng tingin ko kay Callum ay nahuli ko ang galit na paghampas niya sa kanyang manibela. Pagtingin ko sa aking harap ay mayroong malaking truck na papatawid sa intersection.

Sa itsura ng truck ay nasisiguro ko na gasolina ang laman noon. Fuck! Kapag bumangga ako doon ay pareparehas kaming sasabog dito at madaming madadamay. Sa bilis ng takbo ng aking sasakyan ay mababangga ko ang dulo noon kahit pa magpreno ako. Kusang gumalaw ang aking mga kamay para kabigin ang manibela pabaling sa kabilang lane kasabay noon ang pagbangga sa akin ng kasalubong na kotse galing sa kabilang lane. Sa bilis noon ay nakaladkad ang sasakyan ko pagbalik ng mga ilang metro.

"Fuck! Milady!"

"Mirae!" Rinig kong tawag nila sa akin sa earpiece.









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro