Kabanata 18
We're heading in front of the crowd. Sa unahan ay nakita ko ang isang round table kung saan naroon nakaupo sina Astrid at Hoax. Naroon din ang isang babae at lalaki. The man and woman's features says that they are Vynz's parents.
Nang makalapit ay agad kaming napansin ng babae at agad itong ngumiti. Vynz kissed his mom's cheek at tinapik naman ng dad niya ang kanyang balikat. Si Hoax ay nakatingin lang habang si Astrid ay nakangiti sa akin.
Nabaling sa akin ang atensyon ng mga magulang ni Vynz. Napawi ang ngiti sa mukha ng ginang at naging seryoso ito.
"Mom, Dad, this is Mirae Lozano, my soon to be girlfriend." Pakilala ni Vynz habang ang braso niya ay nakapulupot pa rin sa aking baywang.
"Welcome to the family!" Masiglang bati ng Daddy ni Vynz habang nakangiti.
"Let's settle down, the party will start in a while." His mom ordered using a flat tone.
I saw Vynz's jaw tightened. "Mom." Vynz called ngunit hindi siya pinansin ng ina. Muli itong bumalik sa upuan na para bang walang nangyari.
"Sorry for my wife. Umupo na kayo." Vynz's dad apologetically said.
"Sorry for her attitude." Vynz whispered on my ear.
"It's okay, maybe your mom is just shocked?" I muttered. Lumapit siya sa akin at hinalikan tuktok ng aking ulo.
Ipinaghila niya ako ng upuan sa tabi ni Astrid na katabi ni Hoax at umupo naman si Vynz sa kaliwa ko. His dad gave me an apologetic smile na katabi na ang ginang.
I was talking to Astrid the whole time na hindi pa nagsisimula ang event. When the event started, the master of the ceremony spoke and gave a little speech bago tawagin ang CEO ng kompanya.
Vynz rose up and went to the stage to give a speech.
"The achievements of our company are the results of the combined unconditional dedication of every individuals in this event. In behalf of my family, I want to thank all of you for being part of our company's success for the past fifty years. We greatly appreciate and value your hard work. Thank you for not letting the Devaughne Enterprises fail even for once. You all have proved in all these years why you are all the best in the field. Let's hope for the best in the coming years. Good Evening everyone, let us all enjoy the night." He muttered and the crowd gave him an applause.
Pagbalik ni Vynz sa upuan ay nagpaalam ako para pumunta ng restroom. I rose up at ganoon rin ang ginawa niya para samahan ako. Sinabi ko na ako nalang but he insist.
We're heading to the restroom when someone approached him kaya naman binulungan ko siya na ako nalang ang pupunta sa restroom. He told me to wait pero wala na siyang nagawa ng umalis ako sa tabi niya dahil may kausap siya.
Dumiretso ako sa restroom at inilabas ang lipstick galing sa white pouch na dala ko. I was retouching my makeup when the door opened at pumasok roon ang Mommy ni Vynz.
She walked elegantly papunta sa tabi ko. Tinitigan niya ako gamit ang salamin na nasa harap namin bago siya nagsalita. I can't see any emotion on her face.
"You know what I keep on telling to my son, Vynz?" She eyed me on the mirror. Good thing kami lang dalawa ang nasa restroom.
"Don't bring any of his women to an important event." She continued.
"Excuse me, Ma'am but-" She raised her hand, signalling me to stop.
"I don't know why women keeps on entertaining my son knowing that he has a different day different woman reputation. Minsan ay babae pa ang nagbibigay motibo." Looks like may naaalala ang ginang sa huli nitong sinabi dahil sandali itong tumigil bago muling nagpatuloy.
"What do you want? Money? Fame? Or my son's company?" She stops for a while and chuckled sarcastically then continues. "I don't know why I'm still talking to you, alam ko naman na isang araw lang ang halaga mo sa anak ko." She slowly muttered making sure that I'll understand every single word that she'll say while still eyeing me using the mirror.
"I'm sorry Madame. I don't want to brag but, I already have those three. I have money, fame, and I even have an empire with hotel chains, restaurants, bar, name it. What I mean is, my intentions are pure." I stopped at pinagisipan ang huling sinabi.
"And, about what you said po na isang araw lang ang halaga ko sa kanya, we already knew each other few months ago and last month he confessed that he like me and decided to court me, I don't know if he is sincere but if he wants to prove his side then, why not?" Bakas ang gulat sa mukha ng ginang. Humarap ito sa akin at nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.
"My God, finally." Mahinang buong nito sa sarili. Ilang sandali ay taas noo niya akong hinarap. "I don't want to be happy, marry him first then I would welcome you to our family." Iyon ang huling sinabi niya bago ako iwan sa restroom.
I shrugged my shoulders and checked my makeup. Lumabas na ako ng restroom para sana bumalik na sa kung nasaan ang table na inuupuan namin kanina dahil wala na si Vynz sa kung saan ko siya iniwan nang may sumalubong sa akin. It was an old man in his late sixties. Siguro ay kaedad ni lolo.
"Mirae." Tawag nito sa akin na para bang matagal na akong kilala.
"Pardon?" I replied.
"I don't know that Leonardo brought you here." A smile crept on his face. Leonardo? Isa lang ang Leonardo na kilala ko and it's my lolo.
"Leonardo Lozano?"
His brow furrowed. "Yes, you're with him, aren't you?"
"Lolo's here?" I whispered pero narinig iyon ng aking kausap.
"Yes, hindi mo ba siya kasama? Anyway, I'm Thomas Devaughne. Naikwento ka sa akin ni Leonardo." Vynz's grandfather! Then siya yung sinasabi ni lolo na kaibigan niya.
"You must be his friend."
"Bata palang ay magkaibigan na kami." Tila naalala nito ang nakaraan. "Mukhang hindi si Leonardo ang kasama mo, halika at dadalin kita sa kanya." He said at nauna ng magkalad sa akin. I followed him then I saw my lolo talking to some people na mukhang kaedad lang nila at mukhang kararating lang.
"Narito ang apo mo Leonardo." Vynz's lolo said at nakuha noon ang atensyon ni Lolo mula sa mga kausap.
"Apo!" Bati nito ng harapin ako.
"Lo, what are you doing here?" I asked as I kissed his cheek.
"I'm invited?"
"Irereto ko mamaya ang apo mo sa apo ko, Leonardo." Sambit ng lolo ni Vynz pagkatapos ay nagpaalam sandali para kausapin ang ibang bisita.
Natawa lang si lolo sa sinabi ng kaibigan at muli niyang hinarap ang mga kausap. "Everyone, this my granddaughter, Mirae Lozano." Binigyan ko ng ngiti ang mga naroon at isa isa naman itong ipinakilala sa akin ni Lolo.
"Ngayon ko lang nakita sa personal ang apo mo na babae Leonardo." If I am not mistaken, his name is Michael.
"Hindi siya madalas dumalo sa mga ganitong pagtitipon." Lolo answered. Even though kaylangan iyon sa business ay pinipili ko lang ang dadaluhan.
"I see." Sagot ng kausap habang tumatango ito.
Ilang sandali lang ay nagpaalam na ako kay lolo na pupunta na kay Vynz dahil baka hinahanap na niya ako.
Iginala ko ang aking paningin at nakita si Vynz may kausap sa isang gilid at ng magama ang aiming paningin ay nagpaalam ito sa kausap at nagsimula ng lumapit sa akin, ganoon rin ang aking ginawa.
"I was looking for you. I thought something happened." He uttered ng makalapit siya sa akin.
"Sorry, binati ko lang si lolo. Nandito pala siya."
"Let me greet him too." He encircled his arms on my waist bago kami naglakad patungo sa direksyon ni lolo. Ngayon ay nakabalik na ang lolo ni Vynz at sila nalang ni Lolo ang magkausap.
"Hindi na nga kaylangan ang sinasabi mo Thomas." Rinig kong sabi ni lolo bago ito napalingon sa direksyon namin at ngumiti. Nakita iyon ng lolo ni Vynz kaya naman humarap din ito sa aming direksyon at bakas ang gulat sa mukha nito ng makita kaming magkasama ni Vynz.
"Good evening po." Bati ni Vynz sa dalawa.
"Apo, magkakilala na pala kayo nitong si Mirae." Thomas Devaughne said to his grandson.
"I'm courting her, Lolo." Diretsong sagot ni Vynz sa lolo niya.
"I told you, Hindi na kaylangan ang sinasabi mo." Lolo said to Vynz's grandfather.
Naningkit naman ang mga mata ng lolo ni Vynz sa apo at bumaling sa akin. "Ilang araw na kayo?" Tanong nito.
"Lolo! I'm serious with her." Maang na sagot ni Vynz ngunit hindi ito pinansin ng lolo niya at nanatili lang nakatingin sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko.
"He's courting me for a month na po." I answered at namilog ang mga mata nito habang bahagyang pang napaatras.
"Seryoso ba, hija?" Mukhang hindi makapaniwala na may nililigawan ang apo niya at tumagal iyon ng isang buwan.
"Opo." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Huwag mo subukan na saktan ang apo ko." Nagbabantang sabi ni Lolo kay Vynz.
"Hindi ko po hahayaan na masaktan ang apo niyo." Magalang na sagot ni Vynz. I doubt that, kung alam mo lang na ako ang kinamumuhian mo ay maaaring hindi mo ako magawang tingnan.
Tumango tango ang aking lolo pati na rin ang lolo ni Vynz. "Sana nga." Makahulugang sagot ni lolo.
We're on the living room of Vynz's penthouse. The television is on and a movie is playing. We're watching a new episode of money heist or should I say I'm watching dahil ang mga kasama ko ay tutok na tutok sa kanya kanyang laptop na kaharap nila. Si Callum at Hoax ay nasa kaliwa ko at mabilis na nagtitipa sa kanilang laptop habang si Vynz at Ryder ay nasa kanan nakatingin lang sa laptop nila at paminsan minsan ay nagtitipa rin doon ngunit hindi kasing bilis ng naunang dalawa. Minsan ay sumasandal sa akin si Vynz ngunit agad ring aayos ng upo at muling haharap sa laptop.
Its Sunday afternoon, kanina pa silang umaga nasa harap ng laptop at tumitigil lang kung kakain. Kaylangan ko pa silang pilitin na kumain muna dahil late na. Ngayon ay katatapos lang naming maglunch at ang laptop ang kaagad ang hinarap nila. I'm aware kung ano ang ginagawa nila. They're looking for the Universe. I asked Vynz kanina at sabi niya ay malapit na nilang malaman kung sino ang Universe. I don't know kung paano nila malalaman, if may lead ba sila kung sino ang Universe or what but I was nervous he told me that. Hindi na ako nagusisa dahil baka makahalata siya.
I washed the dishes at pagkatapos ay naisipan kong manood. Hininaan ko lang dahil baka maabala sila sa ginagawa. I prepared some popcorn at inalok sila ngunit tinanggihan. Mula noon ay hindi ko na sila ginulo.
They're talking while I'm pretending that I'm watching the movie ngunit ang totoo ay nakikinig ako sa kanilang usapan.
"The Universe went to the annual party last night." Kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Callum.
"Check the list of the attendees, Hoax. Then let's check the background of every woman in the event." Utos ni Vynz sa kapatid.
"Star was on the event, maybe the Universe talked with her." Ryder said. They knew that Astrid is an underboss of Cosmos. Of course she's Hoax's wife or ex wife?
"I'll check the CCTV titingnan ko kung sino ang mga nakausap ni Star."
"Fuck!" Vynz cursed in a firm way. Nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya. Napahilamos ito sa kanyang mukha, napasandal sa sofa at ipinatong ang kamao sa noo. Ilang sandali ay nagsalita ito.
"We got the second spot on the mafia chart." Anunsyo nito na naging dahilan ng pamimilog ng aking mga mata. Kung ganoon ay hindi maaaring...
"Who got the first spot?" Hoax asked at paglingon ko rito ay nasa akin ang titig nito.
"Cosmos." Fuck yes! Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay kaya naman inilagay ko ang aking kamay sa ilalim ng lalagyan ng popcorn at inilapag ko iyon sa aking kandungan para maitago. Binalik ko ang tingin sa pinapanood ngunit ang utak ko ay wala roon.
"W-what mafia chart?" Kunwari ay nalilito ng tanong ko.
Bumaling ang tingin sa akin ni Vynz. "It is a mafia rank."
"Rank? How? I mean, sino ang nagrarank? may mas mataas pa ba sa mga mafia boss"
"There are former bosses who's responsible for that. Kung sino-sino ay iyon ang hindi namin alam." Well, that's true. There are three former bosses from different mafia group na nagrarank sa mafia chart. Lahat ng transaction ng mga mafia group ay nalalaman nila. The thing is, wala kaming idea kung sino ang mga former bosses na nasa likod ng mafia chart. I asked my Lolo about that thing ngunit sinabi niya lang na walang dapat na makaalam kung sino ang mga iyon.
"How about Stonesteel?" Tanong ni Hoax.
"Sixth. Bellizar got the third spot. Amherst got fourth and Rozelli on fifth." Vynz replied.
After so many years of striving, after so many years being on the second spot, we finally got what we want. Ramdam ko ang panggigilid ng aking mga luha kaya naman dali dali kong kinuha ang aking phone sa gilid ko at tumayo para pumunta sa kitchen. Sa pagmamadali ay tumama pa sa kanto ng salaming center table ang hita ko at gumawa iyon ng ingay kaya napalingon ang apat sa akin. Fuck!
"Damn it!" Rinig ko ang matigas na mura ni Vynz. Dinaluhan ako nito at inalalayan. Pinapaupo ako nito para tingnan ang nauntog kong hita ngunit tumanggi na ako.
"Ayos lang ako." Sagot ko at tumayo pa ng tuwid para makumbinsi siya kahit sa aking loob ko ay nagmumura na ako sa sakit. Mas masakit pa ito kaysa sa mabaril. Namamanhid ang aking katawan kapag nababaril ako ngunit ito ay kumikirot kirot pa.
"Careful." Kunot noong sabi nito habang nakaalalay pa rin sa akin.
"Kukuha lang ako ng tubig." Nakangiting sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya, agad na akong tumalikod sa kanila at naging ngiwi ang ngiting iyon dahil sa pagkirot ng aking hita.
Dumiretso ako sa kitchen para uminom ng tubig at naisipan ko rin na tawagan na si Creed. Pakiramdam ko ay lalong nang gilid ang aking mga luha dahil sa aking hita.
"You saw the mafia chart?" Bungad ni Creed ng sagutin niya ang tawag. Nakita na niya!
"Finally! The Cosmos got the first spot! I think I'm gonna faint." Impit na sabi ko sa kanya. He chuckled because of my reaction. Ipinaypay ko pa ang aking kamay na para bang naiinitan. Bahagya akong tumingala para mapigilan ang pagbagsak ng aking mga luha.
"Later in my condo?" He asked.
"How about Xylo?" We need to celebrate because, shocks! First spot yon! I don't know kung ilang percent ang lamang namin sa Devaughne pero alam ko na ilang buwan lang ay mababawi na nila iyon or pwede rin na next month ay mabawi na nila. But one month is not bad.
"Xylo then, anyway you heard about what happened to Elliott Ledesma?" Tanong nito na ikinakunot ng noo ko.
"Haven't heard of anything."
"He's in the hospital, he's ambushed." What? "I'll hang this up, I'm driving. See you later." Nang maputol ang tawag ay napalingon ako sa aking likuran ng makaramdam ng presensya doon.
Dumiretso si Callum sa aking harap para kunin sa gilid ko ang lalagyan ng tubig. Kumuha siya ng baso at sinalinan iyon ng tubig.
"Kanina ka pa ba dyan?" I asked. Hindi ko ipinahalata ang kabang nararamdaman.
"Ngayon lang." He answered. Pagkatapos ay ininom na ang sinaling tubig.
"Magingat ka sa susunod." Sambit niya ng may ngiti pa sa mga labi. Nakita niya ang pagtataka ko kaya naman tumingin siya sa aking hita at naunawaan ko ang gusto niyang iparating.
Hindi na niya ako hinintay na makasagot at tumalikod na para bumalik sa sala.
I can't help but think na mayroong ibang ibig sabihin ang sinabi ni Callum. I shrugged off my thoughts. Cosmos got the first spot and we need to celebrate.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro