Kabanata 16
After that conversation, I asked him to leave me alone for awhile at pumayag naman siya. He said that he will be back and he'll tour me sa magiging room ko which is parallel to his room.
Humiga ako sa kama niya at niyakap ang pinakamalapit na unan na nakuha ko.
I told him earlier na uuwi na ako sa condo ko pero pinigilan niya ako at sinabing dito muna ako sa penthouse niya for the mean time. He said that I'm not safe in my condo. No'ng una ay hindi ako pumayag because I can protect my self. But he said that if hindi ako magiistay sa penthouse niya ay sasamahan niya ako sa condo. Hindi pwede 'yon dahil, how can I move freely if nandoon siya? And I have a lot of confidential files in my condo. Baka wala pang one week ay alam na niya na ako ang Universe kung doon siya titira so I have no choice but to live in this penthouse for the mean time. Ilang linggo lang naman daw but I don't get his point.
Hearing Vynz earlier, I can feel his anger. I know I've done a lot of horrible things to the Devaughne at nadagdagan iyon dahil sa nalaman ko ngayon kaya naiintindihan ko ang galit niya at hindi iyon mawawala habang hindi niya napapatay ang Universe.
I heard the door opened at hindi ko man lang naramdaman ang papalapit na presensya. Nakatalikod ako sa pinto kaya naman hindi ko nakita kung sino ang pumasok pero alam ko na si Vynz iyon. I closed my eyes and pretend I'm asleep. Naramdaman ko ang pagupo niya sa gilid ng kama sa aking likod.
"Mirae," He called but I didn't answer because I'm pretending I'm sleeping.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Ilang sandaling hindi siya nagsasalita, I don't know kung ano ang ginagawa niya pero ramdam ko na nasa kama pa rin siya.
Muntik na akong mapapitlag nang marahan niyang hawiin ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa aking mukha. Marahan niyang inalis ang yakap kong unan.
Naramdaman ko ang dahan dahang pagangat ko sa kama ni Vynz. He's carrying me! I don't know kung saan niya ako dadalin.
I heard the door opened. Papalabas kami ng room niya! Ilang hakbang lang ay may binuksan ulit siyang pinto at nang nakapasok kami ay isinara iyon.
Marahan niya akong ibinaba sa kama at umupo siya sa gilid niyon.
"Don't leave me, Mirae," Mahinang sambit niya at naramdaman ko ang paglapat ng malambot na bagay sa aking noo.
I thought aalis na siya after niya gawin yon pero nagkamali ako. Ilang minuto ang lumipas ay ramdam ko pa rin na nasa gilid siya ng kama hanggang sa dalawin na ako ng antok at tuluyang nakatulog.
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mata. This room is not familiar but because of its modern theme ay alam kong isa ito sa mga kwarto sa penthouse ni Vynz. I glanced on the wall clock hanging above and it says seven in the morning.
I roamed my eyes around the place. Everything feels so modern. My eyes laid on the sofa beside the bed. There are paper bags lying on the sofa. I know what's inside because of the famous brands na nakaprint sa labas ng mga paper bag. I walked near it para tingnan ang laman noon. It is a different corporate attires for women.
I saw a piece of paper beside the paper bags. Kinuha ko iyon para mabasa ang nakasulat.
Wear any of those.
That's what is written. So these are all mine.
I saw a new robe. Kinuha ko iyon at dumiretso sa bathroom na nasa loob din ng kwartong iyon. After two hours ay nakalabas na ako ng bathroom. Kinuha ko ang mga paper bags na naroon at dinala iyon sa loob ng walk in closet. Kinailangan ko pang balikan ang ibang paper bag dahil sa dami noon.
The walk in closet is empty. Walang kahit ano roon kung hindi ang mga empty cabinets at shelves lang.
Isa isa kong nilabas ang mga damit sa paper bag. Mayroon ding mga heels doon. I wear a black asymmetrical midi dress and paired it with a three inches heels at maliit na pouch kung saan nakalagay ang aking phone. The dress is hugging my body perfectly. It reveals my curves dahil hapit na hapit iyon sa aking katawan.
Pagkatapos magayos ay lumabas na ako ng silid. Naabutan ko sa living room ang magkapatid na Devaughne at si Callum at lahat sila ay may kaharap na laptop. Callum is typing something on his laptop habang si Hoax naman ay nakatitig lang sa laptop na kaharap. Si Vynz naman ay nakatungo habang nakatakip sa mukha ang dalawang kamay. I don't know if dito natulog ang dalawa o maaga lang silang bumalik. Ryder is nowhere to be found.
"Good morning," Bati ko ng makababa galing sa kwarto at parang nagulat pa si Callum dahil noon lang nila napansin ang aking presensya. Sandaling naganggat ng tingin si Hoax. Tumuwid si Vynz at ng magtama ang aming tingin ay tumayo siya para salubungin ako.
"Good morning, Mirae!" Masiglang Bati ni Callum nang makabawi sa pagkagulat.
"Hindi ka papasok?" Tanong ko kay Vynz ng makalapit siya dahil napansin ko na nakaplain white shirt lang siya.
"Yeah, but I'll drive you to your office. Susunduin din kita mamaya. Come on, let's eat." We turned to the dining area at may nakahanda ng breakfast doon.
Pinaglagay niya ako ng bacon and egg sa plato at ganoon din ang ginawa niya sa kanya.
"Kumain na yung dalawa?" I asked pertaining to Callum and Hoax.
"Hmm, how was your sleep?" He nodde and asked.
"Good. Nilipat mo pala ako kagabi. Sorry doon ako nakatulog sa kama mo."
"Its alright."
"You seems busy, hindi mo na ako kaylangan ihatid. Just lend me a car, nasa condo kasi 'yong kotse ko," I muttered.
He shook his head. "I'll drive you to your office, I want to make sure you're safe."
I nodded and gave him a small smile. "Okay."
I arrived on my office at exactly ten in the morning. My employees greeted me lalo na yung mga nakakasalubong ko. I was busy on my phone as I sashayed to the elevator ng may biglang bumangga sa akin.
It was a woman and she's not familiar. I eyed her from her head to toe.
"Sorry," She apologized ng muling magtama ang aming paningin.
"Who are you and what are you doing in my company?" I don't care if there are a lot of employees watching me. They knew me.
"A-applicant po, Ma'am." I raised my brow on her. Acting nervous huh? You can't fool me. Acting is my expertise.
"Your acting skills suck, leave. You're not hired," Malamig na sambit ko at iniwan siyang nakatungo roon.
Nang makapasok ako sa aking opisina ay agad kong tinanggal sa pouch ko ang maliit na device na idinikit doon noong babaeng bumangga sa akin. Kung ang ibang tao ang makakakita ay hindi mapapansin ang device na iyon dahil sa liit nito. I'm not a fool para hindi malaman ang ginawa ng babaeng iyon.
Inilapit ko ang maliit na device sa aking labi at nagsalita. "Such a good day, Ledesma," I spoke pagkatapos ay nilapag ang device sa sahig at inapakan iyon hanggang sa masira.
I sat on my swivel chair and heard my phone ringing. It was an unregistered number. I know who's the caller. Nakumpirma ko iyon nang sagutin ko ang tawag at nasalita ang nasa kabilang linya.
"Such a good day, Lozano," He said, mocking me.
"You have a nice tauhan, ano? She's so good in her field," I sarcastically said.
"I'll kill that bitch." I can imagine him gritting his teeth while he's on his phone.
"Don't!" Kunwaring pigil ko but I really don't care if magpatayan sila. "She is good naman, yun nga lang I'm not a fool para hindi malaman ang ginawa niya."
"Don't worry, next time I'll make sure to do the job myself. Anyway, do you like my gift?" He's back on his calm facade.
"Actually no. Ayoko ng tinitipid ako, Ledesma. I want a full body and not just a head." We're talking casually na para bang normal lang ang pinaguusapan namin.
"Sorry for that, next time then?" He asked.
Napangisi ako na para bang nakikita niya ang aking reaksyon. "I'll wait for the next one," I said at ibinaba na ang tawag.
My secretary knocked on my office's door bago pumasok dala ang isang eleganteng envelope at tab sa kabilang kamay.
"Ma'am you have an invitation-" I motioned my hand to stop her.
"I won't accept any invitation." She knew I'm not attending.
"Okay ma'am. Here's your schedule for today. You have a meeting with the board members an hour from now. Meeting with Mr. Montes of Montenegro and Co. at one in the afternoon. And lastly, proposal meeting from the marketing team at three." Paalala niya.
"Alright," I said and even nodded my head.
Inilahad niya sa akin ang hawak na tab. "Have you seen it?" Inabot mo naman iyon at tinignan kung ano ang laman noon.
It is an article with the headings, CEO Lozano, newest fling of the billionaire bachelor, Vynz Devaughne.
Sabi sa article ay maraming beses daw kaming nakitang magkasama and they're saying na ako raw ang pinakamatagal na fling ni Vynz kaya naman daw maybe magsettle down na sa akin ang lalaki.
There are some pictures attached on the article na lahat ay stolen shots. Una ay noong nasa mall kami at bumibili ng ingredients. Nakapulupot ang braso ni Vynz sa aking baywang habang ako ay bahagyang nakangiti. Pangalawa ay sa harap ng Lozano Empire. Sa litrato ay pinagbubuksan ako ni Vynz ng pinto kotse. Then I remember the scene, ito yung sinundo niya ako. Pangatlo ay papasok si Vynz ng building kung saan naroon ang condo ko. 'Yung third picture ay nilagyan nila ng malisya even though hindi naman nila alam kung ako ba ang pupuntahan ni Vynz sa picture or not. But, ako naman talaga yung pinuntahan niya noon, so yeah.
Ibinalik ko sa aking sekretarya ang tab at muli siyang nagsalita. "Maraming pong media ang nagiintay sa inyo sa labas ng building. They are asking for your interview. Sinabi ko na po na hindi kayo magbibigay ng interview pero hindi raw po sila aalis." I rolled my eyes. Wala akong balak magbigay ng statement sa mga 'yon.
"Let them. Mapapagod din kakahintay," I said with finality. My secretary slightly bowed her head bago lumabas ng aking opisina.
Pagkalabas niya ay binuksan ko ang aking laptop. I searched Vynz's name at lumabas ang napakaraming articles tungkol sa kanya. Mayroong tungkol sa mga successful na business niya at mayroon ding tungkol sa mga babae niya.
The latest article ay yung kasama niya ako. Ang sumunod ay kasama ang partner niyang babae sa auction na dinaluhan niya na natatandaan kong iyon yung sinundan ko siya. May pahayag ang babaeng naroon sa article. We have a thing. Iyon lang ang sagot ng babae.
May article din na ang kasama naman ni Vynz doon ay yung nakita kong kasama niya noong patapos na ang auction. May nakaattached na video sa article na iyon. I played the video, it was an interview sa babaeng kasama ni Vynz.
"Miss Lee, what can you say about the article saying that you're dating Vynz Devaughne?" Tanong ng reporter na kaharap ng babae.
"He ditched someone for me, that's all I can say." Maarteng sabi niya at para bang gustong iparating na mayroon pang nangyari higit sa nasa litrato.
At doon natapos ang video. I smirked, mind you bitch! I ditched him that night. Iniwan ko siya sa gilid ng parking lot noong gabing 'yon at binalikbalikan ako ngayon.
I checked my phone after the meeting with the board members. I put it in silent mode kanina dahil sa meeting. There was a missed call from Creed and a message from him at isang message galing kay Astrid. Napakunot ang noo ko doon dahil ang pangalawang number niya ang ginamit doon.
Star:
Help me, Universe, I'm in the hospital.
Iyon lang ang nakalagay sa message. Napakunot ang noo ko roon. Lahat ng underboss ko pati na rin ako ay mayroong dalawang magkaibang number. Minsan lang namin gamitin ang pangalawang number at ito ay kung nasa misyon kami. Ang nakarecord lang sa pangalawang number ko ay pangalawang number din mga underboss ko kaya naman ang pangalan na naroon ay ang mga codename namin.
I opened Creed's message.
Creed:
Call me when you saw this message.
I immediately called him at ilang ring lang ay sinagot na niya iyon.
"Where are you?" Bungad niya.
"In my office, why? What happened to Astrid? She said she's in the hospital."
"What are you saying? Nothing happened to her. Katatawag ko lang sa kanya at katatapos niya lang sa photoshoot ng isang endorsement niya--fuck!" He cursed when he realised what happened.
"Astrid's phone was hacked," I uttered, stating the fact.
"I'll asked Archer to check her phone later."
"Yeah, so why did you call a while ago?"
"Huwag ka munang pumunta sa penthouse. Someone knows that it's our headquarters." Kumunot ang aking noon. Fuck!
"Later then, in my condo. I want to talk to all of you."
_________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro