Kabanata 15
I woke up from a soft bed with big pillows around me at nakita ko mula sa bahagyang nakabukas na kurtina ang medyo madilim na kalangitan. There is no trace of rays from the sun.
I walked out of the room para sana bumaba nang mapansin ko na kaunting nakabukas ang pinto ng katabing kwarto ni Vynz. Hindi pa ako nakakapasok sa kwartong iyon because I thought na isa lang din itong normal na kwarto sa penthouse niya. Out of curiosity ay pinasok ko ang kwartong iyon. The room is a combination of white and pastel pink kaya nasisiguro ko na babae ang may-ari ng kwartong ito.
I looked around the room. There is a pink queen size bed and white pillows. There is a small library and study table on the side of the room. A side table near the bed at may nakapatong na mga picture frame doon. I walked towards the side table at isa isang tinignan ang mga frames na naroon. The first frame is Vynz and Hoax at isang lalaki na kamukha ni Vynz. Maybe it's their father. Kasama rin sa picture na iyon ang dalawang babae. The first woman resembles the second.
I stared on the second woman in the picture. There is also a picture of Vynz and the woman. Vynz was in front of his laptop at hindi nakatingin while the woman was smiling widely on the camera. Nakita ko ng malapitan sa isang frame na naroon ang babae. This can't be. I can feel my hands shaking habang hawak ko ang isang frame.
"Mirae." Nabitawan ko ang frame dahil sa tawag ni Vynz, mabuti na lang ay agad siyang nakalapit at nasalo ang frame kaya hindi iyon nabasag.
"Sorry, hindi dapat ako pumasok dito," I muttered at akmang lalabas ng pigilan ako ni Vynz. Itinago ko sa likod ang kamay ko because its still shaking.
"It's okay, this was Aleesha's room. My sister." Fuck! I know na ang tinutukoy niya ay ang babae sa picture. It's his sister. Control your emotions, Mirae! Pretend, diyan ka magaling.
"I thought si Hoax lang ang kapatid mo," Mahinang sambit ko.
Iginiya niya ako sa kama, pinaupo niya ako doon at tumabi naman siya sa'kin bago sumagot. "No, she died last year."
"I'm sorry, I shouldn't have asked."
"Sisiguraduhin ko na magbabayad ang may gawa noon sa kanya," He muttered coldly.
"Why? What happened."
"She was brutally killed and we didn't even recognized her face. We conducted a DNA test and it came out positive." What the fuck?! Brutally killed?
"K-kilala niyo na ba kung sino ang gumawa noon sa kapatid mo?" I stammered. It wasn't fake.
"Malapit na. How are you feeling, by the way. You okay now?"
"Yeah, I was just shocked. I don't know kung kanino galing iyon or kung bakit ako pinadalhan ng ganoon." I know that it was Elliott Ledesma. Bago ko naitulak ang box ay nabasa ko ang nakasulat sa maliit na papel na naroon. I hope you like my gift, Lozano. That's what is written.
"Don't worry. I would find the sender. Come on let's go downstairs. Nagluluto ako ng dinner."
We went to the dining area of his penthouse at naabutan namin sa kabisera si Callum at sa kaliwa naman ay si Hoax at Ryder.
"You're here, Mirae!" Masiglang bati sa akin ni Callum. Isang ngiti ang Isinagot ko sa kanya ng makalapit kami.
Si Vynz ay dumiretso sa countertop para tingnan ang niluluto niya. The dining room and the kitchen is an open space kaya naman nasa harap lang ng countertop ang dining table.
I sat down on the chair in front of Hoax pero sa gawi ni Vynz ako nakaharap.
"Who's the sender, Hoax." Vynz asked while tasting the food he's cooking. He must be referring to the sender of that damn head.
"Stonesteel," Hoax simply replied. Bakit nila pinaguusapan ang ganito sa harap ko. Its either they trust me or they know something about me. I hope it's the first one.
Vynz frowned at nakatukod na ang dalawang kamay sa countertop. "Stonesteel is after her because of me."
"You must protect her then." Napalingon ako kay Hoax dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. The last time I checked ay masama ang tingin niya sa akin na totoo naman. I wonder kung bakit bigla siyang nagbago. There must be a reason and I need to be careful.
"I will."
Tumayo ako at pumunta na sa harap ng countertop kaya naman magkaharap na kami ni Vynz.
"Sino ang nagpadala noon? Anong Stonesteel?" Kunwari ay naguguluhang tanong ko. Ganyan nga Mirae, diyan ka magaling!
I saw Vynz hesitated. "I'll explain later. Let's eat first."
I nodded. Explaining the Stonesteel means telling me that he's a mafia boss.
Kumuha na ako ng mga gagamitin namin dahil tapos ng magluto si Vynz. He cooked chicken adobo and it smells so nice. I place five plates on the table at pati na rin kutsara at tinidor para sa amin.
Vynz is preparing his adobo while talking to his friends about business and as usual si Callum ang pinakamainggay sa kanila.
Lumipat na si Callum sa tapat ni Ryder at si Vynz na ang umupo sa kabisera. Umupo ako sa kanan ni Vynz at sa tapat ko naman ay si Hoax.
We settled down as Vynz picked up my plate. He placed a rice and abodo on it at ibinalik iyon sa'kin. Si Callum na nasa tabi ko ay mahinang umuubo na halata namang peke. Lumapit siya sa akin at bumulong. "He's whipped."
When he saw Vynz giving him a glare ay agad siyang lumayo. He even cleared his throat and pretend like nothing happened.
"Any news about the Universe?" Vynz asked nang nagsimula kaming kumain. Napatigil ako sa tanong niya ngunit agad ding nagpatuloy sa pagkain dahil maaaring mahalata ako.
"Nawalan na tayo ng lead." It was Ryder who answered.
"Ang mahalaga alam natin na babae ang Universe nga Cosmos." Oh fuck!
"There are a lot of women around the world. How can we find her? We need a lead," Hoax muttered in a firm voice.
"I want to kill her." Vynz's jaw clenched. I felt a lump on my throat because of what he said.
Callum cleared his throat kaya napunta sa kanya ang atensyon. "Paalala lang Mirae is here, you're scaring her because of your words."
Binaling ko kay Vynz ang atensyon ko. "What are you talking about? A-Anong kill her? What are you? A killer?"
Nakita kong bumuka ang bibig ni Vynz ngunit walang lumabas na salita roon habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya at naghihintay ng sagot kaya muli niyang ibinuka ang bibig para magsalita. "Don't leave me Mirae." Iyon lang ang naisagot niya sa akin.
"A-answer my question." I stammered but it was fake.
"Baby..." Nanghihinang sambit niya.
"What are you, Vynz?"
"Explain to her later. Let's eat first," Hoax said with finality kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang tumungo sa aking pagkain. Habang nakatungo ay ramdam ko ang mga titig ni Vynz. I avoided his gaze the whole time na kumakain kami.
Hindi matigil sa pagsasalita si Callum na minsan ay sinasagot naman ni Ryder. Sa tingin ko ay makakasundo ni Callum sina Archer at Dash dahil sa parehas na paguugali. Maiingay silang tatlo. I remember noong nasa ospital si Astrid at iniwan namin si Archer kasama ang apat na kaharap ko. Pagbalik ay naabutan ko siyang nakikipagtawanan kay Callum.
When we finished our food, I arranged the plates immediately and put it beside the sink. Hoax and Ryder went to the entertainment room habang si Vynz naman ay hindi ko alam. Kanina ay narinig ko ang paguusap nila ni Hoax. I heard that he's hesitating if he'll tell me the truth or not that's why Hoax said if she leaves you after that then its either you chase her or let her go.
Sumunod sa akin si Callum at nagprisintang siya na ang maghuhugas ngunit tinanggihan ko.
"Ako na Mirae, kakausapin ka ni Vynz." Pilit niyang kinuha ang platong hinuhugasan ko ngunit hindi ko hinayaang maagaw niya iyon.
"Tell me who is Vynz?" Humarap ako sa kanya habang hawak pa rin ang plato sa magkabilang kamay.
"Hindi mo kilala? Alright, he is Engineer Vynz Atticus Devaughne. Ayan kilala mo na," Inosenteng sagot niya at sumandal pa sa gilid ng sink. I don't know if he's serious or what. Pinigilan kong mapataas ang kilay dahil doon. Even sa paraan ng pagsagot niya ay parang si Archer at Dash ang naririnig ko.
"Yeah, kilala ko na," Sarkastikong sagot ko sa kanya at muling ibinaling ang pansin sa mga plato. Wala akong makukuhang matinong sagot mula sa kanya even though hindi naman kaylangan dahil kilala ko naman si Vynz but I'm pretending.
Dumating si Vynz at nakita ko ang pagtaas ng dalawang kamay ni Callum na para bang sumusuko habang nakangisi at walang imik na umalis.
"Answer my question," I muttered. I know he knew what I'm talking about.
"Yes I kill. Would you leave me?" He said, lumambot ang ekspresyon niya sa huling sinabi. I didn't expect na sasabihin niya iyon ng diretso.
"W-what?" My hands were shaking para realistic ang arte.
"Let me explain." Tinangka niyang hawakan ang aking mga braso ngunit gulat akong lumayo ng bahagya sa kanya at pinamilog ko ang aking mga mata.
"P-papatayin mo 'ko." It was a statement.
"No! I won't kill you. Why would I do that?" I doubt that. Kapag nalaman mo na ako ang Universe alam ko na papatayin mo ako dahil sagad ang galit mo sa akin.
Hindi ako nakasagot kaya naman inalis niya sa aking kamay ang hawak kong plato at marahan akong inilapit sa kanya. Hindi na ako nagpumiglas at sumundo na lang. He encircled his arm around my waist.
"You know mafia, Baby?" Marahang tanong niya.
"T-they are criminals." He pulled me closer at mahigpit akong niyakap. Its true naman. We are criminals, even though Cosmos is helping a lot of charities, we still can't deny the fact that we're doing a lot of illegal things.
"Don't leave me," He whispered habang mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin. I can hear a fast heartbeats and I didn't know if its Vynz's or mine.
"Explain," I muttered as I tried to push him pero nanatili siyang nakayakap sa akin.
"I am a mafia boss, Baby." Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Marahan ko siyang tinulak at agad namang lumuwag ang yakap niya.
"Y-you mean-"
"Yes I kill. I do a lot illegal things. I am a criminal." Hindi ba siya natatakot na isumbong ko siya sa pulis? Masyadong malaki ang tiwala niya sa akin.
"I thought you're an Engineer or CEO-"
"I am, and a mafia boss."
"Don't kill me," Takot na sambit ko. All I need to do is pretend.
He frowned and a deep furrow formed in his brow. "I told you I won't kill you. I will protect you from my enemies no matter what. Damn! I would die if I fail."
Protect me from your enemies? I am your enemy! How can you protect me against your self? Muntik ko ng masabi iyon sa kanya at makalimutan na nagpapanggap ako. Sa huli ay magpapatayan din kami. Mapait akong napangiti dahil sa naisip ngunit agad din iyong binawi.
Ikinulong niyang ang aking pisngi gamit ang dalawang kamay. "Trust me, Mirae."
Mariin akong pumikit at paulit ulit na umiling. "Yung nagpadala sa'kin kanina, sino 'yon?"
"One of my enemies. I'll make sure that they'll pay."
"Why? Your enemies pero bakit sa akin nagpadala ng ganoon? You don't know how scared I am nang makita ko kung ano ang laman ng box na iyon," Naguguluhang tanong ko at marahan pa akong umiling.
"They know how important you are to me." Oh believe me Vynz, para sa akin talaga 'yon at hindi mo kasalanan. Siguro ay sobrang nainis si Elliott sa akin kanina kaya niya nagawa iyon. I'm not scared naman, nagulat lang. But I need to pretend.
"Your car, yung sumabog its because of mafia right? 'Y-yung nagdinner tayo dahil din doon?" I wobbled my knees.
"Yeah. Come on, let's talk upstairs," He said nang makita niya ang panghihina ko dahil sa mga narinig.
Hindi na ako tumutol at agad siyang sinunod. Hawak niya ang aking likod na para bang inaalalayan ako paakyat sa kanyang silid.
Nang marating namin ang kanyang kwarto ay agad akong umupo sa kama. Siya naman ay isinara ang pinto at tumabi sa akin.
"The Universe? M-madalas kong naririnig 'yon sa'yo, kalaban mo din?" I asked when he settled beside me.
"Yes. I'm looking for her and I'll kill her,'' He muttered using a cold voice and his jaw clenched.
"Why?"
"There is a mafia ranking every month. The Universe wants the first spot. She's too desperate that it leads her to killing innocent people. But I won't give her the satisfaction that she wants. I'll kill her." I can feel his anger for the Universe. Ang dami ko ng narinig na ganoon at mas malala pa but it doesn't affect me but hearing those words galing sa kanya ay nakakapanghina. I don't know why. Maybe because he's Vynz?
"M-maybe she has a reason why?" I stammered.
"I don't care about her reason."
"What if she's someone important to you?" I asked napakunot ang noo niya dahil doon.
"Even if she is important to me, kapag nalaman ko na siya ang Universe. She's nothing. Still, I'll kill her but it's impossible, kilala ko ang mga importante sa'kin." You don't know me. Maybe I am not important to you. The hell are you talking about, Mirae! Of course you're nothing para sa kanya.
"Hoax, Ryder, and Callum, they're also part of your mafia, right?" I asked.
"Yeah, they are my underbosses. If I die, one of them would replace me."
__________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro