Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

Prologue

✨✨✨

"Light," mahinang usal niya sa pangalan ng lalaking mahigit isang taon na niyang hindi nakikita.

Naglakad ito papunta sa gitna ng intablado. Hatak atensyon ang makisig na tindig at gwapong pagmumukh nito. Nakakasilaw naman ang ilaw na nagmumula sa mga camera at maririnig ang mumunting tili at singhapan mula sa mga nanonood.

Tinitigan niya ang paglapit ng lalaki sa dalawang tao na naka upo sa couch.
Mahigpit na niyakap nito ang babaeng naka pula at hinalikan sa labi, mismo sa harapan ng maraming tao. Naging sanhi ito upang magsi tilian uli ang mga tao dahil sa kilig.


"Wow! What a pleasant surprise!" Her eyes shifted to the host of the show pero agad ring bumalik sa isang tao na siyang dahilan kung bakit siya naroon.

"Hi there Carol!" nakangiti ito bilang pagbati, ngiting minsan lang niya nakikita rito.

"Hello Captain Lucas Light Valdemeir." ani ng nag ngangalang Carol, medyo namula pa ang mukha nito.
"Our Nicolle here," inimwestro nito ang kamay sa babaeng naka pula na ngayon ay sobrang laki ang ngiti sa mukha. "told us earlier that you are in a flight. How come you're here?" tanong ng host habang nakangiti rin at halatang inaasar na ang dalawa.

Nabaling ang tingin niya sa babaeng nakayakap sa baywang ni Lucas, si Nicolle. Maganda ang babae, walang duda roon dahil naging modelo ito. At kung titingnan ay bagay nga ang dalawa.

Pain immediately creep her heart.

Pero hindi niya alam kung bakit sa kabila ng sakit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon ay nakuha niya paring manatili.
Bakit hindi na lang siya umalis?
Umalis hindi lang sa lugar na iyun kundi umalis palayo sa buhay ng dalawa?

"It was because I wanted to surprise her," sagot naman nito saka mabilis na hinagkan ang noo ng babae.

Tumingin ito sa mga tao habang hindi mawala-wala ang nakakaakit nitong mga ngiti.

The way he held her in his arms, the way he look at her and the happiness in his eyes... she never have the chance to experience it.

Nakakainggit.

Nakakalungkot.

A sad smile formed in her lips. Light.

"When would be the wedding guys?" boses ng host ang nagpabalik sa kanya mula sa kanyang pagkatulala.

"The soonest, Carol!" si Nicolle ang sumagot dito at mababakas sa boses nito ang matinding excitement.

The whole room was then filled with claps and cheer from the people. It seems like the world is supporting for them. Pero...

Kasal?

Anong kasal?

Paano?

Dito na ba magwawakas ang lahat sa kanila?

Naghiyawan parin ang mga tao na naroon. Naririnig niya pero tila naging magulo ang lahat para sa kanya.
Naging blanko ang isip niya, ang mga salita ay halos hindi na ma proseso ng kanyang isip.

She was bewildered by the sudden news. Gulong-gulo ang utak niya at tila sasabog na ito. Then, she felt like fainting.
She can't breathe.

"Rene!"

"My god! Rene!" nararamdaman niyang may mainit na palad ang humawak sa mga kamay niya. Marahan siyang hinila nito.

"Let's get out of here. That jerk! I'm gonna make them pay!" hiyaw ng taong humihila sa kanya kaya napatingin siya rito.

Malabo.

Oo, malabo. "S-syra," she sob as she called her best friend's name.

Umiiyak siyang yumakap dito.

"Quit it Rene. Nasasaktan ka na hindi lang isang beses kundi paulit-ulit. Kalimutan mo na ang gago mong asawa." Usal nito habang pinapaalis ang mga luha sa kanyang mga mata.

Asawa?

Yes. Lucas Light Valdemeir is her husband for 3 years now, yet he never acknowledge her as his wife.

Never, even once.

✨✨✨

𝙼𝙾𝙾𝙽𝙰𝙻𝙴𝚂𝙰


✨A/N: Updates will be every Saturday or Sunday po. Kitakits sa chapter one and two😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro