Chapter 9
PIERCE
Nagkatinginan lamang kami ni Levii habang nararamdaman namin ang nabubuong tensyon kila Paige at Thalia.
Nakita ko si Levii na ngumisi habang pinagmamasdan ang dalawa at napasapo naman ako sa noo ko. Parang mga isip bata!
Tumingin naman ako sa lalaking kinakandarapa ng dalawang tangang babae at nakita ko lamang itong tahimik na kumakain.
Inikutan ko siya ng aking mga mata. Hindi niya ba nahahalata na may interes ang dalawang ito sakaniya? Manhid ba siya?
"Nate, eto oh. Binili ko talaga 'to para sa' yo." Napahinto ako sa pag-nguya sa pagkain ko nang makita ko si Paige na binigyan si Nate ng Dutch Mill.
Kumurap-kurap pa talaga ang tanga at nagpa-cute sa harap ni Nate habang inilalahad ang Dutch Mill na binili—Teka!
Tumingin ako sa gilid ko at nakita na nawawala ang Dutch Mill na binili ko kasabay ng pagkain ko. Hindi ko pa naman iyon nabubuksan.
Kinurot ko si Paige sa tagiliran dahil nagawa niyang nakawin ang binili ko kaya napatingin naman ito at pasimpleng nagmakaawa.
"Pierce, sorry talaga. Kasi naman, in order to win a war with this girl, I need to come up with a great strategy to get Nate's attention. Bibilhan na lang kita ng isang dosenang Dutch Mill." Mahinang bulong ni Paige at ipinagdikit ang dalawa niyang kamay sabay pikit pa upang patawarin ko.
"Kunin mo," utos ko sakaniya at tinuro 'yong binigay niya kay Nate.
She pouted her lips and intertwined her fingers and looked at me with a begging look. As if!
"Hey, Paige." Nabaling ang atensiyon ni Paige kay Levii na tinawag siya.
Nakita kong pinandilatan ni Paige si Levii at umigting pa ang bagang nito nang tumingin ito kay Levii. Minsan ay hindi ko nga maintindihan kung bakit kumukulo talaga ang dugo ni Paige kay Levii.
"May partner ka na ba sa Physics na activity?" tanong ni Levii.
Una akong tiningnan ni Paige at tinaasan ko lamang ito ng kilay.
"Mayroon na 'ko. Tulog ka kasi kanina kaya una akong inalok ni Ivy. Peace!" Inemphasize ko talaga' yong word na 'peace' sabay pakita sakaniya ng peace sign ko sabay ngiti.
Nang tingnan ko naman ito, napabuntonghininga siya at tumingin sa akin at ngumuso pa na hindi ko siya pinili bilang kapartner.
Duh! Malay ko ba, baka ayaw din naman niya akong maka-partner kasi baka gusto nito si Nate ang partner niya 'no!
"Si Levii, available." Sabi ko at tinaas-baba pa ang kilay ko habang nakangiti kay Paige.
Tumingin ako kay Nate at nakita itong pinopokus lamang ang atensiyon niya sa cellphone niya pero halatang nakikinig ito sa discussion naming tatlo.
Panandalian kasi itong tumingin sa direksiyon namin at kaagad namang binalik ang atensiyon sa cellphone niya nang hindi nagpapahalata.
As if!
Ako pa niloko niya, eh sobrang observant ko sa paligid at alam na alam ko ang mga ganiyan-ganiyan 'no.
"Ikaw, Nate?" Ngumisi ako nang marinig si Paige na itinanong iyon kay Nathan.
You got this girl!
Napatingin si Nate sakaniya at tinaasan lamang ito ng kilay at nagkunwaring hindi nakarinig sa pinag-uusapan namin.
Aba! Sarap sapakin nitong lalaking ito ah!
Tumingin si Nate sa kaharap niya na si Thalia bago ibinaling ang tingin nito kay Paige.
"Actually, I think I'll go with—" Tumigil si Nate sa pagsasalita nang biglang nagsalita si Levii nang napakalakas pa ang boses.
"Partner na lang tayo Paige. Alam mo na, madali lang natin matatapos iyon since seatmate kita at alam kong magaling ka sa Physics." Napataas ang kilay ko nang sabihin iyon ni Levii. Magaling si Paige sa Physics? Since when?
Kahit si Paige ay napataas din ng kilay at tiningnan ng masama si Levii.
Nakita kong napapikit si Levii at tumingin sa ilalim ng upuan niya. Marahil ay sinipa ito ni Paige.
Tumingin ako kay Nate at nakatingin lamang ito kila Levii at Paige. Ang sarap lang sabunutan ng lalaking ito. Alam ko namang gusto niyang maka-partner si Paige pero what's holding him back? Si Thalia!
Dahil sa ginagawa niya ay mas lalo pang masasaktan si Paige and even this Thalia! Alam kong maganda ang pakikitungo nito kay Paige kaya 'eto namang si tanga ay nagpapaniwala na may plano ang tadhana para sa love story nila.
Naiinis ako sa thought na parang pinapaasa lang nitong si Nathan si Paige kahit pa hindi niya intensiyon ito. Alam kong alam naman niyang patay na patay ang babaeng ito sakaniya simula pa noong bata sila kaya bakit parang pinapaasa niya ito na parang pinagtatabuyan niya din at the same time?
Naloloka na ako sa mga iniisip ko kaya kaagad akong tumayo at binitbit ang wallet at phone ko.
"Tara na, guys. Balik na tayo sa room. We still have about 7 minutes before 1 PM." Sabi ko sakanila kaya napatango naman silang lahat at tumayo na din.
Naglakad kaming lima palabas ng cafeteria. Napsapo naman ako sa noo ko nang makitang hinahabol na naman ni Paige si Nate na ang bilis lng maglakad.
Kasabay ko naman sa paglalakad ay si Levii na nakatingin at patuloy na tumatawa kay Paige.
"She's stupid for not knowing that you just saved her ears from being rejected by Nathan." I said to Levii and I chuckled.
Tumingin ito sa akin at tumigil na ito sa kakatawa at ngumiti.
"Well, she's really into that guy so she thought I was just showing off earlier," wika nito at bahagya pang natawa.
"She believes in fairytale stories and believes that Nate's the rightful hero in her story. Minsan nakakainis isipin na ganoon siya kaisip-bata but somehow, I really admire her perseverance and her optimistic views at a lot of things. You can't easily find a girl that positive you know." I said and stared at Paige clinging to Nate while she's glaring at her so-called rival in their story.
"Yeah, I am also amazed by her character." Levii said and then he looked at Paige.
"By any chance, are you starting to like her?" tanong ko at tiningnan si Levii mg seryoso.
It's not impossible for him or anyone to fall for a girl like Paige. I mean she's really bubbly and has a cute personality that can make any guy fall for her.
Tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay bago napaismid.
"Nah. I've only known her for a few days and it's almost impossible for me to like her. I don't really take feelings so seriously and being so attached with someone is a big joke for me." Wika niya at itinuro ang babaeng pinag-uusapan naming dalawa.
"I see," sabi ko at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Napatingin ako kay Levii nang bigla na naman itong nagsalita.
"And if I really did like her, I definitely won't stand a chance against her hero." Natawa si Levii sa sinabi niya at itinuro naman si Nathan sa may unahan na kinakapitan ni Paige.
Hindi ko na din maiwasan ang matawa sa sinabi niya. He's definitely right. Knowing how much that girl loves her so-called hero is almost impossible for him to have a chance.
Nang makarating kami sa classroom, I once again saw Levii pestering Paige out. He really like to annoy this girl much.
Nang maramdaman kong unti-unting humaharap sa akin si Paige ay kaagad ko nang inusog ang upuan ko dahil alam kong magda-drama na naman ito sa akin.
"Pierce. Levii is such a scumbag! Hindi ko tuloy napakinggan ang sinabi ni Nate kanina! Malay mo, ako ang gusto niyang makapartner 'di ba?" Tanong ni Paige at kumapit ng mahigpit sa braso ko. Inusog niya din ang upuan niya papalapit sa akin kaya kaagad namang kumulo ang dugo ko sakaniya.
" I doubt, "sagot ko kay Paige at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
Nakita ko namang nanginig ang mga bibig niya at akma na namang iiyak kaya inirapan ko na. Nakakairita kasi.
Ang palagi kong solusyon sa mga sitwasyong ito ay ang pagdugmo sa ulo ko sa armchair ko upang matulog at makaiwas sa drama ng babaeng ito.
Pero minsan, nakakagawa pa din ito ng paraan para gambalain ako!
Kagaya na lamang ng ginagawa niya ngayon. Patuloy niya akong kinakalabit sa braso kaya pakiramdam ko tumaas pa lalo ang dugo ko sa sobrang inis.
"Oh?" Galit kong tanong dito kasabay ng pagbangon ko.
"Do you think Nate was about to ask me kanina na kami na lang—" Kaagad akong nagsalita upang matigil na ang pagsasalita ng babaeng ito tungkol sa Nate niya.
"Oh, look! Andito na si Sir Mendoza."Sabi ko kay Paige at itinuro ang bagong dating na English teacher namin.
Minsan talaga, matatagpuan ko lang ang katahimikan tuwing dadating ang mga guro namin upang magturo kasi kapag hindi pa sila dumadating, siguradong guguluhin ako ni Paige at magkukwento na naman tungkol sa Nate niya.
It's not that I'm not interested in her story. Sometimes, I find their story cute. Sometimes! Because it gets so cringey whenever she's telling the story over and over again.
But then again, dahil patuloy at paulit-ulit niya itong kinukuwento sa akin at isama pa ang pagda-drama niya ay siguradong nakakapag-painis sa akin na parang gugustuhin ko na lamang na ipatapon ang sarili ko sa bintana na katabi ko lamang.
Matapos ang klase namin ay may vacant kami na isang oras before sa last subject namin.
How I love vacant time so much, set aside the loud seatmate I have of course.
Ang ginawa ko na lamang ay idinugmo ang ulo ko sa armchair ko at pilit na matulog.
"I'll go over to Nate, Pierce." Rinig kong bulong sa akin ni Paige.
Pinakitaan ko lamang siya ng isang thumbs-up bago ko naramdaman na tumayo na siya sa upuan niya.
There's just one thing I hope for my friend, Paige. I just hope she won't get hurt chasing after that guy.
~~~
Wee! Nagka-POV si Pierce! Haha. Let me know your thoughts guys about Pierce!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro