Chapter 7
I gulped hard when I saw Nate holding the keychain that he gave me. He looked at me and then I saw an unusual expression on his eyes. I can't explain but it's making me nervous.
Maya-maya ay binitawan niya din ito at bumaba na ng hagdan upang maabutan ako.
Gusto ko siyang tanungin kung naalala niya din ba na binigyan niya ako ng keychain na iyon pero hindi magawa ng bibig ko na magpalabas ng ni isang salita lamang.
"Tara?" Bigla akong natauhan nang bigla siyang magsalita sa harap ko at nakangiti na ito ngayon.
Nakangiti siya pero hindi ko alam kung bakit ganoon ang ekspresyon niya kanina nang makita niya ang keychain. Naaalala niya nga ba ang bigay niya sa'kin? Nandoon pa kaya yung hairclip na bigay ko sakaniya? Naalala niya pa ba ang sinabi niya sa akin dati?
Andaming katanungan ang nasa aking isipan pero pilit ko na lang itong binabalewala dahil baka maging dahilan pa ito ng pagiging hindi komportable sa akin ni Nate.
Pero...Pero sumisikip ang dibdib ko dahil sa mga iniisip ko tungkol rito.
"Nate..."mahina kong tawag sakaniya.
Hiniling ko na sana ay hindi niya marinig ang pagtawag ko pero huli na dahil nakatingin na ito sa akin habang naglalakad kami patungong cafeteria.
"Namiss kita,"mahina kong bulong. Sana ay hindi niya lang narinig at kung narinig man niya ay hinihiling kong sana ay bigyan niya ako ng sagot na siyang inaasam kong marinig mula sakaniya.
Tumitingin pa din ito sa akin at maya-maya ay ngumiti ito tapos ay itinuon ang tingin sa daan.
Napangiti ako. Hindi niya ata narinig ang sinabi ko.
But, deep inside my heart, I was hoping that I could hear those exact words coming from him too but I guess I still wasn't ready to be rejected by him. I still want to believe that this whole thing is our own fairytale story and I'm continuosly wishing that it may come true.
Napahinto kami sa harap ng pinto ng cafeteria. Binuksan ito ni Nate saka pumasok kami sa loob.
Nakita kong andaming pumipila upang bumili ng pagkain. Kaya pumila na din kami ni Nate upang bumili.
Mahigit sampung minuto ang itinagal namin sa pagpipila bago kami nakabili ng pagkain. Matapos naming makuha ang pagkain, humanap kami ni Nate ng bakanteng table upang doon kami umupo.
Nang may makita na kaming bakanteng table, kaagad kaming tumungo rito at umupo.
Tahimik lang kaming kumakain ni Nate at ang pinagtataka ko ay ang palagian niyang pagpipindot sa cellphone niya. Mabuti pa ang cellphone, binibigyan niya ng atensiyon.
Sana naging cellphone na lang ako ni Nate!
Kaagad na naputol ang pagpantasya ko nang biglang may tumapik sa likod ni Nate at kamuntik na akong mabulunan nang matantong si Thalia ito.
"Hey, Paige." Nakangiting bati nito at umupo pa talaga sa tabi ni Nate.
Kaagad akong napahampas ng tinidor ko sa plato ko at tumingin ng plastik sakaniya.
"Oh, Thalia? Anong ginagawa mo dito?" Ngumiti din ako habang itinatanong sakaniya ito. Baka sabihin niya ang harsh ko kapag dinuro-duro ko siya at pinaalis sa lugar na ito.
Oo, alam kong kaplastikan ang ginagawa ko pero wala akong pakialam. If I know, pinaplastic din ako nitong rival ko na si Thalia.
Sasagot na sana si Thalia nang biglang nagsalita si Nate kaya napatingin ako sakaniya.
"I asked her to come. She texted me na tapos na daw siya sa ginagawa niya sa library kaya sinabihan kong pumunta na lang siya dito para sabay na tayong tatlo pumunta sa auditorium." Saad ni Nate at nagawa pa na ngumiti.
Tiningnan ko si Nate ng masama. Nagawa niya pang dalhin ang kabit sa storya namin dito para magkagulo kami?
Gusto niya talaga pagsabay-sabayin kaming dalawa ni Thalia?
Tinanggal ko ang mga nasty ang irrelevant na thoughts na nasa isipan ko. Nate wouldn't think like that! Alam kong kami lang dapat na dalawa ang bagay 'no!
Thalia is one of the side characters lamang sa story na nakikisali sa amin to have an exposure just like Levii.
Iyon na lang ang inisip ko upang malimutan ang galit ko kay Thalia at ang nakakainis na thoughts ko about kay Nate.
Tinusok ko ng tinidor ang karne na kinakain ko tapos ay kaagad ko itong kinain habang nakatingin kay Thalia. Huwag lang siya magkamali na gumawa ng bagay na ikaiinis ko.
Mabuti at nakatuon lang ang pansin nito sa libro na binabasa niya. Maya-maya ay hindi ko namalayang naubos na ang tubig na iniinom ko sa bottle ko. Tatayo na sana ako upang iparefill ang tubig ko pero may inilapag si Nate malapit sa tray ng pagkain ko.
Isang bottled water.
Tumingin ako sakaniya at nakita ko lang itong sinesenyasan ako na inumin ko na lang ang tubig niya.
Napatingin ako sa tubig ni Nate. Hindi pa ito nabubuksan kaya nadismaya ako.
Kung nabuksan na sana ito at na-inuman niya ng kahit kaunti edi sana magkaka-indirect kiss kami ika-nga sa mga sinasabi noong kabataan namin.
"Eh ikaw?" tanong ko rito.
"Okay lang. Inumin mo na bago pa magbago ang isip ko." Nakita kong ngumiti si Nate ng sandali.
Napatakip ako sa mukha ko at tumili rito nang walang boses na inilalabas. Nang matapos kong mailabas ang kilig na nararamdaman ko, ay kaagad akong ngumiti kay Nate at maligayang tinanggap ang bigay niya sa akin.
While Nate and Thalia wasn't looking at me, I opened the bottle of water and sticked out my tongue at Thalia and rolled my eyes at her before drinking.
"I'll refill your bottle,"wika ni Nate tapos ay tumayo at kinuha ang lalagyan ko ng tubig.
Pipigilan ko pa sana siya pero nakaalis na ito at dala-dala na nga ang bottle ko.
"So Thalia, what do you think about Nate—Nathan?" tanong ko kay Thalia at inilapag mismo sa harap niya ang tubig na bigay sa akin ni Nate.
Mainggit ka ngayon Thalia. Ako ang binigyan ni Nate ng tubig.
Nakita ko namang tumingin ito sa tubig na inilapag ko sa harap niya nago tumingin sa akin at ngumiti.
How can she be so kind knowing na rival niya ako kay Nate?
Is she acting the typical heroine role in a story? Like being nice and all?
Napaismid ako sa naisip ko. Malabong mangyari na siya ang kapares ni Nate 'no! Kami lang amg dapat ni Nate!
"H-He' s nice. Siya palang ang kauna-unahan kong kaibigan dito sa school. You know, I'm not the type of girl na palakaibigan." Ngumiti ulit ito sa akin at tumawa ng mahina at saglit kaya kumulo ang dugo ko.
Oo, kilala nga talaga siya sa classroom namin bilang isang tahimik, at mahinhin na babae. Wala nga akong nalalamang kaibigan niya sa classroom. She's not an outcast kasi minsan nakikipag-usap naman ito sa iba pero I don't think she considers them as her friend.
Minsan lang kami ni Thalia mag-uusap. Either sa group project lang iyan o presentation. Hindi talaga kami nakapag-usap about sa mga personal topics kaya hindi ko siya kinokonsider na kaibigan at ganoon din ata ang tingin niya sa akin.
"So he's your new friend huh?" tanong ko at tumingin sa kuko ko habang pinandidilatan siya ng hindi niya alam.
"First friend actually," sagot nito at tumawa pa ng mahinhin.
Gusto kong i-mock ang pagtawa niya ng mahinhin. Ano siya? Pabebe? Pa-Maria Clara?
Nakakainis makarinig ng tawa na sobrang hinhin kahit hindi naman bagay sakaniya!
"He's my friend too since childhood, nasabi niya na ba iyon sa'yo?" tanong ko at ngumisi sakaniya.
Nakita kong kumunot ang noo niya at tumingin sa akin. She gave me an innocent look that you can tell she's confused with what I just said.
"He didn't told me that though." Napahawak ako sa mesa at gusto kong baliktarin ito at itapon sa malayo kasama ang babaeng ito.
Nagawa niya pa talaga ipakita ang inosente niyang mukha? As if I fall for that!
"Here." Napaangat ang ulo ko at nakita si Nate na ipinatong ang lalagyan ko ng tubig sa gilid ko.
"Thanks," sabi ko rito at ngumiti.
Bumili din si Nate ng sarili niyang tubig saka ininom ito. Sumagi sa isipan ko na sana iyang iniinom niya na lang ang ibinigay niya sa 'kin. Pero masaya pa din naman ako na binigay niya sakin ang tubig niya.
Matapos kaming kumain sa cafeteria, ay dumiretso kaming tatlo sa may auditorium. Tinext ko si Pierce na pumunta na sa auditorium at tanging 'K' lang ang reply niya sa akin.
Tiningnan ko ang relo ko at nakita malapit na mag-1 PM. Pumasok kami sa auditorium at tinungo ang side kung saan nandoon ang section namin.
Napangiti ako nang makaupo na kami nila Nate sa auditorium. Masyado kasing comfortable ang mga seats dito na gaya lamang sa mga sinehan at napakalamig din ng aircon kaya ibig sabihin, makakatulog ako ng maayos mamaya.
Biglang sumagi sa isipan ko na magkatabi pala kami ni Nate. Bigla tuloy akong tumili nang walang boses na inilalabas.
Tumingin ako kay Nate at tanging nakikinig lang ito ng music sa earphones niya dahil hindi pa naman nag-uumpisa ang program.
Napatingin naman ako sa may kaliwa niya at nakita na naman si Thalia kaya kaagad akong sumandal na lamang sa upuan ko upang hindi na makita ang pagmumukha ng babaeng ito.
Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng pagkaginaw. Marahil ay nakatutok talaga sa akin ang aircon sa may kaliwa ko. Ramdam ko pa nga ang paghawi nito sa buhok ko.
Nandito kasi kami sa left side ng auditorium at sa dami ba naman ng aircon sa loob, siguradong giginawin talaga kami dito.
Nararamdaman ko naman na nago-goosebumps na ako dahil sa lamig pero ininda ko na lamang ito at hinawakan ang magkabila kong braso at niyakap ang sarili ko.
Maya-maya ay may tumilapon sa mukha kong isang napakabangong bagay.
Kaagad kong kinuha ito mula sa mukha ko at bumangon upang sumbatan kung sino man ang walanghiyang nagtapon ng jacket sa mukha ko.
Tama, jacket nga ang tumilapon sa mukha ko. Isang itim na jacket na sobrang bango. Amoy pabango ng lalaki pero masarap sa ilong. Pero kahit na mabango ito, may walang hiyang tumapon pa din nito sa mukha ko!
"Aba!Sinong walang—" Napahinto ako nang makitang umupo sa tabi ko si Levii at ang umupo naman sa tabi ni Levii ay si Pierce.
"Hey, Paige." Kumaway pa ang nakakainis na side character na si Levii.
Tiningnan ko siya ng masama at itinapon sa mukha niya pabalik ang jacket.
"But you're feeling cold, Paige." He pouted his lips while holding his jacket and offered it again to me.
Tinaasan ko lamang ito ng kilay tapos ay may biglang sumagi sa isipan ko. Kaagad ako na tumingin kay Nate, pero nakita kong nakapikit lamang ang mga mata nito.
Phew! Kinabahan ako. Akala ko nakita niya na ganito magpacute ang panirang si Levii. Baka akalain pa nito ay nagche-cheat ako sakaniya sa Levii na ito. Hindi ko kaya 'yon magagawa kay Nate' no!
"Pati ba naman jacket ko, rejected na din?'Di na din special? " tanong ni Levii at dinagdagan pa ang pagpout ng lips niya at pagpikit pa ng mata.
Hindi ko maiwasan na maisip na sobrang cute niya tingnan kasi totoo na sobrang cute niya talaga. Ang sarap kurutin ng pisngi niya tapos yung mga mata pa niya na sobrang singkit—
"Stop!" sigaw ko. Nakita ko namang bumangon si Pierce at tumingin sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.
Si Levii naman ay natawa sa pagsigaw ko sakaniya kaya kaaagad ko itong hinampas at kinuha na kaagad ang jacket niya.
Tinanggal ko ang sapatos ko at ipinatong ang mga paa ko sa upuan at sinuot ang jacket. Ramdam ko pa din ang pagtitig ng mokong na si Levii kaya ang ginawa ko ay inilagay ko ang kanang palad ko sa kanang bahagi ng mukha ko upang maiwasan na matitigan ng lalaking ito.
"Ayaw mo ba ng tinititigan ka, Paige?" tanong ni Levii at labis pa ako na nagulat nang nilapit niya ang mukha niya sa may harap ng mukha ko. Tinanggal niya din ang kamay kong nakatakip sa kanang bahagi ng mukha ko.
Ngumisi pa ito at nagpa-cute pa sa harap ko. Nakatagilid medyo ang kaniyang ulo pero sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko!
Sa gulat ko ay inuntog ko ang ulo ko sa ulo niya kaya kaagad naman itong bumalik sa pwesto niya habang hawak-hawak ang noo niya. Kainis!
Tumingin naman ako sa may kaliwa ko at nakita si Nate na nakatingin sa akin. Pero, panandalian lang iyon kasi kaagad niyang ibinalik ang atensiyon niya sa cellphone nito.
Napapikit naman ako tapos ay pinaghahampas si Levii. Nakakainis talaga ang lalaking ito! Ano na lang ang iisipin ni Nate?
"Aray! Ang sadista mo talaga eh 'no?" Natatawang turan ni Levii kahit pa sinasaktan ko na siya.
Huminto ako at tumingin sakaniya ng diretso. Napataas naman ito ng kilay kaya tinaasan ko rin. Ano ako, papatalo sakaniya?
"Huwag ka lalampas dito sa linyang ito. Nakakainis ka Levii. Napakakulit mo!" bulyaw ko sakaniya at iginuhit ang imaginary line na ginawa ko upang pumagitan sa amin gamit ang daliri ko.
"Bakit naman?" tanong nito at tumawa pa.
"Boundaries tawag diyan Levii. Isa pang paglabag mo ay tutusukin ko iyang singkit mong mata,"pagbabanta ko at pinandilatan siya saka inakmang tusukin siya gamit ang dalawang daliri ko.
Natawa pa din ito kaya wala na akong magawa kundi ang humiga na lamang sa upuan ko at tanging ingay ni Levii lang ang maririnig ko kaya sobrang naiinis ako.
Maya-maya ay hinawakan ni Levii ang braso ko. Kasabay nang paghawak niya ay nagulat ako sa ginawa ng lalaking nasa tabi ko sa may kaliwa. Hindi ako nagulat sa pagkakahawak sa akin ni Levii kundi dahil sa ginawa ni Nate.
Naramdaman ko naman ang pagbitaw ni Levii sa kamay ko pero hindi pa rin maalis sa utak ko ang ginawa ni Nate.
Inilagay niya ang isang pares ng earphones niya sa may kaliwang tenga ko at napakinggan ko ang pinapakinggan niyang musika.
Tumingin ako sakaniya at nakita ko itong ngumiti ng saglit bago siya umiwas kaagad ng tingin.
Dahil doon, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Ang unang maingay na auditorium na ito ay napalitan na lamang ng isang nakakakalmang musika na pinaparinig sa akin ni Nate.
I couldn't help but smile at him.
~~~
Hey guys!
Sino bet niyo for our Paige? Nate or Levii? Haha charot.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro