Chapter 14
Natapos na ang recess at nakabusangot pa rin ang mukha ko dahil sa nangyari kanina.
Paano ba naman eh ang creepy at ang epal ng katabi ko.
I'm not referring to my seatmate on my left. She has nothing to do with my frowning face and ruined morning.
Umusog na nga ako papalapit kay Pierce upang makalayo sakaniya pero patuloy pa rin ako nitong inaasar kaya napagdesisyunan ko na lang na lumipat muna ng upuan dito sa unahang row.
Nag-exchange muna kami ng seat ni Kimberly at mabuti pumayag din ito. Ang alam ko kasi crush niya si Levii kaya siyempre chance na niya ito para lumapit sakaniya 'no. Alam ko yun kasi siyempre nakikibalita rin ako tungkol sa mga lovelife ng mga kaklase ko.
"Thank you talaga, Kim. Babalik din naman ako mamaya diyan kapag naubos na ang pagkahyper ng lalaking iyan." Sabi ko kay Kim at itinuro si Levii na busy ngayon sa pakikipag-usap sa mga kaklase naming babae.
At yun nga, nakaupo na ako kasalukuyan sa unahang row at sa totoo lang, mas bet ko ang mga katabi ko ngayon kaysa sa dalawang katabi ko roon sa likod.
Katabi ko sa upuan sila Chloe at Macey. Actually sobrang ingay nga namin ngayon dahil ang saya lang talaga nila kasama at kausap.
Pakiramdam ko sila pa lang ang mga kausap ko na hindi napipilitan na makinig sa mga kwento ko.
May mga tao lang kasi na hindi lang interesado makinig sa kwento ko—I'm kidding!
Alam ko namang interesado sila Pierce makinig sa akin pero hindi niya lang pinapahalata. Ang totoo niyan, super hopeless romantic din ito kagaya ko pero hindi niya lang pinapahalata kasi nga pa-cool ang kaibigan kong ito.
"Mapapasana all lang talaga kami sa'yo girl. Sana all kapartner ang crush!" Kaagad akong hinampas ni Chloe sa likod.
Teka, ang sakit no'n ah!
"True. Ang sad lang para sa akin kasi sa kabilang section ang crush ko. Hanggang tingin lang ako, gano'n." Napatingin ako kay Macey na ngayo'y nalulungkot dahil ang unfair ng fate sakanila ng crush niya.
"Girl, okay lang iyan. Your time will come if you just wait. I've waited for at least 8 years and then he came back!Soon, baka i-crushback ka na rin ng crush mo!"Sabi ko sabay tapik sakaniya sa balikat.
Oh 'di ba? Ang galing ko lang magcomfort sa isang kaibigan!
Ilang sandali pa ay dumating na naman ang aming guro sa PerDev.
Habang nagdidiscuss ito, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang palagiang tingin ng teacher sa akin kaya kinunutan ko na ito ng noo saka ngumiti ng pilit.
I know she's wondering ba't napunta ako sa harap.
Mabuti na lang mabait ang PerDev teacher namin 'di gaya ng iba na strict talaga sa proper placement ng seats.
Pagkatapos ng klase, naglunch kaming tatlo nila Pierce at Levii. Niyaya ko kanina si Nate na sumama pero umayaw siya sa hindi ko malamang dahilan.
Teka.
First subject sa hapon ang PE namin!Pakiramdam ko na ninyerbyos lang si Nate sa practice namin manaya and at the same time excited din gaya ko!
Assuming na kung assuming pero pakiramdam ko talaga ganoon ang nararamdaman niya.
"Weird." Napatingin ako kay Pierce na ngayo'y ngumunguya ng fries habang sinisingkitan ako ng mata.
Narinig kong bumulong si Levii kay Pierce pero ang bulong na iyon ay rinig na rinig sa buong cafeteria!
"Pustahan tayo, iniisip na naman niyan si Nathan."
"Bakit naman pagpupustahan pa natin 'yan, eh sigurado naman 'yon ang iniisip niya." Bulong naman pabalik ni Pierce kay Levii.
Kaagad kong pinaghahampas silang dalawa dahil pinagtsitsimisan nila ako eh rinig na rinig ko naman.
"Ano na naman?" Reklamo ni Levii sabay bawi ng kanang braso niyang hinampas ko.
"Pabulong-bulong pa kayo, eh rinig ko naman!" Singhal ko sakanilang dalawa.
Nakita kong ngumiwi sa akin si Pierce sabay ismid.
"Sino ba nagsabi na bulong iyon?Intensiyon namin na paringgan ka."
Kaagad na kumunot naman ang noo ko nang sinabi iyon ni Pierce.
"Para sa ano?" Tanong ko sabay kamot sa batok ko.
"Puro kasi Nathan laman ng utak mo. Kulang na lang ipakain na lang iyan sa'yo para tumigil ka na." Pierce answered and rolled her eyes at me.
Nakita ko pang nagpipigil ng tawa ang loko-lokong si Levii. Ang sarap niyang sapakin.
Sinimangutan ko na lamang silang dalawa at tumingin sa relo ko upang tingnan kung anong oras na.
Malapit na. Excited na ako ng sobra!
Matapos kaming tatlo na mag-lunch, kaagad kaming dumiretso sa classroom upang maghanda for our next subject.
Quarter to 1 na ang oras kaya kailangan ko nang magbihis ng PE uniform namin.
Magkasama kami ni Pierce na nagbihis ng uniform pagkatapos ay dumiretso kami pabalik ng classroom.
Pagpasok ko pa lang ng classroom,natanaw ko na kaagad si Nate na nagtatali ng sintas ng sapatos niya.
Pwede na bang kiligin kung gaano siya ka-gwapo tingnan habang tinatali niya ng sintas ng sneakers niya?
Umiling-iling na lamang ako para hindi ko siya mapagpantasyahan at tumungo na lamang sa seat ko. Si Levii ay nakapagbihis na rin ng PE Uniform pero ang nakakainis lang ay sinampay niya pa ang hinubad niyang uniform sa likod ng upuan ko!
Kaagad kong kinuha ito at itinapon sa lap niya. Busy pa nga ito kakalaro sa cellphone niya. Parang wala lang sakaniya ano?
"Ano ba?Magugusot ang damit ko sa'yo eh!" Reklamo niya at kinuha ang uniform niya saka sinampay ulit sa likuran ng upuan ko. Inayos pa talaga niya!
Aba!
"May upuan ka naman ah!Ba't sa upuan ko talaga?Babaho niyan upuan ko sa'yo eh!" Singhal ko pa sakaniya at tinuro-turo ang uniform niya.
"Excuse me, mabango 'yan, iha. 'Wag ka nga. Kahit amuyin mo pa, sigurado maadik ka at maisipan mo pang huwag humiwalay sa akin araw-araw." Narinig ko pang pinatunog niya ang dila niya dahil sa inis.
Siya pa talaga ang may ganang mainis ngayon?
Napapikit na lamang ako at napabuntong hininga para maitago ko ang inis na nararamdaman ko tapos ay umupo sa upuan ko at gumalaw-galaw para magusot na ang uniporme niya na nasa likod ko.
Ano ka ngayon, Levii?
Pero hindi niya ako pinansin at tanging cellphone lang niya ang pinagtutuunan niya ng atensiyon niya kaya tumayo na lamang ako at isinukbit ang bag ko sa balikat ko para makaalis na ako sa classroom na ito.
Nang matapos si Pierce sa pag-aayos ng sarili niya, kaagad ko siyang niyaya na na pumunta na kami sa gym. Ayaw kong sumabay pa sa amin ang antipatikong si Levii.
Nang bumababa na kami ng hagdan ni Pierce, kaagad akong natapilok nang humakbang ako ng isang step pa sa hagdan.
Muntik na akong natumba pero mabuti na lang ay nahawakan ako ni Pierce sa braso kaya hindi ako tuluyang natumba.
"Ayos ka lang?"
Napatingin ako kay Pierce at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Pakiramdam ko maiiyak na naman ako kasi sobrang sakit ng kanang paa ko!
"Pierce!Sakit!" Tinuro-turo ko ng paa kong natapilok saka umupo ako sa may hagdan upang matingnan ito.
Huwag naman ngayom please!Sa lahat ba naman ng araw na pwede akong matapilok, ngayon pa talaga?Kung saan unang practice sana namin ni Nate sa sayaw!
"Hindi ka kasi nag-iingat. Tara dalhin na kita sa clinic."
Kaagad na nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko. Napalitan na ito ng pangamba. Ayaw kong ma-miss ang practice ngayon!
"Oh look! Mukhang okay na! Magic?Nawala na ata ang sakit!Tara na Pierce sa gym!" Ngumiti ako sakaniya ng pilit saka ako tumayo at nagsimulang naglakad.
Sa totoo lang, ang sakit talaga!Pero mukhang makakaya ko pa namang indahin ito!
Nang makarating kami sa gym, nakita ko na kaagad ang iba kong mga kaklase na nakalinya na kasama ang mga kapareha nila.
Forty kaming lahat sa isang section at iginroup kami ni Sir into 5 groups composing of 4 pairs each group.
Kagrupo ko sila Vienne, Macey, Vince, Pierce, Michael, Jerian at syempre si Nate.
Nang makita na namin ni Pierce ang mga kagrupo namin, kaagad kaming pumunta sakanila.
Jerian is the one who'll choreograph our dance. Siya lang naman ang pinakamagaling na dancer sa room namin at palaging nagtuturo sa amin ng sayaw.
"Look at Sir, ipa-perform na niya tayo sa Biyernes pero 1 week lang ang ibinigay niya sa atin na time para mag-practice. Can we even manage to finish this?" Reklamo ni Macey.
Tinuro niya si Sir PE gamit ang nguso niya. Madali kong makalimutan ang names ng mga teachers namin. Especially yung mga bagong teachers namin this year. Kaya ang tawag ko na lang sa kanila minsan is by their subject.
"True. Kaya nga, our class president is planning to persuade him to move the performance next week para magawa naman nating magpractice ng maayos kahit sa weekend."
Napasang-ayon kaming lahat sa sinabi ni Jerian.
Maya-maya ay pinasimulan na sa amin ni Sir ang pagpapractice. Sa totoo lang, last week niya lang itinuro sa amin ang lesson about folk dance at sobrang bilis lang na ipapa-perform na niya sa amin ito this Friday.
Pumunta kami ng grupo ko sa may gilid banda ng gym dahil dito kami nakaassign na magpractice. Sinimulan ni Jerian na ayusin ang formation naming lahat.
Teka.
Am I dreaming right now?
Kaharap ko na ngayon si Nathan at kami nga ang magkapareha sa performance namin na ito!
Napangiti ako sakaniya at halos magwala na ang puso ko ng sinuklian din niya ako ng isang ngiti!
Sinunod namin sila Jerian at ang kapartner niyang si Macey na nag-bow muna sa magkabilang side bago humarap sa kapartner at nag-bow na rin.
Pero hindi ko maiwasana ang hindi maramdaman ang sakit ng paa ko bawat galaw ko kaya hindi ko masyado maenjoy ng practice namin ni Nate. Please 'wag naman ngayon!
"Ay shoot!Sorry Nate." Sabi ko nang magkamali na naman ako ng step at naapakan ko ang paa ni Nate.
Nakailang try na kami sa mga steps kaso palagi akong nagkakamali at palagi kong naaapakan ang paa ni Nate. Nakakahiya!
"Sorry ulit Nate." Sabi ko pero hindi ako nakatingin sakaniya. I'm worried that my hurt foot would let me down in this practice.
"There's something wrong with your foot. You okay?" Wika niya nang dumating na kami sa part ng sayaw na hinawakan niya ang kanang kamay ko.
Bigla tuloy akong kinabahan nang sabihin niya iyon. Ayaw kong maudlot ang practice namin dahil lang sa masakit ang paa ko.
Napakagat ako sa labi ko habang iniisip kung paano ko sasabihin ito kay Nate. Hindi ko man lang magawa na tumingin ng diretso sakaniya.
"H-Huh?I'm perfectly f—" Kaagad akong nagulat nang bigla niyang binitiwan ang kamay ko at umalis sa harapan ko.
Nanatili akong nakatingin kay Nate na kasalukuyang naglalakad patungo kay Sir P.E.
Anong ginagawa niya?
Nakita ko siyang kinakausap si Sir pagkatapos ay bumalik naman kaagad siya sa pwesto ng grupo namin.
"You're such an idiot!You sprained yourself didn't you?"Sermon sa akin ni Nate nang tuluyan na itong nakalapit sa akin.
Pakiramdam ko ay para akong bata na sinesermonan ng magulang at tanging nagawa ko lang ay mapanguso at yumuko sakaniya.
"Okay lang naman kasi ako,"sabi ko pa sakaniya sabay pilit ng ngiti pero tiningnan niya ako ng masama kaya kaagad na napawi ang ngiti ko sa labi.
Nakita kong inikutan niya pa ako ng mga mata niya bago ko naramdaman na umangat ang katawan ko.
Naramdaman ko bigla ang panginginit ng buong mukha ko sa ginawa ni Nate.
Paano ba naman, eh binubuhat niya ako ngayon!
Bigla akong may narinig na isang malakas na tawa sa loob ng gym at alam na alam ko na kung kanino galing iyon.
Sino pa?Eh si Levii lang naman ang may ganoon kalalas na tawa. Isang nakakairitang tawa.
"N-Nate, baba mo na lang ako please." Mahina kong sambit sakaniya at pilit na kumakalas.
Pero hindi niya ako pinansin! Nakalabas na kami ng gym pero hindi niya pa rin ako binababa! Baka may makakita pa sa amin na ibang mga estudyante!
"Kung inaalala mo ang mga matang nakatingin sa atin, ipikit mo na lang ang mga mata mo if you're that worried. Kasi kahit pa magmakaawa ka diyan na bitiwan kita, it's not possible. I'll let you go once we arrive at the clinic."
Hindi ko magawang matingnan si Nate dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.
Totoo ba talaga ito?
Paulit-ulit kong itinanong ito sa aking sarili hanggang sa marating na namin ang clinic.
Inihiga niya ako sa isang kama sa clinic pagkatapos ay umupo sa tabi ko.
"You sprained yourself, yet you still persist in continuing the practice. Have you lost your mind?"
Kanina niya pa ako sinesermonan at sa totoo lang naiiyak na ako dahil pinapagalitan ako ni Nate ngayon.
Tiningnan ng school nurse ang paa ko pero hindi sa nurse nakatuon ang pansin ko at hindi rin sa namaga kong paa kundi kay Nate na nakasimangot at diretso lang na nakatingin sa akin sa isang upuan sa tabi.
Nang umalis na ang nurse, kaagad na inilapit ni Nate ang upuan niya sa tabi ng kama na hinihigaan ko.
"Sa'n ka ba kanina natipalok?" Biglang huminahon ang boses niya nang itinanong niya ito sa 'kin kaya naman kumalma ako ng bahagya.
"Sa hagdan—aray!"
Napaaray ako sa sakit dahil sa paghawak niya sa paa ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niya. Ang sakit kaya!
"Sorry."
Biglang namang bumalik ang school nurse namin na may dalang ice bag.
"Ako na po, miss." Nakangiting wika ni Nate saka kinuha ang ice bag.
Tumango naman ang nurse kay Nate at may sinabi sakaniya bago umalis pero hindi ko na ito narinig.
Idinampi na ni Nate ang ice bag sa paa ko.
Sa totoo lang, ngayon lang talaga ako natipalok ng ganoon. Ni minsan sa buhay ko na paakyat-baba ako sa hagdang iyon ay hindi talaga ako natipalok. Nakakainis lang talaga isipin na grabe ang timing ng pagkatipalok ko. Kung kailan mai-enjoy ko pa sana ang pagpa-practice namin ni Nate ng sayaw.
"Why's your face so grumpy?"
Napaangat ang tingin ko kay Nate na ngayo'y nakaupo sa tabi ko at hawak-hawak ang ice bag na idinidiin sa paa ko.
"Hindi na natuloy ng practice dahil sa paa ko. Nakakainis."Itinuro ko ang paa kong na-sprain.
" Uunahin mo pa talaga ang practice na 'yan kaysa ang magpatingin ng paa mo? Ang galing mo rin eh."Sarkastiko niyang sambit at umismid pa.
Babangon sana ako pero itinulak niya ang noo ko pabalik sa pagkahiga gamit ang kamay niya. Bakit ba lagi nila itong ginagawa sa akin? Nakakairita kaya na itinutulak ang noo!
Minsan nakakainis din kapag paulit-ulit na lang nila ito ginagawa sa akin eh!
Teka, si Nate pala ito eh!
Okay, I'll let it pass since si Nate ang gumawa no'n. As I've said dati, he's an exception because he's special.
Napangiti ako at sinubukan na lamang magpahinga rito sa hinihigaan kong kama. Ilang sandali pa ay hindi ko na namalayang nakatulog na ko. Pakiramdam ko ang gaan na ng pakiramdam ko dahil sa mga nangyari sa akin ngayong araw.
Nang imulat ko ang mga mata ko, hinanap naman kaagad ng mga mata ko kung nasaan si Nate at nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang nakaupo sa isang upuan sa tabi ko at nakahiga ang ulo sa may gilid kama na hinihigaan ko ngayon.
Natutulog ito at kasalukuyang nakaharap ang kaniyang ulo sa may direksiyon ko.
Napangiti ako nang makita ang nakapikit niyang mga mata at ang maamo niyang mukha. Ang haba pa ng mga pilik-mata niya! Mas mahaba pa ata sa akin!Para siyang natutulog na inosenteng bata na ang sarap lang kurutin sa pisngi.
Hinawakan ko ang buhok niya tapos ay kaagad ko namang binawi ang kamay ko nang gumalaw ito ng bahagya. Ang akala ko ay magigising na ito pero hindi. Nakapikit pa rin ito at natutulog.
Napangiti ulit ako nang may marealize ako.
Spraining my foot and missing my chance to enjoy my first practice for our performance with Nathan isn't so bad after all.
Kinikilig na naman tuloy ako habang tinitingnan ko ang natutulog na si Nate. If only I have my phone, I'll definitely capture this cute face of his and make it my wallpaper o kaya ipa-print at gawing personalized pillow ang mukha niya.
Oh wait, I think I have it in my pocket!
Kinuha ko sa may kanang bulsa ng PE shorts ko ang cellphone ko.
Pinigilan ko lamang ang tawa ko nang inaanggulo ko na ang pagkuha ng picture ni Nate.
Nagulat na lamang ako sa lakas ng shutter sound ko nang pindutin ko ito. Hiniling ko talaga na sana ay hindi siya magising dahil doon. Pero nagising nga siya at bumangon na sa pagkakahiga.
"Kanina ka pa gising?" Tanong niya sabay kusot pa ng mga mata niya.
Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang biglang nag-ring ang cellphone ko.
Nang makita ko ang caller id, ay kaagad ko itong sinagot.
"Kuya?" Sabi ko sa kabilang linya. Bakit kaya tumawag ngayon si kuya?
"Nasaan ka?Are you still in school?"Kumunot naman ang noo ko nang itinanong iyon ni kuya.
"Opo. Why po?"
"Pupunta ako diyan." Kinabahan naman ako nang sabihin iyon ni kuya.
Bakit naman siya pupunta dito?
"I-I'm here at the clinic kuya." I bit my lower lip while I'm worrying how he'll react.
"What?Anong ginagawa mo diyan?May nangyari ba?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Natapilok lang ako kuya kanina. But I'm fine now. Thanks to Nathan who brought me here." Sabi ko at bahagyang tumingin aki kay Nate at ngumiti.
"Nathan?That boy again?" Hindi ko alam pero nag-iba ang tono ng pananalita ni kuya.
Parang tumaas ang tono ng pananalita niya at parang galit. Hindi ko alam kung bakit.
"Oo." Naging mahina na lamang ang tunog ng aking boses dahil hindi ako mapakali sa pag-iba ng tono ni kuya nang banggitin ko si Nate.
"Huwag kang aalis diyan. Pupunta na ako ngayon."
Magsasalita pa sana ako nang biglang patayin na ni kuya ang tawag. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sobrang kaba.
"Who was that?" Napatingin ako kay Nate.
"K-kapatid ko." Sagot ko sakaniya sabay tingin ulit sa phone ko.
Calm down, Paige. Maybe your kuya is really like that. Masanay ka na sa kasungitan niya minsan!
"Ah." Alam kong nakatingin sa akin si Nathan kaya nang tagpuin ko na ang kaniyang mga titig ay kaagad itong umiwas at mukhang hindi mapakali.
Hindi ko alam kung bakit pero may nakikita akong kakaiba sa mga mata ni Nate ngayon at patuloy itong bumabagabag sa isipan ko ngayon.
Nakikita ko ang pangamba sa kaniyang mga mata. Pero bakit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro