Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6 Anonymous


Tahimik kaming kumain ng hapunan. Sa kuwarto rin. Sa isang parte ng sahig na hindi sakop ng manipis na bed foam na binili ni Anton para sa amin.

Yung dala ni Anton, naka-styro na pagkain. May kasama ring ready to drink milk para kay Emma.

"Ely..."

Napitlag ako.

Nagkaroon na ako ng trauma kay Anton na pilit kong pinipigilan. Ayokong makadagdag sa nararamdaman ni Emma.

"Oh?"

"Sorry...kanina..."

Hindi ako kumibo.

"Emma, halika kay Papa," tawag nya dito.

Naramdaman ko ang tensyon kay Emma. "Ako na lang magpapakain sa kanya."

"Inilalayo mo ba sa akin ang anak ko, Ely?" Biglang nagtaas ang boses nito.

Napapikit ako ng mariin. Humigpit ang kapit ni Emma sa tshirt ko.

"H-hindi. Pagod ka pa galing sa labas," sabi ko na lang.

Ayoko munang kontrahin ang pag-iilusyon ni Anton na ako si Ate Ely at si Emma ang namatay nyang anak sa sinapupunan ng asawa.

Medyo masakit pa ang pisngi ko sa sampal na inabot ko kanina sa kanya. Maliban sa narito si Emma. Hindi ko maatim na makita uli ang takot sa mata nang anak ko nung dalawang beses akong saktan ni Anton na nariyan sya.

Kanina na inatake sya ng matinding pangungulila sa asawa at pinipilit ang sarili sa akin.



"Bakit palagi mo na 'kong tinatanggihan, Ely? May lalaki ka na ba?" galit nyang akusa matapos magpadapo ng sampal sa akin.

"Wala akong lalaki. At hindi kita asawa," pilit kong inaalis si Anton sa pagkakadagan sa akin.

Nasa sala kami noon. Sala na walang laman na kahit ano. Tulog si Emma sa kuwarto.

"Kuya Anton, hindi ako si Ate Ely. Si Madel ako!" Sagot ko sa pagitan ng pag-iyak.

Tsaka ito parang natauhan. Tila hindi makapaniwala sa ginawa nya.

Mabilis nya akong hinila papasok ng kuwarto at ini-lock iyon, matapos sabihing bibili sya ng hapunan.

Sa mga ganitong pagkakataon talaga ako lumalaban sa kanya.

Hindi kasi kaya ng sikmura ko.

Dati palagi ko itong pinapaalala sa kanya. Na hindi kami ang mag-ina nya.

Nagkamali yata ako na paminsan-minsan ko syang pinababayaan sa mga pag-iilusyon nya na buo pa ang pamilya nya, dala ng awa. Parang ginatungan ko ang depresyon nya.

Punung-puno kasi ito ng pagsisisi at guilt sa nangyari. Kasama na ang takot para sa kaligtasan namin at galit sa mga taong responsible sa pagkamatay ng mag-ina nya. At gusto rin nitong gawin ang huling bilin ni Ate Ely na ilayo at protektahan kaming mag-ina. Siguro, ito ang defense mechanism nya para sa guilt na nararamdaman.




"Akina si Emma," mabigat nyang sabi.

Wala na akong nagawa. Pinabayaan ko na. Baka magkaroon ng retaliation si Emma sa kanya at ang anak ko na ang makatikim ng pananakit ni Anton.

"Sige na, anak. Dun ka kay P-papa," sabi ko.

Labag na labag sa kalooban ko ang pagpapatawag ni Anton ng ganun kay Emma. Dahil nireserba ko ang pagtawag na iyon para sa tunay na ama ng anak ko.

Wala naman akong intensyong itago ng habambuhay si Emma. Alam ko na dadating ang panahon na hahanapin nito ang ama. At maliit lang ang mundo, eh ang Pilipinas pa kaya?

Pero sa ngayon, wala pa akong pagpipilian.

Tapos na kaming kumain at nailigpit na ang mga kalat namin.

Naligo kami ni Emma, pagkatapos. Habang nasa banyo, narinig ko na may kumatok sa pinto at kinausap sandali si Anton.

Paglabas ng banyo, ikinulong nya uli kami sa kuwarto dahil sya naman ang maliligo. Ganun ang routine namin mula nang lumipat kami dito.

"Anton, baka pwedeng bumili ka nang elctric fan. Summer na kasi. Mainit na. Wala naman tayong bintana—"

"Bakit gusto mong may bintana? Para makatakas kayo ng anak ko, Ely? Iiwan nyo uli ako?"

"H-hindi yun. Sabi ko kailangan natin ng electric fan," pilit kong pinatatag ang salita ko sa kabila nang pagtataas na naman nya ng boses.

Tinangka ko nang tumakas noon. Pero nahuli ako ni Anton. Iyon ang unang beses na nakatikim ako ng pananakit dito. Tapos bigla itong umiyak ng umiyak.




"Ely, wag mo na akong iiwan uli. Tama na yung nakita kong nalagutan ka nang hininga sa harap ko. Tama na. Wag mo na akong iiwan uli."

Naiyak rin ako para sa kanya. Nakaramdam ako ng awa. At kailangan din ng tulong ni Kuya Anton. Tulong ng tamang batas at para sa mental at emosyonal na estado nya..

Pero, hindi tamang nasa poder nya kaming mag-ina. Kaming tatlo ang nasa peligro.

Mas matimbang pa rin ang anak ko kesa sa awang nararamdaman ko para kay Anton.

Kahit puro pasa ako nang gabing iyon, inayos ko pa rin si Anton. Kasi nakatulog ito nang palupasay sa sahig. Nakatulugan nito ang pag-iyak na tila baliw.

Kinabukasan ng gabi, magdamag nya kaming ikinulong sa closet ng kuwarto naming mag-ina.



"Ah... sige. Bukas. Tyaga muna tayo sa paymaypay," sagot nya.

Sa iisang kuwarto lang kami natutulog. Katabi namin syang mag-ina. Nung gabing iyun, nagtyaga si Anton na paypayan kaming mag-ina.

Sayang si Anton. Mapagmahal sana itong asawa. Matiyaga. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pa sya nasama sa dumi na hatid ng sindikato ng drugs. Hindi naman ito nagkukuwento.

"Madel..."

Medyo nabuhayan ako ng loob nung tawagin nya ako nang ganun. Isang buwan na yata ang lumipas nung huli nya akong tawagin sa totoo kong pangalan. Ibig sabihin, bumabalik sya sa realidad. Or at least, may kapit pa rin sya sa realidad.

"Bakit, Kuya?"

"P-pasensya na. Ang init nga pala dito sa kuwarto," kinapa nito ang likod ni Emma tapos nilagyan ng sapin galing sa laundry bag.

Nagpapalaba lang kami sa landraumat. Ayaw nitong kumikilos ako sa loob ng bahay dahil lilikha raw iyon ng ingay na maririnig sa labas. Tsaka mas magastos daw kung bibili kami ng gamit panlaba. Gaya nang hindi kami bumibili nang kahit na anong gamit sa loob ng bahay.

We are on a constant run and hiding. Hindi ko naman sigurado kung hinahanap pa rin sya ng sindikatong nanloob sa kanila noon. Pero malamang. Sa nakita kong dami ng pera na bitbit nya nung umalis kami ng Negros, malamang, hina-hunting pa rin sya ng mga ito.

Pero alam ko, may hangganan ang dala nyang pera. Dahil wala naman itong trabaho na alam kong pinagkakakitaan. Hindi ko rin alam kung saan sya nagpupunta tuwing umaalis sya araw-araw.

"Basta bili ka lang kahit maliit na electric fan," sabi ko.

"Oo bukas. Tsaka, siguro, bibili ako ng laruan ni Emma. Para may mapaglibangan yung bata. Ikaw ba, ano'ng gusto mo?"

"Ano, kahit anong mababasa ko rito. Kung makakasaglit ka sa bookstore. Yung makapal na paperback novel. Kahit second hand, pwede."

"S-sige," umayos sya nang higa.

Magkaharap kami, nasa gitna si Emma.

"Madel..."

"Oh?"

"Sorry, nadamay kayong mag-ina. Nataranta kasi ako. Nung ...nung makita kong..." umiyak na ito. "Kaya tinawag kita."

"Wala na yun, Kuya," tumikhim ako. Ito yung pagkakataon na gusto kong magkaroon. "Kuya Anton..."

"Hhmm..." suminghot lang ito.

"Alam kong nararamdaman mo ngayon. Pero... nakita mo naman si Emma. Mahal mo, nyo ni Ate Ely si Emma, di ba?"

Nakita ko ang pagtango nang silhuweta nya sa dilim.

"Kailangan nya nang mas maayos na environment."

"Alam ko."

"Sabi mo noon, wala ka nang tiwala sa mga pulis kaya ayaw mong humingi ng tulong..."

Hindi ito kumibo.

"Kung h-indi mo sana m-masamain... may kakilala akong pribadong tao."

"Kaya ko kayong protektahan!"

Nahigit ko ang hininga ko. Dapat ko pa bang ituloy? Pero sayang ang pagkakataon. Minsan ko na lang nakakausap ng ganito si Anton...bilang Kuya Anton.

"A-alam ko...pero hanggang kailan? Mauubos at mauubos ang perang dala mo, Kuya," naiyak na ako. "Wag na lang para sa akin kasi. Si Emma ang iniisip ko. Bata pa ang anak ko, Kuya."

Matagal kaming natahimik. Ang mahinang hikbi at pagsingot ko lang ang maririnig sa kuwarto.

"Sino y-yung sinasabi mo, Madel?"

"S-si Ate Andie. Y-yung nakita natin sa Dinosaur Island. Ano, dati kong inalagaan ang anak nya. P-parang kapamilya na ang turing nila sa akin."

"Kung ganun, e bakit ka umalis sa kanila? Bakit hindi ka nila hinanap noon?" May pagdududa sa boses nya.

Hindi agad ako nakapagsalita. Pero naisip ko, kailangan kong ipaglaban ang kaligtasan ng anak ko.

Sa pagitan ng pag-iyak ko, ang sikretong hindi ko sinabi kahit kanino, inamin ko kay Kuya Anton ng gabing iyon. Kung bakit ako umalis kina Ate Andie sa kabila nang magandang turing nila sa akin at mataas na pasweldo. Sa kabila na wala naman talaga akong balak pang mag-medisina dahil alam kong kulang pa ang perang ipon ko. Na kinumpirma ko lang ang scholarship grant para iligaw sina Ate Andie.

Kinuwento ko na rin sa kanya ang naging buhay ko. Kung bakit ako napunta sa ampunan.Itataya ko na rin. Baka sakaling maawa sya sa aming mag-ina. Isa pa, alam kong matutulungan nina Sir Reid si Kuya Anton. Ipapakiusap ko sa mag-asawang Schulz. Dahil kahit papaano, naging mabait ang mag-asawang Ely at Anton noon sa amin ni Emma. At sa sariling paraan ni Kuya Anton, kahit nakikipaglaban sya na wag lamunin ng depresyon at pagkabaliw ang isip nya, pinoprotektahan nya kami ni Emma.

Halata ang pagkamangha sa boses nya.

"S-sigurado ka, Madel? Yung tatay ni Emma, sasabihan mo ba?"

"O-oo. Sa tamang panahon. Ang importante muna ngayon, si Emma, Kuya."

Pinagdidiinan ko na si Emma sa sitwasyon. Sa nakikitang kong reaksyon ni Kuya Anton, mas mabilis ko syang makukumbinsi kung si Emma lagi ang idadahilan ko. Dati kasi, sinasabi ko na para sa aming mag-ina. O kaya, para matulungan sya sa kaso nya, pupunta kami sa NBI, pero lalo lang siyang napa-paranoid.

"E i-ikaw.. iiwan mo 'ko, Madel?" Mahina nyang tanong.

"Ah... hindi Kuya," Nag-iisip ako ng tamang salita na hindi mati-trigger ang pagpapalit ng mood nya.

"Magtutulungan tayo...para malampasan ito. P-pangako ko iyan sa iyo. Para kay Ate Ely at sa anak nyo. Pero, sana, unahin natin si Emma, Kuya."

Matagal bago ito nagsalita, "S-sige. Pag-iisipan ko."

Nakatanaw ako ng pag-asa sa sinabi nya. Ngayon lang nya sinabi na iko-konsidera nya ang sinabi ko. Dati kasi, nagagalit ito. Kahit sinabi ko na tetestigo ako para sa kanya.

Kinuha ko ang pamaypay sa kamay nya nung nakatulog na sya. Pagod ito sa kung saan man ito nagpupunta, maliban pa sa pagod rin ang utak at puso nito.

Ako na ang nagpaypay sa amin.

Sa gabing katulad nito, di ko maiwasang managinip ng gising.

Kung sana, isang buong pamilya ang meron kami ni Emma, kasama ang totoong papa nya, kahit umagahin ako sa pagpapaypay, ok lang. Magdamag ko silang pagmamasdan mag-ama matulog.

May mainit na likidong tumulo sa gilid ng mata ko.

"Aris..." mahina kong bulong.



"Madel, dali. Andun yung poreber mo sa may soccerfield. Malapit sa may stage," si Lulu.

Second year nursing student din ito. Classmate at kaibigan ko rito sa St. Margarette simula pa last year. Kung under ako ng scholarship ng Foundation, ito naman, paaral ng ate nya na nurse sa London. Galing ito sa middle class na pamilya. Susundan nito ang yapak ng kapatid kaya nursing din ang kinuha.

"Ingay mo, Lu. May makadinig sa 'yo," saway ko. "Lalo na yung grupo nina Madison. Mapapag-initan pa tayo ng mga Queen bees dito."

"Sus, wala mga iyun. Busy sa wedding booth nila. Tsaka di makakalapit mga yun ngayon kay poreber mo. Alam mo naman na kalat na kalat sa campus na nagwala doon kahapon si Aris kasi nga--"

"Oo na. Oo na," sansala ko dito.

Nabalitaan ko yun. Nagwala si Aris sa wedding booth ng Psych Society. Ang kumalat na balita, sadyang hinuli si Aris doon para 'makasal' kay Madison. Tapos hinalikan daw ni Madison sa lips si Aris na nakita ni Andromeda. Tapos umalis nga raw yung babae, parang nagalit. Kunsabagay, noon pa bulung-bulungan sa campus na may something yung dalawa. Pero di inaamin. Basta ang sigurado kami, mag-bestfriend sila.

At ganun din ang sinasabi ng grupo ni Madison. Palibhasa, alam nang lahat na may gusto si Maddie kay Aris. Hina-harrass nga nito yung mga naririnig na vocal na pagkakagusto sa lalaki. Akala mo, sya ang girlfriend. Pero ni minsan, di ko nakitang natarayan nya si Andromeda dahil protektado ng mga lalaking miyembro ng Silent Scream ang babae lalo na ni Aris. Kay Andromeda sya nakahanap ng katapat dahil di nito pinapansin ang pagiging maldita nya.

Di ako mahilig sa mga tsismis sa St. Margarette, maliban kung tungkol kay Aris. Siyempre, nasasabit na doon ang tungkol sa Silent Scream at kay Andromeda, yung sikat na lead soprano ng school choir namin.

Sa totoo lang, fan ako Andromeda. Simple lang ito sa kabila ng pagiging sikat nito sa school dahil doon. Lalo na nung naging kaibigan nya ang mga miyembro ng Silent Scream... Maliban kay Madison.

Freshman orientation namin sa MP Hall nung una ko silang makita ni Aris. Nag-intermission noon ang choir group sa saliw ng gitara. Hangang-hanga ako sa babaeng kumakanta ng soprano, pero nung makita ko yung naggigitara, parang napunta ako sa ibang dimensyon at nag-feelingera ako na hinaharana ako nung chinitong gitarista.

Sa edad kong disisyete, normal lang ang makaramdam ng crush at admiration sa opposite sex. Sa parte ko, si Aris yun. Yung gitarista.

Hanggang sa tumagal, parang lumalalim yun. Hindi agad iyon napansin. Kasi tulad ng mga normal na teenager sa campus, naging fan rin ako ng Silent Scream. Silent fan. Hindi nga lang ako nakakanood ng mga gig nila sa labas. Dito lang sa school, kasi kailangan din akong tumulong sa orphange bilang isa sa mga 'ate-ate' nang mga bata doon. Wala kasing umampon sa akin noon.

Pero, nagsimula akong makaramdam ako ng inggit at selos dito nung makita ko kung paano sya tratuhin at tingnan ni Aris. May gusto sa kanya ang poreber ko.

Dinaan ko lang sa biro na tinawag kong poreber si Aris kapag magkausap kami ni Lulu. Codename namin iyon kay Aris. Si Lulu naman, poreber din ang ginagamit, pero poreber 1, may 2 hanggang 5. Daming crushes nito sa school eh.

Ito kasi ang pinakaka-close ko sa mga classmates ko. Wala kasi itong pretentions sa pakikitungo sa akin. Yung iba ko kasing classmates, ginagawang big deal na sa orphanage ako nakatira. Deep inside, naiinis ako sa ganun. Being am orphan does not make me a lesser person kaya lang, may mga tao talagang ganun. Yung tipong,



"Talaga? Sa ampunan ka lumaki?"

"Asan parents mo? Eh mga kamag-anak?"

Yung mga ganun. Insensitive rin eh.

Minsan nga di ako nakapagpigil maging sarkastiko, "Malamang patay na sila o ayaw na sa akin. Kaya nga ako nasa ampunan lumaki, di ba?"

E di natahimik ang mga insensitibong mahadera.

Napabungisngis nga noon si Lulu.



"Lika na, Madel. Punta tayo kunwari sa kiosk. Ta's daan tayo sa tapat ni poreber mo at nang makasilay ka nang malapitan. Para naman makumpleto Valentine's Day mo, 'no! Lahat ng crush ko nakita ko na today! Ikaw naman!" Bumungisngis ito.

"Sige! Sige!" Excited kong sabi.

Malayo pa lang, nakita ko na si Aris. Mukha itong aburido. Siguro di pa sila nagkakabati ni Andromeda. Parang gusto ko nang mainis sa babae.

Aba, kung ako nasa posisyon nya, hindi aabot ang isang minuto, makikipag-ayos na ako kay Aris. Eh, anong petsa na? Kahapon pa yung away nila ah.

"Hi, Aris!"

Nanigas ako nung bigla itong batiin ni Lulu. Luka-loka talaga!

Napatingin tuloy ako sa ibang direksyon. Nahihiya kasi ako. Baka makita ni Aris pamumula ng mukha ko kahit hindi ako yung bumati.

Dumiretso kami sa may likod ng kiosk. Hinampas ko sa braso si Lulu.

"Aray ko, bakit ba?" reklamo nito.

"Bigla-bigla ka naman. Bakit mo binati?" sikmat ko. "Napaiwas tuloy ako ng tingin. Di ako ready."

"Ay sus! Binigyan nga kita ng chance para makita ka nya. Malay mo, mabighani sa 'yo," tawa nito. "My ghad, Madel. Para yun lang, namula ka kaagad?"

Napahawak tuloy ako sa dalawang pisngi ko. "'Kakainis ka naman eh!"

Tawa ito ng tawa. "Iba na yan ha?"

Lalo akong namula.

"Ay teka! Halika!" Hinila ako nito.

"Lu, ano na naman ya—"

Nanlaki ang mga mata ko kung saan ang tinutungo ng mga hakbang namin ni Lulu.

"Miss, magkano pa-deliver ng bulaklak?" Tanong nito.

Sinabi nito ang presyo kasama na raw yung bulaklak. Pumili ito ng full blossom white rose.

"Lulu, ha?! Hindi ko gusto iniisip mo!" Sabi ko.

"Wag ka mag-alala. Ako magbabayad," ang sabi lang na di ako tinitingnan. "O, eto. Isulat mo yung dedication mo."

"Ayoko! Nakakahiya!"

"Pwede mo namang ilagay na 'anonymous', miss," sabi nung isang estudyanteng bantay sa flower delivery booth.

"Eh kasi..." di ko alam iisipin ko. Gusto ko yung idea. Pero nakakahiya talaga.

"Sige na, Madel. Valentine's naman! Dali, hangga't walang ibang bumibili. Mamaya mas nakakahiya kapag may ibang students dito," pangungulit ni Lulu. "Tsaka bayad ko na oh. Miss, confidential naman di ba?"

"Syempre," sagot nung bantay.

"Tss," nasabi ko na lang nung abutin ko yung dedication card ng bulaklak.

Kumuha ako ng ballpen sa bag ko.

Nanlalamig ang kamay ko nung sinulat ko ang dedication.


Hi Aris!

Galingan mo mamaya ha!

I'll watch and cheer for you and Silent Scream.

Happy Valentine's Day!

--- Anonymous 


Nung iabot ko iyon pabalik sa babae, saglit nya lang binasa. Kahit ito napangiti at parang kinilig.

"Sayang! Di ako ang naka-assign mag-deliver," ang sabi pa, sabay abot dun sa mas mukhang bata pang estudyante sa booth nila.

Parang gusto kong mapasimangot.

"Andyan lang si Aris sa soccerfield. Katapat ng kabilang side ng kiosk," sabi ni Lulu.

We watched from the other side of the kiosk nung iabot nung nag-deliver yung bulaklak kay Aris.

Di ko makita ang mukha ni Aris dahil nakatalikod ito sa amin. Saglit lang silang nag-usap nung delivery girl tapos bumalik na agad sa booth ito. Bumalik rin kami ni Lulu doon.

"Miss, anong sabi?" Ang kulit din ni Lulu eh.

"Uhmmm... wala lang. Napagkamalan lang akong highschool. Pagkasabi ko yung pakay ko, basta tumango lang tas tinanggap yung bulaklak. Parang badtrip nung di pa 'ko lumalapit eh."

"Yun lang? Ngumiti man lang?" Si Lulu talaga!

"Uy, hayaan mo n—" saway ko.

"Basta tumango lang. Bago 'ko umalis nakita kong binasa nya pero wala lang rin. Tapos dumating na mga kaibigan nya, kaya di na ko uli lumingon," ang sagot nung nagdala.

"Sige, salamat!" Ako na ang nagpaalam tapos hinila ko na si Lulu. "Halika na nga!"

Baka kung ano na naman ang itanong. Nakakahiya na talaga.

Wala na si Aris sa kinauupuan nya kanina. Natanaw ko na patawid na nga sila ng mga lalaking miyembro ng banda nila.

Umalis na rin kami doon ni Lulu. E wala naman talaga kaming gagawin sa area na ito.

Napadaan kami sa pwesto ni poreber kanina.

Bumigat ang dibdib ko nung madako ang mata ko sa ibaba ng bench na kinauupuan nya kanina.

"Madel..." mahina at nag-aalalang sabi ni Lulu.

Lumabo ang mata ko sa pigil na luha.

Yung white rose na pinaabot ko, naroon. Ni hindi nabigyan ng halaga ng pinagbigyan ko.

Dinampot ko iyon at inilagay sa bag ko.

"Uy, Madel...ok ka lang?"

Tumango lang ako. Ayoko kasing magsalita. Bago mapahikbi ako at di ko na maawat ang luha ko.

"Tara! Ikain na lang natin yan!" alam kong pilit lang pinasigla ng kaibigan ko ang tinig.

Malungkot akong napangiti. "Sige."

Akala ko, hanggang dun lang ang lungkot ko. Pero pagdating nang gabi ng araw na iyon, nadurog ang batang puso ko dahil sa harap ng mga estudyante at ng mga magulang na dumalo sa last day ng Foundation Day at Valentine's event namin, hinarana ni Aris si Andromeda at nagtapat sya dito.

Ang Valentine's Day na sinasabi nilang araw ng mga puso, ang mismong araw na naging opisyal na magkasintahan ang poreber ko at ang hinahangaan kong lead soprano ng school choir namin.

Hindi ko naman naging ugaling maging bitter sa kabila nang may ilang mga estudyanteng ganun ang reaction sa pagiging mag-on nang dalawa.

"Ano, Madel, ok ka na? Naka-move on na?" Tanong ni Lulu sa akin makalipas ang isang linggo.

"Oo naman. Wala akong magagawa. Tsaka matagal na naman nating alam na gusto nila isa't-isa," sagot ko habang kumakain kami ng footlong sa isang bench na nakaharap sa soccerfield.

Nagtanong ito kasi kakadaan lang ni Aris at Andromeda na magkahawak kamay.

"Kunsabagay," sang-ayon nya. Tapos bumulong. "Kesa ke Madison, mas hamak na ok naman si Ms. Soprano."

Natawa ako nang pagak. Totoo ang sinabi ni Lulu. Baka di ako maka-move on kung si Madison ang naging girlfriend ni Aris.

Simula noon, naging tahimik na fan na lang ako ng loveteam na And-Ris. May mga students kasi na ganun ang naging bansag sa dalawa. Lalo na nung palitan ni Andromeda si Madison bilang babaeng bokalista ng Silent Scream. Nagkadagdag iyon sa karisma ng banda.

Nung makalipas ang isang taon, dumalo pa ako saglit sa burol ng nanay ni Andromeda. Nakisabay kami ni Lulu sa mga taga-choir members. Isa ako sa naiinis sa mga estudyanteng pinag-uusapan at nagagalit sa 'special treatment' daw kay Andromeda nung mga panahong nasa ospital ang nanay nito.

Naiinis ako ng lihim palibhasa hindi nila naranasan ang mawalan nang parehong magulang. Isang bagay na pagkakapareho namin ni Andromeda. Lamang sa kanya, magkasunod. Sa akin, nangyari sa iisang araw, pati ang kapatid ko.

Nalungkot ako para sa magkasintahan dahil alam na alam ko na hindi sila nakapag-selebra ng one year anniversary nila.

Nagsimulang mawala ang balita ko sa dalawa nung gr-um-aduate na ang mga miyembro ng banda nila. Yung isang gitarista at si Andromeda na lang ang natira sa St. Margarette.

Nung pumutok ang balita na naaksidente ang babae, nabigla rin ako. Marami kaming nanghinayang nung di ito nakapag-enrol uli dahil running as magna cum laude ang nobya ng poreber ko.

Basta ang huling alam ko, umuwi sa probinsya si Andromeda para magpagaling. Na ultimong mga kaibigan nito ay nawalan na nang contact dito.

At makalipas ang mahigit isang buwan, ang balitang engage na si Aris kay Madison. Naisip ko, iyun siguro ang totoong dahilan nang pag-alis ni Andromeda.

Tulad nang pag-iyak ko sa walang kinahinatnang lihim kong pagmamahal kay Aris kasi di nya ako kilala, umiyak din ako ng lihim para sa malungkot na kinahinatnan ng relasyon nila. Kitang-kita ko kasi na mahal na mahal nila ang isa't-isa. Pero, may Chinese blood nga pala sina Aris at Madison. Normal sa kanila ang arranged marriages. Yet, di ko matanggap.



"Madel...Madel..."

Napadilat ako.

Mukha ni Kuya Anton ang nakita ko.

"B-bakit? Anong oras na?"

"Magna-nine na nang umaga," sagot nya. "Nakabili na 'ko nang agahan nyo. Kumain na kayo."

Tahimik lang akong bumangon. Magaan ang pakiramdam ko ngayon.

Una, siguro dahil sa pagtatapat ko kay Kuya Anton tungkol sa naging buhay ko bago ko sila makilalang mag-asawa.

Panagalawa, sa nakalipas na ilang buwan, ito ang unang beses na nagising ako na Madel pa rin ang tawag nya sa akin.

Isa itong magandang senyales.

Ginising ko na si Emma para mag-toothbrush at maghilamos.

Paglabas namin nang banyo, "Bilisan nyo kumain dalawa," sabi ni Kuya Anton.

"Bakit?"

"Nagpa-load ako kanina. Tawagan mo yung Ate Andie mo."

=============

Does the flashback remind you of something?

Yes, it was Madel. This was back in Chapter 12 of Claiming Andromeda 

=============

Don't forget to comment and vote!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b4cr