5 Ely
Pinapasok na ako ng secretary ni Agoncillo sa opisina nya. Sa pagkakaalam ko isa rin itong agent investigator, pero hindi sa field. Ito ang tumutulong sa computer/IT expert nila pagdating sa mga internet investigation and data hacking.
"Kararating lang rin halos ni Rob. Pero papasukin na raw kita agad pagdating," ang sabi. First name basis lang talaga sila dito.
Mukhang kabubukas pa nga lang ng laptop nito pagpasok ko. Nag-angat ito ng tingin sa akin.
Una kong nakita ang lungkot sa mata nito na mabilis napalitan ng mapang-asar na ekspresyon.
I gave him a dirty finger.
He chuckled.
I sat on the chair infront of his desk. Di naman uso sa amin pa ang pag-aalok ng upuan.
"I wonder why you are here when Andie was the one who set this appointment considering na yung subject was her daughter's former nurse," nakangising sabi.
"Tss. Wala bang sinabi sa iyo si Andz o kaya si Schulz?"
Ngumuso ito at umiling, "Pero I have a suspicion. And...I remember seeing the two of you drinking together on the eve of Sarah's wedding."
"We we're just drinking that time, dork," I snorted.
Lumiit ang mga mata nito, "Maybe the right word was, you were drinking and she was just listening to you or maybe talking. Oh, wait, let me rephrase that. You were drunk."
"Tss. Alam ko yun," kumumpas pa ako dito na tila tinataboy ito. "Ano na bang meron?"
"Maya-maya pa yung email report nung agent namin sa Ilocos. Sya ang pinapunta ko sa address na sinabi ni Reid."
Nahinto kami sa pag-uusap nung kumatok ang secretarya nya at pumasok, "Rob, ito yung info na nakuha namin initially ni Jack. We are still looking for more."
Inilapag lang ang tatlong folder files sa table ni Rob at lumabas na uli. Inabot nya sa akin yung isa, "Copy mo yan. Kina Reid yung isa."
Binuklat ko iyon. I flipped some pages. Sa totoo lang, di ako masyadong interesado.
"I think you were already informed na wala nang inabutan yung agent ko sa La Union?"
Tumango lang ako.
"At kakalipat lang nila doon wala pang isang buwan. As per my agent's verbal report, kahit yung mga kapitbahay, medyo ilag sa pamilya. Kasi di daw naglalalabas yung mag-ina. Pina-padlock daw nang lalaki yung bahay kapag umaalis pero naroon ang mag-ina sa loob."
Napakunot ang noo ko. Gago pala napangasawa ni Madel eh!
"There was a time na narinig daw nilang sumisigaw yung lalaki at parang may sinasaktan...pero wala naman daw silang naririnig na pag-iyak o paghingi nang tulong mula sa mag-ina. Ayaw naman nilang makialam dahil may nakakita raw minsan yung isang kapitbahay na may baril yung lalaki. Nakasukbit sa bewang."
"Di kaya pulis yung asawa?" Tanong ko.
"Di daw sigurado yung mga kapitbahay. Gabi raw madalas umaalis yung lalaki. At di naman naka-uniporme."
"Di ba yan makukumpirma sa NSO, kung sino ang asawa ni Madel?"
"Wait, Kho. Akala ko ba pinakita na sa iyo yung wallet ni Madel?"
"Yeah. Pero binitawan ko agad nung na-realize ko ang gustong palabasin nung mag-asawa sa akin. No fucking way, dude!" Natatawa kong sabi.
Tumangu-tango ito. "May ID doon sa wallet. Pero ibang pangalan ang nakalagay. Roselyn Domingo ang nasa ID. Ma. Adelyn Rosales ang totoong pangalan nya."
"Gaano kayo kasigurado kung yung huli nga ang totoo nyang pangalan?" Sarkastiko kong tanong.
Agoncillo smirked. "Ikaw naman. We've confirmed that. Madel spent her days in the orphange since she was seven years old and was a beneficiary nang scholarship foundation na kabilang ang mommy ni Reid. Oh, by the way, pareho kayo nang alma mater. She finished her nursing course there two years after you graduated from St. Margarette."
Napataas ang kilay ko. Does it mean ... matagal na kaming kilala ni Madel?
"This information was provided by Madam Schulz. Madel was with their foundation's list of beneficiaries since she was a child. Kaya nga ito ang kinuha nyang nurse ng apo nya agad-agad."
"Alam na ba ito ni Andz?"
"Malamang. Si Andie ang nag-forward dito ng email na galing daw sa secretary ng Foundation with Madel's full history sa orphange at Foundation. It's in that folder, too. Hindi ko pa nababasa ang buong laman ng file. Kita mo naman, kakaabot lang sa akin."
"Anything else I need to know na wala dito sa file?"
"Hmm..." Umiling si Rob. "I'll just email you the report ng field agents ko at kung ano pa ang makukuha nina Jack online. Let me know kung may gusto ka pang malaman na hindi kasama sa report. Anyway. Ongoing pa naman ang investigation namin. Malamang marami pang lalabas na info."
Nagpaalam na ako dito bitbit ang folder, pero bago ako makalabas ng pinto, tinawag ako ni Rob.
"I forgot. Sabi pa pala nung agent ko sa Ilocos, wala raw halos laman ang bahay nina Madel nung papasukin siya ng landlady. And what was off is that, wala naman daw truck na naghakot ng gamit nila Madel."
Tumango lang ako tapos umalis na.
I don't want to involve myself too much with this issue kundi lang dahil kay Andz. Pero sa mga nalaman ko, nauumpisahan ko na ring maging interesado. Hindi lang sa kinasasangkutan ni Madel ngayon. Kundi sa nalaman kong nag-aaral din pala ito sa St. Margarette. At nagpang-abot kami. Malaki ang posibilida na kilala na nya kami bilang miyembro ng Silent Scream. Pero bakit wala itong binanggit nung nagkukwentuhan kami sa gabi ng inauguration ng resort nina Schulz sa Palawan o kahit sa ibang pagkakataon na nagkausap kami?
Bago mag-lunch, nakabalik na ako sa MonKho. Hindi ako makapagkonsentra sa trabaho ko dahil hinihila ng folder file ni Madel ang mata ko na nakapatong sa office desk ko.
Shit! Padabog kong ibinaba ng fountain pen na regalo sa akin ni Andz pati ang dokumentong binabasa ko na ginawan ng revision.
I picked up the file from Agoncillo and started reading through it.
Una kong nakita ang FB profile report ni Madel. Screenshot iyon ng FB wall nya. No recent acivity. Last post nya pa nga was about a meme on nurses' struggles. Dated almost four years ago. Nasa report din na walang kakaiba sa mga private messages nito.
"Tsk! Delikado pala talaga itong sina Rob. Goodluck sa privacy," bulong ko.
I opened my FB tapos nagpunta ako sa wall ni Madel. Mahilig nga sya sa mga quotes and memes about medical field.
Though may pailan-ilang syang posts doon na parang mga hugot.
When fate plays a joke on you, sometimes it's fun but mostly it hurts.
Sometimes it is safer to love from a distance to avoid getting hurt further.
Letting him know would only complicate his complicated life.
If you love someone, you don't want to be an additional burden to that person.
Sacrificing to give him a good fight for his true love.
Loving sometimes means goodbye.
Medyo tumagos sa akin yun. Naalala ko si Andz at si Asshole.
Bahagya akong napaisip. Wala na si Madel nung ikasal ang dalawa. So hindi ito patungkol sa mag-asawa at sa akin, maliban pa sa yung posts nya were made when she was still Hope's nurse.
I scrolled further.
May isang comment pa doon na nagre-request nang picture ng alaga nya. Madel replied na di pwede. Privacy daw iyon ng pamilya na pinagse-serbisyuhan nya.
Napangiti ako nung mag-post ito ng picture nang isang batang nakatalikod at nakikipag-usap sa ... teka... ako ito at si Hope ah? Picture namin sa Casa Alicia nung nasa ospital si Andz at niyaya ko ang bata na mag-breakfast. Nakatalikod kami pareho ni Hope, hila-hila ako nito sa kamay. Kunsabagay, lagi lang namang nakasunod si Madel sa amin. She took this shot without us knowing.
Ayan yung alaga ko.
Alin dyan? Yung bata o yung lalaki? Haha!
Sira! Natural yung bata.
Ang daya. Nakatalikod pareho.
Di nga kasi pwede. Privacy nila at wala akong permiso.
Sino yung lalaki? Yung tatay?
Hindi. Basta.
Sya ba yung kinukwento mo?
Sa pm na tayo mag-usap. Loka ka talaga. Haha!
Nakalagay sa comment trail.
Na-curious tuloy ako. Ako ba pinag-uusapan nila o si Hope pa rin? Pwede ko kayang hingin kina Rob ang kopya ng private messages ni Madel?
Then, I shove off the idea. Bakit pa? Kaya ko lang naman ginagawa ito para di magalit ng tuluyan si Andz sa akin.
Binalikan ko ang file. Binasa ko ang mga papel nya from the orphanage.
Parang nilamukos ang puso ko sa nabasa. Parang gusto ko ngang maiyak para kay Madel at sa kapatid nya.
Isinurender pala siya ng tiyahin sa DSWD. Hindi siya nito kayang kupkupin dahil mahirap pa ito sa daga maliban sa marami ring anak.
Her father killed her mother after knowing na iiwan nito ang 'asawa' dahil nagbalik na ang dating nobyo nito. Hindi pala kasal ang mga magulang ni Madel.
Sabi sa case study report ng child psychologist ng orphanage na nag-handle kay Madel, she was under heavy emotional guilt and trauma dahil doon.
Sa batang pag-iisip ni Madel, ito raw ang nagsabi na ama na may kinikitang ibang lalaki ang ina. Na nagagalit ito sa ina out of love and loyalty para sa ama.
Hindi nito alam na hahantong sa trahedya ang lahat. Sa matinding pag-aaway at hinagpis ng ama nina Madel, pinatay nito ang asawa sa loob ng bahay nila. Na tila nawala ang ama sa sariling bait na pati silang magkapatid ay papatayin.
Nakatakbo pa raw silang magkapatid palabas ng bahay pero dahil aapat na taon ang kapatid na lalaki, nadapa ito kaya inabot ito.
Mga tambay sa labas ng tinitirhan nila ang tumulong kay Madel. Hindi na umabot sa ospital ang ina at kapatid ni Madel. Ang ama nya ay napatay raw ng mga pulis dahil nanlaban.
Isa iyung malaking dagok sa musmos nyang kaisipan, dahil base sa mga kapitbahay, hindi nila inaasahan ang ganito. Mahirap man, masaya raw ang tingin nila sa pamilya nina Madel.
Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi nya sa akin noong inaayos pa nang MonKho ang resort ni Schulz sa El Nido.
"Masaya at maayos ang pagsasama nina Ate Andie at Sir Reid. Masaya rin si Hope. Sana hindi magulo iyon sa pagdating nyo. Walang may gustong makakita ng nasisirang pamilya at malungkot na bata."
Ngayon ko naiintindihan ng husto ang pinanggalingan ng mga salita nya na dati ay kinaasaran ko nung marinig ko syang magsalita ng ganoon sa akin.
Nakaramdam ako ng pagbigat sa dibdib. Mukhang napunta na naman si Madel sa isang desperadong sitwasyon ah.
Tama nga lang sigurong tumulong ako sa paghahanap sa kanya, dahil walang ibang tutulong sa kanya kundi kami na lang rin.
Tumunog ang cp ko. May email akong pumasok.
Galing sa opisina ni Rob.
I opened my laptop to go through the report.
Halos pareho lang sa binigay nya sa aking folder kanina pero may nadagdag.
Kumunot ang noo ko.
So, meron pala talagang scholarship grant si Madel sa Davao but she didn't go there. She boarded a plane going to Negros instead.
Madel's POV
Anim na araw. Anim na araw na mula nung aksidente kaming magkita nina Ate Andie sa Baguio.
Sana...sana ibigay ni Hope ang wallet ko kay Ate Andie o kaya kay Sir Reid.
Hindi man ako sigurado na nakita nila si Emma ng malapitan, sigurado akong nakita ni Ate Andie ang pasa ko sa mukha. At kung makikita nya ang laman ng wallet ko, makikita nya ang ID ko na iba ang pangalan ko doon.
One thing is certain, maghihinala agad sila na mayroong hindi tama. Alam ko...alam kong hahanapin ako ni Ate Andie.
Hindi lang ako makapagsalita agad kina Sir Reid dahil kasama nila si Hope, at palagay ko ay anak rin nila yung dalawang batang lalaki. Isa pa ang daming tao, lalo mga bata sa paligid. Kapag biglang tamaan ng saltik si Anton, maraming mamemeligro kapag namaril na lang ito bigla.
Tapos nung malingunan ko si Anton, kapit nya sa kamay ang anak ko.
Iyon na sana ang pagkakataon naming tumakas ni Emma. Kaso, nagkahiwalay kaming mag-ina sa CR nung magpaalam akong magbabanyo kay Anton.
Sobrang dami kasing tao. Palibhasa Valentine's Day. Maraming pamilya at kabataang namamasyal. Iyun nga ang dinahilan ko kay Anton, na kung pupuwedeng ipasyal nya kaming mag-ina kahit sa Dinosaur Island lang, para maaliw si Emma. Palagi nga kasi kaming nakakulong sa bahay. Kaso, wala pa rin. Mabuti hindi nakahalata si Anton sa plano ko nang araw na yun.
Yun nga lang, pag-uwi namin, inilagak nya agad ang mga damit namin sa kotse at aalis na raw kami madaling-araw kinabukasan. Mahirap na raw na may nakakita sa aming kakilala ko.
May kaibigang imbestigador si Sir Reid sa pagkakaalala ko. Sila ang pag-asa ko. Naming mag-ina. Dahil pakiramdam ko, di kami pag-aaksayahan ng panahon ng pulis hanapin. Maliban kung may magpupursigeng kapit-bahay namin na i-follow up ang paghahanap sa amin.
Sana bilisan nila. Sana. Kahit para na lang kay Emma. Habang lumilipas ang mga araw, lumalala ang paranoia ni Anton.
Ebidensya ang pananakit nya sa akin. Dati paminsan-minsan na lang. Pero habang tumatagal, dumadalas na. Ayokong hintayin ang panahon na pati si Emma, pagbuhatan nya ng kamay...or worst, baka biglang sapian na ito ng kung anong kademonyohan, patayin kaming mag-ina.
Nung bago nya kami tangaying mag-ina, medyo kampante pa ako na nakakausap ko sya ng mahinahon. Nadadala ko sa pakiusap. Hanggang sa lumipas ang mga linggo, hindi na sya nakikinig. Tapos ito... katatapos nya lang uli ako pagbuhatan ng kamay.
Ipinagpasalamat ko na lang na tulog kanina si Emma. Hindi nya nakita. Kundi dagdag na naman sa sapin-sapin na trauma sa kanya.
"Mama," nagising na pala ito. "G-gutom."
Sa tuwing magsasalita si Emma parang gusto ko laging mapaiyak. Hindi na nawala ang pagkautal nito. At paisa-isa pa rin ang salita. Sa karaniwang bata, dapat nakakasalita na sya kahit maikling pangungusap lang, pero hindi.
"Hintay lang, baby. Hindi pa tayo makakalabas ng kuwarto," nakangiti kong sagot sabay haplos sa buhok nya. "Inom ka lang muna ng tubig. Tapos tulog ka uli."
Isa ito sa nadagdag sa malala nang paranoia ni Anton simula noong makita nya uli na may dati akong kakilala na nakausap. Kung dati, ang pinto lang ng bahay ang nila-lock nya pag-aalis, ngayon ikinukulong nya kami sa kuwarto.
Pilit kong pinatatatag ang loob ko kahit sa totoo, takut na takot ako. Papaano kung biglang magkasunog? Wala kaming kalaban-laban mag-ina dito sa loob.
Pinakuan ni Anton ang nag-iisang bintana dito ng makapal na kahoy at di sya nag-iiwan nang kahit na anong matigas na bagay na pupuwede naming ipangkatok para makatawag ng atensyon sa labas.
Kanina pa ako nauuhaw, pero hindi ko iniinom ang tubig na iniwan ni Anton sa isang plastic bottle bago sya umalis kanina, magtatalong oras na ang nakakaraan. Nirereserba ko ito para kay Emma kung sakaling di agad makauwi si Anton.
Sabi nito ay bibili lang daw sya ng panghapunan namin. Sana umuwi na sya.
Tinapik-tapik ko ang hita ni Emma para makatulog uli. Sa mga panahong ganito, hindi ko maiwasang mahulog sa pag-iisip.
Saan ba ako nagkamali?
Sa loob ng mahigit isang taon, ito na ang pag-anim na beses na lumipat kami ng matitirhan. Sa Pangasinan kami ngayon. At salungat sa pagkakaalam ng mga naging kapitbahay namin, hindi ko talaga asawa ni Anton.
Si Roselyn Domingo ang asawa nito. Na syang ipinipilit nyang gamitin kong pangalan.
Kapitbahay ko sila sa Negros. As in katabing pinto lang nang maliit na apartment na inuupahan ko. Si Ate Ely ang nag-aalaga kay Emma kapag papasok ako sa ospital na pinagtatrabahuan ko doon at kung may pasok ako sa university.
Kumukuha pa rin ako nang pailan-ilang units sa medicine. Para kapag dating nang panahon, nakausad ako kahit papaano para sa pangarap kong maging doktor.
Yung perang naipon ko at pinabaon ni Sir Reid, ginamit ko nung panahong kailangan ko munang huminto magtrabaho dala nang kabuwanan ko na at nung bago ko pa lang ipanganak si Emma. Hindi kasi sapat ang maternity benefits na nakuha ko sa SSS.
Mabait silang mag-asawa. Full-time house wife si Ate Ely, habang pulis naman si Kuya Anton. Oo, Kuya Anton ang tawag ko sa kanya noon. Matanda sila sa akin ng pitong taon.
Wala pa silang anak nung lumipat sila sa lugar namin. Kaya nga magiliw sila kay Emma. Nauna akong mangupahan sa kanila doon, dahil nakapanganak na ako nung maging kapitbahay ko sila.
Hindi ko pinansin ang bahagyang kaalwanan ng pamumuhay nilang mag-asawa. May sariling sasakyan at medyo maluho, sa kabila nang pagiging mababang ranggo ni Anton bilang pulis. Iniisip ko lang, baka maykaya ang pamilyang pinanggalingan nang isa sa kanila.
Nalaman ko ang totoo nung gabing tangayin kami ni Anton. Apat na buwang buntis si Ate Ely ang panahon na iyon. Dalawang taon pa lang noon si Emma.
Nagising ako sa malakas na ingay. Parang may pinuwersang pinto o ano. Nagdadalawang-isip ako kung panaginip ba iyon o ano. Pero nung makarinig ako nang ingay mula sa bahay nina Ate Ely, alam kong di na ako nananaginip. At may gulo sa bahay ng mag-asawa.
Nagawa kong tahimik na pumunta sa madilim naming sala para sumilip sa bintana.
May kotse sa tapat ng bahay nila at isang lalaki sa labas. Pero may iba pang nagsalita mula sa loob ng bahay sa kanila.
"Nasaan gago mong asawa, ha?!"
"...Maawa kayo..." narinig kong umiiyak si Ate Ely. "Buntis ako. Wala dito si Anton... "
"Putang-ina! Inonse kami ng asawa mo! Lintik lang ang walang-ganti."
Nanginig ako sa narinig ko. Mabilis kong hinagilap ang cp ko sa bulsa para tumawag ng pulis pero nakarinig ako ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Umiyak na rin si Emma.
Oh my God!
Tapos may mga yabag na lumapit sa pinto namin. Nanginginig akong nag-dial sa police hotline. Tumakbo ako sa kuwarto dahil lumakas na ang iyak ni Emma. Natisod pa ako kaya alam kong alam nung tao sa labas ng pinto ko na may gising sa loob ng bahay namin.
Natakot ako para sa kaligtasan naming mag-ina.
Iyak ako nang iyak nung may sumagot sa kabilang linya. "Tulungan nyo kami!" nanginginig kong sabi nang pabulong sa kausap ko. "May ... may binaril sa kapitbahay namin."
"Saan ito?" sabi nung sumagot.
Hindi na ako nakasagot dahil impit akong napasigaw nung may narinig akong nagpipilit magbukas ng pinto namin.
"Gusto nilang pumasok sa bahay namin. Tulungan nyo kami!" Lalo akong napaiyak.
Nagpalahaw na rin nang iyak si Emma kaya binuhat ko ito at pilit pinapatahan.
Diyos ko! Wag po!
"Hello? Miss, hello?"
Nagawa kong ibigay ang street address lang namin dahil nakarinig uli ako ng dalawang putok ng baril. Aksidente kong napindot ang end call.
Kasunod ng pag-alis ng isang sasakyan. Tapos may kumakatok ng malakas sa pinto namin.
"Madel...Madel! Alam kong gising ka! Tulungan mo kami! Utang na loob!" Si Kuya Anton.
Mabilis akong kumuha ng pantalukbong kay Emma bago lumabas. Narinig ko pang nag-ring ang phone ko pero naiwan ko pala iyon sa loob ng kuwarto.
Namumutlang mukha ni Kuya Anton ang nakita ko, "Madel...si Ely...tulungan mo ang mag-ina ko!"
Paglabas ko sa apartment, wala ni isang kapitbahay namin ang nagbukas ng ilaw nila. Pero halatang nakasilip lang sila sa mga bintana nila.
Sumunod ako sa bahay ng mag-asawa.
Sanay akong makakita ng dugo at taong nasa bingit ng kamatayan. Pero iba pala kapag malapit sa iyo ang taong iyon.
Nasa kusina si Ate Ely. Naghahabol ng hininga. Ang daming dugo sa bandang tyan at dibdib nya. Kita ko iyon dahil dilaw ang suot nitong maternity dress.
Kahit umiiyak pa ng bahagya si Emma, inilapag ko sya sa sofa, "Baby, wag kang aalis dyan ha? Tutulungan ko lang si Mama Ely mo ha?"
Hindi ito sumagot. Basta humihikbi lang.
"Pahingi ako'ng malinis na tela. Kung may first aid kit kayo, kailangan ko. Teka, meron sa bahay," sabi ko.
Nakatulala lang si Kuya Anton na nakatingin sa asawa.
"Kuya, tumawag ka na ng pulis at ambulansya! Hindi ko kakayanin ito. Hindi ako doktor!" sabi ko.
"A-anton..."
"Ate Ely, wag ka na magsalita. Ireserba mo ang lakas mo," sabi ko. Pero alam ko sa sarili ko, hindi na magtatagal si Ate Ely.
"Kuya Anton! Halika dito! Kailangan ka nang mag-ina mo!" Sigaw ko na.
Tsaka lang sya parang natauhan. Doon nagsimulang dumaloy ang luha sa mata nya.
"Ely...Ely!" Lumapit sa asawa.
"S-sabi ko na...noon pa...t-igil mo n-na..." umubo si Ate Ely na may kasamang dugo.
Hinatak ko ang pamunasan na nakasabit sa ref nila. Iyon ang ginamit kong mapunas kay Ate Ely.
Umiiyak na rin ako. Wala kasi akong magawa. Sa tyan at sa dibdib ang tama si Ate. At yung paglabas ng dugo sa bibig nya, internal hemmorhage na iyon.
"Sorry, mahal...sorry..." hagulgol ni Kuya Anton.
"B-bakit mo pa...dinal-a si M-madel di-to...mada-damay ... a-alis na k-k-ayo. Lay-o mo si-la..."
"Ely...wag mo 'ko iwan... Ititigil ko na," iyak ni Kuya Anton. "Isu-surrender ko naman talaga yung drug money na..."
Ngumiwi lang si Ate Ely. "Prot-kta-an mo...tago mo s-ina M-del ...Emma...p-ang-ko mo, T-ton. Nad-may si-la dah-il sa y-yo. P-ara na rin sa 'kin..."
"Oo...oo...kasama ka namin," pilit ni Kuya Anton.
Hindi na uli sumagot si Ate Ely. Pinulsuhan ko sya. Tapos umiling kay Kuya.
Iyak-iling nyang sinara ang mga mata ni Ate Ely.
Umalis kami sa bahay nila. Iniwan namin si Ate Ely sa apartment nila matapos nyang kunin sa kuwarto nilang mag-asawa ang isang maliit na bag. Puno iyon ng pera!
Ni hindi ako nakakuha nang kahit anong gamit naming mag-ina. Lahat naiwan rin sa apartment ko.
Walang nagawa ang pagtanggi ko dahil tinutukan na ako ng baril ni Kuya Anton lalo na nung makarinig kami na naglalabasan na ang mga kapitbahay namin.
"Anton, sa'n mo dadalhin ang mag-ina?" Sigaw nung landlady namin na nakatira lang rin sa hilerang iyon ng apartment.
"Wag kayong makelam!" Sigaw ni Kuya Anton, sabay nagpaputok sa lupa, kaya nagtakbuhan uli yung mga tao pabalik sa mga bahay nila.
Nung nasa byahe na kami, "Kuya, ibalik mo na kami sa bahay namin. O kaya dumiretso tayo sa pulis. Pulis ka. Matutulungan ka nang mga kasama mo," umiiyak kong pakiusap.
Nakita ko ang pagtiim ng panga nya, "Pulis din ang pumatay sa mag-ina ko. Mas mataas pa nga ang ranggo sa akin."
Napapitlag ako nung bumukas ang pinto nang kuwarto.
"Kakain na tayo," sabi ni Anton sa mababang boses matapos iikot ang mata sa loob ng kuwarto.
===========
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro