Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

40 Utal

"Ano yan? Itatakbo mo ang bata?" akusa nya.

Kung wala lang si Emma, malamang nasuntok ko na naman ito!

Nagpakasibil akong sumagot.

"Hindi. Alam ko namang susunduin mo ang bata. Kinausap ko lang. Hihintayin ka lang sana namin sa waiting area ng mga sundo."

Di ito kumibo nung nagpalipat-lipat uli sa amin nang natetensyong tingin si Emma. At sigurado akong nakita nya si Miming na hawak ni Emma.

Labag man sa loob ko, sumama ako hanggang sa parking. Humalik ako sa noo ni Emma bago sila umandar paalis.

Before lunch time na ako nakapasok sa MonKho. Bandang alas-siete ng gabi, tinawagan ko si Norman.

"Boss, kasama nya si Emma sa pagbisita sa mga stalls nya. Kakauwi lang nila. Mukhang di na uli aalis."

"I see. Sige, Salamat."

Saka ako umalis sa office. Dumiretso ako sa med school dahil alas-otso ang uwi ni Madel ng ganitong araw.

Magko-commute ito, sigurado yun kaya nag-abang ako sa gate.

Natigilan sya nung makita ako.

"Madel," hinarang ko sya nung balak nya akong lampasan. "Mag-usap naman tayo, please."

Tiningnan nya lang ako.

"M-may ano..." shit naman, oo! Di ko malaman kung paano ko uumpisahan.

Mas madali pang makipagbati kay Emma eh!

"Wait! Wag kang aalis," bilin ko.

Mabilis akong tumawid papunta sa kotse ko na nasa kabilang side ng street na yun.

Kaso nung lungunin ko sya, naglakad na pala uli.

Malapit na sya sa sakayan ng public transport.

Napakamot na lang ako sa ulo. Mabilis akong sumakay sa kotse ko at sinundan ang dyip na sinakyan nya.

Sa isang beses na paglingon nya nung may pumara, nagtama ang tingin namin. Bumaling agad sya sa ibang direksyon.

Sinundan ko na lang sya pagbaba. Alam naman yun, pero di talaga ako nililingon.

Hinintay ko syang pumasok sa bahay ni Domingo bago ako kumatok.

Sya rin naman ang nagbukas. Hindi pa nga nakakapgpalit ng uniform nya sa med school.

Pinigilan kong mapangiti nung makita ko si Jing sa sala na tinuturuan si Emma sa homework siguro.

"Pinuntahan mo si Emma sa school?"

Yun agad ang sabi. Nakaharang naman sa pinto. Ayaw talaga akong papasukin.

"Ang bilis namang magsumbong ni Domingo," parinig ko.

"Wala syang sinabi. Andyan si Miming."

Nakamot ako sa batok ko, "Uhm, yakap nya kasi yan lagi sa pagtulog."

"Ano'ng kailangan mo?"

Inabot ko yung laptop bag nya. "Andyan din yung pocket wifi at cellphone mo sa loob."

Tiningnan nya lang.

"Kailangan mo ang mga ito, Madel. Lagi kang nagre-research online. Nandyan ang mga notes mo. Isa pa para madali mong makamusta si Emma sa teacher nya. Tsaka, uhm... ano, para makausap ko si Emma. Uhm..." napakamot uli ako sa batok ko. "Bati na kami."

Halatang nagtatalo ang loob ni Madel.

"Please?"

She sighed then took it.

Napangiti na ako saka humirit, "Pwedeng pumasok?"

Gaya kagabi, ang nakuhang kong sagot: ang sumarang pinto.

Napahilamos na lang ako ng palad sa mukha.

Tsk!

Naghintay ako saglit sa loob ng kotse ko. Nung makita kong lumabas si Jing, lumabas ako.

Nakita nya agad ako at parang pang-asar pang sinabi, "Di ka man lang pinapasok, ano?"

I let out a dry chuckle, "Uhm, ano. Salamat sa pagtuturo kay Emma."

Ngumuso ito, "Naku, wag ka magpasalamat! May ulterior motive din naman ako."

Natawa na talaga ako. Hindi man lang nahihiyang umamin.

"Uhm, di ba ako tinanong ni Emma?"

"Di ka naman nakita. Pero kanina pagdating ni Madel, pinagmalaki na nasa kanya na raw yung pusa nya. Dinala mo raw sa school."

"Ganun ba?" parang bumagsak ang kalooban ko.

"Gusto sana kitang i-build up sa anak mo at kay Madel, para maiuwi mo na. Mas mabuting magkabati kayong dalawa. Tsaka, sa totoo lang, nahihiya rin akong magpa-charming ke Anton ko sa harap nung mag-ina. Oy, wag mong masamain ha?"

"No, it's okay. I understand."

"Kaya lang kasi, baka ma-bad shot ako kay Anton. Isa pa, mas marami akong dahilan para magpunta dyan," turo nya pa sa bahay. "Mabait naman yung mag-ina mo. At nakakapag-praktis na ako maging nanay para sa magiging anak naming ni Anton."

She said all those dreamily, kaya pinigilan ko ang matawa. Baka ma-offend at panghinaan ng loob. Eh pabor nga sa akin na 'mapasagot' nya si Domingo.

Naisip ko lang kung ganito pa rin kaya ang mararamdaman nito kapag nalaman nya ang istorya ng lalaki at ni Madel.

Tss.

Ako ang unang na-bad trip sa naalala ko.

"Kumain na ba si Emma?"

"Ah, oo. Ako nga ang nagpakain kasi nilinis pa ni Anton yung kawali nila. Nasunog nya yung ulam at kanin nila na parang uling. Buti madami akong dinalang pagkain. Kumuha na lang ako ng kanin sa apartment ko," turo nya sa gate na halos katapat lang nga bahay n Domingo.

Napalingon kami pareho dahil narinig naming bumukas ang pinto ng bahay ni Domingo. Tumingin sa pwesto namin ang lalaki.

"Naku, sige na!" may kahinaan nyang sabi. "Baka magalit sa akin. Maging minus pa sa ganda points ko ke Anton."

Tumango na lang ako tapos nagmamadaling pumasok si Jing sa gate ng bahay nya. Sumakay na rin ako sa kotse ko na napapailing.

When I got home, I sent a text message to Madel:



Tart, ako na maghahatid sa inyo ni Emma sa school bukas.



Kahit di ako umaasa na magre-reply sya, naghintay ako. Nakatulugan ko na nga.

Paggising ko ko kinabukasan, wala talaga. Pero maaga akong umalis sa condo pagkatapos kong magkape. Ni hindi na nga ako nag-agahan.

Kinakabahan ako pagkatok ko sa pinto ng bahay ni Domingo. Hindi ko alam kung papayag si Madel o hindi.

Ang lalaki ang nagbukas ng pinto. Tila inaasahan na nito ang pagdating ko.

I cleared my throat, "Si Madel?"

"Nasa kusina," simple nyang sabi.

Hindi man ito nagsabing pumasok ako, pero binuksan nya nang maluwag ang pinto. I took that an an invitation.

"Bàba!"

Si Emma, patakbong sumalubong sa akin. Naka-uniform na.

"Good morning, baby!" yumuko ako para yakapin ito at halikan sa pisngi.

Saka dumako ang mata ko sa kusina. Nakatalikod si Madel habang naghuhugas ng pinggan. Ni hindi ako nilingon.

"Madel..."

"Hanggang sala ka lang," si Domingo.

Humarang ito nung humakbang ako papunta sa kusinang walang divider sa sala.

Naglaban kami ng tingin.

"Nasa bahay kita, Kho. Hanggang sala lang kita pinahihintulutang makapasok," mahina nyang sabi dahil nakatingin sa amin si Emma.

Pagtingin ko sa kusina, nakaharap na si Madel. Tapos na syang maghugas ng pinggan. Nagpupunas ito ng kamay

"Madel..." tawag ko uli mula sa sala.

Saka lang sya tumingin sa akin pero saglit lang.

"Ihahatid ko kayo ni Emma sa school."

"Uhm... si Emma na lang ang i-ihatid mo," sagot nya na nakatingin sa sahig. "Ahm, dali na kayo. B-baka ma-late na sya. Maya-maya pa ako aalis."

"Babalik ako pagkahatid kay Emma para-"

"Si Kuya Anton na ang maghahatid sa akin. Ano, pupunta naman sya sa mga stalls nya," sansala nya sa sasabihin ko pa.

"Makakabalik naman ako agad at sapat pa ang oras na maihatid kita sa-"

"Wag mo na ipilit, Aris. Pumayag na nga ako kay Emma. Binigay ko na ang kamay, wag mo nang hangarin ang buong braso. Baka bawiin ko pa lahat."

Di na ako nakaimik.

"Si Kuya Anton na rin ang susundo kay Emma."

Tang ina!

Itinago ko kay Emma ang pagkuyom ng kamao ko.

Kinakalma ko ang kalooban ko sa umuusbong na selos just imagining Domingo dropping her off at school.

Paano kung may ibang makakita sa kanila? Ano na lang ang iisipin lalo na kay Madel?

Tsk!

Pagkahatid kay Emma, dumiretso na ako sa MonKho. I stayed in the office an hour before Madel's class ends.

I waited outside her classroom.

"Adelyn, andito hubby mo," sabi nung Kim na naunang lumabas.

Halatang di nya inaasahan yun. Nagpahuli sya paglabas.

"Don't embarrass us," bulong ko nung nag-atubili syang ibigay sa akin ang laptop bag at ang may kalakihang nyang hobo bag.

Kaya napilitan syang bitawan yun nung kunin ko.

And I took the opportunity to scoop the back of her neck to give her a quick but deep kiss on the lips.

God! I miss this!

I paid no attention when she got tensed kahit marinig naming ang impit na tili at tuksuhan nang ilan nyang classmates na nakakita.

I put an arm around her shoulder.

"Aris, ano ba?!" mahina pero madiin nyang saway.

Di ko pinansin, "Come."

Napatigil sya sa paglalakad nung ituro ko ang kotse ko nang nasa parking na kami.

"Let's talk in the car. Kailangan nating mag-usap tungkol kay Emma."

"Uuwi na ako."

"Maaga pa masyado, Madel."

"Marami akong pag-aaralan. Tuturuan ko pa si Emma. Nakakahiya Kuya Anton."

Naumpisahan ko na namang maasar, "Please, don't give me another impression that you just want to spend more time with that guy."

"TIGILAN MO NA AKO, ARIS!" she hissed trying to shrug off my arm on her shoulders.

But I stayed firm on my hold. "I'm trying to be civil and calm, Madel. Huwag mong hayaang maputol ang pagtitimpi ko, Madel. I am just respecting what you want for now. Kung tutuusin, wala akong kasalanan sa iyo dahil-"

"Ano? Isusumbat mo na naman sa akin ang nangyari sa El Nido?" maanghang nyang balik.

Napatiim-bagang ako. I opened the car door, "Get in."

"AYOKO!"

"I can just drag you in my car and bring you far from that psycho if I wanted to. Kayo ni Emma. Please don't push me. Nakikipag-usap ako sa iyo nang maayos."

Ilang beses syang huminga nang malalim bago sumakay.

Marahan lang akong nagmaneho para di kami makarating agad sa bahay ni Domingo.

Ilang minuto kaming walang kibuan hanggang sya ang unang nagsalita.

"Ano'ng gusto mong pag-usapan?"

"Come home with me, please," diretso ko nang sinabi.

"Si Emma lang ang sinabi mong pag-uusapan natin, Aris."

Napabuga ako nang hangin sa bibig.

"Alright," pagpayag ko sa gusto nya...sa ngayon. Then I cleared my throat. "Pwede bang sa condo muna si Emma after school?"

Hindi sumagot si Madel kaya tinuloy koang sasabihin ko.

"Para di mapagod ang bata sa byahe na paroo't parito ni Domingo. Nasa condo pa rin naman si Maila. And the tutor--"

"Pag-iisipan ko," pagputol nya sasasabihin ko pa nang nakatingin sa labas ng kotse.

"I can pick you up at med school para sunduin si Emma sa condo."

Di sya umimik. Basta nakatingin lang sa labas.

Gusto ko sanang kunin na nya ang kotse nya, but I want to spend time with her and Emma. So,

"I'm also thinking of sending Norman to drive Emma to school every morning and pick her up after her class. Ako na rin ang maghahatid-sundo sa iyo sa--"

"Sabi ko pag-iisipan ko pa yung kay Emma, tapos ang dami mo na naman palang plano na pakiramdam ko, dinidiktahan mo na naman ako."

Natahimik ako. Hindi ko na ipinilit. What she said is already a good sign. At least, it wasn't a straight no.

Kaunti na lang, malapit na kami sa bahay ni Domingo.

"M-madel..."

"Hhmm?"

"Sa Saturday evening sana... uhm, alam mo namang inauguration ng MonKhAr."

"Ano'ng kinalaman ko dyan sa kumpanya nyo?" walang buhay nyang tanong na nakatingin pa rin sa labas.

"Uhm, I want you and Emma there. You're my family."

Walang reaksyon. Huminto na kami sa tapat ng bahay ni Domingo, bago ako nagsalita uli.

"I invited Mom and my sisters, pati pamilya ni Ate Ada. They wanted to see both you and Emma. And I bet my daughter wants to see them, too."

Huminga nang malalim si Madel.

"Can you look at me, please?"

And she did.

"Tart... I'm ... I'm sorry."

For the first time, tinitigan ako ni Madel. Titig na tila may hinihintay mula sa akin. When I leaned closer, inatras nya ang mukha na umiwas so I backed off.

No, she wasn't waiting for a kiss.

It got me puzzled. Pero ang pagtataka sa akin, nabahiran nang hindi maipaliwanag na kaba nung gumala ang mata ni Madel sa mukha ko na tila kinakabisa ang itsura ko.

Bakit nya ginawa yun?

Yung kaba ko, gustong maging piping takot when a hint of resignation crawled on her face, then she sighed.

"S-sige. Pupunta kami ni Emma."

Napangiti na ako. "Thank you. I'll send your gowns tomorrow."

Ngiti na dagli ring nawala sa sumunod nyang sinabi.

"Kasama namin si Kuya Anton. Sya ang maghahatid sa amin doon."

"B-but--"

"Kung hindi ka papayag, hindi rin kami pupunta. Wala naman talaga kaming business sa party na yun."

Mahigpit akong napahawak sa manibela. Napatingin dun si Madel saglit tapos lumabas na sya sa kotse.

"Bakit ka sumunod?" tanong nya nung humabol ako papasok sya ng pinto.

"I want to see Emma," sabi ko na lang.

Hindi na sya kumibo. Hinayaan akong pumasok sa loob.

Excited ang anak ko nung makita ako. Walang nakakontra dito nung sabihing, "Bàba, n-nood tayong TV."

May guilt na gumapang sa dibdib ko. Medto utal pa rin Emma.

Malamang dala nang nasaksihan nyang away naming ni Domingo at ang sitwasyon naming ngayon.

Kailangan ko na talaga silang maiuwi.

Pasimple akong nag-oobserba sa kanila. Nainis lang ako.

Si Madel ang nagluto ng hapunan since maaga ang uwi nya... at tinutulungan sya ni Domingo.

Nakakapag-aral pa ba siya ng mga lessons nya?

Tsaka... iisa lang ang kuwarto dito. Paano ang set up nila sa pagtulog?

Gustong uminit na naman ng ulo ko.

Then I just remembered, "Emma, baby, may homework ka ba?"

"Iko-color po, Bàba. T-tas tracing shapes."

"Halika, gawin natin."

Walang imik sina Madel sa kusina nung kunin ni Emma ang school bag nya at magsimula kaming magturuan.

Ganun kami inabutan ni Jing nung kumatok. May dala itong ulam na naman.

Pasimple akong inirapan ng babae matapos nitong bumati sa aming lahat.

Alam ko kung bakit. Inagaw ko ang dahilan nya para magtagal dito sa bahay ni Domingo.

Ewan ko kung bakit nilingon ko si Madel.

Pinigil ko ang mapangiti nung saglit na nagsalubong ang kilay nya. Nakita nito ang pag-irap ni Jing sa akin.

"Bàba, dito 'kaw kakain ha?"

Di ko na napigilang mapangiti.

It was my daughter who invited me to have dinner here.

This time, kitang-kita ko ang pag-irap ni Madel when I answered, "Of course, baby."

Dahil apat lang ang upuan sa maliit na dining table ni Domingo tapos si Jing eh mukhang nakasanayan na ring doon kumakain sa gabi,

"Ikakandong ko na lang si Emma," sabi ko nung pupuwesto na kami sa hapag. "I'll feed her."

I took that opportunity to inform Domingo about the inauguration to invite him... for formalities sake, including Jing.

Gusto kong matawa nung magningning ang mata ng babae.

"Talaga? Ay, paghahandaan ko yan," sabay baling kay Domingo. "Anton, ikaw escort ko ha?"

Tumango lang ang lalaki. Di ko malaman kung natutuwa ba sya o hindi sa kapit-bahay nya.

I wanted to stay longer pero after linisan ni Madel si Emma, nakita kong inaantok na agad ito.

Malamang pagod sa pagsama-sama sa byahe ni Domingo.

Habang nagpapaalam kay Emma, I felt relieved nung makita kong ilabas ni Madel ang isang kumot at unan sa sala at iabot sa lalaki.

Nauna nang umalis si Jing.

Di ko inaasahan na ihahatid ako ni Madel hanggang sa gate.

"Bakit inimbita mo si Jing?" malumanay nyang sita. Nasa labas na ako nun, nakaharang ang gate sa pagitan namin. "Baka wala syang maisuot na damit sa ganung okasyon."

"I'll buy one for her then send it to her house," simple kong sagot.

Lalong naging seryoso ang mukha ni Madel.

Gusto ko na talagang makumbinsi na nagseselos ito. Baka nga kaya rin sya lumayas nung insidente kay Tala.

And if that is the case, that's a good sign but I won't let her stay in that feeling.

"I did that so I have a valid reason to pick you and Emma myself. Makakaistorbo kayo kay Jing sa diskarte nya."

"Hindi-"

"You already agreed to come, Madel. I'm holding on to your word. At sa palagay ko, kung totoong walang malisya sa pagitan nyo ni Domingo, magiging masaya ka para sa kanya kung mag-aasawa uli sya."

Nawalan sya ng kibo tapos napatingin sa kamay nyang nakahawak sa gate na lampas bewang nya lang ang taas. I wasn't sure if she got what I'm trying to say.

That she and my daughter have to come home with me. Na nakakaistorbo sila kay Domingo. Na mas kailangan ko sila more than that psycho does. That they belong to me, not here.

"Madel..."

Tiningnan nya ako.

"Let's go home."

Ayun na naman ang tingin nya sa akin na tila may hinihintay pang sabihin sa akin.

Nagtalo tuloy ang loob ko. Should I tell her now or should I still wait for her to tell me that she's sorry for what she did before in El Nido?

Yun lang naman ang hinihintay ko. Kahit wag na yung mahal nya ako. Because I am already doing my part to win her back.

Baka yun nga ang hinihintay nya. Ang marinig nya sa akin yun para hindi na sya masyadong matakot umamin.

"Tart... I... I'm really sorry for everything."

Tangna! Bakit yun ba ang nasabi ko?

Well, not bad anyway. Hindi pa rin naman nya tinatanggap ang apology ko sa mga nangyari sa kabila nang pagpapaliwanag ni andz.

"S-sorry saan, Aris?"

I was caught off guard with that question.

"Uhm... for...for making you feel bad about yourself."

"Yun lang?"

"Ah..." I cleared my throat. "Also about Tala and Andz..."

"Ano?"

Shit! Shit!

Is she trying to direct me to tell her what I feel? Alam nya na ba?

Parang tatalon ang puso ko sa bibig ko.

Kinakabahan ako.

Tangna, Aris! Ayan na, natotorpe ka na naman! Ang tanda mo na para sa ganyan!

Go, you fucktard chink! Hiyaw ng utak ko pakutya sa akin.

Say it!

Ito na ang opportunity!

"Uhm," huminga ako nang malalim. "M-madel..."

Puta naman! Bakit ba nauutal ako?

"W-wag mo silang pagselosan."

"Ha?"

Shit talaga! Mali yata ang sinabi ko.

"What I mean is..."

Puta talaga!

SABIHIN MO NA!

"Alam kong h-hindi ka basta maniniwala but ... but... I w-want you to know..."

Shit! Shit! Masasamid pa yata ako!

SABIHIN MO NA! hiyaw uli ng utak ko.

This is it!

"... I really lo--"

"Madel, hindi ka pa ba papasok? Mag-aaral ka pa."

FUCK!

Napatingin kami sa pinto. Naroon si Domingo.

Pakiramdam ko, para kaming teenager na nahuling nagliligawan sa gate.

Yung biglang lakas ng loob na gusto ko nang magtapat kay Madel, parang bulang bigla ring pumutok at naglaho.

Gusto kong maghuromentado ngayon dito.

"S-sige, Kuya. Papasok na 'ko," sagot ni Madel.

Nawala si Domingo pagkasara ng pinto, saka uli ako binalingan ni Madel.

"Uhm, balik ka na lang bukas para ihatid si Emma sa school."

Umakma na syang tatalikod nang hindi hinintay ang sagot ko.

Oh, the hell!

Dumukwang ako sa mababang gate para hablutin si Madel paharap sa akin.

"Ay, an--"

Sa bibig ko na natapos ang sasabihin nya.

Walang na akong pakialam kahit may gate na nakaharang sa bewang namin pababa, at tinutulak nya ako.

Basta niyakap ko na sya nang mahigpit at patuloy na hinalikan sya sa labi.

Niluwagan ko lang yun nang gumanti na sya ng halik sa akin.

We only stopped because we needed to get some air.

Tell her now! Tell her! This is the perfect timing. She kissed you back! She still has something for you!

Huminga ako nang malalim habang nakayuko pa rin ako s kanya at magkadikit ang noo namin.

"Madel...mahal kita," sabi ko.

================

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b4cr