37 Den
I both sent Maila and Norman for their early off for the week. I told them to comeback early morning on Monday.
"Boss, nasa parking na ang kapalit ko," sabi ni Norman matapos kunin ang mga damit nyang marurumi sa servant's quarter.
Tumango lang ako. Bad trip talaga ako eh.
Madel was quiet the whole time when we travel to Tagaytay.
Mabuti at di ako ang nagmamaneho. Dahil baka maaksidente kaming mag-anak.
Pigil na pigil kasi ang umuusbong na namang selos, duda, sakit sa dibdib at galit sa akin.
My conversation with Emma about things she sees as we travel is the only thing that's keeping my heart and mind from wandering off to those negative feelings.
Kahit si Ate Ada, napansin na may problema kami ni Madel.
"Mag-usap kayo, Dìdi," ang sabi sa akin.
Napangiti ako. Si Ate Ada lang ang tumatawag sa akin nang ganun. The Chinese for little brother.
That was Sunday afterlunch. Nagliligpit na sya nang mga gamit nila papauwi sa Bicol mamayang alas kuwatro ng hapon.
Naroon kaming dalawa sa kuwarto nila. Ang magpipinsan, naglalaro sa likod, binabantayan ni Madel at bayaw ko. Si Mommy at A-chi, bonding sa taniman ng gulay sa likod rin nitong rest house.
"I tried last night. Ayaw nya mag-open up," matamlay kong sagot.
"May pinag-awayan ba kayo? Hindi nyo dapat pinatatagal yan."
Hindi ako nagsalita. Maliban sa gusto ko itong resolbahin na kami lang ni Madel, baka mag-isip nang masama sa kanya sina Mommy at mga kapatid ko.
I can sense that they like her ... at ayokong masira yun.
Bumuntung-hininga si Ate Ada, "Alright. Kung ayaw mong sabihin sa akin, I understand. Issue nyong mag-asawa yan."
And yeah. The three of them already consider us 'mag-asawa'.
"Ang akin lang, Dìdi, parang kulang kayo sa usapang may personal touch. Sa dalawang beses na nakita ko kayong magkasama, yun mga usapan nyo are more transactional. Nagse-sex ba kayo?"
Namula ako sa direktang tanong nya.
Bigla syang humagalpak nang tawa then patted me on the head. Nakaupo kasi ako sa kama ng kuwartong inuokopa ng pamilya nya.
"Inlove na yata uli si Kapatid!"
Napahagalpak naman sya nang tawa nung mas mag-init ang mukha ko sa sinabi nya.
Hindi pa kasi ako handing aminin kahit kanino. Kahit nga kay Andz, wala akong sinasabi.
Kaso, huling-huli ako ni Ate Ada.
Sa takbo ng mga pangyayari ngayon, pakiramdam ko, maiiwan na naman ako. Ayokong nang maulit ang nangyari noon na sa kabila na natuwa ang mga kaibigan naming ni Andz at pamilya ni Schulz sa pagpaparaya ko, alam ko... ramdam ko ... naawa sila sa akin.
Alam kasi nilang nung panahon na yun, durug na durog ako na pakawalan si Andz.
Kaya nga isa rin yun sa mga sugat na pinahilom ko noon.
Not just being broken-hearted, but also the feeling of being pitied. It made me feel more pathetic and a loser.
Kaya tama na yung ako na lang muna ang nakakaalam sa sarili ko. Ayoko rin namang kahit si Madel, maawa sa akin. Alam nya ang pinagdaanan naming ni Andz, kaya hindi malabong mangyari yun.
I'm also trying to protect myself because if it happens again, I don't know anymore.
I may not believe that I will ever be capable to love again.
What happened between Andz and I was my greatest lesson ... at the same time, my trauma.
I don't want to sound bitter, but I guess ... I am right now. Nilalamon na ako ng negativity.
Sabay-sabay na kaming umalis sa rest house ko sa Tagaytay.
Si A-chi na lang ang naiwan doon. I told her she can stay as long as she wanted. Mag-isa lang naman sya.
And I like that I can see that hope and determination radiates from her. Lalo na ngayong maganda ang feedback na nakuha namin regarding her annulment case.
Emma was already asleep pagdating sa condo. Napagod ito nang husto sa pakikipaglaro sa mga pinsan.
And since wala si Maila, sa gitna namin ni Madel sya natulog.
Gusto ko mang mag-usap kami ni Madel, nawalan na ako nang pagkakataon. Nakatulog rin sya agad.
And the next morning, her troubled demeanor remains.
Actually, I think, it's getting worse as days passed by, yet she isn't saying anything.
And it's depressing me.
"Dude, you're spacing out again," puna ni Mike.
Galing ito nang weekend sa Bataan. Masaya ito dahil napapayag nyang um-attend sa inauguration ng MonKhAr sina Kennie at Gelo, which will be in less than two weeks.
I just hope that this jerk's feelings won't be affected when he sees Rika at the inauguration.
Maliban sa baka maging paasa sya kay Kennie, kinakabahan din ako kay Jeff.
Something about him has changed nung ipaalam ko na pabalik na si Rika.
Ganitong magiging tatlo na kami sa kumpanya, hindi tamang mag-clash na naman ang dalawang ito sa parehong dahilan.
"May problema ba? Ilang araw ka nang ganyan ah," sundot pa ni Jeff.
Napahimas ako sa batok.
"Inom tayo mamaya," yaya ko.
"May problema nga," si Jeff uli.
"Shoot! Saan tayo?" pagpayag agad ni Mike.
"Sa villa na lang. Isama natin yung aso ni Andromeda," sabi ko.
Pumayag yung dalawa.
Truth is, gusto kong pasimpleng makakuha ng tips kay Asshole about having a family. Yung hindi mahahalata.
I've already asked myself why that Asshole.
Well, it's still pointing back to Andz.
My princess is evidently very happy with him.
I'm agreeing with my best friend now. She's happy with Schulz.
It's time for me to be happy, too ... with my own family.
I called Schulz and of course, he'd say yes.
Kulang ito sa kaibigan ngayon. Haha!
Si Rob, naglalagi pa rin sa ospital kahit continuously improving ang kundisyon ni Thunder. Naroon kasi si Juno at hindi pa rin umuuwi kahit minsan mula nang malaman ang tungkol sa anak.
Then Ralph, well, is running after a woman.
Actually, her father was his pro bono case, referred by Agoncillo.
Mukhang tinamaan nang husto ang loko. To the point na natakot na yata sa kanya yung babae kaya pinagtataguan sya.
Gago rin eh!
We arrived at the villa before dinner.
We played Tekken with the twins first while waiting for Schulz na on the way na raw. Hope was busy with her homework kaya di namin inistorbo.
I can see that Ashley was really ecstatic. Kasi solong-solo nito ang atensyon ko ngayon.
Napangiti na lang ako sa sarili.
Deep in my heart, I'm looking forward to see my daughter and Ashley get along.
We had our dinner there then proceeded with our drinking session in the den.
Andz joined us for a little while. I mean, she didn't drink. Just chitchats.
Umakyat din sya, telling her husband that she'll be the one to tuck the kids to bed.
Ayaw nitong hahalik si Schulz sa mga anak na amoy alak.
I don't know how long we have been drinking and talking about random things. Hindi ko na rin alam kung paano at sino ang nagpasimula para mapunta sa akin ang usapan.
All I knew was I was my shoulders are shaking. I was already silently crying like a fucked up gay!
I felt hands tapping my shoulders.
"Hey, you retard douche," pang-aalo ni Asshole.
"Tang ina! Tang ina!" mahina kong mura.
Hindi ko kasi mapigilan. Mali yata na nagyaya ako nang inuman. Hindi ko na alam kung anu-ano na ang mga nasabi ko sa mga kaibigan ko.
Worst, sa harap pa ni Schulz! Ang dati kong karibal.
"Bakit di mo sabihin sa kanya?" that was Mike.
"Bakit, ikaw? Ano na nasabi mo kay Kennie?" balik ko sa kanya.
Fuck! Me and my big mouth. Kaya ayokong may ma-dramang usapan kapag inuman.
Di agad nakaimik si Mike.
Narinig kong nagtawanan sina Jeff at Schulz.
"Real talk, huh? Tss!" maktol ni Mike.
That was the time Jeff said, "Mas magandang mag-usap kayo. Para ma-settle nyo na kung ano ba dapat ang gagawin nyo. Yung kahit para na lang kay Emma."
Fuck! Lalo akong naiyak!
"Ayokong si Emma lang," napasinok ako sa pigil na pag-iyak. "Pero ayoko ring napipilitan si Madel. Tama na yung .. tama na yung nagawa ko dati."
"You two should talk. Do you want me to talk to her?"
Nagulat ako.
Si Andz. Bumalik pala sa sa den.
"No. No. Let us fix this on our own."
"Kailan mo sasabihin, 'Ris? Kapag huli na naman ang lahat?"
Tumahimik ang mga kaibigan kong lalaki pati ang asawa nya.
Nauungkat ang nakaraan namin.
"I will. Just ... fuck!" Naihilamos ko ang palad sa mukha ko kaya kumalat ang luha dun.
Umurong si Schulz para makaupo si Andz sa tabi ko. Inakbayan ako ng best friend ko.
"Hurry up, Kumag. Kahit ang pinakapasensyosa at mabait na tao, may limit din," malumanay nyang sabi.
"I just need a little time, princess."
"Sinabi mo yan sa akin noon, 'Ris. But you came back too late."
Naiyak ako sa sinabi nya.
Not because I'm still hurting about our past. But because...
"Andz... I'm scared..."
"Scared of what?"
"I might lose my second chance... si Domingo..." parang bata akong nagsusumbong sa kanya habang tahimik na umiiyak.
"What about him, 'Ris?"
"She's ... I think she's inlove with him."
Napatikhim sina Mike.
"Then tell her now. Baka ... baka naghihintay lang si Madel, Panget."
"I'm still ...I'm still gathering courage to tell her what I feel. I can't afford the same things happening again, princess."
"Again?"
"To be r-rejected. And pitied by the same person who's going to break me... and be pitied by my friends."
I felt hands tapping my shoulders again.
"Gago..."
"Ulul..."
"You're really a douche ..."
Mahinang sabi nung tatlong lalaki. Pero sa tono ng mga salita nila, alam nilang tama ang sinabi ko.
"Tama na ang pag-inom, 'Ris. It won't solve anything. Harapin mo si Madel at ang issue nyo."
Umiling ako kahit tumayo na sya sa harap ko at tagtagin ang kamay ko patayo.
"Aris... I understand that you're scared. And I'm really sorry if I was the cause of your fears now," gumaralgal ang boses ni Andz.
"Mine..." si Schulz.
"It's alright, Half..."
"W-wala akong intensyon manumbat, princess. Ako naman ang may kasalanan noon. I just ... I just..." naiyak ako sa palad ko.
Andz put her arms around my shoulder. My hands automatically wound around her waist and I cried on her tummy.
"You'll always be my princess, Andz. Alam nyong lahat yun... but I want my queen with me."
"I know ... I know..." umiyak na rin si Andz habang hinahaplos ang ulo ko. "But you should tell your queen you want her, right?"
"I'm scared..."
"You should know that courage only surfaces because there's fear," singit ni Schulz. "You just didn't know how much fear you brought me before, you douche."
I chuckled, while wiping my tears off my face. "Buti nga sa 'yo, Asshole."
Nagpaalam na sina Mike at Jeff na uuwi, but I told Andz sa villa muna ako matutulog. Naparami ang inom ko. Baka maaksidente ako.
Isa pa, ayokong ganito ang itsura ko pag-uwi. Baka kung ano pa ang isipin ni Madel.
At higit sa lahat, kung magsasabi ako kay Madel ngayon at hindi magiging pabor sa akin ang magiging sagot nya, baka kung saan mauwi ang komprontasyon naming. Lalo't nakainom ako nang marami at mahina ang kontrol ko sa nararamdaman ko.
Nang makaalis na si Mike at Jeff, "Princess..."
I looked at her. Nag-usap ang mata namin. She then turned to her husband.
"Half... okay lang?"
"Sure. I'll just get me some brewed coffee."
Iniwan kami ni Schulz sa den.
"What's wrong, 'Ris?" she softly said.
Saka ko sinabi sa kanya ang isang bagay na siguradong hindi ko nabanggit kina Schulz kanina.
I told her that I asked Rob's help to gain access on Madel's FB. Na yun ang dahilan nang isang linggong away namin ni Madel kaya ito nag-desisyong bumukod, which led me to run after her and forced her to move in with me sa condo two days prior to our scheduled agreement.
"Bakit? Ano ba'ng meron sa chat na yun?"
So I told her in between me drinking some more scotch.
Saglit na natahimik si Andz. Then,
"Alam mo na pala..."
"You know about what she did?!" gulat kong sabi.
Umiling si Andz, "Na mahal ka nya."
Napamata ako sa kanya.
"Matagal ko nang alam. I mean, nung bagong dating nilang mag-ina dito sa villa."
"And you didn't tell me?"
"It's for you to find out, 'Ris. Ikaw ang lalaki."
Napatingin ako sa sahig then slowly shook my head with a bitter smile on my face.
"But ... I guess... I'm late again..."
She took my hand and held it tight, "Makakahabol ka pa. Nasa iyo pa sila. And she still opted to stay with you, kahit sabi mo nga... andyan na si Anton sa pagitan nyo."
I smiled at her sadly, "Are you giving me false hopes, Andz?"
"Hindi. Ang sinasabi ko, ang torpe mo talaga," natawa sya nang mahina.
"Tss."
"Totoo naman. Di ko nga alam nun na dalawang taon mo na pala akong nililigawan kasi wala ka namang sinasabi. Akala ko bestfriend lang talaga. Kung di pa sinabi nina Papa at Mama. Para kang multo. Puro ka paramdam."
Napapailing na natatawa na lang ako. Nagsalin uli ako ng alak sa baso ko then drank it in one shot.
"Pero ikaw ang kilala kong torpe na babaero."
"Ako ang niligawan nila. Hindi ako ang lumapit."
Yeah, I'm not good at expressing how I feel. I mean, yung ako ang mauuna.
Nagkalakas ako noon ng loob nun na magtapat kay Andz since kinausap na 'ko ni Tito Ernie. Na buking nila ako ni Tita Mina, yet they were happy na kinaibigan ko muna ang panganay nila at kinilala ang pamilya. Kaya alam kong boto sila sa akin dahil ang papa mismo ni Andz ang nagsabi na ako na ang bahala sa diskarte since tumuntong na ang panganay nang eighteen. He gave me the go signal..
At higit sa lahat, alam ko na'ng may katugon na si Andz sa nararamdaman ko sa kanya dati.
Tang ina! Sabi ko noon, sigurista lang ako.
But Andz just gave me a taste of real talk now. Oo, ako na ang torpe!
Tss!
"Isa pa yan. Torpeng mayabang."
I just smirked.
"'Ris...I'm sorry..."
"No, Andz. Hindi ikaw--"
"Hindi yun. Si Anton. Mabait naman sya. Nagkaroon lang talaga ng aberya. Kaya lang feeling ko, may fault kami ni Reid dahil we kept him a bit close to us. Yan tuloy..."
"It's not your and your husband's fault to be nice to people, princess."
Natahimik kami pareho nang ilang saglit, then...
"I'm still mad with what she did," I confessed.
"Is that anger so strong you can't forgive her, 'Ris? Are you mad at her more than you love her?"
Another slapping questions she gave me.
"Do you regret having Emma?"
Umiling ako.
"Yun naman pala. Mahal mo na rin yung nanay. Ano pang inaarte mo?"
"I just want her to admit it, princess. And say sorry about what she did. Para... para maayos na. Para tuluyan na akong magtiwala sa kanya. I still feel betrayed."
"Timbangin mo kung ano sa mga nararamdam mo ngayon ang mas matimbang. Kung pareho, i-base mo kung ano ang dapat mong i-prioritize. Pero..."
Kinuha na nya yung baso sa balak ko na namang salinan ng alak.
"... tama na yan. Ang dami mo nang nainom. Malapit na maglaho ayang guhit mong mata. Di mo na halos maidilat. At hindi ka makakapag-isip nang tama sa ganyang kundisyon mo."
Saglit nya akong iniwan. Pagbalik, kasama na ang aso nya.
"Magpabuhat ka na lang kaya sa akin?" nasusuyang sabi ni Schulz dahil alalay ako nito paakyat sa hagdan. "Gago ka, kulang na lang ubusin mo laman ng wine cellar ko."
"Type mo talaga ako eh, 'no? Ang OA mo eh," ngisi ko sa kanya na halos di ko na rin maibuka ang mata ko.
"Fucker!"
"Kayong dalawa, ihuhulog ko na kayo sa hagdan!" saway ni Andz sa amin.
"Mag-text ka kay Madel na narito ka. Baka mag-alala yun," bilin ni Andz bago sila lumabas mag-asawa sa kuwarto ko.
Ungol na lang ang naisagot ko but wasn't able to do dahil hilung-hilo na ako. I even slept in my office clothes and shoes on.
But I didn't know how long I was already asleep when I felt someone taking off my shoes.
"Madel...?" I groaned without opening my eyes.
Walang sagot.
Ano pa nga bang aasahan ko?
Next was my pants. I let her be.
I smiled in my mind when she straddled me.
This is new for me. Madel initiating intimacy between us. But sure, bakit ako tatanggi?
Putsa, ganitong may espirito pa ako ng alak, baka maka-isang round lang ako ah.
Parang ayoko. Ang tagal kong nagpigil. Maybe... after this. Yung opportunity naming makapag-usap na.
Andz may have called her to pick me up.
I pretended that I'm still asleep. Well, I'm still damn sleepy anyway.
But when she started unbuttoning my long sleeved polo, all the naughty thoughts in my mind disappeared.
That smell ... even the cologne... it's not Madel!
Napadilat ako nang mata.
"What the fuck?!"
Si Tala.
I saw surprise and embarrassment on her face but she only clung to the front of my polo then attempted to kiss me on the lips.
I turned my face away then pushed her off me.
She fell on the bed, butt first.
Dun ko lang napansin na naka-bra at sobrang ikling shorts na lang ito.
Ang tshirt nya, nasa sahig.
"Holy shit!" I muttered.
Pesteng-peste ako.
"Get out!" I roared at her pointing at the door.
"S-sir Aris..." nangilid ang luha nya.
"Don't wait for me to kick you! Because I will! Labas!" Pigil kong sigaw.
Hangga't maari, ayokong gumawa ng eskandalo sa bahay ni Schulz. Lalo pa at sa katulong nya.
For heaven's sake!
Hindi nya nagawang maisuot ang tshirt nya. Basta dinampot lang at kinipkip pantakip sa dibdib bago nagmamadaling lumabas ng kuwarto ko. Halos pabalibag na sinara ang pinto.
Napasapo ako sa ulo.
Tangna! Medyo hilo pa ako eh.
Napatingin ako sa bintana. Sarado pa ang makapal na drapes pero kita sa siwang nun na maliwanag na.
"Tss."
Dumapa ako sa kama ko.
Gusto ko pang umidlip nang kaunti.
Idlip na halos kakakuha ko pa lang ay may unan na malakas na humampas sa batok at likod ko.
Sunud-sunod, kasabay nang pagtutungayaw ni Andz.
"Tarantado ka, Aristotle! Ano'ng ginawa mo?!"
====================
There. Two chapters for today.
====================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro