36 Troubled
I wanted to confront both of them. But I just couldn't move from where I'm standing.
Pakiramdam ko, nagago ako. At tila namanhid ako sa mga narinig.
Ilang beses akong huminga nang malalim, kuyom ang palad.
I need to calm my nerves or else I'd go berserk in this bookstore.
May ilan pang mg akasama ang mga estudyante ang dumating kaya lalong umingay sa lane namin.
Hindi yun pinansin nina Madel at Domingo dahil seryoso sila sa pinag-uusapan.
"Di pwedeng ganyan, Madel.... tatagal ... kung ako masusunod ... kasal ... "
Saglit na nawala sila sa pandinig ko. Kaya pala, papaalis na sila.
"... obligasyon ... Emma ... pilitan ... Aris ... Anton ... kakayanin ko ... Emma..."
"... do something.... paano ... ako... ha?"
Hindi ko malaman kung mabuting hindi sila lumingon sa lane kung saan ako nakatayo paglampas nila.
I'm not sure how long I was standing there. I don't want to move. The tears in my eyes may fall.
I breathe in a lot of times to control this heavy feeling which may explode anytime soon.
Calm down, Kho.
I told myself.
Don't make any harsh moves. You're going to drive her away more. She still intends to stay, kahit para kay Emma. Use that to your advantage hanggang nasa poder mo pa sila.
Think...think!
I went out of the bookstore. No intentions of following the two around the mall. Sasama lang ang loob ko. Baka tuluyan nang mawala ang kontrol ko sa pinipigilang galit at selos.
Baka magkasalubong pa kami kaya lumipat ako sa ibang mall para maglakad-lakad.
When I passed by a massage spa, pumasok ako dun at nagpa-full body massage.
I need this to calm my nerves.
Then an idea hit me.
After that massage session, I bought a bottle of essential oil they use and sell at the spa. I chose the scent close to the baby cologne Madel wears.
I half smiled at the thought.
I bought her some expensive women's perfume but she rarely uses them. Only on my Mom's and Schulz's birthdays.
Yet, Madel uses the same baby cologne that my daughter uses every day. And I like the smell of her natural scent mixed with it.
Just remembering her smell brought warm feeling to my gut down to ... shit!
Kahit masama ang loob ko, hindi ko maiwasan. Ito ang hirap kapag dyeta!
I shrugged off the green thoughts in my mind. It's awkward to walk in the mall with a bulge between my legs. Damn!
My feet brought me to the grocery in that mall.
I'm not even sure kung ano ang laman ng ref ngayon sa condo but I started picking up ingredients para sa ulam na naiisip ko.
Tinawagan ko si Maila na ako ang magluluto ng hapunan namin. Alam kong nagulat ito, hindi lang nagpahalata.
On my way to the cashier, napadaan ako sa lane ng mga chocolates.
Mabilis akong kumuha nang ilang piraso doon. Dalawang bars na lang ang nakita ko kaninang umaga sa ref.
Noon pa man sa Palawan, nakikita ko na si Madel na pasimplen gkumakain nito. Lamang, medyo patago palagay ko dahil naka-diet plan noon si Hope at baka masira kung palagi nyang bibigyan. Ganun din ang iniisip ko ngayon. Ayaw nyang mapadalas sa pagkain si Emma ng chocolates kaya hindi nya pinapakita ang pagkain nya nito sa anak namin. Every other day nya bigyan si Emma. Pero si Madel, laging may isang bar na dala sa kuwarto. Kapares ng kape na iniinom nya gabi-gabi kapag nag-aaral sya.
Minsang nakita ko na may baon sya sa bag going to school, I asked her. Isa raw ang chocolate sa stress reliever nya sa dami nang inaaral nila sa med school.
Pagdating sa condo, nagpatulong ako kay Maila sa paghihiwa ng mga ingredients and all, while Emma watches us full of amazement.
"Bàba, 'kaw ang 'luluto?"
"Yup!" proud kong sabi, though the last time I cook was years ago.
Actually, si Andz ang talagang nagluluto nun sa una kong condo. Tumutulong lang ako and she took those opportunities to teach me.
So technically, ngayon lang ako magluluto na ako lang talaga... well, except for slicing some of the ingredients. Magagahol kasi ako sa oras kung hindi ako magpapatulong kay Maila.
"So, how was it? Masarap?" tanong ko kay Emma.
Sya ang taste-tester.
"'Key po!" naka-thumbs up nasabi ng anak ko.
Saktong pumasok na si Madel. May bitbit syang dalawang paper bags, isang grocery bag na hindi masyadong puno ang laman at ... take out pack nang isang food stall.
Food stall kung saan nag-franchise si Domingo nang ilang beses dahil ipinilit ni Andz at Schulz na pautangin ito nang walang patubo para dagdag pampuhunan.
I even remember them calling it 'payable when able'.
I argued with them that they were already doing too much.
Andz only slapped me with five words.
"Sus, selos ka lang eh!"
Her Asshole husband just chuckled.
I shut my mouth at that time. Wala akong mahagilap na maisagot agad.
"Mama!"
Bumaba si Emma sa dining chair at patakbong sinalubong si Madel. Payakap din itong niyuko ng ina sabay hinalikan sa leeg.
"Hello, baby ko."
Gustong uminit ng ulo ko na binitawan nya ang lahat nang hawak maliban dun sa take-out food. Then she stepped towards the dining.
Tumalikod ako para hubarin ang apron at isabit sa gilid ng kitchen sink.
I pushed the negative feeling and thoughts in my mind when I saw her tired eyes as she looked up at me.
"Ikaw ang nagluto?" she asked in surprised.
Ngumiti ako nang tipid sabay nagkibit-balikat, "Yeah. Pagtyagaan mo na lang. Come, take a seat. We'll just finish setting the table."
There. I saw that sparkle in her eyes again but it seems that it wasn't enough to hide the loneliness there.
It actually bothers and puzzles me. Ilang beses ko yung nakikita sa kanya, but the last few days, mas nahahalata ko ang pananamlay nyang pilit itinatago.
Maila helped me set the table and all.
"Mukha at amoy masarap naman. Nag-aral ka o tinuruan ka ni Tita Letty?" she asked as she took her and Emma's seats in the dining.
"No. Si Andz ang nagturo sa akin noon pa."
Then she fell silent for a quick second then cleared her throat.
"Ah ... ganun ba?" may kahinaan nyang komento.
She's ... is she jealous of Andz?
But I thought, she understood.
There's nothing romantic anymore between my best friend and me.
"But ... uhm ... It's my first time to cook without any help except for slicing the ingredients," kambyo ko pagkaupo.
"Uhm... I see," ngumiti sya nang tipid. "Husgahan na natin?"
Napangiti na ako. May bahagya nang sigla ang tono nya.
"Basta kung di mo type ang lasa, be nice with your criticism. Baka di nakita ipagluto uli," biro ko.
Medyo namula ang mukha nya pero tumango, "O-okay."
So far nagustuhan nila ni Emma yung sinigang na salmon belly at Sweet and Sour King Prawn Stir-Fry.
Yun ang mga nilutoko. Di man mapili pero napansin kong mas mahilig sa seafood ang mag-ina ko, maliban pa sa gulay.
"Ulam din yan?"
She pointed at a rectangular plate on the table.
"No, it's for dessert. That's Cold Mixed Tofu and Pineapple Aloe Vera. It's a Chinese traditional food, like the king prawns we ate."
I stood up and passed the said plate. Inalalayan ko si Emma sa pagkuha.
I can feel Madel's eyes watching me. Ganun din si Maila.
Alam ko, nagtataka sila sa inaakto ko. They are used to serving me food. Not the other way around.
Ano pa yung ako mismo ang nagluto?
Though it felt awkward, nagpatay-malisya lang ako.
After dinner, si Maila na ang nagligpit at naghugas nang pinagkainan, while Madel cleaned our daughter up.
I took my shower, too, then headed to Emma's room. Inabutan kong inililigpit na ni Madel ang suklay at tuwalya.
"Bàba!" tawag sa akin ni Emma na may hawak nang story book habang tumatalon sa kama nya.
Natatawa akong lumapit sa kama.
Tahimik lang na lumabas si Madel sa kuwarto bago kami magsimula ni Emma.
I was about to finish the third book bago makatulog ang anak ko. Si Maila naman, nasa sala pa at nanonood ng TV.
Pinababayaan lang namin since wala nang gagawin sa ganoong oras.
As expected, nag-aaral si Madel pagpasok ko sa kuwarto.
Naka-robe ito which she has not worn before. Lagi naman kasi syang naka-pajama.
Masama ba ang pakiramdam nya at baka giniginaw?
Nag-angat sya ng tingin sa akin nung lumapit ako at sinalat ang leeg nya.
"B-bakit?"
Umiling ako, "Akala ko may sakit ka. Di ako sanay na naka-robe ka sa kuwarto. Tsaka ... ilang araw ..."
Hindi ko tinuloy ang sasabihin ko.
I don't want to give her any hint of my observations, and preempt what I intend to accomplish later.
Ewan ko kung bakit medyo namula ang mukha nya.
Papatalikod na ako sa kanya papunta sa kama when she called me.
"Aris...?"
Di ko pinahalatang kinabahan ako.
Is she going to tell me about her conversation with Domingo?
"Oh?" lingon ko sa kanya.
"Uhm..." nag-iwas sya nang tingin sa akin at mas nadagdagan ang pagkapula ng mukha nya.
"Ano, salamat sa dinner ... tsaka dito," inangat nya yung isang chocolate bar.
I half-smiled, "Not a biggie. Matagal ka pa ba dyan?"
"Medyo. Bakit?"
I cleared my throat. Kinakabahan kasi akong hindi ko maintindihan sa totoo lang.
"I'll give you a massage after. You look stressed."
"Huh?"
"Tss. Just finish what you need to do."
Dahil wala akong ibang magawa, nagbukas na lang ako ng laptop ko nang isang movie. After that, mga videos sa youtube. I even watched some music videos.
It felt good.
Matagal na pala mula nang huli akong humawak ng gitara.
Mayaya nga sina Mike ng jamming session minsan.
I logged-in my FB then created a group chat. I named it : Silent Scream.
Then I typed in a message.
Sched nga tayo ng jamming. Ang tagal na rin. Si Andz lang yata ang laging may practice kasama aso nya.
Andz immediately replied :
Gagi ka! But sure. Push natin yan.
At si Erol :
Haha! Oo nga eh. Dami nating sabit nung welcome party ni Juno. Buti di halata.
I replied :
Nadala sa kapogian.
Then Andz :
KAPAAAAL!!!
Natawa ako.
We settled that Andz will be the one to set up kung saang studio. We'll let her know our available sched. Offline pa kasi sina Jeff at Mike.
Inantok na ako kakahintay kay Madel matapos, kaya nahiga muna ako.
Di ko napansin na nakaidlip na pala ako. When I felt her lay on the bed beside me, as usual, patalikod sa akin, I sat up.
"You done studying?"
"O-oo."
"Dapa ka. I'll give you a massage," sabi ko bago tumayo at kunin sa bedside drawer ko yung oil na binili ko sa spa.
"Uhm... sure ka?"
"Of course. Wala naman akong pasok bukas. Common. Bakit ka ba naka-robe pa rin?"
Di sya nagsalita.
And I almost regretted offering her the back massage. Because when I helped her take off her robe, a nerve flickered between my thighs.
She was wearing one of the sexy sleepwears I bought for her a day before Schulz's birthday.
Oh, for Pete's sake! Bakit ngayon naman, Madel?!
I groaned in my mind.
"Uhm... di ka kaya naka-pajama ngayon?" tanong ko nung pumupwesto na sya padapa sa kama..
Wala. Mema lang.
Tangna kasi. Kapag itong babaeng ito eh lumingon...shit!
My bulge is getting obvious.
"Uhm... ano ... sayang kasi. Binili mo kaya ano, ginamit ko na rin."
"Tart...uhm... you have to take off your uhm..."
Shit talaga! Gusto nang manginig ng boses ko sa pagpipigil.
"...your upper garment."
And again, another thing na gusto kong pagsisihang sinabi ko ngayong gabi.
Because when she did, she looked more delectable only with that tiny lacy panty she's only wearing now.
I have to silently breathe a lot of times.
Shit! Shit!
Kho, no touching somewhere else. Don't give her a reason to feel bad about herself.
Paulit-ulit kong payo sa sarili habang pinapahid yung oil sa likod, balikat at batok nya.
Can I survive? tanong ko sa sarili ko
Oh God!
Because of that non-stop almost chant na pagpapapalala ko sa sarili, muntik ko nang makalimutan ang purpose ko.
Patapos na ako sa lower back nya when I asked her subtly, "Madel..."
"Hmmm..." paungol nyang sagot.
Inaantok na nga.
"How's school?"
"Uhm... nakakapagod...pero ayos lang. Inaasahan ko na yun," she answered.
"Uhm...di ka ba nahihirapang uhm... balansehin ang oras mo sa school at dito?"
"Hindi naman, 'Ris. B-bakit? Mas gusto mo ba ako sa bahay na lang?"
Nagulat ako sa tanong nya.
Would she stop her med school if I say yes?
Looks like it. Nasa tono nang pananalita nya.
Is that how she's willing to go further for Emma?
And how about Domingo?
May sumisingit na naman tuloy na paghihinala sa isip ko.
Would they just settle to just seeing each other secretly? To cheat on me?
THE FUCK!
I couldn't stop my eyes from getting hot. Medyo lumabo nga ang tingin ko sa likod nya.
Tang ina! Naiiyak ba ako?
I cleared my throat dahil baka manginig ang boses ko.
"N-no, of course not. I mean... you look ... uhm..."
Damn! What's the right word?
"You look troubled the past few days."
Hindi sya nagsalita. The more I got nervous.
"Tart..." nilambingan ko ang pagsasalita. "Is there ... there something you want to uhm... tell me?"
Shit! There. It's finally out of my mouth.
But fuck!
Am I ready for the truth? For her answer?
"Huh?"
"Uhm ... ano, ayun nga kasi... uhm..."
Shit! Shit!
I'm fucking out of the right words to say!
"W-wala naman. Ayos lang naman a-ako sa school tsaka ano... ayos lang rin naman si Emma, di ba?"
Bumagsak ang balikat at pakiramdam ko, lalo't naramdaman ko rin ang tensyon sa likod nya sa tanong kong yun.
She's definitely hiding something.
But I don't want to push her. It may lead to another big fight mas lalong maglalayo ng loob nya sa akin.
I continued massaging her back lightly until she fell asleep.
Napatingin na lang ako sa upper garment ng lingerie nyang nakasampay sa headboard.
It didn't help. Hindi nun naibalik ang pagnanasang hirap na hirap akong pigilan kanina.
I felt down now.
Hindi ko na sya ginising para isuot uli yun. I just covered her with our comforter bago ko iniligpit yung oil at mahiga sa tabi nya.
Dahil nakapaling sya sa side ko mula sa pagkakadapa, I got a chance to study her face.
What should I do?
I'm not sure if that question is directed to her or to me.
Hindi agad ako nakatulog kaya tinanghali ako nang gising kinaumagahan.
Wala na si Madel, nakapasok na sa school.
Nasa sala ni Maila at Emma. Nanonood sa cable habang babae may kinakaing kung ano.
"Ano yan?" tanong ko.
"Uhm, ano, sir... yung dalang siomai ni Madel kagabi. Nilagay ko sa ref tsaka ininit ko. Sayang kasi. Ano, hindi ko na binigyan si Emma."
Tumango lang ako.
Mabuti nga yun. Ayokong kakain ang anak ko na galing kay Domingo.
Inawat ko si Maila na ipaghain pa ako ng agahan. I prepped my food myself.
I just told Maila to fix up dahil lalabas kami.
Isasama ko sila ni Emma para mamili.
This is the second time I'll be seeing Ate Ada again and her family. Mag-o-overnight din sila sa resthouse ko sa Tagaytay, gaya ng hiling ni A-chi. Si Mommy, bukas pa dadating. As usual, my father isn't coming.
Magsama-sama ba naman ang lahat ng anak nyang sumalungat sa kanya.
Since nakabili na rin ako ng regalo kay A-chi, para na lang kay Ate Ada at sa buong pamilya nya.
Sa ganoong paraan man lang mapunan ko ang pagkukulang ko bilang kapatid na lalaki at bilang tito nang dalawa kong pamangkin.
Syempre, I bought something nice for my brother-in-law.
A way for me to say thanks na kahit mukhang nakaranas sila nang hirap, nakita kong masaya si Ate Ada sa piling ng asawa at mga anak. Maliwanag kasi ang aura ng kapatid ko.
Si Madel kaya? Kailan ko makikita yun sa kanya?
Napabuga na lang ako ng hangin sa bibig.
I texted Madel na nag-mall kami kasi baka mauna syang makauwi sa condo. Hanggang two pm lang ang pasok nya today, since it's Saturday.
It was supposedly a nice and quick bonding with my daughter kung bakit nagawi kami sa parting yun ng mall food court.
Hindi ko kasi napansin na mapapadaan kami sa isang food stall at saktong naroon si Domingo kausap ang staff nya.
Gusto ko mang umiwas pero huli na.
"Papaaa!!!" sigaw ni Emma kaya napatingin sa amin ang lalaki.
Hindi ko na naawat ang anak ko na tumakbo papunta sa kanya na sinalubong nya agad at kinarga.
"Aba at lakwatsera!" natatawang sabi.
I almost smirked.
I didn't make another step closer. Baka masuntok ko ang sira-ulong ito sa harap ng anak ko.
"Maila, si Emma," ganun lang ang sinabi ko.
Saglit pang nag-usap si Emma at Domingo bago ibinigay ng lalak iang anak ko sa yaya nito.
He raised his hand to bid farewell to my daughter then gave me a small nod.
I just looked at him. Tapos dinako ko na ang tingin ko kina Maila.Ayokong bigyan ng impresyon ang lalaking ito na natutuwa ako sa pagkagiliw nya sa anak ko, o kahit kaunting ideya na ayos lang kami.
Because we are not okay and I am not okay that my daughter is calling him 'Papa'. For Christ sake!
Sirang -sira ang mood ko on our way home na lalong nasira dahil nung datnan namin si Madel sa condo, lalong nadagdagan ang makulimlim na aura nya.
I thought I got to get a step forward after last night. E bakit ganito? Parang mas naging tahimik sya at laging nag-iisip nang malalim.
**************
Don't forget to Comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro