Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

35 Not Again


Aris' POV

I stirred from my sleep because I heard someone sniff. Though really faint from my half-awake senses.

I opened my eyes, and I am sure of it. I am not alone in my room. And that baby cologne smell if so familiar.

Lumingon ako mula sa pagkakadapa. May babaeng nakatayo sa paanan ng kama ko pero nakatalikod.

"What the--"

Kaya napalingon si,

"Madel?!"

Kumalat agad ang gulat at pag-aalangan sa mukha nya.

Suspicion immediately came to my mind.

"Paano mo nalaman dito? Have you been stalking me again?"

"H-hinatid ako ni Ate Andie at Sir Reid dito. Uhm, umalis na sila."

Napahiya ako sa sarili ko. But then, it hit me.

Why did the Schulz couple bring her here?

Suddenly, a hope peeked from the horizon.

Dinaan ko sa pagsusungit ang pagkapahiya ko.

"Bakit ka nandito? Di ba ayaw mo sa 'kin? Ilang araw mo na 'kong hindi kinakausap?" sabi ko na umayos ng upo sa gilid ng kama.

She nervously played with her fingers. Is she going to tell it now?

Itinukod ko ang siko sa tuhod ko at sinapo ang noo ko. Sa ganoong paraan, maitatago koang pagngiti ko.

"'Uhm...hinahanap ka ni Emma. K-kaya kita sinusundo.U-umuwi na ka, 'Ris."

I got pissed. Nawala ang sayang umusbong sa dibdib ko. I thought she came here because she misses me.

Hindi pala.

Nagpuntasya para kay Emma. Gaya nang kaya pala sya pumayag na magsama kami sa iisang bubong ... para kay Emma.

Talagang napipilitan na lang si Madel.

Isang saloobin nya na biglaan nyang nasabi noong gabi ng kaarawan ni Schulz.

I was actually hurt when she blurted it out at my face that she looks at herself like my exclusive whore.

She isn't. I never thought of that about her. And I never considered her car and expensive tuition as my payment just to bed her.

I never had another woman simula nung guluhin ako ni Andz about their existence. I even forgot about that out of town date with... hell, I can't even remember that woman's name who called to remind me of our date.

It's because flashes of forgotten memories of that night with Madel came back to me little by little in my dreams. I just couldn't identify who it was.

And I've made myself exclusive to her, too. Hindi na sumagi sa isip ko ang ibang babae simula nang mabawi namin silang mag-ina. Kahit may mga lumalapit, either I push those women away or I keep them at bay.

Kaya nainsulto ako sa sinabi nya. Why would I pay woman just to screw her when I can actually get one without shelling out a penny, right?

Yet, hindi ko magawang magalit nung gabing yun matapos nyang isigaw yun sa akin.

I was more hurt seeing the pain in her crying eyes while telling me what she felt. And guilt ate me up for making her feel that way.

Isa pa, wala naman akong sinabing ayoko o tinatakwil ko ang anak namin. She just misinterpreted my words because... because I was so damn jealous of that psycho.

Jealous because I saw them talking comfortably while dancing, na hindi nangyari sa amin ni Madel. And it was triggered when my daughter saw Domingo.

Then, there was Bea. I didn't expect her behave like that.She was graceful and all when I first met her. Tss.

Dahil sa babaeng yun kaya lumala ang away namin ni Madel. I was just too mad I said those words to her.

Nitong mga nakaraang araw ko lang pinagtatalunan sa isip ko ang mga palitan namin ng salita nung gabing yun.

I'm confused if Madel was jealous seeing Bea's lipstick on me or if she just used that opportunity to let me know na napipilitan lang syang makisama sa akin.

For Pete's sake! Kung alam nya lang na p-in-ull out ko na ang agent ni Rob na palaging sumusunod sa kanya. Hindi ko na pinakikialaman ang FB at phone activities nya. Because I've come to appreciate her effort to win my trust starting the day she changed her cellphone number. Kahit alam kong naroon ang number ni Domingo, alam kong di nya kinkontak ang lalaki.

I was just triggered that night at the party. I got scared. And very jealous.

For almost a week that I was wooing her to talk to me again, I've learned to know something about Madel. Mahaba ang pasensya nito at submissive, pero malalim magtampo.

Napansin nina Mike at Jeff na palaging mainit ang ulo ko sa office. Yung init ng ulo na kailangan kong kalimutan once I step inside the condo building holding my flowers for her.

Madel was the first girl I had to bring flowers everyday for almost a week para lang makipagbati. I never experienced that, kahit kay Andz noong kami pa.

Hindi ako sanay, however, I had this feeling that I need and I want to do it. Hindi ako mapakali nung bigyan nya ako nang total silent treatment. Kahit yung mga pagpapaalam nya sa text na gagabihin sya or sasabay syang mag-dinner sa amin, nawala. Medyo napanatag lang ako na nagpapaalam pa rin sya, pero idinadaan nya kay Maila. Na sinasabi naman ng babae sa akin.

Para akong mamamatay sa inis, asar at ewan nun. Kaya nung gabi bago ako lumipad pa-Zamboanga, naglakas na ako ng loob. Hindi nya ako tinatanggihan if I want to be intimate with her.

I'll use that so that she'd talk to me again... but I failed.

She didn't refuse yet she didn't respond. That was why I stopped. She made me feel what it felt like screwing an unwilling whore.

I felt insulted ... degraded. And for the first time that I have admitted to myself that here is this woman, who'd finally found her way in for me to hope again for love ... but I felt rejected again. I was hur tagain.

Naramdaman ko uli ang naramdaman ko noong magkita kami dati ni Andz. 

Rejection.

Ang pakiramdam na umasa. Umasa na mahal pa rin ako ni Andz at mababawi ko sya kay Schulz pero nagkamali ako. I was so sure of myself then. I trusted the signs that I saw and felt.

Just like with Madel, I felt that she has something special for me. Pilit ko mang itinatanggi sa sarili ko yun, pero hindi sya madaling ignorahin. And when I read her private chat with that Lulu, I've confirmed it. She loved me.

Matagal na pala. Wala kaming kamalay-malay nina Andz. Saglit nga akong napangiti nung malaman ko na sya ang nagbigay sa akin ng bulaklak noon anonymously.

Pero habang dumadami ang nababasa ko, napalitan ng galit ang lahat.

I felt betrayed and deceived.

She drugged me maybe out of obsession and desperation. It was a perfect opportunity dahil may ibang pakakasalan si Andz that time.

Anger that overpowered unanswered questions in my mind.

Kung gusto nya ako, bakit sya lumayo gayong buntis na pala sya? At parang wala syang planong ipaalam kung hindi pa sila nalagay sa peligro at aksidenteng makita nina Andz?

Mga tanong na nagkakaroon na ng mga sagot nitong mga nakaraang araw.

She is slowly getting over me. May iba na syang nagugustuhan.

Si Domingo ang nakikita kong pumapalit sa akin. Maaring nagsimulang umusbong yun nung panahong nagtatago sila at ngayong magkalayo sila, hinahanap-hanap nya ang lalaki.

I was like, "Here I go again. Me getting back to that feeling... like a loser."

Willing na akong palampasin ang ginawa nya kaya kami nagkaroon ng Emma. Nariyan na.

It's just that ... I still want her to admit it. And say sorry about what she did. Then I'm totally done with the idea of holding a grudge on that incident because one of the things I hate most is me feeling deceived.

Mas magiging madali na ang lahat sa amin. We can't change the past, but we can still do something now for our future.

That was why I was both on the offensive and defensive. Binakuran ko nang husto ang mag-ina ko.

No, not again. I won't let it. Hanggang kaya pa. Mukhang hindi pa naman ganun kalalim ang nararamdaman nya sa lalaki. Because ... because... I don't know. I just feel it. Malaki pa ang pag-asa ko to win her back.

Tama na'ng nagparaya ako noon kay Andromeda because she already love Schulz more than me. Sabi pa nga nya, I should learn from our mistakes in our relationship. 

That's why I'm very territorial and possessive this time.

Pero, parang mali pa rin. 

It doesn't seem to work for Madel. Lalo syang lumalayo, unti-unti.

Kaya nga kahit ayaw ng kalooban ko, dahil mami-miss ko sila ni Emma, I decided to do something else.

I stopped talking to her. Baka sakaling hanapin nya ako.

I waited for her to call me or kahit text lang. Pero wala.

Hindi ako nakatiis, dalawang magkasunod na araw ko syang palihim na pinuntahan sa med school. Muntik pa akong makita nung una. Nung pangalawa, hindi ako sigurado kung nakilala nya ako. Hindi kasi sya humabol, basta nakatingin lang sya mula sa kabilang side nung baseball field nila.

Kaya lang sa dalawang araw na yun, mukhang parang wala lang kay Madel na hindi nya ako nakikita. Kaswal pa rin syang makitungo sa mga kaklse nya at sumasabay kumain ng lunch sa mga ito.

I kept denying it to myself ... but I knew ... I'm broken again.

My second chance... slipping away.

So, I drunk myself to sleep. At ito ang nabungaran ko pagdilat ng mata.

Ang sumama uli ang loob sa mga pangyayari.

She came here for Emma. Not for me.

"Hindi ka dapat nagpunta dito. Si Hope at Andz lang ang puwede dito. Kahit si Schulz alam yan," naiinis na sabi ko sa medyo hilo ko pang kamalayan.

Naiinis ako hindi ko na alam para kanino. Hindi ko na naman pwedeng pilitin si Madel. Baka lalo lang syang magalit. Hindi ko pa nga alam kung ano ang susunod kong gagawin. Baka pati si Emma, ilayo na nya sa akin.

Hindi ko na kakayanin kung dalawa pa silang lalayo ang loob sa akin. Kay Madel palang nahihirapan at nawawala na ako sa tamang pagdedesisyon. Hindi ko kasi mabasa ang nasasaloob nya.

And my issues wooing a woman worsen after Andz.

"Uhm..Uhm...I'm ... I'm sorry. Sorry for intruding..."

Narinig kong sabi nya sa may bahagyang kinig na boses.

Napabuga ako ng hangin sa bibig at mariing naidiin ang palad sa noo.

Oh fuck! Ano na naman ba ang nasabi ko?

Then I heard fast footsteps...walking away from me.

Pag-angat ko ng mukha, wala na si Madel sa kuwarto.

Oh God, she's running away again. I can't take it this time!

Second time of feeling broken is not an option for me anymore.

I ran after her.

She was about to open the maindoor nung abutan ko.

I even heard her controlled sobs. And her shoulders are shaking.

Oh God.. Oh God... What have I done!

Nag-init na rin ang mata ko.

Before she could turn the doorknob, I enclosed her in my arms.

"Tart...I'm sorry...I' m really sorry," I whispered.

Her sobs became louder same as the shaking of her shoulders.

She just stood there, letting me hug her from the back, as she continues to cry.

"Nabigla lang ako kanina, Tart. K-kahit nung ... nung nag-away tayo last week," I confessed.

I know she just won't talk. But I'm sure she's listening.

"I'm sorry for ... for making you feel so low about yourself. Kahit kelan...Madel, kahit kelan hindi ko yun inisip. I take care of you because ..."

Shit, ano ba ang sasabihin ko? Hindi ko pa gustong sabihin sa kanya. Baka in the end, ako pa rin ang maiiwan. Ang loser. Ang pathetic. The rejected.

"...because I have to. You and Emma. I'm... I'm the man in the f-family. It's my duty to provide."

Hindi sya nagsasalita, although, nabawasan na ang pag-iyak nya.

"I was just so mad. I felt my ego as Emma's father was trampled when my daughter called someone else 'Papa'... sa harap pa man din nang isang katulad ni Bea."

"In-iniwan m-mo kami ni Emma," sa wakas ay nagsalita sya sa pagitan ng pagsinok dala ng masidhing pag-iyak kanina.

Napangiti ako sa sinabi nya.

"I thought ... uhm.. you need space. Ayaw mo akong kausapin kahit ilang beses na akong nag-sorry sa iyo. I... I thought ... we need to be away from each other for a while. I was ... I was waiting for you to call or at least text me. Yun lang naman, uuwi na ako. Marunong din magtampo ang mga lalaki, Tart."

Nagpahikbi na naman sya.

"Hey," iniharap ko na sya sa akin.

Inangat ko ang mukha nya sa akin at pinunasan ang luha sa mata nya.

"Sorry kanina. Uhm... hindi lang kasi ako sanay na ano... na may ibang tao dito."

May bumakas na hapdi sa mukha nya. Magkahalong guilt at saya ang nararamdman ko.

It gave me hope.

I think she's jealous.

"Of course, you can come here," I softly said. "I'll give you a copy of the key."

Umiling lang sya, "W-wag na. Ano... basta."

I was hurt and rejected. But I understand her. Looks like she already knew about this condo and why I'm keeping it.

Gaya ni Schulz, na pinabayaan na kami ni Andz sa trip namin dito because he trusts us both. Nirerespeto nya kung ano ang nagbubuklod sa amin dito ng asawa nya. It was only the memories we both cherished here as the bestfriends putting aside the romance, kahit binili ko ito nung panahong kami pa ni Andz.

The more I get to appreciate Madel.She knew how to respect the special bond between Andz and I. Kahit mula't-mula pa man, alam nya ang nakaraan namin ni Andromeda.

"Uhm, alright. But in case you need to stay here, I'll inform the receptionist to give you access, okay?"

Tumango sya sa kabila ng lungkot sa mata nya.

Gusto kong mapabuga ng hangin.

"Take a seat," I motioned to the sofa. "I'll just get dressed."

I was about to turn around, "'Ris...?"

My heart skipped a beat.

Is she going to tell me she missed me? Or would she open up about that night in El Nido?

"I'm sorry ... din," napatingin sya sa bandang balikat ko.

She really can't talk to me keeping an eye contact for a long time.

Isang bagay na minsan, gusto kong pagdudahan kung nagsisinungaling ba sya or just like other women who likes a guy, nahihiya sya sa titigan.

"Para saan?"

"Uhm," she started fidgeting again. "Sa ano... sa mga nasabi ko rin. Tsaka uhm ... sa hindi ko ano, pagkausap sa iyo."

Gustong bumagsak ng balikat ko sa narinig.

But... at least ... we've settled our argument last week.

Siguro nga, dahan-dahan lang muna.

I enclosed her in a big hug then kissed her forehead.

"Let's not talk about that fight anymore, Tart. Let's go home."

That was the time I felt her hand hugging me back.

Sa kotse ko sya sumakay. Ipapakuha ko na lang kay Norman ang kotse ni Madel bukas ng umaga.

"I'll drive you to school tomorrow then pick you up after your last class, alright?"

Nagpapaantok na lang kami that time. Nasa gitna namin si Emma.

I missed my daughter and I knew she did,too.

Tuwang-tuwa ito nung makita akong pumasok sa kuwarto nya. Palundag na bumaba sa kama nya at halos talunin ako payakap.

Yumuko ako para saluhin sya at kargahin. Diretso kong dinala sa kuwarto namin ni Madel.

"Baka mag-stay pa ako sa school nang ilang oras, 'Ris. May tatapusin kaming report."

"It's fine. I'll pick you up still."

"S-sige."

"Madel..."

"Hhmmm..."

"Can you put back the photos in your FB?"

"Ha?"

"I won't mess up with it anymore. I'm ..."

Oh shit! Naalala ko na naman ang nabasa kong usapan nila ni Lulu. Itinulak ko palayo sa utak ko ang mabigat na pakiramdam ko sa bagay na yun.

"I'm sorry for being nosy," tuloy ko. "Request ko lang, I want to be tagged in all of Emma's pics there. And our pics together kapag lumalabas tayo. I want everyone to know, I have a beautiful daughter and... uhm ... she has a wonderful mom."

"Ah... eh ... s-sige."

I scooped the back of her head then kiss her hair.

"Good night," I said.

"N-night."

I fell asleep immediately. Magaan ang pakiramdam ko paggising kinabukasan. Gaya ng pakiramdam ko habang pinapanood si Madel ihanda ang isusuot ko pagpasok sa MonKho.

Halata rin ang kakaiba nyang sigla. Ganun din si Emma.

Ang ending, sa kotse ko sumakay ang mag-ina ko. Hinatid muna namin si Emma sa school.

Hinatid ko pa nga si Madel hanggang classroom nya.

Alam kong nanibago sya na sa noo ko lang sya halikan bago ako umalis.

I think that's the right thing to do.

Much that I hate it, I have to keep my hands off her, unless she's really willing and ready.

I don't want to make her feel like a paid whore anymore. Baka isa yun sa dahilan nang mababa nyang self-esteem.

Pinansin nina Mike at Jeff ang mood ko during our meeting for the upcoming inauguration of MonKhAr.

"Oh, nagkabati na kayo?" si Jeff.

"What?"

"Kayo ni Madel, kung ayos na kayo?" ulit nya.

"I think so," sundot ni Mike. "Maganda na ang mood eh."

I just rolled my eyes but I was smiling.

"She was here yesterday. Looking for you, jerk," si Jeff uli.

Ang hirap magpigil ng ngiti kaya kinagat ko ang labi ko. Hinanap nya pala talaga ako.

With what I've heard, sapat nang pambayad sa inis at pagkaaburido ko kakahintay sa tawag o text nya the past days.

Saktong nag-vibrate ang phone ko.

A text message from Madel. Informing of the approximate time na matatapos sila sa hinahabol na school report. Napangiti na talaga ako.

She's back to texting me directly.

"I like what I'm seeing in you."

Napaangat ako ng tingin kay Jeff.

"Huh?"

"Wala."

Sabay silang tumawa ni Mike na walang tunog.

Then another text message. This time from Andz.

Napatikhim ako pagkabasa nun, "Bro..."

"Oh?"

Sabay pa nilang sagot.

"Just got a message from Andz. She and Sarah are requesting to get an extra invitation for MoKhAr inauguration."

"For whom?"si Mike.

"Kay Rika. She's coming back for good. Next week daw ang dating nya."

Natahimik yung dalawa.

Si Mike ang unang nakabawi.

"Sure."

Akala ko, totally okay na ang dalawa kay Rika.

Lalo na nung mabalitaan namin ang pribado at biglaan nitong pagpapakasal sa isang pure Japanese bloodjust more than a year ago. Anak ito nang isang mayamang farm owner.

Hindi si Rikka ang talagang nobya nung Hapon, kundi ang pinsan nya. Lamang, less than a week bago ang kasal, nalaman nilang buntis ang pinsan ni Rika sa ibang lalaki.

Nagalit ang pamilya nung lalaki. Isa yung malaking kahihiyan sa magkabilang panig.

Dun ko nalaman na big deal sa mga Japanese ang kahihiyan lalo na kung pangaln ng pamilya ang nakasalay. At isa sa malaking issue ay ang pagka-tradisyunal nang magkabilang panig dahil sa probinsya ang mga ito.

SI Rika ang ginawang pamalit sa pinsan nya just to save face for both families.

Wala nagawa ang babae dahil kumbaga, ito ang pagkakataon nya at nang nanay nya na Pinay para di lalong ma-diskrimina sa angkan. Sa dahilang hindi Hapon ang nanay nya. At isa itong entertainer na nagustuhan at minahal ng ama nya.

Sabi ni Sarah at Andz, ginawa yun ni Rika para sa ina na syang palaging sumasalo ng mga pailalim na pagdidiskrimina. Nagsimula yun nung mamatay ang Japanese father nito.

Yun rin ang dahilan kaya hindi nagawang mag-imbita ni Rika nang kahit na sino sa mga kaibigan.

That triggered Jeff to finally find a serious relationship. Pero si Mike, mas lalong naging chickboy.

Eight months pagkatapos ng kasal, namatay ang ina ni Rika.

Kuwento ni Sarah, si Sam at yung isang pinsan ni Rika na patagong bading ang tumulong sa babae para mag-file ng divorce but her husband declined. Yun pala ang plano ni Rika. Wala na kasi ang inang pinoprotektahan. At napunta sa kanya ang lahat ng mamanahin sa businessman na ama.

We don't know how the husband finally agreed to the divorce.

Akala ko nga, sa France mamamalagi si Rika dahil among the four of them, si Sam ang ka-close nito. Doon naka-base si Sam.

Sarah, Andz and Sam were really quiet about Rika and her plans. Ang alam ko kasi, may business rin ang ama nito sa Japan.

Si Jeff, "Kayo na lang ang bahala na magbigay ng invitation."

"Ako na ang magdadala kay Sarah," boluntaryo ni Mike.

Tama ang hinala ko. Mas dinibdib ni Jeff ang pag-aasawa ni Rika.

Unless, magaling lang talaga magtago nang totoong nararamdaman si Mike.

Naisip ko lang, makakaapekto ba ito sa nalalapit na pagpo-propose ni Jeff kay Wilma?

Well, hindi ko na muna poproblemahin yan. I have my own mess to fix kay Madel.

Kalat na talaga ang dilim pagkasundo ko kay Madel.

Nagsalubong agad ang kilay ko nung maghiwa-hiwalay silang magkaka-grupo. May isang lalaki ang sumabay sa kanya papunta sa parking. Nag-uusap sila.

I felt it again. Yung threatened.

Tsk!

Lahat na lang, nate-threaten na ako. Ganito ngayon ang bagong reyalisasyon sa akin.

Ang hirap kasi ng pakiramdam na mawalan.

Lumabas agad ako ng kotse para salubungin sila.

"Tart!" Tawag ko sa atensyon nila.

Her face lit up pagkakita sa akin.

Pinakilala nya ako sa kasama.

"Classmate ko, 'Ris. Si Eugene. Sya partner kong mag-report sa isang sub-topic ng group namin."

Nagkamay kami.

"You're the hubby, right?" ang sabi.

Medyo nagulat ako but I managed to answer him casually, "Yeah."

"Sumabay na ako kay Adelyn. Ayun lang kasi ang kotse ko," paliwanag agad nito.

Tumango lang ako, "Sige, p're. Salamat."

Tahimik lang kami ni Madel sa byahe pauwi nung umpisa. It was her who broke the silence.

"'Ris...?"

"Hmm?"

"Pasensya na kanina."

"For?"

"Uhm, si Eugene. Yung hubby. Si Kim kasi."

I don't know why I felt a bit disappointed.

Akala ko sya ang nagsabi nun sa mga kaklase nya.

Anyway, yun naman ang isa sa naisip ko na mangyayari when I kissed her in front of her gay friend.

That evening, hindi ko na namalayan kung anong oras sya natulog. I expected that dahil nga may reporting ito sa school.

The next few days were just fluid between us.

Balik kami sa dati maliban sa dalawa.

I've never attempted to initiate intimacy with her. Not even kissing her on the lips.

May pagkakataon na nagtatawag ng pangangailangan si 'Private Ryan" but I just settled with cold shower, or the DIY method, sa CR.

It was kind'a frustrating yet I want to keep my promise to myself ... for Madel's emotional boost.

When Saturday came, niyaya ko silang sa Southwoods kami matulog pagdating ni Madel from school and group study. Hindi kasi kami natuloy dun nung nakaraan dahil nga sa naging issue namin.

With Madel's busy time sa med school and me at work, it became impossible to spend every weekend at my house in Southwoods.

But we agreed to stay there on a weekend at least once a month.

She also started posting on her FB again. I'm happy she did that. Though not that active but at least one post a day ng quote o di kaya ay meme na may kinalaman sa medical field. Minsan naman ay tungkol sa pagiging nanay, or something inspirational.

And yes, she put back all her photos there, tagging me to the photos I asked her to.

I grabbed one as my cover photo. Yung tatlo kami.

It immediately garnered comments from Andz, my friends, A-chi, and even Ate Ada.

I felt proud about that photo.

Then A-chi sent me a private message. Requesting us to visit her in my rest house in Tagaytay the coming weekend. She said that Mom and Ate Ada with family will also go there. It's actually her birthday. She wanted to celebrate it just with us.

Nagbalitaan na rin kami tungkol sa pag-aaral nya na itinuloy nya na sa wakas, pati ang status ng annulment nya sa asawa.

I told Madel about it.

She was excited though just did he best to contain it.

Then, I started noticing something.

Ilang araw na nahuhuli ko si Madel na nag-iisip nang malalim.

So I asked her kung may problema ba sa school or kay Emma.

Wala naman daw then she'd just shrug it off by saying she's just tired.

"'Ris..."

"Oh?"

We were about to sleep then. Nakayakap ako mula sa likod nya.

I don't know but she didn't study much tonight kaya inabutan nya pa akong gising paghiga nya.

Parang medyo matamlay nga but she doesn't have fever.

Baka pagod lang talaga.

"Ano... wala akong pasok sa afternoon class ko bukas. May general meeting ang faculty namin. Pero...uhm... di agad ako makakauwi."

"Group study?"

"Ano... hindi. Daan ako sa mall. Bibili ako regalo namin ni Emma sa A-chi mo. Sa isang araw na ang punta natin sa Tagaytay. Para diretso na tayo dun after ng klase ko ng Sabado."

Gusto ko sana syang samahan pero may meeting din ako that time, at di ako sigurado kung maagang matatapos.

"Alright. How about dinner?"

"Makakauwi ako before dinner."

"Alright."

The next morning, it's really getting obvious na may nagpapagulo sa isip nya.

Or maybe, ako lang ang nakakahalata nun since I've been observant of her since magkabati kami. Gusto ko kasing maintindihan ang laman ng isip ni Madel sa pagbasa sa mga kilos nya. And I guess I'm improving.

"Madel..."

Nilingon nya ako bago pa man nya mabuksan ang pinto ng kotse nya.

"Bakit?"

Hindi ko na rin muna tinuloy ang pagbukas ng kotse ko na katabi lang sa kanya. Nilapitan ko sya.

"Just...just let me know if there's something troubling you, alright?"

"Uhm..." napaiwas sya ng tingin. "S-sige."

I knew it.

It bothered me. So I talked to Jeff about it.

"Baka nabe-burn out sa pag-aaral. You may want to consider taking her out on a date."

It gave me an idea.

I stayed in the meeting with my team sa Rivera project just for an hour and a half. Then, I had one of the senior engineers take over.

Pagbalik sa office ko, I simply dropped a text message for Madel asking kung nasaan sya.

She replied the name of the mall. And added that she hasn't bought anything yet.

I texted her some boutiques na alam kong may mabibilhan sya at siguradong magugustuhan ni A-chi ang mga items doon.

Nag-reply ito uli na pupuntahan nya ang mga suggested shops na binigay ko.

After that, nagbilin ako sa secretary ko na hindi na ako babalik later. Wala namang urgent na dapat asikasuhin.

I went to the mall where Madel is. I'll surprise her. Iisa-isahin ko na lang yung mga boutiques na ako mismo ang nagrekomenda kay Madel. Kapag di ko sya nakita, saka ko na lang uli sya ite-text.

I passed by a big bookstore and from the glasswall outside, nakita ko si Madel doon.

Napangiti ako.

Kaya pala di pa nakakabili, inuna ang paghahanap ng libro.

Mahilig sya sa mga English novels. May ilang libro nga syang binili but sad to say, wala pa yata syang natatapos dun sa sobrang pagka-busy.

Malamang, yun ang isa sa frustrations nya. She has books she wants to read but no time to do so. Kaya kinokolekta na lang muna.

Pumasok ako sa bookstore. Pasimple akong pumuwesto sa kaharap na lane at bibiruin ko nang pagulat pagliko nya sa side na ito.

Pero ako ang nagulat.

May kasama pala sya.

".... bakit di mo pa sabihin sa kanya kesa ganyan?"

Naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko.

Bakit kasama nya si Domingo?

May mga ilang estudyanteng pumuwesto sa lane na yun. Medyo maingay kaya di ko naintindihan ang ilang sinabi pa ni Madel at Anton Domingo, maliban sa ...

"... kailangan... patagalin... kasal ..."

Nakuyom ko ang kamao ko.

"Di ko kayang sabihin .... Aris ... Emma..."

"...ako na ... kakausap ... Aris ... kasal...kita? "

Parang pinagsakluban ako ng langit sa narinig!

=====================

Don't forget to comment or vote!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b4cr