Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

29 Private Message


Dalawang luha agad ang sabay na tumakas sa magkabilang gilid ng mga mata ko.

Halata man ang pagkalito sa mukha, inalalayan ako ni Aris na tumayo nung imuwestra nang OB na puwede na akong magbihis.

"Hey..." mahinang nyang sabi na tinatapik at hinimas ako sa likod.

Wala sa loob na hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Gamit ang isang kamay pamunas sa mata, at ang isa, pantakip sa bibig ko para di kumawala ang hikbing pilit kong iniipit.

Hindi ko na napansin ang pagkabig nya sa akin at paghalik sa noo. Para kasing namanhid ako bigla.

Basta ang alam ko, tahimik lang akong umiiyak.

Hinatid nya ako hanggang sa pinto ng dressing room.

"What ...what do you mean false alarm?" di makapaniwalang tanong ni Aris. "I mean, all three PTs were positive.

Narinig ko ang pagtatanong nya nung nasa loob pa ako at nagpapalit. Nadagdagan ang luhang tumutulo sa mata ko.

Hindi ko malaman kung bakit ako nag-false pregnancy. At kung bakit hindi ko napansin na ganun.

"Let's wait for Ms. Rosales," advice nung doktor.

Kaya lang ayoko na yatang lumabas. Sobrang nahihiya ako na nanghihinayang na ewan.

Siguro nga, dahil sa si Aris ang unang naghinala last week, unconsciously, nakundisyon nang husto ang utak ko na buntis ako. Kahit alam ko namang tipikal na sinisikmura lang ako dala ng lipas-gutom nung inabutan nya akong nagsusuka, madaling-araw pagkagaling nya sa Bataan.

Na unconsciously, pumasok sa tago pero malakas na impluwensyang parte ng utak ko na gusto nyang magbuntis ako. Base ito sa sagot nyang 'better' nung sabihin kong baka magbuntis ako one time na mag-'ganun' kami.

Pagkabihis ko, naupo ako sa gilid ng dressing room, at tahimik na umiyak uli.

Siguro natagalan na kaya kinatok na ako ni Aris.

"Madel...aren't you done yet?" may pagkainip na nyang tawag.

Napahikbi ako.

"Oh God!" narinig kong bulong nya sa kabilang panig ng pinto.

Dahil wala namang lock, nabuksan nya yun.

Lalo kong niyakap ang tuhod ko at nagpakayuku-yuko doon. Kasabay nun ang pagyugyog ng balikat ko.

"Jesus!"

Sunod kong naramdaman, may dalawang kamay na yumakap sa akin. Lumakas ang tunog ng hikbi ko.

"Hey... it's ... it's alright," pang-aalo nya.

"Aris... I'm sorry... " ang nasabi ko na lang sa pagitan ng pag-iyak.

"Hindi mo naman kasalanan."

Pero kabaligtaran nun ang nararamdaman ko.

For crying out loud! Nasa medical field ako. Bakit di ko ....

Ganun na ba ako ka-emotionally pathetic na pati sa sikolohikal at pisikal na aspeto ay apektado na ako ?

May inabot ang OB kay Aris. Botteld water yun na binigay naman nya sa akin.

"Drink this,"ang sabi.

Pilit kong kinalma at hinamig ang sarili ko. Lalong nakakahiya ang inaakto ko. Di naman pupuwedeng dito ako buong araw. May mga pasyente pang naghihintay sa labas ng clinic.

Mahigpit akong akbay ni Aris paupo sa tapat ng clinic desk nung doctor.

At ang nakahihiyang parte nang pagpapliwanag ng OB ang pinakikinggan ngayon ni Aris.

Tumikhim muna ito, "So, going back to your question, Mr. Kho. Hindi ito talaga false alarm. It's false pregnancy, clinically termed pseudocyesis. It is the belief that the woman is expecting a baby when she's not really carrying a child."

Hindi ako nag-aangat ng tingin. Basta tinititigan ko lang ang kamay ko at ni Aris na magkahawak.

"How's that possible, doc?"ang tanong nya.

" The exact causes still aren't known, but medical studies suspect that psychological factors may trick the body into 'thinking' that it's pregnant. Say, when a woman feels an intense desire to get pregnant, which may be because of infertility, repeat miscarriages, impending menopause, or a great desire to get married..."

Otomatikong napisil ko ang palad ni Aris. Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko nung makita ko sa peripheral na nilingon nya ako.

"...her body may produce some pregnancy signs, such as a swollen belly, enlarged breasts, and if not addressed immediately, even the sensation of fetal movement. The woman's brain then misinterprets those signals as pregnancy, and triggers the release of hormones, such as estrogen and prolactin, that lead to actual pregnancy symptoms - food cravings, nausea and the stuff."

Nadagdagan ang mga luhang nalaglag na sa kandungan ko. May isa pa nga na tumulo sa likod ng palad ni Aris.

Pasimple ko yung pinahid, pero napansi nya rin pala.

Huminga sya nang malalim at lalo akong hinapit sa kanya.

"Just... calm down, Madel, okay?" at inabutan ako ng panyo.

Kinuha ko na yun at ginamit.

"Is there anything that we can do to resolve this, doc?" tanong nya.

"Yes. Make that pregnancy actually happen."

Shemay, nakakahiya na talaga!

"And... or talk it out between the two of you. Main cause of false pregnancy is emotional conflict. Some studies say that false pregnancy may have also been triggered by childhood sexual abuse, or relationship problems. If left unresolve, worse comes to worst, you may need professional help."

"Professional help?"

"A psychiatrist."

Lalo akong nagpakayuku-yuko.

Naramdaman ko uli ang paglingon ni Aris, "Madel..."

"A-aris... pag-uwi na lang, p-pwede?"

"Alright," then naramdaman ko ang paghalik nya sa tuktok ko.

At least, nakatulong yun para gumaan nang kaunti ang nararamdaman ko.

Nagpunas uli ako ng mukha para tuyuin ang luha ko.

"Uhm, just want to recommend something, too," habol nung OB bago kami tumayo.

"Yes, doc?"

"Once the symptoms of the pseudocyesis are gone, do another PT test. Or better yet, come back here."

"Why is that, doc?"

"If she still turns positive, we will run another test for a different medical condition."

Kinabahan ako. Alam ko ang pinatutunguhan ng mga salita nya.

"Like what?" taking tanong ni Aris.

"Ms. Rosales," tawag sa akin. "I think you have the idea. You're a nurse."

Tumango ako.

"What is it?" tanong ulit ni Aris.

"False pregnancy does not always give positive PT test. But ovarian cyst does, most of the times. Although, wala akong nakita sa ultrasound. I just need to make sure because ovarian cyst may lead to ovarian cancer."

Tahimik kami ni Aris papunta sa parking lot ng ospital.

"Madel..."nasa loob na kami ng kotse nun pero di pa nya pinaaandar.

"Hmm?" Sagot ko sa kanya pero sa labas ako nakatingin.

"Is there something you're not telling me?"

"Huh?"

"We're...we're you moleste—"

"Hindi!" pabigla kong sabi.

"Then ... what is it? What have caused you to have this false pregnancy thing?"

Medyo nakahinga ako ng maluwag.

Hindi nya naisip ang naiisipo kong dahilan nang—

"Is it about the situation that we have?"

Shemay! I spoke too soon.

Napaiwas tuloy ako ng tingin. Yun mata ko, naitutok ko na naman sa kamay ko sa kandungan.

"Am I stressing you out that much?"

Ayun. Naluha na naman ako.

Inabot nya ang isang palad ko at pinisil yun.

"Do you want me to marry you?"

OO! Gusto kong isigaw sa mukha nya... pero...pero hindi sa dahilan na iniisip mo!

Oo sana, kung tama ang dahilan.

O kaya kahit wag mo na muna akong pakasalan, basta ...basta iparamdam mo sa akin kung ano ba ang tama at totoong dahilan kung bakit nagpapakasal ang isang lalaki at babae.

Kaya lang, syempre, di ko yun kayang sabihin sa kanya. Nakakainis lang na ang mga butil ng luhang sunud-sunod na tumulo sa kandungan ko ang piping umamin nun.

"Alright," huminga sya ng malalim. "Ayos lang ba kung civil wedding lang?"

Napahikbi na uli ako, sabay iling.

Kanina, hindi ako nagsasalita dahil nahihiya ako sa natuklasan namin at sa maaring naiisip ni Aris. Pero ngayon, hindi ako makapagsalita dahil sa sama ng loob.

Hindi lang sa tenga masakit ang mga salita nya. Mas matindi sa puso.

Parang may nakabarang bato sa lalamunan ko kaya di na ako makapagsalita.

"Tsk... sige, we'll have a church or whatever wedding you like. I'll talk to KC."

Napahagulgol ako sa mga palad ko.

Ang dating talaga sa akin, napipilitan sya.

At tila mali sya ng interpretasyon sa pag-iyak ko.

"You happy now? Siguro naman, that false pregnancy syndrome—"

"HINDI YUN ANG GUSTO KO!"

Di ko na napigilan ang pag-outburst ko.

"E ANO ANG GUSTO MO?!"

Tumaas na rin ang boses ni Aris, sabay hawak ng madiin sa magkabila kong balikat.

Napaiyak uli ako, "Iuwi mo na lang ako sa villa, 'Ris."

Marahas syang napabuga ng hangin, "If you're thinking of being pregnant with another guy in mind, Madel, heaven forbid! Baka kung ano ang magawa ko!"

Dyus ko naman ang taong ito!

"Si Domingo ba?" may pigil na pag-aakusa sa tono nya.

Sinasabi ko na nga ba!

Umiling lang ako ng umiling habang umiiyak sa palad ko.

"Better be," asar nyang sabi bago i-start ang kotse.

Mabuti nal lang na nasa Galaxy Resort pa si Ate Andie pagdating namin sa villa. At yung mga bata, naglalaro sa attic.

Dumiretso kami ni Aris paakyat sa kuwarto.

Nasalubong namin si Tala sa may hallway. May bitbit na laundry hamper. 

Nakita ko ang pagngiti nito ng matamis kay Aris sabay bati nang , "Good evening, Sir!"

Sobrang sama pa ng mood ng kasama ko kaya di sya pinansin nito.

Kaya lang, di yun nakaapekto kay Tala. Nahuli ko pa rin ang tagong ngisi ng babae.

Halata kasi na may problema kahit tahimik lang kami.

Maliban sa maga at namumula ang mata ko mula sa pag-iyak, lukut na lukot ang mukha ni Aris.

Nagdahilan ako na masakit ang ulo kaya pagkalinis ko ng katawan, nahiga na ako ng maaga at pumikit na.

Alam ni Aris umiiwas lang ako, kaya di na sya nagkomento. Tahimik lang rin syang nagbihis at nahiga sa tabi ko.

Ang awkward. Magkatabi kami pero parang ang milya-milya ang layo namin sa isa't-isa. Mahapdi na ang mata ko sa pagtutulug-tulugan nung katukin kami ni Ate Andie para yayain na akong magluto nung chawanmushi at miso soup.

"Tulog sya, Andz. Masama ang pakiramdam."

"Buntis ba si Madel, Aristotle? Kahapon pa kami naghihinala ni Half," may pag-aakusa sa mahinang boses ni Ate. "Nakuuu! Ikaw talaga! Ano na'ng plano mo ha?!"

Ayoko namang sisihin ang babae at ang asawa nito. Alam kong ang kapakanan naming mag-ina ang iniisip nila, pero sa palagay ko, isa yun sa mga dahilan kaya nape-pressure si Aris na pakasalan ako.

"She's not. Galing nga kami sa OB. Yung doktor mo rin."

"Oh, ano'ng sabi? Napapansin kasi namin na may sintomas na si Madel ng pagbubuntis?"

"False pregnancy," matabang na sagot ni Aris.

"False... ano yun?"

"Dun natin pag-usapan sa baba. Baka magising si Madel."

"Paano'ng dinner nya?"

"Paggising nya na lang. Let's go."

Naghintay ako ng ilang minuto mula nang makalabas sila bago ako dumilat.

Naupo ako sa kama at tahimik uli na umiyak.

Ngayon, pati kina Ate Andie at Sir Reid, nahihiya na ako.

Ano na lang ang iisipin nila?

Sasabihin ba ni Ate kay Aris ang totoong nararamdaman ko sa bestfriend nya?

Hindi naman siguro. Naalala ko pa nang kausapin ako ni Ate Andie nung bago pa lang kami sagipin mag-ina at inaalagan ko sya,



"Alam ko mahal mo si Aris. Hindi ko na tatanungin sa iyo kung kailan pa. Mas magandang sa kanya mo sabihin yun. Di ko na rin itatanong sa iyo kung kailan at papaanong nagkaroon kayo ng Emma. That is really private and all. Mas magandang pag-usapan nyong dalawa."



Mali na pag-isipan ko ng masama si Ate. Kahit kailan, kapakanan namin ang binibigyan nya nang halaga. At inaaway nya si Aris dahil dun.

Kaya lang... sa kanya kasi nakikinig ang lalaking yun. Kahit sa puntong mapilitan syang pakasalan ako.

Hindi ko naman masisisi si Ate Andie. May sense at malaman ang mga salitang binibitawan nya.

Nahiga uli ako at nag-isip.



"...Nagkausap na kami at nagkapatawaran pero di ko nagawang kumbinsihin syang makipagbati sa pamilya nya. Ikaw ang makakagawa nun. Ikaw lang ang nakikita kong makakaayos ng relasyong iyun na naging bahagi ako nung mawasak."

"You long for a family, and Aris too. Malungkot sya kahit di nya aminin. And Emma, she doesn't have to suffer not enjoying having a family like what you and Aris experienced."

"If you think you're ready to live in his house, of course we will not stop you."



Hindi. Hindi kami dapat nasa iisang bahay.

Mali yata na hiniling ko kay Aris na i-delay ang paglipat namin isang linggo bago matapos ang summer vacation.

Wala sa intensyon ko na sirain o paghiwalayin silang magkaibigan.

Dangan at magagawa ko ang hiling ni Ate Andie kung makukuha ko ang loob ni Aris.

At makukuha ko lang yun kung mas madalas na kami lang ni Emma ang kasama nya.

Ang nangyayari kasi, nahahati pa ang atensyon at emosyon ni Aris ganitong nasa villa kami. Kasama sa iisang bubong ang babaeng minahal nya nang husto dati ... na sa pakiramdam ko, minamahal pa rin hanggang ngayon. Na sa sobrang pagmamahal nya, sinakripisyo nya ang sariling kaligayan makita lang si Ate Andie na masaya kay Sir Reid.

Napabuntung-hininga ako.

Tama ganun na nga. Kakausapin ko syang ...

Natigilan ako.

Kung gagawin ko yun, baka magkakahinala sya sa totoo kong nararamdaman. Isang malalim na pagmamahal na humantong sa isang sikolohikal na estado ng false pregnancy.

Iyun naman ang dapat, Madel! Na malaman nya ang nararamdaman mo. Nang sa ganun, hindi ka nya pinaghihinalaan nang kung anu-ano tungkol kay Kuya Anton.

Singit ng isang parte ng utak ko.

Kaya lang, nahihiya ako. Lalo at malabo pa sa tubig-kanal na masusuklian nya yung nararamdaman ko.

Naisip ko si Emma.

Kailangang sumugal ako. Hindi lang para sa akin kundi higit para kay Emma. Paraa pamilyang nararapat lang sa kanya.

Tama si Ate Andie. Pareho kaming naghahanap ni Aris ng pamilyang matatawag. Yung amin.

Pero... kaya ko bang tanggapin ang isang kasal sa pilit?

Hindi naman siguro kailangang magpakasal muna kami. Mas importanteng patatagin muna ang pundasyon sa pagitan namin. Kahit paunti-unti. Ang priority muna ay yung buo kami. Magkakasama. Walang nakagitna or something.

Paunti-unti naman siguro, matututunan akong mahalin ni Aris. Kahit kalahati lang sa inukol nya kay Ate Andie.

Hindi naman ako nakikipagkumpetensya. At lalong hindi ko naging ugali ang humiling ng sobra-sobra para sa sarili ko.

Hindi ko pa alam kung ano ang mas akmang idadahilan ko kung bakit biglang nagbago ang isip ko na lumipat na kami sa condo nya nang mas maaga nang dalawang linggo. Dun kasi malapit ang napili kong med school at pre-school ni Emma. Mas malapit din sa MonKho. Then weekends, uuwi kami sa Southwoods. Yun ang napag-usapan naming dalawa.

At bigla kong naalala si Kuya Anton. Siguradong hindi papayag si Aris na makatuntong ang lalaki sa condo o sa Southwoods.

And something inside me is telling na maling basta na lang kami hindi magpapakita kay Kuya Anton. Kami na ni Emma ang pinakamalapit na pamilyang itinuturing nya ngayon.

Ang hirap nang ganito. Ako, si Aris at si Kuya Anton. Pare-parehong naghahanap ng pamilya. Naghahanap ang isang grupo na pwede naming sabing amin...or at least, masasabi naming 'we belong'.

Natuluyan na ngang sumakit ang ulo ko sa pag-iisip kung paano ko uumpisahang sabihin kay Aris ang kagustuhang kong lumipat at the same time na sana ay payagan kaming madalaw o makipagkita kay Kuya Anton, kahit isang beses isang buwan lang.

Ni hindi ko na naimulat ang mata ko nung,

"Kiss mo na si Mama nang goodnight, baby," mahinang sabi ni Aris.

Tapos ang malambot na labi ni Emma sa pisngi ko.

Paungol ko na lang yata nasagot ang paggu-goodnight nang anak ko. Basta, nakatulog uli ako.

Bandang alas-dose ng madaling-araw ako nagising. Kumalam kasi ang sikmura ko.

Wala akong kasama sa kuwarto. Parang may pumiga uli sa puso ko. Kasi, kapag may hindi maiiwasang iuwing trabaho si Aris, dito rin sya sa may coffee table nagbabasa ng mga emails at ilang papeles. Hindi ko maalalang ginamit o hiniram nya ang office library ni Sir Reid.

Bumaba ako para kumain.

Bago ako lumiko papunta sa kusina, napansin ko na nakaawang ang pinto sa den.

Sa palagay ko, si Aris yun. Nanonood siguro habang nagpapaantok o kaya nag-iisip.

Ito na siguro ang magandang pagkakataon para kausapin ko sya. Bahala na kung paano ko sasabihin ang gusto kong mangyari.

Urong-sulong ako pagpunta sa den. Ilang beses akong huminga ng malalim. Kinakabahan kasi akong ewan.

Bago ko maitulak pabukas ang pinto, narinig ko si Aris.

"Ibalik mo na yan sa kusina."

Halata ang inis sa boses nya.

Nagtaka ako kung sino ang kausap nya nang ganitong oras. Imposibleng si Ate Andie. Di nya susungitan ng ganun ang babae.

"Ano kasi, sir... baka--"

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Kilala ko ang boses na yun!

"I didn't ask for anything. Pwede ba, wag mo 'kong istorbohin? At bakit gising ka pa?"

"Uhm, Sir--"

"Why? Are you seeking for my attention?" disgustado na talaga ang tono nito. "Your kind is not even my type!"

Gusto kong matawa sa pambabara ni Aris. Nahahalata rin pala nya si Tala. But at the same time, nasaktan ako.

Pakiramdam ko, pati ako kasali dun sa 'Your kind is not even my type.'

"E bakit si Mad--"

Tinulak ko na yung pinto. Sabay silang napatingin sa akin.

Pareho silang namumula.

Si Tala, sigurado ako, dahil sa matinding pagkapahiya.

Si Aris, pwedeng sa magkahalong asar at scotch na iniinom habang nanonood sa malaking TV. Pero, nakabukas din ang laptop nito.

Nagmamadaling lumabas ang babae na nakayuko bitbit ang mangkok nang parang mixed nuts. Di ako sure kung sinadya nya bang mabangga ang balikat ko. Napahawak nga ako sa hamba ng pinto dahil muntik akong ma-out of balance.

"Why are you here?" walang emosyong tanong ni Aris.

"Ah eh... ano...nagising lang ako. Uhm, kakain sana ko, nakita kong bukas dito. Iniisip ko kasing baka ikaw," medyo nao-awkward kong sagot. "Uhm... sige."

Tumalikod na ako papunta sa kusina. Ininit ko sa yung tirang ulam sa ref, habang naghahain ng kanin para sa sarili ko.

Sa kitchen center island na lang ako kakain.

Napakagat ako sa labi nung makita ko yung wasabi tube paste sa seasoning cabinet. Sa totoo lang, kahit nalaman ko na false pregnancy lang pala ang lahat, may cravings pa rin ako, although hindi na ganun katindi.

O siguro, talagang nagustuhan ko ang lasa ng sashimi.

Nilabas ko yung fresh salmon sa freezer. Humiwa ako nang ilang piraso at nilagay sa microwave para i-thaw.

Kinuha ko na yung wasabi paste at Kikkoman.

Muntik akong mapatili kasi pagharap ko sa kitchen center island. Nakatayo na si Aris dun, bitbit ang laptop nya. Seryosong nakatingin sa hawak ko.

Di ko alam pero parang nakaramdam ako ng takot sa klase nang kalamigan sa mata nya.

Tahimik akong kumain. Naupo sya sa katapat ko na tall stool. Ang hirap tuloy lasahan ng kinakain ko.

Tapos ko na yung kanin at sisimulan yung sashimi,

"You still have cravings?" flat nyang sabi.

Muntik pa akong mapaigtad nung basagin nya ang katahimikan sa pagitan namin.

"Uhm... m-medyo. Ano, mawawala rin ito mga isa o dalawang araw s-siguro."

Di na uli sya nagsalita kahit nung magligpit at hugasan ang pinagkainan ko.

Naninibago ako na di sya sumabay sa akin paakyat sa hagdan. Nasa likod ko lang sya. Pakiramdam ko, pinapanood nya ang bawat kilos at hakbang ko.

Natagalan tuloy ako sa banyo kahit hilamos at toothbrush lang ang gagawin ko.

Paglabas, nakaupo sya sa coffee table, nakabukas ang laptop nya at may tila hinahanap na file.

Naupo ako sa kama habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kandungan.

Kailangan ko na talagang magsabi kay Aris na lumipat na kami sa poder nya. Maliban sa naiisip kong ilayo sya sa impluwensya ni Ate Andie, may panibagong threat sa amin. Si Tala!

Ilang beses uli akong humingi ng malalim. Nag-iipon ako ng lakas ng loob.

"Uhm, A-aris--"

"Madel."

Di ko natuloy ang sasabihin ko.

"Oh, b-bakit?"

"No, you first."

"Uhm, ano kasi. Pwede bang, uhm... lumipat na tayo nang mas maaga sa condo mo within this week tutal matatapos na rin ako sa driving lesson?"

"Why the sudden change of mind, Madel? We still have more than two weeks."

Parang gustong magkadabuhul-buhol nang mga idadahilan ko sa kanya. Nabablangko ako.

E paano ko pa sasabihin yung kay Kuya Anton?

 "Ano kasi, para di ako magahol sa oras na ano, na ihanda mga kailangan namin ni Emma pagdating ng pasukan. Tsaka, ano, para maging pamilyar ako sa mga lugar sa malapit sa condo mo."

Hindi sya nagsalita nang ilang segundo. Sobrang nate-tense at ang awkward na talaga. 

Feeling ko, nagde-demand ako ng isang bagay na wala akong karapatan.

"A-ayaw mo ba?" parang bumigat uli ang dibdib ko sa paghihintay sa sagot nya.

"I have a question for you," sa halip ay sabi nya.

"A-ano yun?"

"Are you sure you don't know who put roofies in my drink the night I assaulted you?"

"Huh?!"

Nalito ako sa tanong nya.

"I want you to read this," tumayo si Aris at iminuwestra ako na maupo sa tapat ng laptop nya.

"Uh... ano ba 'yan?" tanong ko palapit sa coffee table.

"Rob sent me some info," sagot nya nung makaupo ako.

Nanatili syang nakatayo sa gilid ko.

"Read the conversation," itinuro nya yung gusto nyang basahin ko.

Binasa ko. Private messages yun sa FB.



Pagkakataon mo na, girl!


Loka! Di nga ako nagpakilala na schoolmates

kami. Nakakahiya kaya.


Mas ok nga yun. Para di 

maghinala.


Maghinala na ano?


Na patay na patay ka sa poreber 

mo. Hihihi!


Grabe ka!


Gaga! Wag mo sayangin ang 

opportunity. Pupunta kayo kamo dun 

sa party sa El Nido, i-spike mo

inumin, para masolo mo!Haha!


Ang halay mo talaga! Tsaka, 

bawal ang ganung gamot.


Ay naku! Nurse tayo, girl! Alam 

natin ang mga alternative drugs

na mabibili sa botika.


Luka-loka ka talaga!


Ewan ko sa 'yo! Chance mo na 

yan oh! Tutal, matagal na silang

break at ikakasal na nga sa iba si ex.


Ang kulit mo! Sige pag-iisipan

ko. Sige na,umahon na sa pool ang

alaga ko.Ingat ka dyan sa UK.


Syempre, dami pa akong lovelife

noh! Kwentuhan mo 'ko kapag 

nagawa mo na ha? Lalo na yung

juicy part. Hahaha!


Haha! Oo na! Kuliiit! 

Sige na, bye. Miss u!




Pamilyar sa akin yung takbo ng usapan.

Tapos, biglang kumabog ang dibdib ko... sunud-sunod.

Iginala ko ang mata sa buong screen.

FB account ko yun! Binabasa ko ang dati naming palitan ng message ni Lulu noong private nurse pa lang ako ni Hope! Ang bestfriend ko nung college na nagkumbinsi sa akin na bigyan ko si Aris ng bulaklak for Valentine's day. Same day na sinagot sya ni Ate Andie sa St. Margarette!

Hindi ko nakilala ang maliit na profile pic  ni Lulu sa tapat ng mga chat nya dahil iba na yun. Ang binabasa ko ngayon ang huling pagcha-chat namin. Hindi na ako nag-reply sa mga messages nya after, dahil kalat-kalat ang utak ko na pilit kong itinatago after nga nung nangyari sa amin ni Aris sa El Nido. Isa pa, hindi ko alam ang sasabihin ko kay Lulu, lalo na nung malaman kong buntis ako kay Emma.

Nanlalaki ang mga mata at  unti-unti akong napalingon kay Aris.

Seryoso syang nakatingin sa akin. Seryoso na tila may pinipigil na galit.

"Let me rephrase my question, Madel. Did you drug me then got scared after seeing its effect on me and that I was calling you Andz instead?"

Tumulo na ang luha ko.

===============

Don't forget to comment and vote!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b4cr