25 Date
Madel's POV
Hindi ko alam kung anong oras ako nagising. Basta ang alam ko, madilim pa. At nangangalay ang braso ko.
Yun pa rin pala ang pwesto namin mula ng mahiga kami ni Aris. Nakayakap ito sa akin, ako kipkip sa dibdib nya. Kahit ang hita nya na yakap sa balakang at hita ko.
Nararamdaman ko ang hininga niya sa noo ko.
"...sorry...sorry..."
Napatingala ako. Tulog pala sya. Kunut-noo.
Hinaplos ng awa ang puso ko. Dala ni Aris ang guilt feeling na yun hanggang panaginip.
Hindi lang ako handa kanina. Hindi ko inaasahan na lalakarin namin uli ang daang iyun.
Pero matagal na kitang napatawad, Aris. Mas lamang na mahal kita kesa galit ako. Mali, hindi naman ako nagalit sa iyo. Mas mahal kita na kaya nung takpan ang trauma na dala ng karahasan ng ginawa mo nun. Nasaktan lang ako ng husto sa mga sinabi mo nung gabing yun. Yung nagdedeliryo ka dala ng nainom mong alak at droga.
At nasasaktan pa rin ako kasi, inaalagaan mo kami dahil sa isang obligasyon.
"I have no plans of getting married, Madel. So technically, si Emma ang magmamana lahat ng meron ako. So, don't say na makikitira lang kayo. Whatever I have now, kay Emma yun. And you're her mom."
Naalala ko na naman ang sinabi nya kagabi. Napangiti ako ng mapait. Pero, naa-appreciate ko ang pagiging honest ni Aris. Aminin ko man o hindi, sa likod ng utak ko, ako lang naman ang parang tangang umaasa. At least alam ko kung saan ako lulugar.
Dapat maging masaya na ako na hindi nya itinanggi si Emma. Na nirerespeto nya ako bilang ina ng anak nya. Na kahit sa malabong estado naming, sa akin nya kinukuha ang pangangailangan nya bilang lalaki.
Yung panghuli, yun ang gusto kong paniwalaan. Kasi,hindi pa umuwi ng madaling-araw si Aris. At lagi nyang itinatawag sa akin o kay Ate Andie kung male-late sya ng uwi dahil may meeting o appointment sya.
Ganun din kapag out of town sya. Tatawag at tatawag sya para kumustahin kaming mag-ina. Kung hindi man ako ang makausap nya, kay Ate Andie sya tatawag.
Si Ate Andie. Alam kong si Sir Reid na ang mahal nya...pero di ko maiwasang makaramdam ng selos. Kasi parang mas matimbang pa rin ang salita nya kumpara sa mga hiling ko kay Aris.
Napabuga ako ng hangin. Naramdaman siguro ni Aris, lalong humigpit ang yakap nya sa akin.
Kahit nahirapan akong huminga, pinabayaan ko. Masaya na ako na kahit sa ganito lang, nabibigyan ako ng pakiramdam na mahal ako ni Aris. Na ayaw nya akong mawala.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya na dumaan uli dito. Hindi na mauulit. Promise. Hindi na kita sasaktan."
Napangiti na ako. Yung totoong ngiti. Sapat na yung sinabi nya. Mahirap mag-expect ng sobra.
Umangat ang kamay ko papunta sa pisngi ni Aris. Magaan ko yung hinaplos.
Yung dating pinapangarap ko, yung pinapanood ko lang sa mga events ng St. Margarette, yung lalaking binigyan ko ng bulaklak pero binalewala nya lang... eto yakap ako...at may anak na kami.
Inunat ko rin ang nakunot nyang noo. Umangat ako ng konti para halikan sya sa baba.
Gumalaw ito tapos dumilat ng bahagya.
Ayun na naman. Hinalikan ako sa noo. Pinigilan ko ang kiligin.
"Anong oras na?" medyo gasgas pa ang boses nya.
Nagkibit lang ako ng balikat.
Tumingin sya sa bintana.
"Madilim pa. Bakit gising ka na?"
Nagkibit lang uli ako ng balikat. Ayokong sabihin na dahil nangangalay ako. Baka magpalit ito ng puwesto. Titiisin ko yun basta yakap nya ko.
Huminga sya ng malalim, "Galit ka ba? Ayaw mo magsalita."
"Wala naman akong sasabihin."
Natahimik sya sandali, "Minsan kasi, hindi ko alam ang laman ng isip mo."
Iniisip ko pa lang na sasabihin ko sa kanya ang laman ng isip ko, nahihiya na ko. Nag-init nga agad ng mukha ko. Nagpalit tuloy ako ng puwesto. Tumalikod ako ng higa sa kanya kasi baka kahit yung bedside lamp lang ang ilaw namin, makita nyang namumula ako.
Napabuntung-hininga na lang ako sabay ng pagngiti nung hapitin nya sa bewang, tapos iunan ang braso sa leeg ko. Nararamdaman ko yung hininga nya sa batok ko.
"Madel..."
"Hhmm..."
"Bakit... di ka nagsumbong kay Andz or Schulz?"
Nagkibit lang uli ako ng balikat.
"You could have sent me to jail."
"Para ano? Sasabihin ko kay Emma, nakakulong ang tatay nya? Hindi ko inisip yun kahit kelan."
"Bakit?"
Nag-isip ako ng resonableng sasabihin.
"Wala sa bokabularyo kong manira ng buhay."
"Sinira ko sa 'yo."
"Di ko ugaling manghila pababa."
Hindi agad sya nagsalita.
"Madel..."
"Hhmm..."
Hinapit nya ako lalo sa kanya tapos naramdaman kong hinalikan nya 'ko sa ulo.
"Salamat. Maraming salamat," sinsero nyang sabi.
Basta sa ikabubuti mo. Basta para sa 'yo. Gusto kong sabihin. Nanatiling tikom ang bibig ko.
Pero otomatikong ipinatong ko ang kamay ko sa kamay nyang nakapulupot sa bewang ko. Magkataob kaming nagsalikop ng palad.
"Madel..."
"Oh?"
"Yung offer ni Andz at Schulz, pwedeng ... wag mo nang i-consider. I can send both of you to school."
"Gusto ko pa ring magtrahabo, 'Ris. Para may sarili akong kita."
"I'll give you your allowance. Aside from the household expenses. Yung atm na binigay ko sa 'yo nung nakaraan, don ko ilalagay. It's yours. Basta kami na lang ni Emma asikasuhin mo."
"Aris..."
"Mag-aaral ka pa ng medicine. I want you to get a full load para makahabol ka sa mga na-miss out mong panahon. That will eat a lot of your time. So, I will get a nanny and a household helper. Kapag doctor ka na, malaking oras mo ang kakainin nun. Habang nag-aaral ka lang, Madel. Makabawi man lang ako sa iyo. Wag ka na magtrabaho, please."
Napabuntung-hininga na lang ako. May punto naman sya. Pailan-ilang units lang ang kinukuha ko sa nakaraang dalawang sem na nag-aral ako. Hindi kasi kaya ng budget since may expenses ako kay Emma. Hindi ko ginagalaw ang isang portion ng pera ko sa bangko in case of emergency.
"Sige."
"Sure ka? Promise yan ha?"
"Oo nga," natawa na ako. Para kasing bata. "Kulit."
Lalo nya akong niyakap ng mahigpit, "Thanks!"
Pumikit na ako. May ilang oras pa ako para umidlip. Seven ng umaga ang alis namin para sa hiking. Si Ma'm Sarah, magpapaiwan uli.
Malapit na ako makatulog nung maramdaman ko na gumalaw uli si Aris. Yung inuunanan kong braso nya, pumulupot na sa leeg ko. Tapos yung kamay nya, pumasok sa neckline ng tshirt ko, pasapo sa isa kong dibdib. Marahan minasahe yun sa ibabaw ng bra ko.
"Aris..."
"Sshh... go back to sleep."
Papa'no ako makakatulog? Nakikiliti na 'ko sa mga halik nya sa batok ko. At yung kamay nyang nakayakap sa bewang ko, kung saan-saan na pumipisil. Sa hita ko, sa balakang, sa pang-upo. Hanggang ipasok nya yun sa loob ng maong shorts ko, sa pagitan ng hita.
Napahinga ako ng malalim nung kapain nya ako sa ibabaw ng panty ko.
"Just ... don't wake up..." pahingal nyang sabi.
Kahit hirap, isang kamay nyang inalis sa pagkakabutones ang shorts at hook ng bra ko. Then he started groping me.
"A-aris..." daing ko nung ipasok nya sa loob panty ang kamay nya. He was gently rubbing my flesh.
"Sshh... sleep... " ang sabi habang dinidiin ng harap nya sa pang-upo ko.
Napakagat na lang ako ng mariin sa labi habang nakapikit. Di ko napigilan ang mapaungol nung ipasok nya ang isang daliri sa loob ko. Nagsimulang gumalaw ang hita ko sa di mapigilang sensasyon gawa ng kamay nya.
Pero isinampa nya lang ang isang hita nya para pigilan ako sa paggalaw. Lalong napabuka ang dalawang hita ko.
"Haaahh..." napahingal na ako dahil sa pagdaan ng dila nya sa batok ang leeg ko. Kasabay ng pagsipsip.
Napakapit ako sa kamay nyang nagpapala sa dibdib ko nang salitan nung sunud-sunod nyang ilabas-masok ang daliri sa harap ko.
"Oh god...!" napadilat ako.
"Sshhh... close your eyes."
Ibinaba na nya ang shorts at panty ko then kicked them both off my legs. He did the same with my tshirt and bra. I felt him taking off his, too.
Sa patigilid na pwesto sa likod ko, inangat nya ang isang hita ko sa braso nya.
I whimpered as he inserted his full length from that position. I felt so full.
"A-aris... Oh my ...."
"Don't....talk...." hingal nyang sabi habang hinahampas ang katawan nya sa akin habang nakahawak ang isang kamay ko sa balikat nya.
Huminto sya saglit.
"Please..." pakiusap ko.
"Please what?"
"W-wag ka tumigil...m-malapit na 'ko..." nahihiya kong sabi.
I heard him chuckle. Gumitna lang sya ng ayos sa pagitan ng hita ko.
He then let go of my leg from his arms and interwined each of our legs. He started moving in and out of me again. This time harder as he clutched on my shoulder and the other hand rubbing my clits.
Napaungol ako ng malakas. Paulit-ulit habang mahigpit akong nakahawak sa palad nyang nasa dibdib ko at ang isa, sa sa braso nya sa bewang ko.
"Oohhh...my God...Aris...Aris..."
Nung maramdaman kong parang may sumabog sa kaibuturan ko, nagsimula akong manginig.
Ang mga ungol ko naging daing dahil hindi pa rin sya humihinto.
"S-sandali... nanginginig na ak—Oh my...! Aaahhh..." I screamed in pleasure dahil lalo lang nyang binilisan at pinalalim ang bawat ulos nya. Hindi ko na malaman kung saan ko ipapaling ang ulo ko. Hindi ko na alam kung ilang beses akong nag-orgasmo.
"M-malapit na 'ko..." hingal nyang bulong. "Shit... Madel... aahhh...!"
Ramdam ko ang mainit na likido nyang pumuno sa loob ko.
Napakapit si Aris ng madiin sa balakang ko kasabay ng panginginig nya. Bumagsak ang ulo nya sa leeg ko at hinalik-halikan ako dun.
Nakikiliti akong pareho sa hininga nya sa leeg ko pati sa pagkislot ng ugat nyang nasa loob ko pa.
Nung umayos na nang higa si Aris, umakma akong tatayo para maglinis.
"Don't!" hinigpitan nya ng yakap sa bewang ko.
"I want to cuddle some more," inayos nya yung comforter pantakip sa amin.
"Maglilinis lang ako."
"No, stay. Hayaan mo yan. They're both our essences anyway."
Nag-init ang mukha ko sa sinabi nya. Hindi na nga ako tumayo. Nagsisimula nang magliwanag.
"Madel..."
"Hhmm..."
"Wag na kaya tayong sumama sa hiking bukas."
"Ha? Sayang naman. Gusto kong mag-explore dito. Di ko kasi nagawa dati."
"We can always come back..."
WE. Napangiti ako.
"...magkulong na lang tayo dito sa kuwarto. Tutal pabalik na tayo sa Manila ng hapon mamaya."
May malanding imahinasyong naglalaro sa isip ko sa salitang 'magkulong sa kuwarto'. Pero bago ako makasagot, nag-ring ang cellphone ni Aris.
"Tss." Inabot nya yun at sinagot. "Hello."
"...WHAT?!?!" Napabalikwas ito ng bangon.
Kinabahan tuloy ako. Tumayo na rin ako at nagbihis.
"I'll fly there now." Tinapos na nito ang tawag.
"Sino yun?"
"Si Jeff. I need to go to Bataan," may pagmamadali nyang sabi.
Pumasok ito sa banyo. Nagkusa na akong ayusin ang ilang damit nyang malinis sa hand carry bag. Nilabas ko na rin ang isusuot nya.
Mamaya ko na ieempake ang iba pang gamit namin.
Mabilis lang syang nag-shower at nagbihis.
"Ano'ng nangyari?"
"Yung apartelle na tinitigilan ng staff namin nasunog. Si Mike was inside when it happened. Di daw nila alam kung bakit di agad nakalabas."
"Diyos ko! Ayos na ba sya?"
"Nasa ospital na raw. Yung isang apartelle employee raw ang naglabas. Hindi ko pa alam ang buong detalye."
Lumabas na ito ng kuwarto bitbit ang hand carry bag. Sumunod ako.
Nagulat kami na may natutulog sa couch sa sala. Si Rob pala, pero nagising din ito. Kahit di naman kami maingay sa paglakad.
"Sa'n lakad mo? Madaling-araw pa lang," Antok na tanong nito.
Sinabi ni Aris.
"Kailangan nyo ba ng tulong?"
"I don't think so. But I'll let you know if we will need your agency's service," sagot ni Aris.
Bumaling ito sa akin, "Ikaw na ang magsabi kay Emma na kailangan kong umalis. Pati kina Andz. I'll call her, too. Alanganing oras pa."
"Uhm," medyo napahinto ako. Kailangan talagang magpapaalam sya kay Ate Andie?
Pinigilan ko ang umuusbong na selos sa dibdib ko. We just had a great time earlier.
"S-sige. Hindi ka ba muna mag-aagahan? Kahit kape lang?" Awat ko dahil papunta na sya sa pinto.
"Sa airport na," binuksan na nya yung pinto pero bumaling sa akin. "I'll just put money in your atm. Hindi ko alam kung ilang araw ako sa Bataan. Tatawagan kita mamaya."
Hindi agad ako naka-react nung hawakan nya ang likod ng ulo ko tapos yumuko para halikan ako ng mabilis at madiin sa labi.
May tumikhim sa likod ko. Si Rob.
Sumimangot agad si Aris.
"Would you step back, Agoncillo? You're too close. Mababangga sa iyo si Madel pag-atras eh," he hissed.
Paglingon ko, nasa likod ko nga lang si Rob. Halatang nagulat ito sa inasal ni Aris. Pero ngumisi rin agad at umatras ng ilang hakbang na nakataas ang dalawang kamay na tila sumusuko.
"Ano, uhm...sige na. Para makakuha ka agad ng flight," taboy ko.
Tumalikod na ito.
Nakaupo na sa couch si Rob pagbalik ko sa loob.
"Sir Rob," tawag ko. "Gusto mo ng kape?"
"Nah, just drop the Sir. Rob will do. Iidlip na lang muna uli ako," inaayos nito yung throw pillow.
"Uhm, kung ok lang sa 'yo, dun ka sa may servant's sleeping room. Di ka maiistorbo dun."
"I'm fine here. Hinihintay kong magising si Jun," napahimas pa ito sa batok na tila nahihiya.
"Eh bakit di ka na lang matulog sa tabi nya?"
Natawa ito ng hilaw. "Sinipa nga ako palabas dito."
Napangiti ako, "Supladita pa rin talaga si Jun."
"You have no idea how mean she is to me," napapailing na sagot ni Rob.
"Mahal mo naman eh. Ganun talaga. Tiis-tiis."
"Parang ikaw lang?" Nakangiting tingala nito sa akin.
Tumigil yata ang puso ko sa sinabi nya. Napamata ako sa kanya sabay umiinit ang mukha ko.
Tumawa ito ng walang tunog. Tapos, nahiga na.
Malalaking hakbang ang ginawa ko pabalik sa kuwarto namin.
Napaupo ako sa kama sapo ang dalawa kong pisngi.
Shocks! Am I that obvious?
Nahirapan na akong matulog. Kaya nagligpit na lang ako sa kuwarto. Inayos ko na rin ang mga damit namin para pag-uwi mamayang hapon pabalik sa Maynila.
Bandang seven ng umaga, nasa suite na namin ang mag-asawang Schulz at Villamar. Sinabi ko sa kanila na nakalis na kanina pa si Aris.
"Oo, nakausap ko na sa phone si Aris," sabi ni Ate Andie. "Kaka-board nya lang sa eroplano pa-Maynila."
Napakurap ako ng ilang beses. Bakit ako hindi nya tinawagan? Kanina pa 'ko hindi mapakali at gustong makabalita.
"Tumawag na rin sa akin si Jeff," si Erol. "Sabi nung foreman, out of danger na si Mike. Nagkamalay na raw saglit. Kailangan nyang mag-stay sa ospital for observation. Maliban sa nahinga nyang usok, putok daw ang noo ni Mike. Yung empleyadong naglabas sa kanya, naka-confine din. Mas asthma pala yung babae."
"Babae?"
"Oo."
Nagising na rin si Juno. Halatang may iringan na naman ito at si Rob dahil hindi ito madaldal katulad nung mga nakaraang araw. Nahuhuli ko rin minsan ang pag-irap nito sa lalaki.
"Yung project sa Bataan... hindi ba dapat si Aris ang may hawak nun?" tanong ni Ate Andie kay Juno habang kumakain kami ng agahan sa resto ng resort.
"Oo. Pero sinalo ni Kuya Mike kasi nag-umpisa yung construction nung bagong dating sina Madel. Hindi kumuha ng bagong project si Singkit that time. Two weeks ago lang sya kumuha ng bago."
Natuloy kami sa hiking. Though di ko masyadong ma-appreciate yung lakad namin. Nilalamon ako pag-iisip sa sinabi ni Juno.
Hindi naman sa nagpapasalamat ako sa nangyari dahil napahamak si Sir Mike, pero papaano kung si Aris ang nandun?
Hindi ko alam ang iisipin.
"Wag mo na isipin yun. Matagal buhay nun, masamang damo eh," bulong ni Juno.
"Huh?"
"Wala," tapos natatawang tinuloy ang pagpi-picture sa paligid. Nilapitan ito ni Rob pero inangilan nya lang.
Nagpapahinga na kami dahil maya-maya, babalik na kami sa resort.
Bago mag-ala diyes ng gabi, nakabalik na kami sa Antipolo.
At nakatanggap ako ng text kay Aris : Dito na ko Bataan. Call u tom.
Sapat na yun kahit tawag nya ang inaasahan ko. Nahiga na ako sa tabi ni Emma. Kanina pa tulog ang mga bata. Pagod ang mga ito sa byahe namin.
Kinabukasan ng hapon, dumating si Kuya Anton sa villa.
"Naku, di ka man lang nag-text," sabi ko.
"Surprise visit uli. Buti andito na yung isu-surprise ko," natatawa nyang sagot. May dala itong cake roll na pasalubong.
Pinakuha ko yun sa isang katulong sa bahay para dalhin sa dining at ihain.
"Naku, salamat. Teka, tatawagin ko si Emma at yung mga bata sa attic."
Sinamantala ko na rin yun para kunin sa kuwarto namin ang binili kong dried cashew nuts, fresh honey at isang keychain na gawa sa shell ng baby turtle.
Nilagay ko iyun sa paper bag bago sunduin ang mga bata sa attic.
Nasalubong pa namin ni Tala sa hagdan. May ngiti ito sa labi na di ko maintindihan pero di ko gusto ang dating.
Nag-vibrate ang phone ko. Akala ko text ni Aris. Operator message lang pala sa isang promo.
Napatingin ako sa date at oras sa cp ko.
"Oh, my God!" Mahina kong sambit.
Mabilis akong sumunod sa mga bata.
"Papa!" sigaw ni Emma na sinalubong ni Kuya Anton ng yakap.
"Musta na baby namin? Mukhang ayos ka na magsalita ah," ang sabi matapos halikan sa noo ang anak ko.
"Hello po!" Bati ni Hope at ni Phoenix. Si Ashley, nakatingin lang.
"Hi, kids," bati ni Kuya Anton pabalik. "May dala akong cake."
"Uhm, kids," singit ko. "Birthday ni Tito Anton nung nakaraang ilang araw."
Nakita kong nagliwanag ang mukha nito tapos ngumiti ng maluwag.
Binati ito ng mga bata.
"I'll tell, Mom," excited na sabi ni Hope.
Hindi na namin ito naawat nung tumakbo sa landline para tawagan si Ate Andie sa Galaxy Resort sa harap.
"Salamat," mahinang sabi ni Kuya Anton.
"Naku, nakalimutan ko nga. Sorry. Naalala ko nung makita ko yung date sa cp ko."
Inabot ko sa kanya yung paper bag, "Ayan. Galing Palawan. Pasalubong slash gift na rin."
Natawa ito ng mahina.
"Pabalik na po si Mommy," masayang sabi ni Hope.
Saktong tinawag kami ni Nanay Lydia para magmeryenda nung pumasok si Ate Andie sa sala.
"Uy, Anton! Ikaw talaga. Di mo sinabi nung masalubong kita sa gate. Happy birthday," tinapik ito ng mahina ni Ate sa balikat. "Kaya pala may dala kang cake. Halika, meryenda tayo."
May nakahain na ring fresh juice at buco salad.
Malapit na kaming matapos kumain nung magsalita uli si Kuya Anton.
"Ahm, Ms. Andie. Kung pwede ko sanang yayaing mamasyal yung mag-ina."
Natuwa ako sa narinig pero nag-alangan ako.
"Eh, si Madel ang tanungin mo," si Ate.
Napatingin sila sa akin, pati si Hope.
"Uhm, ano, sandal tatawagan ko si Aris. Excuse me."
Naglakad ako sa papunta sa hallway sa pagitan ng sala at dining habang tinatawagan si Aris.
Sa pangalawang ring. Naputol ang tawag. Mukhang kinansela nya.
Tumawag uli ako na sinagot ni Aris sa unang ring pa lang.
"Aris, ano..."
"Pa-empty batt na ko. Emergency ba?" sabi agad.
"Uhm, hindi naman.. ano lang..." shemay, paano ko ba sasabihin? Yung papayagan nya kami. Mainit ang dugo nito kay Kuya Anton.
"I'll call you later, ok? Magcha-charge pa 'ko sa kots—"
Naputol na ang tawag.
Napabuga ako ng hangin bago bumalik sa dining.
"Oh, ano daw?" tanong agad ni Ate Andie.
Sinabi ko ang nangyari. Napakagat-labi ako. Ayokong umalis ng di nakakausap si Aris. Kaya lang birthday ni Kuya Anton. Wala itong kinukonsiderang pamilya kundi kami ni Emma.
Nalilito ako.
"Ganito na lang, Madel. Mag-text ka na lang sa kanya. Sabihin mo, nag-ok naman kami ni Half. Tapos, ako na bahalang magpaliwanag pagtawag nya mamaya."
"Eh, ate..."
"Sige na. Birthday naman ni Anton. Yun ang pinakamagandang regaling mabibigay nyo ni Emma sa kanya. Dali na kayo para di kayo gabihin."
Ganun na nga ang nangyari.
Pinagamit ni Ate yung isang kotse sa villa. Si Kuya Anton ang nagmaneho.
"May bodyguard ka pa rin pala," sabi nya habang nakatingin sa rearview.
"Uhm, oo. Kami ni Emma. Kapag di namin kasama si Aris. Tsaka kapag aalis kaming mag-ina, sya ang magda-drive para sa amin."
"Good."
"Ikaw ba?"
"Kinausap ko na si Mr. Schulz na alisin na. Sarado na naman yung kaso. Nakita na raw yung bangkay ni Guinto."
Napatingin ako dito.
"Hindi mo ba alam?"
Umiling ako. Kinuwento nya ang nangyari. "Baka nakalimutan lang ni Aris sabihin sa iyo, o kaya, palagay nya di na importante iyun para malaman mo pa."
Hindi iyun ang pakiramdaman ko. At na-o-offend ako sa naiisip ko. Wala bang tiwala si Aris sa akin?
"Hoy, Madel," untag nito. "Wag ka mag-isip ng masama. Dapat maging masaya ka na iniisip nung tao ang kaligtasan nyo. Malay mo naman, driver nyo na rin talaga."
"Eh kasi...bakit kailangan pang sumunod?"
Nagkibit ito ng balikat, "Dito na lang tayo sa malapit na mall. Para maihatid ko kayo agad pauwi."
Patingin-tingin ako sa cp ko habang namamasyal kami. Walang tawag o text galing kay Aris.
"... So far, ok naman pala yung food stall business. Malakas sa mga malls at train stations. Sulit lang na dun ko inubos halos lahat ng pera ko. Sa maikling panahon, nakakabawi na ako."
"E di magaling. Magdagdag ka pa pag kaya mo na."
"Yun nga balak ko. Baka sa susunod na pagdalaw ko, may sasakyan na 'ko."
Tiningnan ko sya nang nagtatanong.
"Nabawi ko na sa Crame yung kotse na gamit natin dati. Binenta ko. Nag-iipon lang ako nang pandagdag para bumili ng kapalit. Yung second hand lang."
Madami itong kwento. Nakikinig lang ako at nagtatanong din.
Nag-uusap din sila ni Emma.
Kita sa mukha ni Kuya Anton ang tuwa dahil bagaman may pagkautal pa rin, halata ang improvement sa pagsasalita ni Emma.
"Ikaw, Madel. Ayos ka naman ba?" Sa isang chicken house kami nun. Dito na kami naghapunan.
"Oo naman. Sa pasukan, dalawa na kaming mag-aaral ni Emma. Magpu-full load na ko sa med school."
Ngumiti ito. Inabot ang kamay ko sa ibabaw ng mesa at pinisil yun, "Masaya ako para sa iyo, Madel. Tsaka salamat na sa kabila ng nagawa kong pagtangay sa inyong mag-ina, hindi ka nagbago ng pagtrato sa akin."
"Wala na yun, Kuya. Para ko na rin kayong pamilya. Tsaka tumupad ka rin lang naman sa huling hiling ni ...Ate Ely. Tsaka, sobrang stress ka nun."
Ngumiti uli ito. Binitawan ang kamay ko at dumiretso ng upo, "So, kelan ba 'ko makakahigop ng mainit na sabaw? Dapat imbitado ako. Magtatampo ako kung hindi."
Napaiwas ako bigla ng tingin. Pinainom ko na lang si Emma ng tubig dahil tapos na itong kumain.
Hindi nya naituloy ang huling subo sa pagkain nya. Naibaba nya yung kutsara.
"Hindi pa kayo magpapakasal."
Hindi iyun tanong.
"So, kailan nyo plano?"
Napakagat ako sa labi.
"Madel."
"H-hindi pa namin napag-usapan," mahina kong sabi.
Nagdilim ang mukha nito. Nakita kong humigpitang kapit nya sa kutsara nya, "Kailan nyo pag-uusapan?"
"E-ewan ko pa, Kuya."
Mabilis syang uminom ng tubig at tumayo. "Ihahatid ko na kayo. Kakausapin ko ang tatay ni Emma."
May diin nyang sabi sabay karga kay Emma at lumabas na ng chicken house. Napatingin ako sa kutsara gamit nya kanina. Baluktot na iyun. Galit ito.
Delikado. Ayokong nagagalit si Kuya Anton. Di ko alam, baka bumalik ang depression nito.
Sumunod na 'ko sa kanila. Ako na ang bumasag sa katahimikan namin matapos mailagay sa likod si Emma at makapag-seatbelt kaming tatlo. Binigay ko kay Emma yung tblet para malibang ito at mawaglit sa amin ang atensyon.
Inabot ko ang kamay ni Kuya Anton na nasa manibela, "Kuya, ok lang kami. Ako. Ano, payag naman ako sa set up na ganito. Tsaka ano, wala si Aris. Nasa Bataan."
Ayokong magmaneho sya ng masama ang loob.
Tinitigan nya ako tapos tumingin uli sa harap ng kotse, "Hindi ka nagpakatanga noon dahil sa pagmamahal mo sa kanya, Madel. Kaya mo uling gawin yun. Tumaas lalo ang respeto ko sa iyo nung magtapat ka sa akin nung huling gabi ng pagtatago natin. Di ko inisip na papayag kang ganyan. Papa'no kapag nasundan si Emma?"
Napayuko na lang ako. Hindi ako nakakibo. May punto sya. Kaya lang kasi...
Nagulat ako na may pinunasan si Kuya Anton sa likod ng palad ko. Tulo pala ng luha ko. Umiiyak na pala ako ng hindi ko alam.
Napabuga ito ng hangin. "Mahal mo talaga siya, ano?"
Tumango ako kahit nakayuko.
"Wag ka na umiyak," inabot nya yung tissue box sa may dashboard. "Baka kung ano ang isipin ni Ms. Andie at asawa nya."
Humugot ako dun ng ilang piraso at nagpunas ng mata.
"Ganito, Madel. Kung anu't-anuman ang mangyari na saktan ka nya. O kahit anong problema, wag ka magdadalawang isip na lumapit sa akin. Tutulungan kita. Hindi ko kayang pantayan ang pera ng tatay ni Emma, pero kaya kong mamatay para sa inyo."
"Wag ka naman magsalita ng ganyan, Kuya."
"Seryoso ako, Madel. Tinakwil na ako ng pamilya ko. Iniwan na ako ni Ely at anak namin. Kayo na lang ni Emma ang tinuturing kong pamilya ngayon. Gagawin ko yun dahil ikaw ang naging susi para magkaroon ng hustisya ang mag-ina ko. Utang ko sa iyo lahat yun. Tandaan mo yan."
Tumango ako.
Ini-start na nya ang kotse at hinatid kami sa villa.
Katatapos lang maghapunan ng pamilya Schulz pagdating namin.
Saglit silang nagkumustahan ni Sir Reid tapos nagpaalam na si Kuya Anton.
"Ah, Anton," tawag ni Ate Andie. "Imbitahan kita sa birthday ng panganay ko. First Saturday ng May. Dito sa villa ang party. Actually, dyan sa resort sa harap."
"Sige. Ibabakante ko ang araw na yun. Salamat. Una na 'ko."
Hinatid ko lang ito hanggang makalabas ng gate ng villa. Wala naman kasi syang sasakyan.
Nag-check uli ako ng cp. Pasado alas nueve na, wala pa ring text o tawag si Aris.
Papasok sina Ate Andie at Sir Reid sa office library pagpasok ko sa main door.
"Uhm, ate..."
"Oh?"
"Ano, tumawag na ba si Aris?"
"Hindi nga eh. Pero nag-text ako sa kanya. Tinawagan ko sya kanina, pero unreachable pa yung phone nya. Tawagan mo na lang."
Nagpaalam na ako na aakyat.
Nagpaalam si Hope na kung pwedeng tabi sila ni Emma matulog. Pinayagan ko na.
Sinamantala ko na iyun. Tatawagan ko si Aris tapos mag-i-internet ako. Marami akong ire-research ngayon.
Unang ring pa lang ng phone ni Aris, sinagot na nya ito.
"Ano, tapos na date nyo kaya naalala mo na 'kong tawagan?" Malamig nyang tanong.
=================
This chapter is also a preparation to a future story! :)
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro