20 Bulaklak
"K-kasi idi-discharge na raw sya sa ospital sa Lunes," dugtong ko.
"Kanino mo nalaman?"
"Sa kanya. Ano, nagkausap kami kagabi."
"No. May lakad tayo bukas ni Emma."
"Kahit sandali lang, Aris."
"I said no, Madel. That's it!" May pinalidad na sabi nya.
"Ano'ng problema mo, Aris?" singit ni Ate Andie.
"I don't like that psycho near them, Andz. Especially my daughter."
"Ayos na naman si Kuya Anton, 'Ris," sabat ko uli. "Emotionally stressed lang sya that time."
"Ipapaalala ko lang sa 'yo, Madel. That bastard kidnapped you and Emma. Put your lives in danger!"
"H-hindi naman yun ang talagang intensyon nya. Inilayo lang nya kami—"
"Di ba sinasaktan ka nga nya noon? Kaya traumatized si Emma sa dilim dahil kinulong nya kayo magdamag sa closet? Now tell me, how am I supposed to react to what you're saying?"
Medyo namula ang leeg nito. Tanda yun na nabubuwisit na talaga ito.
Pero, nangako ako kay Kuya Anton na pupunta kami bago sya ma-discharge. Tsaka gusto rin nyang makita si Emma.
"May issues lang sya that time. Kahit papaano, utang na loob ko pa rin sa kanya na—"
"Utang na loob? Ang alin, Madel? Hindi kita maintindihan. Di ka dapat nakikipag-usap sa taong yun. Baka kung anu-ano ang pinapasok ng lalaking yun sa isip mo!"
"Teka muna, Aris. Ano bang masama na dumalaw kay Anton?" si Ate Andie. "In the first place, hindi namin makikita sina Madel sa Baguio kung di sila dinala ni Anton. Pangalawa, tingin mo ba, kung hindi nya sinama sa pagtatago sina Emma, buhay pa ba ang mag-ina mo? Yung pa nga lang gabi na mapatay si Ely, di ba, gusto nang pasukin sa apartment sina Madel?"
Napatikhim si Sir Reid. "Mine, if I were in this Douchebag's shoes, di rin kita papayagan."
"Then why are you friends with Aris, Half? Didn't he point a gun at your face before?" Diretsong tanong ni Ate sa asawa.
Nagulat ako sa nalaman. Ginawa yun ni Aris kay Sir Reid?
Napakamot sa ulo si Sire Reid, "Well... he brought you to the church so... I could marry you?" Parang alanganing sagot nito.
"That's my point. The logic is just the same here. Sitwasyon lang ang naiba. Anton kept Madel and Emma safe in his own way. It may not be ideal, but let's admit it. That's what he did. We should be thankful na kahit gulung-gulo sya that time, naisip nya pa rin ang kaligtasan ng mag-ina mo. Technically, si Anton ang dahilan kaya nasa atin ngayon sina Madel."
Hindi talaga sila mananalo basta-basta ng argumento kay Ate Andie. Wala nang sinabi si Sir Reid. Si Aris, naihilamos na lang ang palad sa mukha.
"Kung ayaw mong lumapit si Emma kay Anton, e di si Madel na lang ang pupunta. Ipapahatid ko na lang—"
"Fine!" sa wakas ay pumayag si Aris. "After ng lakad natin bukas, sasaglit tayo dun. Sasama ako."
Kibuin-dili ako nito nung pag-akyat namin para maghanda sa pagtulog. Sila lang ni Emma ang nag-uusap.
Bago sa kanina, maayos naman ang pag-uusap namin ni Aris sa phone nung nasa Zamboanga sya. Magaan nga ang mood nito lalo na nung sabihin ko sa kanya na nakuha ko na ang resulta ng psychological testing ni Emma. Bilang mga magulang, magandang balita sa amin na hindi strongly recommended ang speech therapist o kung ano pang psychological theraphy sa anak namin. Na kailangan lang nito ng positibong paligid, may laging kasama na magpaparamdam na ligtas ito, at laging may kausap o kalaro.
Tulad ng nakagawian, nag-internet ako habang binabasahan ni Aris ng bedtime story si Emma. Parang review lang naman tungkol sa first aid ang gagawin ko sa mga tauhan ni Ate Andie sa resort next week, kaya iba ang pinagkaabalahan kong i-browse.
Medyo napapakunot ang noo ko sa mga binabasa ko.
"Anong ginagawa mo?"
Napaangat ako ng tingin. Si Aris, nakaupo na sa kama. Tulog na pala si Emma.
"Uhm, nagbabasa lang."
"Matulog ka na. May lakad pa tayo bukas pagkatapos ng magsimba."
"S-sandali lang. Ise-save ko—"
"Ano ba 'yan?" tumayo na ito.
Nagmamadali ko iyung s-in-ave. Ayokong makita ni Aris na hindi tungkol sa medical field ang tinitingnan ko. Kaya lang bago ko mai-close yung Google window, nasa likod ko na sya.
"Small business? Gusto mo magnegosyo, Madel?" Nahihimigan ko ang pagtataka sa boses nya.
Napakagat ako sa labi ko.
"Madel?"
"Oh?"
"Kung interesado ka, tutulungan kita."
"Ah...eh..."
"Marunong ka bang gumawa ng feasibility study para sa gusto mo?"
Umiling ako. "Ano, Aris. Wag na. Hindi naman..."
"Hindi ano?"
Gusto ko nang kagatin ang dila ko. Iinit na naman ang ulo nito.
"Madel, ano?" Nagkakaroon na naman ng iritasyon sa tono nito.
"H-hindi naman kasi ano...sa akin..."
"E para kanin—" natigilan ito . "Para kay Anton Domingo?!"
Hindi ako nakakibo. Sinasabi ko na. Galit na naman ito.
"Bakit, Madel? Hindi ko ma-gets eh? Ano bang meron sa inyo ni Domingo?"
Di pa rin ako nagsalita. Dahan-dahan kong sinara yung laptop.
"MADEL?!"
Napaigtad ako. Pati si Emma, gumalaw sa pagkakatulog.
"W-wala."
"E bakit ganyan ka pa rin sa kanya? Sinaktan ka nya. At imposibleng di sya nagtangkang ... Fuck!"
Gumalaw uli si Emma.
"A-aris...pakibabaan naman ng boses mo. Si Emma..."
Napabuga ito ng hangin, "Tss."
Tapos nabubwisit na sumandal sa dingding malapit sa akin, "Sabihin mo nga sa akin. Kasi kanina ko lang narinig sa iyo na nag-usap kayo. Ilang beses mo na syang nakausap?"
"Uhm... A-araw-araw..." mahina kong sagot habang nakayuko.
Umalsa na naman ang boses nito, "Ano?! Tapos wala kang sinasabi sa akin?"
"E kasi, iniisip ko, di ka interesadong malaman."
"Di talaga ako interesado sa kanya. But it's a different story when you and Emma are in the picture with that bastard!"
"Ang boses mo," paalala ko uli.
"Damn!" pabulong na sabi. "Ano'ng pinag-uusapan nyo?"
"Ano, kumustahan lang."
"Kumustahan, araw-araw?!"
"Tsaka, yung tungkol sa progress ng kundisyon nya. Ano, pati yung psychiatric treatment nya. "
"Yun lang?"
"Yung sa kaso, minsan nagbabanggit sya. Hinahayaan ko lang sya magkuwento kasi therapy rin yun."
"E ano yang nire-research mong business para sa kanya?"
Sinabi ko kay Aris ang napag-usapan namin ni Kuya Anton kagabi kaya ko naisip mag-research para tulungan ito.
"Ang akin lang, may mai-suggest ako. W-wala na kasi syang pamilyang gustong ... Kasi, Aris, alam ko ang pakiramdam ng walang pamilya. Sila ni Ate Ely ang parang pamilya ko sa Negros."
"Kung bakit ka ba naman umalis kasi? Bakit di mo sinabi sa akin na buntis ka?!"
Napayuko ako. Hindi ko masabi sa kanya ang mga dahilan ko. Di na tamang ungkatin yung dati.
Pero hiniklas nya ako sa braso patayo.
"Bakit mo itinago sa akin si Emma, Madel? Di sana, wala tayo sa ganitong sitwasyon?!" mahina pero gigil nyang sabi.
Nagsimulang umusbong ang galit sa akin. Tiningnan ko sya ng diretso sa mata.
"Kung wala sa ganitong sitwasyon, e sa anong sitwasyon, Aris? Maniniwala ka ba kung sinabi ko sa 'yo noon? Hindi ba, ayaw mo ngang maniwala pa kay Ate Andie nung sinabi nyang nakita nya kami at anak mo si Emma kung hindi ka pa nya pinilit? Kasi wala kang maalala."
Natigilan ito tapos lumuwag ang pagkakahawak sa braso ko.
"You could have at least tried," pilit nya pa rin.
"Hindi, Aris. Kasi ..." huminga ako ng malalim. Ilang beses. Naiiyak na kasi ako. Naaalala ko na naman yung gabing yun. Yung sakit na naramdaman ko.
"...sa malabo at nagdedelusyong takbo ng isip mo nung gabing yun, tinatawag mo ako ng Andz," tumulo na luha ko.
Binitiwan na nya ako at nakamaang sa akin.
"...sa nagdedeliryong takbo ng utak mo, sinabi mo na gusto mo syang buntisin para...para hindi na matuloy ang kasal nila ni Sir Reid."
"Madel..."
"Umasa na lang ako...na hindi ako magbuntis, kasi mananahimik lang ako. Ayoko ng makadagdag sa kumplikado nyong sitwasyon. Wala akong planong magsumbong kasi ... "
Hanggang doon na lang ang kaya kong sabihin. Para kasing may nakabarang kung ano sa lalamunan ko habang nagsasalita. Baka magpalahaw pa ako ng iyak kapag sinabi ko ang iba ko pang dahilan.
Umiwas ako nung tangkain nya uli akong hawakan.
"M-madel..."
Nakayuko akong humakbang papunta sa kama at nahiga sa tabi ni Emma, tapos niyakap ko ang anak ko. Hinatak ko yung kumot patakip sa mukha ko at ginamit iyong pamunas ng luha ko.
Narinig ko ang marahan at mabigat na buntong-hininga ni Aris, bago ito naupo sa kabilang side ni Emma.
Napapiksi ako nung hawakan ni Aris ang braso kong nakapulupot sa bewang ni Emma. Hindi ako dumilat.
"Madel...I'm ... really sorry."
Madiin kong pinaglapat ang bagang ko para di ako maiyak lalo.
I'm sorry.
Ano pa ba ang aasahan ko?
Masakit sa tenga at sa puso ang dalawang salitang yun.
He's sorry and guilty. Inaalagaan nya kami kasi responsibilidad kami na dapat karguhin.
Ako lang pala. Nararamdaman ko naman na likas ang pagmamahal nya kay Emma.
Napangiwi ako ng buong pait sa ilalim ng kumot.
Nagbuntung-hininga uli ito, "Sige. Tutulungan ko si Anton na makahanap ng ibang trabaho. Wag na ikaw. At kung magkakausap kayo, sabihin mo sa akin. Sana maintindihan mo rin ang side ko, bilang tatay ni Emma. Hindi pa rin mawala yung masamang pakiramdam tuwing maiisip ko ang pinagdaanan nyo dahil sa kanya."
Kinabukasan, pagkatapos magsimba, humiwalay uli kami ng pamamasyal sa pamilya Schulz. Nagkakailangan kami ni Aris, though nagpapakaswal kaming dalawa.
"Madel, pakilagay muna si Miming sa bag mo," inabot nito sa akin yung pusang stuffed toy.
Kakain kami ng lunch sa isang Filipino resto. Kapag sa labas kami kumakain tatlo, mas gusto ni Aris na sya ang mag-aalalay kay Emma.
Kinuha ko lang iyon ng tahimik.
"After eating, bibili tayo ng gagamitin nyo para sa swimming," sabi nya. "Dalawang linggo na lang."
Oo nga pala, yung summer out of town swimming na pinlano ni Ma'm Sarah.
Nangangalahati na kami sa pagkain nung may lumapit sa table namin.
"Aris?"
Napatingin kami dito. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito na nagpalipat-lipat kay Aris at kay Emma.
"Ness!" gulat na sabi ni Aris.
"You have a daughter." tila di makapaniwalang sabi nito.
Nagkibit-balikat si Aris pero nakangiti, "Can't deny it. She's my carbon copy."
Ngumiti ng tipid ang babae. Pero may halong lungkot iyon. Naintindihan ko ang itsurang iyon. Malamang isa ito sa mga nakarelasyon ni Aris.
"Fatherhood suits you, but I thought you're not yet ready," may pait na sabi nito. "Last time we saw each other was just three months ago and here you are."
"Excuse me," singit ko. Natabunan ng inis ang awa na naramdaman ko kanina sa kanya.
Noon lang napatingin sa akin ang babae. Tila nagulat pa ito na naroon ako.
"Kung pasimple kayong magsusumbatan dito, pwede, Miss, wag sa harap ng anak ko," kaswal kong sabi.
"Oh, I'm sorry," mukhang sincere naman ito sa paghingi ng paumanhin. "I was just very surprised since... Do you know Andie, by the way?"
Napatikhim si Aris, "Ness, it's really nice seeing you here but..."
Nagkaroon ng kislap ang mata ni Ness. Then she smiled all knowingly, "Hindi nya alam ang tungkol kay Andie, Aris?"
"Ness, stop it."
"Kilalang-kilala ko sya. Doon kaming tatlo nag-i-stay sa bahay ng pamilya ni Ate Andie. Magda-dalawang buwan na," ngumiti ako dito ng tipid.
Sa inaasal nito at Aris ngayon, nagkaroon ako ng konklusyon na si Ate Andie ang dahilan ng paghihiwalay nila. At kahit katulad ko, na hanggang ngayon ay pakiramdam na karibal ko sa puso ni Aris si Ate Andie, hindi ko hahayaang magkaroon ng pangit na impresyon si Ness dito.
"Mukhang hindi ikaw ang nakakakilala kay Ate Andie, Miss. She took two bullets for me para masigurong ligtas ako. That's how wonderful she is. Don't make an issue out of it. So, if you'll excuse us, di pa tapos kumain ang anak ko."
"Oh," natigilan ito saglit tapos tumikhim. "So, I better get going. Sorry to bother your lunch."
"Madel..." tawag ni Aris nung makalayo na si Ness.
"Di mo kailangang magpaliwanag, Aris. Hindi ko naman hinihingi at di mo obligasyon yun," simple kong sabi tapos pinagpatuloy ko na ang pagkain.
Hindi ko na pinansin ang pagkuyom ng kamao nya sa ibabaw ng mesa. Tahimik naming tinapos ang pagkain.
Nung pumasok kami sa isang sportswear boutique, pinabayaan ko si Aris na pumili ng swimsuits ni Emma, pati goggles at dalawang klase ng floaters.
"Ikaw, kumuha ka na nang swimsuit mo," sabi nya.
"Hindi, wag na," tanggi ko. "Magsusuot na lang ako ng shorts at tshirt."
Hindi na ito nagsalita.
Nung nakapila na kami sa counter,
"Stay here. May babalikan lang akong board shorts," ang sabi.
Saktong turn na naming magbayad nung bumalik ito. May dalang apat na board shorts na panlalaki, at dalawang pares ng bikini.
"Sa iyo itong dalawa," sabi nya habang nagbabayad.
Ang kulit din nito eh pero nagpasalamat na lang rin ako.
Hindi ko alam kung nakalimutan na ni Aris, pero alas-siete na ay nagyaya pa itong lumipat kami ng ibang mall.
"Uhm, Aris, baka di na tayo umabot sa visiting hours sa ospital kay Kuya Anton," paalala ko.
Halata ang pag-asim ng mukha nito, "Alright, let's go."
Nung papasakay na kami sa kotse, "M-mama, uw-uwi?" tanong ni Emma.
"Hindi. Bibisita tayo kay Tito Anton mo," sabi ko habang kinakabit ang seatbelt nya sa backseat.
Parang nag-isip ito. Baka di na nya naaalala si Kuya Anton. Maraming linggo na ang lumipas nung huli silang magkita. At hindi sila nakakapag-usap kapag tumatawag si Kuya Anton sa cp ko.
Nagkamali ako sa inisip ko, dahil pagpasok pa lang namin sa hospital room,
"P-papa!" tawag ni Emma sa kanya.
Sa peripheral ko, nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Aris sa gilid nya lalo na nung alalayan ni Kuya Anton makaupo sa tabi nya sa hospital bed si Emma.
Inakbayan ako ni Aris para sabay kaming makalapit sa hospital bed.
"Kuya, kumusta ka na?" bati ko.
"Ayos naman," sagot nito. "Kanina pang hapon tinanggal yung dextrose ko."
Saglit nitong nilipat sa cartoon channel ang pinapanood na movie para kay Emma.
Hindi na ito nakasuot ng hospital gown. Naka-jogging pants at tshirt ito.
"Tumaba ka na, Kuya. Balik ka na sa dati mo," sabi ko.
"Kain, tulog lang ako dito. Ang boring nga," tumikhim ito. "Brod, upo ka muna sa couch."
Pati ako, sinama ni Aris.
Naiilang akong makipagkwentuhan kay Kuya Anton dahil kay Aris, pero wala naman akong choice.
Nalaman ko na pansamantala itong tutuloy sa isang apartment na si Sir Rob at Sir Reid ang nag-arrange. Sabi daw sa kanya na meron pa rin syang isang distant security habang doon sya tumutuloy.
"Mga dalawang buwan lang ako dun hanggang makahanap na ako malilipatan ko na maayos. By that time siguro, may naisip na akong dapat maging source of income, tsaka totally, balik na rin ako sa dating paggalaw-galaw ko." Medyo limitado pa rin kasi ang kilos nito.
"May balak ka bang dumalaw kay ...Ate Ely sa Negros, Kuya?" maingat kong tanong.
Natahimik ito sandali. "Hindi na. Nakausap ko na ang mga biyenan ko. Pina-cremate pala nila si Ely. Pumayag silang ibigay sa akin ang abo nya. Kapag naka-settle na 'ko, tatawagan ko uli sila."
Kahit papaano natuwa ako na hindi na nya kailangang pumunta pa sa Negros. Hindi namin sigurado kung talagang safe na nga sya doon.
Wala pa kaming isang oras doon, dahil wala naman kaming maraming mapag-usapan. Pili ang mga topic na binubuksan ko. Baka may masabi na naman si Aris. May mga reaksyon ito na minsan naguguluhan ako.
Nung magpaalam kami, kinuha ko si Emma na nakaupo pa rin sa kama matapos humalik ng anak ko sa pisngi ni Kuya Anton.
"Madel," hinawakan ni Kuya ang kaliwang kamay ko at pinisil. "Salamat. Salamat ng marami. Kahit may mali akong nagawa sa iny—"
Tumikhim ng malakas si Aris at pasimpleng hinatak ang braso kong hawak ni Kuya Anton ang kamay.
"Madel, halika na," malamig na boses na sabi nito pero kay Anton pala nakatingin.
Kaya binitawan na ni Kuya ang kamay ko. Matipid itong tumango at ngumiti sa akin.
"Sige, ingat kayo."
"P-papa, ba-bay," kumaway pa si Emma bago sumara ang pinto ng room.
Hindi nakaligtas sa akin ang pagliit ng mata ni Aris.
Tahimik kami sa byahe pauwi.
Bago matulog, pinaalala nya sa akin na sya na ang tutulong kay Kuya Anton para makahanap ng trabaho at, "Don't forget to let me know kung magkakausap uli kayo."
Kina-Martes ng gabi, kinausap ako ni Aris.
"Galing ako kanina sa inuuwiang apartment ni Anton. Tinanggihan nya ang offer kong tulungan sya. Kaya na naman daw nya. Kailangan nya lang ng oras para makapag-isip."
Nung magkausap kami ni Kuya Anton kinabukasan tumawag ito, kinumpirma nya ang kuwento ni Aris.
"Sobra na ang naitulong nyo sa 'kin. Tapos ito, dalawang buwan akong libre ang pabahay at pagkain."
Nakalimutan ko na iyung banggitin kay Aris dahil dumating ang mommy at ate nya para makipag-bonding uli kay Emma.
"Madel, iha," tawag sa akin ni Tita Letty. Iyon ang pinatatawag nya sa akin. Alam na nito na hindi pa kami kasal ni Aris. "Ilang linggo na lang, magseselebra ako ng kaarawan ko. Gusto ko sanang andun kayong pamilya."
Alam ko na ang gusto nitong mangyari, "Tatanungin ko po si Aris, Tita."
"Iimbitahan ko ang mag-asawang Andie at Reid. Pati ang mga magulang nila. Pakisabi naman kay Aris mamaya." May inabot itong invitation card.
Kinuha ko iyon. "Alam po ba ng daddy nya?"
"Hindi ko sinabi. Pero, ako naman ang may okasyon. Bahala sya kung magagalit sya. Gusto kong naroroon ang anak ko at mga naging pamilya nya nung panahong lumayo sya sa amin," malungkot itong ngumiti.
"Ako na ang bahala kay Daddy kung sakali," salo ng ate ni Aris.
Naawa ako sa matandang babae, kaya nung gabi, iyun ang laman ng isip ko.
Ibinigay ko kay Aris ang invitation card at sinabi ang hiling ng mommy nya. Hindi ito nagkomento. Nag-aalala ako na baka 'hindi' ang ibig sabihin noon. Gusto kong pagbigyan si Tita Letty. Napuyat ako sa pag-iisip, kaya medyo na-late ako ng gising.
Nauna nang maligo si Aris habang inayos ko ang isusuot nya.
"Mauna ka na bumaba. Mag-aayos lang kami ni Emma," sabi ko sa kanya.
Medyo natagalan kami ni Emma kasi nung maghubad ako ng damit, nakita ko ang bahagyang pulang mantsa ang panty ko.
Medyo nakahinga ako.
Papalabas kami ng kuwarto ni Emma nung pumasok uli si Aris. Madilim ang ekspresyon ng mukha nito.
"Nagkausap kayo ni Anton kahapon, di ba?" pigil ang inis sa boses nito.
Saka ko lang naalala. "Ah, oo nga pala. Nakalimutan ko."
"Ano ba'ng pinag-usapan natin, Madel? Nananadya ka ba?"
"H-hindi. Dumating nga kasi si Tita Letty. Naokupa yung isip ko sa bilin nya," katwiran ko.
"At yung bilin ko, kinalimutan mo? Kung wala pang nagsabi sa akin!"
"Sino'ng nagsabi sa iyo?"
"Hindi na importante yun! Ayoko nang mauulit ito, Madel."
"Sorry."
Yun na lang ang nasabi ko, kasi nagpalipat-lipat na ang mata sa amin ni Emma, kunut-noo.
Isa pa, may mali naman talaga ako.
Mabuti at hindi tumawag si Kuya Anton nung mga sumunod na araw. Kaya siguro maganda ang mood ni Aris.
Huwebes ng umaga, maaga akong gumising dahil sa flight nito pa-Zamboanga.
"Madel," tawag ni Aris matapos ko itong gisingin.
Paglingon ko, nakasimangot. Di maganda ang gising nito. Nagpaparamdam kasi ito kagabi, pero sinabi ko na may dalaw ako.
"May tagos ka," sabi nya na nakatingin sa pang-upo ko. "Magpalit ka na muna."
Mabilis akong tumalikod para magpalit. At para itago ang ngiti ko. Ganun daw talaga ang mga lalaki kapag di napapagbigyan.
Tulad ng mga nakaraang linggo, Sabado ng umaga, nakabalik na ito.
Inungkat ko uli sa kanya ang pagpunta sa birthday ng mommy nya kasi next weekend na iyon.
Hindi na naman ito kumibo.
"Pupunta kami ni Half, 'Ris. Pati sina Mommy. Pumunta na kayo," gatong ni Ate Andie.
Nakasimangot itong sumagot, "Sige. Bukas, let's look for you and Emma's dress to wear."
Natutuwa ako para kay Tita Letty na pumayag na rin si Aris. Pero, hindi maganda sa pakiramdam na pumayag lang ito dahil sa sinabi ni Ate Andie.
Binalewala ko na lang iyun.
Tuesday afternoon, nagbabasa ako ng mga articles online nung kumatok si Tala sa kuwarto namin.
"May bisita ka. Anton daw," ang sabi.
May pigil na ekspresyon ito sa mata na hindi ko mapangalanan.
"Uhm, sige susunod na ako."
Pinatay ko lang yung laptop at sinigurong presentable naman ako, bago bumaba.
Naabutan ko pa si Ate Andie na kausap ito.
"Maraming salamat, Andie," narinig kong sabi ni Kuya Anton. "Hindi nagkamali si Madel sa mga sinabi nya sa akin tungkol sa inyo."
"Wala yun. Oh, eto na pala si Madel. Maiwan ko muna kayo. Ipatatawag ko lang si Emma sa attic para makumusta mo," sabi ni Ate Andie kay Kuya.
"Madel, dun na lang kayo sa may poolside. Anton, salamat sa bulaklak. And please stay for dinner."
Tumalikod na ito.
May inabot din itong mga bulaklak sa akin katulad kay Ate Andie.
"Ay, salamat. Sana, chocolate na lang," biro ko.
"Sige, sa susunod na pagbisita ko."
Hinintay namin si Emma pababa. Sinamahan ito ng isang katulong. Umakyat din agad ang anak ko nung ibigay ni Kuya Anton ang pasalubong nya.
"Pasensya na, at nariyan yung mga kalaro," sabi ko. Nasa itaas din kasi yung mga apo ni Tatay Delio.
"Ok lang yun. Bata eh."
Nagpunta kami sa likod ng villa. Mga ilang minuto kaming nagkukwentuhan nung magdala ng meryenda ang isang katulong.
Nalaman ko na galing pala si Kuya Anton sa isang business seminar tapos dumaan na sa villa. Kay Sir Reid nya raw nakuha ang address. Nagpaalam ito sa asawa ni Ate Andie na dadalaw nga sa amin.
"Ano'ng klaseng business seminar yun?"
"Food stalls. Naka-promo sila ng franchise ng parang buy one take on. Kumuha na ako. Yun nga yung inaasikaso ko nung mga nakaraang araw kaya di ako nakakatawag."
Kinuwento nito na naghahanap na ito ng magandang puwesto. Yung kumpanya naman daw kasi ang magsu-supply tao at stocks ng pagkain.
"Kapag maganda ang kita, kukuha uli ako ng franchise ng food stall. Ang pinakatrabaho ko lang, bisitahin ang mga stalls tsaka siyempre, kunin ang kita."
Biglang may tumikhim ng malakas.
Nalingunan namin si Aris. Naka-business suit pa ito.
Nagulat ako kasi wala pang alas-singko ng hapon. Madalas itong umuuwi pasado alas-siete ang pinakamaaga.
At kinabahan ako dahil ang dilim ng aura ng mukha nito at nakatingin sa bulaklak na pinatong ko sa katabi kong upuan!
=========
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro