Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2 Mama


Andie's POV

"Mommy, I'm gonna ride with Tito Aris," paalam ni Hope. Nakakapit ito sa braso ng lalaki.

Karga naman ni Aris sa isang kamay si Ashley, ang bunso sa kambal.

Pinapagalitan ko nga si Aris na huwag ipahalata sa kambal na ito ang paborito nya. Ayoko nang selosan sa mga anak ko.

Pareho nyang inaanak ang dalawa, but Reid let him give the name to the youngest.

Ashley ang napili nito para A din daw ang simula, sunod sa pangalan nya. Tapos kuha sa ash, dahil kulay abo pareho ang mata nang kambal.

Namana sa mga Schulz.

We named the older twin Phoenix dahil sa myth na 'the phoenix shall rise from its ashes'.

Fine, abo kung abo.

Palabas na kami sa building nun. Katatapos lang nang recital nya. Medyo natagalan kami sa loob dahil nag-picture taking pa kami.

Loko-loko kasi ito si Aristotle. Damihan daw namin ang pics para mainggit si Reid.

"Me, too! Me, too!" Sigaw ni Phoenix. Ang panganay sa kambal.

"Eeh..." napakamot ako sa kilay. "'Ris, baka may lakad pa kayo ni Ness?"

Usually, Saturday ang time nito kay Ness. Yung dine-date nito ngayon.

Ngumuso ito sandali, "Wala..."

"Ah, ok. Kids, dun na tay—"

"Wala na kami."

Biglang bumalik ang tingin ko dito. Pinanliitan ko nang mata.

Bumaling ako kay Hope, "Go ahead. We will use Tito Aris' car."

Kinausap ko sandali si Kuya Ramon para ipalaam iyon sa kanya. Magko-convoy na lang ito sa amin.

"Hope, watch over your brothers for a while. Mag-uusap lang kami sandali ni Tito mo," bilin ko dito after we deposited the kids inside his car.

"Tsk!" narinig kong palatak ni Aris.

Paglingon ko, nakanguso ito at nagkakamot nang batok. Alam nya kung bakit ko sya kakausapin.

"'Ris... I don't like what I heard and observed," I told him flatly.

"Sya nakipaghiwalay, hindi ako. Tsaka...di naman talaga kami," katwiran nito.

Hinampas ko ito sa braso, "Di kayo ha? Pero kung anu-ano kababalaghan ginagawa nyo!" Sermon ko pa.

Tumawa lang ito nang hilaw, "Lika na sa loob. Nakakahiya sa mga bata oh. Nakikitang pinapagalitan mo 'ko."

"Aris," seryoso kong tawag dito. "When are you going to get serious with your relationship with a woman?"

"Seryoso naman ako sa 'yo dati ah," nakangising sabi. "Aray!"

Kinurot ko ito sa bandang ribs.

"I'm serious, Engr. Kho."

Napakagat ito sa labi tapos ngumiti nang malungkot. Napabuga ako nang hangin.

Kahit hindi namin pag-usapan, alam ko ang pinagkakaganito ni Aris.

"'Ris... people are different. I'm not those girls... and they are not me," I calmly said.

"Oy, asa ka, Andromeda! Di na kita pinagnanasaan!" Salag nito.

"You jerk!" Sinipa ko ito sa binti. "Di iyon ang ibig kong sabihin!"

Inakbayan ako nito matapos himasin ang nasaktang paa. "Alam mo, Andz ko, ganito yan eh. Kapag nahanap ko na uli yung magpapatibok uli sa pinatay mong puso ko – Aaaww!"

Bwisit talagang lalaki ito! Di mo talaga mapaseryoso nang sagot. Though alam kong totoo sa loob nya ang sinasabi nya.

Tumawa ito, "Seryoso nga, princess. Wala pa eh."

"E di wag ka mang-aano nang babae. Ka-date mo pa lang pero nag-aano na kayo. Ayan tuloy, umaasa."

"Puro ano naman sinabi mo. Ano yung 'nag-aano'?"

Nag-init ang mukha ko. E alam naman nya ibig kong sabihin. Nakailag ito nung inambaan ko nang kurot tapos tawa ng tawa.

"Akala mo, Andz ko. Pag nakita ko na yung babaeng sinasabi mo, 'who you' ka na sa akin. Kaya hangga't andito ko, sulitin nyo na mag-iina. Lalo na yang asawa mong asshole, ginagawa akong alalay nyo kapag wala sya o inaaway mo!" Reklamo nito.

Napangiti ako nang malapad. Reid and Aris became very good...ahm...frenemies. Haha! Laging nagbabangayan, pero magkasundo pagdating sa pamilya namin at sa trabaho. Kaya lang kasi, ang lakas mang-asar ng singkit na ito. Pikon naman yung aso ko! Haha!

"Reklamo ka pa dyan. Grabe nga bromance nyo ni Reid. Nakakaselos minsan," nguso ko.

"Bromance?" Parang nadidiring sabi. Tapos napahimas sa baba.

"But come to think of it, Andz. Di ko pa sa 'yo natatanong..."

"Ang alin?"

"Bromance... kami ni Asshole. Hhmmm...Pwede siguro. Di kita matatanong pagdating sa performance kasi di naman tayo umabot dun...pero...malaki ba? Mas malaki sa akin?" Nakangising sabi. "Para pwede kong i-consider yung bromance."

Nanlaki ang mga mata ko tapos napabuka bibig ko. Ramdam na ramdam ko na talagang nag-init nang husto ang mukha ko.

"Tangna ka, Aristotle! Ang bastos mo!" Napamura ako nang wala sa oras. Hinampas-hampas ko sa kanya ang shoulder bag ko.

Tawa ito nang tawa habang hawak ang kamay ko sa pag-awat sa akin.

"Tara na! Tara na! Pasok ka na sa loob. Pinagtitinginan na tayo dito oh!" Tinulak-tulak ako nito papasok sa kotse.

Gaging Aris ito! Nakita ko lang naman yung sa kanya dati noong kami pa. Ni hindi ko nga nahawakan. Tadong ito! Di naman kami umabot sa ganun noon, muntik lang!

Lalong nag-init ang mukha ko sa iniisip.

Padabog akong pumasok sa shotgun. Nakasimangot ako. Alam na alam nya paano ililigaw ang usapan. Sya ang topic namin tsaka yung mga babae nya eh.

"Hoy," napaigtad ako kasi sinundot nya ako sa tagiliran. "Joke lang yun. Bati na tayo."

"Isusumbong kita ke Reid. Tsaka kina Mike, akala mo," nakasimangot kong sabi.

Tawa lang ito nang tawa. Grabe talaga ito mang-asar. Walang pagbabago. Actually, lumala pa nga.

Nawala ang pagkaasar ko dito nung nagsimula silang magkwentuhan nang mga bata habang nasa byahe kami. Nangako ito nang lunch date sa amin.

Di ko naman magawang magalit dito talaga katulad noon. At pag naasar ako sa kanya, sandali lang nawawala agad. He knows it, kaya nga ganyan yan sa akin.

Nag-malling pa kami saglit, then sumama sya sa amin pagsundo kay Reid sa airport.

Tuwang-tuwa ang kambal nung makita ang ama. Isang linggo kasi sa Germany si Reid. Hindi kami sumama dahil nga sa piano recital ni Hope at tumulong ako sa pagpa-practice nya.

Si Aris ang nagsusog kay Hope na lumapit kay Reid dahil bumalik ang pagtatampo nito sa 'ama'. Hindi ito sumalubong nang yakap at nanatiling nakakapit sa braso ni Aris.

"Naku, Hope. If you're going to stay like that with your dad, I'm going to take you away and change your last name to Kho," banta nito. "You won't see your mom and brothers, too, because I'll take you to abroad. Yung far away with no phones."

Nagpigil kami nag ngiti ni Reid nung lumapit si Hope at bumati, "Hi, daddy..."

Niyakap ito ni Reid at hinalikan sa pisngi, "Sorry, princess. Daddy wasn't there for your recital. Don't worry, I'll give you something in return. Just ask."

Nagliwanag ang mukha ni Hope, "Really, daddy?"

Napaikot ang mata namin ni Aris. Kaya nai-spoil ang panganay ko eh.

Naunang maglakad si Reid karga si Phoenix tapos nakakapit na sa kanya si Hope. Nag-uusap ito at ang panganay sa gustong kapalit ni Hope sa pagiging absent nang 'ama' sa recital.

Nasa likod lang kami ni Aris na karga naman si Ashley. Pagod na kasi si Bunso kaya nakayakap na ito at nakapatong ang baba sa balikat ni Aris.

"Half, wait!" Tawag ko. Kasi naiwan si Aris.

Paglingon namin, may kausap itong babae. Hindi ko agad nakita dahil natatakpan ni Aris.

Nauna akong lumapit.

It was Madison! Mukhang kakarating lang nito galing abroad dahil may bitbit din itong handcarry luggage.

"... your son?" Tanong nito kay Aris na tila di makapaniwala. Tapos nanlaki ang mata nito nung makita ako sa likod ni Aris.

She looked at me with disgust, "Are you cheating on your husband? I thought you married..."

"Me," napalingon ako. It was Reid. Narito na pala agad sya sa likod ko. Inakbayan ako.

Napabuka ang bibig nito. "Oh...I'm sorry..."

"Tsk, tsk! Still with a nasty mouth, aren't we, Ms. Choi?" Sabi ni Reid.

"Who is she, Tito Aris?" Singit ni Hope.

"A nobody," he flatly answered. Siniko ko si Aris sa tagiliran. Loko ito. Sa harap pa nang mga anak ko.

Pero deep inside, natatawa ako sa itsura ni Madison. Nahilaw ang mukha eh.

"Do you have anything else better to say, Maddie?" Tanong dito ni Aris. "Kung wala na, aalis na kami."

Umiling lang ang babae.

Tumalikod na kami.

"Mga babae mo, douche, pagsabihan mo ha?" Mahinang banta ni Reid. "They're messing with my wife."

"Tss. As if, I'd let them, asshole," ganting bulong ni Aris.

Eto na naman kami sa bromance nila.

Biglang akong napangiwi. Naalala ko na naman ang pinagsasabi ni Aristotle kanina. Tsk!

Sa bahay na nag-dinner si Aris. Then after that pinaakyat na namin ang mga bata sa attic para makapaglaro kasama ang dalawang katulong sa bahay. Naka-day-off kasi ang mga yaya nang kambal at nurse ni Hope. Bukas ang balik nang mga ito, tapos yung ilang katulong naman sa villa ang mag-o-off sa ibang araw. Salitan ang ginawa naming off nila para may tao pa rin kaming kasama dito.

We had coffee sa poolside. Magkatabi kami ni Reid, kaharap namin si Aris.

"Hey, douche, can you manage a project in Europe?'

Nahinto si Aris sa sa paghigop nang kape nya, "Why? May business kang itatayo dun?"

"My brothers. They want to put up their own businesses. Konti lang shares ko doon. Though under pa rin sya nang umbrella nang company namin ni Dad. I will recommend you. So... kaya nyo ba nina Mike at Jeff?"

"I need to see the the business plan first. Then, we will talk about it in MonKho. Nasa gitna rin kasi kami nag pagpapalit nang pangalan at policies," sabi ni Aris.

Oo nga pala. Nasa kanila na kasi si Jeff. Nung una, parang head lang ito nag Architect's Department nila, pero sasali na raw ito sa mismong partnership since they get along well and they enjoy having business together. Sa pagkakaalam ko, magiging MonKhAr na iyon. Caringal kasi ang apelyido nina Jeff.

"Sige, I'll send you a copy on Monday. Anyway, they plan to start the construction by early next year pa. I just want you to know first para mapaghandaan nyo if you're interested. I'm not the primary decision-maker but my recommendation will still count."

Hinatid namin ni Reid si Aris hanggang sa maindoor nung magpaalam na ito bandang alas-diyes nang gabi.

After Aris gave me a kiss on the forehead and a light punch on Reid's shoulder, he got into his car then waved goodbye with a flying kiss as he drove off. I waved back and Reid gave him a middle finger salute.

Natatawang ibinaba ko ang kamay nito.

Pinuntahan namin ang mga bata sa mga kuwarto nila. Tulog na ang kambal. Sa iisang kuwarto lang natutulog ang mga ito pero magkahiwalay na kama. Si Hope, tulog na rin, pero gising pa iyong katulong na pansamantalang kasama nito sa kuwarto ngayong gabi.

We gave all the kids a kiss on the cheek.

"Finally, we're alone!" Sabi ni Reid sabay yakap sa akin pagpasok sa kuwarto. "Ang tagal magpaalam ng best friend mo."

"Hmp!" Irap ko dito. "Nag-usap pa nga kayo about business."

Tumawa lang ito then scooped my face and gave me a hot kiss, "I miss you, Mine. One week without you and the kids was like hell."

I kissed him back. Muntik na kaming di umabot sa kama. Mamaya na'ng shower-shower. Miss na miss ko na ang aso ko eh. Haha!

"You're so naughty tonight, Mine," nakangising sabi ni Reid after. "Kuya na ba yung kambal? Ganyan ka sa 'kin nung two months—Ouch!"

I pinched one of his nips, "Bawal kita ma-miss, aso ka?"

Tumawa lang ito, then hinila na ako patayo sa kama, "Let's shower together," nakangisi ulit na yaya nito.

Napatawa kami sabay. Alam naming pareho, round two ibig sabihin nun.

Ok lang, sinusulit lang namin ang mga araw na magkalayo kami.

Nung nagpapaantok na kami...

"Half..."

"Hhmmm..."

"Wala na uli yung ka-date ni Aristotle," sumbong ko.

"Kahit naman ako baka di na ko mag-asawa kung sa kanya ka dati nagpakasal."

"Binobola mo naman ako eh," sabi ko sabay baon ng mukha ko sa leeg ni Reid.

"Kinikilig ka na ba nyan, Mrs. Schulz?"

"Heh!"

Tumawa ito nang mahina tapos kinupkop ako nag mahigpit sa dibdib nya, "Si Douche Bag kasi, di pa yun nakaka-move on sa 'yo."

Napaigik ito nung sinundot ko sa tagiliran.

"Seriously, Mine. Maybe romantically, oo. But he set you up as his ideal girl. I can see it very well. He respected your happiness so much. It's not easy to be friends... actually, best friends with your greatest love at the same time most painful heartache, but he did. Because that's how much he leveled you up there on a pedestal only he can see. And... I ... I hate to admit it but.... I admire him a lot for that, Mine. Kung sa akin, baka lumayo na ako nang tuluyan. Hindi ko kakayanin ang ganun. Kho is the next person I would entrust my family with."

"Alam ko, Half... alam ko. And thank you. Thank you for understanding my relationship with him," I kissed Reid on the chin. "Kaya wag ka magseselos sa singkit na yun."

Sumimangot ito, "He knew how to piss me off. That douche. Di bale, ako naman pinili mo eh. Patay na patay ka kaya sa akin. Ouch!"

Kinagat ko na ito sa baba. "Baliw!"

Tumawa lang ito habang hinihimas ang baba.

"Half..."

"Hhmmm..." antok na sagot nito.

"Malapit na birthday ko."

"Do you want to have a party or bakasyon tayo nang mga bata abroad?"

"Gusto ko sa Bagiuo. I want to watch the Panagbenga Festival. That's a good opportunity na gamitin natin yung rest house doon na binili mo last year."

"Ok. How about we have a small party for you on your birthday with family and close friends then we go to Bagiuo for a week? Dun na tayo mag-Valentine's nang mga bata?"

Ganun na nga ang nangyari.

On my birthday, we had a party sa Galaxy Resort, yung resort sa unahan nang villa. Ang regalo sa akin ni Reid.

We had it closed for a day dahil ginawang exclusive iyon para sa party ko. Dumating ang mga piling bisita mula sa SchulzAS, pamilya at mga kaibigan namin.

Medyo late na ring dumating si Juno.

"Miss na miss ko na ang mga pamangkin kong kasing-dyosa ng tita nila," gigil na niyakap nya ng sabay-sabay ang tatlo.

Busy na rin kasi ito sa trabaho nya sa MonKho at sa kung anu-ano pang aktibidades nito na di ko na pinakikialaman. Malaki na ang bunso kong kapatid. Malaking isip-bata. Haha!

"O, Bunso, musta lovelife?" Tukso dito ni Erol.

Ngumuso si Juno, "Kapag Dyosa, di na kailangan ng lovelife."

"Lagi si Rob sa office ah," gatong ni Mike.

Tumawa sina Jeff, Aris at Ralph.

Pinanliitan sila nang mata ni Juno. "Sapak, gusto nyo?"

"Sus, kunwari ka pa, Jun. Kaya ka lang tumingin sa gawi namin, chini-check mo kung andito na. Wala pa. Parating pa lang daw!" Kantyaw ni Aris.

"Ate Andie, oh!" Naasar na sabi nito sabay talikod papalabas nang clubhouse. Kaso nakasalubong nya si Rob na kakarating lang din.

"Hi, Dyosa ko," bati nito sa kapatid ko.

"Aayyiieeee!!!" Sigawan ng mga kaibigan namin, sa pangunguna ni Aris. Pumapalakpak si Mike at may sumipol pa. Yung ibang bisitang nakikinig, nakitawa na rin.

Natawa na rin tuloy ako. Hindi naman pikon si Juno, kaya lang kasi pinagtutulungang asarin nina Aris.

"Akala nyo, porke boss ko kayo," dinuro nito sina Jeff, Mike at Aris. "Lilipat na ko nang kumpanya!"

"Walang tatanggap sa 'yo. Di ka namin bibigyan nag recommendation," sabi ni Mike.

Inirapan ito ni Juno pati si Rob na nakaharang sa dadaanan nya. "Alis dyan! Dadaan ako!"

"Kakadating ko lang, aalis ka na agad, Dyosa," sabi ni Rob.

"Kaya nga ako aalis eh, kasi nga dumating ka na!" Sikmat ni Juno.

"Ate, doon muna ako sa mga bata," paalam nito sabay alis na. Hindi na hinintay makasagot ako.

"Kayo talaga," natatawang sabi ko.

"Andz, asan si Schulz?"

"Na-miss mo na?" Sagot ko.

"Oo, wala na maasar dito. Umalis na kapatid mo eh."

Nagtawanan sina Jeff. Alam nila kung paano magbangayan sina Reid at Aris.

"Teka, susunduin ko. Nasa kiddie pool, kasama nung mga bata."

Naroon din kasi ang mga magulang nito at si Sarah.

Nasa may baba na ako nang hagdan nung, "Misis, samahan na kita."

Si Rob. Lihim akong napangiti. Alam ko naman na di talaga iyon ang pakay nya. Sa kiddie pool din kasi ang tungo ni Juno kanina.

Tumango lang ako.

"Woohooo! Mga da moves. Magpapatulong sa ate!" Dinig kong sigaw ni Mike mula clubhouse tapos may sumabog na tawanan.

Sabay pa kaming napailing ni Rob at napakamot ito sa batok.

"'Musta na, Rob?" Simple kong tanong.

Nagkibit ito ng balikat, tapos tipid na ngumiti. "Zero pa rin."

Napabuntung-hininga ako. Si Juno talaga.

My birthday party went well. Kinabukasan na nga nang umagang-umaga umuwi ang ibang bisita dahil nag-overnight swimming sila.

Nung magpaalam na sina Aris na uuwi,

"Paano yan, Andz? Magba-Bagiuo pala kayo sa Valentine's Day, paano anniversary natin?"

"Fuck you, douche bag!" Sikmat ni Reid sabay kabig sa akin payakap sa kanya.

"Ulul ka talaga, Aris!" sabi ni Jeff.

Tawa nang tawa sina Mike.

Tinapik nila sa balikat si Reid at nagbeso sa akin.

"Happy birthday uli, Prinsesa," sabi ni Mike.

"Salamat!"

"Andz, di na ko aakyat. Tulog pa yata mga bata. Sabihin mo na lang, umalis na pinakapogi nilang ninong," sabi ni Aris after giving me a peck on the forehead.

"Ok, sige. Ingat kayo sa byahe," sabi ko.

"Asshole, alis na kami. Ingatan mo yang prinsesa namin ha. Baka mawala sa Bagiuo yan sa anniversary namin."

"Yeah, right!" Sagot ni Reid na naka-dirty finger kay Aris.

Sa hapon pa ang byahe namin pa-Bagiuo kaya natulog uli kami ni Reid.

Tanghalian na nung gumising kami. Nalaman ko sa mga bata na hindi na kami hinintay magising ni Juno. Umalis na raw at may lakad pa.

Two days ago pa naka-empake ang mga dadalhin naming damit. Kaya pinalipas ko ang oras sa pagbubukas nang mga regalo nang mga bisita at kaibigan ko.

Hope and the twins came in the room tapos hinila ako pababa sa living room. Naroon daw kasi ang regalo nila sa akin.

Dinatnan ko si Reid na nasa puno nang hagdan at may hawak na bouquet ng jade vine. Inabot nya ito sa akin.

The kids guided me to sit on the couch and to my surprise, naupo si Reid at Hope sa piano. Tapos, tumayo sa tabi nila yung kambal.

Pigil na pigil ko ang luha ko nung sabay na tumipa sa piano ang mag-ama.

It was an old classic song. Then Reid's voice came up.


I can't remember when you weren't there
When I didn't care for anyone but you
I swear we've been through everything there is
Can't imagine anything we've missed
Can't imagine anything the two of us can't do


Hindi ko na napigilan ang pagtulo nang luha ko nung sumabay ang mga anak ko sa pagkanta.




Through the years
You've never let me down
You turned my life around
The sweetest days I've found
I've found with you
Through the years
I've never been afraid
I've loved the life we've made
And I'm so glad I've stayed
Right here with you
Through the years



Napapangiti pa ako dahil bumubuka lang ang bibig nung kambal pero wala namang lumalabas na salita. Pero wala akong pakialam.





Can't imagine needing someone so
But through the years it seems to me
I need you more and more

Through the years
Through all the good and bad
I knew how much we had
I've always been so glad
To be with you
Through the years
It's better everyday
You've kissed my tears away
As long as it's okay
I'll stay with you
Through the years



Umalis si Ashley at Phoenix sa tabi ni Reid tapos lumapit sa akin sa couch.

"A-mmy, you crying," malambing na sabi ni Ashley sa utal na salita.

Natawa ako kaya kinuha ko sila at kinandong. Naiwan si Hope at Reid sa pagpi-piano at pagkanta.




Through the years
When everything went wrong
Together we were strong
I know that I belonged
Right here with you
Through the years
I never had a doubt
We'd always work things out
I've learned what love's about
By loving you


Natapos nila ang pagtugtog at pagkanta na umiiyak ako na tumatawa. Kinikilig ako na natutuwa na ewan. Kasi hinarana ako nang mag-aama ko. Sabay kaming pumalakpak nina Ashley at Phoenix.

"Thank you," naiiyak kong sabi na niyakap si Reid at ang mga bata. "That's the sweetest birthday gift ever."

"Happy birthday, Mine," sabi ni Reid paglapit sa akin then gave me a good kiss.

"Eeww!!!" Si Hope. "Daddy, the twins are looking!"

Natawa kami ni Reid.

"Come, kids. Let's prep up for Baguio," sabi nya sa mga bata.

Alas-tres nang umalis kami sa villa papuntang Baguio.

We ate dinner on the way. Dahil gabi na kami nakarating sa resthouse, natulog agad kami pagkatapos umuwi nung caretaker nang resthouse. Babalik na lang daw ang mag-asawa para tulungan kami sa loob nang bahay.

Hope slept in the same room with her nurse tapos yung kambal sa iisang kuwarto kasama ang mga yaya nila. Si Kuya Ramon, mas piniling matulog sa sala kesa sa kuwarto na para sa kanya. Hinayaan na lang namin.

We had a great time with our stay in Baguio. Lalo na yung mga bata. 

Si Hope, ayaw na umalis sa strawberry farm nung nangunguha kami nag strawberries.

"Princess, we should pick only what we can eat," sabi ni Reid. "And we have to leave some more for other people who want to get strawberries, too."

Nakangusong pumayag si Hope, "Promise, daddy, we will pick strawberries before we go back to the villa, ha?"

Pumayag si Reid.

Ganun din ang nangyari sa kambal nung mag-horse back riding sila sa Wright Park. Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi ni Reid.

"Reid," gigil bulong ko dito. "Don't even think of telling the twins that you'll buy them a horse or a ranch whatever. You're spoiling them too much."

"That's a good idea, Mine," sabi nito na natatawa.

"Hindi na nga tayo magkandaugaga sa dami ng inaasikasong business—"

"Sshh..." inawat ako nito sa paglilitanya. "I was just kidding, ok?"

Inirapan ko ito.

Namili ako nang mga native bags na gawa ng mga katutubo. Pati mga hinabing kumot at shawl. Si Reid naman, may biniling mga wood carvings. Pang-display daw sa resort at sa villa.

"Kasya ba yan sa van, Half?" Alanganin kasi ako dahil may mga bagahe pa kami. Tapos yung pinamili ko pa.

"Tatawag ako sa villa para pasunurin dito yung pick up. Then sabay na pag-uwi natin bukas," sagot nito.

"Half, on our way home, daan tayo sa Good Shepherd. Masarap ang mga jams at mga pasalubong na pagkain dun."

"Sure."

Our last stop for the day was at Dinosaur Island. The kids were so excited seeing the dinosaur animatronics. Napapatili pa nga si Hope at yung kambal kapag gumagalaw yung mga dinosaur.

Salitan kami ni Reid sa pagkuha nang pictures. Minsan yung nurse or yaya ang pinapakuha namin.

We were at the end of the tour having pics with dinosaur mascots nung napansin ko na kumunot ang noo ni Reid mula sa pagkuha nang picture tapos tumingin sa bandang likuran namin. Dalawang beses iyon. Kaya lumingon ako.

I was looking for something odd that caught my husband's eye. Ang dami kasing tao.

"Mine," lumapit na pala si Reid sa amin. May inginuso ito. "I think that little girl is lost."

Nakita ko ang sinasabi ni Reid. The little girl was about three years old. Palinga-linga ito, at the brink of crying.

Nilapitan namin ito. Karga namin ni Reid ang kambal, si Hope nakakapit sa nurse nya.

Lalong napakunot ang noo ko nung malapitan namin ito. Napatingin ako kay Reid, ganun din si Reid sa akin.

Pareho kami nang iniisip.

"Hello," bati ko dito.

Napaigtad yung bata, tapos napaatras ng isang hakbang.

That was odd. Bakit masyado yata itong matatakutin?

And there was something else in her eyes. It was not just fear of not seeing her adult companions. She was scared of something else. Is it the dinosaurs?

May awang humaplos sa puso ko para rito.

"Sweetie, are you lost?"

Hindi ito nagsalita or tumango man lang. Basta nakatitig lang sa amin. Palipat-lipat sa mukha ko at ni Reid.

Bakit parang may rekognisyon akong nakikita sa musmos na mata nito? Kilala nya ba kami?

Baka nga anak ito ni ...

"EMMA!"

Napaigtad na naman ang bata tapos napapikit nang mariin.

Napatingin kami ni Reid sa tumawag.

Isa iyong may katangkaran na lalaki. May pagkamoreno at bahagyang matipuno.

Malinis itong manamit pero may nabakas akong kalupitan sa ekspresyon nang mukha nito.

"P-papa..."

Nakaramdam uli ako nang awa sa bata na Emma pala ang pangalan, dahil halatang pinigil lang nito ang panginginig ng boses pero hindi nito naitago ang pangagatal ng baba.

Sinasaktan ba ito nang ama?

"Asan ang mama mo?" pagalit na sabi nito.

Hindi na naman nakakibo ang bata. Doon ko na-conclude na ang takot na nakita ko kanina sa mata nya ay patungkol sa ama.

Nagpalinga-linga ang lalaki. Hinahanap malamang ang asawa. Kunut na kunot ang noo nito. Halatang nagpipigil nang galit.

Nag-alala ako hindi lang para s bata kundi para sa ina nito.

Hinila nito si Emma papalayo sa amin na di man lang kami tinapunan nang tingin.

"Mommy..."

Napatingin ako kay Hope. "Yes, baby?"

"I think he's a bad person. That poor girl," Hope was a bit tensed. She felt it, too.

"Tsk! Come here, princess," inakbayan ni Reid si Hope to relaxed her.

Halata ang concern sa mata ni Reid. Hindi lang patungkol kay Hope, kundi doon sa bata.

"Let's eat," sabi ko na lang to disperse the tension.

As we walk to the food stalls nearby, bumulong sa akin si Reid.

"Muntik ko nang isipin na anak ni Douche Bag yung bata eh. Akala ko nakapagkalat na nang lahi si gago."

Natawa ako sabay pinalo nang mahina ito sa braso, "Grabe ka naman. Tingin ko dun sa bata mga tatlong taon na. Matanda pa sa kambal."

"Malay natin. Pero, kamukha nya talaga eh, di ba?"

Napatango ako. "Baka sa nanay nagmana yung bata," sabi ko.

"Ay, ano ba yan!"

Napalingon kami sa nagreklamong nurse ni Hope.

"Naku, sorry!" Sabi nung nakabangga dito.

Napabilog ang bibig ko.

"Tita Madel?" Si Hope.

"Madel!" Nasabi ko.

Nanlaki ang mata nito nung makita ako, tapos lumipat ang mata kay Reid.

"Sir... Ate Andie..."

Mabilis ko itong nilapitan at niyakap nang mahigpit.

"Kumusta ka na? Bakit di ka na kumontak sa amin?" Sabi ko habang nakayakap ako sa kanya.

Nagulat ako nung bigla itong humikbi.

"Hey," sabi ni Reid dito na hinawakan ito sa balikat.

I let go of Madel. Nakayuko ito. Inangat ko ang baba nito. Napasinghap ako.

May pasa ito sa may panga na papagaling na.

"Madel, a-anong nangyari—"

"ELY!"

Naramdaman ko ang pagka-tense nang katawan ni Madel.

"Ate, m-mauna na 'ko."

"Kunin ko number mo," sabi ko.

"Ely, ano ba? Uuwi na tayo!"

Nataranta ang mata ni Madel. Napatingin ito sa akin na tila humihingi nang tulong. Umikot ang tingin nito. Napatingin ito kay Hope tapos mabilis na lumapit dito. Hinawakan sa kamay ang anak ko at hinalikan sa noo.

Tumalikod na si Madel nang hindi na nakapagpaalam sa amin.

Napasunod kami nang tingin ni Reid kay Madel habang papalayo.

Nanliit ang mga mata ko nang makilala ang nilapitan nya.

Si Emma at ang ama nito.

Nagkatinginan kami ni Reid nung kinarga ni Madel si Emma matapos syang tawagin na,

"Mama!"

=============

Don't forget to vote and comment!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b4cr