Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13 Third


Wala akong nagawa kahit labag sa kalooban ko.

Asar na asar ako. Si Madel tuloy ang napagbuntunan ko ng inis ko nung kinuha ko ang handcarry bag ko para lumipat ng kuwarto.

"Bakit ka pumayag?" singhal ko dito.

"E ano, totoo naman ang, ano, sabi ni S-sir Reid. Pwede silang, ano, tumanggap ng bisita na gusto nila kasi, ano, bahay nila ito. Uhm... nakikitira lang naman kami ni Emma dito," alumpihit na sagot ni Madel.

"Kung bakit kasi dito ka sumisiksik. May bahay ako. Doon tayo!"

"Uhm...gusto ko rin kasing,ano, makilala ni Emma ang –"

"Wala akong ibang pamilya! Hindi ko sila pamilya!" Sigaw ko. Nag-uumpisa na naman mabuhay ang galit ko sa pamilya ko.

Nagkaroon ng pagkasuya sa mukha nito, "Kung ayaw mong makita ang pamilya mo, e di wag. Hindi ko ipagkakait kay Emma na makilala ang lola nya."

"Uuwi tayo bukas sa condo, umagang-umaga!" Deklara ko.

"Ayoko! Dito lang kami ni Emma," tanggi ni Madel.

"Doon kayo sa akin. Anak ko si Emma, tama lang na dapat nasa poder ko kayo!" Sigaw ko sa mukha nya.

"Anak ko rin si Emma. Wag mo akong didiktahan kung saan kami dapat. Gusto mong nasa poder mo kami para ano, Aris? Didiktahan mo kami kung ano ang gagawin? Semilya lang ang meron ka sa kanya para tawagin mo ang sarili mong tatay ka nya. Wala kang alam sa amin!" She blurted out.

Umakyat yata lahat ng dugo sa ulo ko sa sinabi ni Madel. I grabbed her shoulders then pulled her close to me.

"Kasalanan ko, Madel? Sino ba ang umalis at nagtago? Sino ang naglihim, ha?!" I shook her.

Nangilid ang luha sa mata nya.

"Oh my God, Aris! Ano'ng ginagawa mo?!"

Andz exclaimed at the door. Nasa likod nito si Schulz na matalim ang tingin sa akin.

Bigla kong binitawan si Madel at naupo sa kama pasabunot sa ulo ko.

"Shit! Shit!" I muttered.

Narinig ko ang pagsinghot ni Madel. Nagpipigil ito ng pag-iyak.

"Madel, ok ka lang?" Lapit dito ni Andz.

"O-ok lang ako, 'Te. Ano, medyo, ano, may pinagdidiskusyunan lang kami," sagot nito.

Kahit di ako mag-angat ng tingin, ramdam ko ang matalim na tingin sa akin ng prinsesa ko.

Tangna! Napapikit ako ng mariin habang hawak ang ulo ko.

"Hey, Douche. Better move to the other room now," tinapik ako nito sa balikat.

"Mabuti pababa pa lang ang mga bata," singhal ni Andz sa akin. "Pag ito naulit pa, Aris, hindi na kita papapasukin dito sa bahay!"

"Look, princess, I'm sorry," sabi ko.

"Bakit sa akin ka nagso-sorry? Ako bang sinigawan at sinaktan mo?" Sikmat sa akin.

Napatiim ako ng bagang.

"Ano, Ate... H-hindi naman nya ako sinaktan," salag ni Madel.

"E ano yung nakita ko? Wag mo ngang pinagtatakpan itong si Aris, Madel," nasusuyang sabi.

Ako na naman ang napagbalingan, "Umuwi ka na nga lang!"

"Andz naman," reklamo ko.

"Mine, that's too much," kahit si Schulz.

Pero isang tingin lang sa kanya ni Andz ng matalim, "Wala na 'kong sinabi."

Tss. Kambyo agad eh!

"Alright! Alright! I'm sorry. Madel, I'm sorry!" I said exasperated.

"Sa lahat nang nagso-sorry, ikaw ang galit, Aris!" mataas na rin ang boses ni Andz.

Napakamot ako sa batok ko. Ganun din si Schulz pero umiwas ito ng tingin sa akin.

Pucha, wala akong kakampi! Di nito sasalagin ang galit ni Andz.

Napabuga ako nang hangin sa bibig. Ilang segundo akong walang masabi. Naririnig ko na ang pag-iingay ng kambal at ni Hope.

Shit! Ayokong umuwi sa condo tapos maiiwan dito ang mag-ina ko.

"Madel," I looked at her. Saglit itong tumingin sa akin tapos bumaba ang mata nya sa paanan nya. "I'm sorry."

"Ano, Madel?" Untag dito ni Andz.

"Uhm...ano...wala yun. Ok lang ako. P-pasensya na rin," mahina nyang sagot.

Bumungad na sa pinto si Emma hatid ng isang katulong. Nilapitan agad ito ni Madel at kinuha ang bata.

"Mine, common. Let's tuck the kids to bed," yaya dito ni Schulz.

"Madel oh," may inabot si Andz na box dito. Mariing naglapat ang labi ko nang makita ko iyon.

Cellphone.

"Aristotle, lumipat ka ng kuwarto!" Yun lang at lumabas na ito ng kuwarto ko.

There was a very awkward silence nung kami na lang ang naiwan.

Hinayaan ko si Madel na linisin at ihanda si Emma sa pagtulog.

I kissed my daughter goodnight then with my bag on my hand, I headed towards the door.

Before I closed it, I turned around, "Madel," tawag ko dito.

"B-bakit?"

"I will do my best to work with Schulz and Rob to finish your friend's case," I couldn't help but emphasize that word sarcastically. 

"...para matahimik na tayong lahat."

"S-salamat."

"Then we will talk. Yung tayo lang. Pwede ba?"

"S-sige."

Ang bigat ng paa ko papunta sa dulong guestroom na tutulugan ko.

Hindi bale, at least I am still staying under the same roof as my daughter.

Nahirapan akong matulog kahit pagod ako sa maghapon naming lakad.

And for the third time that evening, I dreamt about the faceless woman. But this time, I was gropping her in the dark as she fought back crying.

Nagising akong humihingal at malakas ang pagkabog ng dibdib ko.

Ano yun?

I looked at the time. It's half past five in the morning.

I tried going back to sleep kahit isang oras lang uli but it was futile.

Nagugulo ang isip ko sa napaginipan ko. And brought shivers to my spine. My guts are telling me something pero ayokong tanggapin.

Bumangon na ako at naligo. Maaga na lang akong aalis dahil wala akong dalang business suit. Ilang araw akong nag-leave dahil sa pagpunta ko sa Negros, at di pa ako nakakauwi sa condo ko. I'll get some clothes as well for a week.

Since my room was the last from that side of the hall, dumaan ako sa pinto nang kuwarto kong inookupa nina Madel at Emma. Huminto ako sa tapat nun. Nagdadalawang-isip ako kung kakatok ba ako. I checked the time.

It's just fifteen minutes past six. Malamang tulog pa sila, lalo na si Emma. But I have this strong urge na silipin man lang sila bago ako umalis.

I tried the knob. Baka sakaling bukas, para di ko na sila kailangang istorbohin. Bukas iyon.

Tulog pa rin si Emma pero wala ang ina nito. Narinig ko ang paglagaslas ng tubig sa banyo.

I walked towards the bed and gave my daughter a kiss on the forehead.

Pag-angat ko nang ulo, I saw a paper on a clipboard with time and name of medicines.

I picked it up. Schedule ng inom ng gamot ni Andz. My brows raised. The six AM today has a check on it.

So, kanina pa gising si Madel para siguraduhing nakainom ng gamot si Andz.

Then the bathroom door open. It only took two seconds then Madel emerged from it looking at the door I forgot to close.

"Luh! Si Emm—"

Pareho kaming nagkagulatan.

Sya dahil nakatayo ako sa tabi ng kama. And me, because she was just wearing a short bathrobe just middle of her nicely shaped thighs, tapos parang minadali lang ang pagkakabuhol ng tali nun kaya nakalabas ang cleavage nya. Her hair still dripping with water.

A vein flicked in between my legs when our eyes met.

"Ay!" Napatalikod agad ito kipit ang robe sa bandang dibdib. "Teka...sorry! Akala ko kasi lumabas ng kuwarto si Emma."

Pumasok uli ito sa banyo. Napapunta rin ako sa bintana at doon nagpakalma.

'Private Ryan' is having a morning salute! Shit!

Bumukas uli ang banyo tapos lumabas na si Madel in decent clothing.

But damn! Her fresh morning smell didn't help!

Pinili ko na lang na maupo muna sa kama.

That pure muscle between my thighs is still bulging kahit nakamaong ako. Tangna!

When she stepped towards the bed, I think to wake Emma up, "W-wag!"

Fuck! Why the hell am I stuttering?

"I mean, wag mo muna sya gisingin," sabi ko.

Again, that awkward silence.

I cleared my throat, "Yung vitamins ni Emma, wag mo kakalimutan. May stock pa ba sya?"

Wala. May masabi lang. Shit!

"Marami pa. Kakabili mo lang nung nakaraang araw sa pharmacy ng ospital dun sa Pangasinan, di ba?"

Oo nga pala. Shit talaga!

I cleared throat, "Uhm...sige lalabas muna ako."

Hindi ko na sya hinintay sumagot. Bumalik ako sandali sa kuwartong inookupa then hit the shower again.

Tangna kasi. Biglang ang init!

On my way going down, saktong papalabas sina Madel at Emma sa kuwarto.

Yakap nito yung stuffed toy na binili ko sa kanya.

"Ginising mo rin pala," sita ko.

"Ano, kailangan nyang mag-agahan. Para makabawi. Tsaka, ano, nakakahiya kina Ate Andie kung di kami sasabay kumain."

Kinuha ko na sa kanya si Emma na sumama naman agad sa akin.

Naroon na ang buong mag-anak sa dining, lamang inaantok pa ang kambal. Si Hope naka-uniform na.

Sumimangot si Ashley nung makitang karga ko si Emma. Nagseselos. Napangiti ako na nawala rin agad dahil nagkasalubong ang tingin namin ni Schulz na nanunukso ang mata tapos si Andz, inirapan ako.

"So, ano'ng plano mo ngayong araw, Aristotle?" si Andz pagkaupo namin ni Madel.

Aristotle. Tss. Asar pa rin sa akin.

Sinabi ko sa kanila na sasaglit lang ako sa MonKho, sa condo tapos after lunch, sa opisina ni Rob at lawfirm ni Ralph para sa kaso ni Anton Domingo, at para sa mga ipapalakad kong papel ni Madel at Emma.

Tumango-tango ang mag-asawa.

Sabay na kaming umalis ni Schulz. Hinatid ito ni Andz at mga anak sa kotse nya.

Nakaramdam na naman ako ng inggit para sa asshole na ito dahil apat ang naglambitin sa leeg dito para magpaalam bago pumasok sa kotse nya.

"Hey, douche," tawag nito. "I'll let you borrow one of my security personel today but talk to Rob to get one for yourself."

Tumango lang ako tapos tumingin kay Madel na katabi lang din ng mag-anak na Schulz.

Namula ito, siguro iniisip nito kung kailangan nya bang magpaalam katulad ni Andz kay Schulz.

Sa totoo lang, saglit din iyung sumagi sa isip ko.

Pero, "Emma, baby, magba-bye ka na kay Papa," ibinaba nito si Emma.

Tss. Akala ko pa naman...

Yumuko ako to kiss my little girl on the head, "Be good,ok? Ano'ng gusto mong pasalubong?"

No reaction. Nakatingala lang sya sa akin. Nakatitig.

Napabuntung-hininga ako. I patted her on the head tapos tumango ako kay Madel.

"Andz, Alis na kami."

Inirapan uli ako nito pero pasimple na lang dahl naroroon ang mga bata.

I heard the asshole chuckled in his car. I gave him the middle finger tutal nakatalikod na ako sa mga bata.

The asshole just chuckled again then drove off after leaving a flying kiss to his family. Ang baduy amputah!

I wave to Emma and the kids before I drove off, too. 

Katulad ni Schulz, may nakasunod na sa aking security na nakamotor. Dumistansya lang ito ng bahagya nung nasa main road na kami.

Nauna akong pumunta sa condo ko to pack my clothes and change into a business suit. Then I headed to MonKho. Halos hindi ko na mapansin ang oras sa dami ng ginawa.

Ten minutes before lunch, humangos sina Juno, Mike at Jeff sa opisina ko para makibalita. So, I told them and the plans.

"Nag-usap na kayo ni Madel?" Si Jeff.

Umiling ako. "Pinagtutulungan ako nung mag-asawa. Di ko maiuwi yung dalawa," reklamo ko.

"Buti nga sa 'yo! Masyado ka kasing matulis," nakangusong gatong ni Juno.

Tumawa sina Mike at Jeff.

"Tanggi ka pa ng tanggi na anak mo yung bata, e paldahan ka lang at pahabain ang buhok, parang pinatandang Emma ka na," sikmat pa nito.

"Lika, try natin paldahan si Aris," tawa ni Mike.

"Fuck you!" asar kong sabi.

"Kelan nyo balak mag-usap ni Madel?" si Jeff uli.

"Pagkatapos na nitong kay Domingo. Yung kaming dalawa lang. Para mabawasan na rin ang dahilan ni Andz to hold the two of them in the villa."

"Eh, 'Ris," si Mike. Base na ngisi nito may sasabihin itong kabalbalan. "Nung makita mo si Emma, naalala mo na kung kelan at pa'no nyo sya ginawa?"

"'Tragis na tanong yan! Pwede pag wala ako?!" napahindik si Juno.

"Wow ha? Tsk, don't tell me di nyo pa uli... Puta, kinakalawang na talaga si Rob! Aray!" himas na ni Mike ang balikat na sinuntok ni Juno.

Natatawa lang kami ni Jeff.

Nagmartsa na si Juno papunta sa pinto. Namumula ang pisngi. "Potah! Wag nyo na 'ko ilibre ng lunch! Kaya ko bumili para sa sarili ko! Letse!"

Hinayaan na namin ito.

  "Ang pikon nun pag si Rob ang topic," sabi ni Mike na nakangisi. "Oh, ano na, 'Ris?"

I cleared my throat, "Hindi pa talaga klaro sa akin. Kaya nga gusto ko na matapos agad itong kay Domingo para makapag-usap kami na walang Andz o Schulz sa gigitna. Pero sigurado ako, anak ko si Emma."

Nagtatanong ang mga mata ng dalawa. Napabuga ako ng hangin.

"I've been having these dreams...not even sure if they were really dreams. Malabo kasi, putul-putol at di ko makita ang mukha nung babae. And I was hearing Andz's voice in my dreams, too, yet I knew it wasn't her. Magulo. Pero para kasing totoo. I...I think I may have..." hindi ko alam ang sasabihin ko. Shit!

"...nung inauguration ng hotel ni Schulz sa El Nido. I think, I forced myself on her," naihilamos ko na ang palad sa mukha ko.

Natahimik ang dalawa.

"Paanong nangyari iyon tapos di mo maalala?" si Jeff.

"Hindi ko alam ang sagot dyan. At hindi naman ako sigurado kaya nga gusto kong magkausap muna kami ni Madel. Pero pagkatapos na nitong problemang kinasuungan nilang mag-ina. I..." 

Parang bumigat ang pakiramdam ko. "...I can't add more now. I want to do it one at a time."

"Bakit hindi sya nagsalita o nagsumbong kina Andie that time? Then she left I think after a month or two pa, di ba?" si Mike.

"Ewan ko rin. Ang gulo."

Nagpa-akyat na lang kami ng pagkain sa office ko. Doon na kami kumain na tatlo dahil wala na rin akong oras. Sinamantala ko na rin iyon para mapag-usapan namin ang mga na-miss out ko nung naka-leave ako.

Past two in the afternoon na ako nakalabas ng opisina ko. Nagbilin ako sa secretary ko then headed to the elevator.

Pagbukas niyon, napataas ang kilay ko dahil papalabas doon sina Paul at Troy. Mga kaibigan ni Juno.

Nagbatian kami saglit.

"Puntahan lang namin si Dyosa," sabi ni Troy.

"Sige, tuloy lang," sumakay na ako sa elevator.

I first met these two noong graduation party ni Juno.Ilang beses na ngang nagkainitan ang mga ito at si Rob dahil kay Jun.

Napangisi ako.

Una akong pumunta sa lawfirm ni Ralph dahil mamaya pa babalik si Rob sa agency nya, sabi ng sekretarya nya.

We had a small meeting sa boardroom nina Ralph with the two lawyers na kasama nya noong Sabado ng gabi sa villa.

"We got Mr. Domingo's sworn statement just this morning," sabi nung isang abogado nya. "The two guys killed in the resort were his former colleagues. Mga SPO1 lang pareho. Sila yung nakita niya na nasa labas ng bahay. One standing outside the car and the other trying to open Ms. Rosales' apartment door."

"Akala ko tatlo yung nanloob sa kanila? Yun rin ang sinabi ni Madel," tanong ko.

"The other police officer who shot his wife was not there. But Domingo identified him as SPO3 Reginald Guinto," sagot nung isang abogado.

"How about their superior. The chief, I mean?"

"We forwarded the documents to Rob's agency. Sila na ang makikipag-coordinate sa PDEA at NBI para ma-pick up yung dalawa sa Negros for questioning. I think, PNP HQ has been notified already," si Ralph ang sumagot.

Before I leave, they gave me a copy of the statement and other documents kasama ang sworn statement ni Madel last Saturday.

Pumunta na ako sa opisina si Rob. Wala pa ito kaya sinamantala kong basahin ang file na binigay nung mga abogado.

There I learned that Antonio Domingo thought that he was working as an undercover as per his chief's order. He was even given a big amount of 'allowance' per month para raw sa 'operation'. It took him almost a year before he realized na parang ginagawa lang syang courier nito at nung tatlo pang pulis dahil ang mga ito lang ang lagi nyang ka-transaksyon na ayon sa hepe nya, kasama nya as undercover sa drug deal operation. Hindi raw niya kailanman nakausap ang mga dealers. Hindi sya isinasama nung tatlo.

Natakot daw sya nung madiskubre nya ang totoo dahil buntis na rin ang asawa. Matagal na nilang gustong magkaanak pero nasuong pa sa ganitong sitwasyon.

Sinabi nya sa asawa ang problema nya. Nagbalak silang umalis sa Negros para makaiwas pero parang nakahalata raw ang mga kasamahan kaya naudlot ang pag-alis nila.

Nung huling transaksyon daw na sa kanya pinatago ang pera, balak nyang mag-report sa PNP headquarters at PDEA. Balak nyang gawing ebidensya ang drug money.

Nung gabing mapatay si Ely, yun rin ang gabing makikipagkita sya sa isang agent ng PDEA. Hindi raw sya sinipot nito. Nalaman nya na nabaril ito nang hindi nakilalang tao at kritikal sa ospital. Nagkakutob sya na may alam na ang mga kasamahan kaya umuwi sya. Doon nya nga inabutan ang tatlo sa bahay nila. And the rest is history.

Pagdating ni Rob, binalita nito na galing na ito sa Camp Crame. Nakipag-coordinate na rin sa PDEA at NBI.

"Hopefully, within this week, nasa Maynila na yung hepe at yung SPO3 Guinto for questioning and further investigation ng mga higher officials nila," si Rob.

Sinabi ko rito na kailangan ko rin ng dalawang security personel. Isa sa akin at sa mag-ina ko.

"Sige, bukas ng umaga, papupuntahin ko sa villa," ang sagot.

I cleared my throat, "Rob, do you still remember yung inauguration ng Hotel Schulz sa El Nido?"

"Yeah, what about?"

"Uhm, did you notice anything odd that day?"

Nag-isip ito saglit, "Matagal na iyon, bro. Pero aside from you ogling at Andie those days..."

"Tangna mo naman, Rob eh!" I sneered. Yari sa akin ito mamaya.

Tumawa ito, "...I mean, wala naman. Why?"

"How about with Madel?"

Ngumisi ito, "Bakit pinagdududahan mo pa rin na sa 'yo si Emma?"

"Ulul! Anak ko si Emma!" Sikmat ko.

"Eh yun naman pala!" Tapos nanukso ang mata nito, "Why the sudden interest on the mother?"

"Just answer the damn question," walang gana kong sabi.

"Wala eh. Alam mo naman yun, always in the shadows unless she's needed. Kung di ka mapagmasid, di mo mapapansin si Madel," tapos nag-isip ito saglit.

"But ... I remember something though."

"Ano?"

"She was a bit jumpy during Sarah's wedding, and a bit aloof the days that followed na nakita ko sya. Lalo na sa iyo. Remember Hope's birthday? At the hospital? She even looked sick and pale that day. I think she was already pregnant then," paliwanag nito.

Naalala ko ang araw na yun. Nahalata ko ring umiiwas ito sa akin.

"You still don't remember anything?"

Umiling lang ako.

Sandali kaming natahimik tapos nagpaalam na rin ako.

Bago ako lumabas ng opisina nya, "Hey, fucker! Just to let you know, Paul and Troy dropped by at the office this afternoon to visit your girl."

Nagdilim agad ang mukha nito.

Oh, loko!

Natatawang lumabas na ako.

Dumaan muna ako sa mall sandali para bumili ng pasalubong sa mga anak ni Andz at syempre para kay Emma. Medyo nahirapan ako pumili para sa anak ko. Hindi ko kasi alam ang gusto nito.

I looked at the time.

Dadating ako sa villa in time for dinner. Actually, baka mas maaga pa.

Pumaparada pa lang ako sa tapat ng bahay nina Schulz, may nakita na akong sasakyan doon na hindi pag-aari ng mag-asawa.

Kinutuban agad ako at nagdulot iyon ng maasim na pakiramdam sa sikmura ko.

And I was right.

Pagpasok ko pa lang sa maindoor, Andz is entertaining two visitors.

This was one thing na pinagtalunan namin noon ni Andz. But then again, I never won the argument.

I may have cut my communication with my family, but she has contact with my mother. It was ironic.

And when I came in full view, naroon din si Madel at si Emma, and my daughter just sat on my mother's lap!

I couldn't help but clench my jaw.

===========

Don't forget to comment and vote!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b4cr