11 Familiar
Sa villa na kami dumiretso. Wala akong nagawa.
Laking tuwa ni Nanay Lydia nang makita si Madel, ganun din ang mga dating kasambahay doon.
Nagulat sila nung ipakilala nito sa kanila si Emma na karga ko. Hindi naman sila nagkomento kahit nahalata ko na nakita nila ang malaking pagkakamukha namin ng anak ko.
Nasa piano class si Hope since it's a Saturday, kaya yung kambal lang ang naroroon.
Nahalata ko ang selos ng kambal nung makitang karga ko si Emma. Lalo na si Ashley.
Nagpaalam ako kay Andz at Schulz na doon muna kami ng mga bata sa attic playroom pagkatapos mananghalian.
Gusto kong bantayan ang tatlo. Gusto kong mapalapit ang anak ko sa mga batang minahal ko rin ng husto nung panahong hindi ko pa alam ang tungkol sa kanya.
Yung kambal, nakikipag-agawan sa atensyon ko. Kaya nga lalong naging awkward nung una si Emma. I didn't leave her side sa playroom. Halatang hindi sya sanay makisalamuha sa ibang bata.
Doon na kami inabutan ni Hope.
Umakyat ito kasama ni Madel sa attic room. Mapula ang mata nila pareho.
Mukhang nag-usap na ang dalawa sa ibaba bago pa kami akyatin.
As darling as she was, si Hope ang nag-adjust kay Emma. Kunsabagay, apat na taon mahigit ang tanda ni Hope dito.
Pagdating ng hapon, dumating sina Juno, Mike, Jeff, Ralph, Erol, Sarah at mga magulang ni Schulz.
Naiyak si Madel nung makita ang mga bisita nya.
Tuwang-tuwa si Tita Alice nung makilala si Emma.
"Naku, may anak ka na pala at kamukhang-kamukha ni..." napakunot ang noo nito tapos tumingin sa akin.
Napayuko si Madel. Napakamot ako sa batok ko.
"Aris...iho?"
"Po?"
Tinaasan ako ng kilay.
"Eh...ano, tita... anak ko po si Emma..." awkward kong sagot.
Narinig ko ang mahinang tawanan ng mga kaibigan namin.
"Hay naku...hay naku!" Parinig ni Juno.
Tss. Sinasabi ko na nga ba.
"Aba, e kelan nyo balak magpakasal?" Tanong ni Tita Alice habang himas sa ulo si Emma na katabi nito.
Namula si Madel at lalong nagpakayuku-yuko.
"Ano po...di pa namin napapag-usapan," alanganin kong sagot.
"Mom, they haven't talked since we picked them up," singit ni Schulz.
Tangnang aso 'to ni Andz. Pakelamero!
Pinanaliman ko ito ng tingin.
Nagkibit lang ito ng balikat. Sina Mike, nagtawanan lang.
"Ah, mahina," narinig kong sabi ni Rob kay Mike.
Nainis ako, "Musta kayo ni Jun, Rob?" sikmat ko. "Aray!"
May tumamang throw pillow sa gilid ng ulo ko. Tapos nag-walk out si Jun papunta sa den.
"Kids, laro tayo ng Tekken!" yaya ng kapatid ni Andz sa mga pamangkin. "Isama nyo si Emma."
Nagtawanan kami.
"Ikaw, Kho. Lagi mong inaasar si Jun," sabi ni Agoncillo.
"Ikaw nagsimula," sabi ko.
"Uhm, hatid ko lang po mga bata sa den," si Madel.
"Stay, Madel. We will talk. We came here for you," sabi ni Tita Alice.
Patay! Nung mawala si Tita Mina, si Tita Alice na ang parang pangalawang nanay ko. Aabutin ako ng sermon nito.
Tumayo si Rob, "Ako na lang po maghahatid sa mga bata sa den."
"Para-paraan eh. Ano, Rob?" tukso ni Sarah.
Napangisi ito. Karga ang kambal, nagpunta na ito sa den. Kasunod si Hope na hila si Emma sa kamay. Pati ang anak ni Sarah na hawak naman ng yaya nito.
"Sige na, baby. Sama ka sa kanila," sabi ni Madel.
Nag-high five ang mga lalaki. Pati si Tito Frank, natatawa.
"Kayong mga bata kayo, talaga," naiiling na sabi ni Tita Alice. "Hindi pa ba bababa si Andie?"
"She's asleep, Mom," sabi ni Schulz.
Doon namin pinaliwanang ang mga nangyari.
Parang maiiyak si Sarah, "Kumusta na si Andie, Kuya?"
"She's fine. She just needs rest for a week, I guess. Madel volunteered to look after her while we work on the case."
Saktong dumating si Ralph na may kasamang pang dalawang abogado.
Pinatawag ni Schulz si Rob sa den.
Nawala sa amin ni Madel ang usapan. Nakahinga ako ng maluwag.
Natuon ito sa kaso ni Anton at kung paano tutulungan ang lalaki.
Naumpisahan ko na namang maasar.
Nagiging unreasonable na yata ako. Para rin naman ito sa seguridad naming lahat, lalo na nina Madel at Emma.
Doon na kami lahat naghapunan.
Saglit kaming nagkape sa may pool area, tapos nagpaalam na ang mga bisita ni Madel at mga abogado.
Pero nagpaiwan si Juno, ang mga magulang ni Schulz at mag-asawang Villamar.
"We will all attend the mass tomorrow," anunsyo ni Tita Alice. "As thanksgiving for Madel's safe return and Emma's. Aris you're joining us. I won't take no for an answer."
Tumango ako. Wala naman akong balak tumanggi.
Sabay-sabay na kaming umakyat. Dumiretso na sina Tita Alice sa kuwartong gagamitin nila. Kami ni Madel, sumama kay Schulz to check on Andz.
May sinat daw ito sabi ni Schulz. It was something expected after a day or two dala ng contusions nya.
Madel checked on her. Pinainom ito ng gamot kahit halos di maibuka ang mata sa antok.
Lumapit ako kay Andz and planted a kiss on her forehead.
"Hey princess, rest well. Pagaling ka."
Umungol lang ito.
"Goodnight, I love you, and thank you..." bulong ko.
"Ok, 'night. Love you, too, panget," mahinang sagot ni Andz. Tinulak nito ang noo ko. "Istorbo sa tulog eh."
Tumikhim si Schulz, "That's enough, you douche. I'm the husband. Not you."
"Insecure ka na naman," sikmat ko tapos dumiretso na ako ng tayo. "Panget ka kasi."
"Mas panget ka," mahinang sagot ni Andz pero nakapikit pa rin. "Half, tulog na tayo."
Schulz gave me a smug face, "I told you," sabi pa.
Napatingin ako kay Madel. She was looking at us with... is that envy and jealousy?
Yumuko ito nung napansin nyang nakatingin ako sa kanya.
"Ahm, Sir Reid. Balik po ako dito after six hours para sa gamot ni Ate Andie," sabi nito.
"No, it's ok. Just let me know which meds she needs to take. Ako na magpapainom sa kanya later. You have to get yourself some rest after that long ordeal," si Schulz.
Matapos magbilin ni Madel, sabay na kaming lumabas ng kuwarto nina Schulz.
It's past ten in the evening. Tulog na ang mga anak nina Andz.
"Si Emma?" tanong ko kay Madel na nauuna sa aking maglakad.
"Uhm, na kay Jun. Kukunin ko na nga."
Sumama na ako tutal katapat lang ng kuwarto ko ang kay Juno. Ihahatid ko na rin sila sa kuwarto nila after.
Tulog na si Emma nung kunin ni Madel sa loob ng kuwarto nito.
Bago isara ni Juno ang pinto nya, sinuntok ako nito sa balikat.
"Aray...ano na naman?!"
Dinuro ako nito tapos matalim ang tingin sa akin, "Ikaw, akala mo!"
Sabay sara ng pinto nya bago pa ako makapagsalita.
Natawa ako. Parang baliw din ito e.
Paglingon ko, pumapasok na si Madel sa katapat na kuwarto.
Sumunod ako. Ako na ang nag-ayos ng kama bago nya ilapag si Emma.
"Ano, uhm... ano... Sir Aris..." nakayukong sabi nito.
May Emma na kami tapos Sir Aris. Anak ng ...!
"...ok na kami dito. Labas ka na."
Napatanga ako dito. "Hah?"
"Ano kasi..." lalo itong naging alumpihit. Gusto kong matawa. Ang cute lang, parang tanga.
"This is my room in this villa," I flatly said. "Matulog na tayo."
"Eh teka muna," natataranta nitong sabi. Napatingin ito sa akin tapos bigla ring nag-iwas ng mata.
"Dito kami hinatid ni Sir Reid eh. A-ayun nga yung bag namin oh," turo nito.
I rolled my eyes. Humakbang ako sa isang built in cabinet malapit sa walk-in closet.
I opened it, "See, I have clothes here."
Naroon pa yung damit kong dala pagkagaling ko sa Negros.
Napabuka ang bibig nito tapos umilap ang mata.
"Ano, lilipat na lang kami ng –"
"No, you stay. The host said you sleep in my room. Besides, Emma is my daughter."
"E papa'no ako?" turo nito sa sarili.
"The bed is big enough for the three of us. And what's the big fuss about, Madel? Nakabuo nga tayo ng Emma."
Namula ito. I almost smirked.
"H-hindi yun. Ano kasi... di ako kumportable na –"
"Kanino ka kumportableng katabi? Yung Anton? Ganun ba, Madel?" Asar kong putol sa kanya.
Napatingin ito sa akin, "Ano'ng pinagsasabi mo?"
"Magkasama kayo ng isang taon palipat-lipat ng lugar. And the guy's delusional that you're his wife. So ano'ng gusto mong isipin ko, Madel?"
Napatanga ito sa akin na hindi makapaniwala.
"Bu-angon kaayo," she muttered.
Naintindihan ko iyon. May mga staff kaming nagsasalita ng ganun sa MonKho. Pero di ko na pinatulan.
"Magsa-shower lang ako. Matulog ka na," sabi ko.
Kumuha ako ng damit sa handcarry bag ko. May towel naman lagi sa closet sa banyo.
Habang naliligo, naisip ko, awkward naman talaga. Kahit ako.
But I have to impose my rights.
Rights?
I mean as a father to Emma.
Defensive?
Damn!
Ang akin lang, I didn't like that Emma called that psycho 'Papa'. Ako ang dapat tinatawag nya ng ganun.
Tangna naman kasi! Bakit ngayon ko lang nalaman?
Well, actually, di ko naman talaga alam.
Pero teka, matanong nga si Madel pagkatapos ko maligo.
Nagbihs na ako ng sando at cotton shorts.
Kaso paglabas ko nang banyo, tulog na rin si Madel. Medyo naghihilik pa nga ito ng mahina.
Naawa naman ako. Parang ngayon lang ito uli nakatulog ng maginhawa.
I was thinking, di agad ito makakatulog dahil nagpo-protesta pa nga ito na dito sila matutulog kasama ko.
Pero, ayun, nakayakap kay Emma at tulog na tulog pareho.
Hininaan ko ng kaunti ang AC. Baka di pa sila masyadong sanay sa malamig.
Inayos ko ang comforter sa paanan nila para ikumot sa kanila.
Tsaka ko napansin na nakamaong jeans pa ito at sleeveless blouse. Si Emma, naka-jumper shorts at tshirt.
Napatingin ako sa braso ni Madel.
Tsk! Medyo nangingitim pa rin ang pasa nya. May bumangon na namang galit sa dibdib ko para kay Anton.
Kinumutan ko na sila. Gumalaw ito ng konti tapos lalong kinupkop si Emma sa kanya.
A mother's protective instinct.
Napangiti ako ng matipid.
Magpapaiwan si Madel kay Anton, kapalit ng kalayaan ng anak ko.
O baka naman, gusto nya talagang sila na lang nung Anton ang magkasama?
Tss.
Naasar ako sa naisip ko.
Hindi ganun pagkakilala ko kay Madel. Nung kay Hope nga lang, protective na sya, kay Emma pa kaya.
Di ako pa ako inaantok.
Lumapit ako sa maliit na travelling bag nilang mag-ina. Kinalkal ko ang laman nun. Puro damit lang nila na iilang piraso. Walang kumportableng pambahay. Binili ito para sa madaliang pagtakas. Puro panlakad eh.
Tsk! Ni hindi nagsabi kay Andz para napahiram muna sila ng maayos na pambahay.
Hindi pwede ito. Kakausapin ko si Andz bukas. Mamimili kami ni Madel ng mga gamit nila.
Inayos ko ang mga damit nila sa walk-in closet. Dito na sila sa kuwarto ko hanggang makumbinsi ko na sya na sumama sa akin. Sila ni Emma.
Pinatay ko ang ilaw tapos binuksan ko yung bedside lampshade. Tsaka ako nahiga sa kama. Nasa gitna namin si Emma. Nakasiksik silang mag-ina sa isa-t-isa kaya ang laki ng espasyo ko.
Pinagmasdan ko silang dalawa. Pareho kasi silang nakaharap sa akin.
Umangat ang kamay ko sa ulo ni Emma at hinaplos iyon.
Napangiti ako.
Akalain mo, Aris. May Emma ka na pala!
Katakut-takot na asar ang aabutin ko kina Mike sa Lunes. Di lang makapanukso ang mga iyon dahil naririto si Madel at mga magulang ni Schulz kaya akala mo ang babait ng mga gago!
Napatingin ako sa mukha ni Madel. Napansin ko na may bakas ng luha ang mata nya.
Napabuga ako ng hangin. Dala siguro ng relief na ligtas na silang mag-ina.
Pinahid ko iyon ng daliri ko tapos hinaplos ko ang bandang panga nya na may papahilom na pasa.
Medyo napapitlag ako. Her skin's touch is familiar to me.
Kumunot ang noo nito. Sa tulog nyang estado, nahulma ang pag-aalala sa mukha nya.
Unconsciously, I felt protective of them.
Tama si Andz. I have to work this out. May Emma na kami.
Bumaba ang kamay ko sa bewang ni Madel tapos hinapit ko silang mag-ina sa espasyo sa gitna namin.
Inangat ko ang ulo ni Madel para makaunan sa braso ko. Ni hindi ito nagising.
Gumalaw lang ng kaunti tapos sandali lang, ayun na naman ang mahina nyang hilik.
Pagod talaga.
Umungot si Emma kaya tinapik-tapik ko ito sa hita. Iniyakap nito ang isang braso sa akin.
Pumikit na ako.
Di ko alam kung gaano katagal na akong nakapikit.
Nung may magsalita, "Teka, Sir Aris..."
Pilit kong idinilat ang mata ko. Ang hirap. Ang bigat ng talukap ko. Ang sakit ng ulo ko.
Pamilyar sa akin ang pakiramdam na ito.
"...hindi dyan ang papunta sa hotel clinic. Ay! Ano ba!"
Napasandal ako sa dingding. Pilit ko pa ring dinidilat ang mata ko.
Shit! Nahihilo ako! At ang init ng pakiramdam ko!
Ang una kong nakita, paa ko at may isang pares din nang paa na nakaharap sa akin.
Parehong may bakas ng puting buhangin ang mga paa namin.
Yung puting buhangin na naman!
Nananaginip ako!
Pero pamilyar sa akin ang pakiramdam ko. Nahihilo na masakit ang ulo at mainit ang pakiramdam.
"Sandal ka lang dyan. Tatawag ako ng hotel staff. Hindi kita kaya mag-isa," sabi nung babae.
Nag-angat ako ng ulo. Patalikod na sa akin yung babae.
Naka-suot ito ng printed na sarong. Nakabuhol sa leeg nya in halter style.
Dahil manipis iyon, at medyo dim ang ilaw sa puwesto namin at maliwanag sa pupuntahan nya, bakas sa silhuweta nito na nakasuot ito ng puting bikini.
Napangisi ako. Decently hot and sexy.
Inabot ko sya sa balikat. Tapos hinatak pabalik sa akin.
Napasandal sya sa akin tapos napasinghap. Inikot ko ang isang braso ko sa bewang nya and the other across her chest.
I embraced her tight. Tight enough that she won't be able to move or at least escape.
"Andz...wag mo ko iwan..." bulong ko.
"H-hindi ako si A-ate Andie..."
Napadilat ako. Madilim. May humahaplos sa mukha ko. Nagtagal iyon sa labi ko.
That woman's hand. The touch is familiar. Even her natural scent.
It's her again. That faceless woman I dreamt about a week ago!
Pilit kong inaaninag ang mukha nya sa dilim. Nakaupo sya sa gilid ng kama ko.
There it is again. I knew she was looking at me in the dark.
She even sniffed. Umiiyak ba ito?
Tang-ina! Hindi ko makita ang mukha nya. Only the contour of her face is what I see.
Tapos bigla itong tumayo at lumayo.
"Wait!" tawag ko.
Napadilat ako.
Mukha ni Madel ang una kong nakita, nakatitig sa akin.
Titig na pamilyar sa pakiramdam ko.
Bigla syang namula at bumangon.
Sinundan ko sya ng tingin nung pumasok sya sa banyo.
Hindi agad ako makatayo dahil tulog pa si Emma tapos nakadantay sa akin ang paa at nakayakap sa leeg ko ang kamay.
Dahan-dahan akong bumangon para di ito magising. Naupo ako sa gilid ng kama.
Maliwanag na pala. I looked at the wall clock. It's forty past six in the morning.
Lumabas si Madel sa banyo na nakahilamos na.
Alumpihit ito nung makita akong bumangon na. Nagpalinga-linga ito.
"Nasa walk-in closet na yung mga damit nyo," sabi ko, "Inayos ko kagabi habang natutulog kayo."
Nung akma syang hahakbang papunta doon, "Mamaya na muna yan, Madel. Mag-usap muna tayo."
Natigilan sya, "T-tungkol saan?"
Napahilamos ako sa mukha. "Kay Emma. Sa atin. Sa lahat."
She became uncomfortable. I see that she was fidgeting.
I tapped on the space beside me. "Sit here."
Hindi ito sumunod. Instead, she pulled the chair sa tapat ng vanity mirror. Doon sya naupo.
"Madel, plese don't start by being hard-headed. If you don't want to sit beside me, at least come closer," exasperated kong sabi.
Kagat-labi itong sumunod.
Ito na kami magkaharap, pero di ko naman alam kung ano ang itatanong ko. Tsk!
I felt awkward, too. But we need to move forward. And I have to do the first action. Di ko maaasahan na gagawin iyon ni Madel.
Dahil kung di pa sila nalagay sa peligro ni Emma at di nakita nina Schulz, mukhang wala itong balak na sabihin sa akin ang tungkol sa bata.
I cleared my throat, "Gaano katagal mo na ako...kami kakilala, Madel?"
"Ano..."
"Yung totoo!"
"Uhm...m-matagal na. Ano, nung college, sa St Margarette pa lang," mahina nyang sagot.
"Bakit di mo sinabi?"
"E hindi naman importante y-yun. Ano, kasi, sikat kayo sa campus. Yung banda nyo pati si Ate Andie. Ano, kaya kilala kayo. Ganun."
"Paano nabuo si Emma?"
Napangiwi ito. Tapos namula.
Shit! What a stupid question!
"No, I-I mean ...of course... I know how babies are made," pati ako di ko alam ang tamang salita.
Natural, when a man and woman have sex!
Shit! Alangan namang sabihin ko 'yon? Very unethical. Di naman kami close or what ni Madel.
Hindi close ha? Pero may Emma! Tss.
May kumatok.
Ako na ang tumayo para alamin kung sino iyon.
Si Nanay Lydia.
"Aris, iho. Malapit na mag-agahan. Magsisimba daw kayong lahat."
"Uhm, sige po. Si Andz po?"
"Gising na yung mag-asawa. Sasama sila pero uuwi rin agad," ang sabi.
"Sige po, maghahanda na kami. Susunod kami para sa agahan," sabi ko.
Pag-alis ni Nanay Lydia, nalingunan ko si Madel na nakatingin na naman sa akin ng malungkot.
What's with that sad eyes?
"Ano, ganito na lang," sabi ko. "After attending the mass, we will go shopping with Emma. We'll buy you clothes. Ipagpapaalam kita."
Tsk! Para akong magpapaalam na ide-date ko ang mag-ina ko. Tapos kay Asshole pa. Tangna!
"Eh, ano kasi..."
"I'm not asking for you to agree. I'm telling you what we will do later. Ako na bahala kina Andz at Schulz."
Napakagat na naman ito sa labi.
"By the way, I spoke with your landlords back in Negros. May mga sulat kang dumating galing sa ospital na pinagta-trabahuan mo, sa school at sa banko mo."
Kinuha ko ang mga iyon sa gamit ko tapos binigay ko sa kanya. "I will have someone to fix your record sa ospital at school mo para alisin nila ang AWOL record mo. Then we will work on getting you new sets of IDs and coordinate with your bank. Ayoko nang babalik ka pa sa Negros."
Tumango lang ito.
"We will do our best para matapos agad ang kaso ni Anton. That way, wala ka nang pwedeng idahilan para di kayo sumama sa akin ni Emma."
Napaangat ito ng tingin sa akin.
"Pero, S-sir Aris..."
"No buts! And stop calling me Sir. My God!"
Napayuko na naman ito. Naumpisahan ko nang mainis sa ugali nyang yun. Di naman sya dating ganyan. May pagkasuplada at straight forward nga itong makipag-usap dati sa akin sa Palawan.
"Will you stop looking at your damn feet, Madel?!"
Napaigtad ito sa pagtaas ng boses ko.
Napabuga ako ng hangin sa bibig.
Bakit ba lagi akong naiirita lalo na kung tungkol sa babaeng ito?
"And lastly, si Emma. I will change her last name to Kho."
=========
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro