Chapter 17
Dali-dali akong tumakbo papuntang garden saka roon umiyak, hindi ko alam bakit nga ba ako umasa? Ako naman ang umasa kaya walang may kasalanan kung bakit ako umiiyak.
"Umiiyak ka na naman." Mabilis ako napalingon sa likod ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki.
"Keian..." Humihibik kong tawag, hindi ko ine-expect nandito siya. Binuksan niya lang ang dalawang kamay na animo'y na sinasabi na lumapit ako dahil yayakapin niya ako.
Dali-dali akong tumakbo at saka siya niyakap para roon umiiyak.
Ginantihan naman din niya ako nang mahigpit na yakap hindi ko alam pero, comportable ako sa kan'ya para mas gusto ko umiiyak sa harap niya kaysa sa ibang tao.
"Shh... Tahan na, sorry dahil wala akong magawa." Sambit niya habang hinagod-hagod ang likod ko.
"Wala ka naman kasalanan kaya 'wag ka mag-sorry." Sabi ko, dapat pa nga ako magpasalamat dahil sa tuwing na iyak ako nandito siya sa tabi ko. Iyong tipong babago ko siyang kilala pero narito siya para sa akin.
"Iiyak mo lang, alam kong masakit ang nararandaman mo iiyak mo lang nandito lang ako." Aniya, kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kan'ya.
Halos sampong minuto rin ang tinagal namin sa position na 'yun saka ako kumalas nang yakap sa kan'ya. Umupo lang kaming dalawa sa ilalim ng puno kung saan kami unang nagkita noon.
"Salamat." Imik ko, pagbasag sa katahimikan sa pagitan namin dalawa, may inabot siyang tubig agad ko naman kinuha iyon at ngumiti sa kaniya saka uminom.
"Pasenysa kana sa kapatid ko." Sambit niya nakinatigil ko, alam niyang nag-away kami ng kapatid niya? Pero bakit ako ang sinamahan niya imbes ang kapatid niya?
"Ayos lang." Sagot ko ayaw kong ipakita sa mga tao ang nararandaman ko, kilala akong masiyahin kaya ayokong pinapakita sa kanila 'pag nagagalit ako, naiinis ako, at 'pagnaiyak ako.
"Alam kong you're not okay, Margaret, 'wag kang mahiya sa 'kin na ipakita o sabihin ang totoong nararandaman mo." Nakangiti niyang sabi kaya nginitian ko rin siya.
"Tara na, ayos na ako." Nakangiti kong yaya, nauna na akong tumayo kaya tumayo na rin siya.
"Gutom kana ba?" Tanong niya sa 'kin bigla ko tuloy narandaaman ang gutom ko.
"Hehehe, gutom na nga ako." Natatawa kong sabi imbes magsalita ay mabilis niya lang akong kinurot sa pisngi saka hinawakan ang kamay ko at hinila.
Pero bago pa kami magpatuloy sa paglalakad ng bigla tumunog ang cellphone ko.
"Saglit lang," sabi ko, tumungo lang siya kaya kinuha ko ang cellphone ko.
Si Dwin lang pala.
"Hello..." Sagot ko.
"Nasaan ka?"
"Hmm... Nasa garden, bakit?"
"Pumunta ka rito sa Dean office nandito ang Mommy at Daddy mo, papunta na rito ang Mommy ni Fritz."
Sumbongera na bata!
"Sige..." Ayon nalang nasabi ko at pinatay ang tawag, first time ito sakali hindi ko alam gagawin at mararandaman ko, madalas mapatawag magulang dahil sa academics or school achievements hindi sa away.
Napabuntonghininga nalang ako, maapektuhan pa yata record ko, hirap kasi gawa magmo-moving up kami.
"What's that?" Tanong sa 'kin ni Keian kaya napatingin ako bahagya sa kan'ya.
"Hmm, wala pinapapunta lang ako sa Dean office." Simple kong sagot.
"Samahan na kita." Prisinta niya tumungo lang ako saka kami nagsimula ulit maglakad. Pansin ko napapalingon sa amin ang ibang estudyante naglalakad hindi ko nalang pinansin iyon, alam ko naman iniisip nila it's either iisipin nilang manliligaw ko si Keian or bakit hindi ako nakabuntot kay Kobi ngayon.
Hindi ko alam pero, ang lakas nang tibok ng puso ko sa sobrang kaba ko, simula bata ako hindi pa ako napapatawag sa Dean office, dahil sa kalokohan ko, kilalang akong makulit nabata pero hindi ako kilalang nakikipag-away.
Pagkarating namin sa harap ng pinto ng Dean office at huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang pinto.
Pagkabukas ng pinto ay si Fritz at Kobi agad ang nakita ko saka ako bumaling nang tingin kala Mama at Papa na nakatingin sa 'kin. Ngumiti si Mama sa akin habang kunot ang noo naman ni Papa na halatang napilitan pa rin ngumiti sa akin.
"Good afternoon, Dean." Sabay naming bati ni Keian. Nakita ko naman napatingin si Kobi sa gawi ko. Hindi ko muna siya papansinin.
"Kuya!" Sigaw ni Fritz kaya napatingin ako sa kan'ya bahagya saka siya inirapan, binaling ko ulit ang mga tingin ko kay Kobi na nakatingin pa rin sa 'kin makikipaglabanan pa sana ako nang tingin pero, ako agad ang sumuko
Lumapit ako kala Mama na nakaupo lang doon sa tabi nila.
"Mama..." Mahina kong tawag habang nakayuko. Nakakahiya, puro away na nga sila ni Papa dahil sa akin tapos mangyayari pa ito.
Ngumiti lang sa akin si Mama kaya mas natahimik ako, hindi ko alam paano niya gagawang maging mabait pa rin sa akin kahit hindi ako naging perpektong anak para sa kanila.
Lumipas ang ilang minuto bago ulit bumukas ang pinto at napatingin ako roon, isang magandang babae ang niluwa no'n at parang kahawig ko pa.
"Sorry Dean, I'm late." Paghingi niya nang paumahin saka umupo sa tabi ni Fritz, siya siguro ang Mommy ni Fritz pero, ang pinagtaka ko bakit parang nagulat si Keian na nandito ang Mommy nila.
"Okay lang Mrs. Sandoval." Sambit ni Dean yumuko lang ang Mommy ni Fritz saka tumingin sa direksyon namin nila Mama, parang nagulat siya na makita niya si Mama na gulat din nakatingin sa kan'ya kahit si Papa ay gulat.
Napakunot ang noo ko, dahil hindi ko sila ma-gets bakit sila nagugulat ng makita nila ang isa't isa?
"Troy..." Mahinang sambit ni Mrs. Sandoval. Kilala niya si Papa?
"Elizabeth..." Rinig kong bulong ni Mama ano ba talagang nangyayari? Magkakilala ba sila?
"Marga..." Naiiyak na tawag ni Mrs. Sandoval sa pangalan ko.
Naguguluhan talaga ako, tumingin ako kay Kobi na naguguluhan din sa nangyayari.
"Mom..." Mahinahon na tawag ni keian sa Mommy nila, please ano bang nangyayari bakit gan'yan ang mga reaksyon niyo? Bakit kinakabahan ako? Bakit parang natatakot ako? Hindi ko maintindihan?!
"Kobi..." Pagtawag ko dahil sa mga oras na ito parang siya ang gusto kong makausap imbes manatili rito dahil naguguluhan ako ayoko nang gantong pakirandam.
"Iho pwede bang ilabas mo muna si Marga?" Rinig kong pakiusap ni Mama kay Kobi, tumungo lang si Kobi saka lumapit sa 'kin at inilalayan ako patungo sa pinto pero, hindi pa kami nakakarating nang tuluyan sa pinto nang bigla tawagin ni Papa ang pangalan ko.
"Marga!" Pasigaw niyang tawag sa 'kin. Mabilis ako napalingon sa kanila.
"S-Siya s-si Marga?" Nauutal na tanong ni Mrs. Sandoval.
Ano naman kung ako si Marga?
"Bakit po?" Inosente kong tanong dahil naguguluhan talaga ako sa nangyayari.
"Troy..." Tawag ni Mrs. Sandoval kay Papa.
"S-Siya ba... Ang Anak k-ko..." Utal paring sabi ni Mrs. Sandoval habang nakaturo sa 'kin. Natigilan ako. Randamn ko rin si Kobi na nakahawak sa akin ay natigilan, oo alam kong anak ako sa labas pero hindi ko maisip...
Anong ibig sabihin niya... Anak ko? Tama ba ang narinig ko? Anak niya ako?
"Mom!" Pasigaw na tawag ni Keian sa Mommy nila. Napatingin ako kay Dean na nalilito sa nangyayari.
Dahan-dahan ko inalis ang pagkakahawak sa 'kin ni Kobi saka mabilis na lumapit sakanila.
"Papa..." Naiiyak kong tawag, dahil hindi ko kaya ang nalaman ko sa araw na 'to kaya ko magpigil ng iyak pero, kapag sobrang nasasaktan ako mahirap din magmukhang masaya.
"Marga..." Malambing natawag sa 'kin ni papa saka siya tumayo at lumapit sa 'kin.
"S-Siya ba ang tunay kong ina?" Nanginginig kong tanong.
"Marga, anak..." Pagtawag naman sa 'kin ni Mama pero, hindi ko pinansin 'yun dahil hindi ko maalis ang tingin kay Papa gusto ko sabihin niya sa 'kin ang totoo.
"Anak patawarin mo 'ko..." Tanging sagot ni Papa saka yumuko. Ibig sabihin totoo nga, na anak ako ng babaeng 'yun ang masaklap kapatid ko rin ang babaeng 'yun na nanakit sa lalaking mahal ko.
Ibig sabihin kapatid ko rin si Keian, kaya ba siya gano'n siya sa 'kin dahil alam niyang kapatid niya ako? Pero bakit hindi niya sinabi sa 'kin?! Bakit?! Ganoon ba sila karamot para ipagkait sa akin ang katotoohanan?!
Tinitigan ko silang lahat nang masama saka tumakbo palabas, rinig ko pangtinatawag ako nila Keian pero, hindi ko na sila pinansin.
"Marga!" Rinig kong boses ni Kobi, tumigil ako sa pagtakbo, talagang boses mo lang ang nagpapatigil sa'kin.
"Marga..." Mahinahon niya ng tawag sa 'kin saka pumunta sa harapan ko.
"Ayos ka lang?" Tanong niya, ang talino naman niyang tao pero bobo rin, tanungin ba naman ako kung okay ako?!
Tanungin kaya kita kapag nasaksak kana tapos sabihin kong kung ayos ka lang?!
"Oo ayos lang ako. " Sagot ko nalang saka pinapahidan ang mga luhang pumatak sa mata ko.
"Gusto mo ba magpahinga?" Tanong niya kaya bahagya akong tumingin sa kan'ya.
Bakit kaba ganito sa 'kin?!
Ginugulo mo ang isip at puso ko! Umaasa ako, umaasa akong mahal mo na ako.
Pero umasa lang ako. Tapos ngayon, ipaparandaman mo naman sa 'kin na mahalaga ako at parang mahal mo ako. Ayaw kona umasa pero tangina. Puso kong ito pilit siyang umaasang mamahalin mo rin ako.
"Marga... Please 'wag kana umiiyak nasasaktan ako." Sambit niya at hinila ako palapit sa kaniya saka niya ako bigla niyakap nakinagulat ko naman, nakita kong napatingin sa 'min ang ibang dumadaan. Maraming nagbubulungan, sigurado akong topic na ito mamaya.
"Kobi..." Mahina kong tawag, dahil putangina! Ginugulo na naman niya ang puso ko ang nararandaman ko.
"Shh..." Aniya saka ako binuhat na parang bata, putakte nakakahiya!
"Alam kong gusto mo magpahinga, dadalhin kita sa lugar na makakapag-pahinga ka ha. Please stop crying na, okay?" Sambit niya saka naglakad niyakap ko nalang ang dalawa kong braso sa kan'yang batok at siniksik ang ulo ko sa kaniyang leeg.
Bakit mo ba ako ginaganito ginugulo mo.... Ano ba talaga Kobi?! Umaasa na naman ako at hindi ko siguro kung bakit ba ako umaasa kahit alam kong wala pa naman pag-asa...
Maya-maya ay narandaman kong unti-unti na dumilim ang paningin ko nakarandam ako nang antok.
Sometimes kung sino pa iyong parang hindi mo makakasundo sila pa iyong nariyan para sa iyo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro