Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata bago nilibot ang dalawang mata sa buong paligid.

Nasaan ako? Nasaan si Kobi? Iniwan na naman niya ako?

Napatunghay ako nang marinig kong bumukas ang pinto, hindi ko nakalimutan ang nangyari kagabi naalala ko lahat.

Mabuti talaga dumating si Kobi kundi, baka kung ano na nangyari sa 'kin.

"Good morning." Nakangiting bati niya sa 'kin, gusto ko magtaka ba't siya nakangiti kaso 'wag nalang baka mawala pa siya sa mood..

"Morning din." Bati ko saka tinignan ang suot ko roon ko lang nakita na iba na ang suot ko. Hayop siya ang nagpalit sa 'kin?!

Nakita niya na ang buong katawan ko!

"Ikaw nagpalit sa 'kin?!" Galit kong tanong, kahit patay na patay ako sa lalaking 'to hindi ako papayag na makita niya agad ang maganda kong katawan.

"Hey! 'Wag ka mag-isip ng masama si Ate ang nagpalit sa 'yo." Sagot niya, nahalata niya 'ata nag-iisip ako ng masama, buti naman at si Ate Angela ang nagpalit sa 'kin nakahinga ako nang maluwag.

"Kaninong kwarto 'to?" Tanong ko, dahil hindi ko kwarto 'to at sure akong hindi ito ang bahay ko.

"Nasa condo kita, hindi kita pwede iuwi sa inyo na gano'n ang itsura mo, baka magalit sila Tita." Sagot niya saka naupo sa kama kaya umipod ako nang kaunti palayo sa kan'ya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya, mahinahon ang boses niya kaya hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o ano?

Sa totoo lang hindi ko alam kung ayos lang ba ako o hindi, wala naman nagalaw sa 'kin, nahawakan oo... Pero ayoko na isipin, mabuti nalang talaga reserved ako para kay Kobi 'no.

"Oo, tsaka wala naman ginawa masama sa 'kin si Tyron." Sabi ko nalang para hindi siya mag-aalala kung mag-aalala siya eh.

"I'm so sorry." Nakayuko niyang sambit, kaya agad ako na alarma bakit ba siya nag-so-sorry?! Wala naman siyang kasalanan.

Dapat nga ako mag-sorry dahil kundi ko siya pinilit na isama ako 'di magkakagulo.

"Oy Kobi wala kang kasalanan!" Aligaga kong sabi saka pilit tinataas ang ulo niya.

"Are you sure, you okay?" Tanong niya ulit, dali-dali naman akong tumungo pero, agad ako nagulat nang bigla niya ako yakapin kaya niyakap ko na rin siya... Sarap sa feeling kaya...

"I'm sorry, naguguluhan pa ako." Sabi niya habang nakayakap sa 'kin kaya naguluhan din ako dahil sa sinabi niya. Ano raw?

"Hmm... Ano'ng ibig mo sabihin?" Tanong ko saka humiwalay sa pagkakayakap sa kan'ya.

"While you were asleep you spoke suddenly and I heard you say that I hurt you, so I'm sorry if I hurt you but, I guarantee I will never hurt you again.." Sabi niya na ginagulo ng utak ko.

Masyado ma-english.

Nagsalita ako kagabi? 'Yun lang ba talaga ang sinabi ko? Tange mo Marga bakit kaba nagsasalita ng tulog pero, anong sabi niya? Hindi niya na ako sasaktan pa ulit?

Paano kung ang mahal niya pa rin ay ang babaeng kinakaselos ko.

"Uhm... 'Yun lang ba ang sinabi ko kagabi?" Nahihiya kong tanong aba, malay ko bang marami pa akong sinabing kalokohan.

"Wala na." Sambit niya bago tumayo sa pagkakaupo saka ulit nag-salit.

"Maligo kana may damit doon sa bathroom ihahatid na kita sa inyo baka nag-alala na sila sa 'yo." Bago ako tinalikuran at nagsimula maglakad papunta sa pinto.

"Salamat." Sabi ko, nakinatigil niya sa paglalakad saka bumaling sa 'kin.

"Ako dapat ang magpasalamat sa 'yo." Sabi niya saka nagpatuloy sa paglalakad. Ano raw? Siya raw dapat magpasalamat sa 'kin? Ano'ng ginawa ko para magpasalamat siya?

Pagkasara ng pinto ay dali-dali ako nagpunta sa bathroom doon ko nakita ang isang paper bag, pagkatingin ko sa loob ng paper bag ay meron Isang kulay pink na dress, baby bra na white at panty na kulay pink!

What?! Siya ang bumili nito. Hindi ba nahihiya nabumili siya ng underwear ng babae? At talagang baby bra ang binili niya!

Hindi naman maliit ah! Bakit baby bra?! Gano'n ba kaliit?! Para baby bra lang ang magkasya?!

Naiinis ako dahil baby bra ang binili niya sa 'kin pero, ano nga ba magagawa ko maliit naman talaga sad'ya kaya tinanggap ko nalang kahit masakit.

Namaliit lang ang mga bundok ko.

Halos isang oras din akong nagtagal sa banyo saka lumabas hindi ako masyado komportable sa suot ko, dahil walang shorts! Tapos hanggang tuhod ko lang ang Dress... 'Yung panty pa.

Anong klaseng panty 'to?!

Nang makalabas ako ng kwarto ay doon ko lang nakita ang kabuoan ng condo niya.

Malaki, maganda, parang bahay na rin siya na normal lang ang laki tumingi ako sa kaliwa ko at doon ko nakita ang living room na may malaking TV, sofa, at table.

Makikita mo sa labas ang maliit na swimming pool na pandalawang tao lang yata.

Lumingon ako paharap at doon ko naman nakita ang dirty kitchen, may dinning table na may tatlong upuan. Lumingon naman ako sa kanan at doon ko nakita ang dalawang pinto at nasisiguro kong restroom habang ang isa naman ay kwarto, dahil bukod pa ang daan palabas.

Pagkalingon ko sa pinto ay gano'n nalang ang gulat ko nang makita si Kobi na nakatayo roon.

"Tapos kana ba?" Tanong niya. Ay hindi nakahubo pa ako at naliligo joke.

"Oo." Naiilang kong sagot dahil narandaman kong kumulo bigla ang tyan ko kahapon pa ako walang kain tapos alak agad ang ininom ko kagabi. Para tuloy akonh sinisikmura.

"Kumain kana, I just take a shower." Aniya saka binaba ang paper bag nadala niya sa dinnig table bago naglakad sa kwarto na tinutukoy ko kanina.

Dahil nga gutom na agad akong kumain kahit hindi ko gusto ang pagkain, halata kasing pamayaman, mayaman kami pero, hindi ko hilig ang kumain nang gantong klaseng pagkain mas gusto ko pa kumain ng itlog.

Pagkatapos ko kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan ko.

Naglibot-libot ako sa kusina niya habang hindi pa siya nalabas mula sa kwarto niya.

Habang nalilibot ako ay napansin ko 'yung basuran na parang may picture frame... Bakit naman niya tinapon?

Dali-dali ko kinuha 'yun at doon ko nakita kung sino 'yung nasa picture... Si Fritz... pero, bakit niya tinapon 'to?

'Di ba mahalaga sa kanya si Fritz... Bakit niya tinapon ang picture ni Fritz?

'Wag mo sabihin naka move-on na siya Omygad! May pag-asa na ba ako?!

Nagtatalon ako habang iniisip ang bagay na 'yun nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya dali-dali kong binalik ang picture frame sa basurahan.

"Tara na." Yaya niya saka nanguna maglakad kinuha ko naman ang sling bag ko saka sumunod sa kan'ya gumanda ang araw ko.

***

Kobi's Pov

Pagkahatid ko kay Marga sa bahay nila ay agad kong tinawagan si Arnold para tanongin kung nasaan siya, gusto ko siya makausap may gusto akong malaman tungkol sa nararandaman ko.

Minaneho ko ang sasakyan papunta pabalik ng condo dahil nando'n pala ang lalaking 'yun sa taas lang ng condo ko, isang floor lang ang agwat namin.

Pagkarating ko sa condo niya ay pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama niya.

"Hoy!" Sigaw niyang tawag sa 'kin sabay tapik sa balikat ko.

"Ano'ng gusto mong pag-usapan natin tungkol sa nararamdaman mo?" Tanong niya sa 'kin kaya tumayo ako saka naglakad palabas ng kwarto niya at nagpunta ng kusina para kumuha ng beer.

"May gusto kana ba kay Marga?" Nang-aasar niyang tanong, I really hate this guy. 'Di ko siya pinansin at naupo nalang sa malaking niyang sofa.

"Bro... Don't tell me, 'yung feeling mo kay Marga ang pag-uusapan natin?" Nakangisi niyang tanong. Parang gago.

"Hindi ko nga kasi alam." Inis kong sagot. I don't really know!

"Sinabi na nga ba may gusto kana kay Marga, good for you at naka move-on kana rin pero, ang tanong dito gusto mo na nga ba talaga siya, as in gusto?" May lokong ngisi niyang tanong.

"I don't know nga, okay?, as long as I'm happy when I'm with her, I get hurt when I see her crying, I don't want anyone approaching her, I just want her to always stick to me." Paliwanag ko hindi ko talaga alam kung ano ba talaga nararandaman ko.

"Lintek! English na naman alam mo nag-english ako sa school lang, nasa condo tayo kaya tagalog lang pero, 'yang mga sinasabi mo narandaman ko rin 'yan kaya ibig sabihin niyan may gusto kana sa kan'ya, kay Marga." Malaking ngiti niyang sabi saka tumawa nang malakas.

"How do you make sure you have a feeling for her?' Tanong ko ngumisi lang ang loko saka umimik.

"Alam mo bro, nagmahal kana naman din pero, hindi mo alam kung siguro kana sa nararandaman mo. Well 'yung akin kasi nasanay akong nabuntot lagi sa 'kin si Dwin nasanay ako na nand'yan siya lagi kaya nung tumigil siya, doon ko lang na-realize na gusto ko siya. 'Yung tipong gabi-gabi ko na siya iniisip, iniisip ko na baka tuluyan na siya mawala sa 'kin gano'n akala ko nga ay dahil sanay lang ako sa kanya kaya ko nararandaman iyon, iyon pala hindi." Paliwanag niya uminom muna ako ng beer saka umimik ulit.

"But I just met Marga, just how can I make sure I like her and I have a feeling for her?" Tanong ko ulit napakamot naman siya sa ulo saka sumagot.

"Alam mo, may gusto kana nga sa kan'ya. Tanda mo 'yung araw na ikiwnento mo sa 'kin na nainis ka dahil kasama ni JC si Marga, isang pwede ng dahilan 'yun dahil sa lahat nagkakagusto sa 'yo si marga nakakuha ng attention mo or kaya ka lang naiinis dahil natatakot ka lang na makuha ng Kuya mo ang attention ni Marga at magkagusto rin ito sa Kuya mo...." Mahinahon niyang paliwanag pero, napatigil ako sa pag-inom sa huli niyang sinabi.

Baka natatakot lang talaga ako na maagaw na naman ni Kuya ang attention ng babaeng malapit sa 'kin or sad'yang gusto ko na talaga siya?

I really don't know, I'm not really sure.  Ayoko siya paasahin...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro