CHAPTER 8
Chapter 8: Penguin
Tulad nga ng sinabi ni Kenzo na ilibre nya ako ng Ice cream ay Inilibre nga ako.Nasa Park kaming dalwa ngayon habang kumakain ng Ice cream at pinapanood ang mga batang nag lalaro na hindi kalayuan samin.
Wala sa sariling napalingon ako kay Kenzo, Tahimik lang sya habang kumakain ng Ice cream, Daretso lang ang tingin nya sa mga batang nag lalaro.
Hindi ko maiwasan na mamangha sa sinabi nya kanina bago kami napunta dito sa Park.Kung tatanggapin ko sya ay ako daw ang unang babae'ng kaibigan nya.Ibig sabihin lang non talaga'ng gusto nya mag karoon ng kaibigan at nag kataon na ako yung Gusto nya.
Hindi ko alam kung tatanggapin koba sya, Ayoko talaga sa mga Bad Boy's pero sabi naman nya handa nya'ng talikuran ang Pagiging Bad Boy nya, Siguro naman dapat kong pang hawakan ang Pangako nya'ng yun diba? Hindi naman kasi Fair para sakanya na, sya unang nag alok sakin ng Friendship pero mas Una kong naging Kaibigan si Nic kesa sakanya.
"Hinay hinay sa pagtitig, baka mauna akong matunaw kesa sa Ice cream."
Napaiwas naman agad ako ng tingin ng dahil sa sinabi nyang yun.Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mga batang masayang nag lalaro.Nakakamiss din pala yung pagiging bata ano? Yung tipong masaya kalang na nag lalaro yung tipong wala kang problema na kailangan isipin, wala kang kailangan pag tuunan ng Pansin kundi ang Pag lalaro, Pag sasaya at ang Pag aaral.
Nang matapos kong ubusin ang Ice cream ko ay naramdaman ko na may tubig na pumatak sa Likod ng Palad ko kaya napaangat ako ng tingin.Makulimlim ang kalangitan, Mukhang uulan pa ata.
"Uulan? Maaraw pa kanina ah."Wala sa sariling sabi ko.
"T-tara na, Alis na tayo."Biglang aya ng katabi ko.
Kunot noo naman akong nilingon sya, Hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya, Nagiging Balisa sya na hindi ko maintindihan kung anong dahilan pero hindi kona lang pinansin yun.
"Ligo tayo sa ulan?"Aya ko.
"W-wag na h-hindi ako naliligo sa u-ulan."Utal na tanggi nya.
"Ang KJ mo naman! Minsan lang umulan kaya tara na."Pag pupumilit ko.
Umiling sya."A-ayoko talaga."Tanggi nya.
Inirapan ko nalang sya at nag desisyon akong tumayo,Tapos iniwan ko sya sa Bench kung saan kami nakaupo.Nag lakad ako palayo sakanya, hinihintay ko naman na tawagin nya ako pero nakita ko lang syang parang tulala kaya sa inis ko ay Iniwan ko sya doon pero nasa Park parin naman ako.
Nakita ko yung mga Parents ng bata na kinuha ang mga Anak nila, Dahil baka mabasa ng Ulan at ayun na nga bigla nalang bumuhos ang pag kalakas lakas na ulan kaya tuwang tuwa ako na nag Tatalon paikot.Buti nalang at naiwan sa loob ng Kotse ni Jaywon ang Bag namin, Isang bagay lang naman ang dala ko ngayon hindi ko alam kung bakit dala dala ko.
Patuloy lang sa pag buhos ng malakas ang ulan at ako ay nanati lang na dinadama ang pag buhos nito.Basang basa narin ako at ang Buhok kona kanina lang na nakamessy bun ay natanggal na.
Bigla ko naman naalala si Kenzo, Bakit kaya naging ganon yun? Bakit naging Balisa? Tapos panay pa yung pag tanggi na maligo sa ulan, Halos lahat ata ng Tao sa mundo naliligo sa ulan, Nakakapagtaka naman na sya lang yung hindi.Tsk Killjoy lang kamo sya.
Patuloy lang ako sa pag tatampisaw sa ulan habang may ngiti sa Labi ng bigla akong matigilan ng Kumidlat at Kumulog,Nabigla naman ako kaya tumigil ako sa ginagawa ko,Sa inis ko naman ay napamura ako dahil sunod sunod na ang Kulog kaya nag desisyon ako na Bumalik sa Bench nag babaka sakali na hindi ako iniwan ng Kumag na Bad Boy.
Pabalik palang ako sa Bench pero natigilan na agad ako ng makitang wala na sya doon.Tumakbo ako papalapit kung saan ko sya iniwan na nakaupo at Tulala, Wala na talaga sya dito.Inilibot ko ang Paningin ko,May ilan na nandito pa at naglalakad habang nakapayong pero wala akong makitang Kenzo sakanila.
"Nasan ang Kumag na yun?"Tanong ko sa sarili ko.
Tumakbo ako papunta sa Lugar kung saan sya nag Park ng Kotse nya at pag karating ko don ay nag taka na ako, Dahil wala naman sya sa Loob ng Kotse nya, As in wala akong nakikita na Kenzo.Hindi ko naman naiwasan na makaramdam ng Galit sakanya.Iniwan nya ba talaga ako dito? Tangina nya naman kung ganon.
Sa Galit ko ay hinampas ko ang Kotse nya pag katapos ay umalis ako sa Lugar na yun at sinubukan ko syang Hanapin,Kunot na Kunot talaga ang Noo ko as in, Galit ako, Iniwan ako ng Kumag na Kenzo ang masaklap iniwan pa yung Kotse nya.
"Kenzo?!"
"Tangina ka, Kenzo!"
Kahit anong pag tawag ko sakanya ay wala akong nakikitang anino ni Kenzo,Napakapit ako ng mahigpit sa Skirt ko dahil sa Sobrang inis kay Kenzo.Saan na nag punta ang Kumag na yun? Bakit wala sya? Kanina iniwan ko lang sya sa Bench.Ang Weird nya.
Patuloy lang ako sa pag hahanap at pag tawag sa pangalan nya kahit na nag mumukha na akong tanga,Ang gusto ko lang ay mahanap sya at Sampalin ng Ilang Beses dahil iniwan nya akong mag isa dito sa Park.Paano'ng nagawa nya akong iwan dito? Baka mamaya may kumidnap pa sakin dito hindi nya ba naiisip yun? Tsk nakakabwisit talaga.
Sa gitna ng pag hahanap ko kay Kenzo ay napunta ng paningin ko sa isang Waiting Shed, May taong nakaupo doon at basang basa rin kagaya ko, Naka Uniform din sya at parehong pareho sakin,Nakilala ko rin kung sino sya dahil sa Buhok nya. Sa inis ko ay tumakbo ako doon at nanggigil na tumigil sa Harap nya, Nakatungo lang sya.
"Hoy Kenzo! Ang kapal ng mukha mong iwan ako!"Sigaw ko sakanya pero parang wala syang narinig.
"Kenzo! Hoy! Ano binge kana ba?!"
"Tangina ka! Bakit mo ako iniwan don? Paano kapag nawala ako?!"
"Ano ba?! Mag salita ka ng–"
Natigilan naman ako sa pag sigaw sakanya ng mag angat sya ng tingin sakin,Doon nabura ang Galit ko dahil sa nakita kong umiiyak sya, As in umiiyak sya sa diko alam na dahilan.
Muli naman na kumulog na may kasamang pag kidlat kaya nagulat ako sa Biglang naging Reaksyon ni Kenzo, Tinakpan nya yung dalawang Tainga nya gamit ang Palad tapos tinatawag nya.
Ako.
"Red! Nasan kana!"Sabi nya.
Pinanood ko lang sya sa nangyayari sakanya dahil sa naweweirdohan talaga ako.
"Red! Bumalik ka dito! N-natatakot ako! May K-kidlat!"Sabi nya kaya doon kona narealize ang nangyayari sakanya.
Simula kanina,Noong inaya ko sya na maligo kami sa ulan, Tumanggi sya tapos inaaya na nya ako Umalis, Tapos bigla syang naging Balisa tapos nung iniwan ko sya tulala lang sya na para bang hindi nya napansin ang pag Iwan ko sakanya.Tapos yung ngayon, Sumisigaw sya, Natatakot sya, Nakatakip sa Dalawang Tainga at Hinahanap ako.
Takot sya sa Kidlat.
"Red! N-natatakot ako! Red! Asan ka!"Patuloy parin sya sa pag tawag sakin.
Naawa naman ako bigla sakanya, Bigla syang tumayo sa kinauupuan nya at akmang tatakbo paalis ng humarang ako sa Harap nya kaya hindi nya natuloy.
"Umalis ka! Hahanapin ko si Red! Red? N-natatakot ako Red!"
Sinampal ko naman sya ng malakas kaya nabalik sya sa Tamang wisyo nya.Natigilan sya pero patuloy parin ang pag buhos ng Luha nyang sumasabay sa pag buhos ng Ulan.Napatitig sya sakin at ganon rin ako sakanya.
Bigla naman nya akong niyakap kaya nagulat ako, hanggang balikat lang ako ni Kenzo dahil likas na matangkad sya, Kaya nga sya ang Captain.Wala naman akong nagawa kundi ang Yakapin sya pabalik, Tumingkayad pa ako para maabot sya dahil sa sobrang katangkaran nya hindi ko sya maabot.Humahagulgol sya sa Balikat ko.Samantalang ako naman ay hinahagod ang Likod nya para patahanin sya.
"Shush...Tahan na, Wag kana umiyak."Pag papatahan ko.
"A-akala ko nawawala ka, N-natatakot ako Kumidlat kanina, Red."Sabi nya.
"Okay lang, Tahan na, Nandito na ako."Sabi ko.
"Sobrang N-natatakot talaga a-ako."
"Wag kana matakot, Nandito ako, Wala kang dapat katakutan."
"Y-yung kidlat..."
"Kidlat lang yan, Mas matakot ka sakin."
"S-saan ka nag punta kanina? A-akala ko iniwan mo ako."
Kumalas naman kaming dalawa sa pag yakapan.Umiling naman ako.
"Naligo ako sa ulan, Hindi naman kita iiwan."Sagot ko.
"Red...U-uwi na tayo."
"Patilain natin yung Ulan, Tapos uuwi na tayo."
Tumango naman sya at pinahid na ang luha nya pero tuluyan parin syang Umiiyak.Umupo kaming dalawa, Kung dati ay hindi ko magawang makaupo ng sobrang dikit sa Tabi nya ay ngayon ay mag kadikit kami ngayon, Pinahiga ko sya sa Balikat ko, Hindi ko alam pero niyakap ko sya at ganon rin naman sya sakin, Nilaro ko ang Ilan sa Hibla ng Buhok nya habang sya naman ay sumisinghot singhot, Mukhang mag kakasipon pa sya.Sa twing kukulog o kikidlat ay ako mismo ang nag tatakip sa Dalawa nyang Tainga, Once na marinig nya iyon ay mawawala na naman sya sa Wisyo baka umiyak na naman sya.
Bad Boy sya, Walang kinatatakutan kapag napapaaway, Nambubully o nag papahirap ng Ibang tao, Pero si Kenzo? Iba sya, Hindi ko inakala na sya yung tipo ng Bad Boy na, Gagawin ang lahat para mag karoon ng Babaeng Kaibigan, Na kayang ibigay ang Lahat para sa Kaibigan, At higit sa Lahat? Takot sa Kidlat, Ubod pa ng Iyakin kung tutuusin unti unti ko ng napapansin ang Pagiging Childish nya.
"Natatakot kapa rin?"Tanong ko.
"Oo."Sagot nya.
"Takot ka sa Kidlat 'no?"Tanong ko ulit.
"Oo, Sobra'ng...Takot."Sagot nya.
Kinapa ko naman ang isang bagay na nasa Bulsa ko, Ito yung kaisa isang bagay na dinala ko bukod sa Bag ko na naiwan sa Kotse ni Kenzo.Pag kakuha ko sa Bulsa ay pinagkatitigan ko ito.Dalawang tao na ang pag bibigyan ko ng Bagay na ito, As in Dalawang Tao na talaga.
"What's that?"Tanong nya.
"Penguin, Ang Cute diba?"Tanong ko pabalik.
"Yeah."Sagot nya.
Kinuha ko naman ang palad nya pag katapos ay inilapag ko ito dito,Nag taka pa sya dahil don pero ngumiti lang ako tapos ako ang nag kuyom ng kamao nya para mahawakan ang Keychain.
"What I'm going to do with this?"Tanong nya.
"Itago mo yan, Kapag kumidlat ilabas mo tapos titigan mo."Sagot ko.
"Bakit? Andyan ka naman?"Tanong nya ulit.
Nag iwas ako ng tingin.
"Tag-ulan na ngayon, Kenzo."Sabi ko.
"I know."
"Hindi sa lahat ng Oras na uulan ay nasa tabi mo ako, Paano kapag kumidlat tapos wala ako sa tabi mo? Matatakot kana naman, Hahanapin mona naman ako.Kaya nga ibinigay ko sayo yang, Keychain ko para kapag kumidlat at wala ako sa tabi mo, Titigan mo lang yan tapos isipin mo na Niyayakap kita habang pinapatahan dahil umiiyak ka."Sabi ko at suminghap.
"Thank you..."Sabi nya.
"Dalawang tao na kayong pinagbigyan ko ng Keychain nayan, Mag katulad kayong dalawa, Penguin."
"Its kinda cute."
"Ingatan mo yan ah? Regalo payan sakin ng Lola ko."
"Ehh?"
"Oo, Kaya iniingatan ko talaga yan."
"Then why are giving me this?"
"Naawa ako sayo kanina, Takot na takot ka, Paulit ulit mong isinisigaw ang Pangalan ko, Pag tapos mo banggitin ang Pangalan ko, Sinasabi mo na Natatakot ka."
"I did that."
"Hindi ka lang basta, Bad Boy."
"Hmm?"
"Iba ka sakanila."
"Talaga?"
"Tumila na yung Ulan, Tara na uwi na tayo."
Bumangon naman sya sa pagkakasandal ng ulo nya sa Balikat ko,Tumayo naman sya at ganon rin ako, Isinilid nya sa Bulsa nya ang Penguin Keychain na ibinigay ko sakanya.Sabay naman kaming nag lakad na dalawa, Nasa Bewang nya ang Kamay ko habang sya naman ay nakaakbay sakin.
Hindi ko alam pero wala naman sigurong malisya sa Sitwasyon namin na dalawa.At isa pa wala naman kaming ginagawa na dalawa so anong mali diba? Nauna akong sumakay sa Passenger seat tapos sya naman ang sa Driver seat.
Pareho pa kaming natawa dahil basa kaming Pareho, Hinubad nya ang Coat nya tapos inilagay iyon sa Backseat.Nilingon naman nya ako at ganon rin ako, Ngumiti kaming dalawa sa Isa't isa.
"Hatid kita sainyo?"Sabi nya.
"Alam mo kung saan?"Tanong ko.
"Yeah, Dominic told me."Sagot nya kaya tumango lang ako.
Nag kwentuhan kami habang nasa Gitna ng byahe, naging magaan naman ang pakiramdam ko dahil doon.Habang nag uusap kaming dalawa napapansin kong masaya sya habang kausap ako.Naalala ko naman bigla yung hinahanap nya ako dahil takot na takot na sya.Wala sa sariling napangiti ako sa hindi malaman laman na dahilan.I don't know why pero ang nararadaman ko lang ay Saya, Sayang kasama ko si Kenzo.
Ayoko mag karoon ng Bad Boy na kaibigan pero hindi naman matigas ang Puso ko, Hindi ako ganon. Wala namang masama kung isang tabi ko muna ang Issue ko sa mga Bad Boy at mag simula ulit.Alam kong iba si Kenzo sakanila, Sobrang iba si Kenzo.
Hininto naman ni Kenzo ang Kotse nya sa Tapat ng Gate namin.Sya pa ang nag bukas ng Pintuan para sakin kaya nag pasalamat ako sakanya, Hinarap ko naman sya at nginitian ko, Ganon rin naman sya sakin.
"Thank you sa pag hatid."Sabi ko.
"Anything for you."Sabi nya.
"Inom ka ng gamot pag uwi mo."Paalala ko.
"Ikaw din, baka mag kasakit ka."Paalala nya.
"Salamat sa Ice cream."
"Salamat sa time mo."
"Ingat ka pag uwi mo ha?"
"Of course."
"See you, Bukas."
"You too, Bye."
Tumalikod naman sya sakin at nag simula ng mag lakad palapit sa Driver Seat, Akmang bubuksan na nya ang Pintuan ng Sasakyan ng Tawagin ko ulit sya.
"Uhh...Kenzo?"
"Red?"
Bumuntong hininga naman ako, at saka sya nginitian kaya nginitian nya rin ako.
"I accept you to be, My Friend."
_________________
💚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro