CHAPTER 3
Chapter 3: By Partner's
Maganda ang araw ko pero ng makaharap kona naman ang mga Kumag na mga Badboys ay Biglang nag dilim ang Paningin ko at naging Pangit na talaga.Nandito kami sa Field dahil sa isang Activity namin dahil P.E ngayon at araw ng Thursday.
Nakalinya kaming lahat dito sa Gitna ng Field habang tirik na tirik ang Araw, Tagaktakan narin ang Pawis naming lahat yung iba ay may Panyo na sa Ulo pero hindi iyon sapat pananggalan sa Tindi ng Init. Nakatayo lang ako habang ang dalawa ni Winley at Sophie ay nakaupo. Naka Pony ang mahaba kong buhok at nakatupi hanggang sa Tuhod ang P.E ko dahil sa Naiinitan na ako.
Nasa unahan ang P.E Teacher namin at tahimik lang kaming nakikinig sa Sinasabi nya.About kasi 'to sa gaganapin na Folk Dance na ipepresent namin Next Week.Leader sa Grupo namin si Sophie at sa Kabila namang Grupo ay si Winley ang ginawang Leader, Ako rin sana kaso tumanggi ako.
Ayoko maging Leader ang bigat ng Responsibilidad nila at hindi ko kakayanin yon.May ilan sa mga Members na hindi marunong makinig at kagustohan lang nila ang susundin nila.Baka kutusan kopa sila isa isa kapag ako naging Leader.
"Ms Dacanay, Ang makakapareha mo ay si Mr Oxford."Sabi ng P.E Lecturer namin.
Abot langit naman ang ngiti ni Sophie dahil don, Yung Bryce naman napakamot nalang sa Ulo nya tapos lumapit sya kay Sophie yung Isa naman kilig na kilig pa.Napairap nalang kami ni Winley.
"Mr Montefalco and Ms Mariñas."
"Miss! Pwedeng iba nalang po?"Agad na Protesta ni Winley.
Umiling ang Lecturer."Kung anong Apelyido ang babanggitin ko, Yun na ang makakapareha nyo walang mag rereklamo."Sabi nito kaya hindi maipinta ang Mukha ni Winley.
Napailing nalang ako at hinintay nalang na sabihin ng P.E Lecturer namin kung sino ang Makakapareha ko.Wala sa sariling natawa ako sa Isipan ko.Ang Malas naman ng mga Kaibigan ko mga Kumag na Badboy's yung Mga naging Partners nila naiisip kona tuloy ang Mukha ni Winley habang sumasayaw ng kasama ang Lance nayon.
"Ms Garcia and Mr Millard."
Natigilan ako sa pagtawa sa isipan ko at nanlalaki ang mata kong Nilingon ang mga Kaibigan ko na gulat na gulat pati ang mga Partner nila ay gulat na gulat rin,Binalingan ko ng Tingin ang P.E Lecturer namin tapos nakita ko ang Pag bubulungan ng Ilang mga kasamahan namin.
"Miss, Patayin nyo nalang po ako!"Wala sa sariling sabi ko.
"Ms Garcia?"Maowtoridad na tawag nito sakin.
Napalunok ako."Kung ipapartner nyo po sakin yang Kumag nayan, Patayin nyo nalang po ako."Sabi ko.
"Miss ayoko ka partner yan!"Protesta din ng Kumag na Kenzo.
"I'm sorry Mr Millard, Pero this is an Order of Campus President."Pag ka sabi ng P.E Lecturer ay Inimis na nya ang Gamit nya at umalis na.
Wala sa sariling bumagsak ang balikat ko at napaupo ako sa Isang Malaking Tipak ng Bato.Iniisip ang mangyayari kung lagi ko ng kasama ang Kumag na 'to.Sya ang Tangina'ng Partner ko at ilang Araw rin kaming mag kakasama dahil sa Practice.Parang gusto ko nalang mag palamon sa Kumunoy dahil sa Nangyayari.
Damn it! Ka partner ko ang Leader ng Mga Kumag na Badboys! Ang Kumag na kinasusumpa ko sa Lahat! Ang Aiden Kenzo Millard na 'to! Damn! Utos yon ni President Dominic? Bakit nya naman ginawa yon? Ano bang pumasok sa Isip nya alam naman nyang mag Gulo sa Pagitan namin ni Kenzo.
Padabog naman na umupo si Winley sa Tabi ko habang yung Kapartner nya ay kinakausap si Kenzo na hindi maipinta yung Mukha, Tapos si Sophie ayon masayang nakikipag usap sa Bryce na Crush nya.Napabuntong hininga nalang ako.
"Tangina ang malas natin."Sabi ni Winley kaya nilingon ko sya.
"Sobra pa sa Sobra."Sabi ko.
Nilingon naman nya ako."Mukang si Sophie lang ang nasisiyahan, Habang tayo kulang nalang sumabog sa sobrang Inis."Sabi nya at kita ko ang pag kuyom ng Kamao nya.
"Red!"
Napalingon naman kaming dalawa ni Winley sa Gawi ni Sophie nakangiti sya sakin habang sumesenyas na lumapit ako sakanya.Inis naman akong tumayo pati si Winley ay sumunod narin.
"Ano?"Iritang Tanong ko.
"Wala tawag lang."Sagot nya.
"Hi Red."Bati nung Bryce, Inis ko naman syang Nilingon at inirapan."Taray naman."Bulong nya pero rinig ko.
"May Practice tayo sa Monday."Walang gana na sabi ni Winley at napilitan lang kausapin yung Lance.
"Sige ikaw bahala."Sabi lang nung Lance.
Sa inis ko naman ay tinalikuran ko silang lahat at nag simula akong mag lakad pero napahinto rin ako ng Biglang mag salita si Kenzo.
"Hoy! Kakausapin kita Tungkol sa Practice!"Sigaw nya kaya nilingon ko sya.
Kumuha ako ng Limang piso sa Bulsa ng Pants ko at ibinato malapit sakanya.Kunot noo naman nila akong Tinignan.
"Ayan Five Pesos, Bumili ka ng Makakausap mo."Sabi ko.
"Saan kaba pupunta?"Tanong nya.
Tamad ko syang tinignan."Kakausapin ko si President Dominic, Mag quit nalang ako sa Activity na 'to."Sagot ko.
Rinig kopa ang sunod sunod na pag mumura nya at ang pag pigil sakin ng mga kaibigan ko sa Binabalak kong gawin pero hindi kona sila nilingon pa at dare daretso nalang ako sa Daan papunta sa Office ni President.
Yun lang ang tanging paraan para hindi ko makasama ang Kumag na Badboy nayon. Alam kong malaking Points ang mababawas sakin pero wala akong Pakielam, Basta ayokong makasama ang Kumag na Badboy nayon.Ayoko.
Habang nag lalakad ako papunta sa Office ng Campus President ay napansin kopa ang Bulungan ng mga Kapwa ko Estudyante.Alam ko naman ang Topic nila Ako at ang Kumag na Kenzo.Huminto ako sa pag lalakad mismo sa Tapat ng Pintuan ng Office ni President Dominic.Kumatok naman ako at ng marinig ang Boses nya ay pumasok narin ako.
Nakaupo sya sa Swivel Chair nya habang may binabasa sa isang Papel.Nang mag angat sya ng tingin sakin ay nawala na ang Atensyon nya sa mga Papel.Sinenyasan nya ako na maupo kaya umupo ako.
"What belongs you here?"Tanong nya.
"Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa, President."Sagot ko.
"Hmm?"
"Ayoko ng sumali sa Gaganaping Activity."
Napataas naman ang Kilay nya dahil sa sinabi kong yon."Why? Give me an Acceptable reason."Seryosong sabi nya.
Huminga ako ng malalim."Sinabi ng P.E Lecturer namin na Partner kami ni Kenzo at utos mo daw po iyon.Alam mo naman ang gulo namin diba?"Sabi ko.
"Kaya nga inutos ko na kayo ang maging mag Partner, Dahil gusto kong maayos nyo ang Gulo nyong Dalawa.Also gusto kong mag tino ang Kaibigan ko, At Ikaw lang ang Kilala kong may kayang gumawa non."Sabi nya at tumayo sa kinauupuan nya.
"Ako? Paano ko naman mapapatino ang Kumag nayon? President, Hindi na mag titino ang kaibigan mo."Sabi ko.
Seryoso nya akong tinignan."I know na mag titino sya at hindi ako nawawalan ng Pag-asa para don.His Mom is getting sick, Wala na silang Tatay ng Kapatid nya, If his mom left them at hindi pa matino si Kenzo, Magiging miserable ang buhay nila ng Kapatid nya."Sabi nya at natawa lang ako.
"Ayos nga yun, Baka sakaling mag tino sya kapag naranasan nya ang Karma."Sabi ko.
"Sa tingin mo ba nakakatawa ang sinabi ko? Ms Garcia, Alam mo ba ang pwedeng mangyari kapag nawalan sila ng Ina sa tabi nila? Hindi sila mabubuhay ng maayos ng Kapatid nya dahil sa Puro Away ang inaatupag ni Kenzo."Sabi nya at Pinaningkitan ako ng Mata.
Natigil ako sa pag tawa at naging seryoso narin ang Ekspresyon ko at hinihintay nalang ang Susunod nya pang sasabihin.
"Si Kenzo mabait sya not until pinasok nya ang mundo ng mga Badboys, Lagi na syang nakikipag away kaya pati yung Dalawa ni Bryce at Lance ay gumaya na sakanya. Walang alam na kahit ano si Kenzo kundi ang makipag-away, I want you To befriend Kenzo, Ayoko maging Pariwara ang Buhay ng Kaibigan ko, Please Red, Please."
Napaiwas ako ng tingin.Nakikita ko ang pag mamalasakit nya sa Kaibigan nya kahit na isa pa itong Badboy.Mas inaalala nya pa yung kapakanan ng Kaibigan nya.Kaya pala inutos nya na maging mag kapareha kami ni Kenzo dahil gusto nya na kaibiganin ko sya para maging Matino at Matuto ang kaibigan nya sa mga Bagay Bagay na hindi puro pakikipag-away.
I sighed. Mahihirapan akong pakitunguhan ang Kumag nayon dahil sa hindi ko magustohang Ugali meron sya.Kaso Campus President na talaga ang Nakikiusap para sakanya.Malaki rin naman ang Utang na Loob ko kay President dahil sakanya hindi parin ako napapatalsik sa Eskwelahan na 'to kahit na sandamakmak na ang Penalty Points ko.
Tumayo ako sa Kinauupuan ko tsaka tumayo ng Tuwid.
"Mauna na po Ako."Paalam ko at akmang tatalikod na ng bigla syang mag salita.
"I hope you change your mind."Sabi nya.
"Pag iisipan ko po, Pero don't expect too much, Pag iisipan ko palang at hindi pa Sure."Sabi ko at tuluyan ng Lumabas ng Office nya.
Lantang gulay naman akong nag lalakad sa Hallway habang iniisip ang sinabi ni President Nic.Hindi ko maalis sa isipan ko yung Itsura nya kanina kung Paano sya mag alala, kung Paano sya mag malasakit sa Kaibigan nya, kung Paano nya gustong Mapatino ang Kaibigan nya. Hindi narin masama, Isa syang Friend Material mas uunahin nya pa ang Kaibigan nya kesa sa Iba. And i hope Kenzo felt that how his Friend cares for him.
Now i know why Girls always craving to loving back by The Campus President.Nasa kanya na lahat, Handsome,Serious,Caring,Tall,And Also his a Damn Rich.And now i understand kung bakit tinatanong nila Winley sakin kung may Crush ako kay President.Well hindi naman sya mahirap pakisamahan, He's nice naman at hindi rin mahirap na maging Crush sya.
Napatingin ako sa Wrist Watch ko at don ko napansin na Lunch time na pala at sure ako na nasa Cafeteria na yung Dalawa.Nag lakad naman ako patungong Cafeteria when someone block my Way.
Nang makilala ko kung sino ang humarang sa dinaraanan ko ay Isang Tamad na tingin lang ang Ipinukaw ko sakanya.Bakit ko sya ngingitian at Babatiin? Gold ba sya?
"Look who's here, The Rule Breaker slash Kenzo's No.1 Hater."Maarteng sabi nya.
"Ano na naman ba?"Tanong ko.
"Nothing i just want to see your ugly face."Sagot nya.
"Ugly? Alam mo Kallaina, Yang syang Ikinaganda mo, Sya rin na ikinabaho ng Ugali mo, Subukan mo kayang Mag Toothbrush baka sakaling Bumango pa ang Ugali mo Isama narin yang Hininga mo."Sabi ko.
"Yabang mo ah? Ano bang pinagmamalaki mo? Yan bang kalandian mo?"Tanong ni Hannah at dinuro duro pa ang balikat ko.
Dahil hindi narin ako nakapag pigil ay agad kong hinawakan ang hintuturo nya na pinanduduro sa Balikat ko at iniaangat ko ito dahilan para mapangiwi sya sa sakit.
"Are you referring to yourself Bitch?"Nakangising Tanong ko at binitawan ang daliri nya.
"Ang kapal ng mukha mong saktan si Hannah!"Sigaw ni Shaniah.
"Ang kapal rin naman ng mukha nyong Tatlo na harangin ang dinaraanan ko."Sabi ko rin sakanya.
"You're going to Pay what you did to Hannah."Nanlilisik ang Mata ni Kallaina na nakatingin sakin habang inaalalayan nya si Hannah.
Lumapit naman ako sakanilang dalawa,Tinignan ko sya mula ulo hanggang Paa pag katapos ay Ngumisi ako.
"Wala akong utang, Tanga."Pagka sabi ko non ay nilagpasan kona sila.
Sila 'tong haharangin yung Dinaraanan ko tapos sila pa may ganang manakot? Bobo ba sya? Ako nga Dinuro duro ng Hannah nayon bakit naningil ba ako? Hindi naman ah? So bakit ko kailangan mag Bayad? Tadyakan ko sya dyan e, makita nya.
Lakas ng Loob nilang harapin ako tapos kung ano anong pagsasabi tapos kapag nirebatan kona para silang mga Daga'ng Natameme.Malinis naman ako e sila? Balita kopa nga kung kani kanino silang Bahay ng mga Lalaking ka Flings nila sila natutulog like so eww, Mga nag mamalinis hindi naman Bagay Duh.
Pag kapasok ko sa Cafeteria ay agad kong inilibot ang Paningin ko nang makita kung nasan sila naka pwesto ay nag lakad na ako papalapit don pero natigilan rin naman ng biglang may sumampal sakin dahilan para matahimik ang lahat ng kumakain at samin napunta ang Atensyon.
Nanlilisik naman ang mata kong nilingon kung sino ang Sumampal sakin.It was Shaniah so sinundan nya ako? Demonggol na Babae'ng 'to gusto ata makatikim e , Wag lang syang mag iinarte mamaya pag natamaan sya sakin.
"Anong Problema mo?!"Tanong ko.
"Ikaw! Ikaw ang Problema ko! Masyado kang Pabida!"Sagot nya.
"Pabida? Tanga kaba?"
"Malanding Pabida ka!"
"Siraulo ka pala e! Baka gusto mong mamatay ng Maaga?"Agad na napalingon ako kay Winley na itinulak si Shaniah.
"How dare you to push me!"Reklamo ni Shaniah.
"Mag iinarte kapa! Bakit ikinaganda mo yan?"Sabi ni Sophie.
"Pag tutulungan nyo ako?"Tanong ni Shaniah.
"Bobo ka e! Binangga mo Kaibigan namin without knowing na pati kami makakalaban mo."Sagot sakanya ni Winley.
"Ang kapal rin naman ng Kalyo sa Mukha mo at Pinadapo mo yang Marumi mong kamay sa Mukha ko."Sabi ko habang papalapit sakanya.
"You're a Bitch!"Sigaw ni Shaniah.
"Fuck you Slut!"Sigaw rin ni Sophie at natigilan nalang kami ng sabuyan nya si Shaniah ng Dalawang Shake.
Itutulak pa sana ni Shaniah si Winley kaso may biglang humila dito kaya hindi natumba yung Isa at napagtanto kona si Lance pala ang humila kay Winley.Dumating narin ang ilan sa mga Security Guards at isa isa kaming pinapunta sa Campus President's Office.
Reklamo lang ng Reklamo si Shaniah dahil sa nanlagkit sya sa Shake na ibinuhos sakanya ni Sophie.Yung Tatlong kumag na Badboys naman ay nasa likod lang namin, Hindi ko naman alam kung bakit kailangan nilang sumunod e hindi naman sila kailangan.
Pag kapasok namin sa Office ni President Nic ay agad na nag Sumbong si Shaniah habang si Sophie naman ay Tinatawanan nalang sya dahil sa pag sisinungaling nito.
"They're Bully me President!"Paawa ni Shaniah.
"Anong Bully? Kayo nga 'tong nambubully e."Sabi sakanya ni Winley.
"What? Sinabuyan nga ako nyang Sophie nayan ng Shake! Look I'm a mess na!"Pag iinarte nya.
"Deserve mo yan Tanga ka kasi."Sabi sakanya ni Sophie sabay Irap.
Tinignan naman ako ni President."What happened?"Tanong nya.
"She slapped me."Sagot ko.
"That's not True! I didn't do that!"Tanggi ni Shaniah.
"Kitang kita ka talaga namin tapos itatanggi mo pa."Biglang sabat ni Lance.
"Believe me President it was not me."Pag Tanggi parin ni Shaniah.
"Sinungaling ang Yawa."Bulong ko.
"What did you say?!"Pasigaw na Tanong ni Shaniah.
"Ikaw yung sumugod sa Cafeteria tapos sinampal mo si Red kaya ka sinabuyan ng Shake ni Sophie."Sabat ng Kumag na Kenzo.
"Maraming nakakita ng ginawa mo kay Red sa Cafeteria, Kaya kasalanan mo rin yan."Sabat din ni Bryce.
Kaya ba nandito 'tong Tatlong kumag na 'to para maging Ala witness sa nangyari? Tsk.
"Bakit mas kinakampihan nyo pa ang Red nayan? Akala ko ba sya ang No.1 Hater nyo?!"Inis na Tanong ni Shaniah.
Natawa naman si Kenzo dahilan para pare pareho kaming napalingon sakanya.
"Joke lang yon."Sagot sakanya ni Kenzo.
"Huh? Joke?"Tanong ni Sophie.
"Ang totoo..."Tumingin sakin si Kenzo at Lumapit."...Bestfriend ko talaga si Red! Kaso inaway ko sya dati kaya hindi na kami Close pero mag sosorry nako sakanya, Sinabi ko lang na No.1 Hater ko sya para pansinin nya na ako!"Dagdag nya at bigla nalang akong Inakbayan na para bang Close kami.
Nakakunot ang Noo ng Dalawa ni Winley at Sophie habang ako naman ay Nanlalaki ang mata dahil sa sinabing kalokohan ng Kumag na Kenzo.Natahimik ang lahat sa Loob ng Office at Halos mabingi kami sa Sobrang Katahimikan.
Bestfriend? Kailan naman ako naging Bestfriend ng Kumag na 'to? Last time i knew wala naman akong naging ibang Kaibigan bukod kina Winley at Sophie tapos malalaman ko nalang Bestfriend na pala ako ng Kumag na Kenzo na 'to?
"Sige President, Kausapin ko lang muna si Red."Sabi ni Kenzo at hinila nalang ako palabas ng Office ni President.
Pag labas namin ay agad kong tinanggal ang pag kakaakbay sakin ni Kenzo at lumayo ako sakanya ng Ilang Distansya.Matalim naman ang tingin na ipinukaw ko sakanya.
"Chill lang Red, Para kana namang Dragon."Sabi nya.
"Bakit mo sinabi yon? Kailan pa tayo naging mag Bestfriends?"Tanong ko.
"Huh? Ngayon lang."Sagot nya.
"Ngayon lang? Baliw kaba? Ano ba 'to? Parte lang ba ng pag ganti mo dahil sa ginawa ko sayo noong isang araw?"Tanong kona naman.
Umiling sya.
"E ano?"
"Masama bang makipag kaibigan sayo? Ganon kana ba talaga kagalit sa mga Badboy na tulad ko?"Malungkot na tanong nya.
Nawala naman ang matalim na tingin ko sakanya at naging Normal ito.Kung titignan sa mata nya ay Sincere talaga sya sa sinasabi nya.
"H-hindi naman sa galit ako, A-ayaw ko lang talaga sa mga Badboy."Sagot ko.
"Paano pag iba ako sa mga Badboy na nakilala mo? Gusto ko ng kaibigang Babae."Sabi nya kaya napatitig ako sakanya.
"Nandyan naman sila Lance at Bryce ah?"Masungit na Tanong ko.
"Pero iba parin pag Babae ang kaibigan mo.Sa buong buhay ko never ako nag ka interest sa ibang Babae, Halos lahat kasi sila ang Gusto lang ay mahalin at maging Boyfriend nila ako, At hindi ko nagustohan yun.Not until I saw you, Gusto talaga kita maging Kaibigan."Sagot nya.
"Gusto mo akong maging Kaibigan? Bakit?"
"Kasi iba ka sakanila, Ayoko ng katulad nila Kallaina, Hindi ganon ang gusto kong Tipo ng Babaeng Kaibigan."
"Seryoso kang gusto mo akong maging kaibigan?"
"Oo nga, Ang kulit mo."
"Pwede ba akong tumanggi?"
"Ayaw mo ba sakin?"
Natigilan naman ako.Napatitig ako sa Mga mata nyang walang kabuhay buhay habang malungkot lang itong nakatingin sakin.Hindi agad ako nakasagot bagamat ay napaiwas nalang ako ng Tingin.
Ganito pala talaga ang Emosyon at Nagiging Reaksyon ni Kenzo sa twing tinatanggihan sya at Feeling nya ay ayaw sakanya ng Isang Tao? Bakit naman kasi naisipan nyang Ako pa talaga ang Kaibiganin?
Bigla naman pumasok sa Isip ko ang sinabi ni President Nic kanina habang mag kausap kami sa Office nya.Gusto nyang maging kaibigan ko si Kenzo para mag tino ito at iwasan ang pakikipag-away at para rin may matutunan sya sa Buhay nya Bukod sa pagiging Pala-away.
Ibinalik ko naman ang Paningin ko sakanya at napabuntong hininga ako.Nakatungo sya ngayon habang nilalaro ang Daliri nya.
"Kenzo..."Tawag ko.
Nag angat sya ng tingin."Oh?"
"Gusto mo talaga ako maging Kaibigan? Legit no Lies?"Tanong ko.
"Oo, Legit no Lies."Sagot nya.
"Okay lang sayo kahit inaaway kita dati or nasisigawan?"
"Okay lang sakin, Basta gusto ko maging kaibigan kita."
"Hindi ganon kadali na maging mag kaibigan tayo pero, Wala namang masama kung susubukan natin pakisamahan yung isa't isa diba?"
"Tama ka, Hindi ganon kadali pero susubukan natin, Wala namang Masama don."
Tumango naman ako at saka napabuntong hininga.
"Can we start over again?"I asked.
"Let's start again."Sabi nya at nag Shake hands kami.
Hindi 'to magiging madali sakin, Oo aaminin ko labag naman sa Loob ko ang pakisamahan at maging Kaibigan sya pero dahil narin sa Pakiusap ni President Nic at ang Likas na pagiging Matulungin ko rin naman, Edi pumayag narin ako. At tsaka nakakaguilty rin naman kasi Magiging Buhay nila Kenzo ang Pinag-uusapan, Baka sa oras na mawala ang Mommy nila ay hindi nya kayanin ang Mabibigat na Responsibilidad dahil wala syang Experience at Natutunan sa ganon, Mas mabuti rin naman siguro na Pumayag ako.
-
-
-
"Umurong ka nga! akala mo naman Close tayo."Asik ko habang umiinom ng Tubig.
Kita ko naman ang pagsama ng tingin nya sakin.
"Sabi ko gusto kita maging Kaibigan."Sabi nya.
"Then work hard on it."Sabi ko nalang.
"Aishh."
It's Friday tapos na ang Practice namin at kailangan na namin mag handa para bumalik sa Classroom namin dahil sa May Klase pa kami.
Pag katapos kong isara ang Bottle na pinag-inuman ko ng Tubig ay tumayo na ako sa Kinauupuan ko at kinuha ang Towel ko pag tapos ay ipunasan ko ang Pawis ko.
"Uhm...Red?"Dinig kong tawag sakin ni Kenzo.
Nilingon ko sya."Oh?"
"I think our Towels switched."Sabi nya.
Kumunot naman ang Noo ko dahil sa sinabi nya.Binalingan ko naman ng Tingin ang hawak kong Towel tapos yung Hawak nya at doon kona na realize na Nag kapalit talaga kami ng Towel.
Ibinato ko ang Towel sakanya."Yuck!"
"Maka-Yuck naman 'to."Sabi nya.
"Kaya pala amoy panlalaki! Amoy pabango mo!"Reklamo ko.
"Ikaw kasi basta nalang dumampot hindi muna tinitignan."Sabi nya.
"Bakit hindi mo kasi tinama? Alam mo naman pala na Nag kapalit."Depensa ko.
"Ay gagi baka maasim pawis mo."
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya, nakangisi pa sya habang sinasabi yon, hindi makapaniwalang tingin ang ipinukaw ko sakanya.
"Hmpf!"
Inis kong kinuha ang Towel ko at nag mamartcha na tinalikuran sya.
"Red!"
"Oy Red maliligo kana?"
Hindi ko na lang din sila pinansin at dumaretso nalang ako sa Shower Room dala dala ang Pamalit ko.Kunot naman ang noo kong nag lalakad sa Hallway, Dumaan pa ako sa Locker Area dahil doon ang Daanan papunta ng Shower Room.Pag kapasok ko sa Shower Room ay ilan sa mga kasamahan kong Babae na nag Practice kanina ay naliligo rin kaya naligo na rin ako.
Habang nag shashampoo ay bigla na naman pumasok sa Isip ko ang nakakayawang ngisi ni Kenzo kanina habang sinasabi ang salita na yon. Nakakahiya para sakin ang sinabi nya! Paano nalang kung maasim talaga? Yawa talaga kung bakit kasi basta basta ko nalang Dinampot yung Towel.
Hindi na ako nag isip ng kung ano ano pa at mabilis ko nang tinapos ang pag ligo ko. Pag katapos ay nag bihis narin ako at saglit na nag tungo sa Malaking Salamin at pinatuyo ko ng Tuwalya ang Basa kong Buhok.
Nag simula narin naman lumabas ang mga kanina pang nauna na maligo at naiwan nalang akong nag iisa. Hindi naman ako natatakot, Sanay rin naman ako na mag isa, Actually mas gusto kopa nga yung nag iisa lang ako.
Nang masiguro kong medyo matuyo tuyo na ang buhok ko ay sinuklay kona ito gamit ang Brush pag katapos ay ibinalik sa Bag at lumabas narin ng Shower Room. Fresh na ulit ako, Hindi na ako nag aamoy pawis.
Agad akong nag lakad papunta sa Classroom Building para sa mga Senior kung saan nandun rin ang Room namin.Nadaanan kopa ang ilan sa mga Basketball Player na nag hahanda para sa Practice nila.Kasali rin yung Tatlong Kumag na Badboys.Agad akong Pumasok sa Classroom namin at Tamad na umupo sa Pwesto ko tapos pinagpatuloy ko ang pag Susuklay ng buhok ko para naman mabilis ang pag tuyo.
Wala pa dito yung dalawa ni Winley at Sophie sa tingin ko naliligo palang sila ngayon.Ibinalik ko ang Suklay sa Loob ng Bag at kinuha nalang ang Notebook para mag review ng mga Notes.Kailangan mag kalaman ng utak ko para naman hindi bumagsak ang Grades ko dahil pag nangyari yon, Delay ang Pag Graduate ko.
Mabilis ko lang nasaulo ang ilan pero yung iba medyo nahihirapan ako dahil na rin sa Minsan ay hindi ako nakikinig sa Subject na 'to tapos kopya lang ako ng kopya ng Notes pero hindi ko alam papaano aaralin kasi nga hindi ako nakikinig. Idagdag pa 'tong Chemistry na Nakakatuyo ng Utak tapos yung History na pinaka boring na Subject sa Balat ng Lupa.
"Wow nag aaral ka Red?"
Binalingan ko naman ito ng Tingin at inirapan lang pag katapos ay muli kong ibinalik ang Atensyon ko sa Notes.Tutok na tutok nako sa pag Rereview tapos may mga Siraulo ng Dumating.Kakarating lang nila at mga basa pa ang Buhok.
"Gagi nag aaral nga sya."Pang-aasar ni Winley.
"Alam mo? Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan pa natin mag-aral e, Mamatay din naman tayo."Dinig kong sabi ni Sophie.
Nasa Notes parin ang Atensyon ko kaya hindi ko alam ang ginagawa nila kaya pinakikinggan ko nalang sila.
"Gaga para yon sa Future."Sabi sakanya ni Winley.
"Future? Ay oo si Bryce pala Future ko."
"Mag-sawa kana nga Sophie."
"Ayoko nga, Ikaw ba? Sino Future mo?"
"Wala, Tigilan mo ako."
"Ayaw mo ba kay Lance? Maganda'ng Desisyon sa Buhay kapag sya naging Future mo."
"Maganda'ng Desisyon? Kung salaksakin kaya kita ng Ballpen?"
"You're so Mean! Pero totoo yung sinabi ko, Si Lance na ba?"
"Wag mo ako kausapin."
"Ayiiieee."
"Fuck you."
"Tangina ang ingay nyo."Masamang tingin ang ibinigay ko sakanila.
Tahimik naman silang dalawa pero si Sophie patuloy parin sa pang-aasar kay Winley tungkol kay Lance. Napapansin ko rin naman ang pag lapit lapit ni Lance kay Winley pero hindi ko naman Pinag iisipan ng Malisya, Talaga'ng iba lang ang Takbo ng Utak ni Sophie.
Hindi kona rin natapos ang pag Rereview ng Notes ng biglang dumating ang Lecturer namin.Tahimik lang kaming nakinig sakanya ng mag Simula na ang Klase nya. Last Subject na namin 'to dapat talaga ay yung History kaso may Changes na naganap kaya iniba na ang Schedule ng Pag tuturo nito.
Pag katapos ng Klase ay iniligpit na namin ang Gamit namin at tska isinakbit ang Bag, Si Sophie naman ay hindi parin natitigil sa pang-aasar kay Winley habang yung isa naman Napipikon na at konti nalang ay Bigwasan na 'tong kaibigan namin sa sobrang pag ka sira ng Ulo.
Pag labas namin ng Classroom ay agad na pumunta si Sophie sa Harap namin ni Winley kaya nahinto kami sa pag lalakad.Abot langit ang ngiti nya habang ang mata nya ay Punong puno ng Excitement na hindi ko matukoy kung Bakit.
"Ano na naman?"Inis na tanong ni Winley.
"Tara sa Court!"Sagot ni Sophie.
"Bakit?"Tanong ko.
"Today is Friday! Ang mga makikisig na Basketball Player ay may Practice ngayon."Sagot nya.
"So?"Tanong ni Winley.
"Gaga! Nandon si Bryce ko."Sagot sakanya ni Sophie.
Napairap si Winley."Ano naman kung nandon? Parang yun lang."Bored na sabi nya.
Napangiwi naman si Sophie."Ayaw mo? Nandon kaya si Lance."Pang-aasar na naman nya.
Akmang babatukan naman sana sya ni Winley pero mabilis na nakailag si Sophie kaya tinawanan nya yung Isa.
"Hindi ako sasama."Sagot lang ni Winley.
"Ay ayaw mo talaga? Sya si Red nalang."Sabi ni Sophie at kinapitan ako sa Braso."Tayo nalang manood Mareng Red, Panoodin mo kung paano mag laro yung Bestfriend mong Hindi lang Badboy kundi Captain."Nakangiting sabi nya.
"Hindi ko sya Bestfriend, Sophie."
"Hindi pa pero Next Week or Next Month mag kaibigan na rin kayo."
"Malabo."
"Hindi kaya! Nice naman kasi sila! Alam mo bang Never naman nila akong Binully or Ginawan ng Masama sa Twing sumasama ako sakanila? Hoy Gaga mabait talaga sila, Trip ka lang talaga ni Kenzo."
"Utang na Loob Sophie, Manahimik kana."
"Tara na kasi! Manood na tayo!"
"Ayaw nga namin."
"Tara na! Tara na talaga! Tara na kasi!"
"Sige na! Oo na! Manonood na! Para sa ikatatahimik ng Kaluluwa mo."
"Yessss!"
At the end nag pahatak nalang kami ni Winley kay Sophie na kulang nalang mag pa Party dahil sa pag payag namin na manood ng Practice ng mga Kumag na Badboys.Hindi nya manlang talaga naisip na pwedeng nanonood din sila Kallaina ngayon at ichinicheer ang Kenzo Babe daw kuno nya.Tsk.
Sabi ko Never ako manonood ng Practice ng mga Basketball Players dahil makikita ko lang ang mga Mukha ng Kumag na Badboys na Pinakakinaiinisan ko sa Lahat.Pero kita mo nga naman, Nandito ako at nakaupo sa Bleachers kasama yung Dalawa kong Kaibigan.
Karamihan sa Nanonood ay Puro mga babae kung hindi ako nag kakamali ay Mga Fans ng Badboys.Base palang sa Masamang Tingin nila sakin ay alam kona agad na Fans nga sila.Inirapan ko nalang sila at Itinuon ang Pansin sa Mga naglalaro.
Nakay Kenzo ang Bola at Tumatakbo sya ngayon tapos sa Pinaka gitnang spot ay pumwesto sya at saka ibinato ang Bola.Sumakto naman na daretso lang sa Ring at nakakuha sila ng 3 Points. Nag simula naman na mag hiyawan ang mga Babaeng nandito, Napabuntong hininga nalang si Winley mukhang hindi rin nya nagustohan ang Idea na pumayag syang Sumama kami sa Babaeng 'to na manood ng Practice.
Pag katapos nang Practice ay agad ko ng Inaya yung Dalawa na lumabas ng Court, Nag didilim na rin kasi yung Kalangitan baka nga nakauwi na si Mommy tapos ako wala parin kaya naman ng makalabas kami ay Tumawag ako kay Mommy.Agad rin naman nyang sinagot ang Tawag.
"Red Anak? Where are you now?"Tanong nya.
"Nasa School pa po, Pauwi na rin po ako."Sagot ko.
"Gabi na ah? Hindi ba delikado? Sunduin na kita?"Sunod sunod na tanong nya.
"Wag na po, Sasabay nalang po ako kay Sophie pauwi, Mag pahinga ka nalang po."Sagot ko.
"Sigurado ka? Nag aalala na sayo, Daddy mo."
"Uuwi na po ako, Mag pahinga kana po."
"Sige, Ingat ka Nak ha? I love you."
"I love you Mom."
Pag ka end ng Call ay agad kong tinignan ang Oras. It's already 6:20 pm. Kaya naman pala medyo madilim na, Nilingon ko naman ang Dalawa na nag uusap, Nag simula na rin na lumabas ang ilan sa mga Nanood kanina tapos sumunod na Lumabas ay yung Tatlong Badboys.
Lumapit naman ako sa Dalawa.
"Ginabi tuloy tayo, Siraulo ka kasi."Sabi ni Winley kay Sophie.
"Ihahatid ko nalang kayo, Don't worry Mahal."Sabi ni Sophie at kumindat pa.
"Don't call me like that, Ang Cringe Gagi."Sabi ni Winley.
"First time namin kayong nakitang nanood ng Practice."
Agad naman kaming Umatras ni Winley at si Sophie? As usual ayon lumapit na naman kay Bryce na nakangiti sakanya.I rolled my eyes ng mag tama ang paningin namin ni Kenzo The Demonggol.
"Oo e, Inaya ko kasi sila."Sabi ni Sophie.
"Gabi na ah? Paano kayo uuwi?"Tanong ni Lance.
"Alangan sasakay ng Jeep, Utak pakigamit Please."Sagot ni Winley.
"Attitude."Bulong ni Lance.
"Ano Red? Ayos ba? Ang galing ko no?"Taas noong tanong ni Kenzo sakin.
Irap lang ang isinagot ko sakanya at hindi ako umimik.Ayoko ko syang kausapin,Baka masapak ko sya.Buti nga at ganito lang yung Set up namin hindi tulad noong mga nakaraang Araw na halos mag kasakitan na kami yung tipong puro kami Gantihan na Dalawa.Okay narin siguro 'to.
"Why are y'all still here?"
Napalingon naman kami sa Gawi na yon at doon namin sya nakitang nag lalakad palapit samin nang huminto sya ay nag Apir pa silang Apat kasama yung Tatlong Badboy.
"Good evening President Nic."Bati ko.
"Good evening Ms Garcia."Bati nya pabalik.
"Kami hindi mo babatiin? Okay lang naman, Tampo ako mga Slight."Parang bata na sabi ni Kenzo.
"Good evening y'all."Bati nalang ni President Nic sa Lahat.
"Nic? Ikaw lang ata tumawag sakanya nyan."Sabi ni Bryce.
Kumunot naman ang Noo ko dahil sa sinabi nya, Binalingan ko naman ng Tingin si President Nic na inaayos ang Bridge ng Salamin nya.
"Dinga?"Tanong ko sakanya.
"Yeah you're the one who called me that."Sagot nya.
"Ako Red? Hindi mo ba ako bibigyan ng Nickname tulad ng kay Dominic?"Tanong ni Kenzo.
"Tama na sayo yung, Kumag."Bored na sagot ko.
"Mabuti pa umuwi na kayo."Sabi ni President Nic."Wait may sundo ba kayo?"Tanong nya.
"Ihahatid ko si Winley! Uhm, President if you don't mind ikaw nalang mag hatid kay Red namin?"Biglang sabi ni Sophie kaya napaawang ang Bibig ko.
"H-ha? Akala ko isasabay mo ako?"Gulat na tanong ko.
"Nandyan naman si President! Hindi ka naman nya pababayaan."Sagot nya.
"Pero sabi m–"
"Bye sainyo, Bye Red ko, President! Ikaw na bahala ah."Sabi ni Sophie at kita ko ang pag tango ni President Nic, Mag rereklamo pa sana ako kaso hinila na patakbo ni Sophie si Winley.
Hindi naman ako makapaniwala na nakatingin lang sakanila sa Malayo.Ganon nalang yon? Bakit parang Basta basta nalang sila mag tiwala sa kung sino? Gezz nakakasira ng Ulo ang ginagawa ni Sophie.
"Hatid na kita?"Aya sakin ni President kaya nilingon ko sya.
"Sama naman kami!"Sabi ni Bryce.
"No, may sasakyan naman kayo.Ako na bahala kay, Ms Garcia."Umiling si President.
"Ay ang daya?"
"Let's go, Ms Garcia."
Tumango nalang ako at hindi na nag salita pa, nag paalam naman sila sa isa't isa. Tapos natagpuan ko nalang yung sarili kong nakasakay sa Kotse ni President Nic.Tahimik lang ako sa Byahe napapakagat pa ako sa Labi ko dahil sa Kahihiyan na pinag gagawa ni'tong si Sophie.Ang Sabi ko pa naman kay Mommy ay sasabay ako kina Sophie pero ibang tao naman yung nag hatid sakin, Baka kung ano pang isipin nila e.
Hindi naman umiimik si President Nic, Tahimik lang din sya gaya ko. Long Sleeve Polo nalang ang suot nya yung Coat naman ay nasa Backseat lang.Buti nalang at alam ni President kung saan kami nakatira dahil nababasa nya ito sa mga Student's Info.Tumigil sya sa Tapat ng Bahay namin at Bumaba sya ng Driver seat tapos umikot papunta sa Passenger Seat at pinag buksan ako ng Pinto.
"Thank po sa Pag hatid, President."Pag papasalamat ko.
"Don't mention it."Sabi nya.
"Uh about pala sa kalokohan ni Sophie, Pasensya na."
"Don't say sorry, It's fine."
"Thank po Ulit, President."
"Stop calling me President kapag mag kasama tayo, You can call me Nic, President kapag nasa Harap tayo ng Marami."
"A-ah Sige po Pres–Nic."
"And Also, Drop the Po hindi naman siguro nalalayo ang Age ko sa Age mo."
"O-okay sabi mo e."
"So i need to go."
"Sige, Ingat ka, Thank you."
Tumango lang sya pag katapos ay sumakay na sa Kotse nya at kumaway pa muna sakin bago nya Pinaandar ang Sasakyan nya at Tuluyan ng Umalis.
Pumasok naman ako sa Gate at binuksan na ang Pintuan namin pero nagulat nalang ako ng biglang bumungad sakin si Daddy na tataas baba ang Kilay.
"Good evening Daddy."Bati ko.
"Hmm, Good evening din, Sino yun?"Tanong nya.
"Sino po?"
"Yung nag hatid sayo?"
"Yun? Campus President po namin, Sinabi kasi ni Sophie na si President nalang po ang Mag hatid sakin."Sagot ko.
"Mukang masaya ka ata?"Tanong nya.
"P-po? Hindi ah, Nakasimangot nga ako e tignan mo."Sagot ko at ngumuso.
Pinisil naman nya ang mag kabila kong pisngi.
"Dalaga na talaga ang Prinsesa ko, Pa kiss nga si Daddy."
"Daddy naman e, Ang corny mo."
"Parang nag lalambing lang si Daddy, Gusto mo yung President nyo mag Lambing sayo?"
Napaawang naman ang bibig ko.
"Daddy naman!"
"Gwapo sya ah? Gentleman din."Sabi nya.
"Mabait naman talaga sya."Sabi ko.
"Asus, Sya mag bihis kana pag katapos ay Bumaba ka dito para makakain na tayo."
"Hindi kapa kumakain?"
"Hindi pa, Pinauna ko lang ang Mommy mo, Gusto ko kasabay kumain ang Anak ko."
"Aww sweet naman ng Daddy ko, Sige po mag bibihis lang ako."
Tumango naman si Daddy at nag paalam na pupunta syang Kusina para doon na nya ako Hintayin.Napatitig naman ako sakanya habang nag lalakad sya papasok ng Kusina.
Naalala ko naman bigla ang dahilan kung bakit hindi ako interesado na mag karoon ng Boyfriend.Dahil yon kay Daddy, Ayokong mag karoon ng Boyfriend kasi Ayoko mag karoon ng ibang Lalaki sa Buhay ko, Gusto ko Si Daddy lang.Malaki ang isinakripisyong ni Daddy sakin, Simula palang ng Baby ako sya na ang nag aalaga sakin kapag wala si Mommy. Bukod sa pag kakaroon ng Kaibigan na lalaki hangga'ng doon lang, Wala akong Interest na mag karoon ng Boyfriend kung alam kong sasaktan din nila ako. Mas okay na kung si Daddy nalang, Alam kong Safe ako sakanya, At hindi nya ako Sasaktan.
_____________
💚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro