EPILOGUE
Xianniah Astrid Fajardo
"Niah? Nandiyan ka pa rin ba sa bahay niyo? I'll sundo you na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Akisha sa kabilang linya. Naka-loud speaker ito kaya kahit nasa kama ko ang phone ko ay rinig ko pa rin hanggang dito sa dresser na tabi ng pinto. Kasalukuyan akong nag-aayos.
"Nandito pa ako. Mga 20 minutes ay tapos na ako," sagot ko.
"Okay, see you later with Raze! I'll hang up the call na, ha? Bye."
Pagka-end call niya ay sakto namang tapos na rin ako. Inayos ko muna ang mga gamit na ginamit ko. Nang akmang ilalagay ko na sa lagayan ang ginamit kong suklay, napansin ko ang maliit na notebook na nakapatong dito. Binuksan ko 'yon. Nabasa ko na naman ang bucket list ni Haze.
My Bucket List
1. To see Niah, again. ️
2. Vacation trip with Fajardo's Cousins. ️
3. Spend day or night with Niah. ️
4. Give the letters to Niah. ️
5. Visit the tree where we first met. ️
6. Sing a song for me. ️
7. Spend a day with my love ones. ️
8. Hoping that Megan will forgive me. ️
9. I want to marry Niah. ️
10. Give my heart to Niah. ️
Kinuha ko na ang sling bag ko at pumunta sa kabilang kwarto. Sinadya kong binukas ang pinto bago iwanan si Raze para rinig ko pa rin ito kung sakaling umiyak siya. Kinuha ko siya mula sa crib at kinarga.
"Hi, baby!" Hinalikan ko ang matabang pisngi nito. "Did you missed your Mom?" Patuloy lang ito sa paglalaro sa hawak niyang stuff toy. Naupo muna ako sa sofa na naro'n habang nakakandong pa rin si Raze sa 'kin.
Nicollo Raze Montemayor, our little Haze. Yes, buntis na pala ako no'n. Noong panahong nasa kritikal na kondisyon si Haze, I don't know that I was 3 weeks pregnant that time. Tsaka ko lang nalaman pagkatapos ng heart transplant ko.
"I missed your Dad." Pinaharap ko si Raze sa 'kin. "Mabuti na lang dumating ka. Nawala man ang Daddy mo, binigay ka naman niya sa 'kin."
Parang kasama ko na rin si Haze dahil kay Raze. Kamukhang-kamukha nito ang kaniyang Ama. Mula sa kapal ng kilay, matangos na ilong at shape ng labi, kuhang kuha kay Haze. Pero sa mata, sa 'kin namana ni Raze ang kasingkitan nito. Tiningnan ko ang wristwatch ko, may 10 minutes pa bago ako sunduin ni Akisha. Kaya naman ginugol ko ang oras na 'yon para k'wentuhan pa ang ang Anak ko tungkol sa Ama niya.
"Kamukhang kamukha mo talaga ang Daddy mo. Sa tuwing nakikita kita, naiibsan ang pagkamiss ko sa sa kaniya. Pero alam mo ba, baby... parang kasama pa rin naman natin ang Daddy mo, e'." Biglang nanumbalik ang mga ala-ala noon. "Because your Daddy's heart is still beating."
He gave his heart to me. Haze is my heart donor. Iyon ang huling hiling niya sa bucket list na sinulat niya. Nagmatigas akong 'wag niyang gawin 'yon pero 'di siya nagpatinag. Nagpumilit siya hanggang sa mapapayag niya ako. Kaya naman, pinangako ko bago siya mawala na iingatan ko ang puso nito.
Napatayo ako nang marinig ang phone kong nagri-ring. Kinuha ko 'yon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makita ko ang pangalan niya, agad ko itong sinagot.
"Steven?"
In-on ko ang camera ng phone ko at nakipag-video call sa kaniya.
"Hey, Niah! Where's baby Raze? Can I see him?" Katatawag niya lang ay si Raze na agad ang gustong makita. Agad ko namang tinutok kay Raze ang phone.
"Tito Steven wants to see you, baby. Go, talk to him." As if naman magsasalita ito. Napatawa na lamang ako dahil 'di nagsasawa si Steven na makipag-video call sa Anak ko kahit na 'di pa naman ito nakakapagsalita at nakakaintindi.
"Baby, look! Your Mommy Niah is laughing at us. She's bad! Pag-uwi ko talaga ng Pinas, 'di ko bibilhan ng pasalubong ang Mommy mo," natatawa nitong saad.
"Then, 'wag ka magpapakita sa 'kin dahil kukutusan talaga kita." Natigilan ako sa pagbibiro nang mag-pop-up sa screen ang message ni Akisha. Nasa labas na raw siya ng bahay naghihintay. "Steven, I'm sorry, but I need to end this call."
"Why? Where are you going?"
"Jann's Graduation," I replied.
"Oh, I see. Okay, take care!"
I smiled as I waved to my hand and say goodbye. May siyam na buwan na rin na bumalik si Steven sa States at wala pa ring nagbago sa friendship na mayroon kami. Gaya ng dati, busy pa rin ito sa trabaho. Sana lang talaga ay mahanap na niya ang babaeng para sa kaniya.
Buhat-buhat ko si Raze na bumaba. Hindi ko na naabutan sila Mama at Dad maging si Kuya Xiander dahil nauna na silang pumunta sa resto. Nasa likuran ko si Manang at pinagbuksan kami ng gate. Nasa tapat na nga ng bahay namin ang isang kulay puting van. Akala ko ang kotse ni Akisha ang gamit niya?! Van pala nila.
Bumukas ang bintana ng front seat at tumambad sa 'kin ang mukha ni Akisha. "Hello, baby Raze!" Bumaling ito sa 'kin. "Let's go, Niah."
Bumukas ang pinto at 'di ko inasahan na nasa loob sila Sean, Keiffer at Megan. Nakisabay sila? Kaya pala van nila Akisha ang ginamit.
"Omg, baby Raze! Can I, Niah?" Salubong ni Megan at inilahad ang kamay nito na gustong kargahin si Raze. Binigay ko naman sa kaniya tsaka ako sumakay. Katabi ko si Megan at nasa likod namin sina Keiffer at Sean. Nilalaro rin nila si Raze.
"10 AM raw ang start ng program and we only have 30 minutes. I'm so excited na makita si Jann na nakasuot ng toga!" sabik na wika ni Akisha. Maging ako rin ay excited makita si Jann na nagma-martsa.
"Hindi ko talaga inakalang gra-graduate pa 'yon," halakhak ni Keiffer. "Imagine, nakatatlo yata or apat na beses na nag-shift. And finally, nahanap na niya ang course na gusto niya talaga. May architect na tayo!"
I'm very happy for Jann. Sana naman ngayong graduate na siya, tumino-tino na siya when it comes to girls. Sa buong b'yahe, na kay Megan lang si baby Raze. Buti na lang at 'di iyakin ang batang 'to. Kahit sino sa kanila ang humawak, walang pakialam as long as nakikita niya akong nasa tabi lang nila.
After 20 minutes, nakarating na kami sa University na pinapasukan nila Akisha at Jann at kasama na rin si Haze noon. Sayang si Haze dahil dalawang taon na lang ay gra-graduate na rin sana siya at sunod ay ang internship. Sayang talaga pero nandito naman si Raze para ipagpatuloy ang naudlot na pangarap ng kaniyang Ama. Si Akisha naman ay may isang taon pa sa law at sunod ay ang bar exam. Hoping for another title, Akisha Heira Fajardo, CPA "Lawyer". Lumabas na kami at sabay na pumasok sa loob. Didiretso kami sa malawak na gym nila dahil doon gaganapin ang program. Nakakita naming nakaabang si Jann sa greenhome na malapit lang gym.
"Hoy, buti naman 'di kayo late!" sigaw nito. "Hi, baby! Come to Tito Pogi." Walang pasabing kinuha ni Jann kay Megan si Raze. Sinamaan naman siya ng tingin ni Megan.
"Oh, ano? Sabi kasi sa 'yo Megan, maghanap ka na rin ng asawa para may kalaro itong si Raze," pang-aasar ni Jann.
"No need. I prefer na maging yayamaning Tita na lang ni Raze."
Kibit-balikat na lamang ang nagawa ni Jann tsaka bumaling kay Keiffer.
"Ano Keiffer, bilib ka na ba sa 'kin? Saan na ang sinasabi mong 'di ako gra-graduate ha? Laking sampal sa 'yo ngayon, 'di ba?" Siraulo talaga itong Jann na ito.
"Napilitan lang naman yata prof mo na ipasa ka," Keiffer chuckled. "Pero seryoso, I'm so proud of you! Congrats, Pinsan! I'm always at your back."
Natawa ako kami sa reaction ni Jann dahil nanlaki ang mata nitong nakatitig kay Keiffer. Tila hindi makapaniwala. "Pinsan..."
Sumakay rin sa kalokohan ni Jann si Keiffer. "Pinsan..."
"Stop! Nakakadiri kayo, arg!" Bumaling kaming lahat kay Akisha na halatang nandidiri.
"How about you, Sean? Kailan ka ulit mag-gi-girlfriend?" sita ko kay Sean na nasa tabi ko lang. Kanina pa siyang tahimik at tutok sa cellphone niya. May inaaral na naman yata siyang case.
"No need. Mas mahirap intindihin ang babae kaysa sa case na inaaral ko," sagot niya na 'di inaalis ang pagkakatitig sa cellphone.
"Gago," bulalas ni Jann at sinabayan pa ng halakhak. "Pero legit talaga."
Binatukan naman siya agad ni Akisha. "Hoy, may bata kang karga! Iwasan mong mag-mura."
"Fine! Tara na nga lang sa loob." Binalik na sa 'kin ni Jann si Raze.
Pumasok na kami sa loob at naupo sa bleachers. Pinanood namin si Jann na mag-march at kunin ang diploma niya. Pagkatapos ng program, nag-picture taking kaming magpi-pinsan. Mas masaya sana kung kasama rin namin si Haze ngayon.
"Let's go. Dalawin na natin siya," pang-aaya ni Jann.
"Sino?" I asked pero 'di nila ako pinansin.
Nalaman ko na lang kung sinong tinutukoy nila no'ng huminto ang van sa memorial park, dito nilibing si Haze.
"Alam naming miss mo na siya, Niah. And I also want to visit him at sabihing finally, graduate na ang kaibigan niya." Jann smiled at me. Inalalayan niya kaming lumabas ni baby Raze sa sasakyan.
Kinuha naman nila Megan at Akisha ang bulaklak at dala nila Sean ang banig at ilang pagkain. Mukhang pinaghandaan talaga nila ito. Nasa tapat na kami ng puntod ni Haze. Naglapag na sila ng banig at inayos ito. Ako naman, habang karga si baby Raze, umupo ako sa damuhan.
Inalis ko ang ilang tuyong dahon na nalaglag sa lapida nito. "Haze, miss na miss kita. Isang taon na pero 'yong sakit, sariwa pa rin."
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na rin pala si Akisha at marahang hinaplos ang likod ko. "I'm sure, kung nakikita niya man kayo ngayon, masaya na siya. Kita mo naman, napaka-cute ng Anak niyo," sabay pisil niya sa pisngi ni Raze.
"Niah, Haze won't stop loving you even from afar."
Yes, I know.
Nakakatuwang isipin na noong umalis ako, binigay ko sa kaniya ang mga pinsan ko at ngayong siya naman na ang umalis, binigyan niya naman ako ng isang napaka-cute at napaka-bibong Anak. Ang pagkakaiba lang, ako ay bumalik samantalang siya? Hindi na muling babalik.
Kung pagbibigyan man kami ng tadhana na muling pagtagpuin, itutuloy namin ang naudlot naming k'wento sa susunod na buhay. Pipilitin kong hanapin siya at pipiliin sa pangalawang pagkakataon. Nawa'y sa panahong 'yon, wala nang humadlang. Nawa'y maging ang panahon ay umayon na sa amin.
Pero sa ngayon, akin nang isasarado ang puso ko. Hindi na ito muling titibok pa sa iba dahil ang lalaking nais kong mahalin ay nauna na.
I'm Xianniah Astrid Fajardo, a girl who diagnosed with Congenital Heart Disease and run to you-- Ellaquim Haze Montemayor for my cure.
- END -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro