Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

Xianniah Astrid Fajardo

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Nakalimutan ko nga palang ayusin ang kurtina ng sliding door sa terrace bago matulog. Naalimpungatan ako kaninang madaling araw at nagtungo ro'n para magpahangin nang makita kong nakabukas ang ilaw sa silid ni Haze na katapat lang ng kwarto ko.

Nag-message ako sa kaniya kanina dahil alam kong gising pa ito. Hiningi ko ang number ni Haze kay Akisha noong nasa bahay pa kami nila Jann na agad naman niyang binigay. Pero ilang minuto lang ang lumipas matapos kong i-message siya, pinatay na nito ang ilaw. Hindi ko alam kung nagkataon lang na patulog na siya that time o dahil patuloy pa rin ako nitong iniiwasan.

I took a deep breath. I know it will be hard, but I'll do everything I can just for him to accept me again.

Agad na akong tumayo at nagtungo sa banyo para makaligo na. Ininvite ako ng Mommy ni Haze para doon mag-breakfast dahil may sasabihin daw sa 'kin si Tito Leo, ang Daddy ni Haze. Nagbihis na ako at inayos ang sarili bago tuluyang bumaba. Nadatnan kong naghahanda ng pang-agahan si Mama sa kusina.

"Niah, ba't ang aga mo naman yatang nagising?"

"Ma, Tita Irish invited me for breakfast, " sagot ko.

"Ah, oo nga pala. Sinabi rin pala niya sa 'kin kagabi noong nagkwentuhan kami. Your Tito Leo wants to talk to you."

Nak'wento sa 'kin ni Mama na nagkita raw sila nina Tita Irish at Tito Leo kagabi sa labas ng bahay. So, Dad invited them for dinner. Sayang lang at hindi ko sila naabutan kagabi dahil 10 PM na akong nakauwi.

Tinanong nila Mom kung anong reaction ng mga pinsan ko at ni Haze nang makita ako. Sinabi kong masaya ang mga pinsan ko nang makita ako at totoo naman 'yon pero 'yung sa reaksiyon ni Haze, I lied. I didn't tell them how Haze treated me. Ayokong mag-alala sila sa kung anong mararamdaman ko.

"Sige na, Niah. Sasabihin ko na lang sa Dad at Kuya mo na nakaalis ka na."

Lumapit ako kay Mama at hinagkan siya tsaka tuluyang lumabas ng bahay. Ilang hakbang lang ay nasa harap na ako ng bahay nila. Tumayo muna ako ro'n saglit bago pinindot ang doorbell. Parang kailan lang noong labas pasok ako sa malaki nilang bahay na 'to. Feeling ko nga noon pangalawang bahay ko na 'to, eh.

Habang inaalala ko ang nakaraan, 'di ko namalayang pinagbuksan na pala ako ng gate ng isang matandang babae. Puti na ang buhok nito pero halatang malakas pa rin.

"N-Niah? Iha?" Gulat niyang tanong nang matitigan niya ako sa mukha.

"Nanay L-Lourdes?" Namukhaan ko ito agad.

"Ikaw nga, Niah! Naku, napakalaki mo na at kita mo naman, ang ganda-ganda mo pa ring bata ka." Awtomatikong napangiti ako.

Si Nanay Lourdes ang taga-alaga ni Haze noong bata pa ito at 'di ko inexpect na nandito pa rin pala siya hanggang ngayon. Napakabait ni Nanay Lourdes kaya nga pangalawang ina na rin ang turing ni Haze sa kaniya.

"Si 'Nay Lourdes talaga oh, napakabolera kahit kailan."

"Ikaw naman napakahumble pa rin eh totoo namang ang ganda-ganda mong bata. Oh siya, pumasok ka na dahil kanina ka pa hinihintay ni Ma'am Irish mo."

Iginaya na ako ni Nanay Lourdes sa loob ng bahay. Eight years na rin ang lumipas noong huling pasok ko rito. Maraming pagbabago sa bahay nila. Halatang narenovate ito na dahilan para lalong gumanda pa. Pagkapasok, malawak na living room nila ang bumungad sa amin. Sinamahan ako ni 'Nay Lourdes patungo sa kusina. Nadatnan ko ro'n si Tita Irish na abala sa paghahanda ng breakfast. Kasalukuyang inaayos ni Tita Irish ang mga plato sa hapag-kainan.

Nang makita niya ako ay agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap. "Niah, I missed you!"

"I missed you too, Tita." Saad ko matapos niyang kumalas sa pagkakayakap sa 'kin.

"Mas lalo kang gumanda," nakangiti niyang wika.

"Kayo rin po, Tita. Ang bata niyo pa ring tignan," wika ko dahilan para mas lalo pa siyang ngumiti.

"Kaya gustong-gusto kitang bata ka kahit na binobola mo 'ko. Halika na, tulungan mo muna ako sa pagluluto dahil for sure, bababa na maya-maya ang Tito mo at si Haze."

Ako na ang nagtuloy sa nilulutong pancake ni Tita. Napangiti ako, ito ang paboritong almusal ni Haze noong mga bata pa kami. Hanggang ngayon pala ay 'di pa rin ito nawawala sa hapag-kainan.

"By the way, nagkita na ba kayo ni Haze? Nak'wento ng Mama mo kagabi na nag-diretso ka raw kila Jann? Saktong naroon din si Haze. Walang pasok si Haze kahapon at 'di naman ganoon karaming pasiyente sa hospital kaya free day niya."

Natahimik ako saglit. So, tama nga ako. Nagdahilan lang siya kahapon para makauwi at makaiwas sa 'kin.

"Opo, Ti--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may nagsalita.

"Good Morning, Mom."

"Oh, nandiyan na pala kayo. Sige na, umupo na kayo at nang makapag-almusal na tayo. Malapit na rin matapos ang niluluto ni Niah," wika ni Tita Irish.

Mukhang si Haze na ang kausap ni Tita. Nilagay ko na sa plato ang nalutong pancake at bumuntong hininga muna para kumuha ng lakas ng loob para harapin siya. Pero laking gulat ko nang makita si Megan na nasa tabi ni Haze.

"M-Megan?"

Megan Chloe Fajardo is also my cousin. Hindi ko siya nakita kahapon sa bahay nila Jann dahil ang sabi nila, busy daw ito sa pagma-manage ng family business nila.

"Niah? So, it's true that you're finally back." Bakas sa boses niya ang gulat.

"Yes, but wait-- what are you doing here?" I asked. Alam kong magkaibigan sila ni Haze pero parang ang aga naman niyang bumisita at isa pa, mag-isa lang nito. Hindi niya kasama ang iba pang pinsan namin. Nakakapagtaka lang.

Mas lumapit pa siya kay Haze at hinawakan ang kamay nito na lalong pinagtaka ko.

"I'm here 'cause I want to see my boyfriend. I'm Haze's girlfriend, Niah."

Nabigla ako sa 'king narinig. I was totally shocked. Ano? Paano? Kailan pa?

"Yes, she's my girlfriend kaya makakapunta siya rito kahit anong oras niya pang gustuhin. Ikaw, anong ginagawa mo rito?" Direktang tanong sa 'kin ni Haze.

"Haze, don't be harsh to Niah. I'm the one who invited her." Sabay-sabay kaming lumingon sa taong nagsalita. Kasalukuyang pababa sa hagdan si Tito Leo.

"Maupo na kayo at kakain na tayo." Sinubukang alisin ni Tita Irish ang namumuong tensiyon sa pagitan namin nila Haze at Megan. Iginaya ako ni Tita Irish sa tabi nito.

Kaharap ko sa mesa sila Haze at Megan at 'di ko kayang tingnan sila dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang nalaman ko lang kanina. Halu-halong emosiyon ang nararamdaman ko ngayon. Gulat, lungkot at sakit.

"Niah, ang balita ko ay Registered Nurse ka na?" Panimulang tanong sa 'kin ni Tito.

"Y-yes po, Tito. I passed the licensure exam last year," wika ko.

"That's good. Sakto, dahil kulang kami ng mga nurses sa hospital ngayon. I decided na i-recommend kita ro'n nang may makasama naman si Haze sa tuwing nagpa-part time job siya." Halos mabilaukan ako nang banggitin ni Tito 'yon. Ito ba ang gusto niyang sabihin sa 'kin?

"What, Dad?! Hell, no!" Bakas sa mukha niya ang pagka-irita.

"Nangangailan tayo ng nurses kaya 'wag ka na tumanggi, Haze." Huminto muna si Tito sa pagsasalita at sumubo ng pagkain bago magsalitang muli. "Oo nga pala, samahan mo si Niah ngayon para ipasa ang papers niya sa hospital at para ipasyal na rin do'n."

Nagsalubong ang dalawang makapal na kilay niya na tiningnan ako at bumaling agad sa Daddy niya. Asar na asar siya.

"But Dad, may lakad kami ni Megan ngayon. Right, love?" Nilingon niya naman ngayon si Megan. Parang may tumusok sa dibdib ko nang banggitin niya ang endearment nila.

"Haze, kasi ano eh- uhm...may inuutos sa 'kin si Dad. Binisita lang talaga kita ngayon para sabayan ka sa breakfast. Kaya it's okay na samahan mo si Niah."

"But--"

"No buts, Haze. Sasamahan mo si Niah mamaya," seryosong saad ni Tito at pinagpatuloy ang pagkain niya.

Tiningnan ako muli ni Haze ng masama. Tatanggi pa sana ako kaso nakita ko ang mukha ni Tito na seryoso at mukhang 'di na mababago p ang desisyon niya. Isa pa, this is opportunity for me para magkaroon na ng stable job kaya 'di na ako tumanggi pa.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na kami para umalis. Ang sabi ni Tito Leo, mamaya pa raw siya pupunta sa hospital dahil may aasikasuhin pa raw siya. Iwanan ko na lang daw 'yong papers ko ro'n at siya na ang bahala.

"Ingat kayo, Niah." Paalam sa 'kin ni Tita Irish.

"Thank you, Tita. Thank you rin po sa libreng breakfast, nabusog po ako," sabay ngiti ko sa kaniya. Nginitian niya naman ako pabalik.

Naunang lumabas sila Haze at Megan habang magka-akbay. Sumunod na rin ako sa kanila. Bakit ganito nararamdaman ko ngayon? Dapat masaya ako sa kanila, 'di ba? Dahil pareho silang malapit sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit ang bigat sa dibdib na makita ko silang magkasama.

"Megan, kunin ko lang saglit papers ko sa bahay, " saad ko nang maabutan siya sa may pinto.

Nginitian naman ako nito. "Sure, inaayos pa naman ni Haze 'yong sasakyan."

Dali-dali akong nagtungo sa bahay at kinuha agad ang papers na kakailanganin. Tanging ang mga katulong na lang ang nadatnan ko sa loob marahil ay pumunta na sa resto sila Dad at Mom maging si Kuya.

Lumabas na ako at nasa tapat na ng bahay ang kotse ni Haze. Biglang bumukas ang pinto sa passenger's seat.

"Sakay na, Niah." Nakasilip na wika ni Megan.

Nasa front seat si Megan at ako naman ay nasa passenger's seat. Tahimik lang ako at sila naman ay nagku-kwentuhan. Rinig ko ang bawat tawa ni Haze na nagpapabigat sa nararamdaman ko. Halata sa kaniya na masaya siya sa tuwing kasama niya ang pinsan ko.

Ilang saglit pa'y huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking building. Ito na nga ang company na pagma-may-ari ng pamilya nila Megan.

"Bye, love. Call me later, okay?" Ani ni Megan sabay halik sa pisngi ni Haze. Umiwas naman agad ako ng tingin sa kanila at tinuon nalang ang paningin sa labas ng bintana.

"I will, I love you," rinig kong sagot ni Haze.

"I love you, too."

Lumabas si Haze upang pagbuksan ng pinto si Megan.

"Niah, ingat kayo ha? Masaya akong bumalik ka na," baling niya sa 'kin.

Tanging ngiti lang ang pinukol ko sa kaniya dahil agad na rin namang pinagbinuksan ni Haze ng pinto si Megan. Hinintay muna ni Haze si Megan na makapasok bago muling sumakay. Tahimik lang kami simula noong bumaba si Megan. Mukhang wala siyang balak magsalita at kausapin ako. Mas lalo tuloy akong nailang.

"Malayo pa ba tayo, Haze?" Ako na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Yep," tipid niyang sagot.

Fifteen minutes rin ang lumipas hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang resto. R-Resto? Bakit resto? Akala ko ba hospital? Anong gagawin namin dito?

"Nandito na tayo," wika niya.

"Ha? Akala ko ba sa hospital tayo pupunta?" Naguguluhan kong tanong.

"Kakain lang muna tayo saglit tsaka tayo dumiretso sa hospital," diretsong tingin niya sa labas ng bintana.

Kakain? Ulit? Hindi ba kaka-almusal lang namin? Hindi ba siya nabusog? Ano 'to, part two?

"Oh, bakit? Anong hinihintay mo? Labas na dahil hindi kita pagbubuksan ng pinto," sungit niyang saad.

Pagkasabi niya no'n ay lumabas na siya. Lumabas na rin ako at sumunod sa kaniya papuntang loob ng resto.

"Teka, Haze. 'Yong bag ko nakalimutan ko sa loob ng kotse mo," habol ko sa kaniya.

"Then, good." Patuloy pa rin ito sa paglalakad.

"Ha? Anong good?" Kasabay ko na siyang maglakad ngayon.

"Safe ang bag mo ro'n kaya 'wag ka mag-alala."

Pero nando'n 'yung wallet ko. Paano ko babayaran 'yung pagkaing i-o-order ko? Unless, ililibre niya ako. Pero, imposible. Huwag na lang kaya ako mag-order tutal naman ay busog pa ako. Hintayin ko na lang siyang matapos kumain.

Huminto siya at naghanap ng bakanteng mauupuan. Hindi naman ganoon karami ang customers kaya hindi kami nahirapang maghanap. Pinili niya sa dulo na maupo dahil makikita ang nasa labas. Umupo na ito at ako ay nanatiling nakatayo.

"Ginagawa mo r'yan? Tatayo ka bang kakain?" Sarcastic niyang tanong.

"Seryoso ka talaga? Kakain ka ulit?" Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ba sapat sa kaniya ang niluto ni Tita Irish?

"Bahala ka kung ayaw mong umupo."

Wala naman akong magawa kung 'di umupo na rin. Kinuha niya agad ang menu at ilang saglit pa'y nasa tabi na nito ang waiter.

"Good Morning, Ma'am and Sir. May I take your order?"

"Anong order mo?" Tanong sa 'kin ni Haze habang tutok sa hawak niyang menu.

"Okay na sa 'kin ang tubig kasi b-busog pa ako. Hintayin ko na lang na matapos kang kumain."

"Tsk, okay."

Bumaling siya ngayon sa waiter.

"1 Brunch Wings, 2 Corned Beef Hash, 1 Coppersmith Egg Sandwich, 1 Steak n Eggs, 2 Short Rib Grilled Cheese, 2 Smoked Chicken Gumbo and 1 cup of Cappuccino."

Nanlaki ang mata ko nang matapos niyang banggitin lahat ng inorder niya. Kasya ba lahat 'yon sa tiyan niya? Ganito na ba siya katakaw ngayon?

"What?" Kunot-noo niya akong tinignan.

"W-wala," sagot ko sabay iwas ng tingin.

Mga fifteen minutes lang kami naghintay at dumating na nga ang mga inorder niya. Seryoso ba talaga siya? Kakainin niya lahat 'to? Kaya ba niya?

Matapos mailapag ng waiter ang mga pagkain ay nagpaalam ito sa 'kin. "Wait, magbabanyo lang muna ako. Dito ka lang, ha?"

Tumango lang ako. Tumayo na siya at tumigil sa tapat ko.

"Enjoy," dagdag niya at nakangisi pa ito.

Ano nangyari sa kaniya? Ba't siya nakangiti? Parang kanina lang ay halos mamatay na ako sa sobrang sakit ng tingin niya. Naglakad na siya na sinundan ko naman ng tingin. Nakasalubong niya ang waiter kanina at kinausap ito. Ipinagsalawalang bahala ko lang 'yon. Baka tinanong lang ni Haze kung saan banda ang restroom nila.

Ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa labas ng resto. Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon. Kung mag-isa ko lang siguro dito, kanina pa ako nawala. Hindi ko pa naman kasi kabisado ang pasikot-sikot.

Ten minutes na ang lumipas ay wala pa rin si Haze. Mahaba ba ang pila sa restroom? Tiningnan ko ang direksiyon na tinungo niya kanina. Wala pa ring Haze na lumalabas.

Nang ibalik ko ang atensyon ko sa labas ng resto dahil sa sobrang pagkainip, natuon ang aking paningin sa isang pamilyar na kotse at nakaramdam ako ng matinding kaba nang humarurot ito palayo. Teka, kotse 'yon ni Haze! Hindi ako p'wedeng magkamali, kotse niya nga 'yon! Tumayo ako at akmang lalabas na upang habulin sana si Haze pero biglang sumulpot sa harap ko ang waiter na kausap ni Haze kanina kaya natigilan ako.

"Ma'am, saan ho kayo pupunta? 'Yung bill niyo po hindi niyo pa nababayaran." Iniabot nito sa 'kin ang maliit na papel.

P3, 214.00 lang naman ang total amount na inorder ni Haze.

"Ang sabi po ng kasama niyo kanina, kayo raw po ang magbabayad sa inorder niya dahil kailangan niya nang umalis."

W-What? Paanong ako ang magbabayad? Eh, nasa loob ng kotse niya ang bag ko at alam ni Haze 'yon. Nandoon ang wallet ko kaya wala ni piso akong perang dala ngayon. Bakit niya ako iniwan dito? Sinadya niya bang iwan ako?

Paano ko 'to babayaran? Paano ako makakauwi? Paano na ako ngayon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro