CHAPTER 31
Xianniah Astrid Fajardo
Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na pinaghandaan talaga namin.
"Ayos na ba ang lahat?" tanong ko kay Akisha na nasa tabi ko. Kasalukuyan rin siyang inaayusan ngayon.
"Okay na, Niah. Nakabihis na sila at ang iba ay tapos na ring ayusan kaya nasa living room sila ngayon naghihintay."
Ngumiti ako at bumalik ang paningin sa harap ng salamin. Malapit na akong matapos. Magbibihis na lang ako pagkatapos nito. Naunang natapos si Akisha at sumunod naman ako. Tinulungan niya ako sa pagsuot ng damit ko.
"Finally, ito na 'yong araw na hinihintay mo. Ang ganda mo, Niah!" Inayos niya ang laylayan ng damit ko tsaka tumabi sa 'kin at sabay kaming humarap sa malaking salamin na nandito sa loob ng kwarto ko.
"Let's go? Labas na tayo!" excited nitong wika.
Inaya ko na siyang lumabas. Nasa kabilang kwarto sila Megan at akmang bubuksan ko na sana ito nang biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa amin si Megan na litaw ang kagandahan sa kulay silver niyang dress.
"Ang daya talaga! Dapat ako may suot niyan, eh!" pagre-reklamo ng katabi ko.
Tinawanan naman siya ni Megan, "Don't worry, Akisha. Ikaw naman ang kukunin kong maid of honor sa araw ng kasal ko."
"Dapat lang, 'no!"
Nahinto ang tawanan namin nang lumabas na rin sa kabila pang kwarto sila Dad at Tito Leo. Nakangiti silang lumapit sa amin.
"Napakaganda mo, Anak." He stared at me. "Masaya akong ikakasal ka na," dagdag pa niya.
"Thank you, Dad."
Ito ang ika-siyam na nakasulat sa bucket list ni Haze. Ang maikasal ako sa kaniya. Hindi dahil hiniling niya ito kaya ko 'to gagawin. Ito rin ay kagustuhan ko at bukal sa loob kong maikasal sa lalaking kailan man hindi nawala ang pagmamahal ko para sa kaniya.
"Sa van na kami sasakay, Tito." Kausap ngayon ni Megan si Tito Leo.
Apat na sasakyan ang gagamitin. Isang bridal car kung saan kasama ko sila Mom at Dad. Isang van na pagsasakyan nila Akisha, Megan, Jann at Keiffer. Isa naman kila Tito Leo na kasabay ang dalawang flower girl at ring bearer. At ang huli ay ang kotse ni Kuya Xiander na kasama si Steven at Sean. Kasama na ngayon ni Tita Irish si Haze.
Unang umalis sila Tito Leo kasunod naman sila Kuya Xiander. Sumunod na rin sila Akisha at kami ang huli. Nang makarating kami sa hospital, halos maagaw namin lahat ang atensyon ng mga taong nandoon. Sunod-sunod kaming naglakad na suot ang wedding dress and suit. Nakaalalay naman sa likod ko sila Akisha at Megan dahil baka matapilok ako dahil medyo mahaba ang wedding gown ko. Nagtinginan sa 'kin ang mga nakasama kong Nurses noong nagtra-trabaho pa ako. Sinalubong nila ako na may ngiti sa kanilang labi. Bakas sa mukha nila ang saya. Sumakay na kami ng elevator hanggang sa makarating sa third floor. Nadatnan namin si Father na nasa labas na ng kwarto ni Haze na tila kadarating lang din.
"Nandito na pala kayo," ani ni Father. "So, let's start?" dagdag niya pa na ikinatango naming lahat.
Kasabay ni Father pumasok sa loob ang wedding coordinator na kinuha namin, sila Tito Leo at Tita Irish. Kami naman ng mga pinsan ko at pamilya ko ay naiwan sa labas. Bumukas ang pinto at lumabas mula rito ang wedding coordinator. Inayos na niya ang pagkakasunod-sunod. Ilang minuto na lang ay magsisimula na. Matapos kaming ayusin ng wedding coordinator ay bumalik ulit ito sa loob. Sinamantala naman 'yon ni Steven na lapitan at kausapin ako.
"You're now getting married. I'm happy for you, Niah." A smile plastered on his lips. "Buti na lang pala 'di ako natuloy kung 'di, hindi ko masasaksihan 'tong pinaka-special na araw sa buhay mo."
Si Steven ang kinuha kong best man. Si Megan naman ay ang maid of honor. Sila Jann, Sean, Keiffer at si Kuya Xiander ang kinuha kong groomsmen at kasama ni Akisha ang mga girlfriend nila Keiffer, Sean, at Kuya Shawn na bridesmaid.
"Eh, 'kala ko ba kaya hindi ka umalis dahil may mission ka?" I asked.
"Yes, at ito nga ang mission ko. Ang damayan ang best friend ko. I'm always at your back, Niah! Lalo pa sa sitwasyon mo ngayon." Nawala ang ngiti sa labi ko. Naalala ko na naman ang kondisyon ko. Habang patagal nang patagal na 'di pa nagagawa ang surgery, mas lumalaki lalo ang butas ng puso ko. Ang sabi, kailangan na raw ng heart transplant pero paano 'yon? Hirap pa rin kaming makahanap ng donor.
"Hey?" Bumalik ang ulirat ko nang magsalita itong muli. "Huwag mo munang isipin 'yan. Dapat masaya ka ngayon dahil finally, ikakasal na kayo ni Haze."
Ngumiti naman ako sa kaniya. Tama siya, iwasan ko muna ang mag-isip-isip ngayon. Dapat masaya lang ako. I'll just enjoy this day.
Sinenyasan na kami ng wedding coordinator na magsisimula na. Unang pumasok sa loob si Steven. Kasunod ang dalawang flower girl at ring bearer. Habang papalapit, 'di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halu-halong emosyon, saya, kaba at excitement. Pumasok na ang mag-partner na si Jann at Akisha. Sumunod na rin sila Sean at ang girlfriend niya, sila Keiffer at sila Kuya Shawn. Ilang saglit lang ay si Megan na ang sumunod. Kami na lang nila Mama at Dad ang naiwan sa labas.
"Mama, Dad... thank you." I started. "Thank you dahil pinagbigyan niyo kami. Thank you dahil napatawad at tanggap niyo na kami ngayon."
Hinawakan ni Mama ang dalawang kamay ko. "Noon pa man ay tanggap na namin kayo ni Haze. Sad'yang mas inisip lang namin ang kondis'yon mo and we didn't expect na may sakit din pala si Haze and we really sorry for that. Anak, masaya ako para sa 'yo. Hindi ka man naikasal sa simbahan, I'm still happy dahil masaya ka sa kaniya. Masaya kang ikakasal sa taong matagal mo nang minamahal. I'm happy for the both of you."
"We love you, Anak." Nilingon ko si Dad. Hinagkan muna nila ako ng mahigpit bago kami humakbang papunta sa loob. Pinihit ni Dad ang doorknob at tumambad sa amin ang nakangiting mga pinsan ko. Natuon naman ang paningin ko kay Haze na nakasuot ng black suit. Nakahiga pa rin siya sa kama dahil hirap na siyang tumayo o umupo man lang. Kahit na palubog na ang mga mata nito at ang pisngi, maging ang labi ay sobrang putla at ang ulo niyang wala ng buhok, napaka-gwapo pa rin ng lalaking mapapangasawa ko.
Kasabay ko sila Dad at Mama na naglakad papunta sa tabi ni Haze. Nasa tabi na kami ng kama ni Haze. Hirap man siyang magsalita, pinilit niyang bigkasin ang salitang "Thank You" kila Mom at Dad. Tinapik lang siya ni Dad sa balikat at si Mama ay kinuha ang kamay ni Haze at hinawakan ito.
"I'm so happy that I witnessed your undying love for Niah," saad ni Mama. Pagkatapos nilang sambitin 'yon, kinuha ni Mom ang isang kamay ko at pinagtiklop ang kamay naming dalawa ni Haze. Nginitian ko sila bago pumunta sa kinaroroonan nila Tita Irish at Tito Leo.
Pumunta na sa harap namin si Father. "Ladies and gentlemen, family and friends, we are gathered here today to witness and celebrate the joining of Ellaquim Haze Montemayor and Xianniah Astrid Fajardo in marriage. With love and commitment, they have decided to live their lives together as husband and wife."
Sinimulan na ni Father ang seremonya. Nakikinig lang kaming lahat. Hawak ko pa rin ng mahigpit ang kamay ni Haze. Nakaupo ako ngayon sa tabi ng kama nito. May doctors and nurses din sa loob ng kwarto, saksi sa pag-iisang dibdib namin. Hindi ko inakala na after 8 years, kasal ang bagsak namin. Hindi man namin natupad ang iba naming pangako gaya ng nasa tabi ako ni Haze sa oras na maabot niya ang pangarap niya at maging isang ganap na cardiologist, masaya pa rin kami dahil may isa namang pangako kaming matutupad. At 'yon ay ang ang kami hanggang dulo. Marami mang nagbago sa loob ng walong taon, isa lang ang sigurado kong 'di nagbago at kailan man ay hindi magbabago, ang pagmamahal na mayroon kami para sa isa't-isa. Marami mang pasakit at problema na binigay, nagpapasalamat pa rin kami dahil nagsilbing daan 'yon para humantong kami rito ngayon. Walang sino o bagay ang makakapigil sa dalawang taong itinadhana talaga para sa isa't isa, kahit sakit man ito.
Marahil ay nakalaan talaga kami sa isa't isa pero 'di nakatadhanang magsama ng mahabang panahon. May isang kailangang mauna at may isang maiiwan o p'wede ring sabay na mawawala.
Oras na para magpalitan ng singsing. Pumunta sa tabi namin si Keith, ang ring bearer. Binigay nito ang tig-isa naming singsing. Pinilit ni Haze na isuot ang singsing sa daliri ko.
"N-Niah, I give you this ring as a symbol of my love. As it encircles your finger, may it remind you always that you are surrounded by my enduring love." Bilib ako sa kaniya. Pinilit niyang maging malakas sa araw ng kasal namin. Hirap man, nagawa niya pa ring magsalita. "Lagi mo sanang tandaan na mahal na mahal kita. Even in the next life, I will still choose you. You're still the girl I want to be with in my next life. Sa susunod na buhay, hahanapin at pipiliin pa rin kita." Umaagos na ang mga luha sa pisngi ko. Maging ang mga taong nasa loob ay umiiyak na rin. Sabing 'di ako iiyak, eh! Dapat masaya kami ngayon.
"Niah, I won't stop loving you even from afar," nginitian ako nito. Humahagulhol na ako sa iyak. Bakit parang nagpapaalam na siya? No, Haze...
"Literal na malayo dahil mawawala na 'ko. Ikaw ay mananatili rito habang ako ay mamamaalam na sa mundong 'to. Mahal na mahal kita, Niah." Hindi niya na rin mapigilan ang umiyak. Lahat kami ay nagsisi-iyakan na. Ano ba 'yan, kasal pa ba ito? Tama na pag-iyak, oh. Please, tama na.
Naisuot na niya nang tuluyan ang singsing sa daliri ko. Inabutan kami ni Jann ng tissue. Pinahiran ko muna ang basang mukha ko. Wala na akong pakialam kung masira na ang make-up ko. Kinuha ko ang kanang kamay niya at hinawakan ito. Tinutok ko ang singsing sa palasing-singan niyang daliri.
"I give you this ring as a visible and constant symbol of my promise to be with you, for as long as I live." Sinuot ko na sa kaniya ang singsing. "I love you more than the words can say, Haze. At ikaw pa rin ang pipiliin kong mamahalin sa susunod na buhay." Pinilit kong ngumiti para maiba ang timpla ng hangin sa loob ng kwarto. Ayokong masira ang araw na ito. Gusto kong maging masaya kaming pareho ni Haze.
Sabay kaming bumaling kay Father na ngayon ay pinupunasan pa rin niya ang kaniyang mukha. "Sorry, nadala lang rin kasi ako. Bilib ako sa pagmamahalan niyo," wika ni Father tsaka inayos ang sarili bago bigkasin ang pinakahihintay namin.
"For as much as bride and groom have consented together in holy matrimony, and have pledged their love and loyalty to each other, and have declared the same by the joining and the giving of rings, by the power vested in me, and as witnessed by friends and family, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Nagsipalakpakan na ang lahat.
"Ito na ang best part! Kiss, kiss!!!" Rinig ang malakas na hiyaw ni Jann na agad namang binatukan ni Akisha. Natawa kaming lahat sa kanilang dalawa.
Tumayo ako at dahan-dahang yumuko sa tapat ng mukha ni Haze. Nginitian ko muna ito bago siya halikan. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi at sabay kaming bumaling sa mga mahahalagang tao sa aming buhay na nakapalibot sa amin ngayon. Kinuha na nila ang wedding certificate at sabay kaming pumirma ni Haze. Finally, I'm Mrs. Montemayor now!
Nagsilabas na ang iba dahil didiretso na sa resto kung saan naroon ang reception. Ang kakaiba lang ay walang groom at bride na darating doon dahil 'di na pinayagan si Haze na lumabas dahil nanghihina na talaga ito. Nanatili na lang kami rito sa loob kasama sila Mama, Dad, Tita Irish at Tito Leo. Bakas sa mukha nila ang saya.
"Niah?" Nagulat ako nang banggitin ni Haze ang pangalan ko.
"B-Bakit? May masakit ba sa'yo?"
"W-Wala. P'wede ko bang makuha ang notebook kung saan ko sinulat ang bucket list ko?"
Nagtataka man ay inabot ko ito sa kaniya at 'di na nagtanong pa. Nagpaabot rin siya ng ballpen. May sinusulat siya ngayon dito.
"May huling hiling pa sana ako." Nagtaka kami sa sinambit niya. Ano pa ang gusto niyang hilingin? Inabot nito pabalik sa 'kin ang notebook. Binasa ko agad ang sinulat niya. Nanlaki ang mga mata ko matapos kong basahin.
"Haze, no!"
"Niah, kahit wala na ako, mananatili sa pagtibok pa rin ang puso ko. Please, sana tuparin niyo ang huling hiling ko."
Napatakip ako ng bibig dahil sa paghagulhol na naman ng iyak. Labis na sakit na ang binibigay sa amin. Hindi ko kayang gawin 'yon ni Haze.
Hindi...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro