CHAPTER 30
Xianniah Astrid Fajardo
"Ilan ba ang nakalista r'yan?" Tanong ni Jann na nasa tabi ko. Kasalakuyan kaming nakaupo sa loob ng kwarto ni Haze. Alas-diyes na rin ng gabi at kami nila Akisha at Keiffer ang magbabantay. Uuwi rin mamaya sila Megan, Sean at Jann. Tulog na siya kaya agad kong tinawag ang mga pinsan ko para tulungan nila akong tuparin ang nasa bucket list nito.
"Siyam ang nakasulat," ani ko. Konti lang ang gustong gawin ni Haze at ang karamihan dito, may kinalaman sa 'kin.
"May I see?" Nguso ni Sean sa maliit na notebook na hawak ko.
Inabot ko ito agad sa kaniya. Nasa tabi na ni Sean si Jann na kanina lang ay nasa tabi ko. Lumapit na rin si Keiffer at Megan para makibasa. Si Akisha ay nanatiling nakaupo sa isa pang sofa. Gaya ko, nabasa na niya ito kanina kaya alam na niya ang nakalista ro'n.
"May tatlo na pa lang na-check. So, anim na lang ang tutuparin natin." Saad ni Keiffer na nakatingin pa rin sa notebook.
"Yes at balak ko sanang tuparin na bukas ang pang-apat."
"So, what's your plan?" tanong ni Akisha. Nagsibalik na rin sila sa kaniya-kaniya nilang upuan matapos ibalik sa 'kin ni Sean ang notebook.
Tumingin ako kay Jann. Siya ang kailangan ko para matupad ang ika-apat na nasa bucket list ni Haze. "Hindi ba't ikaw ang inutusan ni Tita Irish para kumuha ng iba pang gamit ni Haze?"
Tiningnan naman niya ako na nagtataka. "Yes. So, ano gagawin ko?"
"Hanapin mo kung saan nakalagay ang mga letters na 'yon. I'm sure sa cabinet niya lang ito nilagay."
Nakisuyo si Tito at Tita na kami muna ang bahala kay Haze dahil may trabaho lang raw silang tatapusin. Mag-file na rin naman daw sila ng leave sa trabaho nila bukas para mabantayan na si Haze. Si Jann ang pupunta para kunin ang iba pang damit ni Haze bago pumasok sa eskwelahan. Ah, nga pala, nag-drop out na si Haze. Ayaw man niya pero wala siyang magagawa. Masakit na tanggapin na hihinto muna siya sa pag-abot ng kaniyang pangarap na maging isang cardiologist. Matutupad pa naman ito dahil umaasa akong gagaling pa siya.
Mga 10:00 PM, umuwi na ang mga pinsan ko. Kami naman ni Akisha ay balak nang matulog at si Keiffer na muna ang magbabantay sa tabi ni Haze. Uuwi rin kasi ako bukas ng maaga para ipag-luto si Haze ng agahan.
Alas-singko ng madaling araw akong nagising at naabutan ko si Keiffer na mulat pa. Nagpaalam ako sa kaniya na sabihin na lang kay Akisha na nakaalis na ako dahil ayokong gisingin pa ito. Nag-commute ako dahil wala akong dalang kotse. Apat na oras lang ang tulog ko at malaki ang epekto nito sa kondisyon ko pero kailangan kong tiisin para kay Haze. Naabutan ko si Mama sa kusina. Kinamusta niya ako at maging si Haze. Dumalaw si Mama kahapon at hinatiran ako ng mga damit pero 'di rin ito nagtagal. Dadalaw na lang daw sila ulit kapag walang masiyadong customers sa resto. Habang tinutulungan ako ni Mama na magluto, ang siya naman pagbaba ni Dad. Nadatnan niya kami sa kusina.
"Kumusta si Haze?" Hinila ni Dad ang isang upuan sa hapag-kainan.
"Masama pa rin ang lagay, Dad. Patuloy na kumakalat ang cancer cells sa utak nito."
Patapos na ako sa niluluto ko kaya hinanda ko na ang lunchbox na gagamitin.
"Niah, I'm sorry. Sorry kung naging matigas ako at 'di ko pinakinggan si Haze. Sorry kung umabot pa sa point na paglalayuin ko pa kayo. Sorry kung nahirapan si Haze dahil sa kagustuhan ko. Iniisip lang kita, Niah. Alam mo namang palala na rin nang palala ang sakit mo at kailangan na ng surgery as soon as possible."
Tinigil ko ang paglalagay ng pagkain at nilingon si Dad. "I know, Dad. Don't worry, nangako naman si Megan na tutulungan niya ako about sa surgery ko."
May na-contact na si Megan na isang magaling na doctor. Nagpa-schedule na rin kami at hinihintay na lang ang araw na 'yon para puntahan ang doctor na ito. Matapos kong ilagay ang lahat ng pagkain sa lunchbox at naligo't nagbihis, ay nagpaalam na akong babalik na ulit sa hospital.
Nasa labas na ako ngayon ng bahay at hinihintay na lumabas mula sa garahe ang sasakyan dahil ihahatid ako ng driver namin. Nasa tapat ko na ang kotse nang may humintong isang kotse sa likuran nito. Teka, familiar ang kotseng 'yon. Tama, kay Steven nga ito! Hindi siya umalis?!
Bumaba si Steven mula sa kotse niya at kinausap si Manong driver, "Manong, ako na po maghahatid sa kaniya."
Tumango lang si Manong tsaka binalik ulit ang kotse sa loob. Lumapit naman sa 'kin si Steven. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon.
"Akala ko, tumuloy ka." Hindi ko na natanong sila Dad ang tungkol kay Steven. Ang akala ko kasi talaga ay natuloy siyang umalis.
"No. I have still a mission here that I need to fulfill."
Kumunot naman ang noo ko. "Ha? Mission? Eh, ano naman?"
"Nothing. Let's go! Hinihintay ka na ni Haze."
Hindi ko na kinulit pa si Steven. Mas mahalagang makabalik na ako sa hospital dahil malapit na mag alas-siyete at 7:30 ang usapan namin ni Jann. Nang makarating kami sa hospital, inaya ko si Steven na tignan si Haze pero sa next day na lang raw dahil may aasikasuhin pa ito.
Nadatnan ko sila Akisha at Keiffer sa loob ng room ni Haze. Agad akong humakbang papunta sa tabi ni Haze nang makitang gising na siya.
"Hala, kanina ka pa ba gising? Gutom ka na ba? Wait, ihanda ko na agahan mo." Akmang ilalabas ko na ang dalawang lunchbox sa bag na dala ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan para mapahinto ako.
"I missed you," wika nito na ikina-ngiti ko naman.
"You missed me? Pero kausap mo lang ako kagabi," natatawang sambit ko. Ilang oras pa lang naman ang nakakalipas, miss niya agad ako?
"Did you know that... I miss you every day, every hour, every minute, and every second, Niah." A smile plastered on his lips.
Ramdam kong nag-init ang pisngi ko. Ano ba, Haze! Kinikilig ako.
Inihanda ko na ang pagkain niya. Binigay ko na rin ang isa pang lunchbox kila Akisha at Keiffer. Ako naman ay tapos nang kumain sa bahay. Sinubuan ko si Haze at patapos ko na siyang pakainin nang dumating na si Jann. Sakto lang sa oras ng usapan namin. Dala niya ang iba pang damit nito. Pinatong niya sa sofa ang dalang bag bago lumapit kay Haze.
"Good Morning, Haze!" masiglang bati nito kay Haze. Tumango si Haze at nginitian si Jann. Hindi na rin kasi masiyadong makapagsalita ito dahil sa aparatong nasa bibig niya. "Ako ang kumuha ng iba mo pang gamit. May nakita akong isang box sa closet mo. Kinuha ko, baka gusto mong tingnan?" nag-aalangang wika ni Jann. Hindi kasi namin p'wedeng diretsuhin si Haze na nakita namin ang bucket list nito.
"May I see?"
Tinalikuran ni Jann si Haze at pumunta sa sofa kung saan niya nilapag ang bag. Pasimple niya akong nginitian bago bumaling kay Haze dala-dala ang isang color brown na kahon. Hawak lang ito ni Jann at 'di pinabuksan ni Haze bagkus tumingin siya sa gawi ko.
"Give it to Niah," mahinahong utos ni Haze kay Jann.
Expected ko namang mangyayari ito pero nagkunyari pa rin akong nabigla. "I want you to read every letter inside that box, Niah. I didn't stop writing a letter for you kahit 'di ko maibibigay sa 'yo that time dahil 'di ko alam ang address mo. Pero umasa akong isang araw, mababasa mo rin ang mga 'yan and that day is today."
Inabot sa 'kin ni Jann ang kahon. Gusto ni Haze na basahin ko ito sa tabi niya kaya bumalik ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama at binuksan ito. Maraming letters ang naro'n. Naka-organized naman ito by date kaya 'di ako nahirapan.
May 15, 2012
Dear Niah,
I'm happy that I've met you today. I was crying under the tree, nakakahiya dahil nakita mo ako kung kailan napakahina ko. Gaya ng sinabi mo, I'll try to be brave! Thank you, Niah.
Tumingin ako kay Haze matapos kong basahin. Nakangiti lang itong nakatitig sa 'kin. Naalala ko na naman ang una naming pagkikita. Kung kailan nakilala ko siya. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa iba pang letter na naroon.
June 22, 2012
Dear Niah,
Today, you promised that you won't leave me. We promised that someday, I'll be with you and you'll be with me. Ikaw at ako hanggang sa dulo. Panghahawakan ko 'yon.
Hindi pa rin inaalis ni Haze ang paningin niya sa 'kin. Seryoso lang siyang nakikinig. Siguro, inaalala niya rin ang mga araw na 'yon.
June 23, 2012
Dear Niah,
Nagising lang ako, wala ka na. You left me, Niah. Why?
Nakaramdam ako ng konsensya pagkabasa ko no'n.
"Haze, I'm sorry." Tumingin ako sa mga mata niya. Imbes na magsalita ay mas pinili niyang tumango na lang. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay tsaka ngumiti. Hirap siyang magsalita kaya dinaan niya na lamang sa action.
June 27, 2012
Dear Niah,
I met your cousins but still, ikaw pa rin ang gusto kong makalaro't makasama. Please, balik ka na.
Marami pa akong nabasang letter na sinulat niya. Ramdam ko ang sakit na binigay ko sa kaniya matapos ko siyang iwan.
September 04, 2012
Dear Niah,
It's your day! Happy Birthday, Niah!
Nangilid na ang mga luha ko. Pati special day ko, 'di niya nakalimutan. Maging Christmas at New Year, patuloy siya sa pagsusulat. Bawat taon, may letter siya para sa 'kin. Marami na akong nabuksan na letter at patuloy pa rin ako sa pagbabasa.
March 16, 2018
Dear Niah,
Nililigawan ko na si Megan. I'm sorry, Niah. Ang hirap kasing maghintay na walang assurance. Susubukan kong suklian ang pagmamahal niya para sa 'kin. I'm sorry.
July 11, 2018
Dear Niah,
Ikaw pa rin talaga.
Hindi ko na napigilan na bumagsak ang mga luha ko. All this time, minamahal niya pa rin ako. Kahit marami na ang nagbago, nanatili pa rin ang nararamdaman niya pa rin sa 'kin.
May isa na lamang na letter ang natira. Tinignan ko ang date nito. Last week niya lang sinulat.
August 05, 2020
Dear Niah,
You're finally back, but... I'm dying.
Napahagulhol na ako nang tuluyan habang binabalik ang mga liham niya sa kahon at sinara ito. Pinunasan ko mga luha ko bago lumingon kay Haze. Ayokong umiiyak sa harap niya. Kailangan ko maging matapang kung sa gano'n, maging matapang din siya. Nang lingunin ko siya, nakapikit na ang mga mata nito pero may ilang butil ng luha ang umagos sa pisngi nito. Hindi ko alam kung tulog na ba siya o sadyang pinikit niya lang ang mata niya basta, pinunasan ko pa rin ang basa niyang pisngi gamit ang hinlalaki ko.
I kissed his forehead as I stood up. Hawak-hawak ko pa rin ang kahon habang papunta sa malaking sofa kung sa'n nakaupo sila Jann, Keiffer at Akisha.
Nasa harap na nila ako nang abutan ako ni Akisha ng tissue. "Be strong," wika nito. Tipid na ngiti lang ang pinukol ko sa kaniya.
"Number four is done. What's next?" Tanong ni Keiffer. Ang tinutukoy niya ay ang bucket list ni Haze.
Naupo ako sa tabi ni Akisha. "Number five, six, seven and eight."
Inilapag ko ang hawak kong kahon sa lamesang nasa harapan namin. Tsaka ko kinuha ang maliit na notebook na nasa bag ko. Kumuha rin ako ng ballpen to mark check the number four in the list.
My Bucket List
1. To see Niah, again. ️
2. Vacation trip with Fajardo's Cousins. ️
3. Spend day or night with Niah. ️
4. Give the letters to Niah. ️
Apat na ang natupad. Balak ko na isunod ang ika-lima, ika-anim, ika-pito at ika-walo. Pagsasabayin ko na silang apat. Balak kong tuparin ito next week dahil do'n lang kami maku-kompleto lahat.
Sa mga sumunod na araw, nasa tabi lang ako ni Haze inaalagaan siya. Kahit na nakakaramdam ako ng pagkahilo, pagkakaduwal at paiba-iba ng moodswing ay tiniis ko. Hindi ko rin ito sinabi sa parents ko at sa mga pinsan ko dahil ayokong mag-alala pa sila.
"Tito, napakiusapan niyo po ba ang doctor?"
Nasa labas kami ngayon ng room ni Haze. Hinabol ko si Tito Leo para tanungin kung pumayag ba ang doctor sa request kong ilabas siya kahit dalawang oras lang.
"Yes, p'wede mo ilabas si Haze. Basta iha, ingatan mo ang Anak ko, ha?"
Tumango ako kay Tito, "Makakaasa po kayo."
Pumasok na ulit ako sa loob at inutusan si Jann na kumuha ng wheelchair na gagamitin ni Haze. Nahihirapan na kasi siyang maglakad.
"Ako na ang sasama sa inyo, Niah," volunteer ni Akisha. Kailangan kasi namin ng isa pang makakasama para humawak sa oxygen na nakakabit kay Haze at iba pang gamit.
"Thank you," I smiled at her. Bumaling naman ang atensyon ko kila Sean, Megan at Keiffer. "So, kayo na ang bahala?"
Sabay-sabay silang tumango.
"Ako na bahalang kumuha sa bahay ng mga gagamitin para mamaya," ani ni Sean.
"Tatawagan ko na rin mamaya sila Tito at Tita," wika rin ni Keiffer.
"Ready na rin ako para mamaya." Rinig ko ang buntong hininga ni Megan dahil katabi ko lang ito.
Nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng mga pinsan na handang tumulong at damayan ako. I'm beyond blessed for having them.
Kinuha ko muna ang bonet at t-shirt sa sofa na nihanda ko kanina bago pumunta sa tabi ni Haze. Tulog pa ito pero kailangan ko na siyang gisingin.
"Haze?" Marahang tinapik tapik ko ang balikat nito.
"Hmm?" Sagot niya na nanatiling nakapikit pa rin.
"I have a surprise for you. So, wake up!" sabik kong balita sa kaniya.
Iminulat niya na ang kaniya mga mata at gaya ng dati na t'wing gumigising siya, ngiti ko ang bubungad sa kaniya.
"What a beautiful view," an'ya. He's making me blush again.
"May pupuntahan tayo."
"W-Whe-"
Hindi ko siya pinatapos magsalita dahil nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya para pahintuin ito. "Basta. Surprise nga, e'.
Inalalayaan ko siya hanggang sa makaupo na ito. Inalis ko ang pagkakabutones ng suot niya. Hindi ko naman first time na gawin ito pero 'di ko pa ring mapigilang mamula dahil tumambad na naman sa 'kin ang abs niya. Narinig ko siyang napatawa. Tinignan ko siya ng masama. "W-What?!"
"You're so cute, tomato."
Tomato?! Ano ako, kamatis? Nang marealized ko ang tinutukoy niya ay agad kong tinakpan ang pisngi ko. Hindi ko na siya muling tinignan bagkus sinuot ko na lang agad ang t-shirt niya. Sinunod kong isinuot sa kaniya ang bonet niya pero tinanggal niya rin ito agad.
"Niah, can I use my wig instead?"
Hindi na ako nagtanong pa kung bakit. Kinuha ko ang wig niya at sinuot ito sa kaniya at inayos. Dahil dito, hindi mo aakalaing wala nang buhok si Haze.
"Pogi na ba ako ulit?" Nakuha niya pang mag-pogi pose na ikinatawa ko.
"Kahit may buhok ka o wala, pogi ka pa rin."
Inalalayan namin si Haze na makaupo sa wheelchair hanggang sa makalabas sa hospital. Si Akisha ang nag-drive habang kami naman ni Haze ay nasa passenger seat. Mabagal lang ang pagpapatakbo ni Akisha hanggang sa makarating kami sa isang park. Huminto kami mismo sa tapat ng puno ng mangga. Inalalayan namin ulit si Haze na bumaba at umupo ulit sa wheelchair. Hindi pa rin kami umaalis sa gilid ng kotse.
"Haze, maiwan muna kita kay Akisha ha? May kukunin lang ako saglit," pagpapa-alam ko. Sinenyasan ko si Akisha na siya na ang bahala at nag-thumbs up naman ito.
Pumunta ako sa puno kung saan kami unang nagkita ni Haze. Yes, ito ang ika-apat sa list niya.
"Okay na ba lahat?" Tanong ko kay Megan.
Nilibot ko ang paningin sa paligid. May isang bench na naroon sa lilim ng puno. Kompleto na rin silang lahat. Nakatayo sa gilid sila Mom, Dad, Kuya Shawn, Tita Irish, Tito Leo, Keiffer at Jann. Hindi kami nakikita ngayon ni Haze dahil nasa right side siya at natatakpan kami ng kotse.
"Okay na ang lahat, Niah." Inabot sa 'kin ni Sean ang isang mic. May dala rin itong gitara. Tig-isa sila ni Keiffer.
Sinenyasan na nila si Akisha na iliko na si Haze. Bumuntong hininga muna ako bago magsimulang kumanta na sakto namang niliko ni Akisha si Haze mula sa gilid ng kotse. Ngayon ay nasa harap na namin siya.
"Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa no'n nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento
Tinitigan ko ito sa mata habang papalapit siya sa 'kin. Si Akisha ang nagtutulak sa wheelchair nito.
"Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala"
Ang sarap niyang titigan habang nakangiti. Sana araw-araw ay masilayan ko 'yon. Nangilid na ang luha sa 'king mata dala na rin ng kanta. Saktong sakto kasi sa amin. Sa mga memories na nabuo namin noon.
"Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon"
Ikaw pa rin, Haze. Ikaw pa rin hanggang ngayon. Nasa harap ko na siya at pumunta na si Akisha sa tabi ng iba ko pang pinsan. Hinawakan ko ang kamay ni Haze at tinapat sa labi niya ang mic. Hirap man siyang bumigkas ay pinilit niya pa ring kantahin ang sunod na linya.
"Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari..."
Nakangiti akong nakatitig lang sa kaniya pero ang mga luha ko, kusa nang kumawala sa mata ko. Tinuloy ko ang pagkanta kahit naiipit na ang boses ko dahil malapit na akong humagulhol sa iyak.
"Ako 'yong prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng... "
Sinenyasan ko ang lahat na sabayan ako at naki-cooperate naman sila.
"Da-ra-rat-da dati
Da-ra-rat-da dati
Da-ra-rat-da dati
Na gaya pa rin ng
dati..."
Lumuhod ako para pantayan siya. Pinunasan ko ang pisngi niya dahil umiiyak na siya ngayon. Haze, tama na. Ayokong nakikita kang umiiyak. Parang pinipiga ang puso ko.
"Nandito silang lahat?" Nilibot niya ang paningin sa mga taong nasa likod ko. Inimbitahan ko silang lahat dahil isa 'yon sa nakasulat sa bucket list niya.
"Nabasa mo ang bucket list ko?"
Hindi na ako makatanggi kaya tumango na ako. "Oo, Haze. At gusto naming matupad ang lahat nang nakasulat do'n. Kaya nandito rin si Megan para tuparin ang ika-walong hiling mo."
Tumayo na ako at naglakad papunta sa gilid. Humakbang na rin si Megan sa harap ni Haze. Gaya ko kanina, lumuhod din siya para mapantayan si Haze.
"M-Megan?"
Ngumiti si Megan kay Haze. Hinawakan nito ang kamay niya. "Pinapatawad na kita, Haze. And at the same time, pinapalaya na kita. Suportado na ako sa inyo ni Niah. I'm happy for the both of you. So, please? Be strong."
Humagulhol na ito sa harap ni Haze. Maging kaming nasa gilid ay humihikbi na. Ang sakit kasi mapakinggan na sinasabihan si Haze na magpalakas kasi kahit anong pagpapalakas ang gawin niya, wala nang magagawa. May taning na ang buhay niya. Sa ayaw at gusto namin, mawawala pa rin siya. Mawawala pa rin ang taong pinakamamahal ko.
Pinahid ko ang mga luha ko bago bumalik kay Haze. Tinulak ko ang wheelchair nito papunta sa bench na nasa lilim ng puno kung saan kami unang nagkita. Inalalayan namin siyang maupo ro'n at tumabi naman ako sa kaniya.
"Dito nagsimula ang lahat," panimula ko. Kaharap namin ang puno at hinawakan ko ang mga pangalan naming inukit niya, walong taon na ang nakakalipas.
"U-Unang pagkikita natin noon, mahina ako. Hanggang ngayong huling punta natin dito, mahina pa rin ako," he chuckled. "I'm sorry, Niah. Sorry kung mauuna na ako." Dahan-dahan nitong inihilig ang ulo niya sa balikat ko.
"Haze... " Lingon ko sa kaniya pero nakapikit na ito. Biglang kumakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.
"Haze," pang-uulit ko. Hinawakan ko ang kamay nito. "Huwag muna, please? Tutuparin ko muna ang huling sinulat mo sa bucket list. Haze..." Pumiyok na ako dahil parang may nakaipit sa lalamunan ko. Gustong-gusto ko na humagulhol.
Nakahinga ako ng maluwag nang maramdamang kong ginalaw niya ang daliri niya. Salamat! Nakapikit lang siya at rinig niya pa rin ako. Nanatili kami sa gano'ng posisyon ng ilang minuto.
Natupad na ang walong hiling niya.
My Bucket List
1. To see Niah, again. ️
2. Vacation trip with Fajardo's Cousins. ️
3. Spend day or night with Niah.
4. Give the letters to Niah.
5. Visit the tree where we first met.
6. Sing a song for me.
7. Spend a day with my love ones.
8. Hoping that Megan will forgive me.
Isa na lang ang tutuparin namin sa listahan niya. Isang buwan na lang rin ang natitira. Kailangan namin itong paghandaan at gawin habang may natitirang araw pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro