CHAPTER 29
Xianniah Astrid Fajardo
"Saang hospital dinala si Haze?" tanong ko kay Megan na tutok ang atensiyon sa pagpapatakbo ng kotse. Oo, iniwan ko na sila Mama at Dad sa airport at sumama kay Megan. Patawarin na lamang nila ako dahil hindi ko kayang iwan si Haze lalo pa't nalaman ko ang tunay na lagay niya ngayon.
"Care & Cure Hospital ang tinext sa 'kin ni Akisha. Hindi na ako sumama sa kanila kanina dahil mas importanteng sundan kita at pigilan sa pag-alis."
Now, I get it. Kaya pala halos magmakaawa na siya kanina na huwag akong umalis dahil kay Haze. Ayaw niyang iwanan ko si Haze sa gano'ng lagay.
"Megan, thank you." Nilingon niya ako saglit at ngumiti tsaka binaling ang paningin sa kalsada. "Pero, kailan mo pa nalaman?"
"Last week lang when I saw him at the coffee shop na malapit lang sa office. I have this client na ime-meet sana pero 'di sumipot. Paalis na sana ako that time kaso nakita ko si Haze. Hindi niya ako napansin at nagtuloy-tuloy sa lamesang nasa tabi ko lang. Mas lalo akong nagtaka nang makita silang magkasama ni Dr. Cortez, one of the greatest neurologist here in Manila." Bumuntong hininga muna ito bago nagpatuloy. "Doon na kami nagkaaminan. Umamin na ako sa ginawa ko sa inyo at napaamin ko rin siya tungkol sa sakit niya. Niah, I'm sorry. Hindi ko nasabi sa 'yo agad dahil nakiusap siyang 'wag ipagsabi kahit kanino lalo na sa 'yo. Pero iba na ang sitwasyon ngayon, you deserve to know everything about Haze. Also, kailangan mo na ring sabihin ang tungkol din sa sakit mo. "
Habang papalapit kami sa hospital, mas lalong nangangatog ang mga binti ko. Maging ang mga kamay ko ay napakalamig. Kanina pa ako hindi mapakali. Palihim akong nagdadasal na sana ay maabutan ko si Haze sa maayos na lagay.
"Anong room daw?" Nagmamadali kaming naglakad ni Megan. Kinuha niya saglit ang phone niya at tiningnan ang text message ni Akisha.
"Room #105," an'ya.
Halos takbuhin ko na patungo sa elevator. Nasa third floor ang room na 'yon. Nang makapasok kami sa elevator, napahawak ako sa gilid dahil sa biglaang pagkahilo.
"Niah, are you okay?" Inalalayan niya ako sa likuran ko. Napapikit lang ako saglit at nang wala na akong maramdamang pagkahilo ay tumango ako kay Megan.
"I'm okay." Hindi ko alam pero nitong nakaraang araw, napapadalas ang pagkahilo ko. Napapadalas rin ang pagduwal at pagsuka ko t'wing umaga. Hindi ko 'to pinansin dahil naramdaman ko na rin 'to noon pa man. Mas napapadalas nga lang ngayon.
Nang makarating kami sa third floor, hindi kami nahirapang maghanap dahil nakita namin agad sila Akisha sa labas ng isang room. 'Di ko na napigilang tumakbo papunta sa kinaroroonan nila.
"Akisha, where's Haze? Gusto ko siyang makita!"
Pinigilan nila ako nang akmang bubuksan ko ang pinto.
"Niah, calm down. Nasa loob si Haze, lalabas na mamaya ang doctor. Hintayin na lang natin," sambit ni Akisha. Pinaupo muna nila ako sa upuan na nasa gilid lang ng kwarto ni Haze. Hindi pa rin nawawala ang kaba at pag-aalalang nararamdaman ko simula kanina. Ano na bang nangyayari kay Haze sa loob?!
Ilang saglit lang ay dumating na sila Tito Leo at Tita Irish. Bakas din sa kanila ang pag-aalala at gulat.
"What happened? B-Bakit nandito si Haze? Anong nangyari sa Anak ko?!" Hindi na magkanda-ugaga si Tita. Mukhang wala rin silang alam. Bakit hindi pinaalam ni Haze ang sakit niya kahit sa mga magulang niya man lang? Hindi alam ni Tita kung sino ang tatanungin niya dahil lahat kami ay tahimik lang at naghihintay sa doctor na lalabas para alamin ang tunay na lagay ni Haze.
Habang pabalik-balik sa paglalakad si Tita Irish sa harap namin ay ang paglabas naman ng doctor mula sa loob. Agad kaming lumapit dito at hinihintay ang sasabihin nito.
"Kumusta ang Anak ko, doc?" Tito Leo asked. Kalma lang itong nagtanong pero ramdam naming deep inside, 'di na rin siya mapakali dahil sa pag-aalala.
Inalis ng doctor ang suot nitong mask at seryosong tumingin kay Tito. "I'm sorry to tell you that your son is diagnosed with stage 3 brain cancer."
Hindi na ako nagulat sa binalita ng doctor dahil nalaman ko na kay Megan kanina pa pero 'yong sakit na naramdaman ko, gano'n pa rin. Mas doble pa ngayon dahil mas masakit pa pala kapag sa doctor na mismo nanggaling. Halos himatayin si Tita Irish nang marinig ang tunay na kondisyon ng Anak niya. Buti na lang naalalayan siya ng mga pinsan ko bago pa ito humandusay sa sahig. Hindi na rin napigilan nila Akisha at Megan ang pag-iyak. Nanghihina man ang mga binti ko, pinilit kong humakbang papunta sa loob ng kwarto. Nangangatog ang mga binti ko nang masilip si Haze sa loob na nakahiga at tila natutulog lang. Nanginginig ang mga kamay kong pinihit ang doorknob.
"Niah." Naramdaman ko ang paghawak ni Jann sa balikat ko. Nakaalalay siya ngayon sa 'kin.
Lumapit kami sa kama kung saan nakahiga si Haze. Napahalukipkip ako ng bibig nang makita ang lagay niya. Naglalagas na ang mga buhok nito at ang labi niya ay sobrang putla. Palubog na rin mga mata nito.
"P-Paano? Paano niya naitago 'to?" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ibang iba ang nakilala kong Haze sa Haze na nasa harapan ko ngayon.
"Haze! Anak ko..." Napatabi kami ni Jann sa gilid nang yakapin ni Tita Irish ang Anak nito. Wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak. Binabalot na ng iyak at hikbi ang buong kwarto.
Lumapit sa 'kin ang mga pinsan ko. Lahat kami ay nag-iyakan na. Hindi namin akalain na makikita namin si Haze sa ganitong lagay.
Pumunta si Sean sa cabinet na nasa gilid ng kama ni Haze. Kinuha niya ro'n ang isang kulay itim na... wig?!
"All this time, ito ang gamit niya para itago sa 'tin ang kondisyon niya."
Sumikip bigla ang dibdib ko. Hirap na rin akong huminga dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko. Bakit wala man lang nakapansin ni isa sa amin?!
"K-Kaya pala may mga cosmetics akong nakita sa kwarto niya. I thought kay Megan ang lahat ng 'yon. Hindi ko akalain na Anak ko pala ang gumagamit para lang pagtakpan ang pagbabago sa katawan niya. Napakawalang kwenta kong Ina! Hindi ko man lang napansin na may sakit na pala ang Anak ko."
"No, Tita. Maging kami rin naman ay 'di namin napansin." Sinubukan ni Megan na pakalmahin si Tita Irish. Si Tito Leo ay nasa labas pa rin kausap ang doctor.
Naupo kami sa malaking sofa na nasa loob. Nasa private room si Haze kaya medyo malaki ito at kasya kaming lahat. Nagpaalam si Tita Irish na uuwi muna sila ni Tito para sa mga gamit na kakailanganin ni Haze kaya naiwan kami para magbantay. Wala pa ring imik ang bawat isa sa amin. Nakatitig lang kami kay Haze, naghihintay na magising na ito. I decided na lumipat ng upuan sa tabi niya para sa oras na gumising ito, ako ang bubungad sa kaniya. Nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha. Malaki nga ang pinayat nito base na rin sa paglubog ng pisngi niya. Ang sabi ni Tito Leo kanina bago ito umalis, 2 years na raw ininda ni Haze ang sakit nito. Sa una ay ayos pa ang check ups niya. Nadadaan pa naman raw sa mga gamot pero nitong nakaraang buwan, napabayaan na raw ni Haze na mag-consult sa doctor niya. Sa oras na rin na 'yon, lumalala na pala ang tumor. Hanggang sa humantong na nga sa stage 3. Palihim din itong nagche-chemo. Hindi siya pumayag sa surgery dahil sa sitwasyon namin. Imbes sa doctor ang paglaanan niya ng oras, mas ginusto pa niyang mag-abang sa bahay para lang kausapin ako. Magang-maga ang mata ko sa kakaiyak dahil sinisisi ko ang sarili ko. Humantong siya sa ganito dahil sa 'kin. Mas lumala ang kondisyon niya dahil sa pagbalik ko. Kasalanan ko lahat.
Hinawakan ko ang kamay nito sabay bulong, "I'm sorry, Haze."
Yuyuko sana ako para ihilig ang ulo ko sa gilid ng kama nang bigla kong naramdaman ang paggalaw ng daliri ni Haze. Tiningnan ko 'yon at tama nga ako, ginalaw niya ito ulit.
"Haze? Naririnig mo ba ako? Haze..." Hindi na ako mapakali.
Nagsitayuan na rin ang mga pinsan ko at tumabi sa amin. Hinihintay naming imulat niya ang kaniyang mga mata. Nakaupo at nakahawak pa rin ako ng mahigpit sa kamay niya. Unti-unti niyang minulat ang kaniyang mga mata. Tumayo na ako pero hindi pa rin ako bumibitaw sa pagkahawak sa kamay niya.
Napapalibutan namin siya. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto hanggang sa napako ang tingin niya sa 'kin. Kahit hirap ay pinilit niya pa ring ngumiti nang magtama ang aming mga mata.
"N-Niah?" Hirap siyang magsalita dahil may nakakabit na aparato sa bibig nito pero bakas pa rin sa mata nito ang saya.
I smiled at him before hugging him tightly. "Yes, it's me. I'm sorry, Haze. I'm really sorry."
Pinatong ko ang ulo ko sa matigas na dibdib nito at ramdam ko ang paghaplos niya sa ulo ko. "Hindi ka natuloy? Bakit?"
"I won't leave you, again. We will fight together. Kasama mo ako sa paglaban sa sakit mo. Lalaban tayong pareho."
"Kasama mo rin ako sa paglaban sa sakit mo, Niah. Kasama mo ako hangga't kaya ko." Napaangat ako ng ulo sa kaniya dahil hindi ko inaasahang marinig ang sinabi niya.
"Alam mo na?"
Tumango lang ito. Tiningnan ko ang mga pinsan ko na waring nagtatanong kung pa'no nalaman ni Haze.
"Hindi ko sinasadyang sabihin sa kaniya ang totoo, Niah," panimula ni Keiffer. "I'm sorry, but he deserve to know. Hindi ko kaya na makita ulit si Haze na maiwanan na hindi alam ang dahilan."
Hindi ko masisisi si Keiffer. Naiintindihan ko siya dahil kaibigan niya si Haze. Tama na ang isang beses na pinagtakpan nila ako at sa ginawa nilang 'yon, labis na sakit ang nabigay kay Haze. It's my fault after all.
"I'm sorry, Haze." Bumaling ako kay Haze na nakatitig pa rin sa 'kin ngayon.
Pinatong pa ni Haze ang kanang kamay nito sa kamay kong nakahawak sa kaliwang kamay niya. Hinawakan niya 'yon ng mahigpit. "Sshhh, it's okay. I understand now." He smiled genuinely.
Hindi namin nakausap ng matagal si Haze. Tinawag kasi ni Jann ang doctor at nurse nang magising ito. Agad nilang chineck ang condition ni Haze at pinagpahinga rin ito agad. Ayon sa doctor, malala pa rin ang lagay niya ngayon. Kumalat na ang cancer cells sa utak nito. Hindi namin matanggap na may taning na ang buhay ni Haze. Na bilang na lang ang araw na makakasama namin siya.
Kami na lang ni Akisha ang natira upang magbantay kay Haze. Umuwi na muna sila Keiffer, Sean, Jann at Megan pero babalik din naman para may kapalit si Akisha. Pinipilit nila akong magpahinga muna sa bahay pero umayaw ako. Hindi ko iiwan si Haze. Nag-text na ako kila Mama at Dad. Tumawag rin ako kanina para humingi ng tawad at 'di naman ako nahirapan makipag-ayos dahil naiintindihan naman daw nila. Pupuntahan na lang raw nila ako mamaya para hatiran ng damit.
Kasalukuyang natutulog si Haze nang bumalik ang mga magulang niya. Tumayo si Tita Irish sa tabi ko at may inabot na isang maliit na notebook.
"Ano 'to, Tita?" Tanong ko nang kunin ito.
"Nakita ko 'yan sa cabinet niya and I accidentally read it. Niah, tulungan mo akong matupad ang mga nakalista r'yan. Samahan mo si Haze na tuparin ang mga ito habang may natitirang araw pa." Sunod-sunod na naman ang pag-agos ng mga luha sa mata ni Tita.
Nagtataka kong binuksan ang maliit na notebook na iniabot sa 'kin. Binasa ko ang nakasulat sa unang pahina.
"My Bucket List"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro