Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27

Ellaquim Haze Montemayor

Days and weeks had passed, but until now, hindi ko pa rin nakakausap si Niah. Ayaw pa rin akong makita ng parents niya. Ayaw pa rin nila akong ipaharap sa Anak nila. Bawal ko pa rin siyang puntahan sa kanila. Araw-araw pumupunta ako sa bahay nila para humingi ng tawad kila Tito at Tita maging kay Kuya Xiander pero sayang lang ang pagpunta ko dahil hindi nila ako hinaharap. Ayaw nila akong kausapin. Araw-araw, bago ako pumasok, dinadaanan ko si Niah sa bahay nila nagbabakasaling harapin niya ako pero wala pa rin. Gustong-gusto ko na siya makita. Gustong-gusto ko na siyang makausap. Gustong-gusto ko na siyang makamusta.

"Iho, bumaba ka na diyan nang makapag-almusal ka na." Narinig kong wika ni Manang Lourdes matapos niyang katukin ang pinto ng kwarto ko.

"Sige po, Manang. Bababa na ho ako," sagot ko.

Dali-dali kong inayos ang laman ng bag ko. Nakaligo na ako't nakabihis. Balak ko na rin naman bumaba no'ng kumatok si Manang Lourdes. Humarap lang ako saglit sa salamin para tingnan ang aking sarili. Napansin kong maputla na ang labi ko, hindi gaya dati. Maging ang mga mata ko ay lumulubog na rin. Kinuha ko ang foundation at konting powder para takpan ang nangingitim sa gilid ng mata ko. May liptint na rin akong binili para lagyan ang labi ko. Hindi ko 'to ginagawa dati pero ngayon, kailangan ko nang gawin. Ayokong may makapansin sa pagbabago ng hitsura ko. Tumindig ako ng maayos sa harap ng salamin. Hindi maipagkakailang nangayayat talaga ako. Maging ang kutis kong maputi noon ay yellowish na ngayon. Bumuntong hininga muna ako bago ako tumalikod sa salamin at kinuha sa cabinet ang nakapatong kong phone. As expected, naka-receive na naman ako ng message galing sa kaniya.

"Mr. Montemayor, wala ka na ba talagang balak sumipot sa schedule mo? I already warned you. Magiging komplikado ang condition mo kung patuloy kang 'di sisipot. Nasa office ako maghapon. It's up to you kung dadaan ka o hindi. Kung hindi, I will call your Dad and tell him everything."

Kinabahan ako bigla nang mabasa ang message niya. No, hindi p'wedeng malaman ni Dad. 'Di p'wedeng malaman ng kahit sinong malapit sa 'kin. Gusto ko namang sumipot kaso 'di umaayon ang sitwasyon ko ngayon. Sa mga nangyayari ngayon, mas gugustuhin ko na lamang na gugulin ang oras ko sa pagpunta sa bahay nila Niah at humingi ng tawad kaysa sumipot sa kaniya para sa ikakabuti ng kondisyon ko. Pero this time, no choice ako kung 'di puntahan siya mamaya.

Bumaba na ako at nadatnan ko sa kusina sila Mom at Dad. Nakaupo na si Dad habang si Mommy ay kasalukuyang nilalapag ang niluto niya sa lamesa.

"Oh Haze, Anak... Halika na, sabayan mo na kami ng Dad mo," ani ni Mom nang mapansin akong nakatayo malapit sa pintuan.

Naglakad ako papunta sa kanila na may ngiti sa labi. Namiss ko 'to. Ilang linggo na rin na hindi kami sabay kumain dahil mas nauuna akong umalis ng bahay para puntahan si Niah sa kanila at maghintay sa harap ng gate nila para lang makausap siya. Awang-awa na nga sila Dad sa 'kin pero hindi nila ako kayang pigilan.

"You look pale, Haze. Are you okay?" Napahinto ako sa pagkain nang magtanong si Dad. Ito na nga ang sinasabi ko, kahit anong tago ko ay mapapansin pa rin nila.

"Y-Yes, Dad. Maybe because of stress, but don't worry, I'm fine." I lied.

"Anak, alagaan mo naman ang sarili mo. Hayaan mo muna si Niah. Mainit pa ang ulo ng Tito Jerick mo ngayon. Hintayin mo na lang na humupa ang galit niya sa 'yo."

Napalingon ako kay Mom tsaka napayuko.

Paano kung hindi ko na mahintay ang araw na 'yon? Paano kung huli na bago pa nila ako mapatawad? Paano kung kailan okay na ang lahat, okay na lahat sa amin ni Niah ay tsaka naman ako sumuko? Paano kung payag na ang lahat ng taong nakapaligid sa amin pero... ang pagkakataon naman ang hahadlang? Paano kung maaari na kaming magsama pero oras naman ang makakalaban namin?

Kung kailan p'wede na... p'wede pa kaya?

Hindi na ako umimik dahil ayoko na magsinungaling pa sa kanila. Mas pipiliin ko na lang na manahimik kaysa dagdagan ang pagsisinungaling ko. Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam na ako. Sumakay na ako sa kotse ko at gaya ng ginagawa ko nitong mga nakaraang araw, huminto muna ako sa tapat ng bahay nila Niah. Lumabas ako sa kotse ko. Saktong palabas na ang kotseng sinasakyan nila Tito. Kahit mahina ang mga binti ko, pinilit kong tumakbo papunta sa gate nila. Nakatayo lang ako sa gilid, umaasa na pagbubuksan at haharapin nila ako pero wala. Tuluyan lang nila akong nilagpasan.

"Iho, nandito ka na naman? Hindi ka pa rin ba susuko?" Tanong ng kasambahay nila. Marahil ay nakukulitan na ito sa 'kin.

"Never po akong susuko. Hinding-hindi ako magsasawang abangan sila Tito dito, makausap at mapatawad lang nila ako."

Ngumiti lang ito ng tipid sa 'kin habang sinasarado ang gate. "Bilib ako sa 'yo. Mahal na mahal mo talaga si Ma'am Niah. Hayaan mo, magiging okay rin ang lahat sa inyong dalawa."

Napangiti rin ako sa sinaad nito. Ang mga binigkas niyang salita ay siya na namang nagbigay ng lakas sa 'kin para hindi sumuko. Siguro kung nakakausap ko lang si Niah ngayon at marinig mula sa kaniya na mahal niya rin ako, hindi lang lakas para lumaban sa aming dalawa ang mabibigay nito sa 'kin kung 'di pati na rin lakas para labanan ang nararamdaman ko ngayon. Siya ang gamot sa sakit na nararamdaman ko. She's my cure and I will never stop chasing my cure.

She's my strength at the same time, she's also my weakness.

Tumingala ako sa ikalawang palapag ng bahay nila. Tila may kanina pang nagmamasid sa 'kin. Tiningnan ko ang terrace ng kwarto niya. Napansin kong gumalaw ang kurtina ng sliding door nito. Naroon kaya siya? Sana magpakita ka sa 'kin, Niah. Kahit dumungaw ka lang. Masilayan lang kita, sapat na rason na 'yon para lumaban pa. Pero ilang minuto na akong nakatingala ro'n at nangangalay na rin ang leeg ko ay walang Niah akong nakita. Kaya naman I decided na umalis na dahil isang oras na lang ay first subject ko na.

Sumakay na ako sa kotse ko at bago tuluyang umalis, tumingala ulit ako sa kwarto niya. Hindi nga ako nagkamali. Naaninag ko siyang nakatayo sa sliding door at nakatanaw sa 'kin. Napangiti ako ng palihim.

"Babalik ulit ako bukas, Niah. Hindi kita susukuan."

I started the engine at tuluyan nang umalis. Nagdiretso na ako sa University na pinapasukan ko. Mabilis lang naman natapos ang klase. Tatlong subject lang naman ngayong araw kaya maaga akong makakauwi nito. Tuwing uwian, hindi na ako dumidiretso sa hospital. Matapos ng video na kumalat, hindi na ako pinapunta ni Dad dahil na rin sa kahihiyan. Ganoon rin si Niah. Nabalitaan kong nag-resign na ito. Mas okay na rin 'yon kaysa may masabi sa kaniya ang mga kapwa Nurse niya. Mangilan-ngilan lang naman ang nakapanood ng video na kumalat sa mga estudyanteng narito. Laking pasasalamat ko sa Dad ni Sean dahil nagawan nila agad ng paraan at hindi na umabot ang video na 'yon kay dean.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway. Papunta ako ngayon sa green home dahil alam kong naroon si Jann, nakatambay. Tanging si Jann na lang ang nakakausap ko ngayon sa magpipinsan. Until now, galit pa rin sila Akisha, Sean at Keiffer sa akin. Hindi ko naman sila masisisi dahil nasaktan ko ang dalawang pinsan nila lalo na si Megan.

Nakaupo ngayon si Jann sa isang upuan na naroon. Konti lang ang nakatambay na estudyante dahil ala-una na at ang karamihan ay may klase sa ganitong oras. Nanghila ako ng isang upuan at tumabi sa kaniya. Napalingon naman siya agad sa gawi ko.

"Oh, Haze. Ang aga mo yata?" saad nito na kasalukuyang tutok sa phone niya.

"Yeah, tatlong subject lang kasi ngayong araw. By the way Jann, kamusta na si Niah? Nabisita mo na ba siya sa bahay nila?" Iyon talaga ang sadya ko kaya ko siya pinuntahan dito. Sa kaniya lang ako makakakuha ng info's tungkol kay Niah.

"I visited her yesterday and yes, she's fine so, no worries."

Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti naman. Malaman ko lang na ayos siya ay ayos na rin ako.

Nang ilapag niya ang phone niya sa desk ng upuan niya ay muntikan nang mahulog ang isang camera na nakapatong rin sa mesa. Agad kong sinalo ito at tinitigan. Pamilyar ang camera na 'to.

"Kay Megan 'to, right? Bakit nasa iyo?" I asked as I looked at him.

"Nakuha ko 'yan no'ng sabay-sabay kaming umuwi galing sa Hundred Islands. Hindi ko napansing napasama sa gamit ko. Ngayon ko lang nakalkal sa bag ko kaya ngayon ko lang din isasauli sa kaniya."

Hindi ko alam pero nagkainteres akong buksan 'yon. Ito ang dalang camera ni Megan noong namasyal kami sa Imelda Cave. Ito rin ang ginamit niya to take some pictures inside the cave.

"Jann, ako na lang ang magsasauli nito sa kaniya," seryoso kong saad.

"Ha? Are you sure?! She's still mad at you. Baka ayaw ka pa niyang makita." b'welta naman nito.

Nahirapan akong pilitin si Jann na ako na ang magsauli pero dahil sa pangungulit ko ay pumayag na rin siya.

"I have to go," wika ko. Tumayo na ako agad at sakto namang nakaramdam ako ng pagkahilo. Buti na lang nakakapit ako sa isa pang upuan na naroon sa tabi ko.

"Haze? Hey, are you okay?!" Jann asked, worriedly.

I just nodded at him. Nagpaalam na ako sa kaniya dahil kanina ko pa gustong makita ang laman ng camera ni Megan. Pumunta na ako sa kotse ko at pumasok dito. Hawak ko pa rin ang camera at kinakabahan kung anong p'wede kong makita rito once binuksan ko ito. Ayokong mang isipin na may kinalaman si Megan sa pagkalat ng video namin ni Niah pero hindi ko mapigilan.

Alam kong mali na pakialaman ang gamit niya pero mas nanaig ang pagkagusto kong malaman ang sagot sa tanong ko. May kinalaman ba si Megan sa pagpapakalat ng video na 'yon? In-on ko ito at hinintay na tuluyang mabuksan. Pumunta agad ako sa videos. Maraming videos ang naroon pero may isang recent video na pumukaw sa atensyon ko. Agad ko 'yon binuksan at laking gulat ko nang makitang kami ni Niah ang nasa video.

"Damn!" Nabitawan ko ang camera at nalaglag sa front seat. "So, tama nga ako. Si Megan ang taong kumuha at nagpakalat sa video na 'yon!"

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko para sana tawagan si Megan at sabihing kailangan naming magkita pero 'di natuloy nang may biglang tumawag sa 'kin. Agad ko 'yong sinagot.

"Mr. Montemayor, I'm here at the coffee shop. You need to go here within 30 minutes or else, I will call your Dad." Napakaseryoso ng boses ng taong nasa kabilang linya.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. "Wait me there, pupunta ako. So, no need to call my Dad!" I said and immediately hang up the call.

Mga 15 minutes lang ang tatakbuhin ko sa sinasabi niyang coffee shop. Akala ko ba nasa office lang siya maghapon? Marahil ay may urgent meeting ito sa mga client niya. Balak ko pa naman unahing puntahan si Megan tsaka ako dadaan sa office niya. Hindi ko na muna tinawagan si Megan. Mamaya na lang dahil mas importanteng mapuntahan ko ang isang 'to dahil mukhang seryoso siyang tatawagan ang Daddy ko kapag 'di ako sumipot. Agad kong pinaharurot ang kotse ko. Wala pa lang 15 minutes ay nasa tapat na ako ng coffee shop. I parked my car. Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa loob ng coffee shop.

"Good Afternoon, Sir!" bati ng staff nila sa may bungad ng pinto. I smiled at her.

Huminto muna ako saglit at hinanap ng aking paningin ang taong gusto kong makita. May kumaway sa 'kin sa bandang dulo. Siya na nga 'yon. Humakbang na ako palapit sa kaniya.

"Good Afternoon, Mr. Montemayor. Mabuti naman at sumipot ka na ngayon," wika niya nang nasa tapat na niya ako. Sinenyasan niya akong umupo na sinunod ko naman.

Ikin'wento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari kaya 'di ako naka-attend sa schedule ko. He's one of my trusted friend. Nakilala ko siya noong gabing may event sa school that he attended. He's now successful and currently working. Sa kaniya ako lumapit dahil alam kong matutulungan niya ako at mapagkakatiwalaan.

"Here's the result." May inabot siyang isang envelope. Kinakabahan akong binuksan iyon at binasa. "Haze, I'm sorry. Dinoble ko pang i-check 'yan to verify kung tama ang result and yeah, parehas lang ang result sa naunang examine."

Nangilid na ang mga luha sa gilid ng mata ko. "W-Wala na ba talaga akong pag-asa?"

"You only have 3 months..."

Marami pa siyang sinabi pero hindi nagsi-sink in sa utak ko. Ayokong marinig ang mga sinasabi niya ngayon. Ayokong maniwala. Hindi, pawang kasinungalingan lang lahat ng 'to! Itong result, mali 'to! Hindi ako naniniwala!

"Kailangan mo na ipaalam ito sa Dad mo. Kailangan ding malaman ng parents mo, Haze. Dalawang taon mo na itong itinatago. Oras na para ipaalam mo ang totoong kondisyon mo."

"No! Hindi... Ayoko," pagmamatigas ko. Kahit anong pilit niya sa 'kin ay 'di ako nagpatinag. Wala akong balak sabihin sa kanila dahil ayokong mag-alala sila. Naniniwala akong may pag-asa pa. Pilit kong isinisiksik ko sa utak ko na mali ang result.

Nagpaalam na ito sa 'kin at tuluyan na niya akong iniwan. Ipinatong ko ang kamay ko sa lamesa at hinawakan ang ulo kong nakakaramdam ng pagkahilo. Nasa harap ko pa rin ang result na binigay niya.

Tatlong buwan... Tatlong buwan na lang!

Ilang minuto rin akong nakatulala sa kawalan hanggang sa nagdesisyon akong umalis na para puntahan si Megan. Kinuha ko na ang envelope at nilagay sa dala kong bag. Pagkatayo ko ay 'di ko inaasahang makita si Megan sa harap ko.

"h-Haze!" Halata sa mukha nito ang pag-aalala. Bakit?! Kanina pa ba siya rito?

"What are you doing here?!"

"We need to talk," wika niya. Naupo siya sa upuan na inupuan ng kausap ko kanina.

Bumalik din ako sa pagkakaupo. "Mabuti pa nga dahil gusto rin kitang makausap."

Inilabas ko sa bag ang camera na dala ko. Pinatong ko 'yon sa harap niya at laking gulat niya ng makita ito.

"B-Bakit nasa iyo ito? Pinakialaman mo ba ito, Haze?" garalgal niyang tanong. Nanginginig niyang kinuha ang camera niya.

"Paano kung sinabi kong oo? Nakita ko ang laman ng camera na 'yan." Nakatingin lang ako ng seryoso sa kaniya. Hindi siya makatingin ng diretso sa mata ko.

"Masamang mangialam ng gamit ng iba."

"Megan, b-bakit?! Bakit mo nagawa 'yon? Bakit mo kami kinuhanan at hindi ka pa nakuntento, kinalat mo pa sa social media."

Nagsimula nang tumulo ang luha niya habang nakayuko. Hindi pa rin niya kayang tumingin sa 'kin. "I'm sorry, Quim. Nadala lang ako sa galit ko. Mahal kita, eh. Pero kahit anong pagmamahal ang ibigay ko sa 'yo ay 'di mo kayang suklian dahil kay Niah. Galit na galit ako kay Niah! Dahil sa kaniya, nawala ka sa 'kin. Kung hindi ka mapupunta sa 'kin, hindi rin ako papayag na mapunta ka kay Niah." Huminto siya at pinunasan ang basa niyang pisngi. "Nagmahal lang naman ako, eh. Minahal lang naman kita."

"But that is not enough reason para gawin 'yon! Matatanggap ko pa na sa 'kin ka lang bumawi dahil talaga namang ang laki ng kasalanan ko sa 'yo pero dinamay mo pati pinsan mo! Megan, tell me... are you happy now? Masaya ka na ba na halos lahat ay galit sa amin?! Are you now satisfied?"

Mas humagulhol ito sa iyak. Unti-unti niyang iniangat ang ulo niya at tinignan ako. "No, I'm not. D-Dahil hanggang ngayon, hindi ka pa rin bumabalik sa 'kin. Hindi pa rin kita makuha. At kahit ano yatang gawin ko, hindi ka pa rin mapapasa'kin." She looked at me directly. "Haze, I already accepted that there's no chance na para mahalin mo ako pabalik dahil until now, your heart is belong to Niah. Talo na ako dahil bumalik na siya, bumalik na 'yong nauna. Kahit masakit, kahit ikakadurog ko... Haze, I just want to tell you that... I'm now setting you free."

I can see the pain in her eyes. 'Yong taong laging nasa tabi ko at walang ibang ginawa kung 'di mahalin ako ay nasa harap ko ngayon... umiiyak at nasasaktan dahil sa 'kin.

"I'm really sorry, Megan."

"No, it's okay. In the first place, kasalanan ko dahil pinilit lang naman kita, eh. Alam ko namang sinubukan mo pero kahit anong gawin natin, hindi talaga natin kontrolado ang puso natin kung kanino titibok ito." Pinahid niya ulit ang mga luha niya.

Tiningnan niya ako na may pag-aalala sa kaniyang mukha. "But Haze, is it true?"

"Ang alin?" Bakas sa mukha ko ang pagtataka. Kinakabahan din ako sa tinutukoy niya.

"Narinig ko ang lahat, Haze. Nasa kabilang lamesa lang ako. I was shocked when I saw you. Aalis na sana ako kanina pero pinigilan ako ng curiosity ko lalo pa no'ng makilala ko ang taong kausap mo."

Kahit anong tago mo talaga sa isang sekreto, malalaman at malalaman pa rin. Gustuhin ko mang 'wag sabihin... hindi ako makapagsinungaling kay Megan. Kilala ko siya, 'di 'yan titigil malaman kung anong totoo 'pag nagsinungaling ako.

"Totoo ba lahat ng sinabi ni Dr. Cortez?!"

"Yes. Yes, Megan..." Huminto ako dahil may kung anong nakabara sa lalamunan ko at hirap kong sinambit, "I'm dying."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro