CHAPTER 25
Xianniah Astrid Fajardo
"Niah, wake up!"
Dahan-dahan akong napamulat ng aking mata kahit na antok na antok pa ako. Kinusot-kusot ko muna ito bago tiNgnan ang taong nang-gising sa 'kin, si Akisha.
"I know you're still tired, but you need to wake up na and take a bath. Steven is waiting you na outside!" Bakas sa boses nito ang excitement.
"Ha? B-Bakit raw?" I asked out of curiosity.
"Basta." Umalis siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Tumayo ito pero nanatiling nakatingin pa rin sa 'kin. "After mo maligo, eat your breakfast muna. Don't go outside hangga't 'di kita tinatawag, okay?"
Ako naman ay naguguluhan pa rin sa sinasabi niya. Magtatanong pa sana ako kaso tinalikuran na ako nito at agad sinara ang pinto.
Wala naman akong magawa kung 'di bumangon na. Umupo muna ako saglit sa single sofa na nasa tapat lang ng kama. Inalala ko ang nangyari kahapon at kagabi. Mula sa naligaw ako hanggang sa nahanap ako ni Haze at sa huli, nahanap kami ng mga pinsan ko.
Napatakip ako ng mukha gamit ang dalawang palad ko nang maalala ang nangyari sa amin ni Haze. "Shit! Ano bang ginawa mo, Niah?! Ang laking problema ng pinasok mo!" bulong ko sa sarili.
Napangalumbaba ako nang maisip ang mga taong apektado sa nangyari. Si Megan na girlfriend ni Haze na mismong pinsan ko pa, si Steven na walang ginawa kung 'di mahalin at alagaan ako, mga magulang namin at maging ang mga pinsan ko. Hindi dapat namin ginawa 'yon! Hindi dapat ako bumigay. Dapat pinigilan ko siya. Maling mali, eh! Sobrang mali ng ginawa namin. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanila? Wala na.
Makalipas lang ang dalawang oras matapos nang may nangyari sa amin ni Haze ay ang siya namang pagdating nila Akisha. Hindi sila bumalik sa guesthouse. Hinanap pa rin nila kami kahit gabi na. Si Kaizer lang ang bumalik para ibalita kay Steven ang nangyari at agad silang nag-rent ng mas malaking bangka para makauwi rin kami sa gabing 'yon. Pag-aalala ang binungad sa 'kin ni Steven kagabi nang makita ako pero ako, konsensya at hiya ang nanaig sa 'kin. Hindi ko siya kayang tingnan sa mata. Ganoon rin ako kay Megan. Hindi ko siya kayang harapin at kausapin. Napakalaking kasalanan ang nagawa ko sa kaniya.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa 'king pisngi. Pinunasan ko 'yon gamit ang palad ko at akmang tatayo na pero napahinto ako dahil pumasok sa loob ng kwarto si Megan.
"Oh, gising ka na pala. So, kumusta naman ang tulog mo? Mahimbing ba?" She smirked. Lumapit siya sa 'kin at tiningnan ako mula paa pataas sa 'king mukha. Nang magtama ang aming mga mata, umiwas agad ako.
"A-Ayos naman, Megan," maikling sagot ko. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa sahig.
"Talaga? Buti nakatulog ka pa ng mahimbing after what you did."
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin?
"What do you mean?" kabado kong tanong.
Napansin ko ang mga mata niyang namamaga. Umiyak ba siya?
Nginitian niya lang ako at tinalikuran. Humakbang siya papunta sa kama at naupo ro'n. "Nothing. I thought masakit ang paa mo kaya akala ko 'di ka makakatulog ng mahimbing dahil nga sa hindi ka nag-ingat at nadulas ka."
Nakahinga naman ako ng malalim. Akala ko kasi... Ewan ko ba, ang unang pumasok sa isip ko na tinutukoy niya ay ang nangyari sa amin ni Haze. Pero imposible naman 'yon dahil wala silang alam. Dalawang oras na ang nakalipas nang mahanap nila kami at nakasuot na kami ng damit no'n. Marahil ay dahil lang 'to sa sobrang takot na nararamdaman ko kaya't napra-praning na rin ako ngayon.
"Bakit ganiyan ang reaksyon mo, Niah? You look so afraid. May nangyari bang iba maliban sa pagkawala at pagkadulas mo?" Hindi niya inalis ang pagkakatitig sa 'kin. Ang mga titig na tila may gusto pa siyang malaman mula sa 'kin.
Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Takot, hiya at konsensya ang nararamdaman ko ngayon. Pero nakaya ko pa ring sumagot, "W-Wala naman."
Sorry, Megan. I lied.
"Megan, maiwan muna kita. I'll take a bath na kasi." Tumayo na ako at kinuha ang towel at damit ko sa closet. Hindi ko na kaya na dagdagan pa ang kasinungalingan ko sa kaniya.
"Niah, wait... Gusto ko lang sabihin na hindi ko sinasadyang mailigaw ka dahil iba ang naturo ko sa 'yong direksyon pero 'di ako magso-sorry dahil..." Hindi ko narinig ang huling sinabi nito. Pabulong niya kasi itong binigkas.
"Hindi sinasadya? Paano? Eh, nasundan mo nga ng tama ang dinaanan nila, eh. Bakit mo ginawa 'yon, Megan?" Hindi ko na napigilan. Ramdam kong sinadya niya 'yon kahit 'di pa niya aminin.
"So? Ano naman kung sinadya ko nga talaga? Dapat nga thankful ka, eh. Because of what I did, Haze followed you. Haze saved you. You should be happy and say thank you to me. I gave you a chance para makasama ang boyfriend ko na patuloy mong hinahabol."
Nagpanting ang tainga ko nang marinig ang mga salitang binigkas niya. Hindi na ako nakatiis. Hinarap ko siya tinitigan ito ng seryoso. "Sumusobra ka na, Megan. Hindi totoo 'yan! Hindi ko hinahabol si Haze. I respect your relationship with him. Kahit nasasaktan ako, kahit na mahal ko 'yong tao, 'di ko pa rin kayang agawin siya mula sa 'yo."
"Oh, really?" She raised her eyebrows. "Nirerespeto mo ang relasyon namin? I don't think so." Tumayo siya mula sa pagkakaupo at walang paalam na tinalikuran ako. Lumabas na siya at ako na lang ang naiwan.
Sa mga inasta niya at sinabi, parang may pinapahiwatig ito. May alam ba siya? Imposible. Nag-o-overthink lang siguro ako.
Gaya ng sinabi ni Akisha, naligo muna ako bago nagdiretso sa kusina para mag-almusal. Wala akong naabutang tao rito maging sa living room. Nasa labas yata silang lahat. Ano bang mayroon sa labas? Gusto ko na tuloy lumabas pero wala pang sinasabi si Akisha.
Iinom na lang muna ako ng kape habang hinihintay si Akisha. Akmang kukunin ko na ang cup na nakalagay sa cabinet nang may humawak sa kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Tumambad sa 'kin ang ang maamo niyang mukha.
"Good Morning," bati niya. Inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa tasa. Siya na ang kumuha nito at sinara agad ang cabinet. Walang imik na inalalayan niya akong umupo.
"What do you want? Coffee or milk?" tanong niya sa 'kin. "Ipagti-timpla na kita." Nakatayo siya at ang dalawang kamay nito ay nakapatong sa mesa habang nakaharap sa 'kin. Nasa gitna namin ang lamesa. Tinitigan niya ako at hinihintay ang sagot ko.
Nailang ako kaya umiwas ako ng tingin. Kinuha ko ang cup na nasa harap niya. "Okay lang, Haze. Kaya ko naman."
Kinuha ko ang 3-in-1 coffee na nakalapag doon. Binuksan ko 'yon at nilagay sa tasa ko tsaka ko nilagyan ng mainit na tubig. Tumayo ako para kumuha ng kutsara na ipanghahalo ko. Nakatutok lang ako sa kape ko nang maramdamang nakatitig ito sa 'kin.
"Stop staring at me," wika ko na hindi pa rin inaalis ang paningin sa kape.
"Why should I stop? I'm enjoying the view."
Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan siya, "Haze, stop! Baka makita tayo rito ni Megan."
"So what?" Walang gana niyang tanong.
Tingin na nagtataka ang ipinukol ko rito. "Are you not afraid that she might caught us?"
"We're just talking and I guess, there's no wrong with that." Nakatitig pa rin ito sa 'kin.
"But she's still your girlfriend," saad ko sabay yuko. "Sa nangyari sa atin kagabi, you can considered that as a cheating."
"No, it's not cheating. You can only considered that as a cheating if we are still in a relationship."
Mas lalo akong naguluhan. "What do you mean?"
"I am not in the position to tell you that. But Niah, believe me... ang mga sinabi ko sa 'yo kagabi, totoo lahat ang mga 'yon."
Hindi ako umimik bagkus tinuon ko na lang ulit sa iniinom kong kape ang atensyon ko. Hindi ko na alam. Gulong-gulo na rin ako.
"Niah..." Banggit niya sa pangalan ko.
"Hmm?" Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Naramdaman ko na lang ang kamay niyang hawak na ang baba ko at unti-unting iniangat ito dahilan para humarap ako sa kaniya.
"I have something to tell you..." He stopped.
"What?" I asked.
"I love you."
I don't know what to react. Gustuhin ko mang umiwas ng tingin ay 'di ko magawa dahil tila magnet ang kaniyang mga mata. Hindi ko kayang takasan ang mga tingin niya. Mas lalong lumakas pa ang tibok ng puso ko.
"Ah... Eh... H-Haze!" Suway ko sa kaniya. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa baba ko.
"You're blushing, baby." Natatawa niyang turo sa magkabilaang pisngi ko.
Tinakpan ko naman ito agad gamit ang dalawang palad ko. "No, I'm not!"
"Yes, you are."
"I said n---" Napahinto ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Napahinto rin si Haze sa pagtawa.
"Niah, are you done?" Nilingon ko si Akisha. Bumaling naman siya sa taong nasa harap ko nang mapansin ito. "Oh, Haze! Kaya pala wala ka sa labas dahil nandito ka."
"Bakit? Ano bang ganap sa labas?" He asked but Akisha didn't respond instead, humarap siya sa 'kin. Nagtaka ako nang hablutin niya ang panyo sa bulsa niya at finold niya ito. Mas nagtaka pa ako no'ng hinawakan niya ang balikat ko at pinatalikod.
"What are you doing, Akisha?" Kasalukuyang na niya akong piniringan at tinatali na ang panyo sa likod ko.
"Huwag na maraming tanong. Malalaman mo rin pagkalabas natin."
"Wait, saan mo siya ipupunta?" Rinig kong pigil ni Haze.
"Haze, kung lumabas ka sana kanina pa edi alam mo na sana ngayon. Don't worry, sunod ka na lang sa amin."
Nagsimula nang humakbang si Akisha. Sabi niya, 'wag daw akong matakot dahil aalalayan naman niya ako. Kahit natatakot akong humakbang, ginawa ko pa rin. Todo alalay naman sa 'kin si Akisha.
"Nakalabas na tayo ng pinto. Nasa labas na tayo ngayon kaya ilang hakbang na lang," bulong niya.
Naramdaman kong may isa pang humawak ng kamay ko. "Who are you?"
"Ang pinakapogi mong pinsan. It's me, Jann." Kahit 'di ko siya kita, alam kong nakabungisngis ito.
"Anong bang nangyayari? Where are we going?" Nagtataka na talaga ako. Anong bang ganap?! Bakit may pagtakip sila ng panyo sa mata ko? Anong mayroon sa blind fold? Anong surprise ba 'to?!
Hindi nila ako sinagot. Patuloy lang sila sa pag-alalay sa 'kin hanggang sa huminto na kami. Nasaan na kami?!
"Omg, I'm super excited!" Rinig kong tili ni Akisha na nasa tabi ko lang at hawak pa rin ang isa kong kamay. "W-What?! Tatanggalin ko na ba?" Tila may kausap siya.
Binitawan niya ang kamay ko at naramdamang pumunta ito sa likod ko. Dahan-dahan niyang tinanggal ang panyo. Ako naman ay 'di agad naimulat ang aking mata dahil medyo nanlalabo pa hanggang sa maaninag ko na ang lahat ng nasa paligid ko.
Una kong napansin ang mga taong nakatayo sa harap ko na may hawak na tig-isang puting rosas. Maayos pang nakapila ang mga ito. Unang humakbang palapit sa 'kin ay si Jann na umalalay lang sa 'kin kanina. Iniabot niya sa 'kin ang isang puting rosas na na may nakadikit na namang note at nakalagay, "I" . Sunod ay si Kaizer na may dala ring rosas na nakasulat na, "Love". Dalawang rosas pa lang ang natatanggap ko pero parang alam ko na ang susunod na salitang iaabot sa 'kin ni Sean at tama nga ako. "You" ang nakalagay rito. Panghuli ay si Keiffer. Nginitian niya ako bago inabot ang huling rosas.
"I'm happy for you. He's a real man, indeed. Panatag akong sa kaniya ka mapupunta 'cause I know, he won't hurt you." Bulong nito bago umalis. Binasa ko ang nakalagay sa rosas na dala niya, "Niah".
Pinagsunod-sunod ko ang apat na rosas.
"I Love You, Niah."
Kanino galing 'to? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, umaasa na makita ko siya pero wala. Nasaan siya? Tama ba ang hinala ko? Siya ba ang may gawa nitong lahat?
Lumingon ako kay Akisha na nasa likod ko lang. Kanina pa siya tili ng tili. Sinenyasan ko siyang lumapit. Dali-dali naman itong tumabi sa 'kin.
"Anong nangyayari? Is this the surprise you're talking about? Si Steven ba may gawa nito?" Sunod-sunod kong tanong.
Tumango naman siya, "Yes, si Steven nga. Actually Niah... kagabi pa sana ito nangyari kaso may 'di magandang nangyari nga sa 'yo. This is the reason kung bakit hindi sumama si Steven sa Imelda Cave. Hindi totoong may client siyang tatawagan. He prepared all of these. He want to surprise you. You know---"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang may biglang kumanta. Hinanap ko kung saan nanggaling ang pakalamig na boses. Lumabas siya mula sa isang puno habang hawak ang mikropono.
"I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
To feel this feeling I have inside
You're a hopeless romantic is what they say..."
"S-Steven..."
Naglalakad siya papalapit sa 'kin. He's wearing a black polo na natupi hanggang siko and a white maong short. Kahit napakadisente lang ng suot niya, litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan nito. He's so handsome, indeed.
"Falling in and out of love just like a play
Memorizing each line, I still don't know what to say
What to say..."
Hindi ko lang siya ngayon narinig na kumanta. Maging nasa States pa lang kami ay kinakantahan na niya ako. He will sing whenever I'm mad and sad. It is a way of how he comfort me.
Nangilid ang luha ko nang makalapit na siya sa 'kin. Hindi ko siya kayang tingnan sa mata. Nako-konsensiya ako. Hindi niya ako deserve. Hindi ako ang babaeng para sa kaniya. All this time, nandiyan siya sa tabi ko. He didn't leave me. Imagine, sinundan niya pa ako rito sa Pinas just to prove his love for me but what? Sinayang ko lang.
"Don't know what to do whenever you are near
Don't know what to say, my heart is floating in tears
When you pass by I could fly
Ev'ry minute, ev'ry second of the day
I dream of you in the most special way
You're beside me all the time
All the time..."
Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito. Ginaya niya ako sa gitna. Nakapalibot sa amin ngayon ang mga pinsan ko maging si Haze. Nagtama ang paningin namin. Nakatingin lang ito sa amin ni Steven na magkasulubong ang kilay.
"Niah?"
Naalis ang paningin ko kay Haze nang tawagin ako ni Steven. Tinitigan niya ako sa mata. Pinahid niya ang luhang 'di ko namalayang tumulo na sa aking pisngi. "Why are you crying? I told you, ayaw kitang nakikitang umiiyak," bulong nito sa 'kin.
"S-Steven, t-thank you." Iyon lang ang nasabi ko.
Thank you sa lahat. Thank you for taking care of me. Thank you dahil nagkaroon ako ng isang kaibigang gaya mo. Thank you for always there beside me. Sana... Sana manatili ka pa rin sa tabi ko kahit anong mangyari.
"Niah... You know how much I love you, right? I love you more than words can express. I love you more than you can imagine. I love you since we're in grade school until now, I still love you. I'm sorry for being a coward that time. Hindi ko maamin sa 'yo dahil nahihiya ako. Dahil baka mawala ang friendship na mayroon sa atin. I'm contented na mahalin ka nang palihim. Not until noong bumalik ka rito sa Pilipinas. Umuwi ka na hindi ko man lang nasasabi sa 'yo ang nararamdaman ko. I had a lot of realizations. So, I decided na sundan ka rito... to court you. To prove my love for you and I can prove that hanggang sa sagutin mo na ako. Niah, hindi ako magsasawang ipakita kung gaano kita kamahal. Sana ay pagbigyan mo ako... "
Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. Kinakabahan ba siya?
"Niah, will you be my girlfriend?"
And there, bumagsak na nang sunod-sunod ang luha ko. Pumikit ako. Napakasakit! Si S-Steven... Hindi ko kayang saktan ang tulad niya. Hindi ko kayang saktan ang taong walang ibang ginawa kung 'di mahalin ako.
Tiningnan ko ang mga taong nakapaligid sa amin. Bakas sa kanilang mukha ang saya. Lahat sila ay gusto si Steven para sa akin. Lahat sila... maliban sa akin.
Iisang tao lang ang gusto ko para sa akin at siya 'yon. Nagtama ulit ang paningin namin. Seryoso siyang nakatitig sa akin. Tila hinihintay ang isasagot ko.
"Niah?" Pang-uulit ni Steven sa pangalan ko.
Bumuntong hininga nga ako para magkaroon ng lakas ng loob. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "Steven, you're one of the important person in my life that I want to keep forever. I'm so much blessed for having you. But... S-Steven, I'm sorry."
"What do you mean, Niah?" He shook his head. "No, Niah. Please..." He's begging.
"I can't, Steven. I'm really sorry." Kasabay nang pagbitaw ko sa kamay niya ang paglapit ni Akisha sa 'kin.
"Niah, you need to see this!" Hindi siya mapakali ngayon. Pinakita niya ang phone niya. Pinanood ko ang video... video namin ni Haze. "You and H-Haze... you have a scandal?! Someone sent this to my gmail. Hindi ko kilala. I can't believe, gosh! Kayo ba talaga 'to?!"
Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maitangging hindi kami 'yon dahil malinaw na mukha ko at ni Haze ang naroon.
"May nareceived rin ako," ani ni Jann.
"I have also," singit din ni Keiffer.
"Kalat na sa social media, damn!" Wika rin ni Sean.
Paano?!
"Sino ang kumuha ng video na 'yon? Sino ang nagkalat? Sino?!" Nakakuyom na ang kamao ni Haze.
Walang sumagot ni isa. Tahimik ang lahat at tanging ang paghikbi ko lang ang naririnig.
"How dare you!" Hindi ko napansing nasa harap ko na si Megan at huli na para pigilan ito dahil nasampal na niya ako.
"Ang kapal ng pagmumukha mo! Sariling boyfriend ng pinsan mo, sinipingan mo! Nakakadiri ka, Niah! Ang rumi mo! You, slut! Bitch! Higad! Napakadesperada mo, sobra! Whore! Isa kang kahihiyan sa Fajardo." Akmang sasampalin niya ako ulit pero hindi 'to nakadampi sa mukha ko dahil may isang taong humawak sa kamay niya.
"Stop it, Megan! Alam mong wala na tayo. Tapos na tayo. So, you don't have a right to say those words. We already broke up." Bakas sa boses ni Haze ang galit.
"And now, you're making a story, huh? For what? Para pagtakpan ang kasalanan niyo ni Niah? Matakpan ang kababuyan niyo?! Haze, 'di ako pumayag na makipaghiwalay sa 'kin. There is still us. You cheated on me!"
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa sobrang pag-iyak. I can feel the pain in my chest. Ang bigat-bigat. Tila sinaksak ako ng paulit-ulit. Maging ang tuhod ko ay nanghihina na rin. Anytime ay maaari akong matumba. Buti na lang nakaalalay pa rin si Steven sa likod ko. Hindi ba siya nandidiri sa akin? Hindi ba siya galit?
Pinilit kong punasan ang mga luha ko. Kaaalis lang ni Megan. Ang mga pinsan ko ay narito pa rin.
"A-Akisha..." Ani ko sa kaniya na hanggang ngayon ay 'di pa rin makapaniwala sa nangyayari.
"I'm so disappointed on you, Niah," wika nito tsaka ako tinalikuran at sinundan si Megan.
Tumingin pa ako sa mga iba ko pang pinsan na natira pero walang may gustong tumingin sa akin.
"We need to find the person behind this. Kailangan niyang i-delete ang video na 'to bago pa makita ng parents natin sa Manila." Hindi man lang ako tinapunan ni Sean ng tingin bago umalis.
Ang sakit. Ang sakit-sakit na mismong ang mga pinsan ko, disappointed sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro