Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23

Ellaquim Haze Montemayor

"Love..."

Nagising ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. Kahit na inaantok pa ay mas pinili kong imulat na ang aking mga mata. Tumambad sa 'kin ang nakangiting mukha ni Megan habang nakaupo sa gilid ng kama. Naupo ako agad nang makita siya. Luminga-linga ako sa paligid. Nasaan na sila Jann? Magkahiwalay ang room ng boys sa girls kaya anong ginagawa niya rito? Dalawang kwarto lang ang mayroon sa guesthouse pero malawak ito kaya kumasya kaming anim. Sa lapag natulog sila Kaizer, Steven, Sean at Kaizer. Kaming dalawa naman ni Jann sa kama.

Wala nang ibang tao rito sa loob maliban sa aming dalawa. Marahil ay nasa labas na silang lahat.

"What are you doing here?" I asked.

"I just want to see my boyfriend and greet him a good morning. Is it bad?" Mas lumapit ito sa 'kin at marahang hinaplos ang dibdib ko.

Nakatopless ako at tanging boxer lang ang suot. Inalis ko ang kamay niya at tiningnan ito ng seryoso. "Megan, nag-usap na tayo, 'di ba? Wala na tayo. We already broke up. Please, stop acting like there is still 'us'-- that I'm still your boyfriend when in fact, I'm not yours anymore."

Hindi siya agad nakasagot sa sinabi ko. Napansin ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata niya. Sorry, Megan. Mas masasaktan lang kita kung mananatili pa ako sa 'yo. Mas mahihirapan kang maka-move forward kung aasta kang may tayo pa.

Bago ako tuluyang makatayo, tumabi muna ako sa kaniya. "We need to inform your cousins. Kailangan din nilang malaman na... wala na tayo." And after saying those words, I stood up. Nagsimula na ako maglakad papunta sa banyo para makaligo na't makalabas. Kung 'di niya kayang sabihin sa mga pinsan niya, ako na mismo ang magsasabi. Expected ko nang magagalit sila sa 'kin pero umaasa pa rin ako na maiintindihan nila dahil 'yon lang ang paraan para 'di kami parehong masaktan ni Megan.

Tinalikuran ko na siya at nang malapit na ako sa banyo ay napahinto ako dahil niyakap niya ako mula sa likuran ko. Kinulong niya ako gamit ang dalawang kamay niya.

"Haze, hayaan mong ako na lamang ang magsasabi sa kanila. Sasabihin ko sa kanila pag-uwi natin, promise. Pero s-sana... pagbigyan mo ako sa huling request ko." Ramdam ko ang pagsandal ng ulo niya sa likod ko.

"What is it?"

"Let's pretend that there is still us. Please, just in 2 days. Dalawang araw lang, Haze. D-Dalawang araw lang... malaya ka na." Kahit 'di ko siya tingnan, alam kong umiiyak na ito dahil rinig ko ang paghikbi niya.

I sighed deeply. "Okay, pagbibigyan kita sa dalawang araw. Hindi rin kita papangunahan na sabihin sa mga pinsan mo. Hihintayin kong ikaw mismo ang magsabi sa kanila sa oras na makabalik na tayo sa Manila."

Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin. "Thank you, love."

Nasa ganoong posisyon kami nang biglang may pumasok. Napatingin ako sa kaniya. Naiilang siyang tignan kami kaya naman pinilit kong alisin ang kamay ni Megan pero mas lalo niya lang itong hinigpitan. Idagdag pa na nakatopless ako at boxer lang ang suot. Baka kung ano ang isipin niya.

"S-Sorry kung naistorbo ko kayo. Bukas k-kasi 'yung pinto." Hindi pa rin siya makadiretso ng tingin. "Uhm... ano kasi... pinapatawag na kayo sa labas para makapag-almusal na tayo," naiilang na wika ni Niah.

"No, it's okay." Kusang kumalas si Megan sa pagkakayakap sa 'kin pero nanatili pa rin ito sa tabi ko. "Sabay na ako sa 'yo Niah na lumabas. Haze will take a bath at sa labas ko na lamang siya hihintayin." Humarap siya sa 'kin at tumingkayad. Gaya ng dati niyang ginagawa, pinatong niya ang dalawang kamay niya sa balikat ko. "Sa labas nalang kita hintayin, love." She smiled at me as she kissed my lips. Sa pangalawang pagkakataon, hinalikan niya ako sa harap ni Niah.

Tinalikuran na ako ni Megan at humakbang na papunta sa kinatatayuan ni Niah. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin bago umalis.

Mali yatang pinagbigyan ko si Megan. Napasapo na lamang ako sa noo ko.

Binilisan ko ang pagligo. Baka ako nalang ang hinihintay nila ro'n. Matapos maligo, kinuha ko ang white t-shirt at blue short sa bag ko. Nagbihis na ako at humarap sa salamin at inayos ang sarili bago tuluyang lumabas. Wala akong nadatnan sa living room or maging sa dining area. Nasaan silang lahat? Naglakad ako papunta sa malaking pintong nakabukas. Natanaw ko sila sa labas malapit sa dagat. Nag-set sila ng table and chairs sa lilim ng isang puno. Hindi familiar sa 'kin ang punong 'yon basta may malalagong dahon dahilan para maging sangga ito sa init ng araw.

Naglakad na ako patungo ro'n. Si Akisha ay abala sa pag-aayos ng lamesa katulong ni Sean. Si Niah ay busy sa pag-iihaw at nasa tabi nito si Steven. Kusang nagsalubong na naman ang kilay ko nang makita ang kupal na 'yon. Si Jann at Megan ay nakaupo lang kaharap ang malawak na dagat. Nang malapit na ako sa kanila, sakto naman ang pagdating nila Keiffer at Kaizer na may dala-dalang seafoods. Luto na ang mga ito, naglalakihang alimasag, hipon at seaweeds. Kinuha ko ang isang malaking mangkok na hawak ni Keiffer dahil mukhang bigat na bigat ito. Sabay naming inilapag ito sa lamesa.

Nasa tabi ko si Akisha at 'yon na chance ko para batiin siya. "Happy Birthday, Akisha!"

Lumingon ito sa 'kin at nginitian ako. "Thank you, Haze. Ready your gift na for me, ha? Kukunin ko 'yon mamayang gabi," natatawa niyang wika.

Nasa bag ko lang naman ang regalo niya. Ibibigay ko mamaya dahil mamayang gabi ang balak ni Akisha na i-celebrate ang birthday niya. Gaya ng dati, wala na namang tulugan.

"So, what's our plan for today?" Jann asked. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at lumapit na sa lamesa. Sinundan naman siya ni Megan at tumabi sa akin.

"I want to try those activities that Kaizer mentioned yesterday," Akisha replied.

"Weh? 'Yong minention na activities ba talaga gusto mo o 'yong taong nag-mention which is ang crush mo?" Pang-aasar ni Jann dahilan para batuhin siya ni Akisha ng roll tissue na kinuha niya sa mesa.

"You know what, you're so nakakainis!" Singhal ni Akisha. Natawa naman kaming lahat dahil sa bangayan nila. Mas inasar pa namin si Akisha dahil sa pamumula ng pisngi niya no'ng lumapit sa kaniya si Kaizer at inakbayan siya nito.

"Jann, stop teasing Akisha. There's no wrong if she had a crush on me 'cause I'm willing to crush her back."

Nabara ng wala sa oras si Jann. Ayan, lakas kasi mang-asar!

"Okay, fine! Sabi ko nga mananahimik na lang ako, eh. Kapogian ko na lang ang pro-problemahin ko. Kumain na nga lang tayo dahil kanina pa ako nagugutom." Nauna nang naupo si Jann. Naupo na rin si Akisha sa tapat namin. Mahabang upuan na gawa sa kahoy ang ginamit namin. Katabi ko si Megan, Jann at Sean. Sa kabila naman sila Akisha, Kaizer, Niah, Steven at Keiffer.

Kwentuhan at tawanan lang kami habang kumakain. Hindi ko naman maiwasang tignan ng palihim si Niah. Nakaramdam na naman ako ng selos nang makitang nagbubulungan sila ni Steven sabay tawa. Yeah, I don't have a right to feel jealous but-- I can't help myself. Gusto ko siyang ipagdamot kahit na hindi naman siya sa 'kin. Gustong-gusto ko siyang lapitan at ilayo kay Steven. Gustong-gusto ko siyang bawiin pero paano?! Hindi ko naman alam kung parehas ba kami ng nararamdaman.

Nang matapos na kaming kumain, nagligpit na kami at nagpahinga saglit bago pumasok sa loob ng guesthouse nila Kaizer para magpalit ng damit.

"Iba ka talaga, Jann! Magto-topless ka na talaga ngayon?" Natatawang tanong ni Keiffer. Napalingon naman ako kay Jann na nasa harap ng salamin.

"Oo! Pakialam mo ba, Keiffer?! 'Yong ganitong katawan, dapat ine-expose. Paano kapag may nakasalubong tayong chicks, 'di ba? Edi auto tingin sila sa pandesal ko tapos sila na rin kusang lalapit sa 'kin para landiin ako. I'm just being advance. Alam ko na mangyayari," mahangin niyang saad.

Tanging si Jann lang ang naka-topless sa aming anim. Ipagdasal na lang niya na sana hindi masunog ang balat niya dahil sa init. Kaming lima ay nakasuot pa rin ng t-shirt at beach short. Kinuha ko na ang shades ko na nakapatong sa cabinet tsaka sumabay sa paglabas nila. Hinintay namin ang girls sa labas.

"Mga babae nga naman, oh. Inaabot ng oras sa pag-aayos. Napakabagal kahit kailan!" reklamo ni Jann. Nakabusangot siyang nagmamaktol sa gilid. Ako naman ay sanay na dahil mabagal talagang mag-ayos si Megan no'ng kami pa. Mahabang pasensya talaga ang dapat ilaan ng boyfriend sa paghihintay.

Makalipas ang 2 minutes, nagsilabasan na sila Akisha, Megan at Niah. Unang lumabas si Akisha na may suot na white crisscross front top at maikling yellow beach short na bagay sa mala-porselana niyang balat. Sunod naman ay si Megan na naka-maroon mix and match high neck bikini. Hindi ko maipagkakailang maganda talaga ang hubog ng katawan niya. Huling lumabas si Niah. Hindi matanggal ang paningin ko sa sakaniya. Sobrang ganda niya! She's wearing a yellow flounce overlay spaghetti straps with high waisted maong short. Simple lang ang kaniyang suot pero nadala 'yon ng natural na ganda niya. Nagsimula na silang maglakad patungo sa amin. Iba talaga ang gandang taglay ng mga Fajardo's girls.

"Oh, Kaizer!" Tinapik ni Jann ang balikat ni Kaizer. "Napanganga ka kay Akisha, 'no? Ang ganda, 'di ba? Maganda talaga ang lahi ng mga Fajardo," Jann smirked.

Lumingon naman ito kay Jann. "Maganda talaga ang lahi ng Fajardo. Wala naman akong duda do'n pero ang tanong ko lang naman, Fajardo ka ba talaga?"

Hindi na namin napigilan ang paghalakhak sa tinuran ni Kaizer.

Umuusok ang ilong ni Jann na humarap. "Anong sabi mo Kai--"

"Let's go?" Tanong ni Akisha nang makalapit na ito at dahilan para mapahinto si Jann sa pagsasalita.

Nagsitanguan naman kami. Lumapit sa akin si Megan at hinawakan ang kamay ko. "Super excited na ako, love! I wanna try the banana boat."

Kahit ayoko ang inaasta niya ay wala akong magawa. Pinagbigyan ko siya sa dalawang araw.

Una naming ginawa ay ang wall climbing. Nag-enjoy kami kahit na hingal ang inabot namin. Nagtaka lang ako dahil hindi sinubukan ni Niah ito. Sinamahan siya ni Steven na kuhanan nalang kami ng pictures. Sunod na sinubukan namin ay ang zipline na 546 meters. Naglagay kami ng maliit na camera sa parang helmet. Papanoorin namin mamayang gabi ang reaksyon ng bawat isa. Unang sumabak ay si Jann na halos rinig ng buong isla ang sigaw niya. Sumunod na rin sila Megan, Akisha, Sean, Keiffer, Steven, Kaizer at panghuli ay ako. Bago ako nagpa-assist, nilingon ko muna si Niah.

"Are you sure, 'di mo susubukan?" I asked. Sa pangalawang activity namin, naiwan na naman siya.

"Yeah, I'm sure. Go and enjoy!"

Matapos ang zipline, we decided to eat our lunch first before doing snorkeling, helmet diving and cliff jumping. Nag-enjoy talaga kami. Sa sobrang enjoy, nakalimutan na ni Jann maghanap ng chicks. Hindi naman ganoon katirik ang araw kaya nagawa namin lahat 'yon. Nagbabadya pa nga ang ulan, eh. Pero sana hindi matuloy ang ulan dahil magba-banana boat racing pa kami.

Nang sumapit ang alas tres ng hapon, inayos na nila Kaizer at Keiffer ang rerentahang apat na banana boat. By partners raw. Megan at ako, Niah at Steven, Akisha at Kaizer, Sean at Keiffer. Si Jann? Ewan ko.

"Ang sasama talaga ng ugali niyo! Paano ako?! Hindi ako papayag. Hahanap ako ng partner ko!" Akmang maghahanap na siya ng babaeng magiging partner niya nang batukan siya ni Keiffer.

"Tatlo tayo nila Sean!" Saad nito.

"Ayoko sa inyo!" Pag-iinarte niya.

"Edi mamili ka kung kanino ka makiki-group! Kupal 'to, siya na nga sinasali eh aarte pa." Tinalikuran na ito ni Keiffer at nag-focus sa pag-aayos ng banana boat na gagamitin.

Tumabi naman ako kay Jann at binulungan ito. "Kila Niah at Steven ka makisali. Tapos piliin mong umupo sa gitna nila."

Nginitian naman ako nito ng nakakaloko. "Mautak ka talaga Haze pero ayoko! Magiging hadlang pa ako sa dalawa."

"Ayaw mo talaga? Sayang naman. Ipapakilala ko pa naman sana sa 'yo 'yong crush mong kaklase ko. Tsk, sayang talaga."

"I'm just joking. Deal! Kina Niah at Steven ako at sa gitna pa nila ako uupo."

Madali talagang kausap 'to kapag babae ang usapan. Tulad ng napagkasunduan, si Jann ay nakisali kila Niah at Steven. Nasa gitna nila ito naupo dahilan para hindi magkaroon ng chance si Steven na maka-score kay Niah. Sorry Steven pero mas mautak ako.

Nag-start na ang race. Simula rito sa governor's island papunta sa isa pang isla na malapit lang rito tsaka babalik. Nangunguna sila Kaizer at Akisha. Sumusunod naman kami ni Megan. Nahuhuli sila Niah at Keiffer. Natatawa ako dahil hindi marunong si Jann mang-sagwan at siya pa yata ang rason para mahuli sila. Ilang sagwan lang ay nanguna na kami ni Megan.

"Love, faster! Humahabol na naman sila Akisha." Lumingon naman ako. Malapit na nila kaming maabutan. Mas binilisan ko pa ang pagsasagwan pero kahit anong bilis yata ang gawin ko, hindi pa rin namin matalo si Kaizer. Sila ni Akisha ang nanalo. Nagsisitalon si Akisha sa sobrang saya.

After the banana boat, we decided to go in Marcos Island para tignan ang Imelda Cave. It is a cathedral-shaped nature cave. The favorite things to do here is to dive from the tip of the wooden stairs and into the water. We can also enjoy the quiet atmosphere.

Mukhang mage-enjoy ako rito sa Imelda Island dahil hindi ko makikita si Steven. Nagpa-iwan kasi siya dahil may client na kakausapin through call. Si Megan tuloy ang kasa-kasama ni Niah ngayon. 'Di nga ako makapaniwala na lalapitan ni Megan si Niah. Akala ko hindi na 'to maaalis sa pagkakadikit sa tabi ko.

Nasa kalagitnaan na kami ng kweba nang magsalita si Megan.

"Niah, p'wede mo ba akong kuhanan ng picture?" Nasa likod nila ako kaya rinig ko sila.

"Sure," pagtango ni Niah.

Huminto sila sa malalaking bato na naroon na may nakaukit nang kung anu-ano. Hindi ko maintindihan dahil 'di familiar sa akin ang lengwaheng ginamit. Mukhang sinulat pa ito noong sinauna. Napahinto rin ako para hintayin sila pero nagpumilit si Megan na mauna na raw ako.

"Love, sige na. Mauna ka na kasama sila Akisha. Sunod nalang kami ni Niah."

Nag-alinlangan ako na iwanan sila dahil nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari pero wala na akong magawa nang hilahin ako ni Jann para ipakita ang bahay ng mga paniki. Nawili ako sa lahat nang nakikita ko sa loob ng kweba to the point na 'di ko na napansin kung nasa likuran na ba namin sila Megan at Niah. Tsaka ko lang naalala no'ng nasa labas na kami at inihahanda na ang bangkang sasakyan dahil magdidilim na at mukhang babagsak pa ang malakas na ulan.

"We need to go. Nasaan na ba sila Niah at Megan? Ang akala ko ay nasa likuran lang natin sila?" Saad ni Akisha. Doon na ako nagsimulang makaramdam ng kaba. Mas lalo akong kinabahan nang lumabas si Megan mula sa kweba na hindi kasama si Niah.

"Babalik na ba tayo sa guesthouse?" Tanong niya.

"Megan, where's Niah?" Seryosong tanong ko dahil 'di na ako mapakali.

Bumaling siya sa 'kin na parang 'di alam ang tinatanong ko. "I thought kasama niyo na siya? Nagpa-iwan ako kanina to take more pictures sa loob at sinabing mauna na rin siya gaya mo. So, bakit sa akin niyo siya hinahanap?"

"Damn!" Napamura nalang ako dahil alam ko na kung anong nangyari. Nawawala si Niah! Naiwan siya sa loob.

"Paano 'yan? Eh, kailangan na nating umalis. Malapit na gumabi at delikado ngayon ang mamangka ng gabi lalo pa't nagbabadya ang malakas na ulan," saad ni Kuyang nag-guide sa amin.

"Kung gusto niyong bumalik... sige mauna na kayo pero ako, maiiwan ako."

"But Haze..." ani ni Megan.

Gusto ko pang malaman mula kay Megan ang tunay na nangyari pero mas nanaig ang pagkagusto kong mahanap agad si Niah kaya't tumakbo na ako papunta sa loob. Hindi ko na sila hinintay kung anong magiging desisyon nila. Ang tanging iniisip ko lang ngayon ay ang kaligtasan ni Niah. Gabi na't delikado para sa kaniya. Kailangan kong mahanap si Niah.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro