CHAPTER 22
Akisha Heira Alviar
"Omg, we're here na talaga!" Ani ko sabay lingon kila Niah, Steven, Megan at Haze.
Pinaused ko muna ang video para sa vlog ko para gisingin na ang dalawang natutulog, si Niah at Megan. Ako rin ay nakatulog kanina. Nakakapagod din kaya dahil halos 8-9 hours din ang byahe. Akmang gigisingin ko na sana si Niah nang sinenyasan ako ni Steven na siya na lamang raw ang gigising. Okay, okay. I get it. Dahan-dahan niyang tinapik si Niah. Ang sweet nilang tignan dahil nakasandal si Niah sa balikat ni Steven. They look so cute together. Manok ko 'tong si Steven, but I can feel naman na mas matimbang pa rin si Haze para kay Niah. So yeah, super complicated ang situation nila.
"Niah, wake up. We are here already," kalmang paggising ni Steven kay Niah. Unti-unti namang minulat ni Niah ang mata niya tsaka inangat ang ulo at bumaling ang tingin sa labas ng bintana. Kasabay naman no'n ay ang pagkuha ni Steven sa jacket na nakapatong sa binti ni Niah at iniabot kay Haze.
"She don't need it anymore, but still, thank you," walang emosyon saad ni Steven. Nakita ko ang reaksyon ni Haze. Nagsalubong na naman ang dalawang makapal nitong kilay at tiningnan ng masama si Steven bago hinablot ang jacket niya.
Kaninang umaga ko pa ramdam ang tensyon sa kanilang dalawa. Halata kay Haze ang pagka-inis kay Steven na hindi ko naman alam kung anong rason.
"Haze, gisingin mo na rin si Megan para makalabas na tayo," utos ko sa kaniya para kahit papaano, maalis ang tensyon sa kanilang dalawa ni Steven.
Gaya ng ginawa ni Steven kay Niah, dahan-dahan ring tinapik ni Haze si Megan sa balikat. Mahimbing itong natutulog habang nakasandal sa bintana. Hindi naman mahirap gisingin si Megan kaya agad rin nitong minulat ang mata niya at lumingon kay Haze. Lumapit si Megan kay Haze at agad niya itong niyakap.
"Love," ani ni Megan. Sanay na akong harap-harapang maglambing si Megan kay Haze. Ganiyan siya ka-expressive. Ang sakit nga sa mata, eh. Sana all may jowa, 'di ba?
Nagtaka ako nang biglang alisin ni Haze ang kamay ni Megan. Teka, magka-away ba sila? Or tampuhan? Well, normal lang naman sa couple ang tampuhan. Hindi ko na lang sila pinansin.
Binaling ko na lamang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Maraming mga foreigner akong nakita sa labas na mukhang kararating lang rin. Baka makikilala ko na rito ang future husband ko, omg! Inayos ko na muna ang buhok at damit ko tsaka binuksan na ang pinto para lumabas. Iniwan ko na muna ang phone ko dahil malapit na malowbat ito. Mamaya nalang ako mag-vlog 'pag nakasakay na kami sa bangka. Inaya ko na rin sila Niah na lumabas na at dito na lang sa labas hintayin sila Jann. Hanggang ngayon kasi wala pa sila. Nakasunod lang sila sa amin kanina, eh. Napakabagal kasing magpatakbo ng sasakyan.
Nang makalabas na kami, tanaw na tanaw na namin ang napakalawak na dagat at ilang isla na naroon. Halos magulo rin ang buhok namin dahil sa lakas ng hangin. Napaka-presko naman rito. Alas tres na rin kasi ng hapon kaya malamig ang simoy ng hangin.
"Why so tagal nila Jann? Baka magabihan tayo. It's so creepy pa naman mamangka kapag medyo madilim na," reklamo ko at tinignan ang wristwatch ko. It's already 3:24 PM. Napakatagal nila! Tsaka ang sabi sa 'kin ni Keiffer, sasalubungin daw kami ng kaibigan niya rito at exactly 3:30 pero paano niya kami sasalubungin kung wala pa si Keiffer, 'di ba? Eh, hindi ko naman kilala ang tinutukoy niya. Ang sabi lang niya sa 'kin, matutuwa raw ako kapag makita ko siya. Parang ewan din si Keiffer, eh!
Akmang babalik ako sa loob ng van para kunin ang phone ko to call Jann nang napahinto ako dahil nahagip ng paningin ko ang isang lalaki sa 'di kalayuan. He's wearing a color black polo and also a black short. Nakatagilid ito pero 'di 'yon rason para 'di ko siya makilala. Kahit na matagal na noong huling kita ko sa kaniya, alam kong siya 'yon. Si Kaizer! Ang first love ko. Ang super duper ultra mega crush ko no'ng college days. Ang Mr. Engineer ng buhay ko!
"Akisha, are you okay? Ba't parang napako ka r'yan sa kinaroroonan mo?" sita ni Megan. Bumalik naman ang ulirat ko at nataranta ako nang biglang napatingin siya sa direksyon ko. Siraulo ka, Akisha! Ayan, titig pa kasi. Umiwas ako agad ng tingin at 'di mapakaling pumasok sa loob ng van. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Anong ginagawa niya rito?!
Naupo ako sa front seat at pinapakalma ang sarili. Baka narito siya para magbakasyon o baka may project silang gagawin rito. Baka coincidence lang talaga or pwede ring... wait... is it a sign that we are really meant for each other? Na mismong ang destiny na ang gumawa ng paraan para mag-cross ang paths namin. Enebe, kenekeleg eke. Habang ngiting-ngiti ako sa isiping 'yon, may taong kumatok sa bintana. Nang lingunin ko ito, si Haze lang pala. Agad kong binaba ang bintana.
"Did you invited Kaizer?" tanong niya.
"No, why should I?" Kahit na crush na crush ko 'yan, hindi ko kayang i-chat siya. Hindi ako 'yung tipo ng babae na gagawa ng first move, 'no. Oo, crush ko siya pero ma-pride ako!
"Look, papunta siya rito kaya akala ko you invited him."
Agad kong tinignan ang side-view mirror ng van at tama nga si Haze, naglalakad siya papunta sa direksyon namin. Omg, omg!
Aligaga kong kinuha ang salamin sa bag ko at agad tinignan ang mukha ko. Hindi pa naman nabubura ang nilagay kong light make-up. Kung totoo man na dito nga papunta, I should look presentable in front of him.
"Mr. Montemayor..." Narinig kong banggit niya sa surname ni Haze. Ako naman ay agad kong sinara ang bintana. Hindi pa ako ready na makaharap siya. Nahihiya talaga ako. Buti nalang tinted ang bintana nitong van kaya kahit na titigan ko siya ay 'di niya makikita. Nag-uusap sila ngayon ni Haze sa labas. Titig na titig naman ako sa mukha nito. Wala pa ring kupas ang kagwapuhan niya.
Huminto sila sa pag-uusap at may tinuro si Haze sa may bandang gilid lang ng van namin. Sila Jann! Paparating ang kulay asul na kotse na gamit nila Jann at pinark ang sasakyan sa tabi lang ng van na gamit namin. Ilang minuto lang ay lumabas na rin sila Sean, Jann at Keiffer mula sa kotse. Nakita ko ring lumapit na sila Niah, Steven at Megan. Ako na lamang ang wala sa labas. Nagpalinga-linga si Keiffer at tila may hinahanap. Lumapit siya kay Haze at may binulong. Kinabahan ako nang mapatingin si Keiffer dito sa van. Ako ba ang hinahanap niya? Naglakad si Keiffer at maya-maya pa'y kinakatok na niya ang bintanang nasa tabi ko.
Nagsitinginan na rin ang iba ko pang mga pinsan. Nakailang katok na rin kasi si Keiffer eh 'di ko pa rin binubuksan. Tinignan ko ulit kung nasa labas pa ba si Kaizer. Naroon pa rin siya! Ba't ba kasi hindi palang siya umalis? Edi sana makakalabas na ako. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto ng front seat. Bahala na!
"W-What?! Natutulog 'yong tao, eh!" Kunwaring inis kong saad. Agad akong naglakad papunta sa likod ni Niah. Iniiwasan kong mapatingin kay Kaizer.
"Weh? Natulog ba 'yan? Eh, mukhang kabadong kabado, eh." Pang-aasar ni Jann at hindi pa nakuntento ang mokong, tumawa pa ito. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahilan para mapahinto ito sa pagtawa.
"Oh, by the way, guys... This is Kaizer Dave Austria." Lumapit sa tabi ni Kaizer si Keiffer. "Iyong sinasabi kong kaibigan ko na sasamahan tayo sa 3 days trip natin rito sa hundred islands. May guesthouse sila sa isang isla na narito at noong na-k'wento kong may balak tayong pumunta sa hundred islands, he suggested na sa guesthouse na lang nila tayo tumuloy." Huminto ito at tumingin sa 'kin maging si Kaizer ay napatingin. "Ayos ba, Akisha?" What the--
Alam nilang lahat na crush na crush ko si Kaizer. Pati kay Niah ay madalas kong i-k'wento si Kaizer noong nasa college pa ako kaya napalingon ito sa 'kin matapos ipakilala ni Keiffer si Kaizer.
"Akisha, siya ba si Kaizer? Siya 'yong madalas mong i-k'wento sa 'kin?" bulong niya sa 'kin. Napatango na lamang ako at 'di na umimik dahil baka may makarinig pa at muling halungkatin ang kabaliwan na pinaggagawa ko noong college para lang mapansin ni Kaizer. Pero kahit anong tahimik pa yata ang gawin natin, 'di na talaga maiiwasan na may isang demonyong papansin na ipapa-alala ang kahihiyang ginawa mo noon.
"Ah, kilala kita, Kaizer! Ikaw 'yong crush ni Akisha, right?! Tanda mo ba? 'Yong laging nagba-bake ng cupcake tapos laging inaabangan ka sa building niyo para lang iabot sa 'yo mismo 'yung gawa niya. Tapos naalala ko pa, ginawan ka pa niya ng tarpaulin noong sport fest sa University. Todo pa nga sigaw niya noon habang naglalaro ka ng basketball, eh. Ang sakit sa tainga, promise! Tsaka 'di ba, siya pa 'yong number 1 protector mo sa mga bashers mo? Laughtrip talaga! Halos awayin ba naman lahat ng nagco-comment ng 'di maganda sa status mo sa social media. Napakadaming efforts ang ginawa niyan pero at the end, 'di mo pa rin ni-crushback! Kaya ayon, first time nag-inom dahil sa 'yo."
Hayop ka talaga, Jann!!! Lumapit ako sa kaniya at agad kong piningot ang tainga niya. Napakadaldal mong kupal ka! Nilaglag mo pa talaga ako! Napahinto ako sa pagpingot nang humalakhak si Kaizer. Ba't gano'n, parang musika sa 'king tainga. Napakasarap naman pakinggan.
"Yes, naalala ko pa. Actually, I really miss the old days." Nang tignan ko siya, saktong nakatingin siya sa 'kin. "Nakakamiss ang cupcake ni Akisha," dagdag nito. Namula ako dahil parang nahiya ako sa sinabi niya. Namiss niya raw ang cupcake ko?!
"Namiss niya raw ang cupcake mo. Patikim mo ulit sa kaniya ang cupcake mo," bulong ni Jann sa 'kin habang mahinang tumatawa. Sa huling pagkakataon, kinaltukan ko siya tsaka bumalik sa tabi ni Niah.
"I-park muna natin ang dala niyong sasakyan sa Lucap Wharf then, doon na rin tayo mag-rent ng bangka na gagamitin natin. So, let's go? Para 'di rin tayo magabihan," ani ni Kaizer na sabay-sabay naman naming tinanguan.
Sumakay na kami sa van, ganoon rin sila Jann sa kotse. Dala ni Kaizer ang kotse niya at sinundan namin ito sa sinasabi niyang Lucap Wharf. Mga 5 minutes lang naman ay nasa Lucap Wharf na kami. Nakahanap kami ng magandang parking lot bago tuluyang lumabas. Sinamahan namin ni Keiffer si Kaizer na mamili ng bangkang gagamitin. We decided na 'yong large boat na lang ang gamitin. It is good for 15 persons tsaka nag-rent pa kami ng isang medium boat para doon ilagay ang mga gamit namin at doon na rin sasakay si Manong Luis, ang driver namin. Nag-rent rin kami ng life vest. Nang makapag-bayad na ay bumalik na kami sa van at inaya na silang lumabas dahil naka-ready na ang bangkang sasakyan namin. Tinulungan ng mga boys na ilagay sa isa pang bangka ang mga gamit.
Kami naman nila Niah at Megan ay nauna nang sumakay sa bangka. May taga-alalay sa amin sa pagsakay. Naunang sumakay si Megan, sunod naman si Niah. Ako na ang sunod na sasakay. Pagka-apak ng isang paa ko, natakot ako dahil biglang gumalaw ang bangka. Feeling ko tataob kapag tuluyan na akong makasakay. Hindi ko naman first time na makasakay ng bangka pero kasi... kinakabahan talaga ako.
"Kuya, ako na po mag-aalalay sa kaniya." Napatingin ako sa likuran ko. Kinuha ni Kaizer ang kamay ko kay Kuya at inalalayan ang likod ko. "Don't be afraid, 'di tataob 'yan. Incase na mataob man, I'm here to save you." Bulong nito sa tenga ko. Napalunok nalang ako ng de oras. Para kang timang, Kaizer! Matapang akong sumakay sa bangka at sumunod na rin si Kaizer. Dahil nga magkasunod lang kami, magkatabi tuloy kami ng upuan. Naupo kami sa unahan ng bangka. Katabi ko si Niah at nasa tabi naman niya si Steven. Sila Megan at Haze ay sa gitna naupo. Nakitabi sa kanila si Jann dahil natatakot raw itong umupo sa pinakadulo kasama nila Keiffer at Sean.
Ako rin ay kinakabahan. 'Yong bangka kasi, eh! Pagewang-gewang dahil sa pag-alon ng dagat. Nanginginig tuloy ang mga kamay ko. Habang nakaupo, palihim akong nadadasal na sana ligtas kaming makarating sa isla. Mas natakot ako nang biglang tumayo si Kaizer. Hindi man lang mag-inform! Mas lalong gumalaw tuloy 'yong sinasakyan naming bangka kaya napakapit nalang ako sa gilid.
"There are only 3 island that have been developed for travellers and vacationalist. The Governor's Island, Quezon Island and Children's Island. Nasa Governor's Island ang pagmamay-ari naming guesthouse. For me, iyon ang pinakamagandang island na narito 'cause there's so many activities you can do. Like snorkeling, helmet diving, kayaking, cliff jumping, wall climbing, banana boat and many more. Just rent a proper gear before doing those activities. And kung ataw niyo naman sa guesthouse matulog, p'wede rin namang pahiramin ko kayo ng tent if you want na mag-camping." He suggested. Hindi ko alam na may guesthouse pala silang pagmamay-ari rito at mukhang madalas siyang napaparito. Akala ko na-stalk ko na lahat ng information na related sa kaniya, hindi pa pala.
Marami pang sinabi si Kaizer tungkol sa mga islang narito. Feeling tour guide! Kahit na nanginginig ang kamay ko, kinuha ko pa rin ang camera ko at pasimpleng kinukuhanan siya ng stolen picture. Nagkunyari akong nag-vi-video for my vlog para hindi halata. Hindi ko p'wedeng palagpasin ang moment na 'to 'no. I need to capture pictures that will remind me na nakasama ko si Kaizer sa trip na 'to. Ito na yata ang pinaka the best birthday ever ko!
Naka-timing ulit ako dahil nakaside view siya at nang balak ko na i-click ang camera para makuhanan ulit siya ng magandang anggulo, nabigla ako nang lingunin niya ako at saktong nakatutok sa kaniya ang cam ko kaya naman ang ginawa ko, agad kong iniba ito at kunyaring ang mga islang naroon ang pinipictur'an ko at kinukuhanan ng video.
"Look Niah, the islands are shaped like giant umbrellas or mushrooms," baling ko kay Niah habang tinuturo ang mga islang nadadaanan namin para lang makatakas sa paningin ni Kaizer. Nakakahiya, Akisha! Nahuli yata niya ako.
Nang matapos magk'wento si Kaizer, naupo na ulit siya sa tabi ko. Hawak ko pa rin ang cam ko at kumukuha ng pictures. Lumapit pa siya lalo sa 'kin at binulungan na naman ako.
"Papayag naman akong pictura'n mo ako, just inform me para maganda ang kuha mo. If you want, you can also take a picture with me."
Nanlaki ang mata ko nang marinig 'yon. "Who told you na I want to take a picture with you? You're so makapal!"
Tumawa siya ng mahina at kinuha ang cam sa kamay ko at bigla niya akong inakbayan at tinutok ang camera sa amin. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano.
"1... 2... 3... Smile..." Wika niya pagkatapos ay tinignan ang picture namin na kinuha niya. Hala, mukha akong ewan do'n! Hindi ako ngumiti. As in, blangko lang mukha ko!
"You're so madaya! I look like an engot diyan." Binawi ko mula sa kamay niya ang camera ko.
Ngumiti na naman ito sa 'kin sabay tap ng ulo ko. "You're still the pretty conyo girl that I've met." Ramdam kong uminit ang pisngi ko. Mas lalo pa yata itong namula nang kunin niya ang nanginginig na kamay ko tsaka niya pinagtiklop ang kamay namin. "Just hold my hand and you'll be safe."
Omg, uuwi yata akong may jowa na!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro