CHAPTER 21
Xianniah Astrid Fajardo
"Jann, dalian mo r'yan! Sabi kasing mag-impake na kagabi, eh. Inuna pa ang panglalandi. Napakamaharot mong kupal ka! 'Pag ikaw hindi pa tapos ng 30 minutes diyan, umuwi ka na at dalhin mo ang kotse mo dahil hindi ka namin isasabay. Bahala kang mag-byahe mag-isa mo!" Rinig ko ang sigaw ni Akisha sa labas ng kwarto ko. Naaasar siya dahil hindi pa nakakapag-ayos ng gamit si Jann. Dito sa bahay natulog ang mga pinsan ko para raw sigurado na walang mala-late at sabay-sabay kaming aalis. Sa isang guestroom natulog sila Jann at Keiffer. Si Sean naman ay mag-isa lang sa isa pang guestroom samantalang si Akisha ay sa kwarto ko natulog. Si Megan ay maaga nalang raw pupunta rito sa bahay dahil may pinaasikaso pa ang Dad niya sa kaniya kagabi.
Bukas na ang birthday ni Akisha and every birthday niya, nag o-out of town sila kasama na rin si Haze. This year, we decided na sa hundred islands kami pupunta. Ito ang unang beses na makakasama ako sa out of town nila at sa birthday ni Akisha after 8 years. On leave ako sa work ko at ganoon rin sila Sean at Keiffer. Sila Jann, Haze at Akisha naman ay nagpaalam sa mga professor nila na 'di makakapasok at mag-modular nalang sila para makahabol sa lesson. Si Megan ay nagpaalam sa Dad niya at pinayagan rin naman ito.
Una nang bumaba si Akisha dala-dala ang maleta niya na puno ng gamit niya. Ako naman ay nanatili pa rin rito sa kwarto ko habang nilalagay ang ilang gamit sa dadalhin kong hindi kalakihan na maleta. Hindi naman ganoon karami ang dadalhin kong damit. 3 days lang naman kami roon, eh. Nang maayos ko na ay tsaka na ako lumabas. Pagkasara ko ng pinto, sakto namang kalalabas rin ni Jann sa kabilang kwarto. Halata sa hitsura niya na 'di pa ito nakakapag-ayos. Medyo gulo pa ang buhok niya na mukhang 'di pa nagsusuklay, ang isang manggas ng t-shirt niya ay nakatupi, ang sintas ng sapatos niya hindi maayos ang pagkakalagay at hawak niya pa sa kaniyang kamay ang relo niya at ang suklay.
"Oh, anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko sa kaniya na pinipilit pigilan ang pagtawa ko nang makita siyang ganoon.
"Nakakainis kasi si Akisha! Ayoko namang maiwanan at mag-byahe mag-isa, 'no. Nakakaasar lang kasi 5 minutes lang ako naligo at ito pa ha, 'di ko alam kung ilang underwear nakuha ko. Baka nga dadalawa lang eh," naiinis niyang saaad.
Ako naman ay 'di na napigilan ang paghagalpak sa tawa. Kahit kailan talaga, Jann! May mga damit ang mga pinsan ko rito sa bahay na dinala na nila noong isang araw pa. Ang tanging gagawin nalang talaga ay ilalagay nalang sa bag o maleta at aayusin pero 'tong si Jann, inuna pa ang paglalandi kagabi.
"Tinatawanan mo ako, Niah! Hmp." Inirapan niya ako at kunyaring nagtatampo.
"Tama naman kasi si Akisha, eh. Ba't kasi inuna mo pa ang paglalandi?" Diretso kong tanong.
"You know, it's bebe time." Diniinan niya ang pagbanggit sa salitang bebe time.
I shrugged my shoulders and laughed again. Hindi na ako umimik dahil for sure na pamimilosopo lang ang isasagot sa 'kin nito. Sinara naman na ni Jann ang pinto ng kwarto at sinundan na rin ako sa pagbaba nang biglang nakasalubong namin si Sean. Galing siya sa baba at katataas lang rito. Agad siyang lumapit sa 'kin.
"Niah, tulungan na kita. Ako na ang magbaba rito," kinuha niya sa 'kin ang hawak kong maleta.
"No, it's okay. Kaya ko naman, eh." Sinubukan kong bawiin ang maletang hawak na niya ngayon pero 'di siya pumayag na ibigay sa 'kin pabalik.
"Baka mapagod ka pa," an'ya.
Hindi na ako pumalag. Nginitian ko na lamang siya at nagpasalamat, "thank you."
"How about me, Sean? Hindi mo ba ako tutulungan sa bag ko?" Singit ni Jann na nasa likod ko.
"You can handle that," tipid na sagot ni Sean.
Bumaba na kaming tatlo at nadatnan namin sila Akisha, Mom at Keiffer sa living room. Tapos na kaming kumain ng pang-umagahan. Si Megan nalang talaga ang hinihintay namin para makapunta na.
"Take care of yourself, okay? Huwag kang magpapagod and 'yang mga gamot mo, 'wag mo kalilimutan inumin." Bilin sa 'kin ni Mom nang lumapit ito sa 'kin.
I nodded and smiled at her.
"Naku, Tita. Don't worry, kami na ang bahala kay Niah. And isa pa, nandiyan si Atty. Shawyer na mag-aalaga sa kaniya," sabat ni Akisha nang marinig ang bilin ni Mom. Tanging ngiti lang ang ipinukol ni Mom sa kaniya.
Kasalukuyan na nilang nilalabas ang mga gamit nila kaya naman nagpaalam na ako kay Mom at nangakong mag-iingat ako. Kinuha ko na ang maleta kong itinabi muna ni Sean sa gilid ng hagdan dahil tumaas ito ulit para kunin naman ang gamit niya. Hinila ko na ang maleta at pumunta sa garahe kung saan naroon ang sasakyan na gagamitin. Isang malaking van na kulay puti. Hinintay ko munang mailagay ni Akisha ang gamit niya sa likod ng sasakyan bago ako lumapit doon. Nang makita kong nailagay na ni Akisha, akmang bubuhatin ko na ang maleta ko para ilagay na rin sana doon nang may biglang umagaw at binuhat ang maleta ko, siya na ang naglagay sa likod ng van.
Nang naayos niya na ito, humarap na siya sa 'kin. Naiilang man ako ay nagpasalamat pa rin ako sa kaniya.
"Thank you, H--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad sumulpot si Megan mula sa likuran ko at agad lumingkis kay Haze. Dahil nasa harap ko sila, nakita ko kung paanong hinalikan ni Megan sa labi si Haze.
"Good Morning, love!" Bati ni Megan kay Haze.
Gaya nang naramdaman ko noong unang nakita ko sila sa bahay nila Haze, ganoon ulit ang naramdaman ko ngayon. Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. Ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko sila kayang makita sa gano'ng eksena kaya agad akong tumalikod at pinilit humakbang makalayo lang sa kanila pero nakaka-tatlong hakbang palang yata ako ay napahinto agad ako dahil may matigas na bumangga sa ulo ko.
"I'm sorry, Niah." Napatingala ako at nakita ko si Steven. Dibdib pala niya ang tumama sa ulo ko. Kasi naman, sa semento ako nakatingin eh kaya 'di ko nakitang makakasalubong ko pala siya.
"Oh, look! Nandito na pala ang soon to be boyfriend ni Niah." Sabay kaming napatingin ni Steven kay Megan. Nakahawak pa rin ito sa balikat ni Haze. Nagsilapit na rin ang mga pinsan ko. Ready to go na kami dahil kompleto na ang lahat.
"Haze, they look so cute together, isn't it?" Tumingala ito kay Haze at si Haze naman ay seryosong nakatingin sa amin. "Niah, ba't kasi 'di mo pa lang sagutin si Steven?" Baling niya ulit sa amin.
Hindi ako makatingin sa kanila ng diretso at 'di ko rin alam ang isasagot ko. Nailang ako bigla sa tanong niya. Naramdaman yata ni Steven na hindi ako makakasagot kaya siya na ang sumumbat sa tanong ni Megan.
"It's okay kung 'di pa ako sagutin ni Niah. I don't want to pressure her and besides, I'm willing to wait." He glanced at me and I smiled at him.
"Willing to wait? Are you sure? What if there's someone who wants to steal her from you?" Nabigla ako sa tanong na 'yon ni Haze. Pati ang mga pinsan ko ay napatingin sa kaniya at bumaling ulit ang tingin nila kay Steven. Hinihintay nila ang sagot nito. Pati ako ay hinihintay ko rin.
Tumikhim muna si Steven at diretsong tumingin kay Haze. "Then, I will fight for her." Tumingin siya ulit sa 'kin at kinuha ang kamay ko at pinagtiklop ang mga kamay namin tsaka bumaling ulit kay Haze. "Para saan pa't naging abogado ako kung 'di ko siya kayang ipaglaban? If this is a case, I will do everything just to win her heart." Kalma niyang saad. Ramdam namin ang tensyon sa kanilang dalawa. Kung paano titigan ni Haze si Steven. Mabuti nalang at nagsalita na si Akisha.
"Guys, let's go na! Matra-traffic tayo niyan, eh. Kami nila Niah, Steven, Megan at Haze ang sasakay rito sa van at sila Jann, Keiffer at Sean naman sa isang kotse." Ani ni Akisha. Unang pumasok si Akisha sa loob ng van at sumunod naman sila Megan at Haze. Naglakad na rin kami ni Steven papunta roon habang magkahawak pa rin ang kamay. Naalis lang ito nang tuluyan na kaming makasakay.
Nasa front seat si Akisha. Kami naman ni Steven ay sa first row ng passenger's seat naupo at sa likod namin sila Megan at Haze. Si Manong Luis ang nag-drive, driver namin at may si Sean naman ang nagdrive sa isa pang kotse na gamit nila. Mga 8-10 hours naman ang byahe at magpapalitan nalang raw si Keiffer at Sean sa pagdrive. Saktong 6 AM kaming umalis at tiyak na alas tres na kami makakarating.
"Omg, I can't wait na talaga makapunta sa iba't ibang island." Bakas sa boses ni Akisha ang excitement. Kinuha niya ang monopod at phone niya at inayos ito tsaka binuksan ang bintana. "Hundred Islands, here we come!" Sigaw niya at mabilisang nilabas ang phone niya para mahagip sa camera ang kotse nila Sean na kasunod lang namin. Patuloy lang siya sa pagrerecord para sa vlog niya. Yes, vloggerist po ang pinsan kong si Akisha.
Napansin ko naman na walang imik ang dalawa sa likuran namin. Gustuhin ko mang tignan ang salamin para makita sila sa likod ay 'di ko magawa dahil baka mahuli pa nila akong sumisilip. Tinuon ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana. Si Steven ay nasa tabi ng bintana at ganoon rin si Megan sa likod kaya kung titignan ko man ang salamin, si Haze ang una kong makikita dahil katapat ko lang ito.
Ilang saglit lang ay naramdaman kong hindi ako comfortable sa suot ko. Nilalamig kasi ang legs ko dahil sa suot kong jumper dress na above the knee. Hindi naman ako makahiram ng jacket na p'wedeng ipatong dito dahil walang dala si Steven. Pati si Akisha ay wala rin. Nakalimutan kong kunin kanina sa sofa ang jacket ko. Pinilit ko nalang na ibaba pa ang dress ko pero ganoon pa rin, nilalamig pa din ako dahil sa lakas ng aircon ng sasakyan.
Nagulat ako nang may inabot si Haze sa 'kin. "Take this," wika niya mula sa likuran ko. Iniabot niya ang leather jacket na suot niya. Hindi na ako nahiya at kinuha ito.
"Thank you," saad ko.
Lumingon sa 'kin si Steven at tinanong kung gusto ko raw bang magpalitan kami ng p'westo pero tumanggi naman ako. Okay na dahil napatong ko na ang jacket ni Haze sa legs ko.
Panay lang ang daldal ni Akisha sa harap ng phone niya. Sila Haze at Megan naman ay wala pa ring imik. Naramdaman ko tuloy ang antok.
"Are you sleepy?" Tanong ni Steven.
Tumango ako. Tinap niya naman ang balikat niya. "You can lean and sleep on my shoulder." Gaya ng sinabi niya, inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya sabay pikit ng mga mata ko.
Nagising na lang ako nang maramdamang may nag-ta-tap sa balikat ko. Iminulat ko ang mata ko.
"Niah, wake up," wika ni Steven. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Nakita kong tumigil kami sa tapat kami ng isang convenience store. Wala si Akisha sa front seat.
"Where's Akisha?" Tanong ko.
"Nasa labas sila kasama sila Megan. Tumigil muna para hintayin ang iba mo pang pinsan dahil mukhang naiwan dahil sa traffic kanina and also, to buy some snacks," he explained.
Napatango nalang ako at sabay kaming lumabas. Pumasok kami sa convenience store. Natanaw ko si Akisha na bumibili ng mga chocolates. Ang hilig niya talaga sa mga sweet foods.
"Niah, I'll buy water and some drinks." Paalam niya sa 'kin.
"Okay. Tingin na rin ako ng crackers and biscuits," wika ko naman.
Tumango siya sa 'kin at kumuha ng tig-isang basket para sa lagayan ng bibilhin namin. Pumunta na ako sa lagayan ng mga crackers. Clover ang favorite ko. Hinanap ko ito hanggang sa makita kong nasa taas. Hindi naman ako katangkaran kaya 'di ko maabot ito. Tumingkayad ako para subukang abutin pero wala pa rin. Sinilip ko kung may taong p'wedeng mag-assist kaso wala akong makita. Tinignan ko si Steven para magpatulong sana pero nakita ko itong busy sa pagpili ng binibili niyang inumin. Bakit kasi nasa taas 'yon?!! Iba nalang ang bibilhin ko. Bumalik na ako ulit para pumili nalang ng ibang cracker nang makita ko si Haze na nakatayo roon.
"You need help? Clover ba?" Tanong niya sa 'kin.
"Oo s-sana," utal kong saad.
Walang kahirap-hirap kay Haze na abutin ito dahil matangkad siya. Kinuha niya ang dalawang malaking clover tsaka inabot sa 'kin.
"Thank you," saad ko tsaka ko nilagay ito sa hawak kong basket.
Umiwas ako agad at binaling ang tingin sa mga iba pang crackers na naroon. Ramdam kong hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya kanina.
"Do you like him?" Hindi man ako tumingin sa kaniya, ramdam kong nakatingin ito sa 'kin ng seryoso.
"H-Ha? Sino?" pagmamaangan ko. "Haze, sige na... Umalis ka na dahil baka hinahanap ka na ni Megan." Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa mga crackers.
Alam kong si Steven ang tinutukoy niya pero nagkunwari akong 'di alam kung sinong tinutukoy nito. Hindi dahil sa ayokong sabihin kung 'di dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko.
"Sige." Bakas sa boses nito ang lungkot. "Aalis ako kung 'yon ang gusto mo, but Niah, I won't stop loving you even from afar."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kaniya pero huli na dahil tumalikod na siya sa 'kin at humakbang palayo. Tama ba ang narinig ko?
"... I won't stop loving you even from afar."
Hindi ko namalayang mapatitig sa direksyon niya kanina dahil sa gulat . Bumalik lang ang ulirat ko nang may nagsalita sa likuran ko.
"I saw that," wika nito. Lumingon ako agad at nakita si Megan na nasa harap ko na ngayon. "Hindi ako tanga para hindi mapansin na sinasadya mo lahat 'to. Mula kaninang umaga, tungkol sa tensyon na naganap kay Haze at Steven, sa pagpapahiram ng jacket ni Haze sa 'yo hanggang dito sa kunwaring 'di mo maabot sa lintek na cracker na 'yan para lang tulungan ka niya. Ganiyan ka na ba kadesperada na makuha ang atensyon ni Haze ha, Niah?" She raised her eyebrows.
"Megan, hindi totoo 'yan. Hindi ko sinasadya ang lahat ng nangyari," pagtanggi ko.
"Ilang beses ba kita papakiusapan na layuan mo na si Haze?"
Hindi ko inakala na ganito ako itrato ni Megan. Halos sigawan na niya ako dahil sa galit at inis niya.
"Paano ako iiwas kung mismong ang boyfriend mo ang lapit nang lapit sa 'kin?" Matapang kong usal sa kaniya.
"Argh!" Singhal niya tsaka niya ako tuluyang tinalikuran.
I'm sorry Megan but I can't take it anymore.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro