CHAPTER 18
Megan Chloe Fajardo
"Niah," banggit niya sa pangalan nito.
Hindi ko na mabilang kung ilang ulit na ba niyang binanggit ang pangalan ni Niah. Sa bawat pagbanggit nito, ang siya namang nagbibigay kirot sa puso ko. Ang sakit marinig mula sa taong mahal mo ang pangalan ng ibang babae. Naririnig ko mula kay Haze ang ilang ulit na pagbigkas niya sa pangalan ni Niah. Matapos umalis ni Niah, siya pa rin ang bukambibig nito. Sobrang sakit dahil kahit natutulog ito, si Niah pa rin ang iniisip niya.
Ako 'yong nandito pero bakit ibang tao pa rin ang hinahanap niya?
Ako 'yong girlfriend pero bakit si Niah ang pilit niyang hinahanap?
Bakit Haze? Bakit hindi ako?
"N-Niah... 'wag mo akong iiwan ulit. Niah..." Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. I sighed deeply. Kinuha ko ulit ang bimpo at binasa sa malamig na tubig. Piniga ko ito at dinampi sa noo niya.
"N-Niah..."
Tinitigan ko ang mukha niya. Dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi nito.
"Haze, ako 'yong nandito pero bakit si Niah pa rin ang hinahanap mo?" Malakas ang loob ko na tanungin siya dahil alam kong hindi naman niya ako maririnig dahil tulog ito.
Nasasaktan ako pero pinilit kong iwinaksi ang nararamdaman ko para maalagaan siya ng maayos. Tumayo ako at nagdiretso sa closet niya. Kumuha ako ng isang t-shirt niya para makapagpalit na ito. Natuyuan na kasi siya ng pawis kaya kailangan na nitong magpalit.
Bumalik na ako sa pagkakaupo sa tabi niya. Dahan-dahan kong inilislis ang damit niya. Tinaas ko ang dalawang kamay niya at inalalayan ang ulo niya hanggang sa matanggal na ang damit nito. Nasa harap ko ngayon si Haze na nakahiga at topless. Nakatambad sa harapan ko ang six-pack abs niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tingnan ito. Napakaganda ng pagkakahubog ng katawan niya.
"No, Megan! Ano bang iniisip mo? Hindi 'yan tama." Tumalikod ako at pilit pakalmahin ang sarili bago ulit humarap kay Haze.
Iniwasan kong tumingin sa katawan niya at nagfocus nalang sa paglagay ng damit sa kaniya. Nang mailagay ko na ang damit niya, kinuha ko ang kumot na nasa tabi nito at kinumutan ko siya para makapag-pawis. Mababawasan ang init nito kapag pinawisan siya.
Tinitigan ko siya sa ganoong lagay. Sa dalawang taon na magkarelasyon kami, proud akong sabihin na walang nangyari sa 'min kahit isang beses. May mga time na malapit na namin gawin 'yon pero pinipigilan niya ang sarili niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa respeto niya sa 'kin o sadyang ayaw niya lang talaga. But I'm still thankful that Haze is that kind of man.
Kinuha ko ang bag ko sa sofa na nasa left side ng kama niya at tinignan ang cellphone ko. Naka 8 missed calls si Dad at 5 messages.
From: Dad
Where are you?
Megan, answer my calls!
I need you here.
Nasaan ka ba?
May urgent meeting. Bumalik ka na rito!
Agad akong nag-type ng ire-reply ko. Ngayon ko lang gagawin ito sa kanila. Ngayon lang ako hindi susunod sa inuutos nila. Sana maintindihan nila ako.
I'm sorry Dad, but I can't. Haze needs me right now. Sana maintindihan niyo. Kahit ngayon lang, sundin ko naman kung anong gusto ko talaga.
All my life, para akong tuta na sunod nang sunod sa kung anong gusto nila. Naiintindihan ko naman dahil alam kong para sa future ko rin ito pero minsan, nasasakal na talaga ako. Hindi ko magawa ang gusto kong gawin. Kontrolado nila ang buhay ko. Pati ang relasyon namin ni Haze, naaapektuhan na. Aminado ako na ang laki ng pagkukulang ko sa kaniya. I have no time for him. We are both busy at tanging updates lang ang bumubuhay sa relasyon namin.
Ibinalik ko sa sofa ang bag ko at inayos ang kumot ni Quim dahil pilit niyang tinatanggal ito.
"Hmm, N-Niah.." Banggit niya ulit tsaka ito tumagilid ng pagkakahiga. Nakatalikod na siya ngayon sa 'kin.
Napangiti ako ng mapait, "Niah na naman."
Lumitaw na naman sa isip ko ang nangyari 2 years ago...
"Haze, tama na 'yan," pag-awat ko sa kaniya.
Pilit kong kinukuha ang basong may lamang alak sa kamay nito. Nakakadami na siya ng iniinom. Halata na rin na malakas na ang tama ng alak sa kaniya dahil hindi na niya kayang igalaw ang ulo nito at nakayuko na lamang siya sa mesa.
"B-bakit ako iniwan ni N-Niah?" Nakailang ulit niya na itong tinanong. "Bakit? Ni h-hindi man l-lang siya nagpaalam sa 'kin!"
Naaawa akong makita siyang gano'n. Nagkakaganoon siya dahil lang sa isang babaeng nang-iwan sa kaniya. Si Niah ang laging rason sa tuwing umiinom siya at masakit 'yon para sa 'kin. Masakit para sa 'kin na 'yong lalaking mahal ko ay nasasaktan at wala akong magawa para maibsan 'yon.
"Haze, kalimutan mo na si Niah. Iniwan ka na niya, 'di ba? Hindi ka naman ganoon ka-importante sa kaniya. Hindi nga siya gumawa ng paraan para magkausap kayo. She left you. At tignan mo kung anong nangyayari sa 'yo. Ito ka ngayon, nagpapakalasing dahil sa kaniya at habang siya, nandoon sa States nagpapakasaya at walang pakialam sa 'yo!" Pinipilit ko pa rin ipagsiksikan sa utak niya na wala namang pakialam si Niah sa kaniya.
Alam kong mali na siraan ko ang mismong pinsan ko pero ayoko ring makitang nagkakaganoon si Haze.
"Kahit iniwan niya ako, kahit galit ako sa kaniya, kahit nasaktan niya ako, mahal ko pa rin siya." Direktang sambit niya na dahilan para sumikip ang dibdib ko.
"Mahal mo siya? Haze naman! Ang babata niyo pa noon para sabihin mo 'yan."
They are just only 12 years old that time. So, how can he say that he really loves Niah?
"Y-Yes, we were too young that time... Pero alam kong totoo ang nararamdaman ko sa kaniya. Hanggang ngayon, wala pa ring nagbago. Siya pa rin. Si Niah lang."
Kinuha ko mula sa kamay niya ang basong tutunggain niya sana. Hinawakan ko ang magkabilaang balikat niya upang ipaharap sa 'kin. Nang makaharap na ito sa 'kin, hinawakan ko ang mukha niya at siniil siya ng halik. Wala akong pakialam kung maraming nakakakita sa 'min ngayon dahil nasa bar kami kasama ng iba ko pang mga pinsan. Ramdam kong nabigla siya at hindi tumutugon sa halik ko pero hindi ako nagpatinag at pinagpatuloy ang paghalik sa kaniya.
Natigilan lang ako no'ng tinulak niya ako. Tinignan niya ako ng masama. "What the hellare you doing, Megan?!"
"Haze, ako na lang kasi! Kalimutan mo na si Niah, please. Nandito naman ako, eh. Please, ako nalang," pagsusumamo ko.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na sabihin 'yon pero hindi ako nagsisising umamin dahil ang tagal ko na itong tinatago. Oo, matagal ko nang gusto si Haze. Simula nang nasa high school kami hanggang ngayong college, siya pa rin. Siya pa rin ang lalaking gusto ko.
"You like me?" Hindi makapaniwalang turo niya sa sarili niya.
"I really like you, Haze. No, I love you. I really do!" Pag-amin ko. "Please, subukan mo naman akong gustuhin, oh. Ibaling mo rin sa 'kin ang atensyon mo at 'wag nalang puro Niah. Kasi si Niah, hindi ka naman niya iniisip, eh. Wala ka lang sa kaniya."
"Tama ka, Megan. Wala namang pakialam sa 'kin si Niah kaya ba't ko pa sasayangin ang luha ko sa kaniya. Don't worry, susubukan kong suklian ang pagmamahal mo sa 'kin at tuluyan na siyang makalimutan." Ika niya tsaka tuluyang ipinatong ang ulo sa mesa sa sobrang kalasingan.
Oo, naging akin si Haze hindi dahil kusa niyang naramdaman ang pagmamahal sa 'kin. Naging kami dahil pinilit niya lang ang sarili niya. Sobrang sakit 'yon para sa 'kin kasi kahit hindi niya aminin, ramdam kong hindi kagaya ng pagkagusto niya kay Niah ang nararamdaman niya para sa 'kin. Pero wala, eh. Mahal ko si Haze kaya magbubulag-bulagan ako hangga't kaya ko. Hindi ko kayang mawala sa 'kin si Haze.
Mas natakot ako ngayong bumalik na si Niah dahil hindi imposibleng bumalik ulit ang pagkagusto ni Haze sa kaniya. Natatakot ako dahil alam kong wala akong magagawa kapag nangyari 'yon. Bumalik na si Niah, bumalik na ang nauna.
Lumapit ako sa kaniya at nahiga sa tabi nito. Niyakap ko siya sabay pikit ng mata ko, "I love you."
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa 'king mata. Napamulat ako at tumambad sa 'kin ang pamilyar na kwarto. Nandito nga pala ako kila Quim. Agad kong nilingon sa tabi ko kung naroon pa si Quim pero mag-isa nalang ako sa kama. Tumayo ako agad at dumiretso sa banyo para makapaghilamos. Baka nasa baba na siya ngayon. Pero teka, 'di ba nilalagnat siya? Ayos na ba pakiramdam niya?
Dali-dali akong bumaba at tama nga ako, nadatnan ko siya sa kusina na nagluluto.
"L-Love," malambing kong wika sabay yakap sa likod niya.
Humarap naman siya sa 'kin at dahan-dahang inalis ang kamay ko sa bewang niya.
"Good Morning, love. Umupo ka na dahil malapit na itong niluluto ko. Sinabi sa 'kin ni 'Nay Lourdes na hindi ka kumain ng dinner dahil nakatulog ka na raw sa tabi ko kagabi." Inalalayan niya ako papunta sa mesa at pinaupo. "Thank you for taking care of me," he added.
Tumingala ako sa kaniya at inabot ang noo nito. "Nga pala, how are you feeling? Hindi ka na ba nilalagnat? Ayos na ba pakiramdam mo?"
Nang hawakan ko ang noo niya, hindi na ito mainit. Mukhang wala na siyang lagnat.
"I'm now okay. Nagising ako kaninang madaling araw at nagtake ng med kaya umayos na ang pakiramdam ko."
"Ah, mabuti naman." Tanging pagtango lang ang sinagot ko.
Bumalik na ulit siya sa niluluto niya. Isa rin sa nagustuhan ko kay Haze ay ang kaalaman niya sa pagluluto. Hindi lang kagwapuhan at talino ang mayroon siya. Maging sa gawain sa kusina ay may alam siya. Haze is a husband material, indeed!
Matapos kaming kumain ay naligo na ako at nagbihis. May konting damit akong nakalagay sa closet ni Haze pangpalit sa tuwing nagagawi ako rito sa bahay nila. Balak na niya akong ihatid sa bahay para makapag explain sa Dad ko. Sana lang talaga ay maintindihan ako ni Dad.
"Let's go, love." Wika ko sabay kuha sa bag ko na nasa sofa.
Nasa labas na kami nang bumalik ulit si Haze sa loob dahil nakalimutan niya raw ang susi sa drawer niya. Ako naman ay lumabas na sa gate nila at doon nalang ako naghintay kay Haze. Nagawi ang paningin ko sa bahay nila Niah dahil parang may nagkakagulo. Nakita kong buhat-buhat ni Steven si Niah na mukhang walang malay habang palabas sa gate nila. Anong nangyayari?
"Niah, Anak!" Sigaw ni Tita na nakasunod kay Steven.
Narinig ko ang pagbukas ng gate ng garahe nila Haze. Lumabas na ang kotse niya at huminto sa harap ko. Hindi! Hindi p'wedeng makita ni Haze si Niah sa ganoong sitwasyon. Pero huli na ako dahil lumabas na si Haze mula sa kotse niya at nakatingin sa labas ng bahay nila Niah.
"What happened?" Baling nito sa 'kin.
"I don't know," kibit-balikat na wika ko.
Nang tuluyan nang makalabas sa gate si Steven buhat-buhat si Niah na walang malay, narinig kong napamura si Haze.
"Damn! What happened to N-Niah?!"
Bago pa man humakbang si Haze papunta sa kanila, inunahan ko na siya agad. Tumakbo ako at sinadyang matapilok.
"O-Ouch!" Daing ko sa sakit at umupo sa gilid ng kalsada.
Lumingon si Haze sa 'kin. Lumingon rin siya kay Niah. Bakas sa mukha niya na gustong gusto niyang takbuhin papunta roon pero hindi niya magawa dahil sa 'kin. Hindi niya alam kung sinong uunahin niya.
"H-Haze, help me. Hindi ako makatayo," pinilit kong tumayo at sinadyang mapaupo ulit. Nagkunyari akong masama ang inabot ng paa ko dahil sa pagkakatapilok.
Dali-dali siyang lumapit sa 'kin at inalalayan ako pero ang tingin niya ay hindi pa rin naalis kay Niah. Pinasok na siya sa kotse ni Steven at dali-daling pinaandar ito hanggang sa tuluyan nang makaalis.
I'm sorry, Haze. Gagawa at gagawa ako ng paraan para hindi ka bumalik kay Niah. Hindi ako papayag na malaman mo ang tunay na kondisyon ni Niah dahil baka ito ang maging rason para iwan mo ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro