CHAPTER 17
Xianniah Astrid Fajardo
"Jhyne, anong nangyari kay Loraine?" Hinihintay ko pa rin ang sasabihin nito. Kami na lang dalawa ang naiwan dahil pumunta na si Haze sa loob.
"K-Kasi Niah... Si Loraine, nasa kritikal na kondisyon ngayon." Bakas sa boses nito ang pag-aalala at takot na tila posibleng may mangyaring 'di maganda.
"Ano? B-Bakit? Paano?" Hindi ko na siya hinintay na sumagot muli dahil dali-dali kong kinuha ang gamit ko at sabay hila sa kaniya patakbo papunta sa loob.
Hindi ko alintana ang pagod at pagkahingal. Ang tanging iniisip ko lang ngayon ay si Loraine. Habang tumatakbo ay taimtim akong nagdadasal na sana walang mangyaring masama sa kaniya. Sana hindi pa siya kunin ni Lord dahil napakabata pa nito. Nagdiretso muna ako sa nurse's office upang ilapag ang gamit ko at agad rin akong lumabas para puntahan na si Loraine pero sa kasamaang palad, bigla akong tinawag ng isang nurse.
"Niah, ikaw na muna ang pumalit sa 'kin para i-check 'yong pasyente sa room 104. Maglu-lunch pa kasi ako," an'ya.
Kahit gustong-gusto ko na puntahan ang kwarto ni Loraine ay wala akong magawa. Kailangan ko muna unahin ang trabaho ko. Bibilisan ko na lang ang pagmonitor tsaka ko kukumustahin si Loraine.
"Sige," tipid kong sagot. Kinuha ko na ang medical tray at nilagay ang ilang gamot dito.
Nang makarating ako sa room #104, agad ko na chineck ang temperature nito. Dengue raw ang sakit ng pasyenteng babae na nasa 30's na at kasalukuyang mino-monitor ang platelets niya.
"Mas bumaba po ang platelets niyo. Kailangan niyo pong kumain nang kumain para tumaas ito. Kumain po kayo ng healthy foods lalo na ang prutas o kaya naman po, papakin niyo ang itlog pugo," mungkahi ko bago ako tuluyang lumabas.
Agad akong pumunta sa room #51, ang kwarto ni Loraine. Pinihit ko ang doorknob at sumilip sa loob. Tanging pag-iyak lang ang naririnig ko mula sa mga taong nakapaligid ngayon sa kama ni Loraine. Nakatalikod sila sa 'kin at base sa mga suot nila, mukhang kamag-anak sila ni Loraine. Wala na akong makitang doctor o nurse sa loob. Pati si Haze ay wala rin dito. Hindi na ako makapagpigil kaya tuluyan na akong pumasok. Habang naglalakad ay ramdam kong ang bigat ng dibdib ko. Hirap akong humakbang at takot sa posibleng madatnan ko sa kama kung saan nakahiga si Loraine. Sana naman mali ang nasa isip ko. Sana makita ko si Loraine sa kama nitong nakaupo at sobrang lawak ang ngiti gaya noong unang kita ko sa kaniya.
Dahil napapalibutan siya, hindi ko ganoon tanaw si Loraine. Tumingyad ako para makita ko siya. Nakahiga si Loraine habang yakap-yakap ng Mommy niya na walang tigil sa paghagulhol sa iyak.
"Anong nangyari? L-Loraine..." Banggit ko sa pangalan niya dahilan para lumingon sila sa 'kin.
Nang makita nila ako ay agad naman akong binigyan ng space ng mga taong nasa harap ko para makadaan at makapunta sa tabi ni Loraine. Naglakad ako at tumambad sa harap ko si Loraine na nakahiga at tila mahimbing na natutulog. Napansin kong hindi na ito humihinga at ang dextrose na nakakabit sa kaniya ay natanggal na rin. Hindi na rin gumagana ang machine na nasa tabi niya. Ang tanging makikita lang roon ay ang diretsong linya.
"H-Hindi. Hindi 'to totoo. L-Loraine! Loraine... No, b-buhay ka pa, 'di ba? Natutulog ka lang, 'di ba? Loraine, nandito na si Ate bait. Gumising k-ka na dahil i-momonitor pa kita. Loraine..." Hawak ko ang balikat niya at pinilit na yugyugin para magising. Basa na rin ang ang magkabilaang pisngi ko dahil sa sunod-sunod na luhang kumawala sa 'king mata.
"L-Loraine," nakailang banggit na ako sa pangalan niya ay hindi pa rin ito gumigising. Mas lalong napahagulhol ang mga taong nasa loob ng kwarto.
"Loraine, gumising ka na please? Please, gising ka na, oh," pangsusumamo ko.
"Nurse Niah, wala n-na ang Anak ko... W-Wala na si Loraine." Napatingin ako sa Mommy ni Loraine na kasalukuyang nakatitig sa wala ng buhay na Anak niya. "S-Sumuko na siya. Hindi na n-niya nakayanan ang sakit niya. Sa huling hininga niya, nakita ko ang ngiting nagpapagaan lagi ng loob ko. Sa ngiti niyang 'yon, pinapahiwatig niyang masaya siyang bibitaw k-kaya kahit 'di ko man gustuhin, pinaubaya ko na siyang kunin ng nasa taas dahil alam kong ito ang tanging paraan p-para matapos na ang paghihirap niya." Huminto ito sa pagsasalita at pinunasan ang kaniyang luhang walang tigil sa pag-agos. "Ang sakit lang isipin na imbes ang Anak ang maglibing sa magulang ay ako itong magulang ang maglilibing mismo sa sarili kong Anak," dagdag niya.
Kung sobrang sakit sa part ko ang pagkawala ni Loraine, what more pa kaya sa Ina nito? Walang katumbas ang sakit na nararamdaman nila ngayon.
"C-Condolence po, Tita. But I'm sure, she's happy now. Nakita ko kung gaano kalakas si Loraine para labanan ang sakit niya pero marahil ay oras na niya kaya kahit anong pilit natin na manatili siya, hindi na natin ito mapipigilan. Be strong, Tita. You have already an Angel that will guide you everyday."
Lumapit ako sa Mommy niya at niyakap ito para kahit papaano, mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Pagkatapos ay bumaling ako kay Loraine at pinagmasdan siya. Halata sa mukha nito na tanggap niyang wala na siya dahil maaliwalas ang mukha nito at tila natutulog lang.
Sa huling pagkakataon, niyakap ko ito at hinalikan sa noo niya. "Rest in paradise, our Angel."
Bago nagpaalam, nagpangako akong pupunta ako sa burol nito. Lumabas na ako sa kwarto at agad inalam kung nasaan si Haze. Alam kong kailangan niya ng karamay ngayon.
Sakto namang nakasalubong ko si Jhyne sa hallway. "Jhyne, nakita mo ba si Haze?"
"H-Hindi, eh. Pero subukan mong tingnan sa office ng Dad niya dahil baka doon siya dumiretso," wika nito tsaka niya kinuha ang hawak kong tray. "Sige na, puntahan mo na siya. Malapit na rin naman ang out mo kaya ako na ang bahala sa 'yo."
Sobra ang pasasalamat ko kay Jhyne bago ako tumakbo papunta sa office ni Tito Leo. Alam ko kung gaano naapektuhan si Haze sa pagkawala ni Loraine. Tinuring niya na itong tunay na kapatid kaya panigurado, labis na sakit ang nararamdaman niya ngayon. Sa bawat k'wento ni Loraine noon, ramdam ko ang pagmamahal ni Haze sa bata.
Nasa tapat na ako ng office ni Tito. I knocked the door three times pero wala pa ring nagbubukas at nagsasalita. So, I decided na pumasok nalang. Pinihit ko ang doorknob at nagpasalamat dahil hindi ito naka-lock. Sumilip ako para tingnan kung nasa loob ba si Haze. Wala akong nakitang Haze na nakaupo sa sofa na malapit sa pinto hanggang sa nagawi ang paningin ko sa gilid ng cabinet na nasa tabi ng mesa ni Tito Leo.
Nakayuko siyang nakaupo roon habang nakapatong ang dalawang braso sa kaniyang tuhod. Hindi ko man kita ang mukha nito, alam kong umiiyak siya ngayon dahil rinig ko ang paghikbi niya. Dahan-dahan akong pumasok at isinara ang pinto na hindi niya namamalayan. Tinitigan ko siya sa ganoong posisyon. Naalala ko bigla kung paano kami unang nagkakilala. Bumalik sa ala-ala ko ang batang Haze noon na nakayuko sa lilim ng isang puno habang walang tigil sa pag-iyak.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Nanatili akong nakatayo sa tapat niya at kinuha mula sa bulsa ng uniporme ko ang puting panyo ko. Napansin niya yatang may tao sa harap niya kaya napaangat ito ng ulo. Walang reakyon ang kaniyang mukha nang makita ako. Agad naman akong umupo para mapantayan siya at iniabot sa kaniya ang panyo ko. Imbes na kunin ang panyo ko, nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap.
"N-Niah, si L-Loraine. Wala na si Loraine, Niah. Ang s-sakit-sakit," daing niya habang mahigpit na nakayakap sa 'kin.
Niyakap ko siya pabalik at hinaplos ang likod nito upang maramdaman niyang nandito ako para damayan siya. Ramdam kong namamasa na ang damit ko sa likod dahil sa labis na pag-iyak nito pero binalewala ko lang 'yon. Kailangan ni Haze ang masasandalan ngayon.
"I did my best to save her life but my best wasn't enough. I failed, Niah. I didn't saved Loraine. It's my fault--"
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinawakan ang mukha nito. "Shh, it's not your fault, okay? Huwag mong sisihin ang sarili mo, Haze. Alam kong ginawa mo ang lahat para maisalba si Loraine pero... marahil ay oras na niya talaga."
"B-Bakit lagi na lang akong iniiwan ng mga taong n-napalapit na sa 'kin? Katulad mo, i-iniwan mo ako noon na hindi man lang nagpaalam at n-ngayon si L-Loraine naman, hindi ko man lang nakausap bago siya sumuko. Tangina, mang inform naman k-kayo bago kayo umalis kasi ang s-sakit, eh! Sobrang s-sakit na maiwan na walang paalam."
"I'm s-sorry." 'Yon lang ang nasabi ko.
Hindi ko namalayan na pati ako ay umiiyak na rin. Ramdam kong umaagos ang luha sa 'king mata. Hindi ko alam kung paano mapapakalma si Haze sa pag-iyak. Habang hawak ko ang magkabilaang pisngi nito, pinilit kong punasan ang luhang umaagos sa pisngi niya gamit ang hinlalaki ko. Naramdaman kong medyo mainit ito kaya agad kong sinapo ang noo niya. Sobrang init niya!
"Haze, sobrang init mo. Nilalagnat ka!" Hindi ako mapakali dahil sa pag-aalala.
"No, I'm not." Tsaka siya bumalik sa pagkakayakap sa 'kin. "Niah, p'wede bang manatili tayo sa ganitong posisyon kahit limang minuto lang?"
Hindi na ako umimik at pinagbigyan na lamang siya. Kailangan ako ni Haze ngayon at gaya ng ni-request ni Loraine, hindi ko iiwan si Haze lalo na sa sitwasyong ganito. Maya-maya pa'y hindi ko na marinig na paghikbi niya. Dahan-dahan ko siyang iniharap sa 'kin. Nakapikit si Haze at mukhang natulugan na niya ang pag-iyak. Isinandal ko siya saglit sa dingding at kinuha ang panyo kong nasa gilid ko. Agad kong pinunasan ang basa niyang mukha. Namumula ang mukha nito dahil sa walang tigil na paghagulhol kanina. Hinawakan ko ang noo niya at sigurado nga akong nilalagnat siya.
"H-Haze," banggit ko sa pangalan niya at dahan-dahang tinapik ang balikat nito para magising.
"Hmm?" Nanatili pa rin siyang nakasandal sa pader at nakapikit pa rin ito.
"Sobrang init mo, Haze. Gusto mo bang samahan na kitang magpacheck-up? Tutal nandito naman na tayo sa hospital."
"No, N-Niah. I'm okay. Iuuwi ko nalang ito," pagtanggi niya.
Pero paano siya makakauwi sa ganoong lagay? Hindi niya p'wedeng piliting magmaneho dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya.
"Hindi mo kayang magmaneho, Haze."
"Kaya ko," pagmamatigas niya.
Iminulat niya ang mata niya at pinilit na tumayo. Muntikan na siyang matumba at buti na lang, naalalayan ko siya kaagad. Pinilit niyang alisin ang pagkakahawak ko sa braso niya.
"Niah, kaya ko. S-Sige na, umalis ka na dahil baka naghihintay na sa 'yo si Steven sa labas."
Tiningnan ko ang wall clock sa taas ng pinto. 3:15 PM na nga at siguradong nasa labas na si Steven. Pero... Paano si Haze?
"Kung ayaw mong magpacheck-up dito, ako na magmamaneho sa 'yo pauwi."
"Niah, kaya ko nga! Umalis ka na," pilit pa rin niya akong tinataboy. Nakasandal siya ngayon sa pader at hawak ng kanang kamay niya ang pader para mabalanse ang sarili upang hindi matumba. Kahit hindi niya sabihin, alam kong nanghihina siya.
"Huwag ka na magmatigas! Halika na, uuwi na tayo."
Pinilit kong kinuha ang kanang kamay niya at pinatong sa balikat ko at agad pinunta ang kaliwang kamay ko sa likod niya upang hawakan ang bewang nito. Magrereklamo pa sana siya pero nagsimula na akong maglakad dahilan para mapasabay rin siya sa paglalakad. Buti nalang nasa nakasalubong ko ulit si Jhyne at nakisuyo na kunin ang bag ko sa nurse's office.
Kasalukuyang inaalalayan ko si Haze palabas ng hospital. Nang tuluyan na kaming makalabas, nakita ko si Steven na nakatayo sa gilid na mukhang naghihintay sa 'kin. Lumapit ito sa 'kin nang makita ako.
"Niah, what happened?" Nagpabali-balik ang tingin niya sa 'kin at kay Haze.
"I'm sorry, Steven. Hindi ako makakasabay sa 'yo ngayon. Kailangan kong ihatid si Haze sa bahay nila. Nilalagnat siya at 'di niya kayang magmaneho," saad ko.
"Do you need help? Ako na maghahatid sa kaniya, I mean, sa inyo."
"No, hindi na. Dala rin kasi ni Haze ang kotse niya. I'm really sorry, Steven."
"It's okay, Niah. I understand. Just call me when you got home, okay?"
Tumango ako sa kaniya at tinulungan niya akong alalayan si Haze papunta sa kotse nito. Dahan-dahan namin siyang pinasok sa front seat. Kinuha ko ang susi niya mula sa dala niyang bag.
"Thank you so much, but we have to go now. Again, I'm really sorry."
He just nodded at me. Tuluyan na rin akong pumasok sa loob ng kotse at dali-daling pinaandar ito. Nakatulog si Haze sa buong byahe. Nang makarating na kami sa bahay nila, agad akong tinulungan ni Nanay Lourdes na alalayaan si Haze paakyat sa kwarto niya. Dahan-dahan namin siyang inihiga sa kama niya.
"Jusmiyo! Napakainit nga ng batang ito. Oh sige, teka at ihahanda ko ang malamig na tubig at bimpo para mabawasan ang init nito kahit papaano," wika ni 'nay Lourdes tsaka ito agad na lumabas.
Inayos ko ang pagkakahiga ni Haze. Inalis ko na rin muna ang sapatos nito at naupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang noo nito at hindi pa rin bumababa ang lagnat niya. Hahawakan ko sana ang ulo nito para ayusing ang unan niya ay agad na bumukas ang pinto.
"Ang bilis niyo naman yata 'nay Lour--" Hindi ko natuloy ang sasabihin nang makita si Megan.
Lumapit siya kay Haze at hinawakan ang noo nito.
"He's sick!" Nag-aalala niyang sambit.
Napatingin siya sa 'kin kaya agad kong sinabi kung anong nangyari sa hospital. About kay Loraine hanggang sa malaman kong nilalagnat siya at inihatid ito dito sa bahay nila.
"Thank you, Niah. Pero makakaalis ka na. Nandito na ako kaya ako na ang bahala kay Haze," direktang wika nito sa 'kin.
"Pero..."
"Niah, sige na, kaya kong alagaan ang boyfriend ko. Please, umalis ka na." Inalis niya ang pagkakatingin sa 'kin at binaling ang atensyon sa pag-aayos sa unan ni Haze.
"S-Sige, aalis na ako." Gustuhin ko mang ako ang mag-alaga kay Haze pero 'di ko 'yon maaring gawin... wala akong karapatan para gawin 'yon.
Akmang tatayo na ako para lumabas nang may humawak sa kamay ko para pigilan ako. Tinignan ko ang kamay ni Haze na nakahawak sa kamay ko.
"N-Niah, dito k-ka lang. 'Wag mo akong iiwan."
Inalis naman agad ni Megan ang kamay ni Haze. "Love, nandito na ako. Ako na ang mag-aalaga sa 'yo."
"But-- I want Niah to take care of me," an'ya na nakapikit pa rin ang mata.
Bumaling sa 'kin si Megan.
"What? Ano pang ginagawa mo rito? I said, go! Leave us alone!" Sigaw niya.
"I'm sorry." Ani ko bago tuluyang iwan silang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro