CHAPTER 16
Xianniah Astrid Fajardo
"Niah, ikaw na lang maghatid nito sa room #51." Napalingon ako sa isang nurse na kasalukuyang hawak ang tray na may lamang gamot.
"Wala pa si Haze?" I asked. Ang alam ko kasi siya na ang magche-check kay Loraine, eh.
"Wala pa raw siya, eh. Before lunch pa raw ang duty niya sabi ni Doc Leo," usal niya.
Tumango na lamang ako sa kaniya at lumapit sa kinaroroonan niya para kunin ang hawak niyang tray. Ako na ang maghahatid nito kay Loraine. Gusto ko rin kasing makita siya, kamustahin at makipag-k'wentuhan kahit saglit lang.
"Thanks, Niah."
Ngumiti ako sa kaniya at nagsimula nang maglakad papunta sa room ni Loraine. Baka may pasok pa ngayon si Haze at mamaya pa ang uwi nito. Dibale, 'di man siya ang maghatid ng gamot ni Loraine, for sure bibisitahin rin lang naman niya ito mamaya.
Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob. Nadatnan ko ang Mommy ni Loraine sa tabi niya at mukhang nag-uusap sila ng masinsinan.
"Good Morning po. Good Morning, Loraine." Bati ko para maagaw ko ang atensyon nila.
Lumingon naman silang dalawa sa 'kin at agad ko naman silang nginitian. Napansin ko na kagagaling lang sa pag-iyak ang Mommy ni Loraine dahil pinupunasan pa nito ang mata niya gamit ang panyong hawak niya. Hindi nito maitatago ang maga niyang mata.
Humakbang ako papunta sa kanila. "Okay lang po kayo, Tita?"
Sa malapitan ay nakita ko ang dalawang mata nitong namumugto marahil ay dahil sa sobrang pag-iyak. Hindi siya umimik sa 'kin bagkus ay tumango lang ito at nginitian ako ng pilit.
"L-Labas lang a-ako," an'ya.
Hindi ko na lang sila kinulit pa dahil ayoko namang usisahin sila. Sana lang ay maging okay sila kung ano man ang dahilan ng pag-iyak nila.
Binaling ko ang atensyon ko kay Loraine na nakaupo sa kama niya habang nakangiti ito ng sobrang lawak. Nakakahawa ang ngiti niya kaya gumuhit na rin ang ngiti sa labi ko tsaka dahan-dahang nilapag ang medical tray sa paanan niya.
"Kumusta ka, Loraine?" Tanong ko habang inaayos ang gamot na ipapa-inom ko sa kaniya.
"O-Okay lang n-naman po ako, Ate b-bait," utal niyang sagot.
Napalingon ako sa kaniya. Napansin ko na namumutla siya at maging ang labi nito ay namumuti na din. Alam kong ganoon talaga kapag may sakit na leukemia pero kinabahan pa rin ako dahil ramdam kong hindi siya okay. Parang hindi ito ang batang nakilala kong malakas at bibo. Matamlay na Loraine ang kaharap ko ngayon.
"Are you sure? Tell me, saan banda ang masakit?" Paninigurado ko.
"I'm okay, Ate. I'm j-just tired.." She paused. "I'm tired, Ate. Pagod na pagod na po ako," dagdag niya pa na nagbigay ng kirot sa 'kin.
Naupo ako sa gilid ng kama niya at tinignan ito ng maigi. Lumulubog na ang mata niya at nangingitim na rin ang gilid nito. Bakas sa katawan niya na nanghihina na siya. Naaawa ako na makita siya sa ganoong sitwasyon pero 'di ko pinahalata. Bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti para palakasin ang loob niya.
"Then, take a rest and--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya agad.
"Can I rest forever?" Nangungusap ang dalawang mata niya na tila sinasabing pagod na pagod na nga siya at gusto na lang sumuko.
Nangilid ang luha sa mata ko matapos niyang banggitin 'yon. Ramdam kong napanghihinaan na siya ng loob.
"Loraine, I thought you're a strong kid? Hindi ba ang sabi mo, mananalo ka sa laban na 'to? Sakit lang 'yan, matapang ka!" Pagpapalakas ng loob ko sa kaniya.
Ngiting pilit lang pinukol niya sa 'kin. "Susubukan ko pang lumaban, Ate. Susubukan ko hangga't kaya ko."
"Iyan ang Loraine na kilala ko. Matapang at 'di nagpapatalo sa sakit niya. But for now, take your medicine."
Iniabot ko sa kaniya ang gamot at tubig na agad niya namang ininom. Mahinang tinap ko ang ulo niya para ipahiwatig na she's a good girl.
"Ate, where's Kuya pogi?" She asked.
Nang akmang hihiga na siya ay agad kong inalalayan ang likod niya upang makahiga ito ng maayos. Inayos ko rin ang laylayan ng pajama niya upang hindi malamigan ang tuhod niya.
"May pasok pa raw ang Kuya pogi mo at mamaya pa ang diretso niya dito sa hospital," wika ko na kasalukuyang inaayos na ang gamot at nilagay ito pabalik sa tray.
"Sayang naman po dahil baka hindi na niya ako maabutan," aniya na agad kong nilingon.
"A-Anong ibig mong sabihin? Bakit? May pupuntahan ka ba? Hindi ba't nagpapalakas ka pa kaya't 'di ka pa p'wedeng umuwi?" Sunod-sunod na tanong ko.
Napangiwi naman ito at tinignan ako ng seryoso.
"Ate bait, p'wede bang mangako ka sa 'kin?" Tanong niya na dahilan para makaramdam ako ng kaba.
"Ano 'yon, Loraine?"
"P'wede po bang pakialagaan si Kuya pogi? Tulad po ng pag-aalaga niyo sa akin. And promise me Ate na... " Huminto muna ito at huminga ng malalim bago nagsalitang muli. "Huwag niyo po siyang iiwan," dagdag niya.
Bakit ba niya sinasabi ito
"S-Sabi niyo n-nga p-po, ma-matagal na k-kayong magkakilala ni k-kuya, sana p-po magtagal p-pa po k-kayo." Hirap na hirap na siyang magsalita pero pinipilit niya pa rin.
Tinanguan ko siya at nginitian. "Hindi ako mangangako, Loraine. No'ng huling pangako ko kasi, napako. Kaya ngayon, hindi ako mangangako bagkus gagawin ko talaga. Hinding hindi ko na ulit iiwan si Haze. Dapat ikaw rin, 'wag mong iiwan ang Kuya mo. Magpagaling ka at maglalaro pa kayo. I mean, tayo. Hindi ba't gusto mo rin akong makalaro?"
Gumuhit ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. "Opo, maglalaro pa po tayo."
Matapos ng pag-uusap namin ay sinabihan ko na siyang magpahinga na muna para may lakas siyang makipag-k'wentuhan kay Haze mamaya. Agad naman niya akong sinunod at pinikit na ang mata nito.
Hinalikan ko ang noo nito. "Be strong, Loraine."
Kinuha ko na ang tray at agad na naglakad palabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay nadatnan ko ang Mommy ni Loraine na umiiyak pa rin hanggang ngayon. Nang makita ako ay agad niyang pinunasan ang luha niya at nginitian niya ako bago pinihit ang doorknob para pumasok na ulit sa loob.
Gustuhin ko mang tanungin kung ayos lang ba sila ay 'di ko magawa dahil baka problema pamilya 'yon at wala ako sa posisyon para mangialam. Ipagdadasal ko nalang na kung ano man ang problema nila ay bigyan sila ng lakas para malagpasan ito at maging maayos ang lahat.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa napahinto ako sa tapat ng office ni Tito Leo dahil saktong bumukas ang pinto nito. Lumabas si Tito Leo mula rito.
"Oh, Niah? Tapos ka na ba mag-monitor?" Tanong nito habang inaayos ang uniform niya na mukhang kakasuot lang niya.
"Yes, doc. Katatapos ko lang po i-check at bigyan ng gamot ang pasyente sa room #51."
"That's good. Then, mag lunch break ka na muna after mo ibalik 'yan," turo niya sa medical tray na hawak ko.
Tumango naman ako kay Tito dahil 'yon naman talaga ang balak ko. Ibabalik ko lang 'to tsaka diretso na ako sa canteen para kumain.
"Sige po, doc."
Akmang maglalakad na ako nang magsalita ito muli.
"Niah, sabay na kayong mag-lunch ni Haze," aniya na ikinagulat ko.
Binuksan ni Tito Leo ang pinto ng office niya at may tinawag siya sa loob. Maya-maya pa'y lumabas na rin si Haze sa office ng Dad niya.
"Haze, sumabay ka na kay Niah. Hindi na kita masasabayan kumain dahil tapos na ako kanina pa at nagmamadali ako ngayon dahil may schedule na operation mamayang alas dose."
"I have to go," saad ni Tito pagkatapos tignan ang wristwatch niya. Hindi na hinintay ni Tito ang sasabihin ni Haze dahil dali-dali na niya kaming tinalikuran.
Hindi ako makaimik nang tignan niya ako sa mata. Naiilang ako ngayon. Gustuhin ko mang ihakbang ang mga paa ko ay 'di ko magawa dahil parang napako ako sa kinaroonan ko.
"Let's go," tipid niyang saad tsaka nagsimulang maglakad.
Agad din naman akong sumunod sa kaniya. Matapos kong ibalik ang medical tray na hawak ko kanina ay nagpaalam ako kay Haze na may kukunin lang ako saglit sa nurse's office. Kukunin ko 'yung binigay ni Steven na pagkain na siya mismo ulit ang nagluto. Simula noong malaman nila Mom at Dad na pinagluluto ako ni Steven, hindi na nila ako binabaunan ng pagkain ko for lunch. Hangang hanga rin sila kay Steven dahil maliban sa hatid-sundo ako nito ay pinagluluto rin niya ako. Sobrang effort raw ang ginagawa niya na syempre, sobrang appreciated ko din.
Nang matapos kong kunin ang paper bag kung saan nakalagay ang niluto ni Steven ay binuksan ko na ang pinto upang makalabas na. Pagkabukas ko ay nakita ko si Haze sa gilid lang ng pinto na nakasandal habang nakapamulsa at nakapikit ang mata. Hindi muna ako tumuloy na lumabas para matitigan ko siya kahit ilang minuto lang. Naka-school uniform pa rin ito hanggang ngayon. Siguro ay kararating niya lang kanina at dumiretso agad sa office ng Daddy niya. Bagay na bagay ang uniform nito na may hawig sa uniform ng totoong nurse. Mas lalo siyang guma-gwapo sa puting uniform na suot niya. Napakalinis niyang tignan. Paano nalang kung suot na niya ang uniform na mismo ng isang ganap na doctor kagaya ng Dad niya. Isa ring cardiologist si Tito Leo at mukhang susunod na sa yapak nito ang kaniyang nag-iisang anak na si Haze
Nasobrahan yata ako sa pagkakatitig sa kaniya kaya't napatingin siya sa gawi ko. Iniwas ko agad ang tingin ko at lumapit na sa kaniya.
"Tara?" Tanong ko nang nasa tapat na niya ako.
Tanging pagtango lang ang sinagot niya at sabay na kaming naglakad papunta sa canteen. Panay tingin naman ng mga nakakasalubong namin sa daan lalo na ang mga kapwa kong nurse. Hindi nila maiwasang tumingin kay Haze. Kung ako rin naman sila ay maaagawa talaga ni Haze ang atensyon ko dahil sa taglay nitong kagwapuhan.
Nang makarating kami sa canteen ay nakahanap kami agad ng bakanteng lamesa at upuan. Malapit na rin matapos ang ibang nurses kaya hindi ganoon karaming tao sa loob ng canteen. Naupo na ako pero si Haze ay nanatiling nakatayo pa rin. Tumingala ako sa kaniya at saktong nakatingin naman siya sa 'kin.
"Anong gusto mong pagkain? Ako na ang mag-order," wika niya.
"Hindi na, Haze. Ayos na ako rito sa bigay ni Steven. Hindi ko rin naman mauubos kung mag-oorder pa ako," saad ko tsaka ko inilabas sa paper bag na dala ko ang lunchbox na pinaglagyan ni Steven.
Ewan ko ba, yayamanin si Steven sa lunchbox dahil hindi ko naman isinasauli ang lunchbox na binibigay niya. Tuwang-tuwa nga si Mommy dahil nadadagdagan ang lunchbox sa kusina. Ang gaganda pa naman ng bawat bigay niyang lunchbox.
"Pinagluto ka niya?" Tanong niya ulit.
"Oo," tipid ko namang sagot.
Kumunot ang noo niya at ibinaling ang tingin niya sa 'kin matapos tingnan ang nilabas kong lunchbox.
"Mag-order lang ako ng pagkain ko. Hintayin mo ako at 'wag na 'wag mo munang kakainin 'yan," seryosong saad niya tsaka niya ako tinalikuran at pumunta na siya sa harap para pumila.
Hindi naman ganoon kahaba ang pila para matagalan si Haze. Sampung minuto lang ang lumipas ay nasa harap ko na siya hawak ang tray kung saan nakalagay ang pagkaing inorder niya. Isa-isa niyang inilapag sa lamesa ang dalawang ulam na inorder niya. Chicken adobo at chop suey and 2 cups of rice.
Binuksan ko na rin ang dalawang lunchbox na nasa harap ko ngayon. Sa isang lunchbox ay nakalagay ang kanin at sa sa isa naman ay ang favorite ko na chicken adobo. Kinuha ko na ang kutsara't tinidor ko at akmang kakain na ako nang biglang pinigilan ni Haze ang kamay ko. Nagulat ako sa inasta niya dahil kinuha niya ang pagkain ko at ipinalit sa pagkaing inorder niya. Nasa harap ko na ngayon ang dalawang mangkok kung saan nakalagay ang chicken adobo at chop suey. Hindi pa siya nakuntento ay maging ang kanin ay pinalit niya rin.
"H-Haze? Anong ginagawa mo?" Taka kong tanong.
"Pinagpalit ko. Isn't obvious?" Pilosopo niyang sagot.
"Alam ko pero bakit?" Tanong ko ulit.
Nasa harap na niya ang pagkaing niluto ni Steven na para dapat sa 'kin at nasa harap ko na rin ang pagkaing inorder niya.
"Gusto ko ng adobo," walang emosyon niyang sagot.
Ha? Gusto niya ng adobo? Eh, adobo rin naman ang ulam na inorder niya.
"Eh adobo rin naman ito, oh." Turo ko sa pagkaing nasa harap ko. Tinapunan lang niya ito ng tingin.
"Huwag ka na maraming tanong. Kumain na lang tayo," saad niya tsaka nagsimula na itong kumain.
Wala na rin naman akong magawa kung 'di kumain nalang rin. Nakakadalawang subo palang siya ay nagsalita itong muli.
"Ano ba naman 'tong luto ng manliligaw mong hilaw, ang alat! Nasobrahan sa pagkalagay ng toyo. Magkakabato ka sa ginagawa niya, eh. Marunong ba talaga 'yon magluto?" Reklamo niya.
Nagulat ako sa reklamo niya dahil masarap magluto si Steven. Tama lang ang pagtimpla niya sa pagkaing niluluto niya. Nakakailang cup of rice nga ako sa tuwing nagluluto siya ng chicken adobo dahil sobrang sarap kaya imposibleng maalat ang niluto niya ngayon.
Kinuha ko ang isang kutsarang hindi pa gamit at akmang titikman ang luto ni Steven nang biglang pinalo ni Haze ang kamay ko at agad inilayo ang ang adobong luto ni Steven.
"Pagkaing nasa harap mo ang kainin mo. Huwag ito," seryosong wika niya.
Ano bang trip niya? Eh, akin nga dapat 'yon eh kung 'di niya lang pinalit. Tsaka titikman ko lang naman ang luto ni Steven kung totoong maalat nga ito. Bakit ayaw niyang ipatikim sa 'kin?!
Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon ulit ang atensyon sa pagkaing nasa harap ko. Malapit ko na maubos ito at napansin kong hindi na kumakain si Haze kaya tinignan ko ang pagkaing nasa harap niya. Konti nalang rin naman ang natira sa pagkain niya. Kinuha ko na ang tumbler na bigay rin ni Steven sa 'kin. Bago ko buksan ito at inumin, binasa ko muna ang sticky note rito.
"Stay hydrated, Mi Amore!"
Kusang napangiti naman ako pero nawala rin 'yon agad dahil hinablot na naman ni Haze ito. Tumayo ako agad para bawiin 'yon pero pinilit niya pa ring ilayo ito sa 'kin dahilan para 'di ko maabot.
"Haze!" Inis kong banggit sa pangalan niya.
Binasa niya ang sticky note na nakalagay doon. Nagsalubong na naman ang dalawang makapal niyang kilay.
"Ang corny naman," nandidiri niyang saad.
Anong corny doon? Ang sweet nga, eh! Inayos niya ang pagkakaupo niya at akala ko ay ibabalik niya na sa 'kin ang tumbler ko pero nagkamali ako bagkus, kinuha niya sa bag niya ang bottled water niya at walang sabi-sabing inihagis ito sa 'kin. Buti nalang at nasalo ko 'yon.
"Iyan ang inumin mo," turo niya sa bottled water niya na hawak ko na ngayon.
Pero-- bigay 'yon ni Steven, eh! Hindi ko na nga nakain ang pagkaing niluto niya ay kinuha pa niya ang tubig na bigay rin ni Steven. Wala naman ako ulit magawa kung 'di inumin nalang ang bigay niyang bottled water at siya naman ang uminom sa tumbler ko.
Niligpit ko na ang lunchbox na kinainan ni Haze at ibinalik na ito sa paper bag. Patayo na kaming dalawa nang biglang may huminto sa tapat namin. Hingal na hingal si Jhyne na nasa harap namin ngayon ni Haze. Tila tinakbo niya mula sa loob ng hospital papunta rito sa canteen.
"Haze, N-Niah..." She paused. Hinawakan niya ang dibdib niya dahil hirap siyang magsalita. Pinakalma niya muna ang sarili niya bago tinuloy ang sasabihin.
"Haze at Niah, s-si L-Loraine!" Nag-aalala at hindi ito mapakali nitong saad.
Agad nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang pangalan ni Loraine. Bakas sa boses nito na may hindi magandang nangyari kay Loraine.
"Anong nangyari kay Loraine?!"
Hindi na hinintay ni Haze ang sasabihin ni Jhyne dahil agad na itong tumayo at dali-daling tumakbo papunta loob.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro