CHAPTER 15
Xianniah Astrid Fajardo
"Pinagluto mo ulit ako?" tanong ko nang iniabot niya sa 'kin ang paper bag..
Sinilip ko 'yon at tama nga ako, lunchbox ulit ang nasa loob nito.
"Yeah," tipid niyang sagot sabay ngiti sa 'kin. "I'm willing to wake up early just to cook foods for you," he added.
"Hindi mo naman sinabing Chef ka na rin ngayon, Attorney," pang-bibiro ko.
"I'm an Attorney in a way that I'm willing to fight for you and of course, I can also be your Chef that will cook any foods that you want. But unfortunately, it's not free. You will pay."
"Still a business, huh? How much is it?"
"It's priceless. Its your love." Ngumiti siya dahilan para makita ko ang dalawang malalalim niyang dimples. 'Di ko na din napigilan ang ngumiti pabalik dahil aaminin ko, kinilig ako.
"You're blushing, Niah." Sita niya kaya agad akong napatakip ng pisngi at tinalikuran siya.
"No, I'm not!" Pagtanggi ko kahit na alam kong nag-iinit nga ang dalawang pisngi ko.
Rinig ko ang mahinang pagtawa niya. "You're so cute. I'm being marupok again."
Ano ba, Steven! Paano ko mapapakalma ang pisngi ko kung 'di mo titigilan ang pagpapakilig sa 'kin?!
"Sige na, bababa na ako," saad ko na hindi pa rin lumilingon sa kaniya.
"Look at me first," he said.
"Steven..." Nahihiyang sambit ko.
Hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko sa labas ng sasakyan. Wala akong balak lingunin siya dahil nahihiya talaga ako. Hanggang ngayon kasi, ramdam kong namumula pa rin ang dalawang pisngi ko.
Pero maya-maya pa'y naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko at dahan-dahang iniharap ako nito sa kaniya. The smile was plastered on his face.
"Be comfortable when you are with me, okay? Ako lang 'to..." He paused. "A man that will love you unconditionally."
Pagkasambit niyang 'yon ay unti-unti nitong nilapit ang mukha niya sa 'kin. Nanatili lang naman ako sa pwesto ko habang hawak niya pa rin ang magkabilaang balikat ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang ilang inches nalang ang pagitan ng mga mukha namin kaya napapikit nalang ako. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
"You can open now your eyes, Niah."
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nakakahiya! Ba't ba kasi may papikit pa ako? Akala mo naman hahalikan sa labi, eh. Ano na lang kaya sasabihin niya? Niah naman... Nakakahiya talaga!
"Forehead kiss is a sign of my respect towards you and I wouldn't do anything to hurt you. My respect for you is more than you can imagine." Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko. He's such a real man, indeed.
Nagpaalam at nagpasalamat na ako sa kaniya bago lumabas sa sasakyan. Hinintay ko muna siyang makaalis bago tuluyang pumasok sa loob. Gaya ng dati, nagbihis muna ako ng uniform sa restroom at nag-ayos ng sarili. Nagmonitor at nagdala ako ng gamot para sa pasiyenteng naroon.
"How about the room #51?" Tanong ko kay Jhyne, isa ring nurse.
Katatapos ko lang i-check ang pasiyenteng nasa room #103 at susunod kong i-momonitor ay ang room #52 at dahil doon, naalala ko si Loraine na katabing room lang nito.
"I don't know pero sa pagkakaalam ko, may nagdala na ng gamot at nagmonitor na sa kaniya. But if you want to see her, you can check her," ngumiti lang ito sa 'kin tsaka ipinagpatuloy ang paglagay niya ng gamot sa tray na hawak ko.
"Sige, I'll go now to her room to check her first bago ko ihatid 'to sa room #52." Tumingin siya sa 'kin tsaka tumango.
"Thank you," ani ko tsaka na naglakad na papunta sa room #51, ang room ni Loraine.
I knocked three times bago ko pinihit ang doorknob. Binuksan ko ang pinto na tama lang para masilip ko muna kung may tao ba sa loob. Nakita ko si Loraine na nakangiti habang kausap ang isang lalaking nakasuot ng uniform na gaya sa 'kin. Marahil ay isa rin siyang nurse dito sa hospital na 'to. Nakaupo ito sa tabi ng kama ni Loraine at nakatalikod sa 'kin dahilan para hindi ko makita ang kaniyang mukha. Sila lang ang nasa loob ng kwarto kaya nanatili muna akong nakasilip lang sa kanila habang nag-uusap.
"Kuya pogi, thank you for this ha?" Kinuha ni Loraine ang dollhouse at ipinakita sa kausap niya. Mukhang ang lalaking nasa tabi niya ang tinutukoy na Kuya pogi ni Loraine.
"You're always welcome." Mahinang tinap nito ang ulo ng bata. "Masaya ako dahil nagustuhan mo. Pumunta talaga ako sa mall kanina bago pumunta dito para bilhan ka ng laruan. May atraso ako sa 'yo, eh. Tatlong araw kitang hindi nadalaw. Sorry Loraine ha? Nagreview kasi ang Kuya pogi mo at kakatapos lang ng examination namin kahapon pero hayaan mo babawi ako. Ako na ulit magche-check sa 'yo," wika ng lalaki.
Siya si K-Kuya pogi?
"It's okay, Kuya pogi. Mabait naman 'yong nurse na nagche-check sa 'kin, eh. Lalo na po 'yung nurse na nagcheck sa 'kin kahapon. Alam mo po, ang ganda na nga niya tapos ang bait pa. Gusto ko po na makilala niyo si Ate bait," ganadong k'wento ni Loraine.
"Ate bait? Who is she? May tawag ka na sa kaniya ha. Hmm... mukhang mabait nga siya. I want to meet your Ate bait," an'ya.
Napalunok ako dahil sa sinabi nito.
"You know what Kuya pogi, bagay po kayo," wika ni Loraine dahilan kung bakit nadulas ang kamay ko sa pagkakahawak sa doorknob dahil sa taranta. Muntikan ko pang mahulog ang tray na hawak ko buti nalang nahawakan ko din agad ng maayos.
Napaawang ng bahagya ang pinto at dahil doon, naagaw ko ang atensyon nila. Napukol ang paningin nilang dalawa sa akin na kasalukuyang nakatayo sa tabi ng pinto na nakabukas.
"Ahh... Eh... S-Sorry," utal kong saad. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko lalo pa't seryosong nakatitig sa akin si Haze.
"Hi, Ate bait!" Bati ni Loraine sabay kaway sa 'kin.
"H-Hello, L-Loraine," pagbati ko pabalik.
Napako ako sa kinaroroonan ko ngayon. Nanatili akong nakatayo at hindi alam kung anong gagawin.
"She's your Ate bait?" Gulat na tanong ni Haze.
Loraine nodded at him. "Yes, Kuya pogi."
"Ate bait," tawag niya sa 'kin at sinenyasan na lumapit ako sa kaniya.
Naglakad ako patungo sa tabi ng kama niya. Nasa left side akong nakatayo samantalang si Haze ay nasa right side na nakaupo.
"I was about to check you Loraine pero nadatnan ko si Haze sa loob ng kwarto mo at mukhang nacheck ka na niya."
"Yes, Ate bait. Si Kuya pogi po nagmonitor sa 'kin today. By the way ate, meet my Kuya pogi," nakangiti itong tinuro si Haze.
Nilingon ko si Haze at walang reaksyon ang mukha niyang tumingin sa 'kin. Kanina ko pa nalaman na siya ang tinutukoy ni Loraine habang nag-uusap sila. Dahil sa boses nito ay nakilala ko siya agad.
"Magkakilala na kami, Loraine." Bumaling ang paningin niya kay Loraine.
"T-Talaga po?" 'Di makapaniwala niyang tanong.
Tumango ako para sumang-ayon kay Haze.
"Then, that's good po. Hindi na po kayo mahihirapang kilalanin ang isa't-isa," nakangiti pa rin itong saad niya. "Bagay po talaga kayong dalawa," dagdag pa niya.
Nailang ako sa sinabi niya at maging siya ay ramdam kong nailang rin.
"Loraine, may girlfriend na ang Kuya pogi mo," saad ko.
"And your Ate bait have already a suitor," sabay tingin nito sa 'kin na agad kong iniwasan.
Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Nang sabihin ni Steven na pumayag akong ligawan niya ako ay ang siya namang pag-alis bigla ni Haze. Hindi ko alam kung anong rason niya. Hinabol naman siya agad ni Megan so, I guess nagkatampuhan silang dalawa at labas na ako roon.
"Sayang naman po," nakabusangot na wika ni Loraine.
"It's okay, Loraine. Don't be sad because if we are really meant for each other..." Huminto siya sa pagsasalita at seryosong tumitig sa 'king mata. Hinintay ko rin ang susunod niya pang sasabihin. "She will be with me and I'll be with her someday," he added.
Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa sinabi niya kaya yumuko nalang ako bigla tsaka bumuntong-hininga at binaling ang tingin kay Loraine.
"Magpapaalam na ako, Loraine. May kailangan pa kasi akong i-check na patient sa kabilang room."
Nakangiting tumango naman ito. Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik at maging si Haze ay nginitian ko rin bago tuluyang lumabas ng kwartong 'yon. Pagkalabas ko ay bumuntong hininga ulit ako. Paulit-ulit sa 'king isipan ang katagang binitawan niya kanina.
"It's okay, Loraine. Don't be sad because if we are really meant for each other... She will be with me and I'll be with her someday."
Anong ibig niyang sabihin? Bakit niya 'yon sinabi? Dahil doon, mas lalo na naman akong naguluhan. Mas nadagdagan na naman ako ng rason para umasa na magkaka-ayos pa kami.
Pinakalma ko muna ang aking sarili bago nagsimulang maglakad papunta sa kabilang room. Isang matandang lalaki ang nakaadmit doon. I just checked his temperature and gave his medicine before leaving the room.
Hindi ko pa rin maiwasan na isipin ang sinabi ni Haze kanina. Hanggang ngayon, 'di ko pa rin maintindihan kung anong ibig sabihin niya. Pimilit ko nalang na ituon ang atensyon ko sa pag-check at pagdala ng gamot sa iba pang pasiyente.
Mabilis lang naman lumipas ang oras hanggang sa mag alas tres na ng hapon. Dumating na ang oras ng out ko sa trabaho. Binalik ko lang saglit ang dala kong medical tray tsaka nagdiretso sa nurse's office para kunin ang bag ko at para makapagpalit na rin. Nadatnan ko si Jhyne sa loob at mukhang inaayos na rin ang bag niya para makauwi na.
"Niah, nandiyan ka na pala." Tumigil siya sa pagsasalita at nagtungo sa cabinet. May kinuha siya roon tsaka naglakad papunta sa 'kin at iniabot ang hawak niyang isang pirasong pulang rosas.
"R-Rosas? B-Bakit?" Naguguluhan kong tanong matapos kong tanggapin 'yon.
"Tangeks, syempre hindi sa 'kin galing 'yan. May nag-abot lang sa 'kin kaninang lumabas ako dahil may binili ako. Alam mo ba, sobrang gwapo no'ng lalaking nagbigay niyan. Makalaglag panty, girl! Ni hindi ko nga narinig 'yung iba pa niyang sinabi dahil nakatitig lang ako sa mukha nito," pagk'wento niya.
Tinignan ko ang rosas na binigay niya. May isang maliit na sticky note ang nakadikit rito. Tinignan ko kung anong nakasulat at kusang gumuhit ang ngiti sa 'king nang mabasa ang nakalagay roon.
"You are more than enough :)"
Bumalik lang ako sa ulirat ko nang sundutin ako sa tagiliran ni Jhyne. "Ayiee, sino 'yan ha?"
Tiningnan at binasa ko ulit ang sticky note na nakadikit. Walang pangalan ang nakalagay.
"Walang nakalagay kung kanino galing, eh."
Tinignan ko ang likod ng sticky note at umaasang baka doon nakasulat kung kanino galing pero wala pa rin, blangko lang ang nasa likod.
"Sayang naman kung 'di mo makikilala nagbigay niyan. Sobrang gwapo pa naman no'ng lalaki," rinig ko ang mahinang pagtili niya. "Ang sweet niya, 'no?"
I smiled and nodded at her. Yes, he's so sweet.
Nilagay ko ang rosas sa loob ng aking bag at nagtungo na agad sa restroom para makapagpalit ng damit. Nakareceive ako na rin ako ng text message galing kay Steven na naghihintay na raw siya sa labas. Napakaaga niya talaga akong sunduin. Naglalakad na ako palabas nang tawagin ako ni manong guard.
"Ma'am Niah," habol niya sa 'kin.
Agad ko siyang nilingon. Katulad ni Jhyne kanina ay may dala rin siyang isang pirasong rosas. Iniabot niya sa 'kin 'yon at agad ko namang tinanggap.
"May nagpapabigay po," pagkasabi niya ay agad na rin ako nitong tinalikuran. Itatanong ko pa sana kung kanino galing. Pumunta muna ako sa gilid at tumigil roon para tignan ang nakasulat sa sticky note.
"Always remember that you're worth it."
Napangiti ako ng palihim. Wala pa ring nakalagay na pangalan kung kanino galing pero hindi na 'yon kailangan dahil kahit hindi siya magpakilala, alam ko na kung sino siya. Kinuha ko ang binigay kanina na rose ni Jhyne sa bag ko at hinawakan nalang ang dalawang rosas habang papalabas ng hospital.
Pagkalabas ko ay natanaw ko agad ang kotse niya. Dali-dali akong naglakad papunta sa direksyon niya. Nang malapit na ako ay nakita ko siyang bumaba na rin mula sa sasakyan at sinalubong ako ng yakap.
"Hi, Niah. How's your day?"
"Just a normal day," tipid kong sagot.
Nginitian niya ako at natuon ang paningin niya sa hawak kong dalawang rosas.
"Buti naman tinanggap mo," nahihiya niyang saad.
Sabi ko na nga ba, tama ako. Kay Steven galing. Magsasalita pa sana ako para magpasalamat at sabihing sobrang na-appreciate ko ay 'di ko na natuloy dahil may iniabot rin siyang isa pang pirasong pulang rosas.
"You are worth the wait."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro