Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14


Xianniah Astrid Fajardo

Nitong nakaraang araw, hindi ko talaga maintindihan si Haze. Araw-araw niya akong inaabangan sa labas ng bahay para ihatid na lagi ko namang tinatanggihan dahil kay Steven ako sumasabay. I feel bad for Haze. Alam kong sa tuwing tinatanggihan ko siya, bakas sa mukha nito ang pagkadismaya at lungkot. Wala naman akong magagawa dahil hindi ba, ito ang gusto niya? I'm trying my best na iwasan siya kahit minsan nahihirapan na rin ako. Gustong gusto kong sumabay sa kaniya pero mali, eh. Maling lapitan ko pa siya dahil magiging komplikado lang ang sitwasyon. Ito ang tamang paraan para sa ikabubuti naming dalawa.

"Ihahatid ka ba ulit ni Steven, Niah?" Tanong ni Dad nang matapos na kaming makapag-almusal.

"Opo, Dad."

Tumango lang sila tsaka tuluyan nang tumayo at nagdiretso sa living room kung sa'n naroon na rin si Kuya Xiander. Sumunod na rin ako ro'n upang kunin ang bag kong inilapag ko kanina sa sofa.

"Araw-araw na hatid sundo ka niya, hindi ba nanliligaw 'yon sa 'yo?" Napalingon ako kay Kuya na seryosong nakatingin naman sa 'kin.

Ramdam kong nag-init ang magkabilaang pisngi ko. "K-Kuya naman! Anong klaseng t-tanong 'yan? Hindi nanliligaw si Steven, 'no! He's just a friend."

"Friend? I don't think so. The way he look at you, 'di tingin 'yon ng isang kaibigan lang. Lalaki rin ako Niah kaya ramdam kong may gusto 'yon sa 'yo. Hindi ko alam kung manhid ka ba para 'di mapansin o sadyang ramdam mo rin pero isinasawalang bahala mo lang," saad ni Kuya na diretso na ang ang tingin sa tv ngayon.

"D-Dad, oh! Si Kuya kung anu-ano ang sinasabi," pagsusumbong ko kay Dad na katabi ni Kuya ngayon.

"Paano nga kung may gusto talaga sa 'yo si Steven, 'nak?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil I didn't expect na pati si Dad ay tatanungin 'yon.

"Dad!" Pikon kong saad.

Nagtinginan sila Dad at Kuya Xiander sabay tumawa ng mahina. Sakto namang kalalabas ni Mom sa dining area kaya agad akong lumapit sa kaniya at niyakap ito.

"Mom, pinagkakaisahan ako ni Dad at Kuya," pagsusumbong ko.

"We're just asking lang naman what if may gusto sa kaniya si Steven, Mom." Kuya Xiander explained.

Hinawakan ni Mom ang ulo ko at tinap ito tsaka hinaplos ang buhok ko.

"Ano naman kung may gusto nga talaga si Steven kay Niah? Steven is an ideal man. Nasaksihan ko rin kung paano 'yon lumaki and kung totoo man na may gusto ito kay Niah, then, we can assure na hindi masasaktan si Niah. Mabait at matinong bata si Steven and I like him for Niah," seryosong sambit ni Mom.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanila at tiningnan ito, "Mom, pati ba naman ikaw?"

"What? Walang mali sa sinabi ko. You're in a legal age na and if Steven confessed his feelings towards you, then, accept it and give him a chance to prove his love for you."

Matapos no'n, 'di na ako umimik pa. Inayos ko nalang ang gamit ko sa loob ng bag na dadalhin ko. Maya-maya pa'y, napagdesisyunan ko nang lumabas na dahil nagtext na si Steven na malapit na raw siya.

Pagkalabas ko ng gate, nakita ko na naman ang kotse ni Haze na nasa tapat pa rin ng bahay nila. Ganito lagi ang ganap simula noong matapos ang ilang ulit na pagtanggi ko sa kaniya na ihatid ako. Tuwing umaga ay nakapark ang kotse niya sa labas ng bahay nila at tsaka lang ito aalis kapag dumating na si Steven. Hindi ko alam kung ba't niya ito ginagawa. Naalis ang pagkakatitig ko sa kotse niya nang nasa tapat ko na ang sasakyan ni Steven. Nahagip naman ng paningin ko ang pagharurot ni Haze at tuluyan na itong nawala sa paningin ko.

Bumaba na si Steven mula sa kotse niya. "Sorry kung naghintay ka ng matagal, Niah."

Hala, hindi. Actually, kalalabas ko lang ng bahay," saad ko.

Iginaya niya ako papunta sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto. Napakagentleman talaga ni Steven kahit kailan. Dahan-dahan niyang sinara ang pinto at umikot na ito para makapasok na rin.

"Did you take your med already?" Tanong niya sabay paandar ng sasakyan.

"Yes, Attorney." I smiled at him.

"Good, 'cause if not, I'll be mad at you. I want you to take care of yourself," sumulyap siya sa 'kin saglit at binalik ang paningin sa kalsada. "I want you to be safe..." He paused. "Always," he added.

Sinulyapan ko siya at saktong tumingin rin ito sa 'kin. Nginitian ko siya at ngumiti rin ito pabalik. Naalala ko na naman ang sinabi ni Mom kanina sa bahay. Tama nga siya, Steven is an ideal man. Halos lahat ng magandang ugali ay mayroon siya. Sa mga panahon kasama ko siya, ramdam ko ang pag-aalaga niya sa 'kin bilang kaibigan niya.

"You know what, I'm so much blessed for having a friend like you," direktang saad ko sa kaniya dahilan para gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"Ang swerte ng babaeng mamahalin mo," dagdag ko pa.

"I'm also lucky to that girl I'm in love with," saad niya na dahilan para mapatakip ako ng bibig dahil sa gulat.

"You're in love? Who's that lucky girl? Kailan pa? Ba't hindi ko alam?" Sunod-sunod na tanong ko.

"I'm just admiring and secretly loving her," bakas sa tono nito ang lungkot.

May itatanong pa sana ako kaso inunahan niya akong magsalita. "Nevermind. Sige na, baka malate ka pa."

Tumingin ako sa labas ng bintana at tama nga siya, nandito na kami sa tapat ng hospital.

"Thank you, Steven!" I smiled.

"Oh, wait..." May kinuha siya sa passenger seat at iniabot sa 'kin ang isang paper bag.

"What's this?" Sinilip ko ang laman ng paper bag. I saw a two sky blue lunchbox.

"I cooked a menudo. I hope you will like it."

"Oo naman! Ang sarap mo kayang magluto."

Ngumiti naman ito, "Nang-uto ka pa. Call me later, okay?"

Tumango lang ako tsaka tuluyan nang lumabas. Pagkapasok ko ay nagbihis na ako agad. Gaya ng araw-araw na ginagawa ko, nag-monitor lang ako at nagdadala ng gamot sa mga pasiyenteng nasa bawat room. Iba ang sayang naibibigay sa 'kin sa tuwing nasisilayan ko ang ngiti ng mga taong lumalaban sa sakit nila.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa room number 51 para ihatid ang gamot. Nasa tapat na ako ng kwarto at kumatok ng isang beses bago pinihit ang door knob at tuluyang pumasok.

Tumambad sa 'kin ang nakangiting mukha ng isang batang babae na nakaupo sa kama. Kinuha niya ang bonet sa kaniyang kama at dahan-dahan nitong sinuot sa ulo niya na wala ng buhok. Tumingin ako sa kabuuan ng kwarto at wala akong ibang tao nakita doon. Mag-isa lang ba niya? Bumaling ako sa kaniya at nginitian siya bago naglakad papunta sa tabi niya. Inilapag ko sa cabinet ang dala kong tray na kung saan nakalagay ang gamot.

"Mag-isa mo lang?" I asked her.

Naiilang siyang tinanguan ako marahil ay ngayon niya lang ako nakita.

"I'm your ate Niah nga pala, bago lang ako rito kaya ngayon mo lang ako nakita,"pagpapakilala ko.

"Nasaan na po si kuya pogi?" Tanong niya na pinagtaka ko.

Kuya pogi? Sino ang tinutukoy niya?

"Sino si kuya pogi?"

"Iyong pogi at mabait na lalaki po na lagi akong dinadalhan ng gamot. Tatlong araw na rin po siyang hindi nagpapakita sa 'kin, eh. Ayaw na po ba niya akong makita?" Tanong nito at pansin ko ang pangingilid ng luha sa mata niya kaya nataranta ako dahil baka umiyak siya.

"N-No, for sure, gusto ka niyang makita. B-Baka busy lang si kuya pogi kaya hindi ka niya nadadalhan ng gamot. Hayaan mo kapag nakita ko siya, sasabihin kong puntahan ka niya agad rito," pagpapakalma ko sa kaniya.

"Talaga po? Salamat, Ate bait! Ang ganda-ganda mo na nga po, ang bait mo pa po. Bagay po kayo ni Kuya pogi," sabay bungisngis niya.

Hindi ko naiwasang mapangiti dahil napakacute niya. Halata sa batang ito na napakabibo niya na dahilan para lalo akong mabilib sa kaniya.

"For now, kailangan mo munang inumin 'tong dala kong gamot para mas lumakas ka pa." Kinuha ko ang gamot na nasa tray at tubig nito.

Hindi naman ako nahirapang pilitin na painumin siya. Nakangiti pa nga itong tiningnan ako matapos inumin ang gamot.

"You're a strong kid."

"Kuya pogi told me na kailangan kong maging strong dahil maglalaro pa raw kami sa playground," hindi naalis sa labi niya ang ngiti.

"I want to meet your Kuya pogi. Napakabait niya dahil pinapalakas niya ang loob mo," saad ko.

Nakita ko sa profile ng batang kaharap ko ngayon na may acute leukemia siya. Limang buwan na rin siya dito sa hospital at pilit na lumalaban. Nakakabilib lang dahil kahit may karamdaman siya at naglagas na rin ang buhok niya, nandito pa rin siya sa harap ko na nakangiti at hindi iniinda ang hirap.

"Ate bait, you're crying." Lumapit siya sa 'kin at pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. Hindi namalayan ang pagtulo ng luha ko.

"S-Sorry, 'di ko mapigilan. Nabibilib kasi ako sa 'yo, napakalakas mong bata. Despite of this cancer, nagagawa mo pa ring ngumiti."

"God gave me a strength to fight this cancer and I know, mananalo ako sa laban na 'to," confident niyang saad.

"Magpalakas ka ha? And keep praying," saad ko bago tumayo at inayos ang sarili.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto dahilan para mapalingon ako. Pumasok sa loob ang isang babae na may dalang groceries. Mukhang siya ang Ina ni Loraine, ang batang nasa harap ko ngayon.

Ngumiti ako sa kaniya, "Pinainom ko na po ng gamot si Loraine."

"Thank you," saad niya.

Tumango ako at kinuha ko na ang tray. Ngumiti muna ako kay Loraine bago siya tinalikuran. Pipihitin ko na sana ang pinto nang magsalit ulit siya.

"Ate bait, p'wede po bang kasama namin ikaw ni Kuya pogi na maglaro kapag magaling na ako?"

"Oo naman," sabay ngiti ko at tuluyan nang lumabas.

Ang sayang makitang may isang batang hindi nagpapatinag sa sakit niya. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya noong bata pa lamang ako. Kagaya niya, hindi rin ako nagpatalo sa sakit ko hanggang sa unti-unti akong gumaling. Just pray and trust Him. Nothing is impossible with God.

Nang mag alas tres na ay sinundo na ako ni Steven. Nasa byahe kami ay kin'wento ko sa kaniya ang tungkol kay Loraine.

"She's a strong kid, indeed!" Wika nito.

Malapit na kami sa bahay nang makareceive ako ng message mula kay Akisha.

"Niah, we have a dinner later. 7:00 PM sa resto niyo. See you!"

Magre-reply sana kaso hindi na natuloy dahil tumigil na ang sasakyan. Tiningnan ko ang labas ng bintana. Nasa bahay na pala kami.

"Thank you ulit, Steven."

"Anything for you, Niah."

Hinintay ko na makaalis ito bago pumasok na sa loob ng bahay. Habang naglalakad ay nagt-type rin ako ng irereply kay Akisha.

"Okay, see you later."

Inilapag ko ang bag ko sa sofa na nasa tapat ng kama ko. Tiningnan ko ang orasan at may tatlong oras pa ako bago mag 7 PM kaya I decided na matulog muna kahit isang oras lang. Nag-alarm nalang ako para sure na magigising ako.


Nagising ako bandang 5:40 PM at dali-dali na akong naligo at nagbihis. Nakatanggap rin ako ng text message galing kay Mom na hindi na raw sila uuwi at doon nalang ako sa resto hintayin para sa dinner.

I chose to wear a black sleeveless dress and black sandal. Inilugay ko ang buhok ko at naglagay na din ng light make-up bago tuluyang bumaba. Sinabihan ako na magpahatid na lang kay manong driver papunta sa resto. Nakarating kami exactly 7:00. Nagpasalamat na ako bago tuluyang bumaba mula sa sasakyan.

Habang naglalakad ay inilagay ko ang dala kong phone sa shoulder bag dahilan para hindi ko makita ang malaking bato sa dinadaanan ko.

"A-aray!" Daing ko sa sakit dahil natapilok ako. Hinawakan ko ang kaliwang paa ko at dahan-dahang ginalaw.

Pilitin ko mang galawin ay hindi ko magawa dahil namimilipit sa sakit. Aalisin ko na sana ang sandal ko nang may taong yumuko at umupo sa harap ko sabay hinawakan ang paa ko.

"Don't move," saad niya tsaka inalis ang sandal ko.

Hindi ko nakita ang mukha nito pero dahil sa boses niya, nakilala ko siya. Dahan-dahan niyang inikot at minasahe ang paa ko. Ilang saglit pa'y wala na akong naramdamang sakit. Isinuot niya muli ang sandal ko tsaka tumayo at humarap sa 'kin.

"Subukan mong ilakad kung okay na." Sinunod ko naman ang sinabi niya. Humakbang ako at nailakad ko naman na ito ng maayos.

"S-Salamat, Haze."

Tipid na ngiti lang ang tinugon niya at tinalikuran na ako. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa resto. Nabanggit ni Akisha na tapos na ang examination nila kay nag-anyaya sila ng dinner.

Sumunod na rin akong maglakad hanggang sa makarating na sa loob. Nakita ko sila sa table na laging pinagtatambayan namin. Lumapit ako at binati sila isa-isa, maging si Haze. Nasa tabi niya ngayon si Megan habang magkahawak ang kanilang kamay. Iniwas ko ang tingin sa kanila at pinukol na lang ang atensyon sa labas.

"Niah, alis lang ako saglit ha?" Paalam ni Akisha na nasa tabi ko.

Tumango naman ako bilang sagot. Sampung minuto ang lumipas nang bumalik ito kasama si...

"S-Steven?" Ani ko nang makita siya sa tabi ni Akisha.

Inabot nito sa 'kin ang dala niyang bouquet of red roses. Kinuha ko naman sabay lahad ng kamay niya. Nagtaka ako pero agad ko namang inalapat sa kaniyang palad ang kamay ko.

Kahit wala akong kaalam-alam sa nangyayari ay sinabayan ko pa rin siyang maglakad hanggang sa makarating kami sa likuran ng resto. Nakita ko ang parang Christmas lights na nakasabit sa puno at sa mga damo at ang naka-set na table na pina-iikutan ng red and white petals of roses.

"A-Ano 'to?" Naguguluhan kong tanong.

"A surprise dinner with you. Akisha and I planned this. Sana nagustuhan mo." Tumingin ako sa likuran ko at natanaw ko si Akisha na kumaway sa 'kin.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at tunay ngang napakaganda, "I really appreciate it, Steven. Thank you."

Iginaya niya akong umupo at tinitigan ako sa mata. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako ngayon at the same time, kinakabahan.

"Niah, I have something to tell you..." He paused. "Matagal ko na itong tinatago sa 'yo 'cause natatakot ako na baka masira ang friendship natin kung aamin ako. Yes Niah, I have feelings for you since we were in college. I l-like you, Niah. No, I l-love you. Please, let me prove my love to you." Hinawakan nito ang dalawang kamay ko. "Niah, can I court you?"

Hindi ako makaimik dahil honestly, nagulat ako. Nagulat ako sa pag-amin niya. I didn't expect it. So, ang ibig sabihin, ang kaninang tinukoy niyang minamahal niya ng palihim ay walang iba kung 'di ako?

"Please, give me a chance," he added.

Naalala ko ang sinabi ni Mom kaninang umaga sa 'kin...

"Ano naman kung may gusto nga talaga si Steven kay Niah? Steven is an ideal man. Nasaksihan ko rin kung paano 'yon lumaki and kung totoo man na may gusto ito kay Niah, then, we can assure na hindi masasaktan si Niah. Mabait at matinong bata si Steven and I like him for Niah."

"What? Walang mali sa sinabi ko. You're in a legal age na and if Steven confessed his feelings towards you, then, accept it and give him a chance to prove his love for you."

Mom is right. Deserve niyang bigyan ko siya ng chance na ligawan ako. Makabubuti rin ito para hindi na lumalim pa ang nararamdaman ko para kay Haze.

"Y-yes, I'm giving you a chance. You can court me, Steven."

Napatayo ito sa tuwa, "YES!" Napalakas ang pagkakasambit niya kaya agad nagsilabasan ang mga pinsan ko.

Lumapit sa amin si Akisha. "Pumayag ba si Niah, Steven?"

"Yes," sagot nito. "Pumayag siyang ligawan ko siya," dagdag niya pa.

Napalingon ako sa taong sumigaw. "Haze, where are you going?" Habol ni Megan kay Haze na papalabas na ng resto.

Haze...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro