Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13


Jann Renz Fajardo

Nakaupo ako sa green home nang makita kong dumaan ang kotse ni Haze kaya naman agad akong tumayo para salubungin ito.

"Hoy, Fajardo! Saan ka na naman pupunta?" Sigaw ni Aaliyah, group leader namin sa isang major subject. Nakacrossed arms ito at mataray na tinitigan ako habang naghihintay ng isasagot ko.

"Pupunta akong banyo. Ba't? Gusto mo bang sumama? Hayaan mo, babalik din ako agad para 'di mo ako ma-miss."

Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa reaksyon niya. Kunot-noo at magkasalubong ang kilay itong nakatingin sa 'kin. Pinasadahan niya ng masamang tingin ang iba naming mga kaklase bago bumaling ulit sa akin.

"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi ka bumalik, asahan mong bagsak ka na sa subject na ito dahil hindi ko isasali ang pangalan mo," matapang na wika niya.

Ayoko na makipag-sagutan sa kaniya kaya tinalikuran ko na lamang ito. Naiinis ako sa prof ko dahil kay Aaliyah niya ako piniling i-grupo. Ang malas lang dahil hindi ko magagamit ang flirting skills ko sa babaeng 'yon. Puro kabitter'an lang ang dumadaloy sa katawan niya. Hindi ko madadaan sa landi ang isang 'yon kaya panigurado, wala akong takas sa project na pinapagawa sa amin.

Nagsimula na akong maglakad para puntahan si Haze nang makasalubong ko si Janinah, ang ambassadress ng nursing department. Nakasuot ito ng kulay puting skirt na sobrang ikli at white tops kung saan kitang-kita ang maputi nitong cleavage.

"Hi Jann," malanding bati niya sa 'kin sabay haplos sa dibdib ko.

Nginitian ko siya at biglang hinapit ang bewang niya palapit sa 'kin at bumulong, "See you later?"

Rinig ko ang mahinang pagtawa nito dahil siguro sa kiliting ibinigay ko nang bumulong ako sa kaniya. Hindi ko pa rin binibitawan ang bewang nito bagkus mas lalo ko pang inilapit ang katawan niya sa 'kin hanggang sa maramdaman kong sumasagi na sa dibdib ko ang hinaharap niya.

"Omg, Jann. I love this position. Can we stay like this just for minutes?" Halata sa boses nito na nag-e-enjoy siya.

Hinaplos ko ang pisngi niya. "Sorry, baby, but we can't. Gusto kong mabitin ka ngayon at ituloy na lang mamaya. Mas magugustuhan mo ang posis'yon natin mamaya."

Dahan-dahan kong binitawan ang bewang niya habang may nakakalokong ngisi sa 'king labi.

"Okay, I will see you in my condo at exactly 9:00 PM," saad niya.

"Noted, baby."

Ngumiti ito at lumapit sa akin tsaka ako siniil ng halik. Tumugon rin ako dahil nasarapan ako sa paghalik niya. Damn, kung wala lang akong project na tatapusin ngayon, aayain Janinah sa pinakamalapit na hotel ngayon din mismo.

Hindi rin nagtagal ang halik na 'yon dahil agad din niyang itinulak ng mahina ang dibdib ko. "You're excited, huh?"

"Fuck, Janinah! I wanna taste you right now," gigil kong wika.

"Just be patient, Jann. Matitikman mo rin ako mamaya pero sa ngayon, may subjects muna akong papasukan."

"Fine. Sige na, pumasok ka na dahil mamaya, ikaw naman ang papasukan ko," naka-lip bite kong saad.

Nakangiti itong hinaplos ang dibdib ko pababa sa zipper ng pants ko bago ako tuluyang nilagpasan nito. Darn it, Janinah! You're making me crazy.

Nang nakaalis na si Janinah, natanaw ko kung saan naka-park ang kotse ni Haze. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago naglakad muli papunta sa kinaroroonan niya. Nakita kong nasa labas ng kotse ni Haze si Akisha habang inaayos ang damit nito. Si Haze naman ay nakapamulsang nakasandal sa kotse nito. Anong ganap? Sabay ba silang pumasok? Tumakbo na ako para maabutan ko pa sila.

"Hey, sabay kayo?" tanong ko nang nasa tapat na nila ako.

"Isn't obvious?" Pagtataray ni Akisha.

Napansin kong magulo ang buhok niya kaya hindi ko napigilan ang sarili kong humagalpak sa tawa. "Tae, anong nangyari sa 'yo? Para kang nakipagsabunutan sa eskinita."

Agad niyang kinuha ang maliit na salamin nito sa bag niya at tiningnan ang kaniyang buhok. Kulang nalang ay umusok ang ilong nito dahil sa sobrang inis.

"Argh! Haze, look what you did to my hair. You're so nakakainis! I told you na 'wag masyadong mabilis sa pagpapatakbo ng kotse. Nag-mini heart attack na nga ako doon then, ganito pa inabot ng buhok ko. Kailangan kong pumunta sa cr para mag-ayos," naasar niyang ibinalik ang salamin.

Tumingin ako kay Haze na nakasandal pa rin hanggang ngayon. Tila wala siyang pakialam sa narinig. Mabilis ang pagpapatakbo niya? Imposible naman yata. Hindi ganoon kabilis ang pagpapatakbo ni Haze ng sasakyan kaya 'di ako makapaniwala.

"Huwag ka na mag-ayos, Akisha. Kahit naman ayusin mo pa buhok mo, mukha ka pa ring gurang!"

Tiningnan ako nito ng sobrang sama. "Bahala nga kayo diyan! Nakakagigil kayo."

Tinalikuran na niya kami at nagsimula nang maglakad ng padabog. Hindi ko napigilang mapatawa ulit dahil sa inasta nito. Tuwang tuwa ako sa tuwing napipikon ko siya. Minsan lang ako makaganti sa pangbabara nila sa 'kin ni Keiffer kaya sinusulit ko na.

Bumaling na naman ako kay Haze na pagkaasar ang maipipinta sa kaniyang mukha. Nakatingin ito sa malayo at ang ipimagtaka ko, magkasalubong ang kilay niya. Mukha talaga siyang galit. Natakot tuloy akong kausapin siya.

"Nag-away ba kayo ni Megan?" Pang-uusisa ko

"No," tipid niyang sagot.

"Pinagalitan ka ng parents mo?" Tanong ko ulit.

"No," sagot niya.

"Then, anong dahilan bakit parang asar na asar ka?" Direktang tanong ko.

Inayos na niya ang tindig niya at inalis ang dalawang kamay niya mula sa bulsa nito tsaka tiningnan ang wristwatch niya.

"Sinira ng ugok na kumag na 'yon ang umaga ko." Nagsimula na siyang maglakad kaya agad ko namang sinundan.

"Ugok na kumag? S-Sino? Sinong kumag?"

Mukhang naasar nga talaga siya sa kumag na tinutukoy niya. Sino ba 'yon at ganito na lamang ang impact niya kay Haze?

"Si..." Hindi na natuloy ni Haze ang sasabihin niya dahil parehas kaming napalingon sa sumigaw.

"Hoy, Fajardo! Akala ko ba magbabanyo ka lang, ha? 20 minutes na lumipas, aba! Tapos ngayon makikita kitang nakikipag-usap habang naglalakad? Mas matutuwa pa ako kung naflash ka na lang sa inidoro!"

Putang-- Tinakpan ko ang mukha ko sa sobrang hiya. Napakaraming dumaraan na estudyante ang nakarinig sa sigaw niya. Ano ba naman, Aaliyah!

"Kung minamalas nga naman talaga ako, oh. Sige na, Haze. Mag-k'wento ka na lang sa 'kin mamaya tutal makikisabay naman ako sa pag-uwi."

Tinanguan lang ako nito at ako naman ay tumakbo na papunta sa green home kung nasaan nandoon ang mga groupmates kong kasalukuyang tinatapos ang project namin.

"Aaliyah babe naman, sobrang na-miss mo ba ako? Sorry na, oh," paglalambing ko.

Magkasalubong na naman ang kilay nitong nakaharap sa 'kin habang nakapameywang.

"Sorry mo mukha mo!" Gigil nitong sumbat.

"Gusto mo bang suntukin ko pa ang pader para mapatunayang sincere ang pagso-sorry ko?" Huminto ako at lumapit sa pader. Mahina kong sinuntok-suntok ito. "It's my fault. Sorry, Aaliyah my babe! Dapat pala 'di na ako nagbanyo at tinipid na lang ang ihi ko kaysa ma-miss mo ako. Aaliyah, patawarin mo na ako, oh. Hindi na ako iihi next time na kasama kita." Kunyaring pinupunasan ko pa ang luha sa 'king mata.

Rinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko.

"Para kang tanga!" Rinig kong sigaw ni Aaliyah kaya iniangat ko ang ulo ko at nakita siyang bumalik na sa upuan niya kanina.

Inayos ko naman na ang sarili ko at nakitabi sa isang groupmate ko na busy sa pag e-encode. Halos lahat sila ay may ginagawa at tanging ako lang ang chill ngayon. Nag de kwatro pa ako ng upo at kumuha ako ng isang chewing gum sa bulsa at binuksan ito at isinubo.

"At ano naman sa tingin mo ang gagawin mo, Fajardo?" Tanong ni Aaliyah.

"W-Wala?"

"Ang kapal mo naman na wala kang ambag dito!"

"Ambag ba gusto mo? Oh sige, magpapadeliver ako ng tig-iisang milk tea at pizza para sa inyo." Mayabang kong kinuha ang phone ko at akmang mag o-order through online.

"Ikaw ang magpasa nito mamaya kay Mrs. Allado."

Napatayo ako matapos niyang sambitin 'yon. "What? Ayoko nga! Kayo ang maghanap sa kaniya. Ang lawak-lawak nitong campus para hanapin ko siya. Buti sana kung narereply 'yon sa chats, eh hindi naman."

Siya lang naman ang prof naming gustong gustong mahirapan ang estudyante niya sa kakahanap sa kaniya.

"So, ayaw mo? Fine, p'wede ka na umalis at i-take mo nalang 'tong subject niya next school year." Ibinaling niya ang atensyon niya sa ginagawa niya.

Tumayo ako at pumunta sa likod ni Aaliyah. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito at marahang minasahe.

"Aaliyah my babe naman, 'di ka mabiro. Ako na magpapasa niyan mamaya para 'di na kayo mahirapang hanapin siya. Kahit nga alas siyete pa ng gabi ako makauwi, mahanap ko lang siya."

"Madali ka naman palang kausap, Fajardo. Good dog," saad niya.

Lakas loob ko siyang pinandilatan sa likod niya dahil hindi niya naman ako kita. Bumalik na ako sa upuan ko kanina at hinintay na matapos sila. Naka-de kwatro akong nakaupo habang nakikinig ng music.

Nang mag-lunch break, inutusan akong magpadeliver ng pagkain at ang kakapal ng pagmumukha nila dahil ako raw ang magbabayad. Wala naman akong laban kay Aaliyah dahil baka 'di ako isali sa list ng members. Kung sa isang group sana ako napunta edi nakauwi na ako ngayon dahil lalandiin ko lang 'yung leader na may crush sa 'kin then boom, nasa list na ng members ang pangalan ko.

Nang mag-alas dos na ay sa wakas, natapos na rin. Agad kong kinuha ang flashdrive at sinimulan nang hanapin si Mrs. Alllado. Nagsimula akong maghanap sa faculty room pero wala raw siya ro'n at sinabing may klase raw siya ngayon sa nursing department. Agad akong nagtungo sa med building at isa-isang sinilip ang bawat room para i-check kung nasa loob ba si Mrs. Allado. Nasa 2nd floor na ako ay 'di ko pa rin siya nakikita. Hanggang 5th floor ang building nito at 'wag nilang sabihing nasa fifth floor pa ito. Umakyat na ako sa ikatlong palapag. Pagod na pagod na ako. Ano bang paghihirap 'to, Aaliyah!

Medyo nahirapan akong dumaan dahil nagsilabasan ang mga estudiyante mula sa isang room. Sinubukan kong makisiksik para tingnan ang prof nila nang makasalubong ko si Quim.

"Jann? Tara na, nagmamadali ako dahil kailangan ko nang pumunta sa hospital," ika niya.

"Saglit lang, Haze. Nakakaasar kasi 'yong leader namin. Ako ang inutusan para hanapin si Mrs. Allado."

"Mrs. Allado? Katatapos lang ng klase namin sa kaniya. Puntahan mo na siya diyan sa loob," turo niya sa room na pinanggalingan niya. Woah, salamat naman!

"Hintayin mo ako," sambit ko tsaka tumakbo na papunta sa loob ng room.

Naabutan ko nga doon si Mrs. Allado na nag-aayos ng gamit. Binigay ko lang ang flashdrive at umalis din agad. Baka kasi may iutos pa sa 'kin, mahirap na. Nadatnan ko si Haze na hinihintay ako sa labas ng room. Sabay na kaming bumaba sa building nila at nagdiretso sa kotse niya. Halos tumakbo na ako dahil sa bilis nitong maglakad. Dobleng pagod tuloy ang nararamdaman ko ngayon.

"Haze, p'wede ba bagalan mo naman? Sa hospital lang naman ang pupuntahan mo, 'di ba? So, easy."

"Baka maunahan ako," sambit niya.

Maunahan? Hindi ko siya gets. Paanong mauunahan?

"Anong ganap? May pa-bonus pa sa hospital kaya ayaw mong maunahan dahil baka maubusan ka?" tanong ko ulit.

"Bilisan mo na lang kung gusto mong sumabay."

Hindi na ako nagsalita pa. Mukhang seryoso kasi siya kaya binilisan ko nalang rin ang lakad ko. Nang marating namin ang kotse niya ay agad niya akong pinasakay at dali-daling pinaandar ang kotse nito. Halos liparin na namin palabas ng campus.

"Bagalan mo naman, Haze. Ayoko pang mamatay, 'no!"

Ngayon ko lang nasaksikhan si Quim na ganito siya kabilis magpatakbo ng sasakyan. Tama nga si Akisha kanina, mukhang mahe-heart attack rin yata ako.

"Ano bang tinutukoy mong mauunahan ka?" Tanong ko habang mahigpit akong nakahawak sa seatbelt na nakakabit sa 'kin. Feeling ko kasi liliparin ako ng wala sa oras.

"Iyong kumag na 'yon!" Asar niyang sagot.

Kumag na naman? Sino ba kasi 'yon? Gigil na gigil itong si Quim sa kaniya. Hindi na ako nagtanong pa dahil imbes magtanong pa ako ay nagdasal nalang ako na sana buhay pa akong makarating sa bahay. Gusto ko pang tikman mamaya si Janinah, rawr!

Wala pa lang 20 minutes ay nasa tapat na kami ng hospital. Nakita kong nakatayo sa labas si Niah na mukhang may hinihintay. Tiningnan ko ang oras sa phone ko. Alas tres na ng hapon, out niya na pala. Narinig ko ang pagdabog na pagsara ni Quim ng kotse niya kaya naman lumabas na rin ako agad. Sumabay ako sa paglalakad sa kaniya. Mas binilisan niya pa ang paglalakad nang may humintong kulay asul na BMW M5 sa harap ni Niah. Napamangha ako dahil sa ganda ng sasakyan.

"Niah," sambit ni Haze.

Lumabas ang isang lalaki mula sa tinutukoy kong sasakyan kanina. Hindi lang ako sa sasakyan namangha kung 'di pati na rin sa taong lumabas mula doon. Mukhang yayamanin ito dahil sa pananamit at tindig niya.

"Halika na, ihahatid na kita pauwi." Nagulat ako sa inasta ni Haze dahil hinablot niya ang kanang kamay ni Niah.

"H-Haze." Nagulat din si Niah.

"Halika na, sa akin ka sasabay," seryosong sambit ulit ni Haze.

"She will come with me," saad naman ng lalaking mukhang yayamanin.

Lumapit ako kay Haze at bumulong. "Gago, Haze. Englishero pala ang isang 'to. Siya ba 'yung ugok na kumag na sinasabi mo?"

Hindi ako pinansin ni Haze at pinilit hilahin si Niah pero nabitawan niya rin ang kamay nito dahil hinablot no'ng lalaki ang kaliwang kamay ni Niah at ipinunta sa likod niya.

Nakita kong kumuyom ang kamao ni Haze. Mukhang asar na asar na siya sa lalaking kaharap namin ngayon. Ramdam ko ang tensiyon sa kanilang dalawa kaya sinubukan kong pakalmahin sila.

"Don't you mind if I will ask you who you are? " Tanong ko kay Mr. Yayamanin.

Woah! English 'yon, oha!

"I'm Steven."

Steven? Hmm.. familiar. Ah, alam ko na! Siya ba ang tinutukoy ni Niah na kaibigan niya sa States?

Mali yatang kinausap ko ito dahil mapapasabak ako sa english. Ang bobo ko pa naman mag-english. 'Di ko na alam ang sunod na sasabihin ko. English pa kasi!

"Do you have a sister?" Tanong ko ulit.

Nilingon ako ni Haze na halata ang pagka-irita, "Ano bang pinagtatanong mo?"

"Haze naman, itatanong ko lang kung may kapatid ba siya. Ang gwapo, oh. Malamang, maganda ang lahi at gusto ko pang pagandahin pa lalo ang lahi nila kung lalahian ko ang kapatid niyang babae," nakangsing saad ko.

"Gago, mas maganda lahi ko r'yan at 'di hamak naman na mas gwapo ako sa ugok na 'to," singhal ni Quim.

"Mag-isang anak lang ako," baling nito sa akin.

Nanlaki ang mata ko dahil nagsalita ito ng tagalog. "Marunong ka pala? Pinahirapan mo pa ako!" Pagre-reklamo ko.

"Niah, let's go. Ihahatid na kita kasama si Jann." Pagpipilit pa rin ni Haze kay Niah.

"Sa akin sasama si Niah," pagmamatigas din ni Steven.

"Then, let's see. Tanungin natin si Niah kung kanino siya sasama," lakas-loob na wika ni Haze. Kilala ko na kung kanino ako nahawa ng kayabangan. Kay Haze lang pala.

Nagtinginan kaming tatlo kay Niah na kasalukuyang nasa likod ni Steven.

"Hindi ako sasama sa isa sa i-inyo..." She paused as she looked at me directly. "Dahil kay Jann ako makikisabay umuwi," she added.

Nanlaki ang mata ko. What? Why me?

"Niah, wala akong dalang sasakyan. Nakisabay lang ako kay Haze dahil grounded ako kay Dad kaya 'di ako pinayagang gamitin ang kotse ko," saad ko.

Lumapit sa akin si Niah at hinablot ang kamay ko. "Edi mag-commute tayo."

Tsaka namin sabay tinalikuran sila Quim at Steven. Wala pala kayong dalawa, eh. Ako ang pinili! Habang hatak hatak ako ni Niah, sinamantala ko 'yon para lumingon sa dalawang kupal na naiwan.

Ngumiti ako-- ngiting tagumpay at sabay sigaw, "Jann lang malakas!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro