EPILOGUE
"Engineer, balita ko ikaw ang magha-handle ng project sa Ledezma, ah!"
Tiningnan ko si Theo na halatang nang-aasar lang. Umirap ako at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko, hindi nagsasalita. Kagagaling ko lang sa office ni Mrs. Valeria pero nakarating na kaagad sa kaniya ang balita. Tangina naman, oh.
"Paano kapag nakita mo si baby mo?" Malakas siyang tumawa kaya kinuha ko ang blueprint at hinampas sa ulo niya. "Uy, pikon!"
"Pare, huwag mo na kasing asarin." Umiling si Engineer Castillo na nakangisi rin sa 'kin. "Asarin sa ex niyang mahal na mahal pa rin niya hanggang ngayon! Yieee!"
"Bobo." Nilagay ko na ang lahat ng gamit ko sa bag. "Wala sa Pilipinas 'yon, 'di ba? Hindi kami magkikita no'n."
"Ah, sure ka, Engineer Camero? Sure ka na hindi mo pinagdarasal gabi-gabi na sana magkita kayo ulit?" Tumawa na naman si Theo.
"Ikaw? Hindi mo ba pinagdadasal gabi-gabi na sana pag-gising mo may trabaho ka pa rin?" Masama ko siyang tinignan.
"Pikon naman!" Ngumisi siya.
Akala ko talaga'y hindi na kami magkikita ulit dahil ang balita ko, iba ang nagha-handle ng kumpanya nila ngayon at noong tinanong ko sa Kuya niya kung nasaan si Elyse, noong tinutulungan niya pa lang kami sa kaso, ang sabi niya sa 'kin ay umalis daw ng bansa. Hindi niya sinabi sa 'kin kung saan.
Mas mabuti nga 'yon dahil baka sundan ko siya roon. Dahil doon, napigilan ko ang sarili ko at inabala na lang ang sarili sa trabaho. Tanggap ng projects hanggang sa mag-resign 'yong dati naming head at ako ang pumalit. Ang saya-saya ko noon pero naroon pa rin 'yong pakiramdam na parang may kulang.
"I'll celebrate every milestone with you," sarkastikong bulong ko sa sarili ko. "Wala ka nga rito, eh."
Sabi niya ise-celebrate niya 'yong mga importanteng event sa buhay ko pero nasaan siya ngayon? Medyo sakim nga talaga pakinggan pero ang pinapangarap ko lang noong panahong 'yon ay sana umuwi siya. Kahit hindi na siya bumalik sa 'kin, basta makita ko lang siya kahit ilang segundo lang, okay na.
Kaso noong nandiyan na, umatras ako bigla.
"Ikaw na um-attend ng meeting sa Ledezma. May meeting kami nila Architect Valeria," sabi ko kay Theo, hindi na makatingin sa kaniya.
"Totoo ba 'yan o ayaw mo lang talaga um-attend?" Kumunot ang noo niya.
"Totoo nga. Tanungin mo pa si Luna." Masama ko siyang tiningnan. "O kaya si Kierra tanungin mo, tutal friends naman kayo, eh. Friends. Friends lang," ulit ko, nakangisi na sa kaniya.
"Engineer Camero, ha-ha!" Sarkastiko siyang tumawa. "Magpasalamat ka talaga't boss kita! Nagagawa ko pang kumalma!"
Umalis na siya kaagad para um-attend sa meeting sa Ledezma Group, habang ako, umakyat na sa board room para sa meeting. Hindi naman ako nagsisinungaling. Totoo namang nagpatawag sila bigla ng meeting pero pabor na rin sa 'kin 'yon dahil balita ko umuwi na siya.
Shit, umuwi na siya! Parang noong isang taon, pinagdarasal ko lang 'yon tapos ngayon umuwi na pala siya talaga! Lakas ko yata kay Lord!
"Ano'ng iniisip mo diyan?" bulong ni Kierra.
"Mama mo," pambabara ko.
"Mature," bulong niya at umirap.
Akala ko, makakatakas na 'ko pero bigla na lang akong nakatanggap ng napakaraming tawag at texts mula sa mga empleyado naming pinadala roon sa meeting. Pasimple kong tiningnan ang phone ko habang nagdi-discuss si Luna sa harapan. Ang daming text at tawag, anak ng!
'Engineer Camero, kailangan ka raw po rito sabi ni Miss Ledezma.'
'Engineer Camero, galit na ho si Miss Ledezma. Nauna raw po ang schedule ng meeting na 'to kaya dapat ito raw ang priority mo.'
'Engineer Camero, mawawalan po tayo ng project kapag hindi ka um-attend dito ASAP!'
'Engineer Camero, hanap ka ng bebe mo miss ka na raw niya pakiss'
Napakunot ang noo ko nang basahin ang huling message galing kay Theo. Napamasahe ako sa sentido ko at in-ignore lahat ng tawag sa 'kin. Nag-type na lang ako ng reply. Talagang ginawan ko pa sila ng tanginang group chat para isa na lang ang reply ko.
'Male-late ako nang mga 40 minutes, kasama na traffic. Start the meeting without me.' 'Yon ang sinabi ko. Sana lang 'yon talaga ang makarating sa kaniya. Siraulo pa naman minsan ang iba sa empleyado namin.
"Hindi pa ba tapos 'yan? Kailangan ko na umalis, eh," bulong ko kay Kierra.
"May sinasabi ka, Engineer Camero?" Tinaasan ako ng kilay ni Luna.
"Kailangan na raw niya umalis," pagsusumbong ni Kierra. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Eh di umalis ka!" Nagalit na nga, pero kinuha ko pa rin ang mga gamit ko at nagpaalam sa kanila para makaalis na.
Nagmamadali pa 'ko papunta. Dala-dala ko pa ang sasakyan ko pero sana nilakad ko na lang dahil traffic pala talaga. Mas mabilis pa yata kung maglalakad ako, eh. Badtrip naman, oh. Hindi naman sa excited akong makita siya, pero baka lang ipahiya niya 'ko sa lahat sa sobrang galit niya sa 'kin.
Hinanda ko na ang aking sarili sa kung ano man ang makikita ko. Alam kong posible na marami nang nagbago sa kaniya dahil ganoon din sa 'kin. Tama nga ako.
"You're late, Engineer Camero," bungad niya sa 'kin.
Wow ah. Nagmadali na nga ako at nanginginig pa. Tumakas na nga rin ako sa meeting namin dahil sa 'yo tapos mukha pa siyang naiinis sa 'kin? May trabaho rin ako, oy! Hindi lang ito!
"My apologies, Miss Ledezma," sarkastikong sabi ko bago umupo.
Hindi ko siya magawang tingnan. Naninibago ako sa kaniya. Ano'ng nangyari sa buhok niya? Maganda naman tingnan sa kaniya pero hindi lang ako sanay. Ang daming nagbago sa kaniya pati sa itsura niya. Nag-mature na nga siya.
"How long would the construction take? In estimation?"
"Three years, hopefully," sagot ko. "It was already discussed in the last meeting."
Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Nakita ko pa 'yong mukha noong lalaking trip siya noon. Ano? Sila na ba ngayon? Humigpit ang hawak ko sa folder na nasa aking kamay. Nakatitig lang ako roon habang nag-iisip.
"My apologies, then, Engineer Camero. You might not have noticed that I was not around in the last meeting," sarkastikong sabi niya.
Huwag kang mag-alala, wala naman ako sa meeting na 'yon pero alam ko pa rin kung ano ang diniscuss. Hindi na lang ako nagsalita at umiwas ng tingin. Akala ko, 'yon na ang huling pagkikita namin pero lintik na 'yan! Bakit ba patawag siya nang patawag ng meeting? At bakit ba sa sobrang excited ko, ang aga ko dumating?!
"Madam, lunch mo po," rinig kong sabi ng secretary niya. Fruit cup at pasta? 'Yon lang ang kakainin niya?
Ano b'ang pakialam ko? Bakit ba nangingialam ako? Ano ba niya ako? Wala naman. Ex lang.
"No, I'm good. I'm full," sagot ni Elyse. "Let's have a break, everyone. Eat your snacks."
Tumayo na lang ako at kumuha ng tubig para maiwas ang tingin sa kaniya. Akala ko lang pala makakaiwas ako. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo para kumuha rin ng tubig. Hindi ko pa nakakalahati 'yong container ko, tinigil ko na at pinauna siyang kumuha.
"Thanks." Ngumiti siya sa 'kin pero 'yong ngiti niya ay para siyang natatae o ano. Anong hitsura 'yon?
Amoy na amoy ko 'yong pabango niya. Ano? Jo Malone pa rin ba pabangonito o iba na? Chanel, ganoon? Umiwas ako ng tingin at bahagyang napakamot sa ilong ko. Nababahing ako bigla. Bakit ba amoy na amoy ko ang pabango niya? Ang lapit niya sa 'kin pero wala na 'kong maatrasan dahil dingding na 'yong katabing water dispenser. Naiipit ako sa gilid.
"Madam, hindi ka po kakain ng lunch? Liligpitin ko na po ba?"
Napakunot ang noo ko at tumingin sa kaniya. Hindi ba talaga siya kakain? Kumakain pa ba 'tong si Elyse? Oo pumayat siya at mas nagmukha siyang fit pero bakit ayaw niyang kumain ngayon? Pero ang pinakamahalaga... Bakit may malamig sa sapatos ko?
"Shit!" Hinawakan ko kaagad ang kamay niya para alisin sa water dispenser.
Binitawan ko siya agad nang maramdaman sa kamay ko ang singsing na suot niya. Napatingin ako roon saglit pero mas nag-alala ako sa sapatos ko.
"Sorry!" Nag-panic siya at muntik pang madulas. Mabuti na lang ay nahawakan ko ang baywang niya. Nagmukha lang kaming nasa teleserye. Buti na lang, hindi nag-slow mo. Anak ng pating.
Noong groundbreaking, abala ako sa pagbabasa ng speech ko para mamaya. Nasa tabing-dagat ako at naglalakad-lakad. Napahinto ako nang makita ko si Elyse na nakatayo rin at pinapanood ang alon sa dagat. Matagal akong nakatitig sa kaniya mula sa malayo, kinakabisado 'yong itsura niya kung sakaling hindi na kami magkikita ulit.
"Layo mo," bulong ko bago umiling at naglakad na ulit paalis para practice-in ang speech ko.
Ginabi na kami roon nila Bianca kaka-discuss ng mangyayari sa site sa susunod na araw. Napatingin ako kay Elyse na akala mo'y nangangandidato. Lahat ng staff binabati bago umalis.
"Matunaw 'yan," sabi ni Mark. Si Engineer Castillo.
"Tanga, hindi ako nakatingin sa kaniya." Umiwas ako ng tingin at nakinig na lang sa sinasabi ni Architect Rosario.
Napasulyap ulit ako kay Elyse nang mapansing uuwi na siya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Gabi na. Kailangan na rin namin umuwi.
"Okay na 'yan. Bukas na lang ulit," sabi ko.
"Nagmamadali ka ba, Engineer?" tanong ni Bianca.
"Gabi na, eh. Babalik pa tayo sa Manila." Pinakita ko sa kanila ang relo ko. "Baka hindi na rin tayo magkaintindihan dito. Madilim na."
"Ang daming palusot. Umalis ka na lang, oy," bulong ni Theo, tumatawa pa.
Mabuti na lang at nag-wrap up na rin sila sa pinag-uusapan kaya nakaalis na 'ko. Sumakay ako sa Macan ko at nag-drive paalis. Natawa ako saglit nang makita ko ang sasakyan niyang nakahinto sa gilid. Bumagal ang pagmamaneho ko para panoorin kung paano niya sipain 'yong maliliit na bato sa gilid niya. Mukha siyang inapi. Kawawa naman kaya pinasunod ko na lang sa 'kin.
Normal lang naman sa 'kin na mabilis akong magpatakbo. Hindi ko naman talaga siya inaasar pero napahinto ako nang marinig ko ang busina sa likod.
"Ay, gago amputa," bulong ko nang makitang muntik na siyang mabunggo. Binagalan ko tuloy ang pagmamaneho ko.
At naiihi pa nga! Napakagaling!
"I mean, I was trying to catch up! Nawawala ako because you were driving so fast like you were in some kind of a racing movie or something. Y-you probably think that you're Lightning McQueen or-"
"Lightning McQueen," ulit ko, nakatitig sa kaniya.
"Yeah, you know that movie? The one who says kachow?"
Ano raw? Bakit nakakatawa pakinggan kapag siya ang nagsasabi?
"The one who says what?" Tinaas ko ang kilay ko, pinipigilan ang ngiti.
"K-kachow?"
Ang cute, amp.
Hiniram niya pa ang power bank ko pero nakalimutan ko na namang kuhain sa kaniya. Pwede namang ibalik niya na lang sa 'kin sa susunod na meeting kung mayroon man pero hindi ko inaasahang pupunta pa talaga siya ng Batangas para lang ibalik sa 'kin 'yon. 'Yong gas! Mahal ang gas, 'no!
At namigay pa nga ng calling card na parang namimigay ng candy. Bakit sakanila, binibigay niya ang number niya? Hindi ba dapat sa 'kin? Ako lang naman ang kailangan niyang i-contact kung may gusto siyang malaman sa site. Dapat ako, 'di ba?! Ako!
"Is that your food?" turo niya sa lunch box.
"Hindi, binigay lang ni Engineer Ramos." Tumingin ako roon. Hindi ko pa 'yon kinakain dahil may sarili naman akong dala at kinain ko na kanina. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit bigay nang bigay ng pagkain si Bianca kahit alam niyang binibigay ko lang din naman kay Theo.
"You haven't eaten yet?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko, iniisip kung sasabihin ko ba 'yong totoo o hindi.
"Hindi pa," pagsisinungaling ko.
"Okay." Tumango siya at ngumiti sa 'kin. "You guys should eat. Uhm... I should go now."
Ano? 'Yon na 'yon? Akala ko pa naman, aayain niya 'kong kumain! Scam pala 'to eh! Nagbago ka na talaga, Elyse!
Napakatahimik na ng buhay ko sa condo, eh. Binago ko 'yong interior. Bumili ako ng mga bagong gamit at pinalitan pa ang pintura, pati 'yong kisame ay inayos ko para lang maalis 'yong alaala sa kaniya, pero hindi ko pa rin talaga gustong kalimutan siya. Hinanap ko pa talaga 'yong painting na tinuro niya dati para ilagay sa kwarto namin.
Namin... pero mag-isa na lang ako ngayon. Sabi ko, gusto kong makalimot pero may parte sa 'kin na dito pa rin nakatira dahil gusto kong inaalala siya kahit masakit. May kasamang saya naman 'yon, eh. Limang taon din kami. Napakahirap niyang kalimutan. Siya na 'yong naging tahanan ko eh. Siya na 'yong babaeng alam kong gusto kong pakasalan tapos bigla na lang... nawala. Lahat.
Hindi ko alam kung paano ako nakaahon, o baka hanggang ngayo'y lunod na lunod pa rin talaga ako sa pagmamahal ko sa kaniya.
"You're so annoying! I want to sleep!" sigaw niya sa 'kin.
"Mas nakakainis ka. Ako rin, gusto ko na matulog," inis na sabi ko pabalik.
Nakakainis kasi kahit ayaw ko na, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong alagaan siya. Hindi ko siya kayang hayaang nakahiga sa sahig o sa sofa tapos lasing pa. May something lang talaga sa kaniya na hindi ko kayang tiisin.
From: Elyse Ledezma
Can I stay here in the meantime
To: Elyse Ledezma
Okay. Huwag kang mag-alala, hindi ako uuwi.
Mahigpit akong napahawak sa cellphone ko pagka-send. Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang aking kamay at bumuntong-hininga. Gusto kong umuwi. Gustong-gusto kong umuwi pero baka hindi siya komportable na nandoon ako kaya dito na lang muna ako sa Batangas.
"Hindi ka pa kakain?" Tumaas ang kilay ko.
"Why? You want my meal? Takaw mo naman! Bakit hindi 'yon 'yong kainin mo? Masarap naman daw."" Tinuro niya na naman 'yong bigay ni Bianca.
"Busog pa ako. Ikaw yata ang may gusto." Kinuha ko ang paper bag. "Oh, sa 'yo na."
Hindi ako busog. Ayoko lang talagang kainin sa harapan niya dahil mukhang kinamumuhian niya 'yong lunch box na 'yon. Ano b'ang ginawa no'n sa kaniya?
"Hell no! That's yours! Eat that! Sabi niya, hindi ka pa nagla-lunch! Paano ka mabubusog?!" reklamo niya. "And I already lost my appetite."
Ano ba? Bakit ba galit siya? Baka isipin kong mahal niya pa 'ko at nagseselos siya, eh. Ang hirap niya rin talaga basahin minsan lalo na ngayon na nagbago na naman ang ugali niya.
"Pabalik na 'kong Manila," sabi ko pagkatapos kuhanin ang mga gamit ko.
Tumango lang siya sa sinabi ko.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya. Ano? Ganoon na lang 'yon? Mas gusto ba niyang sumabay doon sa epal niyang empleyado? Siyempre, hindi ako payag.
"Hindi ka sasabay?" Tumaas ang kilay ko.
Pagdating namin sa condo, kumuha na kaagad ako ng mga damit ko sa walk-in closet para bumalik sa Batangas. Pagkatapos, kinuha ko na ang bag ko at binuksan ang pinto ng bedroom para magpaalam sa kaniya.
"Alis na 'ko," paalam ko.
"Take care," nanghihinang sabi niya, balot na balot pa ng comforter.
Sinara ko ang pinto at huminga nang malalim.
"Tangina naman," bulong ko bago pumasok ng walk-in closet para ibalik ang lahat ng damit na kinuha ko.
Nagpalit agad ako ng jacket at bumaba para mag-grocery. Wala akong masyadong stock ng pagkain pero kailangan ko siyang lutuan ng soup o kung ano man kaya bumili pa 'ko bago umakyat ulit. Nagluto ako habang natutulog siya. Nang buksan ko ang kwarto, tulog pa rin siya. Lumapit ako at umupo sa tabi niya para tingnan ang kaniyang mukha.
Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya at napabuntong-hininga nang maramdaman ang init doon. Tumayo ulit ako at nag-hanap ng gamot pero wala rin akong stock kaya kailangan ko pang lumabas kahit umuulan. Ni hindi na 'ko nakapagdala ng payong kaya tinakbo ko na lang.
Pagkabalik ko, gising na siya. Gulat na gulat siya nang makita ako.
"I thought you... left." Napakurap siya.
Akala ko rin, pero hindi ko pala siya kayang iwan lalo na kung ganito. Hindi na 'ko nakatulog buong gabi kakaalaga sa kaniya. Umalis ako ng kwarto noong matutulog na siya pero bumalik din ako para bantayan siya. Umupo ako sa couch at pinanood siya. Pinikit ko ang mga mata ko at tinakip ang braso sa mukha, sinusubukang matulog. Nagising din ako kaagad. Siguro dalawang oras lang ang tinulog ko.
"You're off to work?" tanong niya sa 'kin.
Kung ayaw niya, sabihin niya lang. Maga-absent ako sa trabaho para alagaan siya. Willing naman ako eh, pero hindi 'yon ang sinabi niya.
Noong lunch sa office, para akong tangang naghahanda ng lunch box sa table ko. Tumatawa pa si Theo at si Mark habang kumakain. Nakiki-kain pa sa opisina ko ang mga gago. Nilagay ko na sa paper bag ang pagkain para dalhin doon nang biglang pumasok si Engineer Guzman, dala-dala ang hard hat.
"Sir! Aalis na ho ako, Sir!" bibong sabi niya sa 'kin.
"Saan punta mo?" Kumunot ang noo ko.
"May inaayos po kaming unit diyan, Sir!" Ngumiti siya sa 'kin at sinabi kung saan ang building.
"O, 'di ba doon ka rin nakatira?" sabi ni Theo sa 'kin. "Ayan, oh. Padala mo na diyan kay Engineer Guzman. Tipid sa gas tsaka mabilis lang. Naka-motor ka, 'di ba boy?"
"Ano'ng ipapadala, Engineer Camero?! Akin na! Libre transpo at gas! I volunteer!" Tuwang-tuwa siyang lumapit.
"Oh. Ite-text ko sa 'yo 'yong unit tsaka 'yong sasabihin mo sa kaniya." Inabot ko ang paper bag.
"Sige po, Engineer! Sino po ba ang tatanggap nito sa condo n'yo?"
"Huwag ka nang chismoso." Umiling ako at umupo na sa swiveling chair ko. "Sige na. Baka ma-late ka pa."
"Jowa niya 'yon!" sigaw ni Mark bago pa makaalis si Engineer Guzman.
Bagong salta lang 'yon, eh. Napakarami niyang energy. Sana all. Naalala ko tuloy 'yong sarili ko noon. Tamang pa-good shot lang din ako, eh... kaso ang laking galit sa 'kin noong head namin noon na 'yon. Baka naiinggit sa hitsura ko.
Pagkatapos kumain, bumalik na rin kami sa site. Abalang-abala ako habang pinapanood 'yong mga tauhan namin na magbuhat ng materyales. Napahawak ako sa baywang ko, nakasuot ng hard hat at nakatakip nang kaunti sa mata dahil sa init.
"Oy, ano 'yan? Hindi diyan! Sabi ko dalhin n'yo sa likod," turo ko.
"Ah, sorry, Engineer!" Lumiko kaagad sila.
Kinuha ko ang cellphone ko nang maramdamang may nag-text sa 'kin. Binuksan ko kaagad ang message ni Elyse at nakita ang mukha niya roon, punong-puno 'yong ng pagkain ang pisngi. Napangiti ako sa sarili ko habang nakatitig.
"Engineer, saan po ulit?" May nanggulo pa sa 'kin.
"Doon!" turo ko at bumalik na lang sa office.
Sinave ko ang picture at 'yon ang ginawa kong profile niya sa contacts ko. Pinalitan ko na rin 'yong pangalan. Sana lang hindi niya makita.
To: Ex
Galing ng hamster.
Nanatili ako sa Batangas dahil nasasayangan ako sa gas kung magpapabalik-balik ako. Hiniwalay ko na nga ang sarili ko kila Theo pero punta naman sila nang punta sa hotel room ko, may dala-dala pang alak. Ang iingay.
"O, bakit nakatitig ka sa cellphone mo, Master? May hinihintay ka yatang text?" pang-aasar ni Theo.
"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?" tanong ko kay Mark. "Wala ka kanina, ah."
"Sinuportahan ko kaibigan ko, Master. Nagbukas ng restaurant eh. Nakita ko nga 'yong ex mo, eh. May kasamang lalaki, pero mukhang friends lang naman sila," pagkekwento niya sa 'kin.
"Friends," ulit ko sabay inom. Ang higpit ng hawak ko sa baso. Pakiramdam ko'y mababasag ko 'yon gamit ang kamay.
Ang init tuloy ng ulo ko kinabukasan. Nakakabadtrip. Hindi na 'ko nakatulog kakaisip kung bakit sila magkasama at bakit sila nagdi-dinner? Bakit sila lang dalawa? May namamagitan na ba sa kanila? Tama ba ang hinala kong pinatulan niya na 'yon?
Napakunot ang noo ko nang makita ko si Engineer Lavin na kausap si Elyse. Bakit narito siya? At bakit mukhang tanga si Theo? Halatang walang sinasabing matino, eh. Umiwas na lang ako ng tingin at binalik ang atensyon ko sa kausap kong worker.
May sinagot lang akong tawag, pagkabalik ko'y wala na siya. Napamasahe ako sa ilong ko bago ako bumaba at nag ikot-ikot para hanapin siya. Napahinto ako nang makitang may nagkukumpulan at nagkakagulo roon.
"Tapos na ba kayo sa ginagawa n'yo?" inis na tanong ko.
Nagsi-balikan agad sila sa trabaho.
"Nainuman ko na 'yan," sabi ko nang makitang iinuman niya ang water container ko.
"Uh..." umiwas siya ng tingin. "Sorry. Are you LC?"
Matagal akong napatitig sa kaniya at natawa. Ako pa ngayon ang laway conscious, huh? Siya nga 'yong nagsabi no'n dati. Proud na proud pa siya.
"Ikaw 'yong LC, 'di ba?" tanong ko
"Well..." Hindi siya makapagsalita.
Siyempre, hindi na. Nahalikan na kita. Natikman mo na 'ko. LC ka pa rin ba sa 'kin pagkatapos ng lahat ng ginawa natin?
"Sige na, uminom ka na," sabi ko na lang, pinipigilan ang ngisi ko.
Kung minamalas ka nga naman. oh. Lahat ng kamalasan sa mundo, nakuha na ni Elyse. Nadapa na nga, natagusan pa. Hindi naman malaking kaso sa 'kin 'yon dahil sa limang taon na magkasama kami, komportable na kami sa isa't isa. May isang beses ngang ako pa ang naglaba ng bed sheet dahil natagusan siya.
"May malapit bang tindahan dito?" tanong ko kay Theo.
"Bakit? Ano'ng bibilhin mo? Doon yata mayroon," turo niya sa kabilang side ng kalsada.
"Napkin," sabi ko bago umalis.
"Ay, mayroon ka na?!" pahabol niya pa. "Congratulations, Engineer!"
Sabi ko hindi ako uuwi noong gabing 'yon pero hindi ako mapakali. Kinuha ko ang mga gamit ko at kahit gabi na, nag-drive ako pabalik ng Manila. Sakto pang kakasakay ko lang ng elevator nang mag-story siya na malungkot siya.
Napapansin ko lahat sa kaniya. Malungkot ang mga mata niya at hindi siya gaanong kumakain kaya lahat ay ginagawa ko para pilitin siya. Hindi na healthy para sa kaniya 'yon kahit sabihin niyang part ng diet niya 'yon.
Ang daming kapalpakan ni Elyse pero tinatanggap ko na lang ang lahat dahil ayaw ko siyang umalis. Hindi ko rin siya kayang paalisin. Kawawa na 'yong uniform ko. Sabi pa naman ni Mrs. Valeria, 'yon ang suotin sa meeting bukas dahil may picture-taking. Eh di ang ganda no'n! Ako lang 'yong naiiba ang kulay! Lintik na 'yan.
Kahit anong tago ko, nahalata na rin nina Theo na nakatira na si Elyse sa condo. Ang sabi ko dati, ilang araw lang siya roon dahil wala siyang mauwian pero 'tong mga gagong 'to, sinubukan pang siguraduhin! Bumisita pa nga!
"Kanino 'yon, Engineer Camero?" tanong ni Bianca.
"Sa asawa ko."
Shit! Tangina!
Hindi ko alam ang sasabihin ko! 'Yon na 'yong unang lumabas sa bibig ko at mukha naman akong gago kung bigla kong sasabihin na joke lang. Wala na 'kong naisip.
"Are you jealous?" tanong niya bigla sa 'kin pagkatapos ko siyang sunduin doon sa birthday 'celebration' ng bwisit na Austin.
"Ako?" Natawa ako nang sarkastiko.
"Why? Are you seeing someone else here?"
"Bakit ako magseselos doon? Ang pangit-pangit no'n." Napairap ako.
Hindi naman talaga siya pangit at hindi ko sinasadyang insultuhin siya, pero pinangungunahan lang talaga ako ng selos. Hindi naman sa threatened ako pero... naiirita ako, puta! Nakakabadtrip talaga! Siyempre, hindi ko masabi!
elydezma: Sweet escape. Who wants to drink wine with me? Vieni qui e baciami.
Sinearch ko kaagad kung anong meaning no'n. Come here and kiss me, amp? Para kanino na naman 'yon? Para roon sa Austin?
"Ay, puta, na-like," bulong ko.
Binawi ko kaagad ang like ko. Hindi 'yon kalike-like kung hindi para sa 'kin 'yong caption.
"Pare, ayoko talaga uminom," sabi ko kay Arkin habang nilalagyan niya ng Black Label 'yong baso ko.
"Minsan na nga lang tayo magkasama, eh," nagtatampong sabi niya pa. "Tsaka nandito ka na, oh?! Inumin mo na lang. Dami mong reklamo."
"Ayaw kong uminom... ng Black Label," pag-correct ko sa sinabi ko.
Ang hirap hagilapin nitong si Arkin, eh. Napaka in-demand ng gago. Palipat-lipat pa ng bansa. Sikat na sikat na 'to, ah. Ngayon lang siya nagging available kaya nag-ayang uminom. Sinama ko na rin si Theo.
"Brokenhearted ka 'ata, Master," pang-aasar ni Theo. "Huwag kang mag-alala! Mahal ka no'n! Iinom mo na lang 'yan!"
"Hindi ako mahal no'n!" Sumimangot ako. "Mas gusto niya 'yong Austin na 'yon! Chance?! Bibigyan niya ng chance?! Hah!"
"Sino ba 'yon? Abangan natin sa kanto." Nakisali pa 'tong si Arkin. "Gusto mo, pare, retuhan kita? Model?"
"Ulol. Kung hindi si Elyse, hindi ako interesado." Napailing ako.
"Sabi ko nga..." Tumawa si Arkin. "Lakas pa rin ng amats mo ro'n."
"Bakit ang balahura mo magsalita kapag kami kausap mo pero kapag nasa TV ka parang ang pormal mo? Englishero," nagtatakang tanong ni Theo. "Basta ako, I don't English, pare."
Hindi ko na rin alam kung paano pa 'ko nakauwi. Hinatid ata ako ni Arkin. Medyo nahimasmasan na 'ko sa kakainom ko ng tubig pero medyo nahihilo pa rin ako. Hindi ko na nga makita si Elyse nang maayos.
Circle ba siya? Circle... 360 degrees... Pick-up line 'yon ng prof ko dati. Naalala ko lang bigla. Ang ganda ng nasa harapan ko! Ex ko 'to?! Ex ko 'to, p're! Pinatulan ako nito?! Bakit?!
To: Ex
Nasa condo ka pa? Pakuha nung naiwan kong black folder sa study room. Padala sa Batangas kung pwede. Kung hindi, kukuhanin ko na lang sa 'yo.
Gusto ko lang talaga siyang makita. Wala naman akong pakialam sa folder na 'yon, pero noong kinahapunan, sinubukan ko siyang tawagan bago pumuntang Tagaytay kaso busy 'yong phone niya. May kausap ata siya sa tawag kaya dumeretso na lang ako sa pinapagawang bahay ni Luna.
Bakit ba tinanggap ko na gawin 'yon?! Ang dami ko nang ginagawa eh! Nadadamay na naman ako sa kanilang dalawa!
"Ooh, sino siya?" tanong niya sa 'kin.
"Attorney Kalix Martinez." Tiningnan ko siya. "'Yong may-ari ng bahay. Ex ni Luna. Bakit mo tinatanong?"
Bakit niya tinatanong? Interesado ba siya? Bakit siya interesado at bakit ako naiinis? Ito ba 'yong karma ko? Siguro nga. Ang lakas pa ng loob ko noon na pagselosin si Kalix noong may meeting kami, tapos babalik lang din pala sa 'kin. Ganito pala ang feeling. Hindi ko na nga gagawin 'yon!
Pinauna ko na si Eli para makabili ako ng cake. Nakabili na 'ko noong isang araw ng singsing kasama 'yong tatay ko.
"Sino ba 'yan? Sigurado ka na ba diyan?" tanong ni Papa habang pumipili kami ng singsing.
"Ako, sigurado na sa kaniya. Siya, hindi ko alam." Bumuntong-hininga ako.
"Eh di huwag mo munang ibigay hangga't hindi pa sigurado. Baka naman ma-pressure 'yong tao. Uy, eto! Maganda 'to, oh," turo niya sa may salamin.
Kinuha ng babae 'yong singsing at pinakita sa 'kin.
"Pota, ang mahal," bulong ng tatay ko. "Huwag na 'yan!"
"Okay na 'yan." Inabot ko ang card ko. "Maganda naman, eh. Maganda rin 'yong magsusuot."
"Huwag ka pa-kampante, boy." Ngumisi si Papa.
Tama siya. Hindi nga dapat ako nagpa-kampante dahil iniwan ako ni Elyse sa mismong birthday niya. Napakasakit dahil hindi ko alam kung ano 'yong dahilan ngayon. Bakit ba umalis na naman siya?
'Sev,
Thanks for making me stay here for a short time.
You can have your freedom back now.'
Tinanggap ko 'yong rason niya kung bakit kinailangan niyang umalis noon pero 'yong ngayon, hindi ko talaga maintindihan. Kinuha niya ang mga gamit niya. Hindi ko na alam kung paano uuwi ulit doon nang hindi umaasang uuwi siya kaya nanatili na lang ako sa Batangas.
"Limang taon 'yon, Elyse." Umiyak ako. "Halos lahat ng gawin ko, naaalala kita. Paggising, pagkain, pag-inom, pag-alis, pag-uwi, lahat..."
Lahat. Lahat ng gagawin ko sa araw-araw, siya ang naaalala ko. Bakit kailangan niya 'kong sanayin ulit? Noong akala kong nakaahon na 'ko sa kaniya, tinulak niya ulit ako pababa, tapos bigla niyang bibitawan 'yong kamay ko. Nalunod na naman ako. Parang ganoon ang naramdaman ko.
Napakahirap mahiwalay sa taong napakatagal mong kasama. Nakakapagod mag-entertain ng iba kaya wala talaga akong naging girlfriend kundi siya. Sa ilang taong wala siya, wala akong ginawa kung hindi subukang umahon at kumpletuhing muli ang sarili ko.
Sanay na sanay na 'ko sa presensya niya na hindi ko alam kung ano o paano ba 'ko noong hindi pa kami magkakilala. Ang hirap balikan.
"I miss you na, ugh..." Humiga siya sa kama. "You know what? I haven't had sex for almost four years na! Am I dying?!"
Natigilan ako saglit. Ah... siya rin pala? Hindi lang ako? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman doon.
"I miss your hands on my boobs."
Pota.
Napalunok ako roon at napatingin sa kaniya, nakakunot ang noo. Ano ba? Pinagtitripan ba niya 'ko? Lasing lang siya. Tinanggap ko na lang na nagbibiro lang siya.
"I miss you so much," bulong niya bago makatulog.
Humarap ako sa kaniya at nakitang nakapikit na siya. Inalis ko ang nakaharang na buhok sa mukha niya at hinaplos ang pisngi niya. Napabuntong-hininga ako, titig na titig sa kaniya.
"I love you," bulong ko kahit alam kong hindi niya maririnig.
Sana makaabot sa panaginip niya. Kahit doon lang.
"Get me another one! How dare you throw it out?! You should have just kept it! What did you do to it?"
"Sinangla ko."
Siyempre, hindi ko sinangla. Bakit ko isasangla 'yon?! Tinago ko na lang sa may ilalim ng lamesa, kung saan hindi niya makikita dahil wala naman siyang pakialam sa coffee table. Kapag sa study room ko tinago, alam kong papakialaman niya 'yon.
Bwisit na Austin 'yon. Singsing din ang regalo. Papansin, amputa! Gaya-gaya!
"Good afternoon, Sir," bati ko sa Chairman.
"We want to go around the site," sabi niya.
"Yeah, sure. Engineer Lavin, 'yong hard hats."
Marami siyang tinatanong tungkol sa materials at sa construction. Napahinto kami sa paglalakad para makapagsuot sila ng hard hats. Napasulyap ako sa pwesto ni Elyse nang makitang sinuotan siya ng hard hat noong Austin na 'yon. Ano b'ang trip niya? May kamay naman si Elyse, ah!
"I guess you were right, Anthony." Tumawa si Mr. Del Rosario. "Mukhang nagkakamabutihan na nga si Miss Ledezma at si Austin, huh?"
Napatigil agad kami sa paglalakad. Napatingin sa 'kin si Elyse, nagpapaliwanag ang mga mata. Nang makita ko ang kamay ni Austin sa balikat niya, napailing ako at lumingon kay Theo.
"Abangan mo sa labas. Susunod ako," bulong ko.
"Oh, no, it's not-"
"I'm still courting her, Sir." Tumawa pa si gago. "Hopefully, she would say yes."
Anong yes?! Gago!
"Wala bang boyfriend si Miss Ledezma?"
Magkakaroon. Ngayon na.
"No, she told me she was single."
Napataas ang kilay ko. Ah, 'yon ba 'yong sinabi niya sa kaibigan niya? Siguro nga'y single siya. Ako rin, single.
"Ako sa tatay, ikaw doon sa kaibigan, tapos abangan natin sa labas 'yong Austin. G na, master," bulong sa 'kin ni Theo.
Tatawa na sana ako pero biglang nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Luna.
"Sorry, I'll just take this call. Engineer Lavin, ikaw na," paalam ko bago umalis.
Pumunta kaagad ako sa opisina kahit tinatawag ako ni Elyse. Totoo namang may pinapahanap na files sa 'kin si Luna pero sabi ko'y mamaya ko na lang ise-send. Pumasok ako sa C.R para maghilamos at maghugas ng kamay bago lumabas ulit sa opisina. Ginawa ko lahat para mapakalma ang sarili ko.
Sumandal ako sa table nang bumukas ang pinto. Tumaas agad ang kilay ko kay Elyse. Sumunod pa talaga siya rito, ah. Hindi pa naman ako nakakapag-isip nang maayos kapag nagseselos ako.
"The man I like is you. How about that? Were you aware of that?"
Napatingin ako sa labi niya at nakipagtalo pa sa sarili ko. Bahala na. Lumapit ako para mahalikan siya. Halik lang ang pinlano ko, pero hindi ko na napigilan ang aking sarili. Nang marinig ang tawag niya sa pangalan ko, parang nawala na rin ang iniingatan kong pasensya sa sarili ko. Alam kong mali pero tinuloy ko pa rin.
"Masarap?"
"Fuck you," mariing sabi niya.
Ah, tangina. Hindi ko alam kung bakit mas uminit ang pakiramdam ko nang murahin niya 'ko. Sa tagal naming magkasama, alam na alam ko na kung ano ang masarap at hindi sa kaniya. Ako lang ay may alam no'n. Walang ibang tao. Ako lang.
"Uhm, Engineer Camero, may itatanong daw si Sir Anthony sa site. Babalik ka pa ba?" Ngumisi si Theo.
"Oo, babalik na." Tumango ako at naglakad na palabas.
Habang naglalakad kami sa buhanginan, inabutan ako ng tanginang alcohol nitong si Theo. Tinanggap ko 'yon at naglagay sa kamay ko habang tumatawa siya.
"Ang dumi-dumi mo," pang-aasar niya sa 'kin.
"Ulol." Umiling ako.
"Tangina, wala akong narinig pero pagkabukas ko ng pinto, halatang-halata kayo, Master!" Tumatawa pa rin siya.
Nakakahiya. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang ginawa namin. Hindi ko na uulitin 'yon.
"Manahimik ka na lang," bulong ko sa kaniya.
Hindi naman ako kinakabahan sa mga tanong ng Chairman tsaka ni Mr. Del Rosario. Kahit noong tiningnan nila 'yong opisina ko, hindi pa rin ako kinabahan. Alam kong wala naman akong iniwan doon. Kaso... nasa trabaho nga pala ako kaya mapapahamak pa kaming dalawa. Mali 'yon.
"Gusto mo palitan ng apelyido ko?" tanong ko.
Hindi iyon ang proposal na nasa isip ko pero dahil binanggit na rin naman niya ang tungkol sa apelyido, baka naman pwede kong maisingit 'yon. Hindi ko inaasahang tatanggapin niya pero ginawa niya pa rin.
"I can't wait to marry you," bulong niya, umiiyak.
"Ako rin..." Hinalikan ko siya sa noo.
Nag-aya si Sam ng club. Ang sabi niya, bawal daw dalhin ang asawa o kaya ang girlfriend o boyfriend pero isang malaking scam ang nangyari! Sabi kasi ni Luna, hindi siya pupunta kapag hindi niya pwedeng isama si Kalix dahil ayaw niya raw pumunta na mag-isa. Ayon! Ang nangyari, parang nagsama-sama lahat ng nagselos sa 'kin. May reunion pala.
"Pare, buti umakyat ka na rito," sabi ko kay Arkin nang makita siya.
"Bakit?" tumatawang tanong niya. "Uy, musta?" Binati niya sina Kalix.
Nagsama-sama kami ngayon sa couch, nag-uusap tungkol sa kung anu-ano habang nag-iinuman sila Elyse doon. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Halatang sinusubukan niyang maka-keep up kila Yanna, eh hindi naman niya kaya 'yong alcohol tolerance ng mga 'yon. Siya ang unang malalasing diyan.
"So, you already proposed to her?" tanong ni Hiro sa 'kin.
"Oo..." Tumango ako.
"Sino mauuna sa inyo?" Tumawa si Arkin at tumingin kay Kalix.
"Matagal pa kami ni Eli. May inaayos pa sa trabaho kaya mauuna si Attorney Martinez," sagot ko naman sa kaniya.
"Just call me Kalix, come on." Uminom si Kalix sa baso niya, nakatingin pa rin kay Luna.
"Attorney!" Napalingon kami bigla kay Adonis na mukhang naligaw lang dito. "Nandito pala kayo! Sabi na nga ba, ikaw 'yong nakita namin mula sa taas, eh!"
"What's up," bati rin ni Hiro.
Nandoon din 'yong isa nilang kaibigan na si Leo. Maya-maya, may dumating na rin na isa pa. Tinanguan ko siya at tinapik niya naman ako sa balikat. Mukhang napalakas ah! Mukhang may kasamang galit?!
Tama nga ang hinala ko. Lasing na nga si Elyse noong nakarating sila sa dance floor. Sumandal ako sa railings, may hawak pang baso, para panoorin siya. Baka kung ano ang mangyari roon, eh.
"Your girlfriend's drunk," turo ni Kalix.
"Oo nga, eh." Napailing ako. "Si Luna rin. Hindi naman uminom pero mukhang lasing."
"That's her normal state." Napailing din si Kalix.
"Captain Juarez, tingnan mo asawa mo, oh," turo ko kay Yanna na nagte-twerk doon sa gitna. Natawa tuloy ako dahil hinahatak na siya ni Sam.
"Damn..." Ngumisi si Hiro at uminom na lang sa baso niya. "That's hot."
"Worry about your partner, Engineer Camero." Natawa saglit si Kalix. "Go pick her up. She looks like she'll faint in a second."
"Hindi pa 'yan." Umiling ako, nakatitig kay Elyse. Sana nga ay hindi mahimatay bigla. "Kaya niya pa 'yan."
Kinaya nga niya pero pagkauwi, nag-pass out bigla sa kama. Pagkatapos akong halik-halikan, nakatulog na lang siya bigla. Napailing ako at tinanggal ang makeup sa mukha niya bago tinanggal ang marumi niyang damit na natapunan na ng alak.
"Don't worry about the Batangas incident. We'll take care of it," seryosong sabi ni Kalix.
"Salamat." Tumango ako at napamasahe sa sentido ko.
Alam kong nahihirapan na naman si Elyse dahil sa 'kin. Bumalik na naman sa 'kin 'yong guilt sa nangyari sa Mommy niya. Gusto kong humingi ulit ng tawad sa kaniya. Siguro nga, hanggang ngayon, hindi ko pa pinapakawalan... pero kailangan.
Hindi naging madali sa 'kin na harapin 'yong Daddy niya, ang taong nambaboy sa nanay ko, na siyang sumira ng lahat. Alam ko ring hindi madali para kay Elyse kaya sinamahan ko siya. Hinarap namin 'yon nang magkasama.
Matagal kaming nagplano ng bachelor's party, bachelorette niya, 'yong kasal mismo, at 'yong reception. We wanted it to be the best. Masaya rin ako na sumasama na siya sa mga kaibigan ko at nagba-bonding na silang lahat.
"Nandito ulit ako, Sir." Umupo ako sa tabi ng Daddy niya. Nasa tabi niya si Kuya Roel na nagbabantay at nag-aalaga sa kaniya.
Napatingin sa 'kin ang Daddy ni Elyse at tinanggal ang oxygen mask niya. Tumikhim ako at bumuntong-hininga.
"Papakasalan ko na siya bukas," mahinang sabi ko. "Nandito ako para gawin 'to nang tama. Alam kong hindi mo siya kayang mailakad sa altar at hindi mo kayang tumayo rito kaya pinapa-alam ko sa 'yo... Bukas. Ikakasal na kami bukas."
"That's good..." Naiyak siya sa sobrang tuwa. "I trust you, Engineer Camero..."
"Pinatawad ka na niya, pero hindi pa siya handa para makasama ka ulit. Sana maintindihan mo 'yon, Sir. Ganoon din ang nararamdaman ko sa 'yo..." Tumayo ako. "Salamat sa pagbibigay mo ng buhay sa kaniya. Kahit papaano, naging parte ka pa rin ng pagkatao niya."
"Take care of her," he whispered.
"Kahit hindi mo hilingin, Sir, aalagaan ko siya." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Iyon na ang pinakamabuting pwede kong sabihin sa kaniya kahit hindi niya deserve ang kabutihan ko.
Iyon na ang huli kong sinabi bago umalis. Dumeretso ako sa puntod ng Mommy niya para maglapag ulit ng bulaklak. Nilinis ko ang lapida at inalis ang mga damong nakaharang doon bago umupo sa damuhan.
"Papakasalan ko na ho ang anak n'yo bukas, Ma'am." Ngumiti ako sa sarili ko. "At sana masaya ka... Sana masaya ka para sa amin."
Matagal kong tinitigan ang pangalan niya sa lapida, sinusubukang alisin ang masasamang alaala sa utak ko. Mas gusto ko na lang alalahanin 'yong mga panahong nandito pa siya. Kung paano niya 'ko tinanggap para sa anak niya.
"Napatawad ko na ho ang sarili ko," bulong ko. "Salamats a lahat ng ginawa n'yo para kay Elyse. Sa lahat ng sinakripisyo n'yo para sakaniya, at salamat dahil lumaki siyang matatag. Alam kong manonood ka ho bukas. Huwag kayong mag-alala. Lahat ay gagawin ko para pasayahin siya."
Nilabas ko ang papel na nasa bulsa ko. "Sinulat ko ho ang wedding vow ko para sa kaniya. Dapat pati 'yong sa akin marinig n'yo rin, 'no?"
Huminga ako nang malalim bago ko sinimulan.
"Elyse, hindi ko na kailangang ikwento kung paano tayo nagkakilala dahil halos lahat sila, alam na nila 'yon," pagbabasa ko. "Sasabihin ko na lang 'yong una kong naramdaman noong nakita kita..."
Sa isang kurap ko, nasa harapan ko na siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Hinawakan ko ang kamay niya habang ang lahat ng tao ay nakatingin sa amin, nanonood, at naghihintay ng susunod na sasabihin ko.
"Hindi kita nagustuhan, eh." Tumawa ako habang hawak ang microphone. Tumawa rin sina Arkin. "Sabi ko kasi ayaw ko sa mga katulad mo. Bago pa nga kita makilala, alam ko nang hindi ikaw 'yong type ko. Alam ni Arkin 'yon."
Sinamaan ako ng tingin ni Elyse kaya natwa ako pero pinagpatuloy ko pa rin ang sinasabi ko.
"Pero nakita ko kung gaano kabuti 'yong puso mo. Nakita ko kung gaano ka kahanda isakripisyo ang lahat para sa kasiyahan ko at sa kasiyahan mo. Limang taon din 'yon, Eli... Limang taon. Halos lahat na ng paghihirap, naranasan na natin. Mula sa basketball, cheerdance competition, sa pag-aaral, sa pag-graduate, pag-take ng boards, sa pagkuha ng trabaho, sa mismong pagtatrabaho, sa pagkuha ng unang condo at sa pagpili ng mga gamit. We grew together... and then grew apart..."
Tumingin ako sa mga mata niya at nakita na ang nagbabadyang luha roon. Ngumiti ako sa kaniya kahit nanginginig na rin ang mga kamay ko.
"Pero 'yong panahong magkahiwalay tayo, 'yon 'yong nagpatatag sa 'tin." Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. "I want to thank you for being with me. Salamat sa pagtitiis mo sa corny kong mga banat, sa paglalaro ko ng kung anu-ano sa computer, at sa silent treatment ko sa 'yo tuwing galit ako. Makikipag-usap na ako nang maayos, promise."
Tumango siya at kinagat ang labi, tumutulo na ang luha. Huminto ako saglit para huminga nang malalim dahil nagbabadya na rin ang luha sa mga mata ko.
"Ngayong araw, tatanggapin kita nang buong buo. Tinatanggap kita bilang ikaw. I take you with all your faults, insecurities, attitude, weakness, and strength. I promise to always choose you and love you every passing day. Sa paggising, sa pagtulog, ikaw ang pipiliin ko at mamahalin ko. I promise to be with you when you think that everything is falling apart. I promise that I will try every day to present my best to you."
Tumulo na ang luha ko kaya sinubukan kong punasan 'yon gamit ang likod ng kamay ko. Tumawa saglit si Elyse at yumuko para hindi ako makitang umiiyak dahil mas naiiyak lang siya.
"I promise that I will share everything with you. Kahit pagkain ko pa." I laughed. "I promise that I will never make you feel that you are alone in every battle that you will face. I promise to be your strength, your motivation to keep moving forward, and your inspiration to be better every day. Lahat ng kalungkutan mo, sasaluhin ko. Lahat ng kasiyahan ko at kasiyahan mo, ibabahagi natin sa isa't isa. I promise that I will always be here to support you."
Nanginginig na ang boses ko. Pinunasan ko ulit ang luha ko bago magpatuloy. Ang dami na ring umiiyak sa bisita. Tinanguan ako ni Arkin para sabihin sa 'king kaya ko 'to.
"Pinapangako kong hindi ako aalis sa tabi mo kahit gaano kahirap o kahit gaano nakakapagod... kasi mahal kita." Napakagat ako sa labi ko at huminga nang malalim. "At lahat kakayanin ko kapag nandiyan ka. I promise to make you proud..."
"I'm already so proud of you," bulong ni Elyse, umiiyak.
"I, Sebastian Vincent Camero, take you, Amora Elyse Ledezma, to be my lawfully wedded wife... To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, for sickness and in health, to love and to cherish, 'til death do us part... and this is my solemn vow."
Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa dulo ng ceremony. Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa harap ng lahat. Ngumiti siya sa 'kin at niyakap ang leeg ko.
"I love you," bulong niya sa 'kin.
"Mahal kita, at mamahalin kita sa bawat araw na lumipas." Hinalikan ko siya sa noo.
Lahat ng pangarap namin, tutuparin namin nang magkasama. Mula sa unang taon, sa unang bahay, sa unang anak, sa lahat ng una, mananatili ako. Hindi ko siya iiwan... because a life without her, is a life that I can never live.
Kaya mananatili ako... Kahit gaano katagal, kahit gaano kahirap, dahil siya lang ang taong gugustuhin kong makita sa bawat tapos ng laro, ng trabaho, at ng araw.
Siya ang pahinga ko.
Sebastian Vincent Camero
#2.
- End -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro