34
TW: harassment
"Ma, bakit ba kasi kailangan kasama pa 'ko? Hindi ko naman 'yan kilala."
Kanina pa 'ko nagrereklamo kay Mama pero parang wala siyang naririnig. Sinuot ko na lang ang coat ko dahil bumusina na si Arkin sa labas ng bahay, sinusundo kami. Binuksan niya ang artista van niya at agad ngumisi sa 'kin.
"Wow, pogi mo naman p're." Tumawa pa si gago.
"Sana ikaw rin," sagot ko bago ako umupo sa tabi niya.
"Steven, ha. Alagaan mo ang kapatid mo," paalala pa ni Mama bago sumakay sa van.
Pumikit lang ako at nagpahinga nang kaunti habang nasa byahe papuntaroon sa venue ng hotel. Tangina, hindi naman dapat ako kasama rito pero sinamaako para raw libre ang sasakyan. Pwede raw kami magpasundo kay Arkin. Isa pa'tong hayop na 'to. Namimilit pa, eh.
"Sino ba 'yong may birthday?" iritang tanong ko. "'Paka-corny naman niyan. Padebut-debut pa."
"Bobo ka, p're. Mayaman kasi 'yon." Tumawa si Arkin.
"Oh, ano naman? Ayoko sa mayayaman." Ngumisi ako. "Ang aarte kadalasan, eh."
"Anak 'yon ng boss ko, Sebastian. Ayusin mo 'yang ugali mo mamaya." Pinagalitan ako ni Mama nang marinig ang usapan namin. "Naku, kapag ako natanggal talaga sa trabaho, malilintikan ka sa 'kin."
Maayos naman ako, ha! Bakit tingin 'ata sa akin ni Mama ay masama ugali?!
Sa tagal ng byahe namin dahil sa traffic, nakalimutan ko na yata ang pangalan ko. Lintek, nahilo-hilo pa 'ko pagbaba ng van dahil sa paghinto-hinto. Bwisit na traffic 'yan. Bakit kasi hindi ayusin 'yong public transportation system para hindi na bumili nang bumili ng sasakyan ang mga tao?! Napakahirap kaya mag-commute dito.
"P're, tara na." Hinatak ako ni Arkin papasok ng venue. Nakasunod sa likod namin si Mama, dala-dala 'yong invitation.
Pagkapasok namin, si Mama ay pumunta na roon sa table nilang mga empleyado habang ako, umupo sa parehong table kay Arkin. Napangisi ako. Puro bigatin ang kasama namin sa table, ah! Mga artista't mga model. Ayos 'yon. Baka mapagkamalan pa 'kong artista rito. Hindi naman ganoon kahirap.
"Hi," bati ko sa babaeng nasa kabilang upuan. "Parang nakita na kita."
"Is that a pick-up line?" Tumawa siya.
"Hala, hindi ah. Nakita na talaga kita. Model ka ba?" Curious lang naman ako kaya ko natanong.
"Yes. I'm Giselle, by the way." Ngumiti siya sa 'kin at nakipagkamay.
"P're, tama na landi. Magsisimula na." Umupo si Arkin sa gitna namin, tinatawanan ako. "'Selle, sorry about my friend. Ano'ng sinabi niya sa 'yo? Medyo nakakahiya talaga siya..."
"Bobo, amp," bulong ko sa kaniya.
Hindi na siya nakasagot sa 'kin dahil nagsimula na 'yong party. Nangalumbaba lang ako sa lamesa at inuubos 'yong appetizer na binigay. Muntik na 'kong mabulunan nang pumasok na 'yong debutant at naglakad sa red carpet. Start na pala talaga.
Una kong napansin 'yong gown. Halatang pinagplanuhan at pinaggastusan nang maraming pera. Ang daming kumikinang! Napakunot ang noo ko nang umangat ang tingin ko sa mukha niya. Mataray 'yong kilay at mga mata. Manipis ang labi niya, ganda ng ilong, tapos kitang-kita 'yong cheekbones.
Natawa ako habang ngumingiti siya sa mga bisita niya. Hindi ko alam kung totoong ngiti ba 'yon o ano. Hindi ko naman siya kilala kaya hindi ko na siya hinusgahan. May vibe lang siyang ganoon... na parang mahirap siyang kaibiganin. Wala naman akong plano. Narito lang naman ako para kumain.
Umiwas na 'ko ng tingin at tinuon na lang ang atensyon ko sa tubig na nasa harapan ko. Gusto ko sana'y juice. Dapat juice na lang ang binigay. Oo, choosy pa 'ko kasi yummy naman ako.
"P're, CR lang ako." Inabot sa kin ni Arkin 'yong hawak niyang rose.
Napakunot kaagad ang noo ko at tumingin sa kaniya. "Ano? Eighteen roses na ah?!"
"Ikaw na pumunta roon 'pag hindi ako umabot. Najejebs ako, promise!" Nagmamadali siyang umalis.
"Hoy-" Hindi ko na siya napigilan dahil tumakbo na siya paalis. Hindi ko alam kung nanti-trip 'yong gagong 'yon pero hindi nakakatuwa! Ang sabi ko, gusto ko lang kumain! Bakit nabigyan ako bigla ng responsibilidad?!
"Larkin Sanchez," tawag noong emcee.
Gago ka, Kino. Bahala ka sa buhay mo. Hindi ako pupunta diyan sa harapan.
Nagbulungan na 'yong mga tao at lumingon na rin sa paligid 'yong debutant. Natahimik ang lahat, naghihintay para kay Arkin. Hindi ko na kinaya 'yong kahihiyan. Napamura na naman ako bago ako tumayo at naglakad palapit. Naawa ako sa hitsura niya. Para siyang hindi sinipot sa date.
Inabot ko sa kaniya ang rose at padabog niyang kinuha sa 'kin 'yon. Aguy, attitude siya, eh.
Awkward kong nilagay ang mga kamay ko sa baywang niya at nilagay naman niya ang mga kamay niya sa balikat ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil masama ang tingin sa 'kin noong babae. Ano ba ang kasalanan ko?! Ako na nga ang nandito kahit ayaw ko!
"Who the fuck are you?" galit na tanong niya sa 'kin.
"Nasa restroom si Kino," pagpapaalam ko.
"Go Camero!" sigaw nung kakilala kong player ng La Salle. Napangisi ako at sinaluduhan siya habang sinasayaw ko 'yong babae sa harapan ko. Ni hindi ko nga 'to kilala.
Napatingin ako ulit sa babae nang bigla niyang ibaon ang kuko niya sabalikat ko sa sobrang higpit ng hawak niya sa 'kin. Nagsalubong agad ang kilay ko at tiningnan siya nang masama. Anak ng? Bakit nananakit pa?! Siya na nga 'yong sinipot ko rito!
"Go. Walk away. Now," bulong niya sa 'kin nang i-announce ng emcee 'yong susunod.
"Okay, chill. Galit na galit." Tumawa ako bago naglakad pabalik sa table.
Nawala ang ngiti ko nang makita ko na si Arkin na nakaupo roon at tinatawanan ako. Malakas ko siyang binatukan bago ako umupo. Tawa pa rin nang tawa 'yong gago.
"Baka 'yan na forever mo, p're," pang-aasar niya pa.
"Ito ka, oh." Tinaas ko ang middle finger ko sa harapan ng mukha niya. "Forever amputa. Walang ganoon. Corny mo."
Hinihintay ko na lang talagang matapos 'yong party. Mabuti na lang at masarap 'yong pagkain nila kaya hindi ako gaanong na-bored. Nang maglibot-libot na 'yong debutant, pumunta ako sa table nila Wayne, basketball player ng La Salle. Nagkwentuhan kami saglit hanggang sa tinawag ako ni Arkin para ipakilala roon sa may birthday.
"Kahapon ang birthday ko, hindi ngayon," masungit na sagot niya sa 'kin.
"O, eh di happy birthday!" Nag-peace sign ako para naman mabawasan ang galit niya sa 'kin. Aba, inirapan ba naman ako!
Pagkatapos ng party, pinilit na naman ako ni Arkin na sumama sa after-party kahit hindi naman ako imbitado roon. Uwing-uwi na 'ko pero sabi niya'y ipapakilala niya raw ako sa mga kaibigan niya at magrereto siya kaya sumama na lang ako. Pinahatid ni Arkin sa driver niya si Mama para hindi mainip. Alangan namang isama ko si Mama sa inuman?
"Lasing na 'yon, oh." Siniko ko si Arkin at tinuro si Elisa, 'yong may birthday.
"Hindi naman 'yan palainom," sagot naman ni Arkin sa 'kin. "Crush mo ba? Kung crush mo, tutulungan kita. Ano, game?"
"Ulol. Anong crush? Mahiya ka nga." Umirap ako at binottoms-up 'yong tequila. "Hindi ko nga kilala 'yan."
Nakaka-sampung shot na 'ko, hindi pa rin ako nalalasing. Hindi naman kasi ako madaling malasing, eh. Iniwan ako ni Arkin saglit para makipag-usap sa mga kaibigan niyang artista kaya naiwan ako sa may tabi ng pool.
"Oh." Hinawakan ko kaagad si Elisa sa braso nang muntik na siyang matumba.
"Ikaw na naman!" Tinuro niya 'ko.
"Sorry, hindi ako kumakausap ng lasing." Tumawa ako at naglakad na paalis.
Napatigil ako nang biglang may humatak sa coat ko. Hindi pa 'ko nakakalingon, napamura na 'ko dahil nahatak niya 'ko papunta sa pool. Mabuti na lang ay marunong akong lumangoy, anak ng!
Umahon ako at umupo sa gilid para tanggalin ang coat ko na nagpapabigat sa katawan ko. Tumakbo kaagad si Arkin papunta sa 'kin para tawanan ako, kasi gago siya. Sinuklay ko ang buhok ko para hindi nakaharang sa aking mukha bagoko tinanggal isa-isa ang pagkabutones ng polo. Hinubad ko 'yon sabalikat ko kaya nilamig ako bigla.
Hay, badtrip! Umupo ako sa lounge chair at tinanggal ang mga gamit ko sabulsa. Buti na lang ay wala akong dinalang wallet dahil wala naman akong pag-gagastusan ngayong araw. Napailing ako nang ilabas ang cellphone ko. Hinubad ko na rin 'yong basang sapatos ko at medyas.
"U-uhm..." Lumapit sa 'kin si Elisa.
Tiningnan ko lang siya saglit bago piniga ang polo ko para matanggal 'yong tubig.
"Towel." Inabutan niya 'ko ng tuwalya.
Hindi ako nagsalita at kinuha na lang ang cellphone ko para tingnan kung gagana pa. Sinubukan kong buksan pero namatay lang din. Anak ng! Dapat pala nilagay ko sa bigas, eh. Effective ba 'yon? Napamasahe tuloy ako sa ilong ko sasobrang inis.
Nag-offer siya ng bagong cellphone pero mas kailangan ko ang bagong damit. Umalis agad siya para may mautusang bumili.
"P're, ang usapan debut ang pupuntahan. Bakit uuwi akong parang galing sa outing?" sabi ko kay Arkin.
"Kung ako sa 'yo, tatanggapin ko na 'yong cellphone. Wala lang sa kaniya 'yan. Mayaman 'yan," sabi ni Arkin.
"Ayaw ko nga. Magka-utang na loob pa 'ko diyan." Umiling ako. Mahirap na 'yong ganoon.
Binigay na sa 'kin 'yong damit. Medyo maliit siya at hapit sa katawan ko pero okay na rin kaysa wala akong suot pauwi. Ayaw ko rin namang umuwi na basa 'yong damit.
"Thank you. Happy birthday, Elisa," bati ko.
Nagsalubong ang kilay niya. "What?!"
"Elyse, p're," bulong ni Arkin sa 'kin.
"Ah..." Natawa ako. Mali pala 'yon? Akala ko 'yon talaga ang pangalan niya. "Happy birthday, Elyse, p're."
Mukhang galit pa rin siya sa 'kin dahil sa panggagago ko. Sige na nga, aayusin ko na.
"Elyse," ulit ko. "Happy birthday, Elyse."
Napakadali niyang inisin dahil halatang pikon siya. Ako naman, gustung-gusto kong namimikon kaya siguro hindi ko siya matigilan. Hindi ko na rin alam kung bakit. Sa mga tropa kong babae, wala namang madaling pikunin. Si Luna, hindi ko kayang asar-asarin nang sobra kasi gumaganti rin siya. Si Yanna, baka suntukin ako kaagad. Gumaganti rin 'yon ng insulto. Si Kierra, 'yon, mainitin ang ulo pero sumasakay rin naman sa trip. Si Via, minsan nang-aasar pabalik pero madalas, wala na lang siyang pakialam dahil pagod na siya sa 'kin. Si Sam naman, masyadong mabait para inisin.
Finollow ko kaagad si Elyse. Ang dali hanapin! Search ko lang sa following list ni Sam sa Instagram, lumabas na kaagad. Kailangan ko 'yong coat ko para sa presentation namin kaya minessage ko siya. Inabot niya naman sa 'kin pagkatapos ng laro namin na kalaban ang La Salle.
Nakakatawa siya mag-cheer. Napapangiti tuloy ako kapag napapatingin ako sa side nila. Halatang iniiwasan niya ang tingin ko. Noong kumaway ako, hindi niya 'ko pinansin. Napakasungit.
"Here are your clothes." Inabot niya sa 'kin ang paper bag.
"Salamat." Kinuha ko 'yon mula sa kamay niya. "Uuwi ka na?"
Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Why are you asking again?"
Bakit nga ba? Aayain ko sana siyang kumain dahil noong inaya ko siya mag-breakfast, iniwan niya 'ko sa sobrang pikon niya. Bawal nga lang ngayon dahil kakain kami nina Luna.
"Sevirous! Tara na, aba! Lumalandi ka pa diyan!"
Ayon nga, umepal na nga. Nakikipag-usap pa 'ko eh! Nagpaalam muna ako kay Elyse bago ako tumakbo pabalik sa kanila. Lumabas kami ng Arena at inulan ako ng pang-aasar.
"Crush mo?" tanong ni Luna sa 'kin, nakangiti pa at halang nang-aasar.
"Hindi..." Umiling ako. "...pa."
Hindi pa siguro. Kapag nakasama ko na siya kumain at nakakwentuhan ko na, saka ko pa lang malalaman kung crush ko ba o ano. Hindi ko pa naman siya kilala kaya paano ko masasabing crush ko 'yong tao. Interesting lang siya sa akin ngayon dahil pikunin siya.
"Delete that! I probably looked dumb!" Sinubukan niyang agawin ang phone ko.
"Feeling, hindi naman kasama mukha mo." Tumawa ako.
Sinungaling. Kasama 'yong mukha niya sa picture na 'yon. Mukha siyang gulat pero maganda pa rin naman siya sa picture na 'yon. Ang cute lang kasi suot niya 'yong shirt ko. Cheerleader ng La Salle, pero naka-tiger shirt? Poser 'to.
"Tapos nakakatawa, kasi si Ke..." Napatigil bigla si Luna sa pagkukwento habang naglalakad kami. "Seb, 'yon ba 'yong... kausap mo last time? 'Yong crush mo?"
Napatingin agad ako sa babaeng naglalakad palayo. Tinawag ko kaagad siya.
"Do you like me?" matapang na tanong niya sa 'kin.
Naubo bigla si Luna at nabulunan siguro sa fishball. Tumatawa pa. Lakas manggago. Lumingon ako sa kaniya at tiningnan siya nang masama para tumigil siya sa katatawa.
"Sabi mo ayaw mo ng soft drinks at juice, at ayaw mo rin ng service water. Ano ang oorderin ko?" Naguguluhan na talaga ako sa babaeng 'to. Bakit ko nga ulit inaya kumain 'to?
Kumain na 'ko, eh!
"I told you to buy a bottled water or something!" Sumimangot siya
"Walang bottled water," sagot ko naman.
"Okay, kapag nabulunan ako at namatay, kasalanan mo!"
Aba, lakas magpa-guilty ah. Bumuntong-hininga ako at kinuha ang wallet ko bago naglakad pababa. Lumabas pa 'ko ng Wendy's at pumunta sa punyemas na convenience store na laging sira ang aircon at amoy kulob. Kumuha ako ng tubig sa ref at binayaran sa counter bago ako naglakad pabalik sa Wendy's. Pagkaupo ko tuloy, pawis na naman ako. Feeling ko sumama pa 'yong amoy noon sa damit ko!
"Ano'ng course mo?" tanong ko
"Applied corporate management."
Luh, tunog mayaman.
Hindi ko alam kung sinasadya ko na mag-iwan ng gamit sa kaniya o nakakalimutan ko lang talaga kuhanin tulad noong linchak na I.D ko. Na-late tuloy ako. Pumunta pa 'ko sa ibang gate para makalusot. Tamang takip lang ng bag. Hinintay ko rin na maraming pumasok sa building para hindi na mapansin kapag hindi ako nag-tap ng I.D. Napakahirap!
"Eli, breakfast daw kayo sabi ni Sevi!" sigaw ni Arkin.
"Huh?" Gulat akong napalingon sa kaniya.
Gagong 'to! Ano'ng trip nito? Wala naman akong sinabing ganoon! Sabi niya magbe-breakfast daw kami at ililibre niya 'ko, bakit naiba 'yong usapan?! Talkshit talaga nito. Mabuti na lang ay gusto ko rin na naman maka-breakfast si Elyse kaya pabor lang din.
Napakagulo ni Elyse. Ang dami niyang nirereklamo at pinoproblema. Halatang-halata sa kaniyang hindi siya mulat sa totoong nangyayari sa labas, pero alam ko namang mabait siya. Kailangan niya lang siguro ng kaunting tulak. Naguguluhan din ako kung bakit nagagalit na lang siya sa 'kin bigla! Ano b'ang problema nito?
Mabuti na lang... mahaba ang pasensya ko.
elydezma: I'm here na. Nakaupo ako sa wooden bench near covered court, katabi nung yellow na building? Idk.
"Camero! Balik dito!" sigaw ni coach.
Tumakbo kaagad ako pabalik pagkatago ng phone ko sa bag. May pa-meeting 'tong si coach ngayon. Hindi ako makapag-focus. Naiisip ko na 'yong inip na mukha ni Elyse sa labas dahil sa kakahintay. Pagkatapos tuloy ng training, ako na ang unang-unang lumabas.
"Madaling-madali, ah?!" sigaw ni Ian.
Bakit nga ba? Hindi naman ako ganito noon, ah. Napailing ako at lumabas na.
"Bakit? Nakakahiya ba 'ko kasama?" tanong ko sa kaniya.
Hindi siya nakasagot. Umiwas siya ng tingin at hindi na makapagsalita. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko at dahan-dahang tumango. Umalis na lang ako roon at umuwi. Wala, eh... 'Yong hindi niya pagsagot, alam ko na ang ibig sabihin noon.
Ang hirap naman niya abutin.
Itutuloy ko pa ba 'yong kilalanin siya?
"Ma, ayaw ko ngang sumama," reklamo ko ulit nang inaya niya na naman ako sa party. Birthday 'ata ng Daddy ni Elyse. "Dito na lang ako. Manonood ako ng TV o kaya mag-aaral ako."
"Hay nako, Sebastian ha! Napakaano mo!" Pinagalitan na naman niya 'ko. "Ano'ng kakainin mo rito, ha?! Doon, libre pa ang pagkain! Wala pang huhugasan!"
"Ito na nga," bulong ko at tumayo na para magbihis.
Ayaw kong pumunta dahil ayaw kong makita si Elyse... slight. Mas nangunguna pa rin ata sa 'kin 'yong kagustuhang makita siya. Ang hirap niya talagang layuan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Hindi pa naman kami ganoon katagal na magkakilala.
"Sus." Napailing ako habang pinapanood siyang tumawa-tawa kasama 'yong lalaki. Hindi ko gaanong makita dahil nakatalikod sila sa pwesto ko pero naglalaro ata sila. "Ang saya niya pa, ah. Ayos. 'Na ol."
"Sevi's graduating without a girlfriend. Be like him, Elyse. Hindi ka pa pwedeng magka-boyfriend. That's just a distraction."
Nasamid ako bigla sa sinabi ng tatay niya. Kakaamin ko lang kanina na crush ko siya tapos malalaman ko ngayong bawal pa pala siyang magka-boyfriend? Awit 'yon! Hindi naman sa nagmamadali ako pero ang hirap lang dahil malaki ang respeto ko sa tatay niya.
"Pucha, ano 'yang suot mo?" Tumawa si Via nang makita ako.
"Dalawa sinusuportahan ko, bakit ba?" Tiningnan ko ang suot kong La Salle shirt at black tiger jacket. "'Wag ka na mangialam!"
"Hulog na hulog!" Umiling si Luna, tumatawa.
Hindi na talaga kami awkward sa isa't isa kahit umamin ako sa kaniya noon at ni-reject niya ako. Pagkatapos noon, back to normal lang din kasi ako, tanggap ko naman na 'yon, matagal na. Kailangan ko lang talaga aminin para alam kong tapos na talaga. Ang tingin ko na lang talaga sa kaniya ngayon ay kaibigan, wala nang higit pa. Ganoon din siya sa akin.
"Kinakabahan ka lang kasi baka manonood ex mo ngayon." Ngumisi ako. Wala ring kahit anong sakit kapag inaasar ko siya kay Kalix. Walang-wala na talaga. Tapos na ako roon.
Ang ganda ng routines ng mga school, pero ako yata ang kinakabahan para kay Elyse, eh. Hindi ako mapakali sa upuan ko, lalo na noong tinawag na sila. Halatang kabadong-kabado siya.
"Go La Salle!" sigaw ko.
"Hoy, traydor!" Hinatak ako paupo ni Kierra.
Todo cheer pa 'ko pero nanahimik ako nang biglang mahulog si Elyse sa mat. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo saglit para tingnan kung okay lang siya. Halatang masakit ang binti niya pero ginawa niya pa rin 'yong stunt nila. Alalang-alala na 'ko at hindi na nakapag-focus sa ibang performance.
"Okay lang ba binti mo?" tanong ko sa kaniya pagkatapos.
Nakita ko kaagad sa mga mata niya ang nagbabadyang luha kaya lumapit ako para yakapin siya. Hirap na hirap ako para sa kaniya nang umiyak siya sa dibdib ko. Parang pinipiga ang puso ko. Lahat na yata sinabi ko para tumahan na siya.
"Uy, congrats," bati ko sa Salinggawi habang yakap ko pa rin si Elyse.
"Bebe mo?" Tumawa si Trisha, nang-aasar.
"Oo eh. Ingat kayo." Tumawa rin ako at kumaway bago sila umalis.
Noong gabing 'yon, wala naman talaga akong plano na i-meet ang Mama niya. Nagmadali tuloy akong maligo at magbihis. Hindi ko pa alam kung ano ang susuotin ko.
"Hello po," bati ko kay Kuya Roel pagkapasok ko ng kotse. "Okay ba suot ko, Kuya Roel?"
"Pwede na 'yan, Sir." Tumango siya.
"Mabait ba Mommy ni Elyse? Natatakot kasi ako, eh. Wala ka bang tips diyan?" tanong ko ulit sa kanya.
"Mabait naman 'yon, Sir. Huwag mo lang baguhin ang ugali mo dahil mas gusto niya 'yong totoong ikaw para mas makilala ka pa niya," sagot naman niya sa 'kin. Ayos din sumagot ni Kuya Roel, ah!
"Mukhang expert ka, Kuya. Marami ka na sigurong naging jowa." Tumawa ako.
"Wala nga, Sir." Tumawa rin siya. Oh, 'di ba, nagtawanan lang kami. Close na kami. "Ah, oo nga pala, baka pwedeng hingin ang number mo, Sir?"
"Ah, bakit Kuya? Gusto mo maging textmates?" pagbibiro ko. "Wala pa naman akong load madalas."
"Pass." Umiling siya. "Para lang alam ko kung nasaan si Ma'am Elyse. Palagi kayong magkasama eh. Alam ko naman 'yon."
Syempre, binigay ko ang number ko. Sino ba naman ako, 'di ba?! Para alam niya rin na mapagkakatiwalaan naman ako. Mamaya, isumbong niya pa 'ko sa Daddy ni Elyse eh. Yataps ako roon.
"Busog pa 'ko," bulong ko kay Elyse.
"You don't want to eat my food?" Natakot ako bigla sa Mommy niya.
"Actually, gutom nga po ako. Nagutom ako sa byahe." Ngumiti ako at kumuha ng pagkain.
Hindi ko inaasahang napakabait ng Mommy niya, kaya siguro mabuti rin ang puso ni Eli. Kitang-kita ko sa kanilang dalawa kung gaano sila kalapit sa isa't isa. Ang saya-saya ni Elyse kapag kasama niya 'yong Mommy niya. Ang dami rin nilang pagkakapareho.
Magkaiba ang pamilya namin. Ako, may responsibilidad ako sa pamilya namin. Inaasahan nila ako roon. Si Elyse, suportado siya ng magulang niya at hindi na niya kailangan isipin kung ano ang gagawin niya pagkatapos. Ang iisipin niya lang ay iyong sarili niya. Walang kapatid na susuportahan.
"I want a relationship with you."
Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko nang umamin siya sa 'kin. Kahit palagi kaming magkasama, hindi pa rin ako umasang mahuhulog din siya sa akin. Ayaw ko kasing umasa dahil baka masaktan lang ako sa huli... pero tinuloy ko pa rin kay Elyse kahit alam kong may chance na hindi niya ako magugustuhan pabalik. Nagulat pa tuloy ako nang malamang may gusto rin siya sa akin.
Parang... Wow, nagustuhan niya ako? Si Elyse?! Wow!
"LET'S GO, SEVI! GO UST! HABOL TAYO!"
Tumingin ulit ako sa score at nakita ang lamang ng Ateneo. Napabuntong-hininga ako, unti-unti nang nawawalan ng pag-asa ngunit sinusubukan ko pa rin. Si Elyse na lang ang pinagkukunan ko ng lakas noong panahong 'yon.
Napatigil ako sa pagtakbo nang marinig ang buzzer. Nag-celebrate kaagad 'yong Ateneo. Napangiti ako nang malungkot nang lumapit ang mga teammates ko sa 'kin at niyakap ako. Tinapik ko ang balikat nila.
"Sorry, Captain," bulong pa noong isa. "Sobrang nakakapanghinayang..."
"Gago, okay lang 'yon, ano ka ba." Tumawa ako. "Huwag na kayong malungkot."
Nakipag-kamay ako sa players ng Ateneo, nakangiti pa 'ko kahit nanlulumo na talaga. Nanghihinayang lang ako, pero wala naman na 'kong magagawa roon. Tapos na ang laro. We tried our best. I tried my best. Wala akong pagsisisihan.
"Congrats, p're," bati ko.
Pagkatapos, tumingin na 'ko sa gawi nila Elyse. Ngumiti siya sa 'kin habang naglalakad ako palapit. Pumasok ako sa loob at umakyat ng hagdan kung nasaan siya. Niyakap niya ako at binaon ko ang aking mukha ko sa leeg niya.
"I'm still so proud of you," bulong niya.
Ang sarap at sakit sa pakiramdam. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Iniyak ko na lang sa kaniya ang lahat. Sa kaniya ko lang kaya ibuhos ang nararamdaman ko. Isang iyak lang bago ako maging okay ulit.
"Shh, it's fine. You did your best, baby." Hinaplos niya ang likod ko.
Nang tumigil ako sa kakaiyak, pinakawalan na niya 'ko at naglakad na rin ako pabalik. Napahinto ako kasi nakasalubong ko sina Luna na naghihintay sa 'kin sa baba.
"Hoy, congrats!" Niyakap ako ni Kierra at saka ni Via.
"Okay lang 'yan. Talo ka man dito, panalo ka naman sa love life, erp," sabi sa 'kin ni Luna kaya natawa ako.
Panalo nga ako roon. Kay Elyse.
"Are you breathing?" tanong niya sa 'kin. "Is it hot?"
"Hindi naman." Pinunasan ko ang pawis sa noo ko.
"Then why are you sweating? I think it's hot." Tumayo siya at kinuha ang remote ng aircon.
Hindi ako mapakali. Bakit ba kailangan ko pang pumasok dito sa kwarto niya? Naiilang ako, eh. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ni hindi ko alam kung paano ako uupo. Hindi ko alam kung pinagtitripan niya 'ko o ano noong niyakap niya 'ko bigla.
"Have you tried kissing?"
Jusmiyo, mahabagin.
"Oo..." Tumango ako sa kaniya. Nakakahiyang pag-usapan 'yong ganoon, ah. Nahihiya kasi ako sa exploration stage ko noong college.
Noong tinanong niya kung sino na ang mga nakahalikan ko, hindi ko alam kung sinong sasabihin ko. Muntik ko nang masabing si Yanna kasi siya 'yong first kiss ko noong highschool.
Tangina, nakakadiri talaga. Ako rin kasi first kiss ang niya. Aksidente lang naman 'yong nangyari. Hindi ko ginusto 'yon, 'no! Naglalaro lang kami noong game tapos ganoon ang nangyari! Hindi ko dapat kina-count as first kiss 'yon!
"Do you want to kiss now?" tanong niya habang malapit sa akin.
Puta, hirap na hirap na 'ko. Naiilang ako sa topic na 'to! Ano b'ang gagawin ko? Ano b'ang gusto niya? Masyado siyang curious sa mga ganoong bagay!
"I'll try," determinadong sabi niya.
Tumango na lang ako. Nilapit niya ang mukha niya sa 'kin at tiningnan pa ang labi ko bago ako pinatakan ng halik. Halatang hindi niya alam kung paano. Mukhang kinakabahan pa siya at namangha pagkatapos.
"Was that okay?"
"Okay na 'yon." Tumango ako.
Oo, okay na 'yon. Pakawalan mo na 'ko!
"I'll do it again!" Mas matagal 'yong halik niya ngayon. "How do I taste like?"
Paano ko malalaman 'yon?!
"We... Uh... haven't said the three words yet," nahihiyang sabi niya.
Natawa ako sa isipan ko. Alam ko naman kung anong tinutukoy niya pero mas nangibabaw sa 'kin 'yong kagustuhang asarin siya. Nang mainis na siya, saka ko lang sinabi.
"I love you," sambit ko.
Sobra.
Sa bawat taong lumilipas na magkasama kami, parang mas lalo ko lang siyang minamahal. Hindi ko alam kung paano pa 'ko makakaahon kapag iniwan niya 'ko. Ang lala, pero 'yon ang nararamdaman ko. Lahat ay ginagawa ko para manatili siya, pero may mga bagay lang na hindi ko mapigilan.
Kitang-kita ko kung gaano siya kapagod sa internship niya, at pagod na rin ako kaka-review sa boards, pero hindi namin nakakalimutang paalalahanan ang isa't isang kumain o magpahinga.
Tinanggal ko ang jacket ko at pinatong sa balikat niya habang natutulog siya. Naiwan pa niyang nakabukas ang laptop niya. Sinara ko ang librong binabasa ko at dahan-dahang kinuha ang laptop niya para tingnan ang kaniyang ginagawa niya.
"Pahinga ka rin..." Inalis ko ang buhok na humaharang sa mukha niya.
Imbis na mag-aral, ginawa ko na lang ang presentation niya. Naroon na lahat ng ilalagay, design na lang ang kulang kaya ako na ang gumawa no'n. Tumingin ulit ako sa kaniya nang gumalaw siya saglit ngunit tulog pa rin. Nakalahad na ang palad niya ngayon sa lamesa. Lumapit ako at hinawakan 'yon.
"Mahal kita," bulong ko.
Araw-araw ata sa trabaho, pagod akong gumigising at pagod akong umuuwi. Ang hirap pala, lalo na kapag baguhan ka pa lang. Hindi ko inasahang ganito kahirap ang magtrabaho.
"Bakit?! Sa tingin mo mas magaling ka sa 'kin?!" sigaw ng head namin.
"No, Sir," sagot ko habang nakayuko. "Sinasabi ko lang po na baka magka-problema kung gagamitin natin 'yong materials na naka-"
"Hindi ko hiningi ang opinyon mo, Engineer! Baguhan ka pa lang dito kaya ano bang alam mo?!" Padabog niyang nilapag ang folder at naglakad paalis.
Napabuntong-hininga ako at minasahe ang sentido ko. Tangina, gustong-gusto kong sumigaw at sumagot pero hindi na lang ako nagsalita. Sa trabahong 'to, kailangan kong maging mapagkumbaba kung gusto kong maka-survive. Niligpit ko ang gamit ko at naglakad na palabas ng kumpanya para mag-commute pauwi.
Napangiti kaagad ako nang makita si Elyse sa sofa ng bahay. Parang nakalimutan ko lahat ng stress ko kanina.
"Hi..." Lumapit ako at hinalikan siya sa noo.
At ayun nga, ilang araw pa lang, nagka-problema na sa site dahil hindi ako pinakinggan ng head namin. Mas uminit tuloy ang ulo niya sa 'kin dahil tama 'yong sinabi ko. Tinatanggap ko na lang ang lahat ng galit niya. Wala naman akong karapatang magreklamo. Tama naman siya. Mas marunong siya sa 'kin dahil mas marami siyang experience.
"Kapag ako naging head, hindi ako magiging ganyan," bulong ko kay Theo. "Sama ng ugali niyan..."
"Resign muna ako tapos kapag ikaw na ang head, balik na 'ko, okay ba 'yon?" rumatawang sabi niya sa 'kin.
"Gago, huwag mo 'kong iwan sa impyernong 'to." Siniko ko siya. "Sama-sama tayong babagsak."
Sobrang saya ko noong nakabili kami ni Elyse ng unit para sa aming dalawa. Mahal nga lang, pero nabigyan naman siya ng discount. Ang dami ko ring ipon pambili ng gamit at pambayad na rin sa monthly fees.
Ang daming nagbago sa buhay ko noong tumira na kami ro'n. Kasama ko siya sa lahat. Paggising ko, nandiyan siya. Pag-uwi ko, nandiyan siya. Sabay kaming nagdyi-gym at tuwing Sunday, either mananatili kami sa bahay o aalis kami para mag-date. Kahit kailan, hindi ako na-bored sa buhay ko dahil nandiyan si Eli.
"I love you." Niyakap ko siya. "I'll become more successful... and then I'll marry you."
'Yon ang isa sa mga dahilan kung bakit kinakaya kong tiisin ang hirap sa trabaho. Balang-araw, matatapos din 'to, aangat din ang posisyon ko, dadami ang projects ko, at maaalok ko na siya ng kasal.
Ayaw kong magpakasal hangga't hindi ko pa kaya... hangga't hindi pa namin kaya. Nakalista na lahat ng pangarap ko at kahit gaano katagal, ayos lang basta ba'y maabot ko lahat ng 'yon kasama siya.
From: Eli
Hey are you coming home late? I cooked dinner
"Engineer Camero, anak ng! Nagse-cellphone ka pa! Kita mong may problema tayo rito!" sigaw na naman ng head namin.
"Sorry, Sir..." Tinago ko ang phone ko.
Nagkaproblema na naman sa site. Hindi ko alam kung kami ba ang incompetent o itong head namin. Ang daming problema kapag siya ang nagha-handle eh, tapos kami ang sinisisi. Naiinis na 'ko. Gusto ko nang umalis sa trabaho pero hindi naman 'yon pwede. Kailangan kong tumulong sa pamilya, lalo na sa pagpapaaral, kaya lahat, tinitiis ko.
Badtrip na badtrip tuloy akong umuwi. Kalalabas ko pa lang ng elevator, nag-text na si Mama na tumawag daw ako sa kaniya. Importante raw.
"Ma?" bungad ko.
[Anak, kumusta ka sa trabaho? Malaki na ba ang sweldo mo?] bungad niya sa 'kin.
"Okay lang. Nababayaran ko pa naman ang mga bayarin dito. Bakit?" naguguluhang tanong ko. Narinig ko siyang humihikbi. "Ma? Umiiyak ka ba?"
[Sorry, anak... N-natanggal kasi ako sa trabaho. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pera ngayon. Baka naman pwedeng ikaw na muna ang bahala sa... sa tuition ni Steven... Hindi pa naman ngayon 'yong bayaran...]
Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. "Ma naman, hindi naman kakasya 'yong sweldo ko kung ganito..." Napamasahe ako sa ulo ko.
Umupo ako sa tabi ni Elyse at napasapo sa noo ko. Ang dami kong iniisip.
"Ano b'ang ginawa mo? Bakit ka nasisante?" tanong ko.
[Wala, anak... Pumalpak lang ako sa trabaho...] sagot niya.
Napabuntong-hininga ako. Sinabi ko na lang na humanap siya ng bagong trabaho. Sigurado naman akong mayroon siyang kahit kaunting ipon man lang para mabayaran 'yong ibang bayarin sa bahay. Ang dami rin niyang utang.
Tanggap lang ako nang tanggap. Bawat buwan ata, mas tumitindi lang ang pagod ko. Parang mawawala na 'ko sa sarili.
"Happy birthday, Kuya," bati ni Steven sa 'kin pagdating ko sa bahay.
"Si Mama?" tanong ko.
"Nasa taas pa yata," sagot niya naman.
Naglakad ako papunta sa taas at bubuksan na sana ang kwarto nila nang makita kong lumabas siya sa banyo, umiiyak.
"Ano 'yang hawak mo?" Kumunot ang noo ko.
"W-wala 'to, anak." Tinago niya sa likuran niya.
Lumapit ako at sapilitang kinuha ang pregnancy test. Napaawang ang labi ko habang nakatitig doon. Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita ang dalawang linya roon.
"Ma, ano 'to?" Pinigilan ko ang luha ko.
"Sorry..." Umiyak siya sa harapan ko. "Hindi ko... Hindi ko alam na..."
"Anak ng!" Napasabunot ako sa buhok ko at tinalikuran siya. "Sino'ng ama nito?! Anong hindi mo alam?! Ano ba naman 'to, Ma!"
Hindi siya nagsalita. Umiling lang siya sa 'kin at walang balak sabihin. Padabog kong binalik sa kaniya ang pregnancy test bago umalis sa bahay. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakailang alak na 'ko pero hindi pa rin maalis 'yong problema sa utak ko.
"Putangina, p're, ang hirap," reklamo ko kay Theo.
"Pasensya ka na, wala rin akong mabibigay ngayon. Alam mo naman..." Bumuntong-hininga si Theo.
"Hindi, okay lang. Hindi ko naman kailangan." Napamasahe ako sa ulo ko. "Tangina, kung pwede lang akong maglaho bigla, ginawa ko na kaso..."
"Kaso?" tanong niya.
"Kaso... si Elyse." Bumuntong-hininga ako at umiwas ng tingin. "Hindi ko siya kayang iwan."
Unti-unti na siyang nauubos. Bawat araw, nakikita ko sa mga mata niya ang pagod dahil sa trabaho at dahil sa 'kin. Tuwing uuwi ako, halata sa kaniya ang kagustuhang makasama ako, pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil alam niyang marami akong problema.
At nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang nahihirapan. Halos maubos na ang gamit niya kakabenta. Gustuhin ko mang bayaran 'yong mga bayarin sa condo, nauunahan niya 'ko palagi kaya 'yong pera ko, binibigay ko na lang kay Mama. Alam kong isang araw, sasabog na si Elyse at baka iwan niya pa 'ko. Hindi ako handa para roon.
Kahit kailan, hindi ako naging handa sa pag-alis niya.
"Let's... take a break. We need to take a break," sabi niya bago siya naglakad paalis sa 'kin.
Ilang araw ko siyang hindi nakasama. Doon lang ako tinamaan. Sinubukan kong ayusin ang lahat. Bumitaw ako sa mga projects para magkaroon ng oras magpahinga. Tumanggap ako ng tulong galing kay Sam. Pina-contact ko si Papa kahit labag sa loob ko.
"What? You had a fight?" Tinaasan ako ng kilay ni Sam pagkaabot sa 'kin ng shake.
"Break," bumuntong-hininga ako. "Ano bang kailangan kong gawin?"
"Maybe you need to loosen up. Look at you. I mean, you can hide your problems from other people, but I'm the master of doing that, so I know, okay? If you need help, I am willing to give." Tinapik niya 'ko sa balikat.
"May problema lang sa pera," napailing ako.
"Do you want my help?" Tiningnan niya 'ko. "You can pay me in the future, but I don't need it. I really want to help. I just don't want my friends to suffer. It pains me, you know?"
"At paano naman ikaw?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"My problems are mine only." Nginitian niya 'ko. "But thanks for your concern."
"Bakit ba ang bait mo?" Tumawa ako. "Mauubos ka niyan, eh."
"Matagal na 'kong ubos." Umiling siya at tumawa pa para pagaanin 'yong sinabi niya kahit hindi naging ganoon ang dating sa akin.
Umuwi siya sa 'kin. Umuwi ulit siya sa 'kin kaya nangako ako sa sarili kong gagawin ko na ang lahat para manatili siya. Lahat ng kulang, pupunan ko. Lahat ng sobra, babawasan ko.
"Work?" nagtatampong tanong ni Elyse.
"Si Steven." Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa cellphone ko. Lumayo muna ako kay Elyse para sagutin ang tawag. Alam kong may mali. Hindi naman tumatawag sa 'kin si Steven.
[Kuya... si Mama... Kuya!] Umiiyak siya. [May... May dugo... Kuya...]
Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Alam ko ang tonong 'yon. May nangyaring masama.
"Ano?! Magsalita ka nang maayos. Hindi ko maintindihan!" sigaw ko.
[M-may dugo...]
"Anong dugo?! Magsalita ka nang maayos, pucha!" Kinuha ko kaagad ang bag ko para makaalis.
[Baka 'yong bata... Kuya, hindi ko alam gagawin ko. Pumunta ka rito, please... Hindi ko alam sino'ng tatawagan ko...]
"Papunta na 'ko! Humingi ka ng tulong! Huwag mong iiwan si Sofia diyan!" sigaw ko bago tumakbo paalis.
Parang nawawala na 'ko sa sarili ko. Tumawag ulit si Steven para sabihing sinugod na raw sa hospital si Mama kaya roon ako nagpunta. Huminto ang ambulansya sa harapan ko at nakita ko na lang ang nanay kong may dugo ang damit. Napaawang ang labi ko at natulala saglit.
"Kuya..." Umiiyak si Steven at si Sofia. Sobrang hirap siguro para sa kanilang makita ang nanay nilang ganoon ang kalagayan. Nanghihina ako, pero kailangan kong magpakatatag para sa kanila.
"Huwag kayong mag-alala..." bulong ko, hindi rin alam ang sasabihin. "Okay lang si Mama..."
Naghintay kami sa tapat ng emergency room. Napamasahe ako sa ulo ko, hindi na alam ang gagawin. Ni hindi ko na naisip ang gastos sa hospital bills. Gusto ko lang marinig na okay lang ang nanay ko.
"Ano'ng nangyari?" tanong ko kay Steven.
"Hindi ko alam... Nag-CR lang ako tapos paglabas ko sa kusina, dinudugo na siya, may masakit na sa kaniya." Hindi siya makapagsalita nang maayos.
"Putangina..." Napasabunot ako sa buhok ko. Padagdag nang padagdag lahat. Ang bigat sa dibdib.
Napatayo ako nang lumabas ang doktor. "Stable na ang patient. She had a miscarriage."
Napaawang ang labi ko. Matagal akong nakatulala sa kaniya hanggang sa makaalis siya sa harapan ko. Bumukas ang pinto ng emergency room at nasa higaan na ang nanay ko para i-transfer sa maayos na kwarto.
Hindi ako natulog. Hinintay ko siyang magising. Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya, umiiyak.
"Seb..."
Napaangat ang tingin ko kay Mama. Agad akong tumayo at tinawag ang nurse para matingnan siya pero hinawakan niya ang kamay ko. Napabalik ako sa kinauupuan ko.
"'Yong baby?" nahihirapang tanong niya.
Tumikhim ako at umiwas ng tingin, hindi alam ang sasabihin. Napabalik ang tingin ko sa kaniya nang bigla na lang siyang umiyak. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay niya para patahanin siya.
"Sinisante ako sa trabaho nang malaman ni... ni Alfred na buntis ako," pagpapaliwanag niya.
"Ano?" Gulat akong napatingin sa kaniya. "B-bakit?" Naguluhan ako dahil nasama iyong pangalan ng tatay ni Elyse.
"May nangyari sa 'min, Sev." Umiyak siya nang umiyak. "Sorry... Sorry..."
Parang gumuho ang mundo ko. Nahilo ako, natulala, hindi alam ang sasabihin. Nag-iba bigla ang tingin ko sa kaniya, hindi makapaniwala.
"P-paano..." Hindi ako makapagsalita. Binitawan ko ang kamay niya at napatayo. "Paano... Bakit... Bakit mo ginawa 'yon?! Ma?! Tangina... Tatay siya ng..."
"Tatanggalin niya raw ako sa trabaho kapag hindi ko ginawa ang gusto niya." Napatakip siya sa mukha niya. "At hindi ko kaya dahil... nakikita kong hirap na hirap ka na sa trabaho... Ayaw ko nang dumagdag pa sa-"
"Putangina!" sigaw ko. Napahilamos ako sa mukha ko, hindi alam kung paano tatanggapin. Napuno ako ng galit nang mapagtanto ang nangyari. "Pinagsamantalahan ka niya?!"
"At pumayag ako..." Umiyak ulit siya. "Na ganoon ang ginawa niya sa akin..."
"Hindi ka pumayag, Ma! Tangina, hindi mo gusto 'yon! Naiintindihan mo?! Hindi mo kasalanan 'to!" Tumulo ang luha ko. "Sorry... Sorry, Ma..."
Iyak siya nang iyak sa akin. Humihingi siya ng tawad, pero ako dapat ang humingi ng tawad sa kaniya. Nagalit ako sa kaniya nang ilang beses. Hindi ko alam ang pinagdadaanan niya.
"Diring-diri ako sa sarili ko, Seb..." Umiyak ulit siya. Bawat iyak niya, tinutusok ang puso ko. Bawat iyak niya, mas nag-aalab ang galit sa katawan ko.
Hindi ko na alam kung anong nangyari. Parang nabulag na 'ko sa galit at hindi na nag-dalawang isip na sumugod sa kumpanyang 'yon. Hindi ko na napigilang kwelyuhan ang lalaking nambastos sa nanay ko.
"Binastos mo nanay ko!" sigaw ko. "Tao ka pa ba?! Paano mo nagagawang ngumiti habang... habang 'yong... Mama ko... nawalan ng anak?"
Napatigil ako nang makita ko ang Mommy ni Elyse na walang malay sa sahig. Nang lumapit sa akin si Elyse at sinigawan ako, saka lang ako natauhan. Sinisi niya ako. Tinulak niya ako palayo.
At paulit-ulit niyang ginawa 'yon.
"My mom died in front of me..." Nanginginig ang mga kamay niya habang umiiyak. "She... She died... in front of me..."
Wala akong ginawa kung hindi humingi ng patawad sa kaniya. Wala na rin akong tulog kakasisi sa sarili ko. Noong nakita kong duguan ang nanay ko, para akong pinatay... kaya alam kong mas malala ang pinagdadaanan niya ngayon. Nawalan siya ng ina.
Pero bakit nasa akin ang lahat ng sisi?
"And how are you so sure, huh?!" sigaw niya. "How are you so sure that your mom was telling the truth?!"
Napaawang ang labi ko at hindi na nakapagsalita. Hindi ako makapaniwala. Paano niya... nasabi 'yon? Paano niya nakayanang sisihin ang nanay ko?
Ngayon lang ako nagalit sa kaniya nang ganito. Nanay ko 'yon. Hindi ko matanggap na babatuhan niya ng masasamang salita ang nanay ko, lalo na't kasalanan ng tatay niya kung bakit nagkaganoon lahat. Biktima ang nanay ko rito. Biktima ang pamilya namin.
"You should have killed me instead!" Natigilan ako sa sigaw niya.
"Elyse..." Napuno ng pag-aalala ang boses ko. Hindi siya okay. Alam kong may iniisip siyang masama sa sarili niya.
"Enough..." Hinatak na siya ni Ida paalis.
Wala na 'kong tulog. Paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa lahat. Sa nanay ko dahil hindi ko siya inintindi, kay Elyse dahil nasaktan ko siya, at sa nanay niya dahil... hindi niya ginusto ang lahat ng 'to.
"Let me go," mariing sabi niya.
"Elyse, please, huwag naman ganito..." pagmamakaawa ko.
Hindi ko kayang makita siyang umalis. Parang nakalimutan ko na ang lahat ng problema sa pamilya namin at siya na lang ang iniisip ko. Hindi ko siya kayang pakawalan. Hindi ngayon. Huwag sana ngayon. Ang hirap.
"Hindi na 'ko kasama sa mga plano mo?" Napaawang ang labi ko.
"All of you... All of you are so... so fucking exhausting," humikbi siya. "I want to rest... I need to rest... I need to take a break... Can't you just give it to me?"
"Napapagod ka na sa 'kin?"
Sobrang sakit ng pag-ango niya. Napaiwas ako ng tingin at binitawan siya. Siguro nga'y kailangan na naming maghiwalay muna. Mahal ko ang pamilya ko. Inalala ko ang nanay ko para mamuo ang galit sa 'kin... at para kaya ko na siyang pakawalan.
Hinintay kong makaalis si Elyse bago ako naglakad palapit sa puntod ng nanay niya. Umupo ako sa monobloc at napatakip sa mga mata ko nang tumulo ang luha ko.
"Sorry," iyak ko. "Kung pwede ko lang ibalik... Kung pwede lang... Kasalanan ko 'to."
Araw-araw, dinadalhan ko ng bulaklak ang nanay niya at araw-araw kong pinagsisisihanang lahat ng ginawa ko. Hindi ako nagsisising sinuntok ko ang tatay ni Elyse, pero nagsisisi ako sa nangyari sa Mommy niya. Napakabait niyang tao. Hindi niya deserve 'tong nangyari.
Akala ko'y doon na matatapos 'yon. Akala ko, pinakawalan ko na siya. Akala ko'y kaya ko na, pero nang makita ko ulit siya sa harapan ko, parang gusto ko na lang lumuhod sa kaniya at magmakaawang bumalik na siya sa 'kin.
"Umalis ka na, pinaalis na kita, tapos magpapakita ka rito para sabihing... aalis ka ulit?" Hindi ko na napigilang umiyak.
Bakit ba ganito? Para akong pinaglalaruan ng mundo. Okay naman kami... Masaya naman kami. Bakit kailangan kong pagdaanan 'to?
"Tell me you're breaking up with me."
Tangina... paano? Paano ko magagawa 'yon kung mahal na mahal pa rin kita?
"I do love you." Umiyak siya. "I love you... but we just can't be together."
'Yon ang masakit. Mahal ko siya at mahal niya 'ko pero hindi niya kayang manatili dahil hindi kami pwede. Bakit? Kaya kong isantabi ang lahat para sakaniya. Pagod na ba siya? Pagod na pagod na ba siya sa 'kin?
"Happy fifth anniversary." Ngumiti siya sa 'kin.
Hindi ko kayang ngumiti sa kaniya pabalik. Hindi ko na napigilan ang iyak ko. Hindi na 'ko makapagsalita sa harapan niya. Hindi ako masaya. Itong panglimang taon na 'to... puro sakit ang nadulot sa akin.
"Happy fifth anniversary, my love..." For the last time.
Tumulo ang luha niya habang nakangiti sa 'kin. "Let's make a wish."
Pinikit ko ang mga mata ko, hinihiling na sana pagdilat ko, nagbago na ang isip niya.
Pero mukhang malabo.
"Ready?" tanong niya.
Lumapit ako sa cake para hipan ang kandila. Pinunasan ko ang luha ko pagkatapos. Hirap na hirap na ako. Gusto ko na siyang umalis para masimulan ko nang tanggapin lahat.
Mas nahihirapan lang ako kapag malapit siya sa akin. Gusto ko siyang yakapin. Ayaw ko siyang pakawalan.
"You won't ask where I'm going?" tanong niya bago umalis.
Umalis ka na.
"Hindi." Umiling ako.
"Why?"
"Baka hanapin kita..."
Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at lumuhod ako sa harapan mo para humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko.
"Goodbye."
"Huwag ka nang babalik. Huwag ka nang magpapakita sa 'kin. Parang awa mo na," pagmamakaawa ko bago siya umalis.
Napaluhod ako sa sahig nang marinig ko ang pagsarado ng pinto. Napatakip ako sa mukha ko habang umiiyak.
Ang hiniling ko lang ay sana balang araw magkita kaming muli kapag handa na siya.
At bumalik siya sa 'kin kapag handa na ako.
________________________________________________________________________________
.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro