Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

09


"Saan ka pupunta, Eli? Uwi ka na? Bye!" 


Nagmamadali kong kinuha ang gamit ko, hindi pa nakakapagpalit ng shirt. I waved at Ate Raya and others before leaving. Nilabas ko ang phone ko at nakitang ten-thirty na nang gabi. It was Wednesday night and Sevi messaged me to say that he'll be waiting for me after my training. 


Huminto ako sa kakatakbo at kakahanap sa kaniya nang makita siyang nakaupo sa may steps ng hagdan malapit sa pinag-training-an namin. He stood up when he saw me. Umiinom pa siya ng ice tubig or something. 


"I told you, let's just meet sa Sunday before the game," sabi ko kaagad pagkalapit. "So you won't have to wait here. It's almost eleven!" 


Tumayo siya at napakamot sa ulo niya dahil sa sermon ko. "Okay lang. Huwag kang magalit." 


"Anyway..." I sighed. "Congratulations."


May laban sila kanina sa FEU and they won! Nabalitaan ko lang sa Twitter pero hindi ako nakanood dahil may training kami. He wanted to give me the tickets and the shirt today but this was my only free time. Busy ako buong araw. 


"Thank you. Sana makapasok sa finals." He smiled at me.


I noticed that he was still wearing his jersey shorts, but he changed his shirt into white. Mukhang hindi pa umuuwi galing sa game. 


"Mabigat ba? Akin na." Kinuha niya ang duffle bag ko kahit may backpack siyang dala. 


"Kuya Roel's waiting in the parking but... Uh, we can get him food?" 


"May bukas na fast food dyan." Tumango siya at naglakad na.


Sumunod ako sa kaniya, lumalayo dahil nako-conscious ako kung amoy pawis ba 'ko dahil kagagaling ko lang sa training. My eyes widened when he put his hand on my shoulder to pull me closer to him because of the bicycle. 


Agad akong lumayo sa kaniya nang makadaan ang bicycle. I looked away, feeling awkward now. 


"Bakit ba ang layo mo?" Kumunot na ang noo niya.


"I think I smell like sweat." I bit my lower lip and looked at him. 


Lumapit ulit siya sa 'kin kaya napaatras ako. I stiffened when he leaned on my neck and sniffed on it a little. I felt his breath on it. The tip of his perfect nose almost touched my jaw! 


"Hindi naman ah," sabi niya nang umayos na ulit ng tayo. "Amoy pabango." 


"Anong pabango pala?" I tried to ask while walking. 


"Johnson's baby cologne?"


Agad ko siyang hinampas sa braso kaya napailag siya at humawak pa rin sa braso niya kahit dumaplis lang naman. He laughed and walked faster so I wouldn't catch him. 


"Sige, bench body spray," hula niya ulit. 


"It's Jo Malone!" I pouted. "English Pear & Freesia, by the way."


Hinabol ko siya at huminto naman siya sa paglalakad para makaabot sa 'kin. Pagkatapos, sabay na ulit kaming naglakad papunta sa McDo. 


Pagkapasok namin, humanap na ako ng table at siya na ang nag-prisintang umorder. Nagpangalumbaba ako habang nagii-scroll sa phone ko. I opened my Instagram and stole a video of him to post on my IG story. I zoomed it on his back while he was talking to the cashier and captioned it 'Straight from the game.'


Kaso naka-close friends lang. Kaunti lang ang nasa close friends ko. Hindi rin makikita ni Sevi dahil hindi siya kasama sa list. I smirked. 


Nagulat ako nang ilapag na ni Sevi ang tray sa table. I looked at him and noticed that he was thinking about something. 


"What?" I asked him. 


"Kapatid ba ni Jo Malone si Post Malone?" Sumingkit ang mga mata niya.


"Shut the hell up." I massaged my head. Sumakit ang ulo ko sa banat niya.


"E, si Ho?" Tanong niya ulit. 


"What?"


"Ho Malone?" Then he laughed at his own joke. 


Natawa ako dahil nakakatawa ang tawa niya, not because of the joke! He laughed more because I laughed a little, tinuro pa ang mukha ko. Napairap ako at kinuha na lang ang paper bag ng food para kay Kuya Roel, saka tinabi 'yon sa gilid. 


"Akala ko sa 'yo 'yon? Hindi ka kakain?" Kumunot ang noo niya.


"I'm not allowed to eat fast food." I sighed. 


Binuksan niya ang burger niya at inabot sa 'kin. Umiling kaagad ako at nilayo ang mukha ko ro'n para hindi madikit sa bibig ko. 


"I can't!" inis na sabi ko sa kaniya. 


"Kahit kaunti lang? Kahit kagat lang?" pagpupumilit niya. 


"Ugh, fine..." I leaned over the table to take a bite of his burger. "Happy?" I said with my mouth full. 


He smiled and nodded with so much satisfaction from what he did. It was like he unlocked a new level in the game. Umirap ako at kinuha ang jug ko para uminom ng tubig. 


"Ah, oo nga pala, baka makalimutan ko..." Kinuha niya ang bag niya at nilabas ang paper bag na lukot saka binigay sa 'kin. 


Kinuha ko 'yon at binuksan to see the tiger shirt inside. It was a different shirt this time. Iba ang design, like it was made specifically for basketball games. Go UST Growling Tigers ang nakalagay. It was on his size so malaki na naman sa 'kin. 


Sa loob ng rolled shirt, naroon ang dalawang tickets for the game this Sunday. I thought isa lang ang kukuhain niya. He probably remembered what I said last time. Ha! Walang kawala si Ida! Isasama ko siya kahit ayaw niya! 


"Thanks." I smiled and put the paper bag inside my duffle. 


"Panoorin natin 'yong movie after the game?" he remembered. 


"Uhm, okay. I'll... get us tickets," I offered. 


"Gabi nga lang ako pwede."


Tumango ako at chineck na ang phone para sa available time ng showing date. Maraming manonood for sure kaya bibili na 'ko online just to reserve tickets. Sana manalo sila sa game para maganda ang mood niya. 


Pagkatapos niya kumain, naglakad na kami pabalik sa kung saan nakapark si Kuya Roel. Huminto na siya sa paglalakad para magpaalam bago pa kami makita. 


"See you sa Sunday." He gave me a smile. Tumango ako at tinalikuran na siya. "Elyse!" He called again kaya napalingon ako. 


"What?!" 


"Ingat." He smiled more. 


Umirap ako at naglakad na papunta sa kotse. Nakita ko si Kuya Roel na nakatayo roon at nagse-cellphone. Nilabas ko ang paper bag ng McDo at binigay sa kaniya para makakain siya. 


"Pag-uwi na lang, Ma'am." He smiled at me. "Mukhang natagalan po kayo, ah." 


"U-uhm, yeah. I bought you food sa McDo," pagdadahilan ko. 


Hindi siya nagsalita pero natawa siya sa sinabi ko. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto at umikot para sumakay sa driver's seat. 


When I went home, tulog na ang lahat kaya tahimik na lang akong umakyat sa kwarto ko para mag-shower at matulog. The next day, balik na naman ako sa daily routine ko. Walang masyadong nangyayari sa 'kin except noong Saturday when I fell during training. 


"Elyse! Are you okay?" Lumapit si Ate Raya sa 'kin.


I held my knee and stretched my leg in pain. It was painful because I came from the air, and then they failed to maintain their balance when they tried to catch my fall, so my knee hit the mat. Good thing we were on a mat. 


"It's fine. I think I'll just get a bruise." I stood up and stretched my leg again. 


"Let me see." Lumapit si coach para tingnan. 


He reminded me about my safety and also, about how to avoid a bruise. Tumango lang ako at bumalik na sa training kahit medyo masakit ang binti ko. Pag-uwi ko, pinahinga ko na lang 'yon at nilagyan ng yelo saglit. 


The bruise appeared the next morning, but it was not that bad. I decided not to go to the gym. Nagpahinga na lang ako at naligo para maghanda sa game mamaya. 


"Good noon! Good noon!" Napatalon ako sa kinauupuan ko nang pumasok bigla si Ida sa kwarto ko. 


"Where the hell did you get that?" I pointed at her tiger shirt.


"I bought one, duh!" Tumawa siya at umupo sa kama habang nagpapatuyo ako ng buhok gamit ang blower. "Also, look! Marami pa 'kong nakuha!"


Pinatay ko saglit ang blower para lumingon sa kaniya. She was holding a cartolina and also a yellow bandana. Tumayo siya at binuksan ang cartolina sa harapan ko.


'GO UST GROWLING TIGERS!

KAYA NATIN 'TO!' 


"Ida, what the hell!" Agad akong umiwas ng tingin. "Ang traydor mo!" 


"It's okay, wala namang La Salle sa semi-finals, so I'm choosing to support UST this time. Because of you na rin since you support the captain. I support you!" Ang dami niyang sinabi. "Uh, I should have put Sevi's name here, huh?" 


"Huwag na!" pigil ko kaagad.


Pagkatapos magpatuyo ng buhok, tumayo na 'ko at pumunta sa walk-in closet para maghanap ng susuotin. I was just wearing a robe. 


I decided to wear white lazy shorts since nilagyan ko ng bandage ang binti ko to help ease the swelling and to avoid direct contact if ever matamaan, pero hindi ko hinigpitan dahil mas lalo lang mamamaga. 


Tinuck-in ko ang shirt ni Sevi at sinuot na rin ang yellow bandana ni Ida. I tied it around my hair like a headband kaya may ribbon sa ulo ko. 


"Ano'ng nangyari diyan?" Nag-alala kaagad si Ida nang makita ang bandage sa binti ko. 


"I fell during training," I explained. "It will heal in two weeks, I guess. It's not that bad." 


Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na kami ni Ida sa living room. Hindi ko ine-expect na maaabutan ko si Mommy doon. I thought she was at work! 


"M-mom!" Humalik ako sa pisngi niya. 


"Oh, where are you going?" nagtatakang tanong ni Mommy at tiningnan ang shirts naming dalawa. "What? Did you transfer schools?"


"We're just... going to watch a basketball game," kinakabahang sabi ko. 


"You're supporting UST instead of La Salle?" She was so confused. 


"Ah, Tita! Hindi nakapasok ang La Salle sa final four so we decided to support UST na lang! They're good! If you want, you can watch the livestream later-"


"Ida," pigil ko sa kaniya.


"Really?" My mom smiled. "Okay, then. Good luck to the both of you." 


"Good luck po sa captain ng U-S-Ouch!" Napahawak si Ida sa baywang niya nang kurutin ko siya. 


"Aalis na po kami." Humalik ulit ako sa pisngi niya at lumabas na para magpahatid kay Kuya Roel. Good thing it was my mom who caught me leaving! Pahirapan pa kapag si Daddy. Buti na lang talaga at busy siya sa company. 


When we arrived at Araneta, pumapasok na ang mga naka-maroon at naka-yellow. Ida went to someone and asked for a balloon. Napasapo ako sa noo ko at hinatak na siya papunta sa loob para hanapin ang seats namin.


"Oh my god, ang lapit natin!" Hinampas ako ni Ida. "Sevi really gave us the best seats, huh."


"Shut up, Ida." I rolled my eyes and took my seat. 


Sobrang lapit nga namin sa court. I could probably see the sweat of the players, pero ang inaalala ko ay baka naman matamaan ako ng bola rito! Takot pa naman ako sa bola. 


Naroon na ang players. I saw Sevi sitting on the bench, talking to his teammates. He was wearing their yellow jersey and again, black knee support. Ganoon na ata ang outfit niya palagi. 


"Go Sevi!" sigaw bigla ni Ida.


"What the hell, Ida." Hinampas ko siya sa binti.


Dahil sa sigaw niya, napalingon tuloy si Sevi sa amin. His lips slowly formed a smile when he saw me. Tumayo siya at tinapik ang balikat ng kausap niya bago tumalikod at naglakad papunta sa side namin. Nanlaki ang mga mata ko at hindi alam kung ano ang gagawin. 


Hanggang doon lang siya sa harang at hindi na makakapasok kaya sinenyasan niya 'kong bumaba. Bumaba ako sa steps at lumapit sa may railings. 


"What?" I asked him and looked around. Some people were already watching! 


"Ano'ng nangyari diyan?" seryosong tanong niya at tiningnan ang binti ko. 


"I fell." Tinaas ko saglit ang binti ko para ipakita sa kaniya ang bandage. 


"Tsk..." Umiling siya, nakasandal ang dalawang braso sa railings. "Dapat kasi sa 'kin ka lang mahulog." 


"Huh?!" gulat na sabi ko at hinampas siya sa braso. 


Tumawa siya at hinawakan ang baba ko para makita nang maayos ang mukha ko. Tiningala ko siya at tinaasan ng kilay, naghahamon. 


"Walang good luck dyan?" tanong niya.


"Good luck." Inalis ko ang hawak niya sa baba ko at sinamaan siya ng tingin. 


"Thanks. This one's for you and the team." He playfully winked at me. 


I bit the insides of my cheek to hide a smile. Napangiti rin siya at natawa nang makitang pinipigilan ko ang ngiti ko. I glared at him when he pinched my cheek. 


"Sige na, bumalik ka na." He was still smiling. 


Tumango ako at tinalikuran na siya para umakyat ulit sa seat ko. Some Thomasians were already watching me! Napaiwas tuloy ako ng tingin at hiyang-hiyang umupo sa upuan ko. Ida was taking a video! Agad kong tinakpan ang camera. 


"Oh my gosh, you guys are so cute." Hinampas pa niya 'ko sa braso habang pinapanood ang video niya. 


What the hell, we looked like a couple in the video! Nakatalikod ako at nakangiti si Sevi sa 'kin, titig na titig. He was slightly laughing too. We were like flirting. 


"Ate, boyfriend mo?" May kumalabit sa 'kin sa likuran.


"What?" Lumingon ako sa dalawang babaeng naka-tiger shirt. 


"Si Sevi po. Ikaw po ba 'yong girlfriend niya?" The other one who was holding a balloon asked. 


"No!" tanggi ko at hindi na sila pinansin. 


Ano namang pakialam nila? Admirers maybe. Ang heartthrob naman pala ni Sevi sa UST. I sarcastically laughed at that. 


I focused myself on the game when it started. Todo cheer na kaagad si Ida at sumasabay sa cheers ng Thomasian crowd, pero hindi rin niya napipigilan ang sariling sumabay sa UP.


"U! NIBERSIDAD! NG PILIPINAS! U! NIBERSIDAD! NG PILIPINAS!" Ida cheered.


"Ida, choose your damn team." Hinatak ko na siya paupo.


"Hindi, UST pa rin! Go USTE!" Nilabas niya ang cartolina at winagayway. "Eli, cheer ka naman!" 


Hindi ko siya pinansin at nanood na lang. It was a good start for UST dahil sila ang nakalamang. Sevi was doing so good. I could almost hear him instructing his teammates. He looked serious and nervous. 


Naagaw niya ang bola sa UP at nagmamadaling tumakbo papunta sa kabilang side, and then he passed it to his teammate. His teammate was blocked, so Sevi raised his arms again after changing his position. 


"Eli, cheer ka!" Hinatak ako patayo ni Ida nang makuha ni Sevi ang bola.


"Go UST!" I yelled. 


Three points from Camero! Nagsigawan ang crowd at nag-cheer ulit. Sevi looked at our side and smiled before running again towards the other side, instructing his teammate to go to the open space. 


First quarter was in favor of UST, pero nagkakapalitan na sila ng scores sa second and third. Sa fourth na talaga uminit ang laban. The people were already standing to cheer louder. It was so intense. 


I saw how tired Sevi was. Nagpahinga siya kanina pero nakabalik na siya ngayong fourth quarter. He was so smooth with the ball, like it was his bestfriend. 


"Ay!" Umilag si Ida nang lumipad 'yong bola papunta sa side namin pagkapasa. 


I knew it! Matatamaan kami rito! Akala ko sa volleyball lang nangyayari 'yon! 


Sevi looked at our side and gave me a subtle thumbs up to ask kung okay lang ako. I nodded and gave him back a thumbs up. He chuckled and directed his attention back to the game. 


"Let's Go! U-S-T Let's go fight! U-S-T Let's go fight! U-S-T Let's go fight!" The crowd cheered. 


Napatayo na 'ko sa sobrang nerbyos sa game. Kaunting oras na lang ang natitira. Lamang sila but who knows if mahahabol ng UP, right? I bit my finger when UP was given a free throw chance because of a foul. 


"Yes," I whispered when the ball failed to go in. 


Nagtayuan ang lahat nang marinig ang buzzer. I stood up and cheered too. Nagyakapan kami ni Ida at tumalon-talon pa sa saya. 


"They won!" I said, correcting what we said last time. 


"Your boyfriend's team won!" She smirked at me. 


Umirap ako at narealize na hawak-hawak ko pala ang balloon. Sobrang saya nila at nagyakapan pa. Nagpupunas si Sevi ng pawis gamit ang towel niya nang tawagin sila ng coach nila. 


"Tara na?" aya ko kay Ida.


"Lapitan mo muna!" Tulak niya.


"No! Busy siya!" Sinubukan kong umakyat ulit sa steps pero hinaharangan ni Ida ang dadaanan ko. "Come on! Magkikita naman kami mamaya!"


"Oh my gosh..." She covered her mouth. "Date?! May date kayo!" 


"Shut up!" I looked away, embarrassed. I didn't tell her about that!


Nilabas ko na lang ang phone ko at tinext siya na mauuna na 'ko sa mall. I didn't receive his reply until we dropped Ida off in front of her house. 


From: Sevi

7 PM nandon na 'ko hehe


Dahil hinatid ko pa si Ida, inabot pa 'ko ng traffic on my way to the mall. The movie was scheduled at 8:15 PM pa naman kaya marami pa 'kong spare time. I was just worried about Sevi. Malamang nandoon na 'yon. 


Kakababa ko pa lang ng kotse nang sagutin ang tawag ni Sevi. 


[Saan ka na?] bungad niya.


"Here na! Kakababa ko lang!" Nagmamadali akong pumasok sa loob at sumakay sa escalator para umakyat sa cinema. 


[Huwag kang magmadali. 'Yong binti mo.] He reminded me. 


"It's fine. I'm almost there."


Nakita ko na siya agad sa tapat ng cinema. He was wearing a black shirt, a denim jacket, and ripped jeans. Suot niya ulit ang silver necklace niya at silver na watch. 


He raised his hand and smiled when he saw me. Binaba ko na ang phone at naglakad palapit sa kaniya. I already had our tickets on my phone kaya hindi na kailangan pumila. Inaya ko na lang siya bumili ng popcorn and drinks. 


"Libre ko. Ano sa 'yo?" tanong niya. 


"Water lang. Hindi ko mauubos ang popcorn." 


I looked so small beside him! Tiningnan muna ako nung lalaki sa cashier bago binalik ang tingin kay Sevi. 


"Basketball player kayo, Sir?" tanong nung lalaki.


"Ah, oo, Kuya," Sevi said while getting his wallet. 


"Ang tangkad mo, Sir, tapos medyo maliit 'yong girlfriend n'yo. He-he." The guy laughed awkwardly after insulting me! 


"Excuse me?" Tumaas kaagad ang kilay ko. 


Tumawa kaagad si Sevi sa insulto sa 'kin at inabot ang bayad. Hindi pa rin siya matigil sa kakatawa lalo na nang tingnan niya 'ko mula ulo hanggang paa, realizing our height difference. 


"Hindi ka naman masyadong maliit, ah." He put his hand on the top of my head. "Sakto lang para sa 'kin." 


"Whatever!" I rolled my eyes and crossed my arms over my chest.


"Badtrip ka, Kuya. Galit na tuloy pati sa 'kin," Sevi talked to the cashier guy, still laughing. "Aawayin na 'ko nito." 


"Cute naman, Ma'am! Huwag kang mag-alala!" bawi nung cashier. 


Sumimangot ako at kinuha na ang bottled water na inabot niya. Si Sevi, kinuha ang soft drinks at popcorn bago umalis sa pila. Pwede nang pumasok kaya dumeretso na kami sa loob ng sinehan. 


"Dapat pala magkalayong seat 'yong ni-reserve ko," sabi ko sa kaniya pagkaupo namin. 


"Luh, date nga eh. Dapat magkatabi tayo." He smirked. 


Hindi ko siya pinansin at sumandal na lang. Nilagay niya ang kaniyang cup sa may left side niya dahil ako ang nakaupo sa right side. Nilipat niya ang bottled water ko sa right side ko para i-angat ang pagitan sa gitna namin. 


"What?" I asked nervously. 


Nilagay niya ang popcorn sa gitna. 


"'Yong popcorn kasi. Kabado ka masyado." He laughed. 


I shifted on my seat when the movie started. Sevi was quiet now. Naka-focus na rin siya sa pinapanuod namin. It was more like a sci-fi movie na mapapaisip ka kaya nga tutok na tutok siya. 


"Uy, math," he whispered and pointed at the equations. 


"Okay, smarty..." I rolled my eyes. 


Nilalamig na 'ko. Nakatapat pa ang aircon sa inuupuan namin so I could feel the cold air directly on my skin. I rubbed my hands together and sighed. Napatingin si Sevi sa 'kin.


"Malamig ba?" he asked me.


"It's fine."


He didn't buy that. Umayos siya ng upo at hinubad ang denim jacket niya para ibigay sa 'kin. My god, pakiramdam ko ako ang nasa movie eh! It was corny but it was a nice gesture kaya tinanggap ko na rin at sinuot. 


Naiwan pa ang body warmth niya sa jacket kaya mabilis nawala ang lamig na naramdaman ko. He was left in a plain black shirt. Hindi ba siya lalamigin do'n? 


"Popcorn," alok niya sa 'kin.


Kumuha ako at nilagay sa bibig ko, hindi inaalis ang tingin sa screen. The scene was so intense. Bumalik tuloy ang lamig na nararamdaman ko! 


I held my hands together to warm them, but Sevi suddenly pulled on my left wrist to break my hands apart. I looked at him with wide eyes when he intertwined our hands together. 


"What are you doing?" I whispered to him. 


"Ang lamig eh..." He gave me a smile. 


Naramdaman ko ang init ng kamay niya kaya hindi na 'ko nag-reklamo. Na-guilty din ako na nilalamig siya dahil binigay niya ang jacket niya sa 'kin. Tinago ko na lang ang isang kamay ko sa loob ng jacket para hindi malamigan. 


But I couldn't focus on the film! I was thinking about his hand on mine! 


"What did he say? Did you get it?" tanong ko kay Sevi. 


"Nago-orbit kasi 'yong planet sa black hole. 'Ypng black hole, wina-warp niya 'yong spacetime. Theory of relativity ni Einstein. Kapag mas malaki 'ypng object, mas warped at twisted 'yong spacetime. 'Yong black hole, sobrang laki o lawak ng circumference kaya 'yong spacetime-"


"Stop... Later na," I cut him off. 


He laughed and focused on the film again. Inalis ko saglit ang kamay ko sa hawak niya para kumuha ng wipes sa bag para sa kamay ko dahil sa popcorn. After that, he held it again. Nanahimik na lang ako at sumandal sa upuan ko. 


The movie was mind-blowing. It was so mind-blowing that I was still thinking about it even after leaving the cinema. Sevi was explaining some concepts to me. Puro science. 


"Yeah, I get it. I get it kaya!" Tumango ako. 


"Saan na tayo niyan?" tanong niya habang naglalakad. "Tara, arcade!" Bukas pa ba 'yon?!


Pumayag ako sa gusto niya at sumunod na lang sa kaniya papunta sa timezone. Pinaloadan niya ang kaniyang card at nag-ambag naman ako roon. I pointed at the basketball game first. Matagal ko nang gustong i-try 'yon. 


He tapped the card on it and pushed a button to let me play. Sumandal siya sa gilid ko at pinanood akong maglaro. He crossed his arms over his chest and pushed his tongue on the insides of his cheek to hide his smile. 


Kinuha ko ang bola at sunod-sunod na shinoot 'yon, determined to have a high score but the ball just won't go inside the damn net! Inis kong binato ang bola at tumama sa ring so it bounced on it.


Hinarang kaagad ni Sevi ang kamay niya sa bola para hindi ako matamaan. I pouted and looked at him, asking for help. 


"Isa pa, isa pa," sabi niya at tinap ulit ang card. 


Kumuha siya ng bola at pinahawak sa 'kin. He positioned himself behind me and guided my hand. 


"'Yan. Ganyan." Binitawan niya 'ko at pinanood ako ulit. 


The ball went in! Kumuha ulit ako ng bago at shinoot pero hindi na pumasok. Tinawanan na naman ako ni Sevi. Napakayabang! 


Kinuha niya ang bola at tinulungan akong mag-shoot. Lahat ng sa kaniya, pumapasok. Maybe basketball wasn't really for me. Taga-cheer na lang talaga ako. 


Kinuha niya ang tickets at lumipat na kami sa ibang games. I was so competitive, lalo na sa tekken. I thought Sevi was purposely doing bad so I could win. He was so relaxed with it. 


"Loser!" tuwang-tuwang sabi ko nang matalo na naman siya.


"Yeah, yeah..." Tumango siya, walang pakialam. 


We played the car racing din and deal or no deal until we decided to trade our tickets. Natalo kami sa deal or no deal because of him! I told him not to pick briefcase number twenty-one, but he still did! 


"I told you!" inis na sabi ko. "Why did you pick that?!" 


"Birthday mo 'yon eh," he reasoned out.


Nawala tuloy ang galit ko. Paano niya naman nalaman na birthday ko 'yon? This stalker! 


"Malay ko bang malas ang birthday mo." At tumawa siya nang malakas. 


Bumalik lang tuloy ang inis ko! Siniko ko siya at tinalikuran na para maghanap ng ibang laro. After trading the tickets, lumabas na kami dahil magsasara na ang mall. I texted Kuya Roel to pick me up at the entrance. The mall had a garden so we just sat there while waiting. 


"Thanks for today." I looked down and played with my hands. 


"You're welcome."


I looked at him and noticed his silver necklace. Palagi niyang suot 'yon at nakatago sa loob ng shirt niya so I was curious about the design.


"Can I see your necklace?" I asked.


Hinatak niya 'yong necklace niya at nilabas mula sa shirt para makita ko. It was just his initials. SVC. 


"Who gave you that?" I arched a brow. 


"Ako lang nagpagawa nito." He showed it to me. "No special meaning." 


Tumango lang ako at umiwas ng tingin. I thought someone else gave it to him. Napabalik lang ang tingin ko sa kaniya nang kuhain niya ang kamay ko at nilapag ang necklace doon. 


"Why are you giving this to me?" I asked nervously. 


"Para may special meaning na." He smiled. 


"Am I special to you?" I raised my brows. 


He nodded, licking his lower lip. He looked shy. 


"Why? Do you like me?" My heart was beating so fast. I just needed to know.


His lips slowly formed an amused smile, hindi man lang nagulat sa tanong ko. 


"Hindi ba halata?" he asked me back. 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro