05
"My treat! Ano'ng order mo?"
Nakatingin sa menu si Sevi at mukhang nag-iisip kung ano ang oorderin niya. Ako, alam ko na kaagad ang akin kaya hindi ko na kailangang mag-isip pa. He was holding a paper bag of the books I bought. Siya naman ang nagprisintang magbuhat no'n eh.
"Hindi ako mahilig sa kape," sabi niya sa 'kin.
"Tea na lang. I'll order for you," sambit ko sa kaniya.
Tumango siya at nanatili sa tabi ko hanggang sa maka-order na 'ko. Kumunot ang noo ko nang makitang pasulyap-sulyap ang babae sa cashier kaya sinundan ko ang tinitingnan niya. Sevi was looking at his phone, typing something.
"Name po, Ma'am?" the woman asked.
"Elyse. E-L-Y-S-E not Elisse with double s," sabi ko na parang kinabisa na sa dalas kong sabihin 'yon sa mga nanghihingi ng pangalan ko sa coffee shop.
"Si Sir po? Anong name?" she asked, smiling.
"Sev-"
"Name ko na lang din ilagay mo," singit ko.
Sevi arched a brow and looked at me when I suddenly cut him off. Hindi ko siya pinansin at inabot na ang Starbucks card ko.
"Sevi," pagpupumilit ni Sevi.
"Okay, Sir." The woman giggled as she wrote on the cup.
Pagkatapos niya ibalik ang card ko, naghanap na kami ng upuan. Magkatapat na naman kami ngayon. Nakatingin ako sa labas habang siya ay tinitingnan ang mga librong binili ko. Hindi ko inaakalang mahilig siyang magbasa. I felt like wala naman siyang time for it.
"For Elyse!" Tumayo kaagad ako para kuhain ang akin, pati ang inorder kong ensaymada.
Pagkabalik ko sa table, tinawag na rin si Sevi. Nilapag niya ang pagkain niyang french toast sa mesa, pati ang green tea na inorder ko para sa kaniya bago niya binalik ang tray naming dalawa sa counter.
Kinuha ko ang cup niya nang mapansin ang nakasulat doon.
'Sevi
Have a good day! :D'
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa cup ko na pangalan ko lang ang nakalagay. Wala man lang smiley face or messaage. Just my name! Oh my gosh, may favoritism ang mga tao rito!
"Anong tinitingnan mo? Gusto mo?" tanong ni Sevi pagkaupo ulit sa harapan ko.
Binalik ko ang inumin niya sa mesa at hindi sinagot ang tanong niya. Naghiwa na lang ako ng ensaymada ko. Ang dami talagang privileges ng mga lalaki, lalo na kapag gwapo! Napairap ako lalo.
"Where do you live?" I asked. Sa sobrang dalas niya sa gym na 'yon, pakiramdam ko'y malapit lang ang bahay nila.
Napatigil siya sa pag-inom sa straw at nanlaki ang mga mata. Dahan-dahan niyang binaba ang cup sa mesa at nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga.
"Hindi pa 'ko ready sa ganito," he dramatically said. "Masyado pang maaga para sa meet the family."
"What?" Kumunot ang noo ko.
"Elyse, ano, kasi ganito 'yon..." Sevi sighed again and leaned over the table. "Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa 'yo... Hindi pa 'ko handang maging ganoon ka-open-"
"What the fuck," singhal ko kaagad sa kaniya. "You're so feeling! I was just wondering if you live near the gym!"
"Ah..." Tumango siya, tumatawa. "Linawin mo kasi. Muntik ko nang isiping may gusto ka sa 'kin eh."
"Nag-iisip ka pala?" malditang sagot ko.
"Ngayon ko lang din nalaman." He laughed again.
Hindi ko alam kung gusto niya ba 'yong drink na binili ko para sa kaniya or napipilitan lang siyang ubusin dahil ako ang nagbayad no'n. Mukha namang wala siyang reaksyon habang umiinom at kumakain.
"Does it taste okay?" I asked him, worried about the drink.
"Okay lang. Lasang dahon." He laughed.
"I can get you another drink." Tumayo ako, handa nang pumunta sa counter.
I stopped when he suddenly held my hand. Napalingon agad ako sa kaniya at kaagad bumaba ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Huwag na." Binitawan niya kaagad ako nang mapansin ang ginawa.
"Uh, okay..." I awkwardly took my seat again.
Hindi na 'ko makatingin sa kaniya hanggang sa matapos akong kumain. Tumayo siya para iligpit ang plato habang ako naman, kumuha ng libro sa paper bag para magsimulang magbasa ng kung ano.
"Maganda 'yan. Nakakaiyak." Umupo ulit si Sevi sa harapan ko.
"You cried reading this?" Tinaas ko ang libro.
"Hindi. Pero 'yong kaibigan ko, si Luna-"
He suddenly stopped talking when I raised a brow. He smiled at me and just drank his green tea, acting like he did not say anything.
Luna, huh? Close na close 'ata sila, judging by their pictures. Kahapon din nakita ko sa IG story niya na magkasama sila. I could tell that he was in love with her... or baka hanggang ngayon? Hindi ko alam and I should not care.
"I don't want to read now. I want to go shopping." I closed the book and looked him straight in the eyes.
"Ganoon ba? Sige, samahan na kita."
I wasn't asking him to come with me. I actually thought na uuwi na siya kapag sinabi ko 'yon! Kabaliktaran ang nangyari! He carried the paper bag again, at sa isang kamay ay hawak niya ang Starbucks cup. He was so tall that when he stood up and got his things, he caught the attention of the people inside. Or maybe it was not because of his height?
Or wait, baka ako ang tinitingnan! Gosh!
Sinuot ko ang shades ko at kinuha rin ang frappuccino kong hindi pa nauubos. Pagkatapos, nauna na 'kong lumabas, not minding the people looking. Sevi followed me from behind, and also opened the door for me.
He did not say anything. Sumunod lang siya sa 'kin sa other side ng mall kung nasaan ang designer brands. I called Daddy first, of course! Ayaw kong masermunan ulit sa bahay!
"Daddy, nasa mall ako," I informed him.
[I know. Your bodyguard texted me. Bakit hindi mo siya kasama?]
"I gave him free time to look around, baka pagod na siya, you know," pagpapalusot ko. "Anyway, I have this... bag... that I really want to buy.."
[I know where this is going.] I heard him sigh.
"Thank you, Daddy," sabi ko kahit hindi pa naman pumapayag.
[If you want that bag, sell some of your old ones.]
My lips parted immediately! Napatigil ako sa paglalakad kaya nabunggo na naman si Sevi sa likod ko. I blinked twice, trying to process what he just said.
"W-why should I do that?" I was so confused.
[Because I said so.] His voice was stern.
"B-but... I.."
Hindi ako makapagsalita. Pumasok na sa isip ko ang mga bag ko sa shelf, iniisip kung alin doon ang hindi ko na ginagamit at pwede nang ibenta, pero parang lahat ayaw kong pakawalan! May mga hindi ako ginagamit pero malay mo magamit ko siya sa future! It stressed me out!
"Okay, I won't... buy the bag." I was so sad. "But I can buy new clothes, right? Clothes! I can sell my old clothes! Huwag lang 'yong bag, Daddy," pagmamakaawa ko.
[Okay, then. I'll ask your mom to gather your old clothes so we can sell them.]
"No! Let me pick!" I panicked.
[Just go home early. Take care.]
At binabaan na niya 'ko ng phone!
Matagal akong nakatulala sa gitna ng mall, iniisip kung ano bang deal 'tong pinasok ko! It was too much for me. Nag-eighteen lang ako, pakiramdam ko forty-one na 'ko!
"Okay ka lang?" Sevi asked, worried.
"I hate being eighteen!" reklamo ko sa kaniya.
"Bakit?" His brows furrowed.
"So many responsibilities! So many adult things! I don't want them!"
Tinaas ko ang aking shades hanggang sa ulo at padabog na naglakad ulit papunta sa bilihan ng damit. Kulang na lang ay bigyan na nila 'ko ng budget, kunwari'y hanggang ganito lang dapat ang bibilhin ko. Oh my god, baka maisip nila 'yon, ah?!
"Hindi ka habangbuhay magiging bata," sambit ni Sevi habang naglalakad kami. "Darating ang araw na hindi ka na susuportahan ng magulang mo kaya kailangan mong matutong harapin ang mundo nang mag-isa."
"I don't need a lecture right now." I rolled my eyes. "I just want new bags. What's wrong with that?"
"Hay... Sinasabi ko lang." He sighed. "Pribilehiyo nga naman..."
"What now?" Ngumiti lang siya at umiling. "Oh, come on. Just say what you're thinking." He was obviously judging me!
"Wala... Naiisip ko lang na marami pang ibang bagay na pwedeng puntahan ng malaking pera. May mga nasalanta ng bagyo kailan lang... Ganoon. 'Yong pera, pwede ring gamitin para makatulong din sa iba." He shrugged. "Wala, naisip ko lang."
"What are you implying?" Naguguluhang tanong ko.
"Wala naman. Sinasabi ko lang."
I glared at him and he just gave me a fake smile. Tinalikuran ko siya kaagad at pumasok na sa loob ng clothing store na favorite ko. I was more careful now in choosing, iniisip na bawat kuha ko, ganoon din ang bilang ng mawawala sa cabinet ko!
"It's okay. Nagamit ko na 'yon. Maliit na sa 'kin ang mga 'yon," bulong ko, consoling myself.
"Kausap mo dyan?" Sevi raised a brow.
Hindi ko siya pinansin at tinalikuran ulit para pumunta sa kabilang side ng store. Bumuntong-hininga siya at napaupo na lang sa itim na couch doon. Even the couch screamed elegance. Para siyang haring nakaupo sa trono niya.
Nakita kong may nilabas siyang libro mula sa paper bag at binuklat 'yon para basahin saglit habang naghihintay. Umirap ako at binalik na ang tingin sa mga damit. I got myself a red cropped top jacket, some sleeveless tops, and two leather skirts.
Pumasok ako saglit sa fitting room para sukatin 'yon. Paglabas ko, nakita kong may kausap nang babae si Sevi!
Sumingkit ang mga mata ko nang makilala ang babae. It was a socialite. Her name was... I believe it was Stephanie. I knew her because ex-fling siya ni Hiro.
Naglakad ako palapit para marinig ang pinag-uusapan nila. Sevi glanced at me when he saw me walking towards them. Tumayo kaagad siya, inaakalang tapos na 'ko. Stephanie's gaze turned to me.
"Elyse!" gulat na sabi niya. "I haven't seen you for a very long time!"
"Yes, maybe because I don't have any reason to show myself to you." I gave her a fake smile.
Nagulat si Sevi sa paraan ng pakikipag-usap ko, habang si Stephanie ay napangiti lang sa 'kin, sanay na sa ganoong attitude ko.
I had always hated her because she used to spread rumors about Hiro! Ang sabi niya, nag-sex daw sila sa condo niya at pinakilala na raw siya sa parents! Those weren't true, but Hiro still chose not to act on it! He was just that nice. Ugh, I actually miss him, not because I liked him but because he was also a nice friend to my brother and me.
"Pick one." Tinaas ko ang dalawang hanger ng skirt at pinakita kay Sevi.
"Oh, you guys know each other?" Stephanie asked, curious.
"Yes, what about it?" I raised a brow.
"Lovely. If only I knew na may friend kang ganito, minessage na sana kita para ipakilala ako sa kaniya! My god, I heard basketball player siya. Mukhang madalas na 'ko sa arena," she joked.
"We're not friends." I made that clear.
"Ako ba or kayo?" she asked, confused.
Bumaling ako kay Sevi at binaba na ang kamay ko, nangangawit sa pagtaas ng dalawang hanger. He pursed his lips, not wanting to talk.
"Both," walang emosyong sagot ko.
"Well, then. I'll see you around. Sevi, you can message me anytime." She winked at him before walking away, carrying four designer paper bags.
Nairita kaagad ako sa kaniya! Tumalikod agad ako at dumiretso na sa cashier para bayaran lahat. I gave the woman my card and just waited. Naramdaman kong nakatayo sa gilid ko si Sevi, but I refused to look back at him.
"'Yong red skirt. Mas bagay sa 'yo," maingat na sabi niya.
"Binayaran ko na, can't you see? Kanina pa kita pinapapili, tapos ngayon ka sasagot kapag nabayaran na?" I said without looking at him.
"Sorry, may kausap ka pa kasi kanina." He was so calm.
"Ikaw din naman may kausap noong lumapit ako. You could have answered agad, right?" Hindi ko na rin alam kung ano ba ang pinaglalaban ko at kung bakit inis na inis ako!
"Nilapitan niya 'ko. Sabi niya favorite book niya raw 'yong binabasa ko eh." Napakamot siya sa ulo niya. "Tapos tinanong na niya pangalan ko-"
"I did not ask." I scoffed.
Inabot na sa 'kin ng babae ang card ko at paper bag. Bago ko pa makuha sa kamay niya, si Sevi na ang nanguna. Napairap ako at nilagay na lang ang card sa loob ng wallet ko bago lumabas, hindi na siya hinintay pa.
"Galit ka ba?" nagtatakang tanong niya pagkasunod sa 'kin.
"No," I denied so fast.
"Bakit hindi mo 'ko tinitingnan?"
Inis akong lumingon sa kaniya at tiningnan siya saglit, bago tumalikod ulit.
"Ayan, tiningnan na kita. Kailangan ba tingnan kita palagi?!"
Naglakad na 'ko ulit at sumunod na naman siya sa 'kin. Walang masyadong tao sa part na 'to ng mall dahil puro designer brands, at saka maaga pa. Halos kakabukas lang ng mall noong pumasok kami sa bookstore.
"Wait lang nga..." He lightly grabbed my arm.
Huminga ako nang malalim bago siya lingunin. Nakakunot na ang noo niya pero kalmado pa rin ang hawak sa 'kin.
May kinuha siya sa bulsa niya at inabot sa 'kin. Nagtataka kong tiningnan 'yon at nakita ang calling card ni Stephanie. Natawa ako bigla nang sarkastiko. Bakit niya binibigay sa 'kin?!
"What would I do with this?" I asked him.
"Ewan ko. Punitin mo kung gusto mo." He shrugged. "Hindi naman ako interesado doon."
"This is yours." Binalik ko sa kaniya. "Ikaw magpunit kung gusto mo. I don't care what you'll do with it. I just-"
Napatigil ako nang kuhain niya 'yon sa kamay ko at pinunit nga sa harapan ko. He looked so serious doing that while staring at me. I blinked twice, watching him throw the pieces of paper in the trashcan nearby.
Nang bumalik siya sa harapan ko, seryoso pa rin ang mukha niya. Natakot tuloy ako! He pursed his lips and gestured for me to continue walking so I did.
"Uhm... Tapos na 'kong bumili." Lumingon ako sa kaniya. "Umuwi ka na."
"Nasaan na bodyguard mo?" kalmadong tanong niya sa 'kin.
"I'll call him. Uwi ka na," pagpupumilit ko.
Tumango siya at umuwi na nga pagkatapos no'n. Ako rin ay umuwi na. Pagkauwi ko, nakita kong nilalagay na sa box ang mga lumang damit ko. Napasimangot ako at lumapit doon para tingnan kung may mga napasamang gusto ko.
"No, Mommy! Not this one!" Tinaas ko ang regalong jacket ni Hiro sa 'kin.
"Maliit na sa'yo 'yan, right?" nagtatakang sabi ni Mommy.
"Yes, but this is important!"
Inalis ko 'yon mula sa box at naghalungkat ulit. Inalis ko ang bigay nila Kuya, Ate Ericka, Ate Helen, at iba pang kaibigan. Kahit hindi ko naman na ginagamit, they had a sentimental value. I like holding on to things like that.
"Are you going to sell them?" I asked.
"Yes, why, anak? Ayaw mo ba?" She asked.
Natahimik ako at tiningnan ang dalawang box. Ang iba ay binubuhat pa ng helpers namin pababa ng hagdan.
"There was a... recent calamity, right?" I asked, remembering what Sevi said.
"Yes?"
"Maybe we can just donate the casual everyday clothes then sell the designer ones... The money we will get... Maybe we can also donate that too," I shyly said, playing with my fingers.
My mom smiled widely and ruffled my hair before kissing my forehead. Nagtaka tuloy ako! She was so in awe!
"You're really growing now." She was proud.
It was not my idea, so I should not get the credit. I mean, his words struck me, too. Ngayon ko lang din na-realize. I was spending too much money already.
"I'll just go to my room and help with the clothes," paalam ko.
The next day was a Monday so I attended my class in the morning. Nakaupo lang ako at nakikinig sa prof. Ang cellphone ay nakatago sa notebook ko kaya hindi ko napansin ang pag-ilaw no'n.
"Ida, don't sleep." Kinurot ko siya sa baywang nang makitang papikit na siya.
"Sleep!" gulat na sigaw niya.
Napalingon ang lahat sa kaniya at ang iba'y nagtawanan pa. I bit my lower lip to contain my laugh. Masama siyang tiningnan ng prof pero tumalikod din para ipagpatuloy ang pagsusulat sa board.
Napailing ako at binuksan ang notebook ko. My brows furrowed when I saw a message.
sevirous: na-late ako sa klase.
Huh? Eh, ano naman sa 'kin?
elydezma: So? Share mo lang?
Maingat kong binalik ang tingin sa prof ko, natatakot na baka mapansin niyang nagse-cellphone ako pero nakatalikod pa rin naman siya kaya binaba ko na ulit ang tingin sa phone.
sevirous: tanungin mo kung bakit
elydezma: Bakit?
Nagpauto naman ako. Baka ang i-reply niya 'pwet mo may rakit.' That was so like him!
sevirous: hindi ako pinapasok sa gate.
elydezma: And why are you telling me that?
sevirous: tanungin mo ulit kung bakit HAHAHAHA
elydezma: Bakit?!
Napipikon na 'ko ha!
sevirous: kasi nasayo id ko
My eyes widened and closed my notebook again to look around. Nakikinig na si Ida sa prof namin at mukhang wala namang pakialam ang iba. My mouth formed an 'o' when I realized what he meant.
Right! 'Yong I.D! What the hell! Nakalimutan ko! Bakit ngayon niya lang sinabi?!
Oh my gosh, wait. Parang nalagay ko 'yon sa bag ko! I just grabbed two laces dahil sa pagmamadali kanina! Naguluhan ako saglit kung alin doon ang I.D. ko.
"Dismissed." Napatingin ako sa prof namin nang magligpit na siya ng gamit.
Nagmadali akong tumayo at kinuha ang bag ko para ipatong sa chair. Napatingin ulit ako sa sahig nang may malaglag doon.
I was about to pick it up pero naunahan ako ni Ida!
"Bakit nasa 'yo 'tong I.D. nung captain ng UST?!" gulat na tanong niya sa 'kin.
Napaawang ang labi ko at napatingin din ang iba naming blockmates. Nagsimula na silang magkantyawan! Inagaw ko kaagad ang I.D. at tinago sa bag ko.
"Napulot ko!" pagpapalusot ko.
"Elyse ha? Animo tayo!" pang-aasar ni Ali.
"Archer, hindi Tiger." Tumawa si Eric.
"Shut up, guys. Napulot ko lang 'yan!" I still tried to deny it. Alam ko na ang tumatakbo sa utak nila!
"Kaya pala nakita ka raw ng friend ko sa UST last time?" Ngumisi si Bea.
"That's not me!" Tanggi ko ulit.
Kinuha ko kaagad ang bag ko at nilagay sa aking balikat ko para makaalis na dahil may training pa. I glared at Ida who was laughing so hard, ine-enjoy na ma-hotseat ako. I still waved my hands before leaving the room.
Hindi ako makakaalis dahil may training kaya hindi ko alam kung paano ko ibabalik sa kaniya ang I.D. niya!
elydezma: May training ako. If you can wait until 11 PM, then it's fine. I can go to you.
"Eli! Ano'ng ginagawa mo diyan? Walang training sabi ni coach." Nakasalubong ko si Ate Raya.
"Huh?!" gulat na tanong ko. Kailan sinabi?!
I checked the group chat. Wala nga! Bakit hindi ko nabasa kanina?! Nag-chat na ulit ako kay Sevi para bawiin ang sinabi ko.
elydezma: Nvm I'm on my way.
sevirous: may training kami chat ka na lang kapag nandito ka na
I asked Kuya Roel to drive me to UST hospital first. Ang sabi ko, may kukuhain akong result ng test. He did not ask about it further.
I was wearing a pair of black leggings and a white v-neck shirt. Akala ko kasi may training kaya ito ang suot ko. Pinonytail ko na lang ang buhok ko dahil sa init, and then I put on some powder and lip tint so I wouldn't look pale.
"I'll be fast. You can just wait in the car," sambit ko.
"Pero-"
"Dyan lang ako sa hospital, Kuya! Don't worry!" I lied again.
Nakumbinsi ko rin siyang manatili na lang sa kotse. Dali-dali kong nilabas ang phone ko para mag-chat habang naglalakad, hinahanap kung saang court sila nagte-training. Around four-thirty pa lang nang makarating ako kaya marami pang mga estudyanteng naglalaro sa nakita kong covered courts.
elydezma: I'm here na. Nakaupo ako sa wooden bench near covered court, katabi nung yellow na building? Idk.
He did not reply. Nagte-training, probably. Naghintay na lang ako rito at nag-scroll sa social media.
"Elyse?" Napatingin ako sa babaeng tumawag sa 'kin.
Kumunot ang noo ko nang makita ang friend ni Sevi. Kierra ata? 'Yong pinakilala niya last time. She was wearing her uniform, at may dalang cartolina. She looked stressed.
"Bakit mag-isa ka?"
"I'm waiting for Sevi," deretsong sagot ko.
"Ah, nagte-training pa nga yata. Abangan mo na lang siya roon sa steps!" turo niya sa hagdanan ng yellow na building.
Tumayo ako at sumunod nga sa kaniya. Hinatid niya lang ako roon at nagmamadali nang umalis dahil may bibilhin pa raw. I sat on the steps, watching the students come and go. May mga nagpa-practice ng sayaw at may mga nakatambay lang. Nagpangalumbaba ako, nabo-bored na.
Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate 'yon.
sevirous: palabas na wait lang
Napasimangot ako. Ang tagal!
"Crap!" I yelled when someone held my shoulder.
Tumayo kaagad ako at muntik nang mahulog sa hagdan kung hindi lang hinawakan ni Sevi ang braso ko para hatakin ako palapit. Nanlaki ang mata ko nang magdikit kami. Agad akong lumayo sa kaniya at umiwas ng tingin.
May dala siyang towel at mukhang kakatapos nga lang mag-training, pero tingin ko nakapagpalit na siya ng damit dahil mabango at mukhang malinis. He damped the towel again on his face, wiping his sweat. Nakasuot lang din siya ng black jersey shorts na Nike, partnered with his black shoes.
"Kanina ka pa?" he asked, smiling. Lagi na lang siyang nakangiti kapag nakikita ko siya. What a happy person.
"Duh!" Umirap ako.
Kinuha ko ang I.D. niya sa bag ko at inabot sa kaniya. Kinuha niya 'yon at inikot sa kamay niya ang lace, walang balak suotin.
"Camero-"
Napalingon kami sa grupo ng kalalakihang kakalabas lang din ng building. Napatigil sila saglit sa paglalakad at nag-kantyawan bigla! Nag-sikuhan pa at nag ngitian!
"Yie," pang-aasar noong isa.
"Tanga." Sevi laughed.
"Sana all may sumusundo after training!" His teammate shook his head.
"May kinuha lang ako-"
"Sus, kaya pala nagmamadali matapos 'yong training ah! Unang-una ka pang umalis, Captain!" Malakas silang nag-tawanan.
"Ulol!" Tumawa ulit si Sevi and raised his middle finger at them.
Nagtulakan ang mga lalaking 'yon at agad ding umalis. Ayaw raw maka-istorbo! Mas lalong nag-salubong ang kilay ko. My god! Na-issue na naman kami! We should really stop seeing each other! Bakit ba palagi na lang may naiiwan na gamit sa isa't-isa?!
Everyone would think that we were dating!
"Uuwi ka na?" Bumaling ulit si Sevi sa 'kin.
"Duh? Saan pa ba 'ko pupunta?" I raised a brow.
"Kumain ka na?"
Right. Ngayon ko lang naalalang hindi ako nakapag-lunch kanina dahil maraming ginawa. Umiling ako kay Sevi para sagutin ang tanong niya.
"Kain tayo?" aya niya.
Matagal ko siyang tiningnan, iniisip kung papayag ba 'ko o hindi. I was hungry, too... pero ayaw kong ma-issue sa kaniya! What should I do?!
"Kung busy ka, okay lang." He shrugged.
"Well..." I looked at the time. Wala naman akong masyadong gagawin. Isa lang ang homework mamaya at isa rin ang quiz bukas. "Okay."
"Kuhain ko lang gamit ko," paalam niya at ngumiti.
I waited for him outside. Pagkabalik niya, naglakad na kaming dalawa palabas sa sinabi niyang 'Noval.' I looked around to admire their campus. Maliit kasi 'yong sa amin eh. Parang ang saya rito.
"Is that the church?" I pointed at the most beautiful building.
"Main building 'yan." He laughed. "Doon pa sa madaraanan natin 'yong simbahan."
Naglakad ulit kami at tinuro niya nga ang simbahan. He asked me if I wanted to go in but I said next time na lang since gutom na 'ko.
"You probably told yourself na dyan mo siya papakasalan," I joked.
"Sino?" Kumunot ang noo niya.
"Luna," I said casually.
Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako at humarap sa kaniya. He raised his brows at me and crossed his arms, like he was waiting for me to explain further why I said that.
"I just concluded," I shrugged. "Am I wrong?"
"Concluded na?"
"You like her? Or love her?" Pagpapatuloy ko.
His lips slowly formed a smile after staring at me for a moment. He chuckled and shook his head a little.
Sumimangot ako at tiningnan siya nang masama. Bakit niya 'ko tinatawanan?!
"Sige, aaminin ko sa 'yo... I used to," he was still smiling.
"Ngayon?" I asked again, wanting him to confirm it. I looked hopeful... that he would say no.
Umiling siya at lumapit sa akin. He bent a little so our faces could be on the same level. Nag-init kaagad ang pisngi ko habang nakatitig sa kaniya.
"Hindi na. Kaibigan na lang tingin ko sa kaniya. Kaibigan lang din tingin niya sa akin. Walang kahit ano. Walang leftover feelings. Wala talaga," seryosong sabi niya sa akin. "Kahit pigain ko pa, wala."
He smiled at me and started walking again. This time, slower.
"Weh?" I asked and placed my hands on my back, kicking the small stone in front of me.
Narinig ko ulit ang tawa niya nang hindi ako maniwala sa kaniya.
"Totoo." Nakita kong lumingon siya sa akin dahil nakita ko sa gilid ng mga mata ko. "As in! Promise!"
Napalingon ako sa kaniya at tumigil muli sa paglalakad. He smiled and squeezed my face with his hand. Masama ko siyang tiningnan at hinampas ang palapulsuhan niya para tanggalin 'yon.
"Ano ba! Susuntukin kita?!" Inambahan ko siya ng suntok.
"Selos? Crush mo ba 'ko, ha?" he asked, teasing.
"Ew! Asa ka!" Tinulak ko siya kaagad at binitawan niya na rin ang mukha ko.
I blew on my cheek and inhaled a large amount of air to calm myself. He stared at me for a moment, watching me intently.
"Cute mo." He smiled.
Nawala tuloy ang galit ko! I was stunned. I stared at him for a moment with my lips parted. Umiwas agad ako ng tingin nang maramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Did he just call me... cute?
"And so? You have a crush on me na?" sarkastikong tanong ko rin pabalik.
The side of his lips rose again and formed a smirk.
"Siguro..." He shrugged.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro