04
"Can we just eat somewhere else? Naiinitan ako."
Umiling si Sevi at tumayo ulit para maglakad. Nakaka-ilang lipat na kami and I heard him say na we were in Dapitan. Hindi ko alam kung saan 'yon at sumusunod lang ako sa kaniya. He was holding on to the straps of his backpack and he was walking faster than me. O baka naman mahaba kasi ang legs niya kaya nauuna siyang maglakad?
"Here na lang," turo ko sa Wendy's.
Tumango siya at pumasok na kami sa loob. Pumila kaagad siya at sa tabi niya naman ako nakatayo, looking at the menu. Nilabas niya ang wallet niya at tiningnan saglit ang laman noon.
"Don't worry. I'll pay," I assured him.
"Kaya kong magbayad," he countered.
"Okay, then. Pay for yours, and I'll pay for mine."
That would be fair for the both of us. Hindi naman 'to date so bakit namin kailangan maglibrehan?
"Ako na oorder. Humanap ka na ng upuan," sambit niya sa 'kin.
I told him my order before going upstairs. Maraming bakante sa taas at umupo ako roon sa may pinakagilid para walang makakita sa 'kin! Nakakahiya 'no! Mamaya, may kakilala pala ako rito and then i-issue na naman ako kay Sevi! Ew lang! As much as possible, ayaw kong ma-issue sa kaniya!
I shouldn't be eating fast food right now so I just ordered a salad. Mayamaya, may naglapag na ng tray sa table at umupo sa harapan ko. He was wearing their uniform na white polo with a logo on the side and a pair of black slacks. Binuksan niya ang isa pang butones ng polo dahil nainitan, revealing his white shirt inside.
"Ang init," reklamo niya at nilabas ang itim na panyo para punasan ang pawis sa noo pagkalapag ng bag niya sa gilid.
"I told you." I rolled my eyes.
He just smiled at me and got the food out of the tray to distribute. Nilapag niya ang salad ko sa harapan ko, at burger sa kaniya. Pagkatapos, nilagay niya ang tray sa kabilang table. I consciously looked around, naghahanap lang ng kakilala. Mabuti na lang at wala!
"Wala tayong drinks?" Kumunot ang noo ko.
"Sabi mo ayaw mo ng soft drinks at juice, at ayaw mo rin ng service water. Ano ang oorderin ko?" Napakamot siya sa ulo niya.
"I told you to buy a bottled water or something!" Sumimangot ako.
"Walang bottled water," sagot niya naman.
"Okay, kapag nabulunan ako at namatay, kasalanan mo!" Humalukipkip ako.
He sighed heavily before standing and getting his wallet again inside his bag. Walang pasabi siyang bumaba ulit. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. I didn't want to be rude so hindi pa 'ko kumain. I waited for him to be back.
Napatigil ang pagse-cellphone ko nang may maglapag ng bottled water sa table. Napangiti kaagad ako at hinawakan 'yon para ilapit sa 'kin. Pawis na ulit si Sevi nang umupo sa harapan ko at nagpupunas na ulit gamit ang panyo.
"Thanks!" I smiled at him cutely.
"Kumain ka na," he urged.
Masaya na 'ko nang magsimulang kumain. He had his own water jug kaya hindi na siya namili ng tubig para sa sarili niya.
"Oy, Master!"
Sabay kaming napalingon sa grupo ng kalalakihang kaaakyat lang sa second floor ng Wendy's. Napahinto sila nang makita ako at nag-iba kaagad ang tingin. Naging mapang-asar na ang mga ngiti!
"Cutting! Cutting!" one guy teased.
"Gago, walang prof." Tumawa si Sevi.
"O, ano? Dito pa ba tayo kakain? Lovelite na lang tayo! Baka palayasin tayo ni master!"
I surveyed them and noticed that they were wearing the same uniforms so I assumed that they were his blockmates. Napaiwas ako at bahagyang tinago ang mukha, nahihiyang may makakita sa 'kin. Mamaya, baka may magsumbong sa kuya ko!
"Saan kayo pagkatapos?" tanong ni Sevi.
"Paci kami, master," nakangising sabi ng isa. "Sama ka? Arat, laro muna."
"Susunod ako." Sevi gave them a nod.
Nagsisi-asaran at tulakan pa ang mga lalaki. May isa pang nag-flying kiss sa kaniya at pabirong sinalo naman ni Sevi. Napailing ako nang mawala na ang ingay at nagsi-babaan na sila para lumipat ng kakainan.
"Sorry. Blockmates ko," sambit niya sa 'kin.
"I didn't ask," walang emosyong sagot ko.
Tumawa lang siya at kumagat na ulit sa burger niya. Nang malunok ko ang lettuce na nginunguya ko kanina, tiningnan ko ulit siya.
"Why do they call you master?" This time, I asked na.
"Ewan ko." He laughed. "Napagsasabay ko raw basketball at engineering. Master daw. Ewan ko ba, parang gago."
"Oo nga, 'no?" I looked up for a second. "How can you do that? You're smart siguro?"
"Hindi, ah!" agad na tanggi niya, natawa pa sa sinabi ko. "Magaling lang siguro ako sa math kaya madali kong makuha."
"Yabang mo naman." I could barely pass my math subjects! But I still did.
"Ano'ng course mo?" He asked after drinking on his jug.
"Applied corporate management," proud na sabi ko sa kaniya.
"Gusto mo ba 'yon?" tanong niya. Napakunot ang noo ko, hindi naintindihan ang sinabi niya. "'Yong program. 'Yon ba talaga gusto mo?"
"Yes, I picked the course." I nodded. My parents let me pick!
"Buti naman." He gave me a sincere smile.
"Why? You don't like your course?" curious na tanong ko.
"Gusto, kaya nga hindi ko maiwan, e, kahit pinapalipat nila 'ko sa commerce. Ang hirap kasi isabay ng schedule sa basketball pero ginagawan ko naman ng paraan." He looked really passionate with engineering. Good for him.
Tumango ako at uminom ng tubig. Naubos ko na ang pagkain ko at hinihintay na lang siyang matapos. Hindi na 'ko nagtanong pagkatapos no'n. I was not that interested naman and he did not ask me about anything din. Inubos niya na lang ang burger niya.
"Tara," aya niya sa 'kin pagkatapos kumain.
Kinuha ko na ang bag ko at tumayo na rin siya para isuot ang bag niya sa kaniyang balikat niya. He fixed his hair a little before gesturing for me to walk first. Sumunod siya sa 'kin sa likod ko hanggang sa makalabas kami.
Napahinto ako pagkalabas kaya nabunggo siya sa likod ko. Agad akong lumingon sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. He laughed and stepped backwards to give me space.
"I don't know the way." Humalukipkip ako.
I was so bad with directions! Kaya nga hindi ako marunong mag-drive dahil wala silang tiwala sa 'kin pagdating sa directions. Baka kung saan-saan daw ako mapunta.
Inalis niya ang I.D. niya at sinuot bigla sa leeg ko. Naguguluhan kong tiningnan 'yon. What was that for?
"Ayaw kong umikot ng Lacson," sabi niya sa 'kin.
Hinubad niya ang backpack niya para iharang kunwari sa harapan. Hinawakan ko ang I.D. niya para pagmasdan. It was a black strap with UST Civil Engineering on it and some logos. It was kind of unfair how he looked like himself in his I.D. picture! Dapat pangit siya roon, ah!
"Tara," sambit niya.
Sumunod ako sa kaniya sa may gilid ng daan at tatawid na sana nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinatak ako pabalik.
"Wala pa. Baka mapaano ka."
His hand did not leave my arm hanggang sa pagtawid namin. Binitawan niya lang ako nang makapasok na kami. Marami kaming nakakasalubong na students na palabas kaya ilang beses akong nabubunggo.
"Ouch!" I glared at the woman who bumped into my shoulder. "Hey-"
I stopped and looked back at Sevi when he suddenly put his hand on my shoulder to pull me closer to him.
"Hayaan mo na," he calmly said.
I blew on my cheek and just walked straight, kung saan niya 'ko hinahatak dahil nasa balikat ko ang kamay niya.
"Hoy, Sevi!"
Agad niyang tinanggal ang hawak sa balikat ko nang makasalubong namin ang isa pang babaeng naka Archi uniform. I saw the woman during the game last time! She smiled at him meaningfully and glanced at my shoulder for a bit.
"Ang landi-landi..." The woman laughed.
"Elyse, si Kierra," pagpapakilala ni Sevi.
"Hello." The girl smiled sweetly and offered her hand.
She was also taller than me, and her skin was darker than mine. Naka-ponytail ang buhok niya at may hawak na illustration board sa kabilang kamay. She somehow resembled the woman earlier, 'yong isa pang girl ni Sevi.
"Nandoon ka sa game last time, right? And also sa game ng UST tsaka La Salle? The cheerleader?" she asked.
"Yeah." Tinanggap ko ang kamay niya.
"Saan ka? Cutting ka ah," pag-aakusa ni Sevi.
"Tanga, bumili lang ako ng illus." Tinaas niya ang illustration board na hawak niya. "Sige na. Aakto na lang ako na wala akong nakita."
Hindi ako makapagsalita at hiyang-hiya. She probably saw his hand on my shoulder! Wala namang meaning pero mukhang na-issue na naman kami!
Hinatid niya 'ko sa tapat ng UST Hospital, and then tinalikuran ko na siya kaagad at nagmamadaling pumasok sa loob. I saw Kuya Roel seated in the lobby, kung nasaan siya kanina. He immediately stood up when he saw me.
"Ang daming patients, grabe!" I exaggerated.
"Okay lang, Ma'am."
I went straight to training after that dahil binaon ko naman na ang gamit ko, iniwan ko lang sa sasakyan. It was, again, a tiring day. Gabi na ulit ako nakauwi pero nawala ang pagod nang makitang ibang kotse ang sumundo sa 'kin.
"Kuya!" masayang sabi ko nang makapasok sa kotse.
"Seatbelt," he reminded me before leaving the parking lot.
"Bakit ikaw? Hindi ka busy?" nakangiting tanong ko.
Minsan lang kami magkita since hindi naman siya nakatira sa bahay.
We met each other for the first time when he was in high school. His mom moved out of the house, and my mom and I moved in right after that. May boyfriend nang iba ang Mommy niya at that time, and my dad, or our dad, basically cheated on her with my mom, the reason why they had me. My mom didn't know about Kuya Shan's mom, though.
It was something I already put in the past. It was not my fault, and he never treated me differently. He was cold to my mom and our dad, but he never treated me like that. I was happy that I had him.
"Kuya Roel ran an errand for... dad," he explained. "And I was just around the corner, so I offered to pick you up. Anyway, how are you holding up?"
"I'm fine! I'm just tired." I pouted.
"Take time to rest," he seriously said while turning the steering wheel.
"I am!" sabi ko, kahit palagi naman akong gumagala.
"How about school? Do you need some help in any of your courses?" He arched a brow.
He was intelligent. He was more intelligent than me. During college, he spent most of his time partying and hooking up with girls, but he still passed his courses! Mataas pa ang grades niya! Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yon. I actually thought he would fail. Halos araw-araw sila nina Hiro!
He was more serious now. Hindi na siya masyadong umaalis, I guess dahil wala na si Hiro so wala na rin siyang kasama mag-party... or baka hindi ko lang talaga alam na umaalis siya? Whatever.
"I'm fine. I'm passing so far." I laughed.
"Just don't forget to enjoy. I know college is hard, so don't make it even harder. Take some time off your acads to rest. Don't just take care of your grades, but also yourself."
What the hell, coming from him, ah! Tumawa tuloy ako para asarin siya, pero tumango rin. May point naman siya, eh!
"Why are you being so serious right now?" I teased him.
"What do you mean? Seryoso naman ako, ah..." He chuckled.
"Babae nga hindi mo maseryoso, eh!"
Natahimik siya sa sinabi ko at bahagyang napakamot sa tungki ng ilong, getting uncomfortable. Napataas ang kilay ko at siningkitan siya ng mata.
"Don't tell me you already have someone-"
"Have you eaten dinner?" he cut me off.
I knew he was changing the topic so I did not ask about it anymore. Tumango lang ako kaya diniretso niya na 'ko pauwi. Na-curious tuloy ako sa love life niya! Malalaman ko rin 'yan!
After showering and doing my skincare, humiga na ulit ako sa bed ko at nag-scroll sa phone. Napapairap na lang ako kapag dumadaan ang IG story ng mga hindi ko gustong tao pero pina-follow ko pa rin because they followed me first, and I did not like having beef with these people. Some of them were ex-flings or ex-girlfriends ni Hiro. Nakakairita makita!
I checked Sevi's profile to follow him but changed my mind when I scrolled over his posts and saw his picture with the woman he was with earlier, 'yong kumakain ng fishball. She had her arms over his neck so nahahatak siya pababa even though he was tall. They were both wearing Harry potter costumes. Nakatapat ang stick ni Sevi sa camera at nakangisi.
sevirous: feelings? deletrius! xD
My mouth formed an 'o' when the puzzle inside my head was slowly getting solved. Now everything made sense! Did he like her? Or until now? Hindi ko alam. I checked the comments.
lunavaleria: obliviate HAHAHAHAHA
sevirous: tag ko na?
lunavaleria: medyo ulol ka sa part na 'yan pero sige pagbibigyan kita pasampal lang tatlo up and down
Or was he talking about deleting the feelings of the woman dahil heartbroken sa ibang guy? I was starting to get confused.
"Oh my god!"
I fucking clicked the heart button!
"Oh my god, oh my god." Napaupo kaagad ako at sinubukang bawiin ang napindot kong heart. Bumilis agad tibok ng puso ko sa sobrang kaba!
He wouldn't see it right? Kasi binawi ko na 'yong heart!
"Right..." Kinalma ko ang sarili ko at humiga na ulit sa kama ko. Okay lang 'yon since nabawi ko naman na. He wouldn't see it. Hindi naman siya online palagi.
Mabilis akong napaupo ulit nang tumunog ang phone ko!
sevirous: nays wan stalker xD
"Fuck." Sinuntok-suntok ko ang unan sa sobrang frustrated ko!
Naka-ilang inhale-exhale ako para pakalmahin ang sarili bago nag-type ulit para mag-reply sa kaniya. Medyo matagal ko ring pinag-isipan ang ipapalusot ko!
elydezma: I think my phone was hacked.
sevirous: pakisabi sa hacker mo, kung ililike niya pictures ko, ifollow niya na rin ako!
elydezma: Maybe it was Ida. Naka-open account ko sa iPad niya, eh.
Oh my god, I'm so sorry, Fraida.
sevirous: ikaw 'yong 'galing' sa 'sinungaling'
"What the fuck?!" Mahigpit kong hinawakan ang unan, parang mapupunit ko na. He knew I was lying!
elydezma: Bakit ko naman ila-like picture mo with your girl
sevirous: bakit mo alam alin 'yong ni-like
Oh my god, I wanted to bang my head against the wall! Why did I say that?! Gosh, para akong humukay ng sarili kong libingan!
sevirous: at hindi ko 'yun babae
elydezma: Idc
Pinatay ko na ang phone ko pagkatapos no'n para wala na 'kong masabing mas nakakahiya pa.
The next day was a Saturday, so may training ulit kami like the usual, until Sunday came again. I decided to relax, buy books, and read them in a coffee shop or something, but first, I went to the gym.
I was already expecting Sevi to be there. Tama nga ako dahil pagkapasok ko, naroon na siya, nakaupo at kausap si Arkin na nakatayo sa harapan niya. Some women inside would sneak a picture of Arkin. Of course, artista.
Tahimik akong dumeretso sa bench at nilapag ang duffle bag ko roon. Habang nag-iipit ako ng buhok, napatingin ako sa gawi nila Arkin. Sevi was fixing his gloves, nodding to whatever Arkin was saying.
Sevi's shirt hugged his body perfectly, showing his broad chest and shoulders, pati ang braso. I looked away when he turned his gaze in my direction.
Dahil napatingin siya sa gawi ko, napalingon din si Arkin.
"Eli? Dito ka rin nagdyi-gym?" Arkin waved at me.
"Obvious ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Tumawa siya lalo na nang lagpasan ko siya para mag-warm up sa mat. Paminsan-minsan, napapatingin ako sa gawi nilang dalawa. Arkin would suddenly stop in between his exercise to take a photo with his fans habang si Sevi ay walang pakialam. He was lifting himself up, nakahawak lang sa isang mataas na bar.
I did some squats first while holding a dumbbell and then some leg lounges.
"Hi, madalas ka rito?"
I stopped doing my exercise when a man suddenly approached me. He was smiling nervously and obviously trying to shoot his shot.
"Paki mo?" malditang sagot ko at bumalik na sa ginagawa.
"Ang sungit mo naman!" Sumimangot agad siya. "Hindi ka naman sobrang ganda!"
Napatigil ako at hindi-makapaniwalang binalik ang tingin ko sa kaniya. I picked the dumbbell on the floor and stepped closer to him so I could hit him with it, but he ran away.
"Fuck you, pangit!" sigaw ko sa kaniya.
I heard Sevi's laugh kaya sinamaan ko siya ng tingin. He probably heard what I said.
Kuya Roel immediately escorted him outside the gym. Dapat kanina niya pa ginawa 'yon, pero sabagay, hindi naman niya alam na hindi ko kakilala 'yon kaya okay lang. Nakasimangot na tuloy ako habang nagsi-sit ups.
"Badtrip ka?"
Lumingon ako kay Sevi. He was already seated on the bench near the mat, watching me do sit-ups. Huminto ako at hingal na hinarap siya, pawis pa ang noo.
"Oo, and mas na-badtrip ako sa mukha mo." I rolled my eyes.
He laughed again, obviously not taking me seriously.
"Do you know him?" I asked. "The guy? Madalas ka rito, ah?"
"Hindi nga, eh..." Umiling siya. "Bago ata 'yon dito, eh. Bakit? Abangan ko na?"
Napanguso ako para pigilan ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Kinuha ko ang tubig ko sa gilid para uminom at pagkatapos, pinunasan ang sarili gamit ang towel.
"Hindi raw ako sobrang ganda?! After approaching me like that?! Men and their fragile ego! My god!" pagra-rant ko. "Well, kung hindi ako maganda, ano pa siya?! He's so ugly! He looked like a fucking broccoli!"
"Sinungaling 'yon. Maganda ka kaya." Kumunot ang noo ni Sevi.
Napatigil ako bigla sa pagsasalita at matagal na napatingin sa kaniya. Nawala tuloy ang inis ko dahil sa sinabi niya! He bit his lower lip to stop himself from smiling.
"Yie, kinilig," he teased.
"Ew!" Inismiran ko siya at bumalik na sa pagkakahiga sa mat.
I heard his laugh again. Nang i-angat ko muli ang katawan ko, naglalakad na siya paalis habang umiinom ng tubig. Napatigil lang siya nang tawagin siya ni Arkin.
After doing some push-ups, nag-cool down na 'ko at nag-shower pagkatapos. Nakasuot na 'ko ngayon ng white tank top, mom jeans, and white sneakers. I also wore my Gucci belt so the pants won't go down. It did not fit my waist.
Pagkalabas ko ng shower room, nakaligo at nakabihis na rin sina Sevi at Arkin. Sevi was wearing a striped shirt, black pants, and his black sneakers. Napatingin siya sa 'kin nang makita akong lumabas.
"Eli, breakfast daw kayo sabi ni Sevi!" sigaw ni Arkin.
"Huh?" Napalingon sa kaniya si Sevi sa gulat. Did he say that?
Inambahan ko ng suntok si Arkin dahil halatang nanti-trip! Hindi ko na lang siya pinansin at inayos na ang gamit ko sa duffle bag.
"Tanungin mo na," rinig kong bulong ni Arkin.
"Ano? Bakit?" bulong din ni Sevi. "Sabi mo tayo ang sabay magbe-breakfast, gago, bakit naiba na?"
"May schedule ako bigla, p're..." Tumawa si Arkin.
"Are you guys whispering? Kasi rinig na rinig ko eh," inis akong lumingon sa kanilang dalawa.
Arkin laughed, and Sevi rolled his eyes at him. Parang tanga 'tong dalawang 'to! I really could not understand how they became best friends! On the other hand... pareho naman sila ng humor!
"Eli, samahan mo naman mag breakfast 'tong tropa ko, kawawa naman eh." Umakbay si Arkin kay Sevi at ngumisi.
"Ulol." Tinanggal ni Sevi ang akbay niya at tinalikuran kami.
"Pakipot lang 'yan, Eli, pero kanina pa siya nagpa-practice kung paano ka niya aayain mag-breakfast. Believe me!"
Arkin was obviously trying to gago me or something.
"I'm on my way to Starbucks," sambit ko.
"Tamang-tama! Doon din papunta si Sevi! Sabay na kayo!" Tinulak ni Arkin ang tropa niya.
"Gago ka ba? Sinasabi mo?" Nagsalubong na ang kilay ni Sevi.
Malakas na tumawa si Arkin at dali-daling kinuha ang gamit nang mag-ring ang phone. Kumaway siya sa aming dalawa at tumakbo na palabas dahil sinundo na ng itim niyang artista van.
Sinabit ko na sa balikat ko ang duff;e bag at lumingon kay Sevi.
"Ano? Do you want to come with me?" I raised a brow.
He looked stunned by my question. I saw him hesitate for a bit before getting his backpack and nodding.
Hindi na nagtanong si Kuya Roel kung bakit may kasama na 'ko bigla sa sasakyan. Sevi looked conscious, though, because Kuya Roel was giving him glances through the mirror in front.
"Hindi ba niya 'ko sasaktan?" Sevi whispered to me.
I laughed at him and his nervous face.
"Hindi ka sure," I mocked him.
Nakahinga lang siya nang maluwag nang ibaba na kami sa malapit na mall kung saan may Starbucks. I told Kuya Roel to look around first and I'll just text him kapag magpapasundo na 'ko.
"Bibili muna ako ng books," I told Sevi.
Tumango lang siya at sinamahan ako papasok sa bookstore. Nakasunod siya sa likod ko habang naghahanap ako ng mga babasahin sa fiction section. When I noticed that he was not following me anymore, I looked over my shoulder and saw him flipping through the pages of a Harry Potter book.
"You like reading?" I asked him.
"Kapag may time," sagot niya at binalik ang libro sa shelf.
"Sevirous... Snape?" I asked him about his username.
"Oo, binansag sa 'kin ng mga kaibigan ko kasi mahilig daw ako sa Harry Potter at seryosong-seryoso raw ako kapag nagbabasa. Corny amputa." Tumawa siya at umiling.
"Really? Not because you're like Snape? In love with a woman who couldn't give your love back?" I smirked.
Napataas ang kilay niya sa sinabi ko at tumitig sa 'kin.
"Anong ibig mong sabihin?" He looked confused. Did I get it wrong?
"It's okay! I also like someone who couldn't like me back!"
Napabalik ang tingin niya sa 'kin habang nakahawak sa isang librong kaka-kuha lang. I sighed and gave him a sad smile.
"Bakit hindi ka niya gusto?" he asked out of curiosity.
"Apparently, he just sees me as a sister. He loves another woman now, so it's fine." I shrugged. "Naka-move on na ako."
"Aw, kawawa ka naman..." he teased.
Agad nag-init ang ulo ko at hinampas sa kaniya ang librong hawak ko. He laughed and held his right arm, kung saan ko siya hinampas.
"Buti naka-move on ka na," dugtong niya.
"A-huh? Why naman?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Because it's your turn now?"
"Hmm..." He licked his lower lip and looked up, acting like he was thinking.
"Sorry. You're not my type." Tinalikuran ko na siya, natatawa.
Naglakad ako papunta sa likod ng shelf para roon maghanap ng libro. Kumuha ako nang dalawa at binitbit 'yon sa may braso ko. He followed me, smiling like I said something amusing.
"Ano? Why are you smiling?" inis na tanong ko sa kaniya.
"Paano ba 'yan? You're..." Hindi niya matuloy ang sasabihin niya.
"I'm what?!" I snapped at him.
Inabot niya sa 'kin ang librong hawak niya. Padabog kong kinuha sa kamay niya 'yon at binaliktad para mabasa ang title.
'Just My Type'
A book by Simon Garfield.
I bit the insides of my cheek to stop myself from smiling. I still tried to look serious and aggressively gave the book back to him. He was smiling now, also laughing a little.
Napangisi ako nang makita ang librong hinahanap ko sa kabilang shelf. Binigay ko kaagad sa kaniya 'yon at tinalikuran siya.
I heard his loud laugh when he read the title.
'Don't Fall'
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro