02
"One, two, three, four, five, six, seven, Elyse! Ayusin mo ang ikot mo!"
Hingal na hingal akong bumaba mula sa pagkakahawak ng dalawang lalaki sa may paa ko. Pinunasan kong muli ang pawis ko at umulit na naman kami sa umpisa. Flyer ako kaya mas kinakabahan ako dahil last season, nahulog ako! It kind of was a big deal for me because I was embarrassed from that. Isipin mo, national television, ang daming nanonood tapos mahuhulog ka!
Nakakahiya talaga, lalo na kapag nakikita ko pa ang tweets nilang tinatawanan ako dahil nahulog daw. Palpak daw. I wanted to cry but I just took those criticisms as my motivation to do better. Ngayon, mas confident na 'ko sa ikot ko sa ere.
"Sige, water break."
Kinuha ko agad ang jug ko at uminom doon. Pagkatapos, pinunasan ko ang pawis ko gamit ang towel habang nagii-scroll sa cellphone ko.
Tumaas ang kilay ko nang makita ang notification ko sa Instagram.
sevirous started following you.
I immediately checked the profile so I would know kung sino siya. I had a guess, but I still needed to confirm it.
sevirous
21 posts - 9,876 followers - 765 following
Sevi Camero
UST Engineering. Growling Tigers.
Wow, sobrang simple ng bio, ah. Ang dami niya ring followers, though mas marami 'yong sa 'kin kasi fino-follow ako ng mga fans ng iba kong friends na sikat tuwing nilalagay nila 'ko sa IG story nila. So weird! Wala naman silang makikita sa IG ko kung hindi mukha ko, and sometimes, group photos.
Why would he follow me?
"From the top!"
Binalik ko na agad ang phone ko sa duffle bag at tumakbo pabalik sa mat para magsimula na ulit. It was a tiring night. Eleven in the evening na naman ako nakauwi, but this time I had my driver na so less hassle kay Kuya. Busy na rin naman siya sa law school, eh... at saka siguro sa girls niya.
On my way home, I was inside the car when I opened my Instagram again. I arched a brow when Sevi sent me a message. Hindi ko siya fino-follow kaya napunta siya sa message requests ko.
sevirous: kailangan ko yung coat ko
Napairap ako at in-accept ang message request niya. Noong debut ko kasi, bago siya umalis, nag-offer akong ipa-laundry ang damit niya, pati na rin 'yong sapatos niya. Lahat 'yon! Sabi ko, kung ayaw niyang tanggapin ang cellphone, kahit 'yon man lang so I can lessen the guilt inside me. Good thing he agreed!
elydezma: Okay, I can deliver it to you, or you can get it from me. When do you need it?
I figured out that he might be busy because of the first round of the UAAP Men's Basketball game.
sevirous: may laban kami sa dlsu next week saturday doon ko na lang kukunin. nandoon ka diba?
elydezma: DUH.
sevirous: HAHAHAHA, sige see you! :)
Right! Ano ba 'yan! Makikita ko pa siya sa Arena! Magkalaban pa!
The next morning was a Sunday, and I decided to wake up early to exercise in the gym. Mayroon naman kaming gym sa bahay pero parang gusto kong lumabas muna saglit. It was a free day for me so I wanted to go outside and have time for myself. Nagbaon na rin ako ng damit so I could go shopping after.
Hinatid ako ng aking driver hanggang sa gym. My driver also served as my bodyguard. Kailangan kasi utos ni Daddy. Hindi siya napapakali kapag wala ako sa bahay at mag-isa sa labas dahil nga he was a businessman, marami siyang nakakaaway. Iniisip niyang baka kung ano ang mangyari sa 'kin.
"Kuya Roel, just wait here. Nothing will happen inside the gym," I advised him.
"Kailangan ko pong pumasok, Ma'am," pagpupumilit niya.
"Okay, but keep a distance. Medyo awkward sa public, eh!"
I was wearing a black sports bra and a pair of black leggings. Pinusod ko rin ang buhok ko para hindi nakakalat sa mukha ko. Pagpasok ko, nilapag ko kaagad ang puting duffle bag sa gilid. Walang masyadong tao sa gym lalo na't maaga pa talaga. 6 AM. Nasanay na 'kong maagang gumigising para sa morning jog. We needed to be fit and physically healthy for the cheerdance.
I did some stretching before I started with my cardio and core routine. I picked a ten-kilogram dumbbell and started doing some squats. After that, I did some sit-ups and walking planks. I only stopped when I saw a familiar man enter the gym.
"What the fuck," bulong ko sa sarili ko at hininto ang ginagawa.
Kinuha ko ang aking towel ko at pinunasan ang pawis habang tinatanaw siyang mag-ayos. May kausap siyang lalaki ngayon, kaibigan niya yata, so ibig sabihin madalas siya rito, huh?
Naglalakad na siya papuntang treadmill nang biglang napahinto dahil nakita ako. I rolled my eyes and looked away, hindi siya pinansin. Kunwari na lang ay wala akong nakikita.
"Uy, Elisa!" bati niya sa 'kin.
I immediately gave him a glare that could kill him. He laughed and raised his hands to tell me he was just kidding.
"Hindi mo nadala coat ko?"
Umiling lang ako at hindi nagsalita.
He wore a black sleeveless shirt and a pair of black gym shorts. Naka-white siyang sneakers at may suot na itim na gloves sa kamay na hanggang knuckles lang. He fixed his hair and smiled at me.
"Are you following me? Umamin ka," I confronted him.
"Wew!" His brows furrowed, and his eyes were filled with humor.
"Oh, come on, kung crush mo 'ko, sorry ka, you won't get me sa paganyan-ganyan mo. Pagsunod-sunod mo sa kung nasaan ako? Tapos mine-message mo pa 'ko sa Instagram asking for your coat. If I know, excuse mo lang 'yon para-"
I stopped talking when I realized he was not in front of me anymore!
Agad akong lumingon at nakitang tumatakbo na siya sa treadmill, hindi na 'ko pinakinggan! Napikon kaagad ako! Lahat ng inis ko, binuhos ko sa page-exercise! I did some russian twists, binubuhos ang galit sa bolang hawak ko ang galit ko kapag tina-tap ko sa mat. When I did some kicks, inisip ko na siya ang sinisipa ko! Mas ginaganahan ako!
Huminto ako para uminom ng tubig. Nakita ko siya ngayon sa may bandang likod ng gym, doing shoulder presses. I watched him do that, and when he stopped to wipe his sweat, I looked away. Muntik na niya 'kong makitang nakatingin sa kaniya!
I did my routine again before deciding to cool down. Umupo ako sa mat to do some stretching again. Pagkatapos, humiga ako at tinaas ang right leg ko. Napatigil ako nang may matamaan ako.
"Aray ko ha." I looked at Sevi, who was about to walk over.
"I'm not sorry," sabi ko habang nakahawak sa likod ng tuhod ko, nakataas ang binti.
"Ha?" he asked.
"I said-"
"Hattitude ka, girl."
Inis ko siyang tinitigan at hinabol pa siya ng tingin. Kumuha siya ng dumbbell sa gilid at hindi na 'ko pinansin pagkatapos noon.
After finishing my cool down, tumayo na 'ko at kinuha ang duffle bag para mag-shower. I took a cold shower and dressed up again.
Pagkalabas ko ng shower room, I saw Sevi with his phone, texting somebody. Nakaupo siya sa tabi ng duffel bag ko kaya kinailangan kong lumapit para ayusin ang gamit ko. Napaangat ang tingin niya sa 'kin ngunit umiwas din para sagutin ang tawag. He was talking with a friend.
None of my business kaya binilisan ko na lang ang pag-ayos ng gamit para mabilis nang makaalis. I didn't mean to eavesdrop but he was so near me and I could hear him talking! Kung pwede lang takpan ang tenga, eh!
"O? Nasa gym ako, pards. Mama mo breakfast." He laughed.
So immature.
Binaba niya ang phone at tumingin sa 'kin na inaayos na ang duffle bag sa balikat.
"Saan ka na niyan?" he asked out of the blue.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya, naguguluhan.
"Why are you asking? Close ba tayo?" I crossed my arms. "I'm going to the mall to eat breakfast."
"Bakit mo sinagot?" he shot back and laughed.
Ugh! He was so annoying! Tama nga ako sa palagay ko noong unang kita ko sa kaniya! I hated his aura, and his attitude. He probably hated mine, too, but who cares, right? This is me!
"Tara, breakfast tayo!" masayang sabi niya at tumayo.
"W-what?!" I exclaimed.
"Hintayin mo 'ko! Shower lang ako!"
Hindi ako makapagsalita sa gulat hanggang sa mawala na siya sa paningin ko dahil pumasok na ng shower room. Napakurap ako at dahan-dahang umupo sa bench, nagtataka kung hihintayin ko ba talaga siya or I'll be rude and leave him just like that?
Bakit ba pinaghihintay niya pa 'ko?! Ano siya, limited-edition bag na hihintayin kong dumating sa bahay? He was not even that important! We were not even close to being friends! Wala ba siyang kaibigan, ha? Parang ang loner niya naman! Kung sinu-sino ang inaaya!
Kakaisip ko ng kung anu-ano, hindi ko sinasadyang nahintay nga siya sa labas. Napatayo ako ulit nang makitang naglalakad na siya palabas ng shower room, nakasuot ng itim na shorts at white shirt na may tatak ng isang local brand yata sa gitna. He had a towel on his neck while drying up his hair with his right hand.
"Oh, naghintay ka pala talaga..." He laughed when he saw me.
"Alam mo, nakakairita ka," inis kong kinuha ang duffle bag at sinabit sa balikat ko para maglakad na paalis.
I heard him call for my name but I was too pissed to look back. Sumakay na agad ako sa kotse at sinabi kay Kuya Roel na mag-drive na papuntang mall, leaving that dumbass behind. Bahala siya. Kaya ko naman mag-breakfast mag-isa, unlike him na nag-aaya pa ng kasama!
I really ate breakfast alone and shopped for some clothes. I just used my credit card, kahit alam kong pagagalitan din ako ni Daddy kapag nalaman niya. Okay lang! Kaka-birthday ko lang!
For the whole week, wala kaming ginawa kung hindi mag-training after class. Minsan, nakakatulog na nga ako sa klase sa sobrang pagod. Fraida would always pinch my arm to wake me up.
"May ticket ka sa laban ng UST and DLSU?" tanong niya habang nasa klase.
"Kailangan kami roon, duh, Ida." Napailing ako sa kaniya.
"Ano ba 'yan! Gusto kong manood!" reklamo niya. "Oh well, baka mayroon pa dyang nagbebenta. I'll ask Ysa."
Tumango na lang ako sa kaniya at sinubukang makinig na sa Life and Works of Rizal course. It was my last subject for today bago dumeretso sa training. Ganoon lang buong week, walang masyadong nangyayari sa life ko. It was kind of boring! Paulit-ulit ang nangyayari at wala man lang bago, except sa times na muntikan na 'kong mahulog ulit.
"Good luck! Good luck!" we cheered our basketball players.
Maraming nanonood ngayon, naglalaban ang cheers ng green at yellow. I was wearing our cheerdance uniform in colors green and white. Kita ang kaunting balikat ko at dibdib dahil sa hati, pati ang bewang. Fitted iyon at long sleeves kaya medyo mainit. Pinusod ko tuloy ang buhok ko.
We stood on the stairs, may kaniya-kaniyang pwesto.
"Lakas ng cheer ng USTe, labanan natin, ah," paalala ni Ate Raya.
Totoo nga at palaging malaki ang crowd nila. Napatingin agad ako sa baba nang dumating na ang players ng UST. I unconsciously raised a brow when I saw their team captain holding a towel, talking to his teammate. Nakangiti ito, mukhang masaya ang pinag-uusapan nila.
"Hoy, nakakaloka, ang pogi talaga ni Camero, 'no?" rinig kong sabi ni Ate Mae at saka tumawa.
I must admit na bagay sa kaniya ang uniform niya. He was wearing their yellow uniform at nakasuot ng itim na knee support sa parehong binti. Black socks din at puting basketball shoes. His hair was in a clean cut so he looked fresh.
When the game started, we also started doing our cheers. Kasama sa unang maglalaro si Sevi. I wanted to judge how he played, but I couldn't say anything! He was so different in court.
"Go USTe! Go USTe! Go USTe! Go go go go!" Their crowd cheered.
And another 3 points from Camero. He high-fived some of his players and ran towards the other side of the court. Everyone was wilding at their side, nakatayo na at winawagayway ang mga hawak na balloons.
Naagaw ng teammate nila ang bola kaya tumakbo ulit sila sa kabilang side. Sevi positioned himself on the three-point arc. Pinasa sa kaniya ang bola and when he was about to shoot it, our player suddenly jumped and hit him with his elbow.
"Oh," I whispered when he fell to the floor.
The referee called a foul on one of our players. It was fine! It was okay! Lamang nga lang ang UST ngayon, pero baka kaya pa namang habulin! Alam ko namang magaling sila dahil natalo kami sa kanila last season. Anyway, first round pa lang naman! We can do it!
Everyone cheered for the free throw. Sevi bounced the ball on the floor twice before bending his knees a little and shooting the ball. Everyone cheered nang ma-shoot 'yon. Mayroon pa siyang dalawa. Pumasok ang pangalawa, pati ang pangatlo. Parang nawalan na 'ko ng pag-asang mananalo kami!
Nag-timeout ang La Salle at habang tahimik ang crowd, we started cheering for our players, para naman ganahan sila.
Nagpahinga muna si Sevi after that at pinalitan silang dalawa noong isa pa niyang teammate. Sevi sat down on the bench and drank on his water jug. When he looked at our side, our eyes met.
He waved his hand a little and gave me a smile. I bit my lower lip and looked away while clapping my hands and doing our cheer. Nang ibalik ko ang tingin sa kaniya, nakita kong tumatawa siya habang pinupunasan ang pawis gamit ang towel.
He was a good player, and he seemed like a good captain, too. Nakita ko kasi kung paano siya makipag-usap sa mga ka-team niya. He was guiding them throughout the game.
Nakalamang ang La Salle sa second quarter hanggang third. Nagtuos sila sa fourth dahil nakahabol ang UST. Nang marinig na namin ang buzzer, nagsigawan na ang mga taga-UST at nagwagayway ng balloons.
"Sayang, shit," bulong ko.
Damn, nakapasok 'yong tira ng player ng UST at lumamang nang three points! Sayang! Sobrang nakakapanghinayang! But, oh well.... bawi na lang ulit next round.
Kinuha ko ang paper bag ng damit ni Sevi at bumaba sa may court. Lumapit muna ako sa players namin para i-congrats sila kahit hindi nanalo.
"It's okay, guys! You did good!" I told our players.
"Sayang." Kuya Ed sighed. "Mag-sorry lang ako kay Camero sa foul..."
Nakita ko siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ni Sevi. Sinundan ko siya ng tingin kaya napansin kong may kausap ngayon si Sevi na tatlong babaeng nakadilaw na shirt. One woman hugged his neck tightly, tumatalon pa sa sobrang tuwa.
Napaiwas ako at binaba na lang ang tingin sa paper bag na hawak ko. Ano? Ibibigay ko pa ba 'to? Nakakahiya naman lumapit sa kaniya at sa mga girls niya. Ang dami, eh!
"Ano, Eli? Tara na?" aya ni Ate Mae sa 'kin at inakbayan ako.
"Uh, wait lang. I'll just give this to... someone," pagdadahilan ko.
"Okay, we'll wait for you here!"
Lumingon na 'ko ulit sa gawi ni Sevi na kausap na si Kuya Ed ngayon. Our player was probably apologizing and Sevi kept on waving his hand, smiling. Naglakad na 'ko palapit nang makitang wala na ang girls niya.
"Okay lang, p're, ano ka ba. Wala namang sugat." Sevi touched his jaw and chuckled.
Napatingin siya sa 'kin nang makita akong naglalakad palapit. Tinapik siya ni Kuya Ed sa balikat bago naglakad paalis dahil tinawag na siya ng coach. I walked towards Sevi and stopped in front of him. He gave me a smile habang pinupunasan ng towel ang pawis niya.
"Congrats," bungad ko.
"Thank you." He was still smiling. "Sorry, amoy pawis na yata ako."
I could smell him, but he didn't smell bad. I could smell some manly scent or perfume, hindi amoy ng pawis so I didn't know what he was talking about.
Anyway, siyempre hindi ko na sinabi 'yon dahil baka magyabang. Ganoon pa naman yata ang ugali niya!
"Here are your clothes." Inabot ko sa kaniya ang paper bag.
"Salamat." Kinuha niya 'yon mula sa kamay ko. "Uuwi ka na?"
I arched a brow and crossed my arms. Heto na naman siya!
"Why are you asking again?" Iisipin ko na talagang he was making moves on me!
"Wala lang." He shrugged. "Hindi mo sasagutin?" He looked hopeful.
"No, I'm not going home yet. May training pa kami." I still answered because he looked like he was waiting for it.
"Ah..." Tumango siya. "Good luck. Break a leg?" He joked.
"How dare you!" I inhaled dramatically. I knew what that meant but it sounded so wrong!
"Ay, I mean... Galingan mo." Tumawa siya at naiwan ang ngiti sa labi.
"Sevirous! Tara na, aba! Lumalandi ka pa diyan!"
Napalingon kami sa babaeng tumawag sa kaniya. Sevi rolled his eyes and gave her a 'wait' sign before turning his gaze back to me.
"I'll go na," sambit ko.
"Sige, ingat." He gave me a nod na parang magtropa kami.
Tumalikod na 'ko sa kaniya at tumatakbong bumalik kina Ate Raya. Makahulugan ang tingin nila sa 'kin pagkabalik ko! I didn't even notice that they were watching me while I was talking with the team captain of the enemy!
"Baka iba na ang i-cheer mo niyan sa susunod, ah?" Ate Raya smirked.
My brows furrowed. "I don't know what you're saying, Ate."
"Baka hindi na green ang shirt mo next time. Yellow na," sumali pa si Ate Mae at tumawa silang dalawa.
"Ew! My god!" Umiling ako kaagad nang ma-realize ang pinaparating nila.
Gabing-gabi na ulit ako nakauwi. Sunday na ulit kinabukasan kaya walang training. I decided to go to the gym again, kung nasaan ako last week. I went there around seven in the morning, medyo later than last time.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang makasalubong si Sevi sa entrance. Binitawan ko agad ang handle ng pinto para paunahin siya.
He pulled the door and waited for me to go in. Tahimik lang akong pumasok sa loob, dala-dala ang duffle bag ko. My bodyguard, Kuya Roel, was standing from afar, susunod mamaya.
So, every Sunday morning, nandito rin siya? I figured it out when the woman from the counter greeted him, hindi na chineck ang membership card niya. So he wasn't really following me... and it looked like I was the one following him!
I presented my card before going inside. Nakaupo na si Sevi sa bench, fixing his gloves. Umupo ako sa opposite bench at nilapag ang bag ko roon. Inayos ko ang ponytail ko bago pumunta sa treadmill para tumakbo muna.
Hindi ako nagsalita nang pinili ni Sevi ang treadmill na katabi ng sa akin! I tried my best to look in front. He did not talk to me either so okay lang din hindi magsalita. I didn't want to talk to him din naman.
After running, I started doing my core routine. I did some leg lounges first and box exercises. After that, I did some a side plank on the mat. Tumutulo na ang pawis ko at nakaharap pa sa pwesto ng Sevi na 'yon! He stopped doing his exercise when he saw my face.
"What now?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"What?" he mocked.
"Why are you looking at me?" Hirap na sabi ko bago bumalik sa normal planking position.
"Hindi kita tinitingnan. Tinitingnan mo kasi ako kaya napapatingin din ako sa'yo," he explained with humor in his eyes like he was enjoying seeing me suffer from my plank position.
"Just do your fucking thing and stop staring at me," masungit na sabi ko.
"Wew!"
Pagkatapos ng planking, I did some glute bridges and then proceeded to cool down. Pagkatapos ko mag-stretching, dumeretso na ulit ako sa shower room para makaligo at makapagpalit ng damit. I wore a casual attire.
Pagkalabas ko ng shower room, nakita kong tapos na rin maligo si Sevi at nakapagpalit na rin ng damit. He was wearing a black shirt and a pair of ripped jeans. Nang lagpasan ko siya, naamoy ko ulit ang pabango niya.
"Oy, Elisa," tawag niya.
"That's not me," sambit ko, refusing to look back.
"Breakfast," aya niya.
'Yan na naman sa breakfast na 'yan! He scammed me last time! Pinipikon niya lang ata ako, eh! I didn't even know what was his real deal. Bakit ba siya ganyan? Like we were even friends?! Hell, no!
"Breakfast my ass." I rolled my eyes.
"Bastos..." Napailing siya sa akin.
Inis akong lumingon sa kaniya. Dala na niya ang itim niyang backpack at handang-handa nang umalis. Tinanaw ko ang bodyguard ko sa pinakagilid ng gym, nakatayo roon na parang estatwa.
"Ayaw mo ba? Sarap pa naman ng tapsilugan dyan sa tabi." He shrugged.
My brows furrowed, "Tapsilugan?"
"Tapa, sinangag, itlog," pagpapaliwanag niya. "Gusto mo tikman? Libre kita! Tara!"
"I have money." Inismiran ko siya. Hindi ko kailangan ng libre niya!
Kakatapos lang mag-gym, kakain na agad? Oh well, kailangan ko naman talaga ng food sa katawan! I needed nutrients too!
"I have my... Uh... bodyguard with me," awkward na sabi ko. "I can't today."
Tumingin siya sa paligid at hinanap 'yon. Pagkatapos, tumango lang siya at naghanda nang umalis.
"Sige, see you around, loud and round!" He waved his hand and started walking towards the entrance.
Pinanood ko siyang umalis at pinabalik-balik ang tingin mula sa bodyguard ko at sa entrance ng gym hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Ugh... Whatever!
Dali-dali kong kinuha ang duffle bag ko at tumakbo palabas ng gym. Narinig kong tinawag ako ni Kuya Roel kaya lumingon ako saglit.
"Just wait in the car! I'll be back in a few minutes, promise!" I shouted.
Hinabol ko si Sevi na nakita kong hindi pa nakakalayo. Napahinto siya sa paglalakad nang mapalingon sa 'king tumatakbo papalapit.
"Let's go!" nagmamadaling sabi ko at nilagpasan siya.
Tumakbo rin siya para habulin ako, lumilingon pa sa likod at nagtataka.
"Bakit tayo tumatakbo?" nagtatakang tanong niya sa 'kin at saka huminto bigla.
Tumawa ako at tumingin sa likuran. Hindi ko na nakita si Kuya Roel kaya huminto na rin ako sa pagtakbo ko.
"Nalagpasan na tuloy natin!" Napakamot siya sa ulo niya.
"Then let's go back! I need to go back immediately! Lagot ako kay Daddy!"
"Para naman kitang tinakas, uy." Umiling siya.
"Just go! Ang bagal mo!"
Tinulak ko siya para magsimula na siyang maglakad pabalik. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa maliit na karinderya. It was hot at maraming kumakain but we managed to find a table near the television. Pinaupo niya 'ko roon at siya na ang nag-abalang um-order ng pagkain.
Tumingin ako sa paligid, pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay. Some people were looking at me in a ridiculous way, like I did not belong there. Umismid lang ako at tinuon na lang ang atensyon sa TV.
"It's so hot," sabi ko kay Sevi pagkabalik niya.
"Wew, senyorita? Ano'ng gagawin ko? Bibili ng aircon?" sarkastikong tanong niya.
"Wala, I'm just telling! Because we ran, duh!"
"Sino ba kasing nagsabing tumakbo tayo?" balik niya sa 'kin.
Sumimangot ako at nagpangalumbaba, hinihintay ang pagkain naming dalawa. He was fumbling on his phone now. Napatingin tuloy ako roon nang mapansing may phone na nga siyang bago! So he really didn't need the one I bought, huh.
Napansin niya yatang nakatingin ako sa phone niya kaya tinaas niya 'yon para mapakita sa 'kin.
"Binenta sa 'kin ng kaibigan ko." He smiled.
"I didn't ask," masungit na balik ko.
"Sungit." He shook his head. "Sabi nila kapag laging nakakunot noo mo, magiging permanent na 'yan." Tinuro pa niya ang noo ko.
"Oh, really? Where did you learn that?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sa mama ko," ganti niya pabalik.
Napairap ako. "How old are you?" tanong ko na dahil na-curious.
"Eighteen," nang-aasar na sagot niya.
"You look eighty-one." Sarkastiko akong ngumiti.
"And you look-"
"Ano, ha?!" hamon ko kaagad.
"Great." He smiled at me.
I smirked at him. Crush na talaga ako nito!
"Alexander the Great," he added and laughed like crazy.
Agad kong inabot ang buhok niya para sabunutan siya pero agad din siyang nakailag, tumatawa pa rin. Bumalik lang siya sa inuupuan niya nang dumating na ang pagkain namin. I stared at it for a few seconds, wondering how it will taste like.
"Hindi ina-absorb ng mata ang nutrients ng pagkain kaya kumain ka na," panggugulo niya sa mga iniisip ko.
"Okay po, Kuya." I smirked. He sounded like Kuya Shan!
He rolled his eyes playfully while pouring water on my glass, hindi man lang naapektuhan sa sinabi ko.
"Kapag hindi 'to masarap, you'll wear green sa CDC," I dared him.
"Kapag masarap, you'll wear a tiger shirt on our next game. G?" paghahamon niya rin.
"Okay!" pagpayag ko, kinakabahan nang tikman.
Tinikman ko na ang tapa at sinamahan ng kanin. Nakatingin siya sa 'kin habang ngumunguya ako, tinitingnan ang itsura ko.
Oh shit.
Napapikit ako nang mariin bago lumunok at uminom ng tubig.
"O, ano?" he asked, smiling.
I sighed heavily.
"May extra tiger shirt ka ba?" I asked, and he laughed.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro