Epilogue
This will be the last part of Chasing Hell. Thank you so much. Cheers!
Now Playing: This I Promise You by N SYNC.
***
EPILOGUE
Vanessa's Point of View
Natanaw ko na agad ng site kung saan sya nFlagtatrabaho. Konti na lang at mabubuo na ang building. Mejo makalat pa at kahit nasa loob pa ako ng sasakyan ay dinig na dinig ko na agad ang mga sigaw ng makina sa paligid.
Nagbayad ako ng taxi bago bumaba. Nilipad ng hangin ang buhok ko kaya hinawakan ko ang suot kong dress dahil baka masilipan pa ako rito. Ang swerte naman nila kung makakakita sila agad ng langit.
Napatingin ako sa suot kong high heels. Hindi ako nababagay sa lugar na ito. Masyadong maalikabok at maraming lalaki.
"Miss? May kailangan ka?"
Napatingin ako sa lalaking lumapit sa akin. Pawis na pawis ang kanyang katawan at pinapaypayan ang sarili gamit ang kulay orange nyang... Helmet? Hindi ko alam kung anong tawag doon sa suot nila sa ulo.
"Sino 'yan?" Tinukso sya ng mga kasamahan nya.
God! I hate drugs.
Magsasalita pa sana ako nang maaninag sa hindi kalayuan ang isang lalaking nakatayo. Nakatalikod ito sa akin habang seryosong may kausap. May tinuturo pa sya sa papel at nagtatanguan sila.
Tumingin ako sa binatang naghihintay pa rin ng sagot ko. "Thank you." sagot ko na lang dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko.
"Miss penge number?!"
Hindi ko na lang ito pinansin at naglakad na lang ako palayo. Hindi pa rin nya ako nakikita dahil busy sya sa kanyang kausap. Pero infairness, kahit nakatalikod sya kitang-kita ko na agad ang lapad ng kanyang katawan.
Huminto muna ako para ayusin ang dress ko. Inayos ko rin ang buhok ko at muling tinignan sa dala kong salamin ang mukha ko baka kasi may dumi.
Huminga ako nang malalim bago lumapit sa kanila at mabilis syang niyakap.
"I miss you so much, Je."
Halos maiyak ako sa saya. Sa wakas, sa tagal ng panahong nawalay sya sa akin ay ngayo'y muli ko na syang nayakap.
"Miss? Teka..."
Napanganga ako nang humarap ito. "Oh---Shit. Shrek?" Bulalas ko.
Ang laki ng ilong niya at mataba ang pisngi. Kulay itim na rin ang kanyang ngipin dahil nakangiti sya.... Hindi sya si Jerome.
"Niyakap mo ako." Lumawak ang ngiti sa kanyang tuyong labi. "Panagutan mo ako." Sabi pa nya.
Napaatras ako. "W-What? Ang kapal ng mukh--- Shrek!" sigaw ko.
Namula ang buong mukha ko sa galit. Napahiya ako. Akala ko sya na si Jerome. Akala ko lang pala dahil isa syang ogre.
"May problema ba rito?"
Automatic na napatingin ako sa aking likod kung saan nakatayo ang isang lalaking kilalang-kilala ko. Nakakunot ang kilay nito habang nakatingin sa akin.
"Engr. Marquez? Heto kasing babaeng 'to. Bigla na lang akong niyakap. Akala naman nya type ko sya."
Hindi ko na 'yon pinansin dahil hindi maalis ang tingin ko kay Jerome na nakakunot ang noo. God... Siya na ba talaga 'to? Bakit ganon? Parang naging malamig ang pakikitungo nya.
"Vanessa?"
Parang may bumara sa aking lalamunan nang banggitin nya ang aking pangalan at ang katotohanang... Napakalamig ng kanyang boses.
Tumingin ito kay Shrek bago muling tumingin sa akin. Mas lalo akong natigilan nang ngumisi ito.
"Napunta ka lang sa ibang bansa... Tumaas agad ang standard mo sa lalaki." Natatawa nyang sambit.
"Wow! Nahiya naman ako sa'yo! Pa-cool ka? Feeling mo naman bagay mo! Bwisit ka!"
Humalakhak ito at tinawag lahat ng trabahador. Hindi maalis ang inis sa aking mukha lalo na dahil sa mga sinabi nya.
"Nakikita nyo ba ang babaeng 'to?" Turo nya sa akin. "Patay na patay ito sa akin." Ngumisi siya matapos sambitin 'yon.
Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. Kinuha ko ang isang heels ko at ibinato sa kanya.
Umiling ito sa akin bago kinuha ang heels ko. Naglakad ito palapit sa akin at lumuhod sa harap. Nakatingin lang ako sa kanya nang mahina nyang itinaas ang isa kong paa at isuot ang heels na 'yon.
Halos himatayin ako sa kilig dahil sa ginawa nya.
"Vanessa?" Tawag nya sa akin. "Ngayon ko lang ito sasabihin... Ang baho pala ng paa mo." Humalakhak silang lahat matapos nya sabihin 'yon.
Naningkit ang mata ko at nanginig ang buo kong lamang-loob. "What a fucking jerk!" sigaw ko.
Sayang lang ang pagpunta ko rito. Sayang lang ang effort ko sa pagpapaganda. Sayang lang ang effort kong dito dumiretso pagkalapag namin sa airport.
Nakahanda na akong umalis nang bigla nya akong yakapin.
"Namiss kita, Vanko. Namiss ko ang pang-aasar ko sa'yo."
Nawala lahat ng galit ko sa kanya dahil do'n. Hindi ka pa rin nagbabago. Ang sweet mo pa rin. Sa sobrang sweet mo, ang sarap mong ingudngod sa asukal. Peste!
"In english please..." I requested.
"I am not speak english. Me is not american."
Humalakhak ako dahil sa mga sinabi nya. Mas humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Jerome.
"Ssshh... Don't laugh. I might not good in english... But, I am best in bed--- I mean, I am best in Meth. Yeah, Meth.See? I'm now a professional engineer."
"I'm proud of you," 'yon na lang ang nasabi ko sa mga sandaling ito.
"So as you, grandma."
"Jerome!"
Nagulat ako nang higitin nya ako palayo doon sa mataong lugar. "Masyado ka nang exposed." bulong nito.
Hinila nya ako papasok sa kulay itim na kotse. Sa tingin ko ay kanya ito base sa gamit nyang pabango na mabilis ko ring naamoy pagkapasok dito.
"Kailan ka pa bumalik?"
"Kanina lang... Hindi ka ba masaya?"
Para kasing hindi nya nagustuhan ang pagbabalik ko. Kahit na hindi nya pa inaamin ay hindi ko maiwasang hindi masaktan.
"Sa tingin mo sasaya ako sa pagkawala mo ng dalawang taon?"
Na-extend kasi ang contract namin dahil nagustuhan kami ro'n ni Zein. Sa katunayan ay ayaw na nga kaming pakawalan doon.
"Pero, bumalik na ako."
"At hindi ka na muling aalis." Matigas nyang sambit habang nakatingin sa aking mata. "Kaya kong gumawa ng kwarto kung saan mabubuhay tayo nang hindi lumalabas, Van. Huwag mong hayaang gawin ko 'yon." Lumukot ang kanyang mukha na ikinatawa ko.
"Oo na. Tara na?"
Kumunot ang noo nito. "H-Hindi pa ako handa, Van. Huwag muna. We have to get married first." Seryoso nyang sambit.
Sandali akong natigilan dahil sa sinabi nya bago naintindihan kung ano ang tinutukoy nya.
Napangisi ako... Gusto mo ng gaguhan ah? Okay. I'll show you, how should it should be done.
"But, we can still do it even though we're not married. We'll use contraceptives."
Nakita kong napalunok ito na mahina kong ikinatawa.
"Hmmm... Asan nga pala si Zein?"
Humalakhak ako sa tanong nya. Mas magaling pa rin talaga ako pagdating sa ganito.
"Ewan. Basta sabi niya kita-kita na lang daw tayo mamaya." Sagot ko habang pinagmamasdan ang aking sarili sa rear mirror.
Naramdaman ko rin ang paninitig nya sa akin kaya nakaramdam din ako ng pagkailang.
"Invited ba si Ace?" Tanong nya bigla.
Natigilan ako sa pag-aayos ng aking mukha dahil sa sinabi nya.
"Nope... Hindi invited si Ace."
***
Matthew's Point of View
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin. Para akong hihimatayin sa kaba.
"Matt? Bakit andito ka?" Halata ang gulat sa mata ni Angel nang makitang nakatayo ako sa labas ng gate nila. "Pasok ka." Pinagbuksan nya ako ng gate.
Hindi ako agad nakakilos. Masyado akong kabado. Pinagpapawisan ako. What the hell?! Daig ko pa ang aamin na buntis e. Tss.
Umupo ako sa sofa. Nagpaalam naman sya na kukuha lang namaiinom.
This is it.
"Juice." Ipinatong nya 'yon sa katapat naming lamesa bago umupo sa tabi ko.
"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong nya nang maramdamang hindi ako gaanong makakilos. "Matt!"
"Y-Yes. Bakit ka ba naninigaw?"
Halos mabingi ako nang sigawan nya ako. Natawa ito bago sumimsim sa kanyang baso kaya wala akong nagawa kundi ang kunin din ang juice na inalok nya.
"Ano ba ang kailangan mo?" Hindi ko naintindihan ang tanong nya dahil hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang labi.
Damn.
"Matt, may problema ka ba?"
"Wala."
Nakatingin lang ako sa kanyang labing basa dahil sa juice. Ni hindi ko nga nalasahan ang ininom ko dahil sa labi nya... Damn.
"Angel?"
"Matthew Hart. Ano ba talaga ang problema mo?"
"Hindi ko alam paano nangyari."
"W-What? Hin---" Mabilis na sinunggaban ko ang kanyang labi.
Naramdaman kong nabigla ito sa una hanggang sa gumanti na ito ng halik. Bakit sa kanyang labi ko lang nalasahan ang juice? Nauuhaw ako at parang labi nya lang ang makakapatid doon.
Damn... I've never been this thirsty in my whole life. I've never been this addicted for this fucking feeling and I think... I've fallen in fucking love with an angel.
"M-Matt... Bakit?" Tanong nya habang nakatingin sa aking mata. Halatang naguguluhan. "I thought you want us to be just friends? Ginugulo mo na naman ako." Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mata.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi at hinaplos 'yon.
"Angel, I think I can't. I don't want us to be just friends. I want to hug you. I want to kiss you. I want to love you more than friends... Can we cross the line?"
Tumulo ang luha sa kanyang pisngi. Wala na atang mas sasaya sa akin nung makita ko ang pagtango nya at paghagulgol.
"Matt... Please. Let's cross the line... Together."
Mabilis na sinunggaban nya ang aking labi. Lihim akong napangiti. Damn. Hindi ko inakalang mamahalin ko sya. Akala ko hanggang doon lang ang kaya ko ngunit habang tumatagal ay unti-unting nawawasak ang sagabal sa pagitan namin.
"I love you... Matt."
"I love you more... My angel."
***
Allison's Point of View
Sa lahat ng pait na naranasan ko. Sa lahat ng sakit na bumagsak sa akin na halos pumatay sa pagkatao ko. Hindi ko inakalang magiging masaya pa ako.
Oo. Kahit na nalugmok ako sa lungkot sa mga nangyari, may nag-iisang taong laging nariyan para sa akin. Lagi nya akong pinapagalitan 'pag nakikita nyang tulala ako.
'Pagnatutulala ako ay bigla ko na lang syang mararamdamang nakayakap sa akin. Siya ang pinaka magandang nangyari sa akin.
Hindi ko maiwasang mapaluha habang nakatingin kina Mommy at Daddy na nakikipagtawanan kay Shark.
"May bago na tayong baby." Humalakhak si daddy nang ngumuso si Shark.
Tumingin sa akin ang anak ko na parang humihingi ng tulong na ilayo sya sa mga magulang ko na ginagawa syang bata. 'Yon pa naman ang pinaka ayaw nya sa lahat.
"Zein?" Tawag ko kay Zein na nakatutok sa kanyang laptop.
Tumingin ito sa akin. "Anong plano mo mamaya?" Tanong ko.
Sinara nya ang kanyang laptop at lumapit sa akin. Mas tumangkad ito at mas humaba ang kanyang buhok.
"Wala. Kasiyahan lang kasama ang mga kaibigan ko."
"Kaibigan lang lahat?" Pang-aasar ko.
Kumunot ang noo nito bago ako tinaasan ng kilay. "Just friends. Ate, hindi ka kasama at kung sino mang tinutukoy mo." Inis na sambit nya.
Humalakhak ako dahil sa kasungitan nya at hindi ko naiwasang yakapin ito. Nanginig ang labi ko dahil sa kabila ng mga nagawa ko ay hindi nya ako nagawang kamuhian. Mas minahal nya ako at 'yon ang pinaka pinasasalamatan ko.
Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kapatid na katulad ng isang Zein Shion na handa kang intindihin kahit na maging ang sarili mo ay hindi mo maintindihan. Siya 'yong babaeng mamahalin ka nang buo at tatanggapin ang buo mong pagkatao.
"Happy birthday, sissy. I love you." bulong ko. "Thank you for everything." Hindi ko maiwasang mapaluha nang sabihin ko 'yon.
"Wala 'yon, ate. Mahal na mahal din kita." bulong nya. "Pero sorry... Mas mahal ko sya sa'yo." Humalakhak kami matapos nyang sabihin 'yon.
Hindi pa sila nagkikita ni Ace. Damn, Zein. Kung makikita mo lang si Ace ngayon. Sigurado akong maglalaway ka na agad.
"Hindi ka talaga sasama?" Tanong ni mommy kay Zein na muling nakatutok sa kanyang laptop.
Nakahawak sa aking kamay si mommy. This is heaven. Ito ang kapalit ng mga sakripisyo at pagiging matatag ko. Sa wakas, tapos na ang paghihirap ko. Panibagong 'yugto na naman ang kakaharapin namin. Pero isa lang ang masasabi ko... Kahit gaano pa kalaki ang problemang kakaharapin natin, makakaya natin 'yong lagpasan at pagnalagpasan na natin 'yon... Doon natin mararamdaman ang kasiyahan na walang sino mang makakapagpabagsak sa atin. Walang sino man ang makakasira sa atin.
Nakatingin lang ako kina mommy at daddy na naglalaro sa park, kasama si Shark na halatang naiirita na. Binilhan pa nila ito ng lobo. Kaya mo 'yan, Shark. Humalakhak ako nang pakawalan ni Shark ang lobo dahil sa inis.
Hindi sinasadyang mapatingin ako sa isang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa akin. Naka jacket ito at nakasuot pa ng hood.
Kahit na hindi ko ito mamukhaan ay kusang bumagsak ang luha sa aking mata. Nanginig ang buo kong katawan nang hinubad nito ang kanyang hood.
"R-Raze..."
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Masyado akong nabigla at hindi ko namalayang nakalapit na sya sa akin.
"Kamusta?" Ngumiti ito sa akin.
Hindi pa rin ako makapagsalita at tanging luha lang ang nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwalang sa loob ng maraming taon... Finally, he's back.
"R-Raze..."
Humalakhak ito. "Babanat ako a? Sana naman magustuhan mo kasi ilang taon ko itong pinag-isipan." muling itong humalakhak.
"I could tell you a thousand jokes but I want you to know one single truth... " Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Baby, I love you..." Bulong nya.
Hindi pa rin ako nakakapagsalita.
"Ganon na ba ako kagwapo para ma-speechless ka? Hays. Sabagay, nakakalaglag panga naman talaga ang taglay kong gwapuhan."
Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin sya. Kasabay nang paghagulgol ko. Sobra na ang sayang nararamdaman ko... Pakiramdam ko ay nakumpleto akong muli.
"Sorry, Allison. Sorry sa mga nasabi ko sa'yo." Humiwalay sya sa akin at hinarap ako. Pinunasan nya ang luha sa aking mata. "Lahat sinabi ko sa'yo ay kasinungalingan. Sa tingin mo ba, hahayaan kong kunin ang virginity ko kung hindi kita mahal?" pagmamayabang nya.
"Sorry, Raze..."
"It's okay, baby. Alam kong isa akong mapagbirong tao sa'yo pero sana, sa pagkakataong ito... Pwede bang magseryoso na tayo? Maari ba tayong mag-umpisang muli?"
"Hey!" Nagulat ako nang bigla akong tinulak ni Shark palayo kay Raze na nakakunot ang kilay. "Bakit mo niyakap si mommy?!" Sigaw nya.
Napangiti ako...
"P-Pating?! Saan mo dinala ang mahal kong pusa?!"
"He's already mine!"
"What?! No! Ibalik mo sa akin si Dark!"
"No way!"
Napatingin sa akin si Raze. "Anak mo 'to?" Tanong nya sa akin at nakita kong nasaktan sya do'n. "Hindi mo sinabing may anak ka na pala." malungkot nyang wika.
"Raze..."
"It's okay. I'm alright, baby. I can still love you kahit na may pating ka na."
"Baby, meet my son... Shark Silvenia."
Natigilan ito sa sinabi ko kasabay nang muling pagbagsak ng luha sa aking mata.
"W---What?"
Tumango akong muli. "Daddy Raze, I want you to meet our son..." ulit ko pa.
Wala na akong maintindihan dahil sobrang saya nang nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko lang ay binuhat ni Raze si Shark at inikot.
I think... Ito na ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko. I couldn't wish for more, just their acceptance is enough.
We'll start another chapter of our life... The new beginning...
***
Zein's Point of View
Mabilis na lumabas ako sa kotse at naglakad papasok sa bar na nirentahan namin. Kahit nasa bungad pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang malakas na stereo.
Pagkapasok ko ay mga birthday greetings ang bumungad sa akin. Mga classmate ko ito nung college at meron ding high school. Sa dulong mesa ay kumakaway si Vanessa.
"Happy birthday, Zein." Humalik sa aking pisngi si Vanessa. "Wala akong regalo, huwag ka nang maghanap." natatawa nyang bulong.
"Happy birthday, Zein." bati ni Matt na may hawak na wine glass. "Cheers!" dugtong pa nya.
Napansin ko agad si Jerome na nakangisi. "Wala rin akong regalo. Pero, 'pag papagawa kayo ng bahay ni Ace. Ako na ang bahala." Humalakhak ito matapos 'yon sabihin.
Umupo ako sa tabi nila at kinuha ang basong may lamang alak.
Napatingin ako sa dance floor kung nasan si Cedric na kumakaway sa akin. "Happy birthday!" sigaw nya habang yakap-yakap ang isang babae.
Tumango na lang ako.
"Zein, may surprise kami sa'yo." Halatang excited si Vanessa doon dahil napatayo pa sya sa kanyang upuan.
Magtatanong pa sana ako nang makita ko na ang kinatitilian nya.
"Mia!"
Halos magkumahog akong makalapit sa kanya. Natawa ito nang halos matumba kami sa biglang pagyakap ko.
"Happy birthday, Zein."
Hinarap ko ito. Hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa sobrang saya. "I miss you, Mia. Pero--- Anong ginagawa nyo rito?" Tanong ko habang sinusulyapan si Dave na nakipagkamayan sa mga kakilala nya.
"Pwede ba naming palagpasin ang birthday mo? And..." Ipinakita nya sa akin ang kamay nya.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri.
"Engaged na kayo? Whoa. Ang bilis. Congrats."
Pumunta kami sa table nila Van at gaya ko ay nasurprise rin sila na engage na pala ang dalawa at kung meron mang akong ipagpapasalamat ay sa wakas... Tanggap na sila ng pamilya ni Mia. Legal na sila at may blessing na mula sa pamilya.
Masaya ako para sa kanila. They deserved it. Lumaban sila at ipinakita nilang malaki na sila at may sarili ng desisyon. 'Yon ang hinangaan ko sa kanilang dalawa. Graduate na si Mia bale si Dave na lang ang nag-aaral.
"Ikaw, Zein?" Napatingin ako kay Dave nang marinig ko ang pangalan ko sa kanya. "Kamusta LL?" Tanong nya.
Kumunot ang noo ko. "LL?" tanong ko pabalik.
"Love life..." Ngumuso si Vanessa nang agawin ni Jerome ang basong may alak sa kanyang kamay.
Umiling na lang ako bago binalingan ng tingin si Dave. "Lovelife? Ano 'yon?" Biro ko.
"Ampalaya... Hindi pa ba kayo nagkikita ni Ace?" Ani Mia.
Pilit na napangiti na lang ako at umiling. Hindi ko pa sya nakikita at hindi ko rin sya inimbitahan ngayon. Dalawang taon na ang nakakalipas. Wala na akong balita sa kanya.
"Nagkita kami kanina ni Ace. Hindi mo pala sya inimbitahan?" Nagtatakang tanong ni Matt.
"N-Nahihiya ako..."
"Whoa. Bago 'yon ah." Pang-aasar sa akin ni Vanessa na nakasandal sa balikat ni Jerome. "Meron ka palang ganon?" Tinawanan nya ako nang itapon ko sa kanya ang balat ng lemon.
Para kasing nahihiya akong imbitahan sya. Sa loob ng dalawang taon ay pinutol ko lahat ng komunikasyon namin. Alam kong gagawa ng paraan si Ace para magkausap kami ngunit nilabanan ko 'yon. Gusto kong mabuhay kami kahit na magkalayo.
Sa loob din ng dalawang taon... Walang nagbago. Ako pa rin 'yong babaeng patay na patay sa kanya. God. I miss him so much.
"Zein... Come on." Pinilit akong hinila ni Cedric papunta sa dance floor.
Natawa na lang ako sa kakulitan nya. Aktong sasayaw na rin ako nang biglang mamatay ang ilaw sa paligid. Nagsigawan ang mga tao.
"You can have a dance with everyone in this club but not with my girl."
Nanindig ang balahibo ko nang biglang bumukas muli ang ilaw. Nakita kong may hawak na control si Ace. Ipinakita nya sa akin 'yon.
"May dalawang button dito." Ipinakita nya pa sa amin 'yon. "Ang isa ay para i-turn down ang power system ng bar na ito at ang isa... Ay para pasabugin ang buong lugar na ito." ngumisi sya matapos sambitin 'yon.
Imbes na matakot ako ay umapaw ang sayang nararamdaman ko. Naka office attire ito at halatang kagagaling lang sa opisina nila.
"What button?" Tanong nya kay Cedric.
"Wala... Sabi ko nga hindi sya sumasayaw e. Ikaw kasi, hinila mo ako sa dance floor. Yari tuloy ako."
Lalapit sana sa amin si Ace nang harangin sya ng dalawang bouncer. Hindi kasi sya invited kaya bawal syang pumasok.
Tinaasan nya ako ng kilay kaya napalunok ako.
Inis na inayos nya ang office attire nya bago naglakad palabas. Sumunod sa kanya ang mga bouncer. Natigilan ang buong paligid dahil sa ginawa ni Ace.
Gatecrasher... Ace Craige.
"Susunod na 'yan..." Tumawa si Vanessa. "Pustahan tayo. Tatakbo na si Zein para habulin ang alas." Kinagat ko ang labi ko dahil sa sinabi nya.
Great! Alam na alam nya ang gagawin ko. Inis na inalis ko ang mga heels na suot ko. Nagsigawan ang mga tao rito at wala na akong panahong mahiya.
"Go, Zein! Para sa ekonomiya!" sigaw ni Mia.
Mabilis na tumakbo ako para habulin si Ace. Halos madapa pa ako dahil sa bilis ng takbo ko. Pakiramdam ko ay ito na ang huling pagkakataon ko. Pakiramdam ko, pag nawala sya ngayon ay habang buhay na 'yon. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito.
Pagkalabas ko ay malamig na hangin ang bumalot sa buo kong katawan. Nakapaa lang ako kaya mas nilalamig ako.
"Miss, hinahanap mo ba 'yong lalaking pumasok kanina?" Tanong sa akin ng bouncer.
"Yes. Saang direksyon sya pumunta?" Tanong ko.
"Sa puso mo..."
"What?!" Naiinis ako sa mga nangyayari at sa sagot nya.
Ang kapal ng mukha nyang pagurin ako.
"Sabi kasi nya 'pag nagtanong ka ng direksyon ay 'yon ang isasagot ko." Kumamot ito sa kanyang batok. "Kung gusto mo raw syang makita... Nasa bahay nyo raw dalawa..." dugtong nya pa.
Kumunot ang noo ko bago napagtanto kung ano ang lugar nyang tinutukoy. Sa condo kung saan kami tumira dati.
Tumakbo na ako ngunit may pahabol pa syang sinabi.
"Ihanda mo raw ang sarili mo!"
Hindi ko na 'yon pinansin at agad akong nagpara ng taxi. Ang lakas ng kabog ng aking puso. Bakit ba ako nagmamadali? Hindi naman sya aalis!
Napatingin ako sa paa ko. Bagong pedicure lang ako na nasira na ngayon. I hate you, Ace Craige!
Fuck you!
Pagkalabas ko ay agad na natanaw ko ang building. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao at hiyang-hiya ako sa sarili ko.
Hinarang ako ng dalawang guard kaya tumaas ang kilay ko.
"Miss? Bawala ang pulubi rito."
Natawa ako sa sinabi ng isang guard. Sa sobrang tawa ko ay nasipa ko na ang kanyang paa at mabilis na kumaripas ng takbo at pumasok sa elevator.
Hinabol nila ako at saktong nagsara na ang elevator. Shit! Pawis na pawis na ako at sirang-sira na ang paa ko.
Bwisit!.
Nang makatapat na ako sa unit ay agad kong pinindot ang password. Halos mapatalon ako sa tuwa nang hindi nya pinalitan ang passcode.
'Pagkapasok ko sa loob ay napakaraming alaala ang bumungad sa akin. Namiss ko ang lugar na ito.
Agad na pumunta ako sa kwarto nya. Walang bumungad na tao sa akin. Napaupo na lang ako sa kama.
I think, mali ata ang lugar na pinuntahan ko.
Napatingin ako sa salamin. Umiiyak na pala ako, hindi ko man lang naramdaman. Oo, miss ko na sya kaya ko nagawa ito.
Damn! I miss him so bad.
Napatingin ako sa cr nang bigla itong bumukas. Tumigil ang luha ko nang makita si Ace na nakataas ang kilay. Tumutulo pa ang tubig sa kanyang buhok. Nakatapis lang ito gamit ang towel. Tumutulo pa rin ang tubig sa kanyang katawan.
"What are you doing here?"
Muling tumulo ang luha sa aking mata dahil sa tanong nya.
"Ano nga bang ginagawa ko rito?" Parang tangang tanong ko sa sarili ko. "Bakit ba ako tumakbo rito nang nakapaa? Bakit ba ako nakipaghabulan sa mga pesteng gwardya ng building na ito? Bakit nga ba ako umiiyak?" Natawa ako at tumayo na.
"Ano bang ginagawa ko sa kwarto mo e hindi naman sa akin ito."
Aktong aalis na ako nang maramdaman ang malamig nyang katawan sa aking likod. Humagulgol ako dahil sa ginawa nya.
"Just kidding. I'm really expecting you here..."
Hinarap nya ako sa kanya. Napatitig ako sa kanyang malalim na mata. Ngumiti ito na tumunaw sa galit na nararamdaman ko.
"I miss you..." Humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. "So much." bulong nya.
"Ako pa rin ba, Ace?"
Kumunot ang noo nito. "Kahit na hindi ka kagandahan ay sa'yo lang ako." Sabi nito.
Hinampas ko ang kanyang dibdib na sana ay hindi ko na lang ginawa. Mas lumawak ang ngisi sa kanyang labi.
"Ngayon, may karapatan ka ng hawakan ang katawan ko, Zein. Hindi ka na lang hanggang tingin. You can own me anytime you want, darling."
Namula ako sa mga sinabi nya.
"I love you, Ace."
Napapapikit ako nang sunggaban nya ang aking labi. Nalasahan ko ang alak sa kanyang labi. Nalalasing ako sa halik nito at nawawala ako sa aking sarili.
"You're finally home..." Muli nya akong hinalikan.
Inupo nya ako sa kama kasabay nang pagluhod nya sa aking harapan.
Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Tanging luha ko na lang ang naging simbolo ng nararamdaman ko.
"Darling, I couldn't wish for more. Salamat, kasi tinanggap mo ako nang buo. Salamat kasi kahit na napakarami kong kasalanan sa'yo ay nagawa mo pa rin akong patawarin..."
"Kasi mahal kita... 'Yon lang, Ace."
"Zein Shion. Darling, I love you more than who I am and what I have. Will you be my wife? Be my Mrs. Craige."
Natawa ako dahil wala naman syang singsing na inilabas.
"Hindi pa pala ako nakakabili ng singsing..." Kumamot ito sa kanyang batok. "Sige. Sa susunod na lang nga ako magpo-proporse." Muli itong tumayo.
Damn! Ang inosente talaga ng lalaking 'to.
"Darling, yes. I'm willing to be your wife. I am willing to be your Mrs. Zein Shion - Craige."
Napapikit ako nang bigla nyang inalis ang towel na nakapalupot sa kanya.
"Ace!"
"Nakapaghanda ka na ba?"
Pinanatili ko ang pagkakapikit ng aking mga mata.
"Binigyan na kita ng dalawang taon."
"Let's get married first! You jerk!"
Narinig ko ang paghalakhak nito bago naramdaman ang kanyang labi sa akin. Niyakap nya ako at sabay kaming bumagsak sa kama kasabay nang pagdampi ng kanyang labi sa akin.
"Sorry but I can't. Hindi kiya kayang pagbigyan ngayon."
Iminulat ko ang mata ko. Nakapikit si Ace habang hinahalikan ako. Halos mamaluktot ako sa kiliti nang halikan nya ang leeg ko pababa.
Muli kong ipinikit ang aking mata kasabay nang pagbagsak ng luha sa aking mata.
Napabalikwas kami nang biglang may kumatok sa pinto. Sunod-sunod 'yon na halos magiba na ang pinto.
Napatingin ako kay Ace na nakanguso. Natawa na lang ako nang magmadali itong magsuot ng damit at boxer.
"Alas!" sigaw ni Raze sa labas. "Alas! May ikukwento ako sa'yo!" sigaw pa nito.
Nakita kong may kinuhang baseball bat si Ace bago lumabas. Natawa na lang ako nang marinig ang mga malulutong nilang mura sa labas.
Niyakap ko na lang ang unan sa aking tabi. Sa dinami rami ng naransanan namin at napagdaanan. Hindi ko inakalang magiging maayos pa ang lahat.
Marami pa kaming pagdadaanan na muling susubok sa katatagan namin. Handa akong harapin ang lahat.
Hindi ako susuko...
Lalaban ako...
Ipapakita ko na kaya ko...
Napatili ako nang maisip ang aking pangalan na isusulat.
"Mrs. Zein Asola Shion - Craige."
The end.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro