Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8: Mystery

Vanessa's Point of View

Nakakainis! Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa pag-iinarte na ito. Bakit ko ba kasi nararamdaman ito? Bakit pakiramdam ko ay hindi ako importante sa kanya? Bakit pakiramdam ko ang liit ng tingin nya sa akin? Bakit ba ako ginugulo ng mga kadramahan na ito?

"Vanko..."

Hindi ako lumingon at nanatili ang tingin ko sa mga estudyanteng dumadaan sa harap namin. Hindi ko sya kayang tapunan ng tingin dahil nahihiya ako. Nahihiya? Oo, nahihiya ako pero hindi ko maintindihan kung bakit.

"Sorry," Bulong nito. Mariin kong naipikit ang mata ko nang marinig 'yon. It was not actually his fault or maybe it's the other way around. "Hindi ko na sana sinagutan ang assignment mo. Sorry kasi nagmarunong ako." Malungkot nitong sabi.

Sumikip ang dibdib ko na parang kinakapos sa hangin. Hindi ako sanay sa tono nya. Hindi ako sanay na malungkot sya. Hindi ako sanay na hindi ko sya nasusungitan. Pero mas hindi ako sanay na ako ang dahilan ng lahat. I want to end this drama right now... No sequel.

"Sorry kung bobo ak-"

"BOBO KA NAMAN TALAGA EH!" Sigaw ko na ikinatahimik nya. Humarap ako sa kanya kasabay ng pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tama nga, mahirap kalabanin ang nararamdaman mo. "Damn! Je, you are so stupid... selfish." Halos manginig ang tinig ko habang sinasabi 'yon.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang mainit na pakiramdam ko. Ayokong magsalita ng makakasakit sa kanya pero tangina ang hirap. Gusto kong ipamukha sa kanya na ang ginawa nya ay hindi maganda... Hindi talaga. Ang labo kaya kailangang malinawan.

"Sorry," muling sagot nito na ikinakuyom ng kamao ko.

Hinawakan ko ang kwelyo nya. Nanlambot ang tuhod ko nang makita ang pangingilid ng luha nya. Oh fuck! I hate it! His eyes... My weakness.

"Sorr---"

Dumapo ang palad ko sa pisngi nya at wala akong pinagsisihan don. Kung pwede lang sanang sampalin ko syang muli hanggang sa maubos na ang sama ng loob ko ay gagawin ko. Kulang pa ang sakit na nararamdaman ng pisngi nya sa mga sakit na ipinaramdam nya sa akin.

"Je, you can tell me if you can't." Bulong ko. Pinunasan ko ang luha sa pisngi nya. Ghad! He is crying and it's killing me."Don't be selfish. Hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na hindi mo kaya. Hindi mo kailangang maglihim sa akin." Wika ko.

Gusto kong matawa sa kadramahan namin. Dahil lang don ay nagkaganito na kami pero hindi--- Hindi lang ito dahil doon.

"Bakit Van? Sa tingin mo ba mahina ako? Ganon ba ang tingin mo sa akin? Na hindi ko kayang gawin ang mga bagay na ito? Ganon ba? Ha?"

Mahina akong natawa at mahinang tinapik ang kanyang pisngi. "Natatakot akong dumating 'yong araw na sumusuko ka na pero hindi mo pa rin sinasabi sa akin. Natatakot akong bigla ka na lang mawala nang hindi man lang nagpapaalam. It's not about that fucking zero! It is about us! It is about how I want you to tell me everything. Kung hindi mahalaga sa'yo 'yon pwes importante sa akin 'yon. Lahat ng tungkol sa'yo ay pinapahalagahan ko. Naiintindihan mo ba ang nais kong sabihin?" Gusto kong itatak nya sa isip at puso nya ang mga katagang 'yon.

Natatakot lang kasi ako... Natatakot akong gawin nya ang mga bagay na hindi nya kayang gawing mag-isa. Ano pang silbi ko? Ano pang silbi't minahal ko sya? I will stand for him and join the battle... 'til the end.

"Lets do it together... Jerome... together."

***

Dave's Point of View

Ngumuso ako habang naghihintay na mabasa ang salitang 'seen' sa mensaheng ipinadala ko ngunit lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin. Hanggang sa offline na sya.

Pabagsak na humiga ako sa kama at inisip kung ano ang ginagawa nya ngayon. It's been three years simula nang magkita kami in person. Hindi sapat sa akin ang makita sya sa cellphone. Gusto ko syang yakapin. Gusto ko syang hawakan. Gusto kong sabihin ang mga nararamdaman ko sa kanya nang harap-harapan.

"Kuya?!"

Naramdaman kong hinihila nya ang T-shirt ko ngunit wala akong ganang makipag-usap sa kahit na sino. Kahit na sa kapatid kong nangungulit.

"Kuya Dave!"

Inis na binalingan ko ng tingin si Ash na nakanguso habang naka tingin sa akin. Bagay sa kanya ang pangalan nya dahil sa kulay ng kanyang mata na namana nya kay Dad.

"Bakit ba?" Tanong ko.

"Akala ko ba bati tayo?" Tanong nya. "Hindi ko na nga sinabi kay Mommy na lasing kang umuw---"

"Ssshh!" Tinakpan ko ng kamay ko ang kanyang bibig. Namilog ang mata nito habang mahinang tumango. "Ano ba 'yon?" Tanong ko.

Nahuli nya kasi akong umuwing lasing kagabi. Ayaw pa naman ni Mommy na umiinom ako ng alak. Uminom lang naman kasi ako dahil gusto kong maibsan kahit na konti lang ang pangungulila ko kay Mia.

"There's a cockroach inside my room."

"So?"

Binigay nya sa akin ang tsinelas na kanina nya pa bitbit. Akin pa talaga ang kinuha nya.

"You want me to murder that cockroach?" Paglilinaw ko.

Tumango ito. "That cockroach is messing my room! I want him die! Kill him for me kuya!" Excited nyang wika na patalon-talon pa.

Pabagsak na pumunta ako sa kwarto nya. 'Pagkapasok ko ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ayos ng kwarto nya. Damn! He's just 8 years old! Pero ang theme ng kwarto nya is black and white at wala kang makikitang kahit na anong stuff toy.

"There!" Turo nya sa ipis na nakapirmi sa isang pwesto.

Nakatago sya sa likod ko at aktong papaluin na ang ipis nang bigla itong lumipad at lumabas sa nakabukas na bintana. Mahinang napasigaw si Ash dahil don.

"You let him go." Walang emosyong wika nya habang nakahalukipkip sa harapan ko. Nakatingala ito sa akin at nakakunot ang kanyang manipis na kilay.

"Wala na."

Lumabas na ako ng kwarto nya ngunit ramdam ko pa rin na nakasunod sya sa akin. Tinahak ko ang hagdan pababa at patungo sa kusina kung saan naabutan ko ang isang kasambahay namin na nagluluto.

"Paano kung bumalik sya?"

"Ash, hindi na babalik 'yon."

Nagsalin ako ng tubig sa baso bago nilagok. Napatukod ako sa lamesa na parang napagod.

"Kapag umalis ba, hindi na babalik?"

"No." Sagot ko at parang may kung anong bagay na bumara sa lalamunan ko at pakiramdam ko ay may mali sa sinabi ko.

Gusto kong bawiin ang mga katagang 'yon ngunit ayaw gumalaw ng bibig ko. Hindi lahat ng umalis ay hindi na babalik pa. She'll come back... She need to come back.

Nagmadali akong tumakbo pabalik sa kwarto ko at naabuta kong buhay ang ilaw sa cellphone ko. Nanginig ang tuhod ko habang binabasa ang sagot sa akin ni Mia.

***

Matthew's Point of View

Tumikhim ako habang pinagmamasdan si Ace na presenteng nakasandal sa upuan habang hindi maalis ang mata sa kanyang cellphone. Paminsan-minsan ay ngumingisi ito.

Tinapunan ko ng tingin ang test paper ko na hanggang ngayon ay ilang sagot pa lang ang naisusulat ko. Exam day namin ngayon at ang matalinong si Ace Craige ay exempted. Hinamon sya ng teacher namin sa isang task tungkol sa isang business at mukhang wala lang 'yon sa kanya dahil nagawa nya ito. Nakakamangha.

"Sir?" I raised my hand.

Napatingin silang lahat sa akin. Nakakunot ang noo ng Prof namin habang nakatingin sa akin at naghihintay kung para saan ang pagtataas ko ng kamay.

"Do you believe that honesty is the best policy?"

Mas lalong nangunot ang noo nya sa tanong ko. "What do you mean, Mr. Hart?" Tanong nito.

"I won't cheat... I'll be honest... But make a promise that you'll still pass me."

Narinig ko ang mahinang tawa ng mga kaklase ko at si Ace na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Honesty is the best policy. 'Yan na lang ang mga pinanghahawakan ko sa mga sandaling ito.

"Is that some kind of threat huh?"

"Or I highly suggest, Sir." Tumayo ako nang matikas sa harap nilang lahat. "Konti na lang ang mga honest na tao ngayon, why not give them a reward? Like giving a plus points or just passing them. Great idea, right?" I grinned.

Nakangusong lumabas ako ng classroom. Nakasunod si Ace na natatawa.

"What a brilliant idea, Matt."

"Stop teasing..."

Humalakhak ito. Porque matalino ang hilig manlait. At least, honest ako. Hindi ko kailangang mangopya para pumasa... I'm still proud of myself! May maipagmamalaki ako--- Forget that failing grade I've got.

"Have a date with me."

Halos mapamura ako nang nasa harap ko na pala si Angel. Bakit ba nakakalusot sa guard ang babaeng ito? Hindi naman sya nag-aaral dito kaya bawal syang pumasok. I wonder.

"Uh?"

"Date me, Matthew Hart."

Natawa ako. She is really a desperate. Hindi ko alam pero sa lahat ng babae, sya ang ayaw ko. Ayoko sa mga babaeng ganito. I mean, babae sila. Hindi dapat sila ang nag-i-insist ng mga ganito. Damn! They have to be treated like a queen.

Humalukipkip ako sa harapan niya. "And what would you do if I don't want to, baby?" Hamon ko.

Ngumisi ito. "Prove me you are not a gay." Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya bago napahalakhak.

I used to it. Alam ko ang mga galaw na ito. Napanood ko na ito sa tv. Hindi ko alam kung bakit nya pa kailangang gawin ito. Psh.

"Then, I'm a gay."

Nilagpasan ko na sya ngunit huminto ako at nanatiling nakatalikod sa kanya.

"But, I'll prove you were wrong. Lets date."

***

Zein's Point of View

Hindi ko maiwasang mapangiwi habang pinagmamasdan si Ace na halos mamatay sa kakatawa habang nagdadrive. Pauwi kami ngayon sa bahay dahil tapos na rin naman ang exam at ito rin ang gusto nila mommy at daddy.

"You have a smart friend, Zein." Natatawa nya pang sabi.

Hindi na ako natawa sa kwento nya kay Matt dahil malala pa ang ginawa nya sa mga 'yon nung high school kami. Matt is Matt. May utak na hindi mo maintindihan at may mga trip na mahirap sakyan.

"Yeah, kaya nga nagkacrush ako sa kanya."

"You don't have to say that..."

Ako naman ngayon ang natawa dahil sa biglang pagkawala ng mood nya. Dahil sa ganitong ugali nya ay mas na-e-engganyo akong asarin sya. Pikon ang mokong. Ang sarap pikunin pa lalo.

"What? That I still have a crush on him?"

"Damn!" Hinampas nya ang manibele at kinagat ang kanyang labi. "Stop it, Zein." Madiin nyang wika.

Mas bumilis ang pagdrive nya sa kotse kaya alam kong wala na sya sa mood. Beast mode na naman si Mr. President.

Niyakap ko sya habang nagdadrive sya. Napasinghap ako nang maalimuyak ang kanyang pabango. Naka T-shirt na asul ito at pants.

"You are jealous..."

"And so what? I have the right, darling..."

Napangiti na lang ako. Crush ko lang naman si Matt at sya ang mahal ko. Hindi ko alam kung ano ba ang pagkakaintindi ni Ace sa crush thingy na 'yan at ganiti ang reaction nya. Hindi naman nakakagulat ang mga babaeng nagkakacrush kay Matt. He has the look. Still, Ace pa rin naman ako eh.

"Did you know that love is the result of crush multiply by infinite?" I asked.

In short, crush is crush and love is love. They are not related... for me.

Umiling ito at tinapunan ng tingin. "No. Love is combination of Ace and Zein." Pagtatama nya.

"Sabi mo eh..."

Nanatili kami sa ganong posisyon. Nakabukas ang bintana kaya nakapatay ang aircon. Pumapasok mula sa labas ang sariwang hangin ng gabi. Nalalanghap ko na ang sariwang hangin ng probinsya.

"You can stay here." Mainahong sabi ni Mommy kay Ace nang magpaalam na itong babalik sa Manila.

Napag-usapan namin kasing ihahatid lang nya ako sa bahay dahil ayaw nyang magcommute ako. Babalik din sya sa Manila para tulungan si Raze sa company since kawawa rin ang mokong na 'yon dahil tambak sa trabaho.


Mainahong umiling si Ace. "No, thanks. Tita, may importante pa po kasi akong gagawin." Malambing na wika nito.


"Hon, 'wag mo naman syang pilitin." Natatawang suway ni Dad kay Mom. "Go ahead, Ace. Salamat sa paghatid sa anak namin. Mag-iingat ka na lang." Tinap ni Dad ang balikat ni Ace bago pumunta sa kusina.


Napatingin ako kay Ate Allison na nakangising nakatingin sa amin. "Mas imporante pa ba 'yan kesa sa kapatid ko?" Hamon na tanong ni Ate.

Sinamaan ko ng tingin si Ate ngunit tumagos lang ang titig nya sa akin papunta kay Ace na presenteng nakatayo sa harap namin.Matikas ngunit magalang tumindig. Kahit na maamong tupa sya sa harap ng parents ko ay bakas pa rin ang awtoridad nito sa bawat pag buka ng bibig.


"No. Zein is not important to me," sagot nito na ikinalaglag ng panga ko. GHAD! Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko at pinisil 'yon. "Zein is my priority. I want her to rest even just this weekend. Pagod sya sa pag-aaral." Dugtong nito.

Napangisi ako nang makita ang pag-irap ni Ate. See? My evil sister. Hindi ka mananalo sa nilalang na ito.

"You're so sweet..." Natatawang wika ni Mommy. "Alright, sige na. Baka mas gabihin ka pa... Sana minsan pumarito ka naman. Gusto pa kitang makilala. I find you interesting...." Nakangiting wika niya.


Napangiti ako dahil hindi lang ako ang nahihiwagahan sa lalaking ito. He is still a mystery to me.


"Of course, Tita. Thank you po."

Nagpresinta akong ihatid si Ace sa labas. Habang naglalakad kami papunta sa kotse nya ay tahimik kami. Madilim na at gustuhin ko mang pumarito na lang muna sya ay alam kong hindi na mababago ang isip nya.

Huminto kamo sa harap ng kotse nya kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Humarap sya sa akin at inayos ang buhok ko sa likod ng aking tainga.

"Matulog kang mabuti, 'wag mo ako masyadong isipin baka hindi ka makatulog." Natatawa nyang wika.


Napapikit ako nang halikan nya ako sa noo. Shit! Sigurado akong mamimiss ko ang lalaking ito kahit na dalawang araw lang kaming hindi magkikita.

"Mag-iingat ka, Ace."

"Yes ma'am!" Sumaludo pa ito sa akin bago sumakay sa kanyang kotse.

"Goodby---"

"Hey!" Sigaw nya sa akin habang nakadungaw sa bintana. Kahit na madilim ay kitang-kita ko pa rin ang nakakunot nitong kilay. "What's with goodbye? Magkikita pa tayo." Pagpapaliwanag nito na ikinatawa ko.


"Alright, I love you then."

"I love you more, darling." Ang mga huling katagang binitawan nito bago umalis.

Napatulala na lang ako sa kawalan. Magkikita pa naman kami pero nakakaramdam na ako agad ng pangungulila. Damn! Ang oa na miss ko na sya agad.


"That's bad."

Napalingon ako kay Ate Allison na nasa likod ko rin pala habang nakatingin sa daang tinatahak ni Ace.

"H-Huh?"

Napatingin sya sa akin kasabay ng pagkawala ng isang ngisi sa kanyang labi.

"You shouldn't get too attached for a temporary person."

"Ate!" Gigil na pigil ko sa kanya. Napapikit ako at inalis ang mga katagang binitawan nya sa isip ko. "Kung ayaw mo kay Ace, please. Huwag ka na lang magsalita." Madiin kong wika na ikinahalakhak nya.


Sumisikip ang dibdib ko. Ganito naman talaga si Ate eh. Mahilig gumawa ng mga kwentong walang kabuluhan. Sanay na kami sa kanya pero bakit ganon? Sa pagkakataong ito ay hindi ko kayang tanggapin ang sinabi nya kahit na pabiro lang 'yon o ano.


"Please, stop it." Pagsusumamo ko.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Hindi mo pa lubusang kilala si Ace. He hides alot of secret. He is a mystery that's hard to solve. Mag-iingat ka, Zein. Ayokong makitang dumating ang araw na.... Mawala ang tiwala mo sa lahat." Bulong nito bago kumawala sa pagkakayakap at umalis.


Natulala na lang ako sa kawalan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro