Chapter 5
Chapter 5: Cellphone
Zein's Point of View
Mariin kong isinara ang labi ko nang maramdamang maduduwal ako. Sumandal ako sa upuan para kahit papaano'y mawala ang pagkahilo na bumabalot sa ulo ko.
"Pumunta ka lang dito para uminom?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Vanessa na nakakunot ang kilay. "You could have done this at your home... You are messing my apartment." Sermon nito habang pinagmasdan ang mga kalat ko.
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Pakiramdam ko ay nakakatawa ang sarili ko. "I am really a mess. You don't have to remind me." Mapait kong tugon.
Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga nya bago sinulyapan ang labas ng bintana na binabalot na ng kadilima.
"Alam ba nyang narito ka?"
Umiling ako dahil tumakas lang ako. "Van, muntik na naman syang mapahamak dahil sa akin." Halos pumiyok ako habang tinatapon ang mga salitang 'yon.
Tanga ba talaga ako? Lapitin ng aksidente? Am I really a dangerous person? Nasa panganib ba lagi ang buhay nya kapag kasama nya ako?
"Pinili nyang mapahamak para mailigtas ka. Wala kang kasalanan, Zein."
Natawa ako ng mapait. Alam ko naman 'yon pero hindi ko lang matanggap na maging sya ay muntik ng mapahamak. Alam ko naman na ganon talaga si Ace. Alam kong kaya nyang gawin lahat para sa akin at ganon din naman ako.
Namulagat ang mata ko nang maalala ang ngisi ng lalaking 'yon. Hindi ko sya kilala at hindi ko man lang sya namukhaan dahil natatakpan ang mata nya ng sumbrero pero sa tuwing naalala ko ang ngisi nya... tumatayo lahat ng balahibo ko sa katawan.
"Okey ka lang?" Tanong ni Vanessa nang mapansin na lumutang na naman ang isip ko. "May iba pa bang nangyari?" Alalang tanong nito.
Lumunok ako bago umiling. Nagsalin akong muli ng alak at nilagok ang laman no'n. Umawang ang bibig ko nang maramdaman ang pait.
"Bakit ang init naman dito?"
"ZEIN! Huwag ka ngang maghubad!" Pigil nyang nang makitang inaalis ko ang blouse ko. "Todo na nga ang aircon, lasing ka lang." Dugtong pa nito.
Tumawa ako. "Todo na ang aircon at nag-iinit pa talaga ako... Tanong ko lang, Van. Am I that hot?" Tanong ko.
Wala na! Tinamaan na ako! Lasing na ako at hindi ko na makontrol ang mga katagang nilalabas ng bibig ko at kung saan ko nakukuha ang mga 'yon.
Tumayo ako at pinunit ang blouse ko.
"What the hell?!" Bulalas ni Vanessa na hininaan ang aircon. "Magsuot ka nga ng damit! Baka magkasakit ka, naku lang! Ako ang malilintikan nito kay Ace eh." Ngumuso ito.
Naramdaman ko naman na kahit papaano ay naginhawaan ako sa ginawa ko. Bale naka jeans na lang ako at bra. Inayos ko ang buhok ko sa likod ng tainga ko bago muling nagsalin at bago ko pa 'yon maitutok sa bibig ko ay may kamay na agad na pumigil.
Ngumuso ako at pinagmasdan ang pag-agaw nya sa akin ng baso at ibinigay kay Vanessa na napakamot na lang sa ulo.
"Lets go home..." Aya sa akin ni Ace na hindi man lang makatingin sa akin.
Itong lalaking 'to? May kasalanan pa sya sa akin. Halos himatayin ako sa pagseduce sa kanya kanina ngunit wala man lang sa kanya.
"Ace..."
"Z-Zein... Uuwi na kita."
Hinablot ko ang kamay kong nakahawak sa kanya at hinila ang batok nya. Inangkin ko ang labi nya na ginanitihan nya.
Napapikit ako habang dinaramdam kung gaano ako kaswerte na may alas na dumating sa buhay ko. Kaya ko pa bang pakawalan ang alas ko? Hindi na siguro.
Naramdaman kong may bumalot sa katawan ko bago ko napagtanto na isinuot nya pala sa akin ang itim nyang blazer.
Hinawakan nya ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. Napalunok ako habang nakatitig sa mapupungay nyang mata. Parang hinihigop nito lahat ng lakas ko at inilalabas sa aking katawan ang pagkasabik.
"Uwi na tayo... Mag-uusap tayo sa bahay."
Sa isang iglap ay nakasakay na ako sa kotse nya. Pinatay nya ang aircon at binuksan ang bintana.
Ngumuso ako. Ano na namang pag-uusapan namin? Hays. Malamang na sesermonan na naman nya ako tungkol sa paglalasing ko.
"Hindi ka man lang nagpaalam." Dinig kong wika nya. Alam kong may inis sa bawat pagbigkas nya no'n. "Damn." Bulong na mura nya bago pinukpok ng palad ang busina na lumikha ng ingay.
"Bakit ka ba bumubusina?!" Sigaw ko.
Wala naman kasing sasakyan sa harap namin at maluwag ang kalsada. Sumusumpong na naman ang mokong na ito.
Pagkarating namin sa condo ay itinulak nya ako sa sofa at humalukipkip sa harapan ko.
Shit! Ito na, sesermonan na ako ni Daddy Ace.
"Zein, hindi ka-"
"Hindi dapat ako lumalabas ng gabi lalo na't hindi ako nagpaalam sa'yo. Paano kung may nangyaring masama sa akin? Mamamatay ka sa pag-aalala. Huwag ko ng uulitin 'yon dahil malalagot ako sa'yo. This is an order from the Highest Supreme Student Government and I can't do anything about it."
Kumunot ang kilay nito nago ngumisi. Umiiling na umupo ito sa tabi ko at ipinaharap ako sa kanya.
"Zein, hindi ka dapat umiinom ng alak na hindi ako kasama dahil alam kong sinasapian ka kapag lasing. This is an order from your boyfriend..." Wika nito bago mahinang natawa. "I love you." Mas lalong humaba ang nguso ko nang gawaran nya ako ng isang kisap-matang halik sa labi.
Matapos kong maligo ay nagpatuyo na ako ng buhok. Kahit papaano ay nahimasmasan na ako. Maybe it was because of his kiss and hug. My kind of drugs.
Napayakap ako sa aking sarili nang pumasok ang malamig na hangin mula sa labas ng nakabukas na bintana. Nililipad pa ng hangin ang puting kurtina.
Isinara ko 'yon at kinandado. Natigilan ako nang maalala na hindi ko naman binuksan ang bintana. Iniwan ko itong nakakandado pa rin kaninang umaga.
Nagkibit-balikat na lang ako. Baka pumasok si Ace rito at binusak ang bintana. Pero bakit naman nya bubuksan? UGH!
Kumunot ang noo ko nang makita ang isang bagay na nakapatong sa table. Binunot ko muna ang saksakan ng blower bago tumungo roon.
Halos mapatalon ako sa tuwa nang makita ang cellphone ko. Ito pa rin ang casing na Dora.
Pero, paano ito napunta rito? Baka naman isinauli kay Ace at dahil wala ako ay ipinatong na lang nya rito.
Inilayo ko ito sa akin nang maamoy ang masangsang na amoy na animo'y galing ito sa basurahan. Pinunasan ko ito ng alcohol at chinarge.
Pabagsak na humiga ako sa kama at tumingin sa ceiling.
Niligtas na naman nya ako. Dahil na naman kay Ace ay hindi ako nasaktan. Salamat, Ace.
Balang araw, makakabawi rin ako sa lahat-lahat. Sisiguraduhin kong higit pa ito sa lahat ng nagawa mo.
Maganda ang gising ko. Parang buhay na buhay ang katawan ko. Active rin ako sa mga subjects ko.
"Woa! Para kanino 'yan?" Tanong sa akin ni Vanessa nang makita ang binake ko.
"Kilala mo na. Hindi ko na kailangang sumagot."
"Woa! Ang sungit mo, bes."
Nilagpasan ko na lang sya at ipinasok sa oven ang cake. Inalis ko na muna ang apron ko dahil ang init.
"Paki tingin, Van. Bibili lang ako. Nagugutom na eh."
"Paki bili na rin ako."
"Pera?" Pumalad ako para kunin ang pera ngunit hindi sya kumilos.
Tumaas ang kilay nito bago tinuro ang cake kong pinababantay sa kanya baka masunog. Pumalad din ito. "Pera?" Aniya.
Napailing na lang ako bago lumabas. Kahit kailan ang utak talaga ng babaeng 'yon.
"Zein!"
Napahinto ako nang harangin aki ni Cedric na nakangiti. Ano na namang kailangan ng lalaking ito? "What?" Tanong ko na ipinapakita ang kawalan ko ng interest sa kung ano mang sasabihin nya.
"Gusto ko lang sanang humingi ng sorry." Nahihiyang wika nito. "Hindi dapat kita nilokong may meeting." Dugtong pa nito.
Halos hindi naman sya mapakali habang nasa harap ko na animo'y hindi sanay sa ganito. Hindi naman ata talaga sanay sa paghingi ng tawad ang lalaking ito kaya ganito sya eh.
"Ok."
"Wait..." Pigil nya sa akin. "Nakuha mo na ba ang cellphone mo?" Tanong pa nito.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at ipinakita 'yon sa kanya. "Salamat." Sabi ko.
"Salamat? Wai-"
Hindi ko na sya pinakinggan at nagdiretso na lang ako sa paglalakad. Bumili lang ako ng burger at soft drinks para sa aming dalawa ni Vanessa.
"Para kanino 'yan?"
"Putik!" Bulalas ko nang biglang sumulpot sa harao ko si Ace at Matt. "Bakit ka ba nanggugulat?" Inis na tanong ko kay Ace na nginisian lang ako.
Mahinang natawa naman si Matt.
"Sa iyo lang lahat 'yan?" Kunot noong tanong nya sa akin.
Umiling naman ako.
"Para sa aming dalawa n-"
"At kailan ka pa naging utusan?" Putol nya na ikinatikom ng bibig ko. "Reyna ang turing ko sa'yo tapos magpapaalipin ka lang sa iba?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Napailing na lang ako bago humalik sa pisngi nya at umalis.
Kahit kailan talaga, hari na ka OA-an ang lalaking 'yon. Sya na ang pinaka oa na lalaking nakilala ko, pumapangalawa lang sa kanya si Vanessa.
Pagkarating ko sa lab ay nakalagay na sa container ang cake ko. Hinablot naman ni Vanessa ang mga dala ko. Hindi man lang nagsabi ng salamat.
Nilagay ko sa box ang cake at sabay kaming pumasok ni Vanessa sa mga next class pa namin. At nong hapon na ay binalikan ko ang cake sa lab.
Ibibigay ko na ito kay Ace at alam ko naman na uwian na rin nila.
Tinawagan ko ang cellphone nya at ang nakakapagtaka ay ilang ring bago nya sinagot. Usually kasi ay pangalawang ring pa lang ay sinasagot na nya. He must be busy at baka nakaistorbo ako.
"Hello?"
Mas lalong nangunot ang noo ko nang walang sumagot sa kabilang linya. Sinulyapan ko ang screen ng cellphone ko at nakaconnect pa rin naman ako sa kanya.
May napansin akong kakaiba pero pinagsawalang bahala ko na lang. Hindi naman kasi ako sure kung kakaiba nga talaga.
Muli kong itinapat sa tainga ko ang cellphone ko ngunit saktong pinatay na ang call.
Weird.
Nagbeep ang cellphone ko at isang message mula kay Ace ang natanggap ko.
Halos mapatalon ako sa tuwa nang magkita raw kami sa isang cafe.
Nagtaxi na lang ako papunta ron. Bitbit ko ang box ng cake pagkapasok ko roon.
Walang tao?
"Excuse me." Harang sa akin ng isang lalaking nakawaiter na uniform. "Are you Zein Shion?" Tanong nya sa akin.
"Yes." Sagot ko at iginaya naman nya ako sa nag-iisang table sa gitna. "Bakit wala ata kayong customer?" Tanong ko.
"Reserved po itong buong cafe para sa inyo eh." Ang huling mga sinabi nya bago ako iniwan.
Kinilig naman ako. Anong surprise na naman ito, Ace?
Iginala ko ang mata sa kabuuan ng cafe. Nakakilabot na ako lang ang tao pero bakit parang may nakamasid sa akin?
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Isang unknown number ang nakaflash sa screen at dahil hindi ako nakikipag-usap sa kahit na sinong kilala ko ay pinatayan ko ito.
Pero, bakit ganon? Pakiramdam ko ay isang malaking pagkakamaling hindi ko sinagot ang tawag na 'yon?
***
Cedric's Point of View
Nakakapagtaka. Bakit naman nagpasalamat sa akin si Zein? Hindi naman ako ang nagsauli ng cellphone na 'yon.
Hahabulin ko sana si Zein nang maiwan nya ang cellphone nya sa upuan nung nasa cafe kami ngunit hinarangan ako ng isang lalaking nakacap.
"Ako na ang magbibigay sa kanya."
"Sino ka ba?" Tanong ko.
"Kaibigan ako ni Zein.... I am Hell."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro