Chapter 40
Chapter 40: The End
Zein's Point of View
"Yes. Actually, mas okay pa nga ang ganito. At least, natututo kami para tumayo sa aming sarili." wika ni Mia na ipinakita ang maliit nilang bahay.
Nakatutok lang ako sa aking cellphone habang pinagmamasdan kung gaano siya kasaya. Masaya rin ako para sa kanila kahit na mejo nag-aalala rin.
"Nasa work pa si Dave. Kaya, ako na muna ang naiwan dito."
"Paano kung matunton ka ng parents mo? Paano kung sapilitan ka nilang bawiin?" Hindi ko napigilang itanong 'yon.
Tumakas lang sila nung tumutol ang kanilang pamilya. And I'm sure, gumagawa na ng para si Tito para mahanap sila. Mahal na mahal nila ang anak nila to the point na gusto na nilang masecure ang future nito sa pagpapakasal sa anak ng ka business partner. Ganon naman talaga ang magulang natin though minsan ay nagiging oa na. But I know, darating din ang araw na marerealize nila na malaki na ang anak nila at marunong ng magdesisyon para sa kanyang sarili. And I'm looking forward to that day.
"Zein. Kapag mahal mo ang isang bagay, ipaglalaban mo. Kahit na tutol ang lahat, hindi mo bibitawan."
Napangiti ako sa sinabi nya. Nagmatured na mag-isip ang bruha. Sabagay, marami nang nagyari sa kanila na humubog sa kung sino sila ngayon.
Nagtatrabaho si Dave para pag-aralin si Mia. Pansamantalang tumigil muna sya para magbigay daan kay Mia. Ayaw naman ni Dave na humingi ng tulong sa parents niya dahil gusto nyang sa sariling sikap ang lahat.
Hay...
"Wala ka bang pasok?" Tanong nya sa akin.
Napatingin naman ako sa wall clock. "Oh my--- Finals na namin ngayon at mukhang malelate pa ata ako." ngumuso ako na ikinatawa nya.
"Sige na. Bye, Zein. Miss you."
Ngumiti na lang ako bago siya nawala sa screen ng phone ko. Mabilis ko namang kinuha ang bag ko at tumakbo palabas. Naabutan ko si Mommy na nakatingin sa laptop nya.
Hindi ata nya napansin ang presenya ko kaya nakita ko kung sino ang tinitignan nya. Mabilis na napangiti ako dahil doon.
"So, binabantayan mo pala si Ate, mom?"
Mabilis na itinupi nya ang kanyang laptop at sinamaan ako ng tingin. Natawa ako sa naging reaksyon nya.
"Matitiis ba nya ang ate mo?" Pang-aasar ni Daddy na kagagaling lang sa kusina. "Hon, natutulog ka pa ba o magdamag kang nakatutok sa laptop?" Humalakhak si daddy nang ibato sa kanya ni mommy ang throw pillow.
"Pumasok ka na, Zein. Malelate ka na." Ani mommy na kinurot ang tagiliran ni daddy. "Nasa labas na ang driver." dugtong pa nito.
Tumango ako at humalik sa kanilang mga pisngi. Tumakbo ako palabas at naabutan ko ang driver ko na may kausap sa phone. Nataranta ito dahil doon at mukhang alam ko na kung bakit.
Pinagbuksan nya ako ng pinto. Pinaningkitan ko sya ng mata ngunit iniwasan nya lang 'yon.
"Manong naman e. Bakit ang bagal mo magdrive? Malelate na ako!" hindi ko mapigilang hindi magreklamo dahil mas mabilis pa ata akong makakapunta sa school kung tatakbo ako.
"Ma'am, kabilin-bilinan ni---" Natigilan ito. "M-Magandang nang ligtas." natataranta nyang sagot.
Napahalukipkip na lang ako.
"Si Mr. Craige ba ang nag-utos?"
Hindi ito nakasagot kaya umusok na naman ang ilong ko. That guy! Akala ko malinaw na sa kanya lahat! Akala ko naiinitindihan nya ang nais kong mangyari. UGH!
Nanginginig na kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang letseng lalaking 'yon.
"Hello?!"
"Hmmm?"
Wow! Ganda ng bungad ng lalaking 'to.
"Akala ko ba malinaw na ang us---"
"I'm busy, pwede mamaya na lang tayo mag-usap?"
"Huh! Fuck y---" Binabaan nya ako ng tawag.
Nanginig ang mga lamang loob ko. Ang kapal ng mukha nyang babaan ako ng tawag. Humanda ka sa aking letse ka. Nakakainit ng ulo.
Naabutan ko sa gate si Vanessa. Inis na binalingan nya ako ng tingin.
"Akala ko ba maaga ka ngayon? Isasama mo pa ako sa pagiging late mo."
"Sorry. Tara na?" Alok ko sa kanya at sabay kaming pumasok ng campus.
Nagpahintay kasi ako sa kanya at hindi ko naman alam na malelate pa ako dahil napasarap ang kwentuhan namin ni Mia.
"Nagreview ka?" Tanong nya sa akin.
Mahina akong natawa kasi hindi na 'yon kailangang itanong. Normal lang na magreview ako dahil exam na namin.
"Syempre. Finals na ngayon."
Tumahimik kami matapos sabihin 'yon. Naramdaman kong humihigpit ang pagkakakapit sa aking braso ni Vanessa kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung nagreview na ako?" Iritang sambit nya.
Kumunot naman ang noo ko dahil doon.
"Alam ko namang hind---"
"Nagreview ako." Pagmamayabang nya bago tinuro ang kanyang ulo. "Matalino ka lang sa akin ng isang paligo, Zein." pagmamayabang nya.
Tumango na lang ako. Sa katunayan ay lagi ko ngang napapansin na tumataas na ang mga score nya. Inspired eh. For the better future kuno nila ni Jerome.
'Pagkapasok namin sa classroom ay syempre, nasermonan kami. At itong bruhang ito, ipangalandakan ba naman na ako ang may kasalanan. Oo na, ako na talaga.
Nung makatapos kami ng three subjects ay break time na. Excited na excited si Vanessa na todo ang hila sa akin palabas ng classroom.
"Bilis! Gustom na ako."
"Gutom? If I know... Ang oa mo! Alam ko namang nagkita kayo kanina ni Jerome e."
Mahina itong tumawa. Naabutan namin sa cafeteria sina Matt, Jerome at Cedric na nagtatawanan. Mabilis na hinanap ng mata ko si Ace ngunit wala sya. Hindi ba sya sasabay sa amin?
Binitawan agad ni Vanessa ang kamay ko at umupo sa tabi ni Jerome na may hawak na libro. Tutok na tutok ito sa pagbabasa. Whoa. Nagbabagong buhay na talaga sila..
"Halikayo!" Paanyaya ni Matt. "Libre lahat ni Cedric. Birthday nya." Humalakhak si Matt dahil doon.
Napatingin naman ako kay Cedric na nakanguso. "Wala naman akong sinabi." bulong nito habang hinahalo ang yelo sa kanyang juice.
Guava juice?
"Happy birthday." bati ko sa kanya.
Lumawak ang ngiti sa kanyang labi at inayos pa ang kanyang polo. Tumikhim ito. "Salamat very much." matikas na sambit nya.
"Hindi ko alam na birthday mo, sana ay sinabi mo para nabilhan kita ng regalo." Ipinatong ko ang bag ko sa lamesa at kinuha ang juice ni Matt. "Painom." Pagpapaalam ko.
Tumango lang ito.
"Just a kiss here," turo nya ang kanyang pisngi. "My pleasure." nakangising sabi nya pa.
Wala naman sigurong masama kung hahalikan ko sya hindi ba? I mean, sa pisngi lang naman. And... Wala namang magagalit.
"The last time I requested for that, something bad happened." Natatawang sambit ni Matt.
Umangat ang kilay ko sa kanya at nginuso naman nya ang nasa likod ko. Nakatayo sa counter si Ace habang nakatingin sa akin. Nakataas ang kilay nya.
Napalunok ako nang bitbitin nya ang mga tray na may pagkain at naglakad papunta sa amin.
"Gah... 'Di ba, break na kayo?" Ngumuso si Cedric. "May pag-asa na ako." dugtong pa nito.
"Pag-asa?" Tanong ni Ace na tinulak ang upuan ni Cedric palayo sa akin para kunin ang space sa gitna namin.
Umupo sya ro'n at nilatag sa harap ko ang mga pagkain na binili nya.
"Pag-asa kay Zein." Pagmamayabang nya. "Pwede bang manligaw?" tanong pa niya.
Napasubo na lang ako ng fries dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Pag-asa kay Zein? I think, malabo." Kumuha si Ace ng fries at isinubo 'yon sa akin. "Hindi mo kayang palitan ang nag-iisang Ace Craige sa kanyang buhay." Pagmayabang nito.
Lihim akong napangiti nang magmura si Cedric. Binato kasi sya ng tissue ni Ace.
"Gah... Break na kayo, 'di ba? Wala ng kayo, Ace. Tapos na ang lahat sa inyo."
Mahinang tumawa si Ace na binuksan ang kanyang libro at nagbasa roon.
"Shut up." Bulong nito.
Napatingin ako kay Matt nang magring ang phone nya. Nakita ko ang pagkislap ng ngiti sa kanyang labi at ang pasimpleng pagkagat nya sa kanyang labi.
Hmmm?
"I have to go. May tatapusin pa akong proposal." Nagmadali itong umalis.
Napatingin naman ako kina Jerome at Vanessa na parehong nagbabasa ng libro. Okay...? Bakit ang weird nila?
Tumingin ako kay Cedric. "Tapos na kayong mag-exam?" tanong ko.
"Today is my birthday, Zein."
"So?"
"Slow." bulong nito bago kinuha ang kanyang bag at tumayo. "Maiwan ko na kayo. Kunin nyo na lang ang mga gifts ko sa locker. Sa inyo na." Inayos nito ang kanyang buhok bago umakbay sa babaeng nakasabay nya.
Kilala nya ba 'yon?
"Atin na lang daw. Tara." Hinila ni Vanessa si Jerome at nagmadali ring lumabas.
Napatingin na lang ako kay Ace na nakatingin din pala sa akin. Nakakunot ang kilay nito.
"Hindi ko alam na ganyan ka ka-interesado sa buhay ng iba."
"Jelly Ace na naman." bulong ko.
"Tatahimik ka lang?" Inis na tanong nya.
Nagtaka naman ako kung ano bang gusto nyang mangyari.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung tapos na ba akong mag-exam o kung kamusta na ako?"
"Ace. Hindi na tayo. Ano bang mahirap intindihin do'n?"
Humalakhak ito at ibinalik sa kanyang bag ang kanyang libro.
"Tinanong mo 'yon kay Cedric. Ibig bang sabihin no'n na kayo na?"
Hindi na ako tuluyang nakasagot sa mga sandaling 'yon. Hindi nya maintindihan ang gusto kong mangyari at alam kong hindi ko 'yon gaanong naipaliwanag sa kanya.
"Hindi ko alam kung ano ang rason mo sa pakikipag hiwalay sa akin. You didn't even bother to explain. But, yes. I gave you what you want."
Napapatingin na sa amin ang ibang tao rito sa cafeteria at alam kong hindi 'yon napapansin ni Ace o sadyang wala lang syang pakialam.
"Follow me," Aktong kukunin ko na nag bag ko nang hablutin nya ito at nauna na syang naglakad palabas.
Napangiti ako sa ginawa nya.
Pumunta kami sa likod ng isang building kung saan walang tao. Gusto ko syang makausap nang kami lang. Hindi ko inakalang mapapaaga ang pag-amin ko.
Humarap sya sa akin. Nakasandal ito sa wall habang suot ang kulay pink kong bag. Aww... My darling is so cute... And I'm gonna miss him.
"Ace. Isang buwan na lang."
"May taning na ang buhay mo? Kailan pa?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "No! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!" naiirita ako na hindi nya muna ako pinapatapos.
Humalakhak ito at kinagat ang kanyang labi.
"Cute..." He whispered.
"I mean... OJT." Lumunok ako bago nagpatuloy. "Napagdesisyonan kasi namin ni Vanessa na sa ibang bansa mag OJT." pagpapaliwanag ko.
Kinabahan ako nang umayos sya ng tayo. Mahigpit na ang pagkakahawak nya sa bag ko.
"Hindi ba ako kasama sa desisyon mo?" Tanong nya saka mahinang natawa. "Sabagay. I have told you to fight for youself and never be afraid to make a decision even if I am not included." Mapaklang sambit nito.
Oh, shit! Alas. Mamimiss ko ang pagiging oa mo.
"It's not like that. Nakadepende na kasi ako sa'yo, Ace. Gusto kong makawala." Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy na lang ako. "I mean, to live for myself. Kaya ako nakipaghiwalay sa'yo kasi gusto kong kumpletuhing muli ang sarili ko." Parang may bumara sa lalamunan ko matapo sambitin 'yon.
Ayokong dumating sa puntong masyado na akong nakadikit sa kanya. 'Yon bang tipong mamamatay ako 'pag nawala sya sa tabi ko kahit na ilang segundo lang. Gusto kong kahit papaano ay matutunan kong hindi sa lahat ng oras ay andyan sya.
"You need space?" Tanong nya.
Napangiti ako nang maging malambing ang kanyang boses.
"I want to give you that but darling, I'm scared." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking pisngi. "Natatakot akong makalimutan mo ako." bulong nya.
Napapikit ako nang halikan nya ang noo ko.
"Ace. 'Yon din ang isang dahilan kung bakit ko gagawin 'to. Gusto kong malaman na hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo kahit na malayo tayo."
"Paano kung---"
"Huwag kang magduda, Ace. Mahal mo ba ako? Kasi kung oo, makalipas ang isa't-kalahating taon. 'Pagbalik ko... Ako pa rin. Kahit na malayo tayo... Ako pa rin."
Napapikit ako nang halikan nya ako sa labi. Isang dampi lang no'n ngunit halos mapaupo na ako. Grabe ang epekto no'n sa akin.
"I won't say I love you 'cause you are more than those words." He whispered. "I won't say goodbye 'cause this is not a goodbye." napapikit ako nang muli nya akong halikan pero sa pagkakataong 'yon ay mas matagal.
Hindi kita makakalimutan, Ace. Ikaw ang dahilan kaya ko gagawin 'to. Para sa'yo... Babalik ako. Sa pagbabalik ko ay ipagpapatuloy natin lahat.
"Ace... Darling, I love you."
"Zein... I'll wait. Maghihintay ako. Paghahandaan ko ang pagbabalik mo." Niyakap nya ako nang mahigpit. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa aking mata.
"Prepare yourself, darling. You still have almost two years to prepare for that night... The time when we'll invade the night. The night when we'll be.... Together. Together in one room. Darling... Please come back."
Tumango ako.
"I will, Ace. You are my home after all."
***
Allison's Point of View
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang puntod. Ang pangalan na nakaukit don ay hindi ko pa rin matanggap. Kasalanan ko ang lahat.
Maaaring patawad nila ako ngunit hindi ko kayang patawarin ang sarili ko.
"Masaya na sya kung nasan man sya ngayon," wika ni Tita Mira.
Pumatak ang luha sa aking mata. Mas masaya kung narito sya.
"A-Ate Samantha... Salamat."
Salamat kasi sa kabila ng lahat nang nagawa ko sa'yo, ako pa rin ang inintindi mo. Salamat kasi hanggang sa huli ay kaligtasan ko pa rin ang inisip mo.
Bigla kong naalala ang mga huling katagang binitawan nya bago ako ipinagtulakan palayo at para hindi na muling bumalik.
"Allison. Huwag ka ng babalik dito. Iligtas mo ang sarili mo. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyari kasi alam kong tinamaan ka lang ng pag-ibig. Mahal na mahal kita... Kayo ni Zein. Huwag ka ng babalik, iligtas mo ang sarili mo... Makakasama sa'yo ang lugar na ito."
Kahit na ayoko silang iwan ay ginawa ko. Wala akong pagpipilian nung mga panahong 'yon kundi ang lumayo ay huwag ng bumalik. Hanggang sa nagtangka akong bumalik... Wala na. Hindi ko na sya inabutan.
Magmula no'n ay kinimkim ko lahat ng sakit at pagsisisi. Sinubukan kong ibaon sa limot ang lahat at magsimula nang bago buhay.
Mahal na mahal din kita, ate... Salamat.
Tumayo ako at pinunasan ang luha sa aking pisngi.
"Tita mauna na ako," Pagpapaalam ko dahil may kikitain pa ako.
Tumango ito bago ako binigyan ng saglit na yakap. "Sa wakas ay malaya ka na. Mabuhay ka, Allison. Kailangan ka nya. " bulong nya sa akin.
Mabilis na pumunta ako sa isang restaurant kung saan nakita ko sila.
"Here!" sigaw ni Roxane.
Mabilis na lumapit ako sa kanila. Kumunot ang noo ko nung hindi sya makita.
"Akala ko kasama mo sya?" Naguguluhang tanong ko kay Nicky na naglalagay ng itim na lipstick sa kanyang labi.
"Nag-cr lang." Sambit naman ni Winzy na umiinom ng tubig.
Tumango na lang ako at napangiti. Hindi ko alam kung paano nangyaring isang araw ay nasa tapat na ng pinto ng bahay namin ang tatlong ito.
Namiss ko ang buhay namin sa loob ng Hell University. Sila ang nakasama ko roon. Si Nicky na ate ang tawag sa akin kahit na magkasing tanda lang kami, si Roxane na bigla na lang dumikit sa akin at sinabing kaibigan ko na sya at si Winzy na lagi naming pinapatahan 'pag takot.
Namiss ko ito...
"May balita naba kay Raze?" Biglang tanong ni Roxane.
Natigilan namana ako. Nung dinala namin sya sa hospital ay naging okay naman sya. May side effect pala ang artificial na mata'ng ipinalit sa kanya sabi ng doctor. Hindi sya maaaring maging emosyonal at naaapektuhan dahil naapektuhan ang mata nito na hindi gaanong nakakapagproduce ng luha kaya pag nasobrahan ay dugo ang lumalabas.
Naging okay naman kaming lahat... Ngunit, kinabukasan... Bigla na lang syang nawala.
Hindi na namin sya mahagilap. Naglaho sya nang parang bula.
"Andito na pala ang baby natin!" Masayang wika ni Roxane sa lalaking nakataas ang kilay.
Natawa ako sa inasta nya.
"I.am.not.your.baby." Matigas na sambit nito bago umupo sa tabi ko.
"Mom? Kumain ka na?" Tanong nya sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga sumunod sa kanya. "Shark! Ba't mo sinama ang mga pusa mo!" bulalas ko nang magsigawan ang mga tao rito.
"They don't eat people." Malamig na sambit niya sa mga taong nag-over react nang makita ang mga alaga nyang pusa.
"Shark... Napag-usapan na natin 'to, hindi ba?" Babala ko.
Ngumuso lang ito at humalukipkip.
"Manang-mana sa kanyang ama!" Humalakhak si Winzy.
Napatingin ako sa kanyang mga alaga. Si Winzy, Ghost at ang tatlo nilang anak na hindi ko na inalam kung anong pangalan.
Pinagmasdan ko kung paano nya sungitan sina Roxane at Nicky. Nakakatakot ang malalim at singkit nyang mata na animo'y bigla ka na lang susunggaban. Ngunit 'pag ngumingiti ito ay nakikita ko sa kanya ang kanyang ama.
Ito ang dahilan kung bakit ako pinagtulakan ni ate palayo at para huwag ng bumalik no'n. Ito ang lihim kong itinago ni Ace dahil ayaw nya akong pangunahan. Kasi nalaman nilang... Nagdadalang-tao ako no'n.
At ito ang sikretong... Hindi ko nasabi sa kanya... Baby, I'm sorry. I'm sorry for not telling you the truth. But I know, it's the end for both of us... I love you... Still you.. Baby.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro